My Possessive Playboy [Saldav...

By Anyenggggg

41.4K 1K 104

Series #3 [ISAAC LERN SALDAVIGA] Started Date : March 6, 2021 Finished Date : May 3, 2021 More

AUTHOR'S NOTE
O
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE

Chapter 23

621 21 0
By Anyenggggg

Tuloy pa rin naman ang buhay. Hindi lang naman sa ibang tao umiikot ang buhay ko kaya nagpapatuloy pa rin ako kahit paminsan minsa'y---mali, kahit araw araw naiisip ko ang lahat...lahat lahat.

"Pakiabot ng straw, Thia." Utos ko kay Thia habang nagsasalin ako sa bote ng buko shake, ito kasi ang binebenta namin. Actually marami, kaso ito lang ang mabenta dahil wala pa kaming naiisip na gimik para sa mga customers.

"Salamat." Ani ko at inabot na rin sa bumili na senior high school student.

Ngumiti ito sa akin. "Ate, alam mo may naisip ako para mabenta niyo rin yung mga foods." Palakaibigan siyang umupo malapit sa akin. Hindi ko siya pinagtuonan ng pansin pero alam naman siguro niyang nakikinig ako dahil nginitian ko siya. "Why don't you sing ate? I saw you before, you're the one who won in our foundation day. You sang right?"

Agad na tumabi sa kanya si Thiara. Napailing iling na lang ako ng siya na ang dumaldal sa batang babae.

"She really have a nice voice po, kaya sinuggest kong kumanta s---"

"Anong suggestion mo para sa akin?"

"Hmm. Ano po, ahm... maupo na lang po kayo---"

"Ay bastos." Biglang sabi ni Thia kaya natatawa ko silang binalingan. Ngumuso ang bata at tinapunan ako ng tingin, agad na ngumiti ito sa akin.

"Joke lang po! Magaling ka pong sumayaw diba? Kasali ka sa dance troupe?"

Humalakhak si Thiara at pabirong pinalo ang bata sa braso. Napangiti ako.

"Nakikita mo pala ako? Grabe, malambot ba katawan ko? Magaling ba ako---"

"Suggest ko pong sumayaw ka while ate Yohana's singing, para po mabaling sa inyo ang atensyon ng iba. Ang ikakanta naman po ni ate Yohana is yung pang broken dahil mas naeengganyo po ang mga kabataan sa mga sad songs, like Paubaya by Moira."

"Gaga, paano ako sasayaw? Hindi naman kasayaw sayaw ang Paubaya, niloloko mo ako 'no?" Masungit na tanong ni Thiara na tinawanan lang ng bata. "Gora na girl, akitin mo sila sa boses mo!" Gumiling giling pa siya. I laughed and nodded.

I can sing that...pero nahihiya ako. Yung mga broken lang ang lalapit sa amin. Napatingin ako sa mga tao, mas dinudumog nila ang mga sosyaling pagkain, ang mga palaro at iba pang booth.

Huminga ako ng malalim. Tumayo ako sa may gilid ng mga paninda ng section namin at marahang ngumiti sa mga tumitingin sa akin. I pinched my fingers.

[Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal]

Ngumiti ako ng makitang napapalingon sa akin ang iba. May mga lumapit na rin.

°

[Saan nagkulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?
Ako ang kasama, pero hanap mo siya]

°

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Hanggang sa hindi ko na mabilang. Halos mapuno ang booth namin. Mga nagpapapicture or kaya nagvivideo, marami na rin ang bumibili.

"Ate! Wala bang libreng kiss?" Anang isang estudyante.

I laughed and shook my head, continue singing.

°

[At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya]

°

"Arayyyy!" Hiyawan nila ng matapos ko ang chorus. They held their chests like they can feel the pain from the lyrics.

Dapat ako gumagawa niyan! Pinaubaya? Really?

°

[Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako?
Ba't 'di mo inamin na mayro'ng iba?
Ako ang kayakap, pero isip mo siya]

°

I started the second verse. They all wave their hands in the air and sing with me.

Napangiti ako ng malaki. Kinindatan ko ang batang nagsuggest sa amin. She thumbs up and smiled widely.

Matapos ang kanta ay marami pa ring nakapila. May mga nagpapapicture pa sa akin. Gosh! Nakakahiya pala.

"Miss, can I get your number?" Hirit ng isa.

Nagdadalawang isip ako pero lumapit na agad si Thiara sa lalaki at may binigay.

Napakunot noo ako, may maliliit na papel siyang hawak!

Binatukan ko siya. "Ano 'yan?"

"Numbers mo!" bumulalas siya ng tawa na para bang wala siyang ginagawang katarantaaduhan. Agad kong binawi ang hawak niya.

Napatampal ako sa noo bago tumawa. "Baliw ka. Dadami katext mate mo niyan, advance ka mag-isip."

She laughed. "Ako pa ba? Gusto ko ngang sumayaw, kaso next time na lang pala. Nahiya ako eh, galing mo kanina."

"Salamat." I chuckled.

Tinulungan ko ulit ang mga kaklase kong magbenta. Nang medyo tanghali na ay paubos na ang mga ingredients namin kaya kailangan ulit bumili kaso wala kaming mautusan! Mga nagsitakasan, wala ng makakaalis kundi kami lang ni Thiara dahil magbabantay si Henry at iba pang kasama roon, kanya kanya na silang pwesto sa babantayan. Mga tamad umalis sa school. Hays.

Habang namimili ng mga ingredients ay panay ang kuda ni Thiara tungkol kay Lance, dahil nga sa umalis ito at hindi man lang nagpaalam sa kanya. Nagtatampo raw siya. Amper daw.

"Napaamper talaga ni Lance! Bakit ba hindi siya nagpaalam sa akin? Amper."

"Para kang bata. Icheck mo messenger mo baka nagchat doon."

"Hmp! Wala, I deactivated my account. Wala namang kwenta e."

"Dami dami kasing nagchachat sayo, ayaw mong replyan."

She hissed. "Why would I? Wala akong pakialam 'no. Manapa kung gwapo."

Inirapan ko siya at tinungo na ang counter. Pagkatapos kong bayaran ay bumalik na rin kami sa eskwelahan.

Pinauna ko si Thiara dahil kailangan kong magbihis, medyo bumabakat na kasi ang tube ko dahil sa pawis at kulay puti ang tshirt ko.

"Can we talk?"

Natigil ako sa paglalakad ng may malamig na boses ang pumukaw sa akin.

Dahan dahan akong humugot ng malalim na hininga at nilingon siya. Hindi ko siya tiningnan sa mata.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Kung hindi pa malinaw sayo, wala na tayong pag-uusapan." Mariing sabi ko.

"And now, you're the one who's mad now? It should be me!" Galit na sabi niya.

Nakakunot noo ko siyang tiningnan. Anong karapatan niyang sabihan akong ganyan?

"Why are you shouting?! At bakit hindi ako ang dapat magalit?! Dapat ikaw? Ang kapal din ng mukha mo."

He glared at me. Napaiwas ako ng tingin. Bakit ganyan siya makatingin? Siya pa galit ha? Matapos niya akong lokohin.

"Explain these. Explain EACH pictures, Yohana. Because I don't know how to interpret these shits!" Padabog niyang binigay sa akin ang cellphone niya.

Nanlaki ang mata ko ng makitang pictures namin 'yon ni Lance. Apat iyon at hindi ko alam kung saan niya galing 'yon o kung siya ba ang nagtake!

Una, magkahawak kamay kami ni Lance habang nakatayo sa may harapan ng room ni papa.

Pangalawa, sa parking lot na niyakap ako ni Lance.

Pangatlo, yung nakangiti ako habang ginugulo niya ang buhok ko.

Pang-apat, he's kissing my forehead in front of our apartment.

Agad kong binalik sa kanya ang phone at sunod sunod na umiling. That was nothing but a friendly gestures!

"What? You cheated on me, Yohana. You also lied to me." His voice was stern and I can feel his coldness.

"I-i..." I shook my head again. "I-i didn't---"

He cut me off. "Now, you still love him right?" He was serious and cold, nothing change.

I shook my head. Ito lang ata ang kaya kong gawin. Nanginginig ang labi ko dahil sa kaba at takot. Diba ako ang dehado? Kasi harap harapan yung sa kanya tapos hindi pa sila magkaibigan. Tapos sa akin, kaibigan ko lang naman si Lance!

"I-i d-did'nt---"

"What? You didn't? So these are?? What Yohana? May ebidensya na nga, dinedeny mo pa?"

Napakagat labi ako at nag-init ang gilid ng mga mata ko. H-hindi niya ba ako papakinggan?

"H-hindi ko siya mahal..." I whispered.

He looked at me with a glared, he then threw his phone.

Nanlaki ang mata ko, lalapitan ko sana ng mauna siya at inapakan niya iyon!! Iphone 12 Pro-max yon.

"This is bullshit!" He shouted. Gigil na inapak apakan ang cellphone niya. "I believe in you, Yohana." Iyon lang ang sinabi niya at iniwan akong tulala.

I wiped my tears as they came out after Isaac turned his back. Para akong patay ng nilapitan ang warak warak niyang cellphone. Ang case lang ang hindi nasira.

Umiiyak kong kinuha ang case, nagulat na lang ako ng tumambad sa akin ang mukha ko. I don't even saw this a while ago! Kahit pa nong mga panahong hawak hawak niya ang cellphone niya sa harap ko!

Mas lalo akong naiyak ng mapansing may date pa ng dapat ay anniversary namin. Humahagulgol ko yung niyakap.

Bakit naman niya ako nilagay sa customized case niya? Bakit hindi si Grethel?

Continue Reading

You'll Also Like

47.4K 1.4K 28
All she knows was everything's perfect. From her life to her lovelife. Pero bakit sa isang iglap ay bigla nalang nyang nakalimutan ang lahat? Isang...
13.1K 436 21
COMPLETED STORY Love has no boundaries. We can love anyone without someone stopping us. Nothing is wrong with falling in love. It's not a sin and it'...
356K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
879K 19K 37
Synopsis All her life she was being compared to her twin sister Annica. Who's more beautiful, smart , sophisticated than she was. Well, she accepted...