Raging Affection (Isla Contej...

By gery_anne

444K 14K 2.3K

Isla Contejo Series #1 (1/5) In politics, it's always a dog-eat-dog situation. Fleurysa Salvatorre has always... More

Raging Affection
PAKI-READ :">
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 38

9.1K 288 18
By gery_anne

PAGPASOK ko sa loob ng bahay namin dito sa Isla Contejo, kagaya ng inaasahan, tahimik ang buong bahay. Malamang ay nasa trabaho pa si Kuya kaya mukhang mag-isa na naman akong kakain ng hapunan sa hapag.

Paakyat na sana ako sa hagdan ngunit ang tunog ng takong ng sapatos ang nakapagpatigil sa akin. I immediately turned my head to the dining area.

"Fleury! Nandito ka na pala, Naku, tamang-tama, the dinner is ready. Let's eat!"

Laglag ang panga ko at nanlalaki ang mga mata. Hindi ko alam kung namamaligno ako o ano. Totoo ba 'tong nakikita ko?

"M-Mommy?"

She smiled at me. "Come here! What are you waiting for? Hindi ka pa ba nagugutom?" Tumingin siya sa kusina na pinanggalingan niya. "Conrad! Halika na! Narito na si Fleury, kumain na tayo!"

Ilang sandali ay lumabas si Daddy mula sa kusina dala-dala ang isang bowl ng kanin. Kaagad niya akong binigyan ng isang magaang ngiti bago inilapag ang hawak na bowl sa hapag kainan.

Gulat pa rin akong nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito sila — nakikita ko at nagsasalita. I mean... t-they're dead... right?

Just... what the fuck? Anong nangyayari?

Mayâ-mayâ'y lumapit sa akin si Mommy at hinila na ako patungong hapag. Nagtagal ang titig ko sa kaniya. Ang ganda-ganda ng ngiti niya. Parang ang saya-saya niya at ang tahi-tahimik ng buhay. When I turned to look at Daddy again, I was also seeing the same thing. They looked so carefree. Like they didn't have any problem at all.

"M-Mom, Dad... w-why are you here?" I tried to ask because seriously, I was so confused right now. "I mean..."

Mommy chuckled and looked at me lovingly.

"Because we missed you. We're so happy to see you again." She held my hand. "Aren't you happy to see us?"

Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila at muling nanumbalik ang pangungulila ko. Muli kong naalala kung paano sila nawala. Walang araw na hindi sila dumaan sa isip ko. Walang araw na lumipas na hindi ako nangulila sa kanila.

Kaya ngayong nandito ulit sila. Nakakausap ko. Nakikita ko. Nararamdaman ko. Para akong mas ginanahang mabuhay pa. Sana manatili na lang sila rito. Huwag na sana silang umalis. Huwag na sana nila akong iwan ulit.

"I'm happy..." My tears fell nonstop. "Very happy."

Hindi ko na napigilang yakapin si Mommy at mas damhin pa siya. I handed out my hand to Daddy so he could come closer. Nang makalapit siya ay niyakap ko rin siya.

"I miss you b-both," humihikbing saad ko.

Bumitiw si Mommy sa yakap upang hawakan ang magkabilang pisngi ko. Naroon pa rin ang magandang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Oh, my baby..." she uttered. "We're just here to tell you that we miss you so much... and that you are always appreciated by us. Always remember that the things you did in the past doesn't matter anymore. It doesn't define who you are right now, alright?"

"Forgive yourself, hija. You may have done or said awful things before, but everyone can change."

"And we saw how you've changed over the past years." Mommy wiped my tears away. "We are so proud of the person you have become. So set yourself free, anak. Free yourself from the past. Forgive yourself."

Kahit anong punas niya sa mga luha na naglalandas sa pisngi ko ay nadadagdagan lamang iyon. Malambot niya akong tinitigan hanggang sa unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya.

"We are also hoping that you could somehow forgive us. Hindi kami naging mabuting magulang sa 'yo at sa Kuya mo. You've seen how cruel we were and at some point, that reflected both of you. We have failed in giving you proper guidance. Hindi kami naging magandang ihemplo."

"Mommy, that's not true—"

Umiling-iling siya. "That's that truth, Fleury. Parents are the first teacher of a kid. Parents should know how to be a good role model so the kid would emulate that. But we failed in that part and we are so sorry." She sobbed. "Malaki 'yong naging kontribusyon namin sa kung paano ka lumaki. Pasensya na dahil habang lumalaki ka, nakikita mo 'yong mga kasamaan o kung ano mang panlalamang namin sa kapwa. You shouldn't have seen that. You could've been a much better person from the very start if we just showed you how to be a good person."

Umiling ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Mommy na nasa aking pisngi.

"It's not your fault, Mommy." Napatingin ako kay Daddy. "You were both good parents to me."

Ngumiti lang si Daddy sa akin at hinaplos ang aking buhok. Muli akong napatingin kay Mommy nang hawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.

"Basta... whatever mistake you did in the past, may it always serve as a lesson for you as your life goes on. We are more proud of you right now. Keep doing good things. Keep being better. Not for everyone else, but for yourself. Okay?"

Tumango-tango ako at muli siyang niyakap pati na si Daddy. I felt him kissed my head.

"I love you, Mom and Dad. Please stay here? Don't ever leave me again..."

Hindi sila sumagot at mahigpit lamang akong niyakap.

"Fleury? Fleury..." I heard someone calling me from afar. "Fleury, wake up..."

Nakaramdam ako ng mararahang pagtapik sa aking balikat. Kumunot ang noo ko at unti-unting naidilat ang mga mata. Gamit ang nanlalabong mga mata ay nakita ko si Kuya. Napakurap-kurap ako at may mga butil-butil ng luha ang tumulo sa gilid ng mga mata ko.

"Are you okay? You're crying," Kuya said while looking at me worriedly.

"She may had dreamt of something," I heard Ms. Ongpauco.

What? Dreaming?

Agad akong napabango mula sa pagkakahiga. Nasa ospital pa rin ako at narito pala ang doktor kong si Ms. Ongpauco. Inilibot ko ang mata ko sa bawat sulok ng kuwarto.

"Where's Mom and Dad?" I asked.

Kumunot ang noo sa akin ni Kuya habang si Ms. Ongpauco naman ay marahan lamang akong tinitigan.

"What?" litong tanong ni Kuya.

Nagkatinginan sila ni Ms. Ongpauco at nakakaintindi namang ngumiti ang huli.

"Napanaginipan mo ba ang mga magulang mo, Fleury?" she gently asked.

Umawang ang bibig ko at napakurap-kurap sa isang realisasyon. Nakaramdam ako ng lungkot at napayuko na lamang.

So... they weren't real. I just dreamt about them.

Bumuntonghininga si Kuya at umupo sa gilid ng kama. Marahan niyang pinunasan ang gilid ng mga mata ko na may luha. He smiled a little at me.

"Buti ka pa, dinadalaw nila sa panaginip. Ako, hindi."

Tipid ko siyang nginitian. Muli akong napatingin kay Ms. Ongpauco. Hindi ko alam na dadalaw siya ngayon. Binigyan niya ulit ako ng isang magaan at mainit na ngiti bago nagsalita.

"Ysmael called me and informed me of what happened. I'm just wondering if you wanna talk about it with me."

*****

"How are you feeling right now after the incident?" tanong ni Ms. Ongpauco habang nakaupo siya ngayon sa gilid ng kama ko.

Bumuntonghininga ako at nagkibit balikat.

"Still in shock. I just... didn't expect that Elsie would reach that point. I also didn't expect that a very shallow thing would cause a lot of trouble for everyone."

Napatango siya. "So... that arranged marriage before is only a shallow thing for you?"

"Yes!" sagot ko agad. "I mean..." I sighed. "I'm not saying that marriage is a shallow thing, alright? I wouldn't say yes to Zaviar's proposal this time if I find it shallow. What I'm saying is... that certain arranged marriage years ago was a shallow reason for someone to kill people. Nang dahil lang do'n, nagkagulo na lahat. Sobrang babaw. Sobrang babaw ni Elsie."

Tumango-tango naman siya at pinagmasdan ako nang mabuti. "I understand. Some people really just do things without thinking thoroughly. That can be bad and damaging for others, but some people never bother to realize or even care about it."

"Yeah. Kabilang na si Elsie sa mga taong 'yon."

She smiled warmly. "You think you could forgive her after everything she had done?"

Tamad akong nag-iwas ng tingin at para na namang may namuong tensyon sa dibdib ko.

"She's dead."

"Even so. You know, sometimes they said, dead souls find difficult to leave the world because the people they left still can't let go and forgive them."

I sighed again. "Ms. Ongpauco, I'm not yet ready to forgive a person who had done a lot of horrible things in my life."

"I know, hija. Forgiveness is not easy. It doesn't happen all of a sudden. But... do you think you can finally forgive her someday when you're ready?"

Tumaas ang kilay ko at nagkibit-balikat. "Yeah, I think so. Someday. Not anytime soon."

Napangiti siya at tumango ulit. Dumako ang mga tanong niya tungkol sa anxiety ko at kung sa tingin ko raw ba ay mas lumala iyon matapos ang pangingidnap sa akin ni Elsie.

"I don't know. Hindi pa ako nakakalabas ulit. Hindi ko alam kung magiging mas praning ako sa paligid sa oras na makalabas ako rito sa ospotal."

"Okay. But how do you feel or what is your reaction whenever someone opens the door of this room?"

Sandali akong napaisip at inalala ang mga pagkakataon na gising ako at bumubukas ang pinto. Kadalasan ay nurse lang naman ang pumapasok.

"Normal, I guess? I'm not feeling a bit scared of who would come in. Kasi nurse, doktor, at si Kuya lang naman ang pumapasok these past few days."

Muli akong napaisip hanggang sa may maalala.

"Actually, I think I was getting better before Elsie kidnapped me. Kasi I remember this one time na hindi ko na ini-lock 'yong lahat ng lock sa pinto ng kuwarto ko sa bahay. Iyong main lock na lang ang ini-lock ko. Hindi ko na rin ch-in-eck kung nakasara ba 'yong veranda kasi lagi lang naman 'yon nakasara."

Napapatango si Ms. Ongpauco habang pinakikinggan ako.

"But then, when Zaviar and I went to their resort in Tagaytay... I remember that I woke up from sleep because I needed to pee. Pero bago 'yon, tiningnan ko muna kung nakasara 'yong pinto ng balkonahe at nag-double check ako kung wala bang ibang tao sa labas or what. Tiningnan ko rin kung naka-lock 'yong pinto."

Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin na parang bang may iniisip.

"Siguro hindi na ako masyadong napa-paranoid kapag sanay na ako sa paligid. Pero kapag nasa lugar ako na hindi pa pamilyar sa akin at hindi pa ako sanay, I still tend to get paranoid."

She shared her insights about what I felt and I just listened attentively. She also advised me to continue drinking my meds. Marami pa siyang naging paalala hanggang sa lumipas ang ilan pang minuto. Natigilan lamang kami sa aming pag-uusap nang may kumatok sa pinto.

"That's probably just Zaviar's bodyguard," I said.

Mga tauhan niya lang naman ang kumakatok pa sa pinto. Hindi sila basta-basta pumapasok nang walang pahintulot.

Tumayo si Ms. Ongpauco upang buksan ang pinto. As expected, isa nga iyon sa mga tauhan ni Zaviar. May dala na namang bouquet ng bulaklak at chocolates. Nang matanggap iyon ni Ms. Ongpauco ay binigyan niya ako ng nanunuksong ngiti.

"Galing daw sa fiancé mo."

Bumuntonghininga ako at tinanggap ang bouquet. Inilapag naman niya ang box ng chocolates sa bedside table. Inamoy ko ang bulaklak at hindi ko maiwasang mapangiti sa bango nito. Hinanap ko rin agad ang card kung saan makikita ko ang sulat ni Zaviar para sa akin. Araw-araw siyang nagpapadala ng bulaklak dito kaya alam na alam ko na kung anong dapat abangan.

Don't eat too much chocolates. Rest well. I miss you. Just call me anytime if you want to see me. I love you.

-Zaviar

"You love him, don't you?" nakangiting tanong ni Ms. Ongpauco na mataman na pala akong pinagmamasdan.

I looked at her as if I was questioning her existence. "Of course."

"You still don't wanna see him because of everything you've found out, but are you willing to lose him?"

Natigilan ako sa kaniyang tanong. Nanatili naman siyang nakangiti at nakatingin sa akin.

"O-Of course not. I don't want to lose him. I can't lose him."

Nakakaintindi siyang tumango. Bumuntonghininga ako at nagpatuloy sa gusto ko pang sabihin.

"I just need a bit of time to heal from everything. I want him to stay away for a while so I could think things through alone. I need some space for a while, but it doesn't mean that I don't love him anymore."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

54.6K 1.2K 34
All that Élaine Margaret Hidalgo's want is to prove herself. It is so hard to establish when people see her unworthy of the success because her mothe...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
10.6K 760 46
Natashya Roxanne Diaz is a spoiled high school girl gone rogue. She often finds herself in situations that trigger her anger issues and gets away wit...