The Lust Suffer

By Stoutheart

5.8M 59.1K 4.4K

This is how they suffer. Piniling iwanan ni Johanna si Thorin-- Ang lalaking labis nitong mahal ng malama... More

The Lust Suffer
Authors Note
PROLOGO:
UNANG KABANATA
IKALAWANG KABANATA:
IKATLONG KABANATA
IKA-APAT NA KABANATA
IKA-LIMANG KABANATA:
IKA-ANIM NA KABANATA
IKA-PITONG KABANATA
IKA-WALONG KABANATA
IKA-SIYAM NA KABANATA
IKA-SAMPUNG KABANATA
IKA-LABING ISANG KABANATA
IKA-LABING DALAWANG KABANATA
IKA-LABINTATLONG KABANATA
IKA-LABING APAT NA KABANATA
IKA-LABINLIMANG KABANATA:
Note :
IKA-LABINGANIM NA KABANATA:
IKA-LABINPITONG KABANATA:
IKA-LABING SYAM NA KABANATA:
IKA-DALAWAMPUNG KABANATA:
IKA-DALAWAMPU'T ISANG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT DALAWANG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT TATLONG KABANATA:
IKA-DALAWAMPUT APAT NA KABANATA:

IKA-LABING WALONG KABANATA:

90.3K 1.8K 129
By Stoutheart

ANDREI

Napangisi nalang kami ni Rhys sa tinuran n'ya. Totoo naman nakakaputang ina ang buhay na kahit maging mabuti ka, magiging masama ka minsan sa buhay mo.

Napagdaanan na naming dalawa ang tagpong iyon. Mahirap pumili kung anong desisyon ang gagawin, pero nandito na. Tapos na ang nangyari noon kaya dapat naming pagbayaran ngayon. Malaki ang kasalanan naming lahat kay Johanna at Thorin, kaya ngayon gagawin namin ang lahat para makabawi.

"Mapapatay tayo ni Thorin kapag nalaman n'ya." nakangising turan ni Rhys, bago humihit ng sigarilyo at pataas itong ibinuga. Ngumisi ko at humihithit din ng sigarilyo.  Nilingon ko s'ya na natatawa. 

"Ikaw lang. Ikaw ang unang nakaalam." saad kong muli bago humithit buga ng sigarilyo. Malaya kong pinagmasdan ang kalangitan at bahagyang binalikan ang nangyari noon kay Johanna at Thorin.

"May alam ka rin naman. 'Wag mong itanggi na parehas tayong naging duwag noon." sagot n'ya bago tumawa nang malakas. Lumingon akong muli kay Rhys, at kahit matagal nang nangyari iyon ay hindi parin namin maiwasang ma guilty.

Apat na taon na rin ang sikretong iyon ngunit, isa man sa amin ni Rhys ay hindi umimik. Ni hindi nagbigay ng palatandaan na mayroon kaming alam sa pag-iwan at sa pagkamatay ng anak nila ni Joan. Tikom ang bibig naming dalawa dahil hawak kami sa leeg ng taong iyon. Buhay ng pamilya namin ang nakahain sa mesa kaya kahit minsan ay hindi namin sinubukang sabihin ang lahat. 

"Iyong anak ni Joan." maya- maya'y tanong ni Rhys. "Sino ang ama ng bata Andrei?" malungkot na saad nito. Ramdam ko ang lungkot sa tinig na binitiwan ni Rhys. Alam ko naman na noon pa lang, may nararamdaman na s'ya kay Joan kaya lahat ng kaya n'ya ay ginawa n'ya upang maprotektahan ito.

"Kay Thorin, kanino pa nga ba?" nakakunot noo kong sagot.

"Pero hindi ba--" 

"Bakit? naniniwala kabang kaya n'yang patayin ang sarili n'yang apo?" Pagputol ko sa kung anumang sasabihin nito. Naniniwala kasi akong hindi magagawa ng taong iyon na patayin ang sarili nitong dugo kahit pa nga parehas naming alam na ayaw n'ya kay Joan.

Umiling-iling lang ito bago humalakhak nang malakas, pati tuloy ako ay nakitawa na rin kahit hindi ko alam kung para saan.

"Sa tingin mo ba hindi n'ya kayang gawin 'yon? halos mapatay nga tayo nun Andrei." sansala nitong muli bago humithit ngsigarilyo sabay buga ng usok.

"Wala na tayong magagawa Rhys. Matagal nang nangyari iyon. Parehas tayong nagkamali noon kay Thorin at Johanna. Ang kailangan nalang nating gawin ay bumawi sa kanilang dalawa sa kahit na anong paraan." Sagot ko naman dito.

"Huwag ka na ring mag-alala kay Joan. She's okey." pinal kong saad, ngunit kaagad akong napatda sa sinabi ni Rhys.

"Kukuhanin ko si Joan." tumingin s'ya ng diretso sa mata ko kaya alam kong hindi s'ya nagbibiro. Ngumisi ako at tinapik sa balikat ang kaibigan ko.

"Huwag mo nang balakin Rhys. Para mo na rin inihampas sa pader ang sarili mo kapag ipinilit mo pa iyon." Seryoso kong saad bago s'ya ayaing pumasok sa loob.

________________________________

Johanna

Naging malamig ang pakikitungo ni Thorin matapos ang tagpong iyon sa aming dalawa. Ilang araw na n'yang ginagawa ang pagdistansyana ng kanyang sarili sa akin kaya natatakot akong baka nga totohanin n'ya kung ano mang balak n'ya sa aking anak.

Natatakot ako sa dalawang dahilan. Takot ako dahil hindi ko na s'ya kilala, pero mas takot ako, dahil kilalang-kilala ko na s'ya.

Maari nga sigurong hindi na dapat balikan kung ano ang nangyari sa nakaraan. Hayaan na lamang kung ano ang nasira, kung ano ang nabasag. Hayaan na lang na manatiling masakit ang sugat ng kahapon, dahil kahit ihingi mo iyon ng kapatawaran ay matatawag mo pa rin itong sugat. Pinili ko ang iwanan s'ya para ako na lang ang higit na masaktan, ako na lang ang maging masama sa akin nalang maisisi ang lahat kaysa naman kasama ko s'ya at parehas kaming lumalaban, ngunit parehas kaming nahihirapan at nasasaktan dahil hindi namin makuha ang tunay na kaligayahan.

Hindi duwag ang aking paglayo, sadyang itinadhana lang siguro na kahit mahal mo s'ya at mahal ka n'ya hindi pa rin kayo magiging buo.

"Joan, sa tingin mo may asawa na sir Alex?" napabalik ako sa realidad ng pukawin ako ng tanong ni Anne. Kasalukuyan kaming naghahanda ng hapunan. Kararating lang ni Thorin galing palayan at nasa itaas na naman ito at nagkukulong. Isang linggo na rin ang matuling lumipas, at ganoon ang naging pakikitungo sa akin ni Thorin. Malamig at dumidedistansya. Hindi ko naman s'ya masisi. Alam ko naman na talagang parehas kaming nasaktan dati. At kahit hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin

"Hindi ko alam Anne, bakit?" turan ko dito.

"Ikaw ang umasikaso sa kanya e. Katulad ngayon, ikaw lng ang p'wedeng pumunta sa kanyang silid." nakangisi nitong saad na sadyang ikinapula ng buong mukha ko.

"Anne!" naghihilakbot kong bulyaw sa kanya. Nahihiya akong tumalikod dahil totoo naman ang sinabi nito. Ako lang naman kasi ang pinapayagang makapasok sa kayang silid. Ako lang rin ang parati nitong kinakausap. Ako lang basta sya.

"Alam mo Joan, may napansin ako.'' sabi nito matapos ayusin ang ginagawang paghuhugas ng gulay.

"Ano naman 'yon?" paiwas kong tanong.

"Parang may nakaraan kayo ni Sir Alex" inosente nitong dugtong.Kung umiinum lang siguro ako ng tubig ay malamang sa malamang na naibuga ko y'on sa mukha ni Anne. Kung kumakain naman ako, malamang nabulunan na ako at kinakapos sa paghinga.

"Paano mo naman nasabi yan?" iwas tingin kong tanong..

"Napapansin ko kasi, iba 'yong klase ng tingin na binibigay n'ya kapag nakatingin s'ya sayo mula sa malayo" tugon nito. Tumingin pa ito sa kawalan na parang inaalala pa ang mga oras na nakatingin sa akin si Thorin.

Umiling-iling na lang ako at hindi pinansin ang huli nang matapos kong ilagay sa tray ang hapunan ni Thorin.

"Guni-guni mo lang iyon Anne." pagtatapos ko.

"Siguro nga... Hmmm ang swerte siguro ng girlfriend n'ya no? Mantakin mo mayaman, gwapo,macho at misteryoso! Saan kapa?" nakangiti nitong saad na tila ba nangangarap kasabay ng munting pagkilig. Halos mabilaukan naman ako sa pinagsasabi n'ya. Tama nga naman na maswerte ang kasintahan nito. Na kay Thorin na ang lahat, p'wera lang sa pamilya nito.

Nagpaalam na ako kay Anne ng matapos ko nang maayos ang ginagawa ko. Ayoko na rin namang pahabain ang kwentuhan namin at baka saan pa kami makarating.

Habang paakyat ako patungong library kung saan naroon si Thorin, ay di ko maiwasang isipin ang sinabi ni Anne. May bahagi kasi sa puso ko na umaasa na totoo 'yon. At kung totoo man, maaring may pag-asa pang maintindihan n'ya ang nagawa kong desisyon. May pag-asa pang itama kung ano ang maling nalaman nito noon.

Isa rin siguro ang matapang na pagpapaliwanag ko sa kanya ang pumipigil sa akin. May tiwala akong maiintidihan n'ya ang paliwanag ko, ngunit hindi n'ya kailanman matatanggap ang sitwasyon at ang mga nangyari noon.

Kung sakaling sabihin ko sa kanya ang totoo, hindi lang ako ang masisira pati ang  pamilya n'ya. Ayokong dumating sa punto na masira sila dahil sa akin.

Nang makarating sa silid ay kumatok ako nang tatlong beses bago marahang pihitin ito pabukas. Iyon kasi ang utos nito sa akin. Tatlong katok bago buksan ang pintuan.

Naabutan kong seryosong nakayuko si Thorin habang abala sa pagpirma ng ilang papel. Hindi n'ya na ako pinagkaabalahang angatan ng ulo kaya ang ginawa ko na lamang ay inilapag sa salaming mesa ang dala ko. Tahimik lang ako habang ginagawa iyon.

"Sir-- Kumain na po muna kayo." pukaw ko rito at pumihit patalikod para lumabas. Ganoon naman kasi ang trabaho ko. Pagkalapag ko ng kanyang hapunan ay aalis na ako.

"Johanna."

Napahinto ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Thorin. Para ngang napigil ang paghinga ko nang tawagin n'ya ako sa pangalang iyon. Kaytagal kong inasam na muli akong tawagin ni Thorin sa pangalan ko. Kay tagal kong nanabik doon.

Kaagad naman akong lumingon. Pinigilan kong mapahikbi. Tumama sa akin ang paninitig ni Thorin na seryoso, ngunit mababanaag naman na hindi ito galit o naiinis. 

"Come here." Anas nito. Umayos ito ng upo. Ang kamay nitong nasa ibabaw ng mesa ay pumirmi sa mga hita. Ang ulo nito ay nakahilig na sa kinauupuan nito. Magulo rin ang buhok nito at makikita sa mga mata nito ang pagod.

Hindi na ako nagdalawang isip at kaagad akong lumapit sa kanya. Kumakabog ang dibdib ko habang papalapit sa kanyang pwesto lalo pa nga at hindi nito binibitawan ang paninitig sa akin.

"A--Ano po yon sir? " pigil hininga kong tanong nang makalapit na ako sa kanya. Nakatayo lang ako sa harapan ng kanyang mesa katabi ng mesa kung saan nakalagay ang kanyang hapunan.

"Feed me." Seryoso nitong saad bago nag-iwas ng tingin. Umangat ang kamay nito at hinagod ang buhok.

"S--Sir?" Pag-uulit ko. Parang hindi ko yata naintindihan ang sinabi nito. Muli nitong hinagilap ang aking paningin kasabay ng tipid na ngiti.

"Subuaan mo ako." Muli nitong saad. "kagaya nang ginagawa mo dati." Mabilis nitong dugtong.

__________________________________________

STOUTHEART 2017

Continue Reading

You'll Also Like

274K 397 22
UNDER MAJOR REVISION SO THANK YOU FOR YOUR PATIENCE AND UNDERSTANDING! The title and characters will be changed for personal reasons. Ruby Marie Alda...
3.2M 42K 27
Si Monique Gabriel ang nag-iisang apong babae sa buong angkan ng Torralba dahilan kung bakit nasasakal siya sa atensyong nakukuha sa pamilya. Bukod p...
295K 8.7K 17
I am Moises Nexiel Vergara, and this is the story of how I gave up my everything for Courtney Rodriguez
29.6K 1.1K 50
Sa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagka...