Wreck The Game (COMPLETED)

By beeyotch

11.5M 470K 278K

(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karap... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Part 4
Epilogue - Part 5
Epilogue - Part 6
Epilogue - Part 7
Epilogue - Part 8

Chapter 37

167K 7.6K 4.1K
By beeyotch

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG37 Chapter 37

Tumawa si Atty. Marasigan nang tumingin si kay Atty. Marroquin na bumalik sa loob ng conference hall. Nagmake-face kasi si Atty. Marroquin sa kanya. Napa-iling siya bago ibinalik ang tingin sa 'kin.

"Sorry about that," sabi niya.

"Okay lang po," sagot ko. "Di po ba kayo babalik sa loob?" tanong ko kasi mandatory sa kanila iyong ganitong conference at kung anu-ano pa. Grabe, akala mo tapos na kapag naka-pasa ka sa BAR pero may mga ganito pa. Sabagay, continuous naman talaga iyong pag-aaral—laging may bagong jurisprudence na lumalabas kaya dapat updated ka palagi. Mukha ka namang tanga kung ang basis ng argument mo e outdated na.

"No, paalis naman na rin ako," sabi niya sa 'kin. "May pupuntahan ako, pero kung seryoso ka talaga sa Labor—"

Agad akong tumango. "Seryoso po ako."

Napa-ngiti siya. "I'm not saying that I'm the best out there, but you can ask me questions," sabi niya. Tumingin ako sa kanya. May tiwala naman ako kay Atty. Marroquin—hindi naman niya ako ipapa-kilala siguro dito kung masamang tao 'to... but then again, 'di ako sure.

"Salamat po," sabi ko. Sabi din kasi nung isa kong prof, maganda daw talaga kung may mentor ka na gagabay sa 'yo. At least daw doon, 'di mo na uulitin iyong mga maling nagawa nila. Sobrang okay daw iyon lalo na if decided ka na sa gusto mong gawin—iga-guide ka nila at ipapa-kilala sa mga tamang tao.

Totoo naman kasi.

Sa mundong 'to, iyong mga may koneksyon ang unang umaangat.

Kaya pakshet talaga iyong mga nagsasabi na magsipag ka lang, e. As if naman iyon lang ang basehan. Kung iyon lang, bakit mahihirap iyong mga magsasaka?

"Pero 'di malakas pera sa labor," biglang sabi niya. Naglakad siya kaya naman sumabay na ako palabas. "Ilang taon na nga akong abogado, kaka-tapos ko lang magbayad sa condo," parang joke na sabi niya.

"Okay naman akong magrent muna," pabirong sabi ko rin kasi parang ang gaan niya kasama. "Saan niyo po nakilala si Atty. Marroquin?"

Natawa siya. "Ang formal," sabi niya. "Si Achi? Classmates kami nung law school," dugtong niya. "Valedictorian 'yun nung batch namin, e."

"Salutatorian ka ba?"

Natawa ulit siya. "Di, ah. Motto ko lang nung law school ay basta pumasa ako," sabi niya. "Pero nagreview naman akong maigi nung BAR kaya sinwerte, naka-sabit sa top 14."

Napaawang ang labi ko. Grabe! Big time naman pala! Tapos kahit nasa top siya, sa Labor pa rin siya pumasok.

Tinanong ni Atty. Marasigan kung may trabaho na ba ako at sinagot ko na sa online lang. Inofferan niya ako na kung gusto kong magtrabaho sa firm nila—maliit lang daw iyon at hindi malaki iyong sahod, pero kung gusto ko raw matuto talaga, matuto daw talaga ako sa dami ng ginagawa nila.

"Parang slavery 'yan, sir, ah," sagot ko kasi sabi niya literal na wala raw pahinga sa dami ng kasong hawak nila. Tapos meron din daw silang hawak na mga kaso laban sa mga malalaking corporation kaya minsan, delikado rin. 'Di naman ako kinabahan. Naniniwala talaga ako na kung oras ko na, oras ko na. At least kung mamamatay man ako bukas, meron na akong maipagmamalaki.

"Ganon talaga kapag beginner," natawang sagot niya. "Ganon din ako nung nagsisimula, e. Daming pinapa-gawa, puro rin ako reklamo, pero doon ko na-realize na dumami iyong alam ko sa dami ng pinapagawa nila. Kabisado ko na iyong procedure pati mas mabilis mong makikita iyong flaw sa arguments. Practice lang nang practice."

Binigay sa akin ni Atty. Marasigan iyong card niya bago siya nagpaalam na aalis na raw siya.

Atty. Darius Paul Marasigan

Riesca, Valiente, & Marasigan Law Firm

Itinago ko sa wallet ko iyong card niya tapos ay nagbook na ako ng masasakyan ko para maka-balik na ako sa apartment. Ang bilis lang din kasi ng panahon. Kaka-tapos lang ng exam namin, pero ramdam ko na iyong susunod na exam agad. Tapos ay final sem ko na sa law school. Tapos review na. Tapos BAR na.

Tapos ako na si Atty. Jerusha Leigh Lorenzo—oo, kine-claim ko na talaga.

Hindi ko alam kung tini-tignan ba ako ni Nikolai o baka naging banlag na siya bigla, pero hindi ko na lang pinansin. Mukha naman siyang tanga kung titingin lang siya sa akin dahil lang nakita niya na may kausap akong lalaki. Mukha siyang tanga kung iyon nga ang dahilan kung bakit para siyang stalker maka-tingin sa akin. Mabuti na lang din at dumating na iyong sasakyan kaya naka-alis na ako roon.

Normal naman iyong mga sumunod na araw. Sobrang busy ako sa klase kasi ang demanding talaga ng senior year. Tapos ang dami ko ring gig online kasi gusto ko sana na makapag-ipon ako para keri lang kahit hindi ako magtrabaho kapag nagrereview na talaga ako para focused lang.

"Good morning po," bati ko sa mga tao nang dumating kami ni Atty. Marroquin para sa pangalawang meeting. Ang point of negotiation ngayon ay iyong salary increase para sa mga empleyado. Sinabi na ni Atty. Marroquin na mahihirapan kami kasi obviously, ayaw ng mga kapitalista na mabuhay nang disente iyong mga empleyado nila.

Nakikipag-usap ako sa mga tao roon—iniinterview ko lang sila para lang marinig ko iyong point of view nila... tapos doon ko na-realize na para sa ganitong trabaho talaga ako. Kasi na-gegets ko talaga iyong mga hinaing nila sa buhay... Kaya nga napunta ako sa club dati, e. Kasi sobrang hirap humanap ng trabaho na makakapagbigay sa 'yo ng maayos na buhay. Sino ba naman ang gustong magtrabaho sa ganoon kung may choice naman na ibang trabaho? Kaso ang choice... para lang talaga sa may pera 'yan.

"Good luck, Attorney," sabi sa akin ni Mang Jun kahit kanina ko pa sinasabi sa kanya na hindi pa naman ako abogado. Mamaya ma-jinx ako, e!

Tumayo kami. Hindi naman na ako nagulat na nandoon din si Nikolai. Hindi ko siya pinansin kahit naka-tingin siya sa akin, pero tumingin na lang din ako sa kanya kasi awkward naman kung pipikit ako bigla kapag nadaanan siya ng mga mata ko. Naka-harang kaya siya!

"Let's begin," sabi nung isa sa mga kasamang lalaki ni Nikolai.

Nagsimula na iyong negotiation tungkol sa pagtaas nung sweldo.

"As provided in the proposal, we're asking for an increase in the monthly wage of the rank and file employees from the prevailing 537 pesos to—"

"Okay."

Lahat kami ay napa-tingin kay Nikolai. Gulat na gulat iyong kasama niyang abogado sa bigla niyang pag-okay—maging si Atty. Marroquin ay nabigla din. Kasi sinabi niya sa akin kanina na mahaba iyong magiging negosasyon lalo na sa ganito aspeto—usually nga raw ay nagiging dahilan ng bargaining deadlock dahil hindi talaga pumapayag iyong employer sa salary increase.

"Okay..." pag-ulit ni Atty. Marroquin sa sinabi ni Nikolai. "Can we put that in writing, then?" siguristang tanong niya.

Naka-tingin sa akin si Nikolai. Sira-ulo ba 'to?

Gusto kong tumayo at kausapin siya na kung feeling niya maiimpress ako sa ginagawa niya, mali siya. Feeling niya ba hindi namin kayang makipagnegotiate?

Pero hindi ko ginawa dahil ayokong piliin iyong feelings ko dahil sweldo nung mga manggagawa ang naka-taya rito.

Bahala si Nikolai sa kung anuman ang trip niya sa buhay niya.

Pero dahil hindi pa naman nasisiraan ng ulo iyong mga kasama niyang abogado ay humingi sila ng 30-minute break kahit halos kaka-simula pa lang namin.

"That was weird," biglang sabi ni Atty. Marroquin.

"Baka good mood," sabi ko na lang. 'Di naman kami bff para magshare ako ng personal history ko sa kanya.

"We're talking about a hundred million, at least," sagot niya.

Nagkibit-balikat ako. Sus, barya lang naman 'yun sa lalaking 'to. At least mapupunta sa maayos iyong pera niya—kung anu-ano pa naman trip pagka-gastusan nun dati.

Tsk. At bakit ako nagrereminisce!? 'Di naman Thursday ngayon!

"Baka lucky charm niyo ako, Sir," pa-joke na sabi ko pero seryoso lang siya. Grabe! Ang mahal naman ng ngiti ng isang 'to!

Mukhang matagal pa iyong diskusyon nila kaya naman lumabas muna ako para magCR. Pagbalik ko ay nakita ko na parang puputok na iyong ugat sa ulo nung medyo matandang lalaki na kasama sa team ni Nikolai. Aba, gets ko naman—ikaw ba naman umoo agad at wala man lang pagtawad na naganap! Kundi ka ba naman ma-highblood, e!

"Nikolai—" sabi nung matandan.

"I'm here as Atty. Ferreira today," sagot ni Nikolai.

"Then act like it! You must be out of your goddamned mind!"

True.

"They've been asking for an increase—" sagot ni Nikolai.

"And we negotiate!" True.

"The meeting is still ongoing," sagot ulit niya.

"You already said yes!" True again.

Natigilan si Nikolai. Tumingin siya sa lalaki. Seryoso ang mukha. Mukhang may sasabihin siya nang matigilan siya at mapa-tingin sa akin. Tumingin din sa akin iyong mga kasama niya... at sa paraan pa lang ng pagtingin nila ay alam ko na kilala nila ako.

Agad akong nag-iwas ng tingin kasi alam ko naman kung bakit nila ako kilala.

Ilang taon na pero tandang-tanda ko pa rin kung paano nagflash sa screen iyong litrato namin ni Nick—sino kayang malakas ang trip ang gumawa nun?!

"Let me handle the negotiation, Nikolai," sabi nung matanda.

"I'm the head of the legal department," sagot niya.

"You're acting like a love sick puppy and not a lawyer."

Tumingin ako sa kanila dahil kung makapag-usap sila ay akala mo wala ako sa harapan nila. Pilit akong ngumiti. Ayokong maging bastos dahil hindi naman sweldo ko ang naka-salalay dito. At saka maliit lang ang mundo ng mga abogado—ni hindi pa nga ako nagsisimula e gagawa na ba ako ng kaaway?

"We're open for negotiation naman po," magalang na sabi ko. "As long as the terms are just and fair for the employees, we're very amenable."

Parang naririnig ko iyong bawat pagpatak ng segundo sa imaginary clock sa utak ko.

"Great," sabi nung matanda—although debatable kung relief o sarcasm ba iyong nasa tono niya. Pumasok sila nung mga kasama niya. Grabe... iba iyong dating nila. Feeling grown-up ako rito, ah. Abogadong-abogado iyong vibes nila—pasado sila sa vibe check.

Nang maka-balik silang lahat sa meeting room, tumingin ako kay Nikolai na akala matagal akong 'di nakita sa pagtitig sa akin.

"Unang legit na experience ko 'to sa labor, Nikolai," sabi ko sa kanya. Gusto kong sabihin na 'wag niya akong bigyan ng special treatment kung iyon man ang nangyari kanina. Para kasing nakaka-insulto. At saka paano ako matututo kung gagawin niya iyon? Sobrang naghanda ako para sa araw na 'to... tapos biglang okay lang siya?

Pero pinigilan kong sabihin kasi 'di ko naman sweldo iyong naka-salalay. Sayang iyong increase na inapprove ni Nikolai kanina... kung mananalo siya at hindi iyong galit na matanda kanina na mukhang papahirapan kami na maka-kuha ng kahit pisong increase! Akala mo naman 'di milyon ang kinikita nila sa negosyo nila!

"Magnegotiate tayo nang maayos," dugtong ko.

"Okay," sagot niya.

"Treat this as you would any other business transaction," sabi ko pa kahit hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sabihin 'to sa kanya. Ako na iyong lumapit sa kanya dati; siya iyong nagsabi na hindi niya kaya. Kaya bakit ko ba 'to sinasabi pa?

"Okay," muling sabi niya.

Naka-tingin kami sa isa't-isa nang marinig ko iyong pagtawag ni Atty. Marroquin sa pangalan ko. Nakita ko iyong pagkunot ng noo ni Nikolai. Okay lang ba siya? Bakit nagseselos siya? Ganyan din mukha niya noon nung kasama ko si Bentley, e.

Mukha siyang tanga.

"Sorry, Sir, mahaba iyong pila sa CR," pagrarason ko na lang kahit obvious ay naghihinala na si Atty. Marroquin sa akin.

* * *

Habang busy ang mga tao sa pagccram ng review dahil nagtext iyong prof namin na may rehash kami, ako naman ay busy sa paggawa ng points for discussion sa susunod namin na meeting kasama sila Nikolai. Nasobrahan naman ata iyong tao na 'yun dahil walang nangyari sa meeting namin nung huli! Walang gustong magpa-talo! Medyo na-konsensya ako dahil parang nalugi iyong itsura nung mga trabahador... kasi syempre bawat sentimo e mahalaga sa kanila para kasi panglaman-tiyan din 'yun.

"Sarap talagang sakalin ni gaga," sabi ni Jassy.

Natawa ako habang naka-tingin sa laptop ko. "Hater ka talaga."

"Palit tayong utak kahit ngayong rehash lang. Pagod na ako."

Tinawanan ko lang sila. Codal rehash naman kasi e kabisado ko na iyong mga provisions kaya chill lang ako. Paglabas ko ng room para pumunta sa CR ay natigilan ako nang makita ko si Atty. Marasigan.

"Sir!" bati ko sa kanya kasi 'di ko expected na nandito rin siya. Napa-tingin pa siya sa akin. "Naliligaw ka, Sir?"

Natawa siya. "Hindi," sagot niya. "Naglalakad-lakad lang ako."

"Nagtuturo ka rito, Sir?"

Umiling siya. "Masters."

Napaawang iyong labi ko. "Grabe..."

Natawa lang ulit siya. "Kaka-miss mag-aral, e," sabi niya lang. "Dito ka rin pala." Tumango ako. "Prof mo si Achi?"

Tumango ulit ako. "Di ba niya na-kwento?"

Umiling siya. "Di naman nagshe-share ng nangyayari sa buhay niya 'yun, e," tatawa-tawang sabi niya. "Sige, baka ma-late ako sa klase ko," pagpapaalam niya.

"Sir!" pagtawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. "May tanong pala ako tungkol sa negotiation sa Labor," sabi ko sa kanya kasi sabi niya naman sa akin if may tanong ako e sabihin ko lang sa kanya.

Tumango siya tapos tumingin sa relo niya. "Hanggang 9:30 class ko—kung nandito ka pa, pwede dun na lang tayo mag-usap. Kung hindi, nasa card ko naman iyong number o email ko," sabi niya tapos ay ngumiti bago nagmamadaling maglakad paalis. Cute naman ni Sir kasi halos tuma-takbo na siya—male-late na nga ata.

Nakita ko si Jassy na naka-ngisi sa akin nang bumalik ako. Inirapan ko siya dahil iintrigahin na naman ako nun.

'Aral maya?' text ni Indie.

'Okay pero may puntahan muna ako.'

'Okkk dinner ba tayo o may ka-dinner ka.'

'Luh'

'Hahaha jk lang pero dinner nga ba tayo kasi parang gusto ko ng sinigang'

'Okay.'

'Sunduin kita later bye'

Nang dumating si Atty Z ay nagsimula na iyong mahaba-habang pagdudusa namin. Nang matapos iyon ay sakto na nagka-salubong kami ni Atty. Marasigan. Nagtanong na agad ako sa kanya ng tips kung paano ba namin mapapapayag iyong camp nila Nikolai—kahit sana 600 pumayag na sila. Ang mahal na kaya ng bilihin ngayon. Ang mahal na mabuhay.

Mukhang nagmamadali si Atty. Marasigan kaya hindi na ako nag-ask ng follow-up questions, pero sabi naman niya ay kung may tanong pa ako ay mag-email o text na lang ako—pero mas preferred niya raw ang email dahil nakaka-tamad daw magpindot sa cellphone.

"Sino 'yun..." naka-ngisi na tanong ni Indie nang sumakay ako sa sasakyan niya.

"Gusto mo pakilala kita?" tanong ko sa kanya kasi cute kaya ni Atty. Marasigan! Kaso hindi siya moreno kagaya ng type ni Independence.

"Deh, mas concerned ako sa love life mo," sabi niya habang iniistart iyong makina ng sasakyan. "Pero sino nga 'yun? Cute, ah!"

Kinwento ko lang sa kanya kung sino si Atty. Marasigan at nakaka-tuwa lang na kilala pala siya ni Indie, pero hindi sa mukha kundi sa pangalan lang kasi nababasa niya raw minsan sa pleading. Akala ko sa Labor lang si Atty. Marasigan pero may mga Tax cases din pala siyang hawak. In fairness talaga sa kanya.

Habang naghihintay kami sa order namin na sinigang ay nagvibrate iyong cellphone ko.

"Ano trip niyan?" tanong ni Indie nang makita namin iyong email ni Nikolai sa screen ng cellphone ko. 'Di ko kasi mabura iyong email ko kasi baka may importante na dumating...

"Di ko alam," sabi ko habang tinaob iyong phone.

"Akala ko ayaw niya na."

"Akala ko nga rin kaso feel ko nung nakita niya na may kausap akong iba," sabi ko tapos nagkibit-balikat. "Parang gago talaga iyong gagalaw ka lang kapag feel mo may ibang makaka-appreciate, no?"

Nagkibit-balikat si Indie. "Parang bata na iiyak kapag may umagaw ng laruan niya sa playground?"

Pero hindi naman ako laruan.

Saka clear naman si Nikolai na mahal niya pa rin ako.

Kaso... wala ngang tiwala.

Gets ko rin naman siya kung bakit ganito siya... pero sana kung hindi niya kayang magtiwala ulit sa akin, pabayaan niya na lang ako. 'Di naman fair na ihihinto ko iyong buhay ko para lang hintayin kung kailan siya magdedecide na worthy na ulit ako para sa kanya. Mukha siyang timang sa part na 'yan.

"Di naman," sabi ko kay Indie. Ex na kami at masakit siya magsalita, pero ewan... ayoko lang na may ibang nambabash kay Nikolai bukod sa akin. Ako lang pwedeng tumawag na epal at timang sa kanya.

Mabuti na lang at dumating na iyong sinigang namin kaya 'di na namin napag-usapan pa ulit si Nikolai. Pero nang pumunta si Indie sa CR ay kinuha ko iyong cellphone ko at binuksan iyong email.

from:

I wasn't able to apologize properly and I wasn't able to talk because the therapist said that I should think about what I'll say first before I say it out loud.

I can explain in email, but I really prefer we talk face to face, Jersey. I tried calling you, but I deserve to be blocked. I was such a dick. I should've thought about what I said before I said it. But my mouth ran faster than my mind. Sorry. Sincerely.

Seriously hope this email doesn't bounce back.

Hope to hear from you. 

***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 584K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
4.2M 137K 51
(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...