UNISTAR : INVISIBLE MOON ( An...

Cozzzette által

459 27 2

[ Thai BL Novel Translation ] "Invisible Moon (Buwan na Hindi Nakikita)" ang bansag sa idolo na si In na isa... Több

Translator's Note
Panimula : UNISTAR PROJECT
Prologue
Kabanata 1 ~ Ang Hangin At Ang Buwan Na Hindi Nakikita ~
Kabanata 3 : Ang Buwan Na Nais Maging Hindi Nakikita

Kabanata 2 : Hindi Nakikita at Hindi Nakikita

47 4 1
Cozzzette által

Kabanata 2

Hindi Nakikita at Hindi Nakikita

"Ang taong hindi nakikita ay nakakakita ng taong hindi nakikita."

#WinIsWind

🌙~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🌙

     "Magandang gabi! Welcome to UNISTAR SHOWTIME! Sundan natin ang buhay ng mga buwan!"

     "Ngayong araw, narito tayo para sa isang eksklusibong panayam dahil maraming fans ang humihiling, 'Paano namin mahahanap si In UNISTAR, na sobrang gwapo na parang isang anghel ngunit hindi nakikita?' At ngayon ay inimbitahan natin ang lahat ng miyembro ng UNISTAR para sagutin ang katanungang ito!"

     Nakahiga ako sa kama sa loob ng aking dorm, habang nanonood ng isang tv program sa Youtube gamit ang aking cellphone.

     UNISTAR SHOWTIME sundan ang buhay ng isang Buwan - Episode : IN, Buwan na Hindi Nakikita

     Sa video, naglalakad ang cameraman upang sundan ang mga miyembro ng UNISTAR para mai-record ang panayam sa loob ng studio, siguro ay nasa kalagitnaan sila ng breaktime ng trabaho.

     Nag-zoom ang kamera sa unang miyembro, si P'Leo, #FullMoon ang gamit niya sa Twitter hashtag. Dahil sa pagiging perpekto, magandang mukha, mahusay sa pag-aaral, magandang pagkatao, nag-aaral para maging doktor, multilingual at ang pinakanormal sa grupo, kilala siya bilang ang perpektong modelo na Buwan.

      Leo : Para sa kaso ni N'In na invisible, hindi na ako nagulat. Pwede itong ipaliwanag ng agham, hindi talaga 'invisible' si N'In, hindi ito isang kababalaghan. Sa tingin ko, alam ni N'In kung paano ilalayo ang kanyang sarili sa paningin ng mga tao. Na-curious kami ni P'Kwang noon, kaya tsinek namin ang CCTV at nagtaka kami kung paanong nandoroon lamang si N'In pero walang sinuman sa amin ang nakakapansin. Dahil si N'In ay madalas na pumupwesto sa mga blindspots o sa mga lugar na ang mga tao ay hindi binibigyang pansin. Kapag siya ay lilipat ng lugar, kikilos lang siya kapag ang ibang tao ay abala sa ibang bagay. Bukod doon, palaging ginagawa ni N'In ang lahat ng tahimik at maglalaho bago pa man namin iyon mapansin. Alam ni N'In kung paanong gamitin ang isang lugar para magtago sa paningin ng mga tao.

    
••• T/N : N' (Nong) ay ginagamit kung ang pinapatungkulan mo ay mas bata sa iyo.  •••

    
     Tumango ako bilang pagsang-ayon, nag-aaral si P'Leo para maging doktor, hindi na nakakagulat kung paano niya iyon naipaliwanag ng may isang solidong paliwanag.

     Tagapanayam : Mukhang marami kang naiintindihan. Nakita mo na ba si N'In tuwing siya ay nasa 'invisible mode'?

     Leo : Kadalasan, kung ayaw niyang makita namin siya, bihira lang namin siyang makita. Pero, dahil mas maraming oras kaming magkakasama, mas natututo ako sa paraan niya. Ngayon ay mas nakikita ko na siya. Sa tingin ko ang mga introvert na tao ay may mas malaking tsansang makita si N'In kesa sa mga extrovert.

     Halimbawa, si P'Kwang ay isang introvert din at kamakailan lamang, ang skills ni N'In sa pagtatago ay bihira nang ume-effect kay P'Kwang. Sa palagay ko kung isa kang recluse na tao tulad n N'In at mas kilala mo  na siya, maaaring hindi mo na mapansin na invisible siya. Marahil, dahil sa pagkakapareho ng pananaw at kagustuhan - ang pagiging nasa parehong lugar at pagtingin sa isang bagay sa parehong paraan - iyon ang magiging paraan para makita mo siya.

     Isinaalang-alang ko ang pagsusuri ni P'Leo. Maaaring totoo na ang mga taong may magkatulad na ugali ay may posibilidad na makita ang lahat sa parehong paraan. Bigla kong naalala ang isang pagkakataon kung saan, nakatayo si P'In sa likod ng puno, kung saan walang ibang pumapansin. Gayunpaman, nakakagulat na kahit na hindi ko pa siya nakikilala noon, pero nakikita ko na siya sa unang pagkakataon samantalang ang iba ay kinailangan pang mas kilalanin pa itong mabuti.

     Pagkatapos, natuon ang kamera sa kasunod na miyembro, si P'Sea, ang unang henerasyon at pinakamatandang miyembro ng UNISTAR. Isa siyang matangkad na lalaki na may natatanging mukha, ang kanyang mukha ay parehong maganda at gwapo. Hindi nakakapagtaka na nakuha niya ang bansag na #BeautifulMoon.

     Tagapanayam : Ano ang masasabi mo sa pagkakaroon ng isang Invisible Moon sa UNISTAR?

     Sea : Gusto ko siya, marami akong nakikitang mga nakakatawang bagay kapag nasa paligid siya. Lalo na kapag nag-aaway ang mga Half Moons tapos biglang susulpot si N'In, pareho silang sisigaw ng 'Argh' na akala mong mga nakakita sila ng multo.

     Kung ang panlabas ang pagbabasehan, mukha itong magalang at kalmado, mukha rin itong inosente, ngunit may ugali itong mahilig mang-asar. Lagi niyang inaasar ang ibang myembro.

     Tagapanayam : Talaga?

     Nilingon ng tagapanayam ang Half Moons, P'Natee at P'Wayu, para tanungin.

     Natee : Hindi ah, totoong lalaki ako, hindi ako takot sa mga multo.

     Wayu : Hindi totoo 'yan, hindi ako sumigaw ng 'ARGH', ang isinigaw ko ay 'WARGH!'

     Pagkatapos ay bumaling muli ang tagapanayam kay P'Sea.

     Tagapanayam : Nagulat ka na ba tuwing bigla na lang sumusulpot si N'In?

     Sea : Hindi, hindi pa, dahil napakapogi niya, hahaha.

     Tagapanayam : Oh, sa sinabi mong iyan, magseselos ang Prinsipe.

     Kung hindi ako nagkakamali, 'Prince' ang palayaw ni P'Leo, dahil ang tawag sa fandom niya ay #DomPrince. Samantalang ang tawag naman kay P'Sea ay Princess, dahil maraming tagahanga ang pinagtatambal sila. Pareho din silang nasa isang programa na may pamagat na ' Diagnosis with the Doctor Moons ', ito ay isang palabas na may labinglimang minuto tungkol sa pangangalaga ng kalusugan. Minsan ay may mga demonstransyon ng first aid, masahe at pag-check ng katawan na kung saan ang ilang mga tagahanga ay medyo lumalawak masyado ang imahinasyon.

    
    
     •••   T/N : 'Dom' ang pinaikling salita para sa fandom..  •••

     Pagkatapos ay nag-zoom ang kamera kay P'Natee, kilala din sa hashtag na bilang #RedMoon. Nakilala siya sa reputasyon niya bilang isang prangkang tao, pranka siya sa lahat - kung may magmura sa kanya, mumurahin din nya nang pabiro, at maraming tagahanga ang nagugustuhan ito - ito ay isang uri ng natatangi niyang katangian.

     Natee : Bakit hindi nakikita si P'In? Dahil, alam ni P'In na hindi niya matatalo ang kaguwapuhan ko, kaya kailangan niyang itago ang sarili, hahaha. Hey! Cameraman! I-focus mo sa'kin, dapat na sobrang gwapo ko sa kuha  mo!

     Isang beses lang siyang tinanong ng tagapanayam at tinapos na, saka siya bumaling sa kasunod na miyembro, si P'Wayu, na nakita ko kaninang umaga, napakaraming tagahanga ang nakapalibot sa kanya kanina sa may football field.

     Merong dalawang miyembro ng UNISTAR ang galing sa XU University, si P'In at P'Wayu. Ang dalawang ito ay may magkaibang uri ng pagiging guwapo, si P'In ay pang isang obra-maestrang rebulto - napakarilag ngunit walang emosyon, samantalang si P'Wayu naman ay tulad ng isang maluwalhating modelo - ang kanyang napakaputing balat at wari'y nagliliwanag sa ilalim ng spotlights. Kaakit-akit tingnan si P'Wayu kapag ito ay seryoso at tila nagliliwanag naman kapag nakangiti. Sa lahat ng miyembro ng UNISTAR, si P'Wayu ang una kong naalala dahil siya ang may titulo bilang #NewMoon. Mahilig itong magbiro kahit na madalas ay hindi nakakatawa at walang nakakaintindi sa mga biro nito, ba para bang ang mga hindi nakakatawang biro nito ang nagpapatay ng liwanag sa nagniningning na buwan, madilim tulad ng isang New Moon.

     Gaano kasama ang kanyang mga biro? Subukan natin.

     Tagapanayam : Pareho kayo ng unibersidad ni N'In, siguro ay mas malapit na kayo sa isa't-isa  kaysa sa ibang mga miyembro, tama ba? Kung gayunman, maaari mo bang sabihin sa inyong mga tagahanga kung paano nila makikita ang isang hindi nakikitang buwan?

     Wayu : Kung gusto ninyong makita si P'In, napakadali  lang niyon.

     Tagapanayam : Paano?

     Wayu : Matulog lang kayo.

     Tagapanayam : Ha, ano?

     Wayu : Tuwing natutulog kayo, makikita ninyo ang 'Pha In'.
    
     • • •

     Tila nakakain ako ng mga tuldok. Walang sinuman ang magbibiro ng ganito.

     •••   T/N : Ang Pha In ay isang ngalan ng isang Hindu God. Sa Thai, pag sinabing ' went to see Pha In ', ibig sabihin ay matutulog/nakatulog na.
      Sa Thai Slang, ang nakakain ng tuldok (ate dots) ay ibig sabihin ay 'no comment'. Katulad ito ng pag nag-reply ka ng '...' (dot dot dot)   •••

         
     Gayunpaman, kahit na hindi nakakatawa ang mga biro, gustong-gusto pa rin ito ng mga tagahanga nito, para tuloy mas gusto kong kumain ng mas maraming tuldok.
    
     Samakatuwid, ang mga nalaman ko lang tungkol kay P'In ay 'yung galing kay P'Leo, at iyong sa iba, 'wag mo nang pansinin.
    
     Tagapanayam : Hindi pa tayo tapos, nakapanayam na natin ang lahat ng miyembro ng UNISTAR, oras na para kapanayamin ang ating 'Invisible Moon', teka- nasaana na siya?
    
     Sinubukan ng cameraman na hanapin si P'In ngunit kahit ang anino nito ay hindi nito makita. Ang nandoon lamang ay ang ibang mga miyembro.
    
     Leo : Nasaan na si N'In? Akala ko andito pa rin siya
    
     Natee : Er? Nawala na si P'In?
    
     Sea : Malamang lumabas na habang iniinterview nila tayo.
    
     Wayu : Sinasabi ko sa inyo, matulog kayo at makikita ninyo sigurado si P'In - si Pha In pala.
    
     Natapos ang video sa biro ni P'Wayo na hindi nakakatawa, ngunit kahit anong bakas ni P'In ay wala. Inilapag ko ang cellphone sa ibabaw ng kama havang iniisip ang mga sinabi ni P'Leo.
    
     "Nakikita ko si P'In dahil magkatulad kami?"
    
     Posible iyon, ang magkapareho ng pagkatao ay maaaring magkaroon ng parehong pananaw. Gayunpaman, oras na nang pagtulog, bukas na ang simula ng unang araw ng pagpasok ng mga freshmen. Dapat na akong maghanda para makakilala ng mga bagong kaibigan at para sa bagong society.
    
     Nagising ako at nagbihis ng uniporme ng unibersidad. Nakarating ako sa gusali ng faculty of business ng sampung minuto bago ang napagkasunduang oras. Pumila ako sa registration para makuha ang name tag, mabuti't walang ibang sumingit sa pila ko, suwerte ako ngayong araw.
    
     "N'Win, no. 101, eto o." Ibinigay sa akin ng isang senior student ang nametag. Tiningnan ko rin ang kanyang nametag, nakasulat ang 'P'Noey 3rd year'.
    
     Isa ng pangkaraniwang tradisyon sa mga unibersidad sa Thailand na ang mga 3rd year seniors ang mag-aayos ng mga paghahanda para sa welcome ceremony, at ang mga sophomores naman ang tutulong sa ibang mga aktibidad.
    
     Kung iisipin, si P'In ay nasa ikatlong taon na rin, dahil si P'In ay isang ikatlong henerasyon ng UNISTAR.
    
     Isinuot ko ang nametag at umupo sa hilera ng mga kamag-aral sa isang tabi malapit sa isang gusali. Kapag dumating na ang lahat ng freshmen, sisimulan na ang mga aktibidad. Samantala, ginamit ko ang aking cellphone  para hanapin ang profile ni P'In sa unistar.com website.
    
     "Ah, pareho nga pala kami ng kurso ni P'In," bulalas ko at pinagmasdan ang paligid, napaisip ako kung sasali ba ito sa seremonya.
    
     "P'Noey, dadating kaya si P'In ngayon?"
    
     Tanong ng isang first year na babae.
    
     "Sa tingin ko, pero hindi ko pa siya nakikita," sagot ni P'Noey.
    
     "So... invisible talaga si P'In?" tanong nila uli.
    
     "Gusto nunyong malaman ang totoo? Pareho kami ng klase at nasa isang classroom lang kami pero ni minsan ay hindi ko napapansin kung saan siya nakaupo."
    
     "Talaga?! Pero si P'In ba ang P'Cheer?

    
     •••   T/N : P'Cheer ang tawag sa senior na nakatalagang mamuno sa freshmen welcome ceremony   •••

    
     "Talaga! Sabi pa ng isa kong kaibigan sa faculty of engineering na si P'Wayu ang nakatalagang mamahagi ng mga inumin," dagdag pa ng isang babae.
    
     Oho, nai-imagine ko na ang mga pwedeng mangyari mamaya. Pag naglalakad lang ng normal si P'Wayu, marami ng fans ang nakasunod dito. Paano pa kaya kapag binigyan na ito ng isang inunin, sigurado na ang bot ng inumin ay yayakapin ng mahigpit at hahalikan hanggang sa di na makilala ang hugis nito.
    
     "Talaga?! Kainggit naman! Gusto kong pumunta sa faculty nila ngayon!" sabi ni P'Noey.
    
     "Oo nga! Eh 'di, pwedeng pumunta na lang tayo sa faculty of engineering?"
    
     "Hindi pwede! Pumila kayo! Pag kayo tumakas, paparusahan namin kayo." Biglang naging seryoso si P'Noey.
    
     "Masyadong namang malupit si P'Noey, Si P'In na lang ang gusto naming makita." Halos mapaiyak na ang mga ito.
    
     "Ako rin, nasaan na kaya siya, gusto ko rin siyang makita," saad ni P'Noey.
    
     Malungkot na umupo ang mga kaklase ko sa bandang likuran ko. Ang sabi ng mga third year ay pupunta si P'In, pero nasaan kaya siya? Napapa-isip ako habang nakatanaw sa labas ng balcony ng gusali. Nakita ko ang isang napakagandang tanawin, ang itim na puno ng afara ay puno ng  bulaklak na may katamtamang kulay, tila kumikislap ito tulad ng isang ibong lumilipad handang dahang-dahan tinatangay ng hangin.
    
     "Eh?" bulalas ko.
    
     Nakaupo sa may balcony si P'In, ngunit tila wala uling nakakapansin dito, sa tingin ko, siguro dahil bihira lang ang tumitingin sa lugar na iyon. Nakatingin din sa itin na puno ng afara si P'In, tulad ko. May hawak itong isang baso ng buko juice. Nang bilang umihip ang hangin, ang suot nitong puting t-shirt at kanyang buhok ay tila kumikislap.
    
     Hindi ko maiwasang isipin, na parang kinukuhaan ito ng isang eksena sa isang music video.
     
     Nang bigla na lang, tila mayroong mahika sa aking paningin, napalingon sa akin si P'In at nakita nitong pinagmamasdan ko siya.
    
     Nagtama ang aming mga paningin, sa mala-bato nitong ekspresyon, hindi nagpapakita ng anumang emosyon, ngunit ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya ay kakaiba -mahirap ipaliwanag- parang seryoso pero hindi gaano, parang may kuryosidad pero hindi interasado. Sinasalamin ng kanyang mga mata ang sikat ng araw na parang kislap ng isang buwan na nagre-reflect sa ibabaw ng tubig. Na-realise ko na napakaganda ng mga mata nito.
    
     Hindi ko namalayang matagal ko na pala siyang pinagmamasdan, hanggang sa nabakas sa mga mata nito ang pagkagulat, napagtanto ko na napakatagal na pala akong nakatitig. Kaya naman mabilis kong iniwas ang aking paningin.
    
     "Kumusta mga Freshy, maligayang pagdating sa faculty of business ng XU University. Binabati ko kayo sa pagpasok dito. Hayaan ninyong ipakilala ang aking sarili, ang pangalan ko ay P'Tong at ako ang magiging P'Cheer ninyo."
    
         

     •••   T/N : Freshy - pinaikling freshmen, tawag sa mga estudyanteng nasa unang taon palang sa university.   •••
    
        

     Ang lider ng welcome ceremony na iyon ay nagsasalita gamit ang megaphone. Nakikinig ako sa kanya ng mabuti, dahil sa determinansyon kong mapabuti ang buhay doon. Ngunit, kahit na pinipilit kong mag-focus, nararamdaman kong parang may nakamasid sa kanya.
    
     Napatingin ako sa may balcony, pagkatapos ay nagulat. Nakatingin sa kanya si P'In habang umiinom ng buko juice gamit ang straw, ang mukha niya ay wala paring emosyon, maliban sa kumikislap nitong mga mata.
    
     Gusto ba nito ng buko juice? Naisip niya.
    
     Hindi, hindi ito ang tamang oras para isipin kung ano ang paborito nitong inumin. Kinakabahan ako na mayroong isang sikat na celebrity ang nakatitig sa kanya na parang may ginagawa akong mali. Pero ang mas pinagtataka ko, karaniwan nang iilang tao lang ang nakakapansin sa akin dahil hindi ako isang interesente o kaakit-akit.
    
     Kaya naman, tiningnan ko rin siya na parang nagkakaintindihan kami sa pamamagitan lamang ng tingin, nagtama ang aming mga mata, at hindi man lang umiwas ng tingin si P'In.
    
     Bakit mo ako tinitingnan? Napasimangot ako, sinubukan kong tanungin ito sa pamamagitan ng tingin.
     
     Nagpakita si P'In ng isang thoughful na ekspresyon ng ilang segundo bago ito muling nag-iwas ng tingin, tapos niyon ay nagpatuloy ito sa pagkain ng buko(coconut meat)  mula sa baso.
    
     Hindi ko maintindihan ang anumang iniisip nito, pero may pakiramdam ako na pareho kami ng iniisip. Ang dahilan kung bakit ito nakatingin sa kanya ay marahil ay katulad din ng sa kanya.
    
     Paano namin nakikita ang isa't-isa?
    
     Siguro, dahil ang isang hindi nakikita ay pwedeng makita ang isa pang hindi nakikita.

    
    
    
    

🌙~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🌙


-.-

Olvasás folytatása

You'll Also Like

40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...