"Re-write." (sequel)

By LaysaChaan

110K 6.3K 3.5K

🔴 Read the first book - " stay with me " before step in this story. thanks! 🔴 ✨" FANFICTION."✨ Ps: pl... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
"Under."
21
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35.
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52

22

2.4K 125 42
By LaysaChaan

GABB's POV.

Isang malakas na sampal ang biglang tumama sa aking pisngi. Sa sobrang lakas hindi ko na maramdaman ang buong mukha ko.










Dahandahn kong nilingon at inalam kung saan nanggaling yung sampal na yun.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko kung sino ito.











"Baby!!" Sabik na sabik na tawag ko. Agad akong tumayo at mabilis siyang niyakap.

Hindi man lang siya nagsalita, hinayaan niya lang akong yakapin siya. Maya-maya narinig ko na lang ang mahinang paghikbi nito.








"C-coco?" Alalang tanong ko, dahan-dahan kong inangat ang mukha niya. Punong-puno na ng luha ang mga mata nito ngayon.









"Putangina, Gabb." Biglang salita nito.





Sunod-sunod na hampas ang inabot ko.

"Saan ka na naman pupunta? Ha? Bakit ka ganyan? Bakit hindi mo ko tinawagan? Bakit hindi ka man lang nagpaalam?" Sunod sunod na tanong niya.









Agad niyang tinanggal ang bag niya at mabilis na ibinato sa akin, agad ko naman itong sinalo.

"Iiwan mo na naman ako. Aalis ka na naman nang walang pasabi! Bakit ba ganyan ka?! Hayop ka!"








Hindi man lang ako makapagsalita, hindi ko man lang maibuka ang bibig ko. Ayaw na ayaw kong makita siyang umiiyak pero gumagawa pa rin ako ng dahilan para umiyak siya. Napakagago.



Mahigpit ko siyang niyakap pero mabilis niya akong tinulak papalayo. Kahit ako naririnding marinig ang sarili ko na humihingi ng tawad pero wala namang pagbabago.



Ngayon lang nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng kagaguhang ginawa ko.
Kaya siya nagkakaganito.










"Ba’t hindi ka nagpaalam? Ba’t hindi mo sinabi sa’kin? Gabb tangina! Hindi naman kita pagbabawalan."






Lumapit ako para punasan ang mga luha sa mata niya pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko.




"Tatlong araw na tayong hindi nag-uusap dahil hindi mo sinasagot yung tawag ko!"

"Ano bang problema? Sana alam mong nag-aalala ako! Bakit mo ako ginaganito?" Namamalat na ang boses niya sa pag-iyak, pero pilit pa rin siyang nagsasalita.










Huminga muna ako ng malalim bago simulan magsalita.

"Your dad said, kung totoo man na may relasyon ka sa’kin o kung sinong estudyante dito, ipapadala ka niya sa U.S. Natakot lang ako dahil muntik nang mangyari yung mga ‘yon. Dahil masyado akong naging kampante, muntik ka na niyang ilayo sakin." Pagpapaliwanag ko pero mas lumalala ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.









"Ayaw mo akong lumayo, pero ikaw yung pilit na lumalayo. Ayaw mong maiwan pero ikaw yung nang-iiwan."


"Gumagawa rin naman ako ng paraan para hindi mangyari yun. Kahit ikaw!balak kang ilayo ng magulang mo, pinipilit kong magtago, magpanggap na walang tayo. Ginagawa ko lahat para manatili pa rin tayong ganito." Pagpapatuloy niya.



"Ang gusto ko lang naman, manatili ka sa tabi ko, ganun ba kahirap yun?"







Pwersahan ko nang hinila ang braso niya at mabilis siyang niyakap. Pilit siyang nagpupumiglas sa yakap ko, pero tumigil rin ito at yumakap na rin sa akin pabalik.







Parehas lang pala kaming nagsasakripisyo pero sarili ko lang ang iniisip ko. Nalimutan kong pati siya nahihirapan din but she always choose to 'stay with me. Habang ako walang ginawa kundi lumayo. Yun lang ang paraan na laging pumapasok sa isip ko, ang lumayo.










"Gusto ko sanang lumayo sa magulong lugar na ‘to kasama ka. Minsan gusto na lang kitang ibulsa, itanan, but I'm too weak and you're too young for that.

Napapaisip na lang ako, kung tama pa ba ‘to? Okay lang kung ako lang yung nahihirapan, pero bakit pati ikaw? Hindi ka dapat nahihirapan ng ganito."

Nanginginig ang boses ko, pinipilit kong ‘wag tumulo ang luha sa mga mata ko.









Dahan-dahan siyang humiwalay sa yakap ko at hinawakan ang aking magkabilang pisngi.


Diretso niya akong tinitigan at kitang-kita sa mga mata nito ang purong pagmamahal.



Even I disappointed her multiple times, her energy and the spark on her eyes never change every time she looks at me.



"I know things are tough right now but always remember that I'm here." She said with sincerity.





Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa ngayon, galit sa sarili, lungkot dahil muli ko na namang nasilayan ang pagluha niya, at saya dahil nandiyan pa rin siya. Finally, nandiyan na siya, I missed her.

Three days felt like thirty years...













"Hindi ba sinabi ko, sasama ako sa’yo kahit saan ka magpunta? Hinding-hindi kita pababayaang mag-isa Gabb. Sana ganoon ka rin, ‘wag mo kong iwan."

I leaned my forehead on her, I kissed her hand and we both smiled even though the tears won't stop streaming down on our face.








"You really are somethin’… I don't deserve you." Ngiting sambit ko at marahan na hinalikan ang mapulang labi nito.






"Then do your best, para maging deserving ka." Biglang pag-irap nito.







"Aye aye Captain! I will do my best every single day, I promise!" Agad kong binuhat yung bag niya at hinawakan ang kaniyang kamay.







"T-teka? Saan tayo–" agad kaming sumakay sa bus. Pinaupo ko siya sa tabi ng bintana at umupo naman ako sa tabi niya.








"We’re going to my favorite place." Ngiting sabi ko at pinunasan ang magkabilang pisngi nito na basa pa rin ng luha niya.







"Kaya pala tinanggihan ko yung dalawang bus, kasi darating ka." Ngiting ani ko, inirapan naman ako nito.







"Can we kiss right now?" Biglang tanong niya.

Agad namang nag-init ang magkabilang pisngi ko. Lumingon-lingon muna ako sa paligid, masyadong maraming tao dito sa bus. Agad kong hinubad ang denim blazer ko para may panakip kung sakaling may mangyari. Emz.






Agad ko namang pinantakip sa amin ito. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.





"Ayan, pwede na tayong mag kis–

"Wag na pala, dun ka na." Biglang sabi nito at binaling ang tingin sa bintana.







Para akong binagsakan ng langit at lupa. Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakasandal sa upuan ko nang nakabusangot. Hindi ko alam kung gaano kabusangot ang itsura ng mukha ko ngayon, nakakaasar.






Muli kong nilingon si Coleen at bahagya na itong tumatawa. Nakikita niya yung reflection ko sa salamin ng bintana. Pinagtatawanan niya yung mukha kong dismayado.








Agad akong lumapit at bumulong sa kaliwang tenga nito.

"Mamaya ka sa’kin…"







"Mamaya pa? Bakit hindi pa ngayon?" Sambit nito at bahagyang ngumisi.







Hindi na ako nakapagpigil, agad akong lumapit sa kaniya para halikan ito nang biglang–

"Is that Daryll?" Sabi nito at bigla akong sinampal.









"Dada!" Tawag ni Coco. Lumingon naman ito nang marinig niya ang pangalan niya. Agad itong ngumiti ng malawak nang makita kami.







"Hoy! Dito rin pala kayo? Saan baba niyo?" Ang ingay talaga ng boses niya.







"Ewan ko kay Gabo, sabi nito sa pasi–" I cutted her. "Wala, mamamasyal lang kami. Bababa rin kami agad diyan sa park." Sambit ko.







"Ah okay! See you na lang sa school! Baba na ‘ko, dito na stop ko eh." Paalam nito at mabilis na bumaba ng bus.








"Ba’t ka nagsinungaling kay Dada?" Tanong sakin ni Coleen at sumandal sa balikat ko.



"Eh bakit mo ko sinampal?" Balik na tanong ko dito.







....

She's sleeping now on my shoulder. Her breath is hitting my skin. I can hear her cute snore too. I gently caress her silky hair. Her hair smells like mine. I mean, we’re sharing the same shampoo kasi eh.






Bigla akong nakaramdam ng malamig na bagay sa kaliwang braso ko. Agad kong tiningnan ito, tumutulo yung shake na hawak ng babae sa braso ko.








Mukhang rin may kausap siya sa phone kaya hindi niya napansin.

"A-ah excuse me, miss?" Ani ko.







Agad naman na napansin ng babae yun kaya agad niyang inalis ito.

"S-sorry!!!" Tarantang sambit nito. Agad siyang kumuha ng tissue sa handbag niya at mabilis na pinunas sa mukha ko, yung braso ko lang po yung natapunan.








"Sorry talaga!! Promise hindi ko po talaga sinasadya." Mabilis na paliwanag nito.







"O-okay lang, okay lang." Ang ingay ng boses niya baka magising yung asawa ko, emz.






.....

"Sorry talaga, here, tissue." Sambit ko at inabutan siya ng tissue.


Agad kong pinunasan yung mantsa sa damit niya. Halos manginig ang kamay ko dahil ramdam kong nakatitig siya sa mukha ko.






"A-ako na magpupunas." Biglang salita nito.




Agad ko namang binigay yung tissue sa kaniya. "S-sorry talaga."





Sa dinami-daming gwapo sa mundo, bakit dito pa ako napahiya oo.







Bigla naman itong tumayo at tumingin sa’kin. Yung tingin niyang nagdulot ng biglaang pagsakit ng puson ko. Damn.







"Dito ka na miss." Offer niya ng upuan niya.






"A-ah thank you.." Agad ko namang tinanggap. Hindi ako marunong tumanggi eh.



Nakatitig lang ako sa kaniya sa buong byahe, napakagwapo. Yung morena niyang balat, yung napakatangos niyang ilong, yung mata niyang malalim, at yung labi shett...nakaka-gay panic talaga nang wala sa time.






May girlfriend kaya to?






Napatingin naman ako sa babaeng katabi ko nang bigla itong sumandal sa balikat ko, tulog na tulog siya.





"Gabby, malapit na ba tayo?" Pikit na tanong nito, nanaginip ata.








"A-ah eh, hindi ako si Gabby mo te. Hehe." Sabi ko na lang dito.







GABB's POV.

Nag-offer lang naman ako ng seat, so hindi naman siguro magagalit si Coco nun, tama tama. Gentlewoman ka Gabb, hindi babaero.






"U-uhm ano, dito na pala stop ko." Biglang sabi ng babae.








"Ah dito ka na pala." Ngiting ani ko.







"Sorry nga pala kanina ah, promise hindi ko talaga sadya." Yukong sambit ulit nito.







"Okay lang promise." Ngiting sagot ko.










"Thank you rin pala sa pag-offer ng seat." Sambit nito at nag-offer ng handshake.







Agad ko namang tinanggap ang kamay niya kaya dumoble ang pagngiti nito.

"I'm Laney."









Napabitaw ako bigla sa kamay nito at natulala. "L-laney…"







Biglang nag-flashback sa utak ko yung mga sinabi ni Coleen.

"Dont fucking ask me! You've met her on the bus."




"Listen, hindi ako makakalimutin pagdating sa babae, pero wala pa akong nakikilalang Laney sa bus."




"I don't know! That’s what I saw in my dream."





"Coleen, it’s just a dream!"




"Then, why does it feel so real?"





Now, it’s really happening...






"Okay ka lang? Ba’t bigla kang namutla?" Biglang sabi ni Laney kaya agad akong nabalik sa realidad.






"U-uh, may naalala lang. By the way, I'm Gabb." Ani ko at ngumiti ng nakakailang.







"Nice to meet you Gabb, dito na pala stop ko, bye bye!" Paalam nito.

Ngumiti lang ako at tumango hanggang sa makababa na siya ng bus.









I looked at Coleen, thank God she's still sleeping.

"Coco, wake up na." Gising ko dito.








"Mmm? Malapit na ba tayo?" She groaned softly.







"Oo, malapit na." Ani ko at hinalikan ito sa noo.







"May napanaginipan ako." Sabi nito. Bigla naman akong kinabahan.








"W-what is it?" I asked.







"Nambababae ka daw habang tulog ako." Seryosong sagot niya.






Agad naman akong tumawa, yung tawang may halong kaba. Binuksan ko yung tubig at inabot sa kaniya.

"Oh, uminom ka muna ng tubig baby. Masama na yang mga napapanaginipan mo." Ani ko.







Muling bumalik sa isip ko yung mga nangyari kanina. I met Laney here on the bus, just like what Coleen said.




So napredict niya na mangyayari ‘yon? Gamit yung napanaginipan niya? Ang weird, tss! baka nagkataon lang.








Hindi pa umaandar yung bus kaya muli kong nakita sa bintana si Laney. Bigla akong nginitian nito at kinawayan.

Kumaway rin ako pabalik at nginitian ito.






"Hoy?! Sino yung kinawayan mo?" Biglang tanong ng katabi ko. Mamiiii…




Dahan-dahang tumiklop ang kamay ko at mabilis kong itinago. "W-wala, inexercise ko lang ‘tong kamay ko."








Hindi siya naniwala at balak niya pang silipin si Laney sa bintana. Agad kong hinawakan ang pisngi nito at mariin itong hinalikan.

"W-why did you?!"






"Ano nagising ka ba? Mukhang nananaginip ka pa rin eh." Ngising sambit ko. Dahan-dahan kong kinagat ang ibaba kong labi habang diretsong nakatingin sa kaniya.







Agad naman siyang umiwas ng tingin, pulang-pula na rin ang mukha nito.

"F-fuck you..." Inis na bulong nito.







"Yeah, later I will fu– joke lang hehe."

Ang sama na pala ng tingin ni Coco.







COLEEN's POV.

Maghahatinggabi na nang huminto kami sa paglalakad. Agad naman niyang pinindot yung doorbell ng napakagandang bahay na nasa harap namin ngayon.



"Where are we?" Tanong ko.






"It's my grandmother’s house." Sagot nito.








"L-lola mo? Ba’t hindi mo sinabi!? Teka ang baho ko na ata, amoy pawis pa ako. Hindi ako ready! Nakakahiya!" Tarantang sabi ko dito.








Agad naman siyang lumapit at inamoy-amoy ang bandang leeg ko.

"Hmm, Smells great always." Ngiting sabi nito.







Agad ko naman itong hinampas sa braso. "W-wag ka ngang maharot, baka mahuli tayo ng lola mo."







Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang napakagandang babae na parang hindi sang-ayon ang kaniyang edad sa itsura niya, napakaganda.

"Mommylola!!" Sigaw ni Gabb at mabilis na niyakap ang babae.







"Gabby!" Sigaw rin nito.

Nakatayo lang ako dito sa likod ni Gabb at nanginginig ang tuhod. Nasa lahi ba talaga nila ang pagiging maganda at gwapo? Jusko, nakakapangliit.








"Sinong kasama mo?" Tanong ng lola niya nang mapansin ako.






"Ah mommy! Kapitbahay nyo, manghihingi daw ng asin." Sagot ni Gabb. Putangna, mamaya ka talaga sa’kin.







"Ay, wait lang. Kukuha lang ako ng asin sa loob." Sabi naman ng lola niya.







Napaubo naman ‘tong ungoy na ‘to kakatawa, habang ako kabadong-kabado na dito.






Agad niyang pinigilan yung lola niya.

"Joke lang mommy! WUAHAHAH." Tawang-tawang sabi nito.







Bigla siyang lumapit sa’kin. She gently grabbed my waist, bigla nanaman namula yung atihh niyo.

"Mommy, siya po si Coleen...







...Girlfriend ko po."

Parang tila ba nagliwanag ang buong mukha ko sa narinig ko.







"Jusko, napakaganda niya naman apo." Masayang sambit nito.








"Hora, Coleen meet my great Mommylola." Sabi ni Gabb.








"G-good evening po, ako po si C-coleen...






I feel legal! Were legal! I'm her legal girlfriend! Aaacckkk!





...Girlfriend po ng apo niyo." Shuta, naiiyak ako, anueba.








Agad niya akong niyakap, yung yakap niyang napakainit, yung yakap na parang welcome na welcome ako.

"Napakaganda mo iha, napakaswerte ni Gabb sayo." Naluluhang sabi nito.

Kahit ako naluluha na rin, I didn't expect this. It feels so good.









"Aba, pumasok na tayo. Sakto kakaluto ko lang ng paboritong ulam ni Gabrielle." Sabi nito.






Agad kaming pumasok sa loob, at masasabi mo talagang hindi lang sa panlabas ang ganda ng bahay nila. Yung mga furnitures na mukhang luma pero mukhang bago pa rin dahil sa tibay nito. Parang ang nostalgic ng feels.  At yung mga naglalakihang painting sa bawat pader. Bawat sulok may shelf ng mga mamahaling wine.

"Maupo na kayo,at ipaghahanda ko kayo ng makakain." Sabi ni lola.









"Tulungan ko na po kayo…" Ani ko pero agad akong pinaupo nito.





"Magpahinga ka na. Bisita ka ng apo ko kaya espesyal ka. Hoy Gabo! Tulungan mo ‘ko." Sabi nito kaya bigla akong natawa. Para lang silang magtropa ni Gabb kung tingnan.











Agad na nilapag ni Gabb sa harap ng mesa ang bagong lutong sinigang na baboy. Masasabi ko talagang espesyal ito dahil sa napakabangong amoy nito.

"Maupo ka na, sasandukan na lang kita." Ani ko at nilagyan ng kanin yung plato niya.









"Thank you, misis ko." Bulong nito sa tenga ko. Bigla namang nag-init ang mukha ko, patago kong inapakan ang paa nito at pasimple siyang inirapan.









"Hayss! Ganyan na ganyan rin kami ni Lucio." Biglang salita ni lola na kanina pa pala nakatitig sa aming dalawa.








"Haysss, si Mommy namimiss na naman si Lolo." Natatawang sabi ni Gabb.









"Hindi ko maiwasan e, tuwing nakikita kita, pati ang papa mo, naaalala ko si Lucio." Sabi nito.

"Kamukhang-kamukha mo ang lolo mo, lalong-lalo na si primo. Napakatatangos ng ilong ninyong tatlo." Dugtong nito.









Napatingin naman ako sa isang painting ng isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Gabb. Siguro yun ang lolo niya, ang gwapo.

"Mukhang nasa lahi po nila yung pagiging gwapo ano ho?" Pabirong sambit ko. Kinilig naman yung katabi ko.









"Aba oo, napakababaero rin." Biglang sabi ng lola niya.









"Ay talaga po ba?" Sabik na tanong ko.









"Aba oo, yung lolo niyan, lahat ng babaeng makita sa daan, nginingitian." Kwento niya.









Natawa naman ako at muling tumingin kay Gabb.

"Nasa dugo naman po pala." Sambit ko at bigla namang inubo ang unggoy na ‘to.




.

"Paano po kapag nahuhuli ninyo si lolo na nambababae?" Tanong ko, baka magamit ko rin in the near future.











"Ah, ‘pag nauwi sinasalubong ko ng itak." Sagot ni lola, bigla naman akong natawa. Itak pala dapat, okay, copy.









"Ganoon po ba dapat lola?" Tanong ko.









"Aba oo, babaero eh." Walang birong sagot ni lola.





Bigla ko namang naramdaman yung kamay ni Gabb sa hita ko, at tiningnan ako nito ng nagpapaawang mata.

"Hindi naman na ako ganoon eh." Malambing na bulong nito, masyadong guilty.











"Sapat na po ba yung sofa para higaan nila?" Pagpapatuloy ko.










"Aba, hindi sapat yun iha! Dapat nasa labas pa lang salubungin mo na agad ng kumot at unan. Bahala na siyang maghanap ng tutulugan." Diretsong sagot ni lola.









"Noted po, noted." Ngiting ani ko at mabilis na tumango.








"T-tama na po yan! Nanahimik na si lolo e." Biglang sabi ni Gabb.









"Aba, bakit ka kinakabahan apo?" Tanong ni lola at sabay kaming nagtawanan.











Sa buong oras ng pagkain, wala kaming ginawa kundi pagtawanan si Gabb. Finally, may kakampi na rin ako para gisahin ‘tong mokong na ‘to.








....








Pagkatapos kumain, wala namang masyadong hugasin dahil paper plates yung ginamit naming. Pinataas na kami ng lola niya, agad naman akong hinatid sa kwarto ni Gabb.




"Bababa lang ulit ako ah, kausapin ko lang si Lola." Paalam ni Gabb at hinalikan ako nito sa noo.





Naisipan ko munang maghalfbath since buong araw kaming nasa byahe, at amoy pawis na talaga ako.







GABB's POV.

Agad akong bumalik ng kusina, nasa loob pa ng banyo si lola kaya naisipan ko munang maghugas ng plato.

"You seem so happy Gabby, pati paper plate hinuhugasan mo." Biglang sulpot ni Lola.









"Mommy, what do you think of Coleen?" Tanong ko dito.









"She's so gorgeous huh? She’s really worth fighting for. Kukurutin talaga kita kapag sinaktan mo yun." Sabi nito kaya agad akong natawa.








Kumuha ito ng baso at isang bote ng wine, hindi kami nauubusan ng wine dito sa bahay dahil may wine company nga si  dad na minana kay Lolo. Kaya pati ako manginginum narin.








"I saw how her eyes was genuinely sparkling after you said she's your girlfriend." Muling Kwento ni lola habang pinapaikot ang red wine sa baso.

"If that’s not love, I don't know what love  anymore." Dagdag niya.











"Yeah, she is. Sometimes, I ask God, what is the greatest thing that I've done? Why did God give me Coleen?” Ani ko.

"She's the most wonderful blessing that I received. I adore her so much."



I want to flex my girl so bad..










"I'm pretty sure both of you are blessed to have each other. Hora! Go to your room. I'm sure she already missed you." Sabi ni lola.




Agad ko namang sinugod ng yakap si Lola. Sa lahat talaga ng tao, siya lang yung kilala kong sasang-ayon sa lahat ng sasabihin ko. Siya yung laging sumusuporta at hinding-hindi ako pinapabayaan. I love her so much.







Mabilis kong inagaw yung wine na hawak niya at agad na ininom ito.

"Ikaw bata ka! Akin yan!" Sigaw nito.








Agad akong tumakbo pagkatapos inumin yung wine niya.

"Goodnight mommy! I love you!"








COLEEN's POV.

"Yeah, she is. Sometimes, I ask God, what is the greatest thing that I've done? Why did God give me Coleen?”

"She's the most wonderful blessing that I received. I adore her so much."







I bit my lip while smiling widely. Sobra akong kinikilig sa mga naririnig ko ngayon, Oh my God.





Agad akong bumalik sa kwarto ni Gabb at nagwala sa kama nito. Bigla akong tumigil nang biglang umubo si Gabb. Nakatayo na pala siya sa pinto.

"N-nandyan ka na pala?" Ngiting sabi ko, agad naman itong umupo sa tabi ko.






"Why my baby  look so happy?" Tanong niya.







"I'm just happy when you said earlier that I'm your girlfriend- I mean that’s the first time that you’re claiming me as yours." Kinikilig na kwento ko.









"Damn, I'm so in love with you..." bulong nito at naglakad papuntang bintana.

Bigla niyang binuksan ang bintana at sumigaw ng napakalakas.





"Alam kong walang may pake!! Pero... girlfriend ko si Coleen!!!"










"Hoy!!" Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya para pigilan ito sa pag-iingay











"Girlfriend ko si Coleen!" Sigaw ulit nito.








"Tama naa! Shhh! Okay na, okay? Baka magising yung mga kapitbahay!" Pagpigil ko dito.







Tinawanan lang ako nito. Sisigaw pa sana siya nang bigla ko siyang kurutin.
"Ouch!" Sigaw nito.








"Wag ka pang tumigil kakasigaw, hahalikan kita— GIRLFRIEND KO SI COLEEN!!!!" Patuloy na sigaw ng mokong.







"GIRLFRIEND KO SI COLEEN!"








Wala na akong naisip na paraan, agad ko itong hinatak at mabilis na hinalikan. Agad siyang tumugon sa aking halik. Mabilis ko siyang tinulak pahiga sa kama at sinugod ulit ng halik. Sobrang lambot ng kaniyang labi. Halos panggigilan ko ito sa maikling oras na kagat-kagat ko ang labi niya.








Agad akong humiwalay at tinitigan siya, napakalawak ng ngiti nito at namumula pa ang magkabilang pisngi habang nakatingin sa akin.

"Gusto ko pa." Kagat-labing sabi nito.









"That's enough for today." Sabi ko at humiga na.







"Sisigaw ulit ako." Panghahamon niya pa at nagpunta ulit sa bintana.







"Eh di sumigaw ka, isigaw mo 'Babaero ako' dali ikikiss kita." Utos ko.








"Tss." Biglang bumusangot ang mukha nito. Bumalik na ito sa kama at humiga sa ibabaw ko.








"Akala ko ba sisigaw ka? Dali na! Ikikiss ulit kita." Natatawang sabi ko pero nakabusangot pa rin ito.








"Ayoko na, matulog na tayo." Sabi nito. Habang dahan-dahang inaalis yung butones ng polo niya.








"Oh? Anong ginagawa mo? Matutulog na tayo diba?" Tanong ko dito.









Napatigil naman ito sa paghuhubad at nakapout pa itong tumingin sa akin.

"You know? Ilang araw tayong hindi nagkita? Hindi mo ba namiss?"









"Namiss ang alin?" Natatawang tanong ko dito.









"Namiss yung ano– yung ikaw, tsaka ako." Nakayukong sabi nito.








"Goodnight." Ani ko at nagtakip na ng kumot.








"Coleen naman!"









"Pagod na ako Gabb. Bukas na lang. For now, let’s just sleep innocent." Sabi ko.









Walang gana itong humiga sa tabi ko. Dama ko ang dismaya sa pagbuntong-hininga niya.

"Okay po." Malungkot na sabi nito.










Niyakap ko na lang siya ng mahigpit para mawala ang lungkot nito. Aaminin ko namiss ko ring matulog nang ganito, yung nasa tabi ko siya at dinadama ang init ng katawan niya.

"You're my warmest place...ever" Papikit-pikit na wika ko. Tuluyan na akong tinamaan ng antok kaya bumagsak na ang aking mga talukap.







Maya maya....

"Gabb!!" Sigaw ko dito.








"Bakit? Natutulog na ko." Maang-maangan nito.







"Yung kamay mo! Sasapakin talaga kita!!"









"Sorry na!! Haha." Tawang-tawang sabi nito.

"Tinatangal ko lang yung bra mo para masarap tulog natin dalawa– tulog mo pala."



Continue Reading

You'll Also Like

11.5K 662 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
5.9K 265 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
199K 8.3K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
149K 8.7K 95
Inspired by: Gokusen [BOOK 01] Ginamit lang kita para makaganti sa kapatid mong traydor. I use you like a toy. Started Date: October 03, 2020 End: Ju...