Unexpected Flight (Monteverde...

By 8aurelia

941 12 1

Growing up without a mom made Marigold thinks a little different from others. Worse luck it seems like life i... More

01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27

PROLOGUE

186 3 0
By 8aurelia



"Ms. Sanchez!"

Kumaway ako sa batang tumawag sa akin, naka ngiti siya at ganon din ang ginawa ko.

"Celestine sandali," huminto ako nang makarinig ang matandang boses ang tumawag sakin.

Nilingon ko ang matandang babae na kanina pa ata ako hinahabol. shit Celestine!


Ako na mismo ang lumapit sa kaniya, nang makalapit ako agad kong hinawakan ang braso niya. "Sorry po, ano pa ang kailangan niyo?" tanong ko at inakay siya papalapit sa upuan, matanda narin ang babaeng ito mga nasa 80's.


"Pumasok ako dito dahil sa apo ko, kaso may nakita akong lalaki na nag aalangan pumasok dito para ibigay ito sa iyo, ang lalaking iyon ay malaki ang nagawa para sa akin at sa apo ko, kaya gusto ko kahit sa simpleng ito makabawi ako, nangako ako na ibibigay ko ito sa iyo, ayaw niya nung una pero pinilit ko lang, sana tanggapin mo," saka niya inabot ang isang bracelet na gold ang kulay, wala iyong box at may maliit na dalawang bilog sa gitna, at nang maisuot ko ito ay may mga parteng nakalawit din.


kanino naman ito galing? ang ganda.


Ito ang bracelet na gusto ko noon pa man, isang tao lang ang kasama ko ng makita ko itong bracelet na ito at hindi ko sinabi sa kaniya o kanino man ang tungkol dito, masyadong mahal itong bracelet na ito, at ang gumastos ng ganon kalaki para lang dito tiyak na pagsisihan ko lang din sa huli, bata pa ako ng mga panahon na iyon at wala pang maipagmamalaki at ayokong bilhin ang ganitong napaka gandang bagay na ito kung pagsisisihan ko lang din naman sa dulo.


May ngiti sa labi ko itong tinitigan, mahilig ako sa mga ganitong malilit, ang cute niya tignan. nilingon ko sa lola, at nakita ko siyang naka titig saakin.


"Kanino po ito galing?" naka ngiti siyang umiling sa akin.


"Nagustuhan mo ba?" tanong niya at sunod-sunod akong tumango sa kaniya.


"Kung ganon, ikaw ang humanap sa taong nag bigay sa iyo niyan," naka ngiti paring saad niya, tumayo siya at nginitian muna ako ng pag katamis-tamis saka nag paalam.


"Mauna na ako, Miss Celestine," paalam niya.


Ngunit hindi pa siya nakalayo ay muli siyang bumaling sa akin.


"Nakikita ko ang saya mo, at masaya ako na masaya ang balitang maririnig niya mula sa akin, alam kong mayroon kang ideya, at sana kapag nagkaroon pa ng panahon ay mapagbigyan muli ng pagkakataon ang pag-iibigan ninyo," at tuluyan na niya ako tinalikuran.


Naka uwi na ako ng condo ko at iyon lang ang nasa isip ko, mapagbigyan muli ng pagkakataon ang pag-iibigan ninyo. Tumitig ako sa kisame at ginawang unan ang braso ko, may ideya na ako pero hindi maaring sa kaniya ito mang galing wala naman ito dito saka hindi ko binanggit sa kahit na kanino ang tungkol sa bagay na ito. Inangat ko ang kaliwang braso ko para titigan ang bracelet.


Nagising ako sa ingay ng doorbell sa unit ko, inabot ko ang cellphone ko sa drawer sa tabi ng kama ko para tignan nag oras, 6am, the fuck? sino naman kaya ito. Tamad na tamad akong pumunta sa pinto at hindi ko manlang sinilip sa peephole kung sino ito basta ko nalang binuksan.


Walang tao...


Putang ina.... gago minumulto na ba ako? tangina wala akong ginawang kahit na ano ha.


Dahil sa nangyari nagising bigla ang diwa ko at naglakad ako palabas para silipin kung may tao sa hallway, pag hakbang ko may nasipa ako, tumingin ako sa baba. May box na red at may flower din, daisy flowers.


Kanino ito galing? nag mamadali ko ng binitawan lahat ng ito at tumakbo sa hallway baka sakaling maabutan ko pa siya. Ikaw na ba ito?


Ilang araw pa ang lumipas at paulit ulit itong nangyayari, habang nasa flight o after man ng flight ko ay may random people na bigla akong bibigyan ng daisy flower, oh god.


"Ganda naman ng pokpok na yan," pang-aasar sa akin ni jasper, hinaplos pa ang pisngi ko. he's a gay and one of our pilots.


May nag bigay na naman kasi ng bulaklak sa akin e, hindi ko kilala hindi nag pakilala.


"Sorry kayo, celestine lang natin yan hahaha," gatong naman nitong babaeng si issa isa sa co-flight attendant ko.


"Tara na, nandiyan na sevice," aya naman ni lucine sa amin.


Tatlong leg lang ang lipad namin ngayon, manila to tokyo then tokyo to incheon then incheon to manila. Uuwi na kami agad dahil napag usapan na namin na bukas nalang gumala since walang pasok, pero 'di pa ako sure kung sasama ako sa kanila may labas din kasi kami ng mga tropa ko naman nung nag-aaral pa ako mula high school to collage hanggang ngayon. O baka dahil gusto kong hanapin yung lalaking nag papadala sa akin ng bulaklak na halos i-araw araw na niya, ewan ko ba sa taong ito, buhay pa naman ako, yung condo ko puno na ng bulaklak dahil dito.


"Hoy! baka umitim iyan sa kaka-stare mo sa kaniya ah," pangloloko gray sa akin isa pang pilot namin.


"Hoy mga pokpok, balita ko ah, may lilipat na apat na bagong pilot dito sa atin," chismosang sabi ni issa napatingin naman ako a kaniya, hindi ko alam yun ah.


"Oh? sana may maging jowa na ako dun badtrip naman, sana may yummy," malanding sabe ni jasper, gago talaga ito.


"Tahimik ka ah, ayos ka lang?" tanong ni lucine sa akin. Tumango lang ako saktong dumating naman ang service namin, nang maupo ako ay agad kong pinahinga ang mata ko, wala akong pahinga kakaisip sa taong ito.


Hindi ko na gustong ginagamit utak ko eh.


"Hey, wake up na, nandito na tayo." agad akong kumilos para makuha ang maleta ko.


Sandali pa kaming nag kape at saka na pag desisyunang magsi uwi, palibhasa walang trabaho kinabukasan lakas ng loob mag puyat.


Pumunta agad akong parking lot at nag maneho pauwi, nag palit ako ng damit saka nahiga sa sofa sa living room, tinitigan ko ang mga bulaklak na nandoon sa lamesa ko, sunod ko namang tinignan ang bracelet ko, kung ikaw man ang may pakana ng lahat ng ito... pero bakit?


Lumipas ang isang araw na pahinga at maaga kami dapat ngayon dahil ngayon na ipapakilala ang apat na bagong piloto, sana isa sa kanila maka lipad ko, excited akong makilala sila.


"Aga mo ah, excited kang malandi ka?" tanong at pang-aasar ko kay issa.


"Eh ikaw bakit ang aga mo? Malandi ka din ba pag ganon?" balik niyang tanong.


"Gago support ako sa kalandian mo kaya ako nandito, malay mo girl! Isa sa mga bagong pilotong iyon ang makatuluyan mo diba?" parehas kaming kinilig sa sinabi namin and she hugged me in so much kalandian. harot amp!


Pumasok kami sa loob ng airline at dumiretso sa headquaters. Unti unting dumadami ang mga flight attendants at pilot na dumadating.


"Yow!" si jasper, kasunod si gray.


"Good morning everyone," nagsalita ang isang pilot at lahat kami napa ayos ng upo.


"Today we're expected to meet the four new pilot from the airline in US, I hope you work with them and accept them with warm hearts," nag palakpakan kami pagkatapos niya mag salita.


Sandaling natahimik ang mga tao ngumiti ang pilot na nagsasalita sa gilid niya at saka ito tinawag isa-isa.


"Captain, Marco Romero." pumunta naman siya sa gitna at ngumiti sa amin.


Siya pa lang ang lumalabas at hindi ko pa makita ang tatlo niyang kasama.


"Captain, Isaac Jon Garcia." cute siya, tumingin ako kay issa, tignan ang malandi.


Todo ngiti ang gaga, naiiling ako binalik ang tingin sa harapan.


"Captain, Gabriel Gino Dela Vega." pagpapakilala sa pangatlong piloto.


"And last but not the least," hinintay ko nalang na tawagin siya.


"Captain, Ethan Trevor Monteverde,"


Nawala ang ngiti ko, agad na nagwala ang puso ko at parang hinigit ang paghinga ko ng ilang minuto. Tumitig ako sa bracelet na suot ko. Unti unti kong inangat ang ulo ko para tinignan siya.


Unang tumama sa sapatos niya, makintab at walang nag iba ang sapatos niya ang isa sa mga bagay na dapat malinis sa kaniya, umakyat ng tingin ko sa katawan niya, more masculine and fit. His biceps are bigger than before.


At inangat ko ng tuluyan ang tingin ko sa kaniyang mukha, naubo ako kahit wala akong sakit ng makitang naka ngiti siya sa akin at parang sinisilip pa ako, at mas lalong lumapad iyon ng maubo ako. Agad akong inabutan ng tubig ni gray. Uminom ako sa muling sumilip sa kaniya.


Ethan bit his lower lip and look away, stifling an amused smile, agad akong nag-iwas ng tingin.


At doon ko lang napansin na kanina pa sila naka tingin sa akin, tinaasan ko si  issa ng kilay at sinimangutan ko siya, narinig ko pa ang tawa ni lucine.


"Okay, dahil may bago tayong pilots, may changes din sa mga flights ninyo, nandoon ang bagong schedules ninyo just check it. Have a nice day, everyone."


Agad na nag puntahan ang mga crew doon, walang naiwan sa tabi ko ay agad akong tumayo, pota. Awkward naman nito nasa harapan pakasi ang apat na piloto natatawa na at minsang sumusulyap sa akin, para bang pinauusapan nila ako.


Sa lahat lahat ng airline bakit dito? halos manlumo ko dahil makakalipad ko si captain Monteverde at first officer Garcia.


"Let me see my schedule, hmm." I flinch when I heard captain Monteverde baritone voice behind me.


Naka yuko akong umikot at iniwasan ang tingin niya, umalis ako dahil si issa ang kalipad ko hindi namin kasama ni lucine.


"Okay ka lang?" may nakaka-lokong ngiti sa issa.


"Tangina ka tigilan mo ko ha," pabulong kong pananakot.


"Kung ako ikaw hindi din ako magiging okay e, ikaw ba naman titigan ng ganon, gago sana may cycling ka, baka malaglag panty mo," pang aasar ng pesteng to.


Pero wait, tinitigan?


"Mag-uusap tayo mamaya sanchez, mag uusap tayo," ayaw talaga niyang tumigil.


"Ms. Sanchez," si Captain Monteverde.


"Y-you need anything po c-captain?" he chuckled at my words.


"Hi," he greet me and with that I felt my wrist vibrated. I look at the bracelet and the two circle in the middle produce red lights, at nakita ko din ang kaniya, ganon din ang nangyari.


He lean forward and lowered his head near to my ears, "I miss you," my eyes widen and the bracelet continuously vibrated, I felt butterflies on my stomach as the bracelet vibration tickles my wrist.


Same effect.... Same feelings.... Same man....


———////———


8aurelia

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...