Behind Those Glasses (EDITING)

By seachle

650K 8K 199

EDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin a... More

Behind Those Glasses
Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26:
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
46: To Kill A Mockingbird
47: New life
48: I miss him
49: I can't
50: Xander and Treffy Villanueva
51: Ms. Villanueva
52: Wala pang ibang mahal
53: Really?!
54: Vice President of WHAT?!
55: 26th floor
57: Stay
58: You're right
59: Tumigil ka
60: I still love you
61: Nakakapanibago
62: Walang maalala
63: Vacation or Business Trip?
64: I miss your kiss
65: You'll be safe here
66: Jacket
67: Goodnight
68: Dedication
69: Yael Ramirez
70: Nakatadhana
71: Higad
72: Period
73: Ayaw
74 - Surprise
Epilogue
Casts/Characters
Official Soundtracks

56: It's too late

6.5K 91 0
By seachle

Raniela's POV

Nagulantang ang buong sistema ko ng marinig ang malakas na pagtunog ng phone ko. Doon ko lang napagtantong panaginip lang pala ang lahat. Akala ko'y nagkita na kami. Salamat naman!

Agad kong binuksan ang cellphone ko upang makita kung sino ang dahilan bakit tumunog ang phone. Kaya halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ito.

Xandy is calling...

"H-Hello.."

Bakit nanginginig ako?

"Where are you? He's here! Nandito na ang kapatid ko. Kakauwi nga lang niya, e.-"

Ibinaba ko ang cellphone. Bakit saktong-sakto ang sinabi ni Xandy sa realidad at panaginip ko.

Mahina kong sinasabunutan at sinasampal ang sarili ko. Baka panaginip lang nanaman ito. Sana hindi tama ang panaginip ko. Sana mali ako. Sana hindi siya ang kapatid ni Xandy. Sana hindi!

Wait nga, Raniela! Ano naman ngayon kung siya nga? Wahh! Magreresign na lang ata ako? Bakit hindi na lang kaya sa kompanya namin nina Daddy ako magtrabaho? May hotels naman kami eh!

Xandy:

Bakit mo pinatay? Let's eat dinner, anyway. Sa may 26th floor. My brother is here. And he's so excited to meet you.

Parang bumaluktot ang buong sikmura ko ng mabasa ko 'yon. Nabuo nanaman ang takot sa loob ko. At hindi ko maipaliwanag pero parang nawala ang gutom ko.

Ako:

Busog pa ako. Mauna na kayo. I'm sleepy. :)

Xandy:

Awww. Are you sure? Okay. Kung magbago ang isip mo. Alam mo na. :D

Hindi na ulit ako nagreply sa text niya. Agad akong nagkumot. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Dahil lang sa isang masamang bangungot ay natakot na ako.

Nakalipas ang isang oras. Napagpasya kong buksan ang facebook ko. Last year ko nga lang ulit nasubukan magfacebook. Dahil nang mga nakalipas na taon ay nakadeactive ito. Natatakot ako sa kung anong makikita ko.

Ngunit ngayon, bahala na. Mas magandang siguraduhin ko nga kung tama o mali ang nangyayari.

Sinearch ko ang pangalan ni Xandy. Ngunit, walang lumabas. Puro fanpages ang mga ito. Wala siyang real account. Sumunod ay nagsearch na ako sa google. Sinubukan kong alamin kung sino ang CEO at ang Vice President ng V Brewery. Nanlumo ako ng iba ang lumabas.

President of Villanueva Brewery Company is Mr. Xander Villanueva while the Vice President of this company is Mrs. Treffy Villanueva, Mr. Xander Villanueva's Wife.

At nang basahin ko ang article na 'yon ay nalaman kong 2013 pa pala ginawa 'yon. Bakit hindi ba latest kung sino ang Vice President ngayon? Haynaku!

Nang bahagya akong humiga. Bigla na akong nagutom. Ayaw kong bumaba. Pero gutom na talaga ako. Kung nasa 26th floor sina Xandy. Sa main restaurant na lang ako kakain.

Bumaba ako sa 12th floor. Nakakatakot naman dito sa elevator. Ang layo pa ng bababaan ko tapos mag-isa lang ako? Urghhh!

Ang tagal ng pagbaba ko gamit ang elevator. Ngayon ay nasa 15th floor na ako. Gutom na gutom na talaga ako! And I can't help it.

Hanggang sa tumunog na ang elevator. Sa may 12th floor na pala ako. Kaya agad ako lumabas doon. Tumambad sa akin ang malaking restaurant. At sobrang daming tao ang nagsisikainan. Sa susunod, dadalhin ko si Vladimir dito upang hindi lang naman ako iyong kumakain sa ganito kaingrandeng lugar.

Mabilis kong binagtas ang landas patungo sa upuang may 4 seats. Actually, ayaw ko doon. Ayokong magkatotoo ang panaginip ko. Pero syempre, imposible namang mangyari 'yon dahil isa lang naman 'yong panaginip. Wala na akong nagawa kundi umupo doon dahil wala na akong makitang lamesang may espasyo pa para sa akin. Dahil sa gutom ko ay tinawag ko na lang 'yong waiter.

"Waiter!!!" Sigaw ko.

Mabilis naman siyang nakalapit sa akin. Nakatakip ng menu ang mukha niya. Kaya ng iabot niya sa akin ang menu ay nakita ko na ang eksaktong mukha niya. He looks familiar, though.

"Mi-Miss Kezzia?" Tawag niya sa akin.

"Kilala mo ako?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Oo naman po. Kayo po diba 'yong girlfriend ni Master Thun- Ay sorry po!" Yumuko siya dahil sa kahihiyan.

Ngayo'y kilala ko na siya. At alam ko na din bakit pamilyar nga sa akin ang lugar na 'to. May kunting pagbabago ngunit pamilyar nga. Dito ako minsang dinala ni Thunder nang magkaroon kami ng "fake relationship."

"It's okay. Uhm... Mag-oorder na pala ako." Utas ko.

"Sure, ma'am. Ano po ba ang gusto niyo?" Tanong niya.

Tumingin ako sa menu upang makita ang pangalan ng menu. "One beef steak and fish fillet with Iced Tea, huh?" Sambit ko.

Actually, gusto kong iorder ang Hawaiian Pizza at Oreo Shake. Ngunit ayoko na talaga! Ayoko na. Haynaku.

"Okay. Copy ma'am." Untag niya sabay alis.

Naghintay ako ng ilang minuto. Hanggang sa naaninag ko na ang waiter na lumapit sa akin kanina dala-dala ang tray na may laman ng mga inorder ko. Agad siyang ngumiti ng makitang nakatingin ako sa kanya. Nang makarating na siya sa harap ko ay marahan niyang nilapag ang mga order ko sa may lamesa.

"So, these are your orders." Utas niya.

Ngumiti ulit ako at ganoon din naman ang ginawa niya. "Thank you." Untag ko.

Umalis na siya kaya agad kong nilantakan ang pagkain na inorder ko dahil sa gutom. Pero muntik na akong masamid ng biglang may tumabing pamilyar na tao sa akin.

"Hello sissy!" Sigaw niya.

Napalunok ako ng ilang beses upang hindi ako masamid ng tuluyan. What the fuck?

"Ay sorry. Nagulat ata kita." Nag-aalala niyang sabi sabay palo sa likod ko.

"Hahahaha. I'm okay." Giit ko.

"Sorry. By the way, why are you here? Bakit hindi ka na lang sa 26th floor? Hindi tuloy kayo nagkaabot ng kapatid ko." Nakangisi niyang sabi.

Parang nagsitaasan nanaman ang mga balahibo ko. Bakit ba kahit takot akong makita o makilala siya, gusto ko pa din alamin kung sino talaga siya.

"Ano palang pangalan ng kapatid mo?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sabay hawi sa kanyang nga buhok.

"Uhm... Surprise? Magkikita na din lang tayo bukas. Mas magandang bukas mo na lang malaman."

"What?" Gulat kong tanong dahil sa hindi makapaniwalang sinabi niya. "Tomorrow? Anong meron? Bakit hindi pa ngayon?"

"He's busy, Raniela. Although, bukas ang nakaset na meeting natin bukas. So, prepare huh?" Seryoso niyang sabi sa akin.

Nahalata ko ang pagseseryoso niya dahil bigla siyang umiwas ng tingin. At for the first time, tinawag niya akong Raniela.

"Anong oras ba?"

"Maybe 7 o'oclock in the morning." Sabi niya.

Buti na lang talaga maaga akong nagigising. Kaya baka mas maaga pa sa ala-syete ang pagpunta ko.

"Dito ba tayo magkikita—"

"Nope. 26th floor. The private restaurant."

Sumubo ako ng ilang beses hanggang sa nawalan na ako ng gana dahil sa kakaputak ni Xandy.

"Uhm... So, matutulog na ako. See you tomorrow?" Sabi ko.

"Sure. See you, Kezzia. I'm so damn excited." Nanggigigil niyang sabi kaya hinawakan niya pa ako sa balikat at niyugyog ng bahagya.

"A-Ako din..." Sabi ko sabay pilit na ngumiti.

I'm really damn not excited, honestly. Sumakay lang ako sa sinabi ni Xandy.

"Bye!" Sigaw ko sabay naglalakad na palayo sa kanya.

"Bye sissy! Goodnight." Kumaway pa siya.

Sumakay na ako ng elevator. Mabilis akong nakarating sa taas siguro dahil sobrang lalim ng iniisip ko. Gusto ko ng makita kung sino ang Vice President nito. Para mawala na ang kaba kong siya nga 'yon. Dahil malakas ang kutob ko, baka siya nga.

Nang naglalakad na ako at tinatahak ang landas papunta sa kwarto ko. Para akong nakaramdam ng kakaiba. Para bang sa paglalakad ko ay may nakatitig sa akin. Parang may kanina pa sumusunod sa akin. Hanggang sa nakarating na ako sa room ko ay agad kong pinihit ang doorknob upang makapasok na. Nilock ko kaagad ang pinto at gumapang na agad sa kama.

Kinaumagahan ay agad akong bumangon upang maligo. Maaga pa nga e, ala-sais pa lang ng umaga. Ngunit kailangan ko ng maghanda para sa meeting mamaya. Naghanda ako ng formal dress. Nakawhite dress ako habang nakaflat shoes naman. Inayos ko ang buhok sa pamamagitan ng pagsuklay nito at wala ng nilagay na palamuti. Dahil hindi naman ako mahilig sa make-up ay nagpulbo na lang ako at naglagay ng lip balm. Ayaw ko naman ng lipstick, baka mapagkamalang kumain ako ng sariwang tao o hayop dahil sa sobrang pula nito. Nagpulbo na din ako para naman hindi maging oily ang mukha ko kapag humarap ako sa kapatid ni Xandy.

6:40 na ng matapos ako magbihis at mag-ayos. Malapit na din palang mag ala-syete. Iyon kasi ang naging usapan. Buti na lang at sa 26th floor ang usapan. Mabilis akong lumabas sa kwarto at naglakad papunta sa elevator. Buti at wala akong kasabay dahil siguro'y masyado pang maaga. Pitong minuto din ang ginugol upang makababa ako ng tuluyan sa 26th floor. Hanggang sa makalabas ako at kapain ko ang cellphone ko sa bag ngunit wala doon. Kumaripas ako ng takbo pabalik ng elevator.

"SH1T!" Malutong kong mura.

Kailangan ko 'yong phone! Nandoon kasi ang mga kailangan kong ipakita ngayon sa meeting. Pitong minuto ulit ang nasayang dahil sa pagtaas ng elevator. Hanggang sa nakarating ako sa kwarto at nakita ang walanghiya kong phone na naka-kalat sa lamesa. Agad ko 'tong dinampot at halos mahulog pa dahil sa pagmamadali ko. Nilock ko 'yong pinto at pumunta ulit sa elevator. Buti talaga walang masyadong tao at bumababa-taas dito.

Pitong minuto ulit ang nasayang dahil doon. Hanggang sa nakatapak na ako sa 26th floor at agad na dumiretso sa may private restaurant. May nakita akong dalawang taong naka-upo na doon. Naaninag kong si Xandy ang isa at nakatalikod iyong lalaki kaya hindi ko siya makita. Ngunit nakalongsleeve siya ng hanggang siko. At nakasampay ang kangyang american suit sa kaliwang upuang katabi niya.

Marahan akong naglakad palapit sa kanila. Siguro'y nakita na ako ni Xandy kaya agad siyang tumayo upang sunduin ako. Nakita ko ang likod ng lalaki at hindi siya iyong ordinaryong lalaki lamang. Dahil kung makikita mo ang likod niya'y parang may mga muscles na nakatago doon at talagang nasanay na siya sa gym. Ngunit hindi iyon ang nagnakaw ng atensyon ko. Kundi kung bakit hindi man lang siya lumingon at halatang batog na batog na siyang nakasandal sa upuang iyan. Nakita ko ang ayos ng kanyang paa ay nakadekwatro na siya.

"You're late, missy. I waited for you." Bungad niya sabay tayo at humarap sa akin.

Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay at diretso ang titig niya sa aking mga mata. Nanigas ang buong katawan ko at parang naubos ang dugo ko sa katawan. Lahat sila'y nagsitaasan sa aking mukha at for sure,  namumula ako at nag-aalab na ang pisngi ko. Ramdam ko ang pagtaas ng lahat ng balahibo ko sa katawan at malakas na pagkabog ng puso ko.

"Wala ka bang gustong sabihin? Like... Sorry?" Giit niya.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa ngayon. Naghahalong galit at pagsisisi ang nararamdaman ko. Parang may parte sa sistema kong gusto ko siyang kausapin ng hindi ganoon kapormal. Ngunit bakit ganito, parang nanuyo ang buong lalamunan ko at nagkabuhol ang dila ko.

"What the fuck! Are you insulting me?!—"

"Okay, sir. Sorry for wasting your damn energy and time. Sorry for what happened. Sorry for everything, Sir." Mariin ang pagsabi ko ng huling salita.

Nakita ko kung paano kumunot ang kanyang noo. Halata ko sa kanya mga mata ang inis at galit. Trabaho lang 'to, Raniela. 'Wag kang masyadong mapersonal.

"Okay. Okay. Okay. By the way, Kezzia, meet my brother... Thunder Villanueva. Vice President of Villanueva Brewery. At siya din ang magpapatrabaho at magpapasahod sa'yo simula ngayon. So, be nice to him, okay?" Sabi bigla ni Xandy.

Hindi na ako nagulat ng malamang siya ang vice-president dito. Nagulat ako ng malamang totoo nga ang naging panaginip ko. Pero wala na sa akin ngayon 'to. 'Wag lang talaga akong pahihirapan ng kidlat na 'to, kundi baka siya ang ipatama ko sa kidlat.

"Sure, Xandy." Nakangiti kong sabi.

Nakita ko kung paano nag-igting ang bagang ni Thunder. Pero wala akong pakielam doon. Nagulat ako ng biglang hinigit ako ni Xandy papunta sa upuang nasa tabi niya. Umupo kasi bigla itong si Xandy kaya napatianod na din ako.

"Are you hungry? Let's eat habang pinag-uusapan iyong meeting." Sabi ni Xandy.

"No. I'm okay. Busog pa naman ako, e." Sagot ko sabay tingin kay Thunder.

Ngayo'y hawak niya na ang iPhone 6+ niya. Aba't! Ang yaman talaga ng kidlat na 'to ha! Manakaw nga mamaya. Hahaha! Joke.

Ngunit hindi iyon ang umagaw ng atensyon ko. Kundi ang mga nananalisik niyang matang nakatitig sa akin. Para bang ang laki ng galit niya sa akin. Ano ba itong pakulo ng hinayupak na ito?! Bwisit ha!

"Okay. So, pag-usapan na natin 'yong tungkol sa trabaho mo." Suggest ni Xandy.

Napatungo kaming pareho ni Xandy kay Thunder na wala pa ding pinagbago ang ginagawa. Talagang nakatitig lang siya sa akin at pinagmamasdan ako rito.

"I thought, 3 months contract mo rito?" Tanong ni Thunder sa akin.

"Yes. Why?" Diretso kong sagot sa kanya.

"You're contract must be 6 months." Giit ni Thunder.

Nanliit ang dalawang mata ko, "What?! Hindi pwede. Nakausap ko na si Xandy tungkol rito. And 3 months lang—"

"I am the Vice President of this company and Xandy is just a manager here." Mariin niyang banggit.

"Ughh! 5 months." Giit ko.

"6 months." Sagot niya pa.

"Oh wait! Stop the quarrel. Kezzia, mas magandang aprobahan mo na lang 'yon. Mabilis lang naman ang anim na buwan." Gatong ni Xandy.

Mas lalong nanliit ang mga mata ko. Pati ba naman siya? Tsk. Syempre, magkapatid sila. Talagang sila ang magkakampihan. Oh holy crap! Paano na 'to? Si Vlad, uuwi na after 3 months. Paano na ako dito?

"Okay! Ano bang gagawin ko sa loob ng 6 months?" Iritado kong tanong.

"Gagawa ka ng wine. At sasamahan mo akong ipresent iyon sa board." Sabi ni Thunder.

"What?! Sasamahan pa kita?!"

"Yes. You should. Dahil ikaw ang gumawa ng wine."

"I shouldn't. Hindi mahalaga ang pagsama ng isang manggagawa sa kanyang boss. Kaya hindi maaari!" Bulyaw ko sa kanya.

"Okay. So, tapos na pala itong meeting na 'to e. Ayaw mong pumayag sa 6 months at ayaw mo din pumayag sa nilalaman ng kontrata. You're fired." Giit niya.

Napaawang ang aking bibig habang siya ay mabilis na tumayo. Kinuha niya agad ang american suit niya. Hindi na ulit siya nagsalita at nakita ko na lang siyang naglakad palayo sa amin. Dumiretso ata siya sa kanyang office dahil mali ang landas na tinahak niya.

"I'm fired?!" Gulat kong sabi.

"Ikaw kasi e. Sabi ko pumayag ka na pero ayaw mo pa din. Matigas ka din kasi minsan." Gatong pa ni Xandy.

"I'm not, Xandy. Labag na iyon sa karapatan ko—"

"Pero 'yon ang nakalagay sa kontrata." Giit naman ngayon ni Xandy.

"Urghh! So, what will I do?" Tanong ko.

"Habulin mo siya. Magmakaawa kang 'wag ka niyang patalsikin."

"What?! But, I'm fired."

"Edi mag-apply ka ulit. Mapride na tao si Thunder pero lumalambot din 'yon. Kilala ko siya, Kezzia. So, go! Mamaya ay hindi na magbago ang isip noon." Sabi bigla ni Xandy.

Kumaripas ako ng lakad papunta sa pinakadulo-duluhan ng floor upang makapunta sa may office niya.

"Nasaan po si Mr. Villanueva?" Tanong ko.

"Hindi pa po siya pumapasok dito sa office niya ngayong araw. Baka nasa may kwarto niya po siya. Ngunit masyado pong pribado ang kwartong iyon. Siya lang po ang nakakapasok doon." Sabi ng sekretarya.

"Ganoon po ba? Nasaan po ba iyong kwartong iyon? Kailangan ko po talaga siyang kausapin, e." Pagmamakaawa ko.

"Doon po sa may kaliwa. Kung nakikita niyo po 'yong pintong black diyan. Iyon po. Iyan lang naman po kasi ang black na pinto diyan, e." Paliwanag ng sekretarya.

"Maraming salamat po."

Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya. Naglakad na ako papunta sa pintong iyon. Nadaanan ko na ito kanina pero hindi ko masyadong napansin. Nang makalapit ako sa may pinto ay nakita kong bahagyang naka bukas ito.

Kumatok ako bigla. Agad niya naman itong binuksan ngunit halos lumuwa ang mga mata ko at maglaway na ako dito. Wala na ang suot niyang long sleeve ngunit nakapantalon pa siya. Nakatopless siya kaya halata ang kanyang 8 packs abs. Kitang-kita ko din ang kanyang triceps at biceps. Pati na din ang kanyang... v line. Napalunok ako ng tatlong beses hanggang sa umubo na siya kaya nagulantang na ako.

"Ehem! Anong kailangan mo, miss?" Pormal niyang tanong.

"Ahh... Ehh.. A-ano kasi..."

"Faster."

"Ano.. Uhm... P-Pwede ba tayong mag-usap?" Buti at nabuo ko na ang salitang gusto kong sabihin.

"About what? Tapos na ang kontrata mo. You're fired." Diin niya.

"Okay na! Tinatanggap ko na iyong 6 months contracts. Pati iyong inaalok mo. Wala na din naman akong magagawa—"

"It's too late, missy."

"Too late? Why? Nakahanap ka agad?"

Bago pa siyang sumagot ay ako na ang nagsalita.

"Hindi na ako magtataka kung makahanap ka agad ng iba. Sanay na din naman ako. Okay. Sayang lang pala oras ko dito e."

Hahakbang na sana ako palayo ngunit bigla niya akong hinigit papasok sa kwarto niya. Bigla niyang sinara ang pinto at tinulak ako doon. Hawak niya ang magkabilang kamay ko at nakatitig ulit siya sa akin.

"Every now and then. You're still my weakness." Bulong niya sa akin.

Sobrang lapit na namin sa isa't isa. Nararamdaman ko na ang bawat hininga niya at sobrang lapit ng dibdib ko sa kanyang katawaan. Ang laki din pala ng tinangkad ng kidlat na 'to.

Teka nga, anong weakness ang sinasabi ng timang na ito?!

"B-Bitawan mo nga—"

"I said it's too late because you're fired. But, you can apply again." Untag niya.

Mas nilapit niya ang kanyang mukha. Halos magtama na ang aming mga ilong. Ngunit hanggang doon lang siguro ang ilalapit niya. Pero kahit ganoon pa man, gusto kong makawala sa kanya. Ngunit bakit parang ayaw ng sistema ko.

"You need to apply again, baby." Bulong niya.

Apply again?! Baka ito na ang ikabagsak ko. Teka nga. May nalalaman nanaman siyang baby. Nakakainis na ha! Pero bakit kailangan ko ulit mag-apply? Noong nag-apply ako hindi ko alam kung paano ako natanggap. Ngayon? Baka ikabagsak ko na ito.

Continue Reading

You'll Also Like

339K 7.9K 56
[[BOOK 1]] "Perfect. That's how the world feels when I'm with you" It's been a long time since Raine experienced how it feels like to love and to be...
684K 8K 45
Hindi alam ni April kung ano ang pumasok sa isipan niya at pumayag siya sa hiling ng lalaking bigla na lang pumasok sa coffee shop nila isang araw. H...
131K 3.2K 73
Makabagong pagmamahalan sa makabagong panahon. This is a 31st Century Love Story where everything has changed. Mula sa paligid, sa mga tao, at halos...
37.9K 639 67
May isang tao na kahit saktan ka hindi mo kayang kalimutan. Hindi dahil sobrang tanga mo na, kung hindi dahil sadyang mahal mo lang siya. At kapag du...
Wattpad App - Unlock exclusive features