LOVE WITHOUT BOUNDARIES

By maxinejiji

39.2M 1.6M 3.9M

Love Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions arou... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Aking Buwan (Love Without Boundaries Official Theme Song)
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66

CHAPTER 43

435K 22.2K 44K
By maxinejiji


CHAPTER 43

"HI, DAINTY," bati ni Danice.

Awtomatiko akong ngumiti. "Wow," nagliwanag ang mukha ko. "Napakaganda mo, Danice!"

Suot ang kulay lilac na long gown, perpekto siya para sa role ng isang prinsesa. Gaya ng sa akin, may manipis iyong manggas ngunit umaabot sa kaniyang pulsuhan. Malalim ang dibdib ng gown, halos makita ang cleavage niya. Pero kayganda lalong tingnan niyon dahil angat ang mga buto niya. Napakaganda ng mga mata niya, lalong humaba ang mga pilik-mata at mukhang natural ang makeup. Bukod do'n, umaalingasaw ang kaniyang bango.

Mukha talaga siyang prinsesa. Iyong nga lang, iyong role ng kontrabida ang napunta sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang napili gayong mas maganda siya.

Nakaladlad ang kalahati ng buhok niya habang ang sa ibabaw ay nakatirintas nang malalaki mula unahan, papunta sa likuran. Lalong kuminang ang kaniyang ganda dahil sa mga suot niyang palamuti sa tenga at leeg.

"You look good, too," ngumisi siya.

"Salamat, Danice," nahihiya kong tugon.

"Lalo na at hindi kita ang paa mo, lalo kang gumanda," mapang-asar niyang dagdag na agad tinawanan ng kaniyang barkada. Na nang sandaling iyon ay litaw na litaw rin ang ganda sa kani-kanilang pula at berdeng long gowns.

Hindi na ako nagsalita at sa halip ay pinagbuntong-hininga na lang ang tawanan nila nang tuluyan akong talikuran. Hindi lang sila, napakaraming pumuri sa aking itsura ngunit kasunod no'n, hinahanap nila ang aking paa. Hindi tuloy ako sigurado kung sinsero ba ang papuri nila o naroon para mang-alaska.

"Good morning, everyone!" tinig 'yon ni Sir Migz Agripa na siyang emcee sa musical play at buong programa. "On behalf of Brint International School drama and music club, welcome to BIS' drama ang music festival! I'm Gavin Migz Agripa and I will be your emcee for the day. Yes, 'no? Yes!"

Nagpalakpakan ang audience at nang humupa iyon ay nagsalita uli si Sir Migz na may halong biro kaya gano'n na lang ang tawanan ng mga tao.

"We would like to acknowledge the presence of Moon family. Thank you for takinga time out from your busy schedules. Let's give them a round of applause, everyone!"

Nagpalakpakan ang lahat ng audience at bawat dagundong niyon ay dumaragdag sa kaba ko.

Hala...

Abot-abot ang kaba ko sa katotohanang naroon ang pamilya ni Maxrill Won. Sa sandaling iyon pa lang ay iniisip ko na kung sino-sino ang mga naroon o kung kompleto ba sila. Lalo tuloy akong nag-alala kung mairaraos ko ba nang maayos ang performance ko, lalo na ang pag-arte at pagkanta.

"Grabe, sobrang ganda mo talaga, Dainty."Humahangang tinig ni Mrs. Gertyard ang gumising sa naglalayag kong isip.

Ngumiti ako at tumayo. "Salamat po ulit, Mrs. Gertyard. Kung hindi po dahil sa inyo, baka hindi ako nagkaro'n ng lakas ng loob na sumali rito. Kahit po kabado ako, aaminin ko pong masaya ako na nakapag-participate. Ito po ang unang pagkakataon na nakasali ako sa kahit anong school activity," mahabang sabi ko.

Nakangiti siyang umiling. "You deserve it, Dainty. I mean, look at you..." Hindi mawala ang kinang sa mga mata niya, naging emosyonal ako bagaman naroon pa rin ang hiya. "Gaya ng sinabi ni Mr. Faller, walang ibang qualified sa role kung hindi ikaw."

"Salamat po ulit, Mrs. Gertyard. Hindi ko po kalilimutang pasalamatan si Mr. Faller kahit po paulit-ulit ko na 'yong ginawa."

Tumango siya at hinaplos ang buhok ko. "Enjoy mo lang ang performance. Natural kabahan pero maniwala ka, ikaw ang pinakamaganda sa oras na 'to."

"Salamat po, Mrs. Gertyard," pakiramdam ko ay paulit-ulit kong sasabihin ang linyang 'yon sa kaniya.

Sa lahat ng propesora, siya ang paborito ko. T'wing music subject ang klase, walang sandaling hindi interesante. Marahil ay dahil mahilig din ako sa musika. Pero malaking dahilan ang pagiging mabait ni Mrs. Gertyard, at alam kong hindi lang siya sa 'kin ganito, kundi sa lahat ng estudyante.

"Dainty, let's go," tinig iyon ni Gideon.

Nilingon ko siya at nginitian. "Sige."

Nakita ko siyang matulala sa akin sandali at nalito kung paano at saan ako aalalayan. Nakita niya naman na ako kanina, ewan ko kung bakit parang nagugulat pa rin siya. Inilahad ko sa kaniya ang kamay ko na sandali niyang pinag-alinlanganan bago tinanggap nang tuluyan.

Iginiya ako ni Gideon papunta sa likod ng pinasadyang kastilyo nang hindi inaalis ang paningin sa mukha ko. Hindi lang siya ang ganoon, maging ang iba naming kaklase, pakiramdam ko ay hindi inalis ang paningin sa akin. Ang ilan ay naririnig kong humahanga, karamihan ay lalaki, habang ang iba ay palihim pa rin akong sinisiringan, pawang mga babae.

"I can't believe how beautiful you are, Dainty."Pareho kaming nagulat nang sabihin ni Gideon 'yon. "I mean...b-bagay sa 'yo ang role at...ang suot mo. You really look like a princess."

Ngumiti ako. "Salamat, Gideon. Ikaw rin, bagay sa 'yo ang prinsipe."

Napatitig siya sa 'kin at pinamulahan ng pisngi. Nag-iwas siya ng tingin at tuluyan akong iniupo. "G-Good luck, Dainty."

"Sa 'yo rin, Gideon."

Sandali pa siyang tumitig sa 'kin bago ako tuluyang iniwan. Habang nakaupo ay panay ang buntong-hininga ko. Hindi ko malaman kung paanong ayos pa ang gagawin sa headset microphone sa mukha ko gayong maayos naman na 'yon. Kinakabahan akong baka biglang hindi gumana 'yon kapag parte ko na ng performance.

Sandali pang nagsalita si Sir Migz sa mikropono, binabati ang presensya ng mga bisita at matataas na tao sa BIS. Gano'n na lang uli ang kaba ko dahil maging ang pamilya pala ni Rhumzell ay naro'n at nanonood. Maging ang mga kilalang politiko sa lalawigan. Special guest si Ate Kimeniah at Kuya Lee Roi. Hindi na rin ako magugulat kung maging si Kuya Tob ay naro'n at iba pang kabarkada nina Ate Maxpein at Kuya Deib Lohr.

Bagaman alam kong pupunta sila roon kahit na hindi ako kasali sa musical play na 'to, iba ang pakiramdam dahil ako ang may hawak sa lead role. Nakakakaba pero sa kabilang banda ay masaya. Nag-aalala ako pero kasabay no'n ay excited din akong kumanta. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam, halo-halo masyado para mapangalanang isa-isa.

"For our first performance, please give a warm welcome to DVM Section 1-A!" anunsyo ni Sir Migz, tinutukoy ang section namin, dahilan para muling mapuno ng palakpakan ang buong hall.

Napapikit ako nang tumugtog ang kingdom song na siyang hudyat ng pagsisimula ng aming musical play. Saka ako marahang nagmulat kasabay nang pag-angat nang malaking curtain. Umugong ang paghanga ng audience, batid kong nasa akin ang kanilang paningin ngunit hindi ako sigurado kung ako ang kanilang hinahangaan. Kasi saksi ako kung gaanong kagaganda at kaguguwapo ang mga kaklase ko sa oras na 'to.

Sinikap kong pigilan ang kaba nang tuluyang makita ang laki ng crowd. Puno ng hindi mabilang na tao ang mga silya at nakasisilaw ang naglalakihang mga ilaw. Kaliwa't kanan ang flash ng camera, bukod doon ay may nagbi-video pa.

Agad kong namataan sa dagat ng tao ang pamilya ko ngunit kahilera nila ay ang hindi ko talaga inaasahang presensya ng pamilyang Moon. Lahat sila ay nahanap agad ako at hindi na yata inalis pa ang paningin sa akin.

Inisa-isa ko ang pamilya ni Maxrill Won at walang kulang, lahat nga sila ay naroon. Mula sa aisle ay naroon si Lolo Mokz, katabi sina Tiya Maze at Tiyo More. Na sinundan ni Kuya Maxwell, Ate Maxpein at Kuya Deib Lohr, na karga si Maxspaun. Kasunod ay naroon si Maxrill Won at siyang nasa gitna ng mahabang hilera ng mga silya. Katabi niya sina Kuya Dirk at Aling Nenita na hindi ko lalo inaasahang dadalo pa. Kasunod nila ay sina nanay, tatay, Kuya Kev at Bree Anabelle.

Pare-parehong itim ang suot ng mga Moon, mula sa sombrero nina Lolo Mokz at Tiya Maze, hanggang sa kanilang mga sapatos na nakita ko kahit madilim dahil pare-pareho silang nakapandekwatro sa iisa ring gawi. May naiiba pa rin naman, kulay asul ang tie ni Maxrill Won na hindi nalalayo sa kulay ng gown ko, pula naman ang kina Kuya Deib Lohr at Kuya Maxwell. Habang si Ate Maxpein ay pulos itim talaga ang suot, balat niya lang ang naiibang kulay.

Maging ang pamilya ko ay pulos itim ang suot ngunit may malalaking bahid ng ibang kulay. Lahat ng damit na suot nila ngayon ay binili ni Maxrill Won nang lingid sa kaalaman ni tatay. Ani nanay ay baka hindi tanggapin ni tatay 'yon kapag sinabi namin.

Sa unang pagkakataon ay tila naunawaan ko ang mga sinabi ni Bree Anabelle. Ang kakaiba nilang dating, pawang mga nakaitim at seryosong nanonood sa munti naming palabas, nagdudulot ng dagundong sa dibdib at kilabot sa kabuuan ng aking katawan. Kung tutuusin, gaya ng iba ay nakatingin lang naman sila. Gaya ng iba ay mga nakaupo lang sila at naghihintay magsimula ang play. Pero kahit gano'n, iba ang kanilang epekto. Paano kaya nilang nagagawa 'yon gayong wala naman silang ginagawa at natural lang ang kanilang kilos.

Hindi lang naman sila ang nasa unahang orchestra dahil nasa gitna lang ang area nila. Marami pang silya sa kaliwa't kanang gawi ng kanilang hilera. Pero...paano? Kakaiba.

Nagsimula ang play sa pagkanta ni Danice. Natahimik ang buong hall at tanging tinig niya ang maririnig bukod sa piano. Walang kasingganda ang boses niya na kayang magpatulog ng sanggol panigurado. Natural niyang nasasabayan ng pag-arte ang pagkanta. Gano'n na lang kaganda ang pilantik ng mga kamay niya habang tila may nakikitang anghel sa ere na kaniyang kinakausap at hinahaplos ang mukha. Sa panonood lang, naaapektuhan ako sa galing niyang umarte. Sa unang parte ay nakangiti siyang umaawit ngunit gano'n kabilis siyang pinangiliran ng luha sa sumunod na stanza.

Napangiti ako nang pasayaw niyang yakapin ang sarili at madamdaming kinanta ang isang linya. Saka siya umikot at nang muling humarap ay lumabas na ang kaniyang kapareha upang sabayan siyang kumanta. Sa pag-abante ng prinsipe ni Danice ay siyang pag-atras niya. Hihinto si Danice at emosyonal muling yayakapin ang sarili, habang ang kaniyang prinsipe ay aakto na para bang nahihirapan siyang abutin. Hanggang sa magtagpo ang kanilang mga kamay, iniyakap ng prinsipe ang braso sa bewang ni Danice saka sila magkayakap na sumayaw.

Napakagagaling nila...

Sabay-sabay na nagsipaglabasan ang lahat ng kaklase kong nakatoka sa pagsayaw at mag-second voice sa dalawang nasa unahan. Walang kasingganda ang tanawin nila dahil naging isa sila at pare-pareho ang magkakasabay ring mga galaw. Nasisiguro kong kayganda lalo nilang panoorin mula sa audience.

Inayos ko ang mikropono nang mapagtanto ang hudyat ng pagkanta ko. Nanginginig ang kanang kamay kong ipinuwesto sa bintana ng kastilyo at saka inilabas ang kaliwang braso na siyang parte ng performance ko. Gaya ng itinuro ay ipinilantik ko nang may arte ang aking mga daliri. Saka ako gumawa ng ritmo na pakaliwa at pakanan na para bang may hinahawi akong hangin sa kawalan na sinasabayan ko ng madamdaming tingin.

Nagsimulang bumuka ang bibig ko at kinalimutan ko ang dami ng tao. Ngumiti ako na para bang nakikita ko kung gaano kaganda ang mga ngiti ni Maxrill Won sa t'wing makikita ako. Kung ano ang ginawa ko noong practice ay tila nahigitan ko sa sandaling ito.

Standing here,

It's all so clear

I'm where

I'm meant to be...

And at last I see the light

And it's like the fog has lifted

And at last I see the light

And it's like the new sky

Bagaman seryoso sa pag-arte at pagkanta, iniisip ang tamang wagayway ng mga kamay at pagladlad ng buhok sa mataas na tore, hindi nakaligtas sa paningin ko ang reaksyon nina Bree at nanay.

Ngumiti ako at pinagningning ang mga mata ko sa kawalan kasabay ng pagkanta. Saka ako tumingin sa harapan at hindi ko inaasahang magtatama ang paningin namin ni Maxrill Won. Naging mas madamdamin ang pagkanta ko nang makita kung gaano kalalim ang pagkakatitig niya sa akin. Malayo 'yon nang mga sandaling pinanonood niya kaming mag-practice. Hindi ko maiwasang isiping sa sandaling ito, kami lang ang tao. Pinakikinggan at pinanonood niya ako at siya lang ang inaawitan ko.

And it's warm and real and bright

And the world has somehow shifted

All at once everything looks different

Now that I see you...

Hindi gaya no'ng mga nakaraang practice, mas emosyonal ko nang kinanta ang huling linyang 'yon. Hindi ko alam kung dahil 'yon sa nakakahawang galing ng mga kasama ko o dahil sa ganda ng pagkakatitig sa 'kin ng lalaking gusto ko. Pakiramdam ko kasi ay may kinalaman doon ang mga huli niyang sinabi na hanggang ngayon ay nagdudulot ng magandang pakiramdam sa 'kin.

Nilingon ko si Gideon nang linya na niya ng pagkanta. Panay ang ngiti ko na siyang parte ng pag-arte pero ang totoo, si Maxrill Won ang nakikita ko. Ang magkahalong paghanga at pagmamalaki sa mga mata ni Maxrill Won nang magtama ang paningin namin ang bumuhay sa kompyansa ko.

Ilang saglit pa at sinabayan ko sa pagkanta si Gideon pero hindi na siya ang nakita at narinig ko kung hindi ang lalaking gusto ko. At sa halip na kanta namin ang marinig ko, boses ni Maxrill Won ang pumuno sa aking pandinig, paulit-ulit na sinasabi ang huling mga salitang binitiwan niya kanina. At nagtuloy-tuloy ang gano'ng pakiramdam at imahinasyon ko hanggang sa sumunod naming kanta nang hindi ko na naramdaman pa uli ang kaba.

Ilang beses akong binagabag at kinabahan. Hindi lang isa kundi sampung kanta ang inawit ko kahit maiikli ang karamihan. Ilang kanta ang nakaatas sa 'min ni Gideon. Naro'n 'yong nakaluhod siya sa harap ng kastilyo at para akong hinaharana. Naro'n 'yong inililigtas niya ako kay Danice at sa mga kapatid nitong kontrabida. Mayroon pang pumasok siya sa kastilyo at magkayakap kaming kumakanta. Sa huli ay pareho na kaming nasa labas ng kastilyo at umawit nang magkahinang ang mga mata.

May mga kanta ring para sa amin lang ni Danice. Nagse-second voice ang mga kaklase namin. Palibhasa'y kontrabida siya sa play, para kaming nagpapalitan nang maaanghang na salita sa pamamagitan ng pagkanta. Pero nang matapos ang play ay tila hindi ko 'yon naramdaman dahil lahat ay masaya kong kinanta.

Naglakad uli ako papalabas sa pinasadyang kastilyo sa tulong ni Gideon, upang humilera sa mga kaklase kong naroon na sa harap ng stage. Humawak ako sa kamay ni Gideon at sumabay ng pagtango sa lahat.

Napuno nang malakas na palakpakan at maugong na hiyawan ang buong hall. Nang umayos kami ng tayo ay emosyonal na tiningnan ng lahat, lalo na ako, ang kani-kanilang pamilya.

Hindi mapangalanan ang paghanga at pagmamalaki sa mukha nina nanay, tatay, kuya at Bree. Para silang maiiyak habang pumapalakpak at nakatanaw sa akin. Panay ang pagkaway ni tatay at nagpapalipad ng halik.

Naiilang at kinakabahan man ay gano'n na lang kaganda ang pagngiti ko sa pamilya ni Maxrill Won na noon ay pawang mga nakatayo. Bahagya silang nagsipagtanguhan na bagaman mababaw, kahanga-hangang sabay-sabay gayong wala silang hudyat sa isa't isa. Na seryoso man ay taas-noong pumalakpak, ang paghanga ay naroon sa maawtoridad nilang mga mukha.

"What a wonderful performance!" muling umalingawngaw ang tinig ni Sir Migz. "Wow!" hindi niya masundan ang sasabihin habang nakatingin sa lahat sa amin.

Napakaraming sinabi ni Sir Migz pero parang wala na akong naintindihan sa mga 'yon nang makita ang reaksyon ni Maxrill Won. Ngumiti siya sa 'kin at kahit huminto na sa pagpalakpak ang karamihan ay patuloy pa rin siya. Na bagaman nakaupo na ang kaniyang pamilya, nakatayo pa rin siya.

"I love you..." muli niyang sinabi nang walang tinig ngunit nabasa ko ang kaniyang bibig.

Nangilid ang luha ko at emosyonal na napangiti. Mahal din kita, Maxrill Won... Gusto kong sabihin 'yon ngunit hindi maaari dahil sa aking sitwasyon. Siguradong hindi lang siya ang makakakita no'n.

Isa-isang binigyan ni Mrs. Gertyard ng bungkos ng bulaklak ang mga kaklase ko. Nakangiti akong naghintay ng para sa akin matapos ni Gideon. Ang lahat ay napalingon sa gawi ng backstage nang mangibabaw ang tinig ni Mrs. Gertyard. Na hinahanap ang isa pang bungkos ngunit mukhang wala na siyang makita. Lumaylay ang mga balikat ng propesora at nahihiyang sumulyap sa akin.

Awtomatiko akong ngumiti. "Ayos lang po, Mrs. Gertyard," sinabi ko nang magmadali siyang lumapit sa 'kin.

"Pasensya na, Dainty, sigurado akong kompleto ang binili ko. Katunayan, lahat 'yon ay may pangalan ninyo,"pabulong niyang sinabi, sapo ang noo. Paniguradong nahihiya siya sapagkat nangyari ito sa harap ng lahat. "I'm so sorry, Dainty."

"Wala po 'yon, Mrs. Gertyard, masaya akong sucessful ang performance natin," tugon ko.

"Oh, Dainty, thank you," niyakap niya ako at muling binalikan ang mga crew.

"Kumustahin naman natin si Dainty Arabelle Gonza,"bigla ay ani Sir Migz sa mikropono dahilan para maalerto ako. Naglalakad na siya papunta sa gawi ko. "Hello, Princess Dainty!" Inabot niya ang mic sa 'kin at ilang beses akong nag-alinlangan bago 'yon tinanggap.

"Hello po," mahina kong sabi, halos hindi umabot sa mic.

"Napakaganda mo namang bata ka! Ganyang-ganyan ako no'ng high school! Yes, 'no? Yes!"

Nagtawanan ang audience, lalo na si Kuya Deib Lohr na siyang ikinainsulto at sinimangutan ni Sir Migz.

"Bagay na bagay sa 'yo na maging princess, at pang prinsesa talaga ang pangalan mo, in fairness!"

"Salamat po."

"Yes, 'no? Yes," ani Sir Migz nang sumang-ayon sa kaniya ang audience.

"Salamat po ulit, Sir Migz."

Nagulat siya, umawang ang labi at nahawakan ang dibdib. "Hija...did you just call me sir?" may riing aniya.

Hala... "Opo, hala...ano...sorry," naitikom ko ang bibig ko.

"Mukha ba akong sir?" namewang siya gaya roon sa mga magagandang babae sa beauty pageant.

Kinabahan ako. "Pasensya na po."

Humalakhak si Sir Migz. "Binibiro lang kita. You're so cute and adorable! Napakahinhin mo at parang marshmallows sa lambot ang boses mo. Ang galing mong kumanta!" iniharap niya uli ang mikropono sa audience nang may students na sumang-ayon muli sa kaniya. "Yes, 'no? Yes!"

"Salamat po."

"Magpakilala ka naman sa lahat."

Kinakabahan kong inilapit ang mic sa labi ko at naiilang na tinanaw ang audience. "Hello, I'm Dainty Arabelle Gonza."

Naghiyawan ang mga lalaki matapos kong magpakilala. Nanghina at nanlambot ang mga tuhod ko sa hiya kaya kinailangan kong tumagilid upang wala nang makita. Sa sandaling iyon, gusto kong matapos agad ang pakikipag-usap sa 'kin ni Sir Migz.

"Grabe, nandito ang pamilyang Moon para panoorin ka, ano'ng pakiramdam?" dagdag niya.

Napasulyap ako sa gawi nina Maxrill Won. "Masaya po."

"Sobrang mahiyain ni Dainty," natutuwang ani Sir Migz, nahihiya akong ngumiti at nagbaba agad ng tingin. "Mahiyain din naman ako pero...bakit hindi ako kasingganda mo?"

Sinilip niya ang mukha ko dahilan para lalo akong mapatungo. Hindi ko malaman kung makikingiti o makikitawa sa kaniya. Ni hindi ko kinayang sumagot. Ang tanging nagawa ko ay palobohin ang pisngi ko at ngumuso.

"'Te, ang tahi-tahimik na nga ng bahay ninyo, ganitong mahiyain pa ang nagustuhan ng kapatid mo. Naku, good luck na lang talaga."

Bigla ay kinausap niya si Ate Maxpein na noon ay natawa, kasabay ng mga barkada nila. Hindi ko naunawaan ang biruan nila pero hindi ko napigilang pamulahan ng pisngi. Dahil sa intindi ko alam niyang may kapatid si Ate Maxpein na may gusto sa akin.

Muling bumaling sa 'kin si Sir Migz. "T'wing bagong taon lang nagkakaroon ng ingay sa mansyon ng mga Moon, Dainty. Kasintahimik sila ng gabi."

Hindi ko alam kung paano akong mangingiti. Nahihiya ako sa katotohanang naroon ang pamilyang Moon at ang pamilya ko. Siguradong hindi matatanggap ni tatay ang ganitong biro.

"Perfect talaga siya," natatawa na akong tinuro ni Sir Migz. "Ganyang-ganyan sila!" tinuro niya ang pamilyang Moon. "Natuyuan ka na ng lalamunan kasasalita, wala ka pa ring mahita."

Nakagat ko ang labi ko nang pigilang matawa. "Pasensya na po."

"Naku, pasalamat ka't magkasingganda tayo, kung hindi..." banta niya kunyari. "It was really nice to meet you, Dainty Arabelle. You and your friends did a great job. Another round of applause please!" pumapalakpak akong tinanguan ni Sir Migz. "Thank you, Dainty," aniyang wala sa mic.

"Thank you po. Nice to meet you too po," nakangiting tugon ko.

"Thank you, guys," baling ni Sir Migz sa mga kaklase ko.

Sabay-sabay muli kaming tumango sa audience saka kami isa-isang naglakad papunta sa side para bigyang daan ang susunod na performers. May performance pa sina Bree, kanta at sayaw. Kaya panonoorin ko rin iyon.

Hindi ko inaasahang naroon na sa hagdanan si Maxrill Won nang alalayan ako papalapit doon ni Gideon. Ang lalim ng tingin niya ay nagdudulot ng kung ano-anong pakiramdam sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay huminto ang programa at ang lahat ay kami ang pinanonood.

"Thank you," ani Maxrill Won nang tanggapin ang kamay ko mula kay Gideon.

Tango lang ang sinagot ni Gideon. Nginitian ko siya at gano'n na lang uli ang pagkatulala niya. Pero napigilan niya 'yon nang bumuntong-hininga si Maxrill Won.

"I'll go ahead," ani Gideon saka kumaway sa 'kin.

Hinarap ko si Maxrill Won, deretso siyang nakatingin sa 'kin. Seryoso at tila bagong kita pa rin sa mukha ko. Gayong magdamag niya yata akong tinitigan, buong performance.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang ang malaking daliri niya ay panay ang haplos sa balat ko.

Ngumiti ako. "Gutom ka na, 'no?"

Nangunot ang noo niya saka ako inalalayan pababa. "What?"

"Bakit ang seryoso mo?"

"Masyado akong nagagandahan sa 'yo."

Nagbara ang lalamunan ko, lalo na nang sulyapan niya ako at gano'n na lang uli kalalim ang tingin niya.

Dinala niya ako sa hilera ng kaniyang pamilya, sabay-sabay silang tumayo at sinalubong ako ng yakap. Hindi ko inaasahan at hindi ko alam ang mararamdaman. Napakainit ng yakap nila na parang gusto kong maiyak sa tuwa. Kaliwa't kanan ang congratulations natanggap ko mula sa pamilyang Moon. Paulit-ulit na pasasalamat at magandang ngiti ang tinugon ko. Pero wala ni isang segundo sa sandaling iyon na binitiwan ni Maxrill Won ang kamay ko.

"'Nay...'Tay..." maiiyak nang pagtawag ko dahil nang makalapit ay hindi man lang nagbago ang paghanga sa kanilang mga mukha.

"I'm so proud of you, Dainty," ani nanay na yumakap at humalik sa sentido ko.

"Napabilib mo ako, anak," ani tatay na kinailangan kong yukuin para mayakap.

Maging sina Kuya Kev at Bree ay emosyonal akong niyakap at binati. Hindi ko ipagpapalit ang naramdaman ko sa oras na 'to. Mas masaya pa 'to kaysa sa ibang naramdaman ko. Dahil ang pamilya at mga taong mahal ko sa buhay, masaya lahat para sa 'kin at binabati ako.

Inalalayan ako paupo ni Maxrill Won, sa silyang okupado kanina ni Tiyo Dirk. Nang lingunin ko ito ay may sarili na itong silya sa tabi ni Lolo Mokz.

"You did great, Dainty, I'm proud of you," ani Maxrill nang lingunin ako.

Napangiti ako. "Salamat, Maxrill Won." Hindi ko inaasahang tititigan niya ako nang gano'n kalalim, nagkailangan kami at sabay na nag-iwas ng tingin.

Bumuntong-hininga siya. Na kahit anong lakas ng pagpapakilala ni Sir Migz sa banda nina Bree na siyang susunod na performers, nadinig ko.

"Dainty," muling pagtawan niya, bahagyang inilapit ang sarili sa 'kin.

"Ha?" napalingon uli ako dahilan para masalubong ang malapit na mukha niya. Nag-iwas ako sa takot na makaagaw ng pansin sa mga nasa likuran at katabi.

"About what I said earlier," aniyang pinagapang ang braso sa likuran ng silya ko. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang kamay niya sa tagiliran ko. "I mean it."

Napalunok ako at napalingon sa kaniya. Sa sandaling naghinang ang mga mata namin ay hindi ko na 'yon nagawang iwasan. Kumilos ang kamay ko upang hawakan ang kamay niyang umangkin sa bewang ko.

Ngumiti ako nang magliwanag ang mukha niya matapos ang ginawa ko. "Thank you, Maxrill Won."

Natigilan siya at nanlumo kasabay ng pagbuntong-hininga. "Hindi 'yan ang inaasahan kong sagot, Dainty Arabelle," may riing tugon niya. Muli kaming nagkatinginan at saka sabay na natawa.

Dalawang beses na kumanta sina Bree, tatlong beses namang sumayaw. Bukod do'n ay may performance din ang theatro na siyang nakapagpaiyak sa karamihan ng audience. Matagal ang programa pero hindi ko naramdaman ang paghihintay. Dahil ang simpleng pagkakahawak ng mga kamay namin ni Maxrill Won ay sapat na para makontento ako sa sitwasyon.

"We'll eat dinner together our families," ani Maxrill Won. "You excited?"

"Pumayag si tatay?" excited kong tugon.

Nagkibit-balikat siya saka natatawang tumango. "Maybe he wants to make you happy and of course, to celebrate your performance."

Wala nang paglagyan ang tuwa ko. "Sige!" excited kong sinabi saka namin sabay na tinanaw ang pareho naming pamilya. Na noon ay pare-pareho nang naghihintay sa 'min.

Talagang hindi binitiwan ni Maxrill Won ang kamay ko. Nahihiya man ay kailangan kong magpaalalay sa kaniya dahil sa bigat at haba ng gown ko. Wala na roon ang pamilya namin nang makasunod kami. Naghihintay sa double doors sina Kuya Deib Lohr at Kuya Maxwell, parehong nakangiti sa amin.

Nilingon ko si Maxrill Won at ngumiti sa kaniya nang higpitan niyang muli ang pagkakahawak sa kamay ko. Ngumiti rin ako kina Kuya Deib Lohr at Kuya Maxwell nang tuluyan nila kaming pagbuksan ng pinto.

Pero awtomatiko akong natigilan nang hindi pa man humahakbang ay nabasa ko na ang aking pangalan na binuo sa kulay asul na mga rosas.

Dainty...

Namasa ang aking mga mata at pinigilan ang maluha sa magkakasunod na pagkurap. Nag-angat ako ng tingin kay Maxrill Won. Hindi pa rin nagbabago ang lalim ng kaniyang tingin at matinding paghanga sa kaniyang mga mata.

Kinagat ko ang laman ng aking labi at saka humakbang papalabas upang tuluyan iyong makita. Kung ako ang tatanungin ay nasa isanlibo marahil ang bilang ng mga rosas bawat isang letra. Halos kasinlaki ko iyon at sobrang ganda. Na nakuha niyong abutin ang pang-amoy ko mula sa ilang dipang distansya.

Gusto kong takbuhin ang mga bulaklak. Gusto kong yakapin si Maxrill Won. Pero pareho kong hindi nagawa 'yon nang ang makita ang napakaraming estudyanteng nakatunghay sa amin ni Maxrill. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko at tuluyang naiyak dahil sa sobrang tuwa. Bago pa ako nakapagtago sa aking palad ay niyakap na niya ako habang tumatawa.

"Why are you crying?" halos ilapit niya ang bibig sa tenga ko.

Maaaring sa kaniya ay bulaklak lang ang mga 'yon pero iba ang dulot niyon sa akin. Masarap sa pakiramdam na espesyal ako sa kaniya. Masaya ako na napakarami niyang ginagawa para mapasaya ako. Na sa t'wing may umaagaw sa kaligayahan ko ay pinapalitan niya nang higit pa ro'n. Na kahit ilang beses kong maramdaman na hindi ako karapat-dapat, hindi mabilang na patunay ang kaniyang binibigay.

Hinalikan niya ang pisngi ko nang humupa ang pag-iyak ko. "I love you, Dainty," halos ibulong niya sa pandinig ko. "And I'll do everything to make you happy."

Sa halip na tumahan, lalo pa akong naiyak. Lalo kong naibaon ang aking mukha sa dibdib niya. Lalo niyang hinigpitan ang kaniyang yakap. Gusto kong isigaw ang nararamdaman ko. Pero hindi sapat ang lakas ng loob ko at mas gusto kong sabihin 'yon nang kami lang.

"He's not a baby anymore," pabuntong-hiningang ani Ate Maxpein dahilan para lumuwang ang yakap ni Maxrill sa 'kin.

"Hmm," nakakaloko na agad ang reaksyon ni Kuya Maxwell. "In love, huh?" pareho naming hindi inaasahan ang pang-aasar niya kay Maxrill Won. "How does it feel?"

"You freaking...tsk," sinamaan ng tingin ni Maxrill Won ang mga kapatid saka nagbaba ng tingin sa 'kin. Pinahiran niya ang mga luha ko at saka ngumiti sa 'kin. "I'm hungry."

Natigilan ako at natawa. "Ako rin."

Kinuha niya ang kamay ko saka kami lumapit sa pareho naming pamilya. Sandali kaming nagpa-picture. Hindi mabilang na kuha dahil apat na photographer pa ang kanilang kasama. Napakasaya ko. Sa unang pagkakataon, si Maxrill Won lang ang inintindi ko. Wala akong narinig na angil mula kay tatay habang suportado naman ako ni nanay. Walang humpay ang pagtawa at pagsasaya namin.

Nang matapos 'yon ay sa restaurant sa Tagaytay kami nagpunta. Kung tutuusin ay mahaba ang byahe. Pero dahil magdamag kong katabi si Maxrill Won ay pareho naming hindi alintana 'yon. Nakaupo siya at nakapandekwatro, magkakrus ang braso, pero mula sa Laguna hanggang sa restaurant ay nakalingon siya sa 'kin.

Maganda ang restaurant, nasa taas iyon ng bundok at overlooking ang Taal volcano at kabuuan ng Batangas. Magkahalong kulay tsokolate at puti ang kabuuan. Gawa sa semento ang mga pundasyon habang kahoy naman ang floorings at katawan. May malawak na balcony sa harapan at pawang kahoy rin ang sahig niyon. Malalaki ang bintana na hindi mabilang na squares ang dibisyon habang iyong nasa loob ay bukas naman ang mga bintanang gawa sa kahoy. May mga lumang chandilier pero lalo niyong pinaganda ang kabuuan ng restaurant. May mahahabang mesang gawa sa puno, higit sa beinte ang maaaring umokupa. Gawa sa rattan ang mga silya at malalaki ang espasyo para sa isa. Maaaliwalas, mahangin, mabango at kahit wala yata akong gawin doon, masaya ako basta kasama ko ang lalaking ito.

Kinuha ni Maxrill Won ang kamay ko at dinala sa balcony. Isinandal niya ako sa sementong barandilya at tiningnan nang deretso.

"I can't call you Wednesday anymore," hindi ko alam kung nagbibiro siya.

Ngumuso ako. "Ano na naman ang itatawag mo sa 'kin?"

Ngumiti siya. "I can call you mine if you want."

Natigilan ako at lumabi. "Nyeh."

Natawa siya saka pa lang sumeryoso. "Like Rapunzel, you're naïve but you're not afraid to stand up for youself, and I admire you for that," halos ibulong niya ang mga salita habang ginagala ang paningin sa aking mukha. "You're also like Belle, simple and beautiful. You're like Cinderella as well, caring and inspiring. But you're mine for sure."

Ngumuso ako upang pigilang mangiti. "Puro ka biro."

"I'm not joking." Hinawakan niya ang pisngi ko at inilapit ang mukha sa akin. Bago pa ako nakatanggi ay dinampian niya na ng halik ang labi ko dahilan para maghabulan ang kaba sa dibdib ko. Matapos no'n ay niyakap niya ako. "You never asked me about Yaz,"mahina niyang sinabi. "Why?"

Natigilan ako at napako ang paningin sa kawalan. Ang kaba ko ay mas tumindi pa at hindi na lalo alam ang isasagot sa kaniya.

Kumalas siya sa 'kin at deretso akong tiningnan pero hindi ko magawang salubungin ang kaniyang tingin. "You can ask me anything, Dainty," pabulong niyang dagdag. "I will tell you everything."

"Ano..." nagbaba ako ng tingin. "Ayos lang naman kung hindi, Maxrill Won, kasi...ano..."

"Ano?" tugon niya ngunit hindi ginagaya ang aking tono.

"Kasi...sa inyo 'yon. Wala ako ro'n."

Sinilip niya ang mukha ko. "So?"

Nagpagala-gala ang paningin ko para maiwasan ang sa kaniya. Kumibot-kibot ang labi ko ngunit walang lumabas na salita. Sa huli ay nagbaba ako ng tingin at bumuntong-hininga.

"You don't want to talk about her?" tanong niya.

Hindi ko napigilang mag-angat ng tingin sa kaniya. Puno ako ng alinlangan pero gustong-gusto ko talagang magtanong sa kaniya. Gusto kong malaman kung may nararamdaman pa ba siya kay Ate Yaz. Kung naka-move on na ba talaga siya. Gusto kong marinig kung ano'ng mga nagustuhan niya rito. Lahat ay gusto kong malaman, 'yon ang totoo. Pero nahihiya ako, at natatakot, at nag-aalala. Napakaraming hadlang para manahimik na lang ako at maging masaya sa naibibigay niya.

Tumitig siya sa mga mata ko, animong binabasa ang anumang laman ng isip ko at emosyon. Bumuntong-hininga siya nang walang mahita at saka muling dinampian ng halik ang labi ko.

"You can ask me anything, okay?" paniniguro niya, napatitig ako. "Anything."

Ilang beses akong humugot ng hininga pero sa halip na lumakas ay pinangiliran ako ng luha. "Mahal mo pa ba siya?"

Lumaylay ang mga balikat niya at awtomatikong pinahiran ang mga mata ko. Umiling siya at saka sumagot. "Hindi."

Nakagat ko ang laman ng labi ko saka pinunasan ang mga luha. "'Yon lang ang gusto kong itanong, Maxrill Won"

"Hindi ko siya minahal," hindi ko inaasahang idadagdag niya. Natigilan ako ngunit napako ang paningin sa dibdib niya. "Because if love is what I've felt for her...then what do you call these feelings that I have for you? I have no boundaries with my emotions and I never thought anyone would make me fall in love this fast."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumti. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi habang pinangingiliran ng luha.

"Ang sarap sa pakiramdam nang magustuhan mo, Maxrill Won," halos ibulong ko. "Kahit sino ay mamahalin ka nang walang kapalit."

Natigilan siya at emosyonal na tumitig sa 'kin. Ilang beses niyang sinubukang magsalita, ilang beses siyang lumunok. Nangiti ako sa katotohanang kinabahan siya sa sinabi ko. Ang lalaking ito na may sariling misteryo, walang ka-effort-effort. Malakas ang dating at walang hindi kayang gawin, kinakabahan sa akin.

"So..." muli pa siyang lumunok, humigpit lalo ang yakap sa 'kin. "Mahal mo 'ko?" mahina niyang tanong.

Ngumiti ako at saka tumango. "Noon pa, Maxrill Won."

Umawang ang labi niya at kasabay ng pagngiti ay nakahinga siya nang maluwang. Niyakap niya ako at siniksik ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. Ang kaninang hiya at kaba at halo-halong nararamdaman ko, napalitan ng nagliliparang paru-paro.

To be continued. . . 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...