Wreck The Game (COMPLETED)

By beeyotch

11.5M 470K 278K

(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karap... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Part 4
Epilogue - Part 5
Epilogue - Part 6
Epilogue - Part 7
Epilogue - Part 8

Chapter 39

184K 7.6K 4.9K
By beeyotch

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG39 Chapter 39

Paminsan ay nagsesend pa rin ng email si Nikolai. Hindi pa rin siya unblocked sa number ko—hindi rin naman siya nagsasabi na iunblock ko siya. Kuntento na siya sa paminsan na pagrereply ko sa email niya. Minsan din naman kasi ang random ng mga sinasabi niya kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Sir, paupo," sabi ko nang makita ko si Atty. Marasigan doon sa KFC. For some reason, maraming kumakain ngayon. Usually kasi ay wala kaya dito ako nagrereview tuwing tanghali. The best pa rin iyong manok nung Jollibee... pero mas bet ko iyong fries dito.

"Exam mo, Sir?" tanong ko dahil nakita ko na may mga reviewer siya. Hindi naman kasi sabay iyong exam namin dahil nasa masters na si Atty. Marasigan. Sabi niya mas okay daw magmasters kung gusto ko ng mas mataas na posisyon plus maganda raw sa resume. Saka ko na iisipin iyon—ang mas importante ay maging abogado muna ako.

Tumango siya habang kumakain nung fries at nagbabasa. "Mamaya."

"E 'di ba may meeting ka mamaya?"

"Diretso na ako sa school after nun," sabi niya habang diretso pa rin iyong mga mata sa binabasa niya. Bigla siyang napa-tingin sa akin. "Grabe maka-titig," sabi niya na may panunukso.

Natawa ako. "Bakit? May magagalit ba, Sir?"

Natawa rin siya. "Wala. 'Yung huling girlfriend ko sinabihan ako na pakasalan ko raw iyong laptop ko."

Ang lakas ng tawa ko kasi naman totoo lang! Lagi niyang kaharap iyong laptop niya dahil nagtatype siya ng kung anu-anong pleading at nandoon din iyong mga cases niya. Siya sa office iyong wala masyadong papel dahil mas gusto niya iyong soft copy.

"Dapat sa 'yo, Sir, iyong kasing workaholic mo rin."

"Saka na. Bata pa naman ako."

"Lolo ka na, e."

Sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako sa kanya. After nun e hindi na ako nag-ingay dahil busy siya sa pagrereview kaya sinabayan ko na lang din siya sa pag-aaral.

'Lunch time. Are you eating?'

'Yup. Ikaw?'

Hindi ako madalas sumagot, pero kapag may time ako at nasa mood, sumasagot pa rin naman ako kay Nikolai.

'Busy with work.'

'E bakit ka nageemail?'

'You're my rest.'

Napa-ikot ang mata ko. Napaka-raming alam talaga! Sabagay... ganito rin naman siya dati nung kami pa, pero ang kaibahan lang, after niya magsabi ng mga ganyang line, sabay kaming matatawa ng malakas kasi napaka-korni!

Pota.

Nakaka-miss talaga kami dati.

'Can I know where you work? Won't go there uninvited—just wanna send food over.'

'Okay lang may malapit na fastfood naman dito.'

'Jollibee?'

'KFC.'

'But Jollibee's still the best, right?'

'Wala naman masama magexplore. 'Di naman ako exclusive endorser ng Jollibee.'

'We're still talking about fastfood, right?'

Natigil ako sa pagta-type dahil tumayo si Atty. Marasigan. Napa-tingin ako sa relo ko at time na pala para bumalik sa office. Pagdating namin doon ay dumiretso na agad kami sa trabaho—no rest for the wicked talaga ang peg dito!

Nagprepare lang ako ng drafts ng pleadings at mga position paper na isa-submit sa NLRC. Medyo nakaka-down lang magdraft kasi makikita mo iyong pangit na sistema talaga dito. Iyong mga employer na ayaw magbigay ng benefits o kaya naman ay separation pay—iyong mga nagrerefuse na iregular iyong mga empleyado nila kahit na sa batas ay kapag 1 year ka ng nagta-trabaho ay automatic na regular ka na dapat. Kaya hindi na talaga nakakapagtaka na patuloy na humihirap ang mga mahihirap at yumayaman ang mga mayayaman.

Bulok talaga ang sistema.

Na-appreciate ko si Nikolai na at least buma-bawi kahit konti.

After nung trabaho ay pumasok na ako sa school. Para na lang akong robot sa sobrang pagod. Pag-uwi ko sa apartment ay hindi na ako naka-kain dahil gusto ko na lang talagang maka-tulog.

'Hi. 'Yung sa financial report pala.'

'I'll bring them over?'

Medyo malayo rin iyong sa hotel nila kung doon pa ako pupunta. At saka sa totoo lang, pagod na ako at gusto ko na lang sana na matulog ngayon dahil ilang araw na na sunud-sunod ang ginagawa ko. I mean, ineexpect ko naman na marami akong gagawin sa trabaho sa firm, pero 'di ko inexpect na ganoon karami! Sobrang nagtriple iyong paghanga ko kay Indie kasi isipin mo 'yun, ganoon ang ganap niya palagi? Minsan pakiramdam ko bigla na lang akong bubulagta, e.

Naka-suot ako ng medyo maluwag na pantalon, puting t-shirt, at saka puting walking shoes. May dala rin akong bag kung nasaan nandoon iyong ilang reviewer ko dahil malapit na ang finals at kailangan ko na ring magreview. Syempre priority pa rin ang maka-graduate at magkaroon ng titulo.

Akala ko ay maaga na akong dumating kaya lang ay naunahan pa ako ni Nikolai. Nakita ko agad siya sa isang gilid. Medyo maaga pa kaya naman wala pang tao. At saka kaagaw-agaw pansin naman talaga siya kahit saan siya pumunta. Naka-suot siya ng navy blue na polo, itim na denim na pantalon, at puting tennis shoes.

"Good morning," agad na sabi niya nang lumapit ako sa pwesto niya. May ngiti sa mukha niya, pero mukha ring kabado siya.

Naupo ako. "Good morning," bati ko rin sa kanya.

"Have you eaten yet?"

"Hindi pa," sabi ko kasi kaka-gising ko lang talaga. Nag-alarm naman ako kaya lang ay late na ako nagising. Sobrang pagod ko ay hindi na talaga ako nagising sa alarm!

"Do you wanna go to Jollibee?"

"Sa kabila pa 'yun."

"I brought my car."

"Duh. Alangan namang nagcommute ka," sabi ko sa kanya. Medyo napaawang iyong labi niya sa sagot ko. Para naman kasing automatic na lumabas iyon sa bibig ko! "I mean, okay naman dito sa KFC," dugtong ko na lang. "Try mo 'yung chicken nila."

"Okay..." sabi niya na parang kung siya lang ang masusunod ay lalabas pa kami, magda-drive pa siya, iikot pa kami para lang sa Jollibee kami kumain.

Sabay kaming pumila. Wala namang masyadong tao kaya naka-order na agad ako sa may cashier.

"You always eat here?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"You didn't even look at the menu."

"Ah... oo," sagot ko sa kanya. Tumayo ako roon sa harap kung saan kukuhanin iyong order. 'Di na ako nag-elaborate. Kung siya ay nagpalit ng sasakyan dahil naaalala niya ako doon, ako naman ay hindi na ata kakain sa Jollibee talaga dahil siya ang naaalala ko roon. Ang layo ng itsura ni Nikolai sa bubuyog na 'yon, pero ewan ko ba. Na-stress talaga ako dati kaya 'di na ako bumalik.

Nang maka-balik kami sa lamesa ay kumain muna ako. Napapa-tingin ako kay Nikolai kasi parang labag sa loob niya na kumain ng manok na hindi galing sa paborito niya.

"Okay naman, ah," sabi ko habang kumakain ng fries.

"It's fine."

"Try mo 'yung fries."

"Can I have some?" tanong niya at nilapit ko sa kanya iyong lalagyan. Kakainin niya na sana kaya lang ay nilapit ko iyong lalagyan ng gravy sa kanya.

"Mas masarap kapag sinawsaw mo sa gravy," sabi ko. Sumunod siya sa akin. Gusto kong matawa kasi halata naman na nagustuhan niya kaya lang ay para bang under contract siya sa Jollibee at iyon lang ang pwede niyang kainan.

Gusto kong tanungin sana siya kung ano ba ang meron sa Jollibee at para bang nabili ang loyalty niya kaya lang ay pinaalala ko sa sarili ko na nandito ako para kunin iyong financial report. Kailangan ko kasing magcheck kung tama ba iyong sinabi nila before kaya hindi pwedeng ma-approve iyong raise na nirerequest ng mga empleyado nila.

"Yung sa files," sabi ko nang matapos siyang kumain. May inabot siya sa aking envelope. "Salamat," dugtong ko matapos ilagay iyon sa dala kong tote bag.

Tumayo ako.

"You're leaving?"

Tumango ako. "Magrereview pa ako," sagot ko sa kanya. Nakita ko na gusto niyang sumama sa akin pa, pero wala akong nakuhang salita mula sa kanya. Sine-seryoso niya talaga iyong sa therapy niya... Good for him. Maganda 'yan. Hindi naman pwede na mabait lang siya sa mga kaibigan niya. Kasi kung ganoon... mabait ka ba talaga?

"Sige... Alis na ako," sabi ko nung naghahanda na akong umalis.

"Jersey," pagtawag niya sa pangalan ko kaya naman natigilan agad ako. Tumingin ako sa kanya. Nakita ko na humugot siya ng malalim na hininga. "You're not in any way obliged to come back to me... but know that I'm right here waiting."

Bahagyang nahigit ko iyong hininga ko.

Bahagyang tumango sa kanya.

"Okay," sagot ko.

"Okay?" tanong niya na para bang puno ng pag-asa.

"I'll keep that in mind."

"Thank you," sagot niya na para bang naka-hinga ng maluwag. "That's all I ask."

Ngumiti ako sa gawi niya. "Sige na. Magrereview pa talaga ako. Malapit ang finals ko."

Tumayo na rin siya. "Do you need any materials? I still have all my reviewer from law school."

"Pwedeng pahiram? As a friend?"

Bahagya siyang natawa. "Yeah... sure."

"Kailan ko pwede kunin?" tanong ko. Magastos din magpa-print, ha! Mas lalo naman ang mga libro. Kahit gustuhin ko na softcopy lahat, minsan feeling ko nabubulag na rin ako kaya kung may hardcopy, aba doon talaga ako.

"It's in my condo," sabi niya. "If you want, we can drive there and then I can drive you back to your apartment. It's kinda heavy for you to carry alone."

Umirap ako. "Gusto mo lang malaman kung saan ako naka-tira, e."

Natawa siya. "I mean, that, too," sabi niya na naka-tawa. "But in all honesty, it's heavy."

Tumango ako. "Bakit tinago mo pa?" tanong ko sa kanya kasi naalala ko dati nung kami pa, wala siyang notes. Sinabi niya sa akin noon na pina-photocopy niya lang iyong mga notes ni Assia.

"I used to date a first-year law student... I thought she could use those, so I kept them all in a box."

Tipid lang akong tumango kahit na hindi naman siya naka-tingin sa reaksyon ko. Parang gusto lang talaga niyang sabihin... na sayang kami. Naiisip ko rin naman 'yon, kaso parang mas okay ngayon... Alam mo 'yun? Independent na ako—as in independent na talaga sa maayos na paraan. Hindi kagaya dati na naka-alalay siya sa bawat galaw ko.

Iba iyong pakiramdam.

Iba iyong fulfillment.

"Sorry," bigla niyang sabi dahil siguro tahimik ako. "Didn't mean anything with that."

"Okay lang," sagot ko sa kanya. "Akala ko rin naman talaga e ako magmamana ng mga notes mo," dugtong ko habang tipid na naka-ngiti.

Magkaka-balikan pa rin naman kami ni Nikolai.

Sure ako.

Pero hindi ngayon.

Tahimik akong sumakay sa sasakyan niya. Iyong Jeep na ulit iyong gamit niya. Parang biglang bumalik lahat sa isip ko iyong mga memories namin. Grabe. Sumakay lang ako, e!

"Ginagamit mo na pala ulit 'to," simpleng kumento ko habang nasa daan kami. Ni hindi ako tumi-tingin sa kanya habang nagda-drive siya dahil alam ko na madidistract ako sa braso niya habang nagmamaniobra siya ng manibela. Napaka-makasalanan pa naman ng braso ng taong 'to—parang lagi kang itetempt na magka-sala, e.

"Yeah," sagot niya tapos ay kumambyo.

"Ah..." sabi ko lang.

"Didn't use this for a long time." Naka-tingin pa rin ako sa mga nadadaanan namin. Naaalala ko iyong mga pagkaka-taon na kumakain kami dito tapos nung sinu-sundo niya ako sa school. Ang dami ring nangyari sa sasakyan na 'to kahit sandali lang talaga kami. "I really associate this Jeep with you. When we broke up, I almost sold this because every time I'd look at this, I'd think of you."

Hindi ako sumagot. Ano ba kasing sasabihin ko? Same?

Tahimik lang ako hanggang sa maka-rating kami sa condo niya. Nagpark siya tapos ay tinanggal na ang seatbelt niya. Napa-tingin siya sa akin dahil naka-upo lang ako at hindi ako nagtanggal ng seatbelt. Nagka-tinginan kami sa rearview mirror.

"Maghihintay na lang ako dito."

"Are you sure?"

Tumango ako. Alam ko kasi na sa kanila rin 'tong condo na 'to. Alam ko na mayaman si Nikolai... pero nalula talaga ako sa dami ng properties nila nung nagreresearch ako para sa hawak ko na kaso.

Saka baka bigla kong makita iyong nanay niya.

O iyong tatay niya.

Ayoko ng stress.

"My dad's in a vacation and my mom's attending to business somewhere," sabi niya bigla na para bang nabasa niya ang laman ng utak ko.

"Kahit na."

Tipid na tumango siya. "Jersey..." mahinang pagtawag niya sa pangalan ko. Agad na napa-tingin ako sa kanya. "Even when we broke up, I always had your back. I never listened to all their unsolicited opinion because our relationship then—and whatever it is now—is just between us. They weren't there when everything was great, so how can their opinion matter when everything was messy... right?"

Tumango ako at saka tinanggal iyong seatbelt ko at ngumiti sa kanya. "Tulungan na kitang kunin iyong box," sabi ko bago bumaba sa Jeep niya. 

***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Continue Reading

You'll Also Like

4K 221 10
This is a special book for all the extras and snippets of my stories.
39.2K 1.9K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
1.5M 51.9K 43
Nadia de Marco knew what she wanted in life and that is to be the most powerful woman in the country. Growing up in the Philippines, she knew that it...
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...