Can You Hear Me Ezikiel?

By CerysYou

31 4 17

Sa edad na 24 anyos ay marami nang responsibilidad si Ezikiel Cyrus Navarro, tulad ng kung paano I manage ang... More

Prouloge;
Chapter 02

Chapter 01

9 2 7
By CerysYou


(I-play nyo yung music para mas feel yung chapter na dizz.)



Xylina POV

Nakatayo ako ngayon sa harap ng kabaong ng aking mahal na ama na unti-unti ng binababa.

Habang pinapanood itong binababa ay sumisikip ang aking dibdib panay rin ang pag agos nga aking mga luha.

Mahal na mahal ko ang papa ko, siya lang tanging pamilya ang mayroon ako tapos kukunin rin siya sa akin.
Mahal na mahal ko siya dahil siya ang tumayong ama't ina sa akin dahil nang isilang ako ay hinang-hina na ang mama ko dahil may sakit siya sa puso at tulad ng sabi ng doktor ay Isa lang ang maaaring makaligtas sa amin at pinili ni mama na buhayin ako kaya nang isilang ako pinangako ni papa sa kanyang sarili na hinding-hindi niya ako iiwan. Wala narin kaming kamag anak na kinikilala dahil si papa ay nagiisang anak ng lolo't lola ko na matagal naring patay.
Si papa ay hamak na driver lamang ng mayamang pamilya nila mama kaya nang malaman nilang nag mamahalan sina mama at papa ay pinalayas nila ang papa ko Pati narin si mama dahil hindi nila tanggap ang relasyon ng mga magulang ko at mahal nina mama at papa ang isa't Isa hindi sila mapaghiwalay kaya Pati si mama na sariling anak nila ay tinaboy rin nila, Napakasama nila nag iinit ang dugo ko sa kanila.

Matagal na panahon na hinintay ni mama sa langit para makasama muli si papa, nagtiis si mama ng dalawampu't dalawang taong hindi kasama si papa sa langit dahil alam niyang kaylangan ko si papa kaylangan ko ng magulang na mag aalaga sa akin at ngayong dalawangpu't dalawa na ako siguro napag isip isipan ni mama na kaya kona, kaya konang buhayin ang sarili ko na hindi na dapat ako dumepende sa papa ko kaya ngayon sinundo niya na ng lubusan si papa, pero ang sakit parin dahil si papa lang ang meron ako mula ng isilang ako kaming dalawa ang magkasangga sa lahat ng bagay nandyan si papa palagi para sakin, siya ang umaakyat sa entablado para sumabit ng medal ko kada pagtatapos, siya ang palaging nagtatrabaho para makahanap ng pambili ng pagkain namin, maraming trabaho ang pinasok ni papa para matustusan lang ang pangangailangan ko ngunit kadalasan kulang parin ito kaya kadalasan Sardinas o tuyo ang aming ulam pero okay lang sakin yun dahil masarap naman ang Sardinas at tuyo at Isa pa nagmula yun sa pinagpawisang kita ng papa ko kaya wala akong reklamo at Isa po ayaw rin akong Pagtrabahuhin ng papa ko dahil sabi niya siya na ang bahalang mag trabaho at ang kaylangan ko lang gawin ay ang mag aral ng mabuti at makapagtapos, pangarap kasi ng papa ko na makapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi iyon natupad dahil mahirap lang sila kaya siya tumatrabaho para mapag Aral ako gusto niyang makitang makapagtapos ako ng Pag aaral at gusto niya ring sa araw ng pagtatapos ko ay siya ang mag sasabit ng medal ko, ngunit paano niya makikitang makapagtapos ako kung pumanaw na siya? Paano niya masasabit ang medal ko sakin kung wala na siya? Isang buwan nalang makakapagtapos na ako ng coliheyo sana hinintay nalang ni mama na makapagtapos ako bago sunduin si papa.

Ngunit kahit ganun kailangan ko paring makapagtapos dahil hiniling nya iyon bago pa siya malagutan ng hininga.

Bumalik na naman ang alaalang yun, ang araw na naghihingalo na si papa.

Kakauwi ko lang galing sa school nakita ko si papa na nag kakape sa labas ng munting bahay namin, naglakad ako papunta sa kanya at nag mano saka pumasok sa loob para mag bihis ng pambahay.

Nang lumabas ako sa kwarto ko ay nakita kong nakahiga si papa sa mahabang bangko sa maliit na sala namin hawak-hawak ang dibdib niya na para bang nahihirapang huminga

Dali dali akong pumunta sa kanya at tinanong siya

"Pa ayos kalang? Anong nararamdaman mo?" Nag papanic kong tanong.

Hindi sumagot si papa, patuloy parin siya sa pag himas ng kanyang dibdib

"Papa sagutin mo ako" paiyak kong sabi kay papa

"Papa dadalhin po kita sa ospital sandali lang tatawag lng ako ng tutulong saking dalhin ma sa ospital" ani ko sa kanya

Patayo na sana ako para tumawag ng tulong ng hawakan ni papa ang palapulsuhan ko saka siya nag salita na parang hinihingal o kinakapos ng hininga

"A-anak m-m-makinig ka s-sakin" panimula nito kaya umupo ako ulit sa tabi niya

"Si-sinusundo na a-ako ng m-mama mo" naiyak na ako

"I-inga-tan mo ang s-sarili mo m-magpaka-t-tag ka, t-tapusin m-morin ang pag-pag aaral mo p-pangako mo yan" pagpatuloy niya

"Papa naman ikaw nalang ang pamilyang meron ako tapos iiwan morin ako!? Akala koba walang iwanan?" Naiiyak konang Saad

"A-anak m-m-makinig ka s-sakin m-mahal na m-mahal ka na-namin ng m-mama mo n-ngunit sad-sadyang oras kona p-para lisanin ang m-mundo kaya b-bago ako pu-pumanaw i-ipangako mo sakin na mag-magtatapos ka ng p-pag aaral"

"Papa!" Iyak ako ng iyak dahil sa mga sinasabi ni papa

"Anak X-xylina i-ipangako mo" Pag mamakaawa niya pa sa akin

"Opo opo papa pinapangako ko" nang sabihin ko yun ay ngumiti si papa saka Dahan dahang pumikit ang kanyang mga mata.

"Papa!!" Ang labo na ng paningin ko dahil sa mga luhang nagkakarera sa paglabas sa mata ko

"Papa" ulit kopa sa nanghihinang boses.

Bumalik ako sa kasalukuyan ng mag salita ang kaibigan kong si Lia.

"Hey Xy tahan na, gusto mo bang ihatid na kita sa bahay Nyo?"
Tanong niya

Umiling ako at hinarap sila na naluluha parin

"Hindi okey lang kaya kong umuwi mag Isa may pupuntahan pa kayo Lia diba?" May pupuntahang meeting kasi ang magulang ni Lia at pinapasama rin siya nito pero sabi niya sa magulang niya na pupunta muna siya sa libing ng papa ko at pumayag naman sila

"Well yes may pupuntahan ako but pwede kitang ihatid muna bago ako pumunta sa meeting na yon" ani Lia

"Hindi okey lang" sagot ko saka siya nginitian

"Eh ako nalang mag hahatid sayo Ina" suhestyon ng kaibigan kong si Dash

"Wag na may trabaho kapa"

"Makakapaghintay naman ang trabahong yon" sagot pa Niya

"Hindi na kaya ko naman sarili ko" ngumiti rin ako sa kanya

Tinignan nila ako na para bang tinatanong kung sigurado ba ako kaya tinanguan ko sila

"Sige bye ingat" sabay nilang sabi at naglakad narin paalis

Tumingin ako muli sa kabaong ni papa

"Paalam Papa, bibisita din ako rito Pag hindi ako busy"

"Sana'y masaya na kayo ni mama Jan sa langit at Sana bantayan niyo rin ako, mahal ko kayo pareho" ani ko saka tumalikod at naglakad narin paalis.

Kahit na wala na ang mga magulang ko ma swerte parin ako dahil may dalawa akong best friend na nandiyan palagi para sa akin.
Sina Lia at Dash.

Tahlia Venice Ramos o 'Lia' dalawampun't dalawang taong gulang rin mas matanda lang siya sa akin ng dalawang buwan, siya ay nag iisang anak Nina tita Violett at tito Tirso Ramos mayaman ang pamilya ni Lia doctor pareho ang mga magulang nito at meron rin silang sariling ospital ang 'Ramos We Care Hospital' pero kahit mayaman sila hindi sila nandidiri sa mga katulad naming mahihirap ang bait ng pamilya nila.

Si Dashiel Ballesteros o 'Dash' dalawampu't tatlong taong gulang, tulad korin sya na mahirap lang pero buhay pa pareho ang mga magulang niya na sina tita Dana at tito Leroy Ballesteros meron ring nakababatang kapatid si Dash si Dianna Ballesteros, ang kulit ng batang yun Hahahaha syam nataong gulang palamang siya, ngunit lasinggero ang papa ni Dash, pagiinom at pag susugal lamang ang alam nitong gawin kaya si Dash ang tumatayong haligi ng kanilang tahanan.

Wala ako sa sariling naglakad sa kalsada ni hindi ko nga alam kung naka red ba o green ang kulay ng traffic light, patuloy lang ako sa pag lalakad.

Habang naglalakad may narinig akong tumawag sa akin pero binalewala ko nalang baka nag ha-hallucinate lang ako narinig kopang muli ang tumatawag pero deadsmalu ang peg nang lola nyo haha.

May biglang bumusina na sasakyan sa harap ko

Nanlaki ang aking mata, baka sinusundo narin ako nina mama at papa baka gusto narin nilang sumunod ako sa kanila

May biglang tumulak sa akin para hindi mabanggaan. Hayst!! Ano ba yan panira ng moment yun kung sino man ang tumulak sa kin!! de jowk lang gusto kopa mabuhay

Nang tumigil ang sasakyang muntik nang makabunggo sa akin ay hinarap ko ito para sigawan sana ang may-ari nang may makita akong nakahandusay sa harap ng sasakyan kaya dali-dali kong dinaluhan ang lalaking nasagasaan

Nilagay ko ang ulo nang Mama sa aking hita saka siya ginising

"Hoy Mama! Hoy!" Sabay tapik tapik pa sa mukha nito

Ang raming dugong umaagos sa bandang uluhan niya kaya Pati ako may mga dugo narin dahil sa kanya

Siya palalabahin ko ng damit kong to! Nakakainis siya!

"Mama! Uy! Gumising ka"

"Ang epal mo kasi ehh dapat ako yung masasagasaan bakit mo ako tinulak!" Umiiyak kong reklamo sa Mama.

Hindi na maawat awat ang mga luha ko dahil sa kakaiyak

Hindi ko naman kilala ang mamang ito ngunit kasalanan ko parin bakit siya nasa sitwasyong ito.

Bakit ba ang malas ko! Wala na nga ang magulang ko tapos itong mamang ito na sagasaan pa nang dahil sakin

"Huy Mama" pukaw ko ulit dito pero hindi ito sumasagot

Kakatapos lang umiyak ng mata ko kanina sa libing ni papa akala ko nga wala na akong luhang natira ngunit meron pa pala

Patuloy lang sa pagluha ang mata ko. Shutaa kanina pa ako naiinis sa mga luhang ito labas sila nang labas hindi naman nakakatulong mabuti Sana kung nakakagamot sila edi sana nagamot kopa itong mamang ito ahhh!!! Kainis!.

Dahil sa pagluha ay parang nauubusan ako ng hangin parang hindi ako makahinga maya maya pa ay unti unting nagdilim ang aking paningin at nawalan ng malay.









Author's Note

Hello po
Nakuha ba ng storyang ito ang atensyon nyo?
If yes please
Vote and Comment po para mas maganahan po akong magsulat
And if No naman
Bahala kayo sa sarili nyo hmp! De jowk lang okey lang kung hindi kayo nagandahan Pers taym magsulat eh kaya medyo lousy pa HAHAHAHA.

Continue Reading

You'll Also Like

10.7M 247K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 π„π§πžπ¦π’πžπ¬ 𝐭𝐨 π‹π¨π―πžπ«π¬ Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
2.8M 32.9K 11
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
676K 56.9K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
2.1M 123K 43
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...