10 Ways How to Make Him Stay

Autorstwa enieral_27

3.8K 352 62

Hanggang saan ang kaya mong gawin para manatili ang taong mahal mo? Ilang beses kang magtitiis at magsasakrip... Więcej

PROLOGUE
Chapter 1:The List
Chapter 2: First Day
Chapter 3: The Party
Chapter 4: Bad Day
Chapter 5: Incest
Chapter 6: Monthsary
Chapter 7:The Secret
Chapter 8:The hidden truth
Chapter 9: Spill it
Chapter 10:Broken
Chapter 11: Help
Chapter 12:Tasha's Birthday
Chapter 13: Sorry
Chapter 14: Outing
Chapter 15: Sad Trip
Chapter 16: Ignore him
Chapter 17: He's leaving?
Chapter 18: Promises
Chapter 19: Suitor
Chapter 20: Almost
Chapter 21: Message
Chapter 22: Escape
Chapter 23:A week with you
Chapter 24: Graduation
Chapter 25: Fall inlove or fail inlove?
Chapter 26: Earl's loyalty
Chapter 27: Those Nights
Chapter 28: I thought
Chapter 29: Guilt
Chapter 30: He has a secret
Chapter 31: She is...
Chapter 32: Anniversary
Chapter 33: Their Problem
Chapter 34: Avoiding the Problem
Chapter 35: I Know
Chapter 36:The Message
Chapter 37: I'm back
Chapter 38: The struggles
Chapter 39: She Found out
Chapter 40:They Found Out
Chapter 41:Should I give up?
Chapter 42: Baby Yana
Chapter 43: Christmas Part 1
Chapter 45: A memorable night
Chapter 46: Fights
Chapter 47: It Hurts
Chapter 48: Changes
Chapter 49: Regrets
Chapter 50: Lies?
Chapter 51: Engaged
Chapter 52: Engaged life
Chapter 53: Wedding Day
Chapter 54: Memories
Chapter 55: Hatred
Chapter 56: Other's relationship
Chapter 57: Blame Me
Chapter 58: I'll keep it
Epilogue
Author's Note

Chapter 44: Christmas Part 2

46 5 0
Autorstwa enieral_27

Chapter 44: Christmas Part 2

Tashana's POV

Nakatitig lang ako kay Dave habang lumalapit sya sa akin. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Akala ko hindi sya uuwi? Totoo ba ang nakikita ko?

"Merry Christmas babe!" Nasa harap ko na sya ngayon at hindi ko alam ang sasabihin ko. Mas naiinlove ako sa mga ngiti nya. "B-babe." Hindi ko alam saan hahanapin ang dapat kong sabihin. Parang hindi totoo pero totoo, hindi ko alam.

"I-ikaw ba talaga yan? Akala ko hindi ka uuwi?" Hinawakan nya ako sa balikat. "Oo ako to. Totoong totoo." Agad ko syang niyakap at narinig ko ang mahina nyang tawa. "Akala ko hindi ka uuwi." Hindi ko na mapigilang mapahikbi. "Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ko sa kanya. "Para surpise." Sagot nya.

"Magsi-upo muna kayo." Sabi ni tita kaya humanap kami ng pwesto. Nasa pouf kaming dalawa habang sila ay nasa sofaat stools.

"Babe." Tawag sa akin ni Dave. "Hm?"

"Sila Harold, nasaan?" Tanong nya kaya napalingon ako. "Hindi ko kasi nakita sa bahay nila kanina akala ko nandito." Pahabol nyang sabi.

"I-itanong mo nalang sa mama mo." Sagot ko. "H-ha? Pero--" Agad ko syang hinila palapit sa mama nya.

"Tita, may itatanong daw po si Dave." Sabi ko. "Ano yun?"

"Ma, nasaan sila Harold?" Agad nanlaki ang mata ni tita. "Ma?"

"Kinuha na ng magulang nya." Napakunot ang noo ni Dave. "Ha? Bakit?" Tanong pa nya.

"Nagkasakit yung lola nya, sinundo sila. Kailan lang nabalitaan namin, wala na yung lola nya. Iyak nang iyak si Harold. Gusto ka nyang makita."

"Bakit po hindi nyo sinabi sa akin?" Natatarantang tanong ni Dave kaya hinawakan ko sya sa braso. "Babe, kumalma ka muna." Sabi ko.

"Bakit wala man lang akong balita?" Hindi na sumagot si tita kaya bumalik sa Dave sa pwesto namin.

Hinawakan ko sya sa kamay. "Ayaw lang nilang mag-alala ka." Sabi ko sa kanya. Agad syang dumukdok sa balikat ko. "Tinuring ko syang lola, tinuring kong parang kapatid si Harold. Paano na? Gusto ko pa silang makita."

"Makakausap mo pa naman sila. Tsaka malay mo, umuwi sila." Tumingin saya sa akin habang naluluha. "Miss ko na si Harold." Pinunasan ko ang luha sa mata nya. "Kukumustahin natin bukas."

"Dave, may lakad ba kayo bukas?" Tanong ni Earl kay Dave. "Wala pa kaming plano." Sagot ni Dave.

"Magsasarili kami ng lakad ni Viena." Sabi ni Grey. "Ah baka dun nalang kami kila Winzie." Sabi naman ni Earl.

"Tayo ba babe?" Tanong ko kay Dave. "Mamaya natin pagplanuhan." Sagot nya.

12:00 na at nagkainan kami. Dito kami ngayon naka-Indian seat at may mahabang lamesa. Ibang style ang ginawa namin para raw mas masaya.

"Graduating na kayo diba?" Tanong ni tita Diane sa amin. "Si Winzie po matagal pa." Sagot ni Viena. "Ay oo nga." Sabi ni tita.

"Si Viena graduate na." Sabi namin ni Winzie. "Congrats, Viena!" Sabi ni ate.

"May tatlong engineer, isang architect at isang accountant. Tignan nyo, may isa ring Lawyer." Sabi ni Papa.

"Proud kami sa inyo." Sabi ni ate sa amin.

"Kumuha ka ng bachelor's degree, Winzie?" Tanong ng mama ni Earl. "Opo. First year na ako sa pinaka-course ko."

"Pag may kaso kaming ilalakad, sa amin kayo lalapit ah." Sabi ni mama. "Sure po." Sagot ni Winzie.

"Ikaw Viena, nag-apply ka na?" Tanong ni Kuya Rei. "Hindi pa po, nag-apply ako dati kaso ang sabi kailangan daw ng experience." Sagot ni Nana.

"Pero nagtatrabaho sya sa fastfood." Sabi ng mama nya. "Para hindi na hanapan ng experience." Sabi namin ni Winzie at sabay kaming tumawa.

Natapos ang kainan at kaming tatlong babae ang nag-uurong. "Babalik pa talaga si Dave?" Pabulong na tanong ni Viena. "Oo naman, gagraduate pa sya." Sagot ni Winzie.

"Eh paano yung sa kanila ni Tasha?" Tanong ulit ni Viena. "Madali na syang makakaalis."

"Bakit?" Sabay nilang tanong nang sumingit ako sa usapan nila.

"Sabihin na nating wala nang bantay si Dave. Kaso nga lang, nilalakad na yata yung kasal." Sabi ko.

"Eh di ba pwedeng kasuhan yung papa nya?" Tanong ni Nana. "Pwede naman, kaso mapera eh."

"Pero Sha, tandaan mo, sa huli ang tama ang nananalo. Hindi pwedeng hayaang mas maging masama pa yang papa ni Dave." Sabi ni Winzie.

"Tara na raw." Sabi ni Grey at tumulong sa pagliligpit ng mga plato.

Pumwesto kaming tatlo para sa bigayan ng regalo. "Alam nyo namang talagang naglalaan kami." Binigyan kami ni mama ng tig-500. "Dagdag allowance nyo."

"Eto naman." Inabutan kami ni papang tig-500 ulit. Si mama ay nagpapamigay na ng regalo at si ate rin.

"Reiza." Lumapit sya sa akin at hinawakan ni Nana ang kamay nya. "Rhea, Reiza, ano tawag nyo?" Tanong nya sa akin.

"Minsan Rhea minsan Reiza." Sagot ko.

"Tito Dave!" Agad nyang inakap si Dave. "Ay kay Dave gusto." Sabi ni Winzie.

"Dave, may ibibigay ka ba?" Tanong ni mama kay Dave. Pabulong nya lang tinanong para hindi masyadong nakakahiya.

"Ah opo." Kinuha ni Dave ang isang malaking box. Binigyan nya kami ng sabon, toothpaste at chocolate.

"Yung totoo, nagmigrate ka ba o OFW?" Nagtawanan kaming lima sa tanong ni Grey. "Parehas."

"Nagpapart time job sya minsan." Sabi ko sa kanila.

"Swerte naman ni Tasha." Ngumiti ako sa kanila. "Pinalad sa jowa."

"Lamang naman kayo madalas, nakakasama nyo eh."

"Sa ating tatlo, si Nana ang pinakamaswerte." Sabi ni Winzie. "Ako pa, syempre." Proud na sabi ni Nana.

"Eto, hindi ko alam kung kasya sa inyo pero iisang size lang kinuha ko. Di ko alam na mataba na kayong tatlo." Sabi ni Dave habang inaabot ang t-shirt.

"Grabe ah." Kinuha namin ang t-shirt na hawak nya at sinukat yun.

"W. Tecson, V. Domingo, T. Rousseff." Sabi ni Winzie habang binabasa ang nasa t-shirt namin. "G. Smith, E. Valencia." Sabi pa nya habang binabasa ang nasa t-shirt ng dalawa.

"Dave, thank you!" Sobrang effort ni Dave pagdating sa mga taong mahal nya. Talagang nagpacostumize sya ng t-shirt para sa amin.

"Magset tayo ng gala tapos isuot natin to bukas." Sabi ni Winzie. "Pwede naman, saan?" Tanong ko.

"Movie." Sabi ni Earl.

"Swimming." Sabi naman ni Grey.

"Tara sa zipline or any adventures." Sabi ni Winzie.

"Gagala ba kayo bukas?" Tanong ng tito ni Dave. "Opo." Sagot namin.

"May bagong museum kaso nga lang may kalayuan. 2 hours ang byahe, kung gusto nyong maaga 7 alis na kayo. Malaki yung museum siguro aabutin nang 3 hours para maikot kasi may tour guide bawat papasok." Sabi nya.

"Salamat po." Sabi ko at tumango lang sya.

Lumapit si Dave sa amin at naupo sa tabi ko. "Gagala tayo?" Tanong nya. "Oo, sa museum." Sagot ko.

"Ah yung sinasabi ni tito sa akin dati bago ako umuwi. Sige. 6:00 susunduin ko si Earl. Hindi ako magdadrive baka sumumpong yung pilay ko."

"Hindi pa rin ba magaling?" Tanong ni Earl. "Ok naman na, kaso hindi na ganun sa dati, madali nang mangawit." Sagot ni Dave.

"Sige. Uwi na kami, papahinga. Sino mang maunang gumising manggising kayo ah." Sabi ni Grey.

"Yung late gumising isasama sa museum nang walang ligo, walang bihis, walang toothbrush, walang kain." Sabi ni Dave.

"Sige, ako na bahala sa pagkain. Ako huling dadaanan diba? Ipeprepare ko kasi, you know tupper ware." Sabi ko.

"Sige. Uwi na kami. Tulog na kayo." Sabi ni Earl. "Uwi na rin kami." Sabi ni Winzie. "Pasabay ako, palabas. Nauna sila mama eh." Sabi ni Nana.

"Babe, kami rin, uuwi na." Niyakap nya ako at niyakap ko sya pabalik. "Pahinga ka na ah." Aalis na sya nang hawakan ko sya sa kamay. "Bakit?" Tanong nya. Hinalikan ko sya sa pisngi at ngumiti sya sa akin.

"I love you, goodnight." Sabi nya. "I love you too." Sagot ko.

Kinabukasan ay 6:30 na akong nagising. Sakto naman na nakahanda na ang pagkain at si pinagayak na ako ni mama.

"Tasha!" Sigaw ni Dave paglabas ko ng kwarto. "Wait!" Sabi ko at dali-daling lumabas.

"Tasha!" Sigaw ni mama pagsakay ko sa kotse. "Pagkain nyo." Kinuha ni Nana ang pagkain at nilapag sa harap namin.

"Ayan kasi, late gumising." Sabi ni Dave. "Atleast nakahabol."

"Isasakay ka na sana namin kahit tulog ka pa eh." Sabi ni Nana. "Ang sama nyo." Sabi ko.

Nakarating kami sa museun at nagbayad kami ng entrance fee. Magkaholding hands kami ni Dave at nagtitingin tingin.

"May parts po na bawal magpicture pero may spot po where pictures are allowed. Pakitago po muna yung camera kasi po bawal na bawal ang camera sa part na to." Agad kaming nagtingin tingin sa paligid.

"Babe." Tawag sa akin ni Dave habang nakahawak sa kamay ko. "Bakit?" Tanong ko. "Sorry wala akong nairegalo sayo na special." Bulong nya.

"Ayos lang." Naramdaman ko ang paghalik nya sa buhok ko habang naglalakad kami.

Natapos ang gala at kumain muna kami sa labas ng sasakyan. "1 na pala." Sabi ko sa kanila. "Oo, ang laki ng inikot natin." Sabi ni Nana.

"Sleep over tayo sa inyo, Sha." Sabi ni Winzie. "Sige, wala naman sila ate. Hanggang 2 am tayo." Sabi ko sa kanila.

"Uwi muna kami para magpalit tapos punta na kami sa inyo." Sabi ni Dave. "Sige, sasabihin ko nalang kay mama.

Nakasakay na kami pauwi at nagpapatugtog sila. "Tasha." Tawag sa akin ni Dave. "Inaantok ka?" Tanong nya.

"Oo." Sagot ko. "Earl, pakitabi nga muna dyan. "Sino pwedeng makipag--"

"Ako na." Sabi ni Winzie. Nagpalit kami at sya ang nasa harap. "Pababayaan ko sanang matulog to kaso kapag tulog eh pumapaling yung ulo, ngawit ang aabutin." Rinig kong sabi ni Dave bago ako makatulog. Minsan naiinis ako pero kinikilig. Yung way nya kasi, nagdidisiplina talaga.

"Ma,  dito po kami matutulog mamaya." Sabi ko kay mama pagkauwi ko sa bahay. "Oh sige, linisin mo yung kwarto mo tsaka kwarto ng ate mo." Sabi ni mama.

"Ma, may pagkain pa diba?" Tanong ko. "Itanong mo sa papa mo at sya ang huling kumain." Sagot ni mama.

"Pa, may pagkain pa ba?" Agad syang tumango. "Carbonara, shanghai tsaka may juice pa naman." Sagot nya.

"Nak, dito nalang pala kayo kumain sa sala o sa kitchen. Nilalanggam sa kwarto eh, kayo rin mahihirapan maglinis." Sabi ni mama. "Sige po." Sagot ko.

Nagpalit lang ako ng t-shirt at shorts. Inayos ko na ang pagkain. Sinabi kong dito na sila kumain ng dinner at maya-maya pa ay dumating na sila.

"Si Nana?" Tanong ni Grey. "Ewan ko lang." Sagot ko.

"Samahan mo ako sa kanila." Sabi ko kay Grey. "Sama kami." Sabi ng tatlo at lahat kami ay lumabas para sunduin si Nana.

"Alam ko na kunyari tayo yung mga batang nagcacaroling." Sabi ko sa kanila. Pagtapat namin si bahay nila Nana ay hindi kami kumatok.

"1,2,3--"

"We wish you a Merry Christmas! We wish you a Merry Christmas! We wish you a Merry Christmas! And a happy new year!" Sabay-sabay naming pagkanta.

"Tawad!" Sigaw ni Nana mula sa labas at binuksan ang gate.

Naglalakad na kami at natapat kami sa bukas na gate. "Wag kayong tatakbo." Sabi ni Nana. "May aso rito." Sabi ko at kumapit kay Dave. Maya-maya pa ay bukas may tumahol, nakita namin ang aso na palapit sa amin at handang mangagat.

"OY, MAY ASO!"

"KAGATIN NYO YUNG DILA NYO!"

"TANGA, MALAPIT NAMAN NA TAYO WAG KAYONG MAGULO!"

Hindi na namin alam ang gagawin at kung ano-ano na ang sinisigaw namin. Muntik pa akong madapa buti nalang nahila ako ni Grey.

"Katanga naman neto." Sabi nya pero tumawa lang ako. "Wag kang malikot." Sabi ni Dave at hinila ako palapit sa kanya.

"Wala nang aso." Sabay na sabi ni Winzie at Earl.

Pagpasok namin sa bahay ay hinihingal kami. Malalaking bahay ang pagitan mula sa amin at kila Nana kaya delikado rin kapag may asong tumatahol.

"Bwisit kasi yung aso dun eh." Sabi ni Nana. "Oo, may nakagat na yun dati eh, bata." Sabi ko.

"Buti di namatay." Sabi ni Earl. "Ayos lang, hindi man ulol yung bata at yung aso, ulol naman yung amo." Sagot ko. "Dapat itali nila." Sabi ni Grey. "Yung amo ang dapat itali." Sagot ni Dave at nagtawanan kami.

Nagkwentuhan kami habang kumakain, nakapag-urong at umakyat sa kwarto.

"May plano kayo sa New Year?" Tanong ni Grey. "Wala pa naman." Sagot ni Dave at Earl.

Inabot kami nang alas dos bago matulog. Medyo makalat sa kwarto ko pero hinayaan ko nalang, madali naman maglinis bukas.

New Year na bukas at 6:00 pm na. Kagigising ko lang dahil halos araw-araw kaming nagwawatch together na magkakaibigan.

"Babe." Kababangon ko palang at saktong pumasok si Dave. "Bakit?" Tanong ko. "Magbihis ka." Napakunot ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko ulit. "Basta." Sagot nya. "Bakit nga?" Tanong ko. "Basta nga."

Naglinis lang ako ng katawan at nagbihis sa loobng banyo. Simpleng longsleeves na color peach at ripped jeans ang suot ko.

Pagpasok ko sa kwarto at nakahiga si Dave sa kama ko. "Wait lang ah." Sabi ko habang nagsusuklay at nagpopolbo. Naglagay ako ng light make-up at kumuha ng bag na lalagyan ng gamit.

Nakapants lang sya at naka-longsleeves din. May maliit syang bag at mukhang kakaunti ang laman. Wallet, cellphone yun lang naman ang palagi nyang dala.

"Alis na po kami." Sabi nya kay papa na nakaupo sa sala. "Ingat kayo." Sagot ni papa.

Dala ni Dave ang motor ng tito nya at sumakay na kami. "Namiss ko to." Sabi ko sa kanya at yumakap mula sa likod.

"Namiss kita." Sagot nya pero hindi na ako kumibo. Hindi ko rin alam kung bakit pero simpleng salita lang, nagwawala na yung puso ko.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Hindi mabilis ang pagpapatakbo ni Dave dahil gabi na at delikado dahil madilim. Siguro dalawang oras na kaming bumibyahe. Nagtatraffic din kaya matagal sa daan.

"Night market." Sagot nya. "Maganda?" Tanong ko. Sinasamantala na namin ang traffic para makapag-usap.

"Oo. May open area, may fireworks mamayang 12." Sabi nya.

"8:30 na, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Hindi pa, dun na tayo kumain, maraming tinda, sure ako gusto mo yun." Sagot nya.

9:00 na kami nakarating at pagbaba namin ay medyo marami ang tao. May iba't ibang pagkain kaya dun ako pumunta.

"Siomai, isaw, kwek-kwek, kikiam." Sabi ko. Habang tumutuhog sa mga tinda. "Tig-20 po." Sabi ko sa tindera.

"Ayaw mo ng fishball?" Tanong ni Dave. "Ayoko." Mabilis kong sagot. Bumili rin sya ng kanya at dumaan kami sa iba pang bilihan.

"Babe, fries oh." Sabi ko. "Tsaka may nachos, gusto ko nun." Kinuha nya ang supot na pinaglagyan ng mga binili namin at tsaka nya ako binulungan. "Fries din tas bili kang iced tea, yung sealed yung cup, meron sa tabi nun." Sabi nya at pumunta na ako.

Nakaupo lang sya sa tapat ng stall habang ako ay bumibili. Feeling ko nangangawit yung kamay at paa nya kaya naupo muna sya.

"Ate, dalawang fries po sa cup na medium size. Tapos dalawang---" Agad naputol ang sasabihin ko nang may humawak sa braso ko. "Wag kang dumidikit sa lalaki." Sabi nya at hinila ako palapit sa kanya.

"Dalawang iced tea, medium size." Sabi nya sa tindera. "Hahanap tayo ng pwesto, makinig ka sa akin." Sabi nya kaya hindi na ako kumibo.

Pagkatapos naming bumili ay kumain muna kami. May mga bench at doon kami naupo para kumain.

"Babe, ahh..." Sinubuan nya ako ng siomai na puro toyo. Nilapag ko sa tabi namin ang iced tea. "Bilisan mong kumain kasi may lalakarin tayo bago makapunta sa papanooran ng fireworks." Sabi nya.

"Saan?" Tanong ko habang umiinom. "Basta dun, malayo pa. Maganda yung view doon kaya dapat dun tayo makapwesto." Sagot nya.

Nang matapos kaming kumain ay naglakad kami at nagpicture. "Babe, picturan kita nang solo." Sabi nya at pinapunta ako sa tapat ng christmas tree na malaki.

"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya. "May fountain dun sa pupuntahan natin. May bench dun pataas." Sagot nya.

Humawak ako sa kamay nya at hinigpitan nya ang pagkakahawak. "First time natin magkaroon nang lakad na solo sa New Year." Sabi nya. "Kaya susulitin natin." Sagot ko.

Nakarating na kami sa sinasabi nya. Umiilaw ang fountain at malakas ang tubig. May bandang tumutugtog at may ilaw sa stage, nasa gilid sila at may mga lumalakad sa gitna.

"Saan yung fireworks?" Tanong ko sa kanya. "Medyo malayo basta sa open space." Sagot nya.

"11:55." Bulong ko. Hinawakan nya ang kamay ko at napatingin ako sa kanya. Ang sarap titigan ng mata nya, ng pilikmata, ng ilong patiang labi. Ang sarap pagmasdan ng mga ngiti nya, kahit na madalang ko nang makita yun.

Agad umilaw ang paligid, puro liwanag ang nakikita ko. Napuno ng ingay ang paligid at nakatayo ang karamihan. Halos lahat sila gumagalaw pero ako, nanatiling nakatitig kay Dave.

"Happy New Year, babe!" Agad nga akong nilingon habang nakangiti sa akin. "Happy New Year." Sagot ko.

Tumayo kami kahit na nasa pinakataas na level na kami. Magkahawak pa rin ang kamay namin. Ang gandang pagmasdan ng mga fireworks.

"Alam mo, ang sarap sa mata ng nakikita natin ngayon." Sabi nya. Nanatili akong nanonood habang nakangiti. "Pero mas maliwanag kapag nakatingin ako sayo." Lumingon ako sa kanya at saktong nagflash ang camera.

"Babe!" Sigaw ko habang kinukuha ang cellphone nya. "Maganda ka rito, gagawin kong wallpaper." Sabi nya pero kinukuha ko pa rin ang cellphone.

"Babe, akin na yan!" Tumatawa lang sya habang itinataas ang cellphone para hindi ko makuha. "Hoy!" Sigaw ko ulit.

Tumatalon ako nang bahagya para maabot pero hindi ko kaya. "Tumigil ka, baka mahulog ka pa." Sabi nya pero hindi ako nakinig. Kinukuha ko pa ring cellphone at maya-maya ay nadulas ako.

"Yan sinasabi ko." Inis nyang sabi habang nakahawak sa bewang ko. Muntik akong mahulog buti nalang nasalo nya.

"Umayos ka." Sabi nya kaya kumapit ako sa braso nya. "Bakit?" Tanong nya. "Sorry." Sagot ko. "Saan?" Tanong nya ulit. "Malikot ako." Sagot ko sa kanya.

Nag-umpisang tumugtog ang banda at nakatingin lang kami sa fireworks. Hindi pa naman tapos dahil matagal daw talaga rito. Habang nanonood kami ay inilapit nya ako sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik nya sa noo ko at dinama ko lang yun.

Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko, ikaw ang nagpinta
Para kang unan

Sinasabayan nya ang kanta habang ako ay pabulong na sumasabay rin. Ang sarap pakinggan ng boses nya at ang sarap pagmasdan ng paligid.

Kung hindi man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

Mas lalong umingay ang paligid at nagsisigawan ang iba. Ang iba nama'y nagpipicture sa banda at may ilang nagpipicture sa dancing fountains.

'Di baleng maghapon mang umulan
Basta't ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw

Mas tumitindi ang ingay at ang kaninang kalmadong ayos ng pwesto ay nagkagulo.

Kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko nang magsawa
Hinding-hindi magsasawa sa'yo

Lumapit si Dave sa akin habang kinakanta ang part na yun. Tumibok nang mabilis ang puso ko habang pinipigil ang paghinga.

Bahala na, ayoko munang magsalita
Hayaan na muna natin ang daloy ng tadhana

Nakatitig sya sa akin habang kumakanta. Bakit kasi ganun? Habang tinititigan ko sya, mas hinihila ako ng sarili ko na titigan ko sya lalo. Buti nalang nag-iwas agad sya ng tingin pero nakangiti pa rin.

Ang ilan sa mga katabi naming nasa taas ay bumaba at dalawa nalang kami rito sa level na to. Sinamantala ko na ang segundo ng instrumental. Palihim kong pinupunasan ang ilang luhang pumatak mula sa mga mata ko.

Kung hindi man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin
Dahil ang tanging panalangin
Dahil ang tanging panalangin...
Ay ikaw

Hindi ko na napigil ang pagtulo ng luha ko. Kahit pa magkahawak kami ng kamay ay yumuko nalang ako. Pinilit kong punasan ang mga luha ko gamit ang isang kamay.

"HAPPY NEW YEAR EVERYONE! PLEASE WELCOME OUR SPECIAL GUEST, THE BAND WHO COVERS THE SONGS. BANDANG MALAKAS!"

Sigaw ng host at ang pakalakpakan ang mga tao. Ramdam kong nakatingin pa rin si Dave sa taas dahil may ilan pang fireworks.

"T-tasha?" Naramdaman ko ang pagyakap nya. "Bakit?" Nag-aalala nyang tanong. "W-wala." Sagot ko habang humihikbi. Nakasiksik lang ako sa dibdib nya habang patuloy ang pag-iyak. "Bakit?" Tanong nya ulit habang hinahaplos ang likod ko.

"Wala, makinig nalang ulit tayo." Lumayo ako nang bahagya sa kanya habang nagpupunas ng luha.

'Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sabay kaming kumakanta pero hinihinaan ko lang para marinig ko lalo ang boses nya.

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta
Sana'y 'di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Nagsigawan ang mga tao at nakisigaw na rin kami. Nakaka-enjoy pala yung ganito.

"Babe." Tawag ko kay Dave kaya hinawakan nya ulit ang kamay ko. "Ano yun?" Tanong nya.

"I wanna be your ikaw lamang in the world full of kundiman." Sabi ko sa kanya at sumandal sa balikat nya.

Maya-maya pa ay may pumalit na banda. "Open po for special requests." Sabi ng host. Nagpapatugtog palang ng pang-party na kanta habang umiilaw ang fountains.

"Babe, wait lang." Sabi nya at kinalabit ang babae sa tabi ko. "Miss, pwedeng dito lang kayo? Bababa lang ako, babalik ako maya-maya." Sabi nya at tumango naman ang babae.

"Ang swerte mo sa bf mo." Sabi ng babae sa tabi ko. "Ahh opo." Sagot ko. "Nasa baba ako kanina tapos umakyat lang ako para makita yung Silent Sanctuary. Kanina ko pa kayo nakikita, kinikilig nga ako sa inyo eh." Sabi nya.

"Sobrag lambing po nyan. Hindi ko nga po alam na may lakad kami eh, sinundo ako kanina as in clueless ako." Sabi ko. "Keep mo yan. Madalang ang ganyang lalaki." Sabi nya.

Dumating na si Dave at nagpasalamat sa babae. "Uwi na ako, Silent Sanctuary ang pinunta ko rito, eh umalis na sila kaya uuwi na rin ako. Ingat kayo ah." Sabi nya at kumaway kami.

"Babe, halika." Sabi ni Dave at hinila ako sa semento sa likuran namin. Mataas na pader ang nasa likod at halos kasing taas ng puno, malapad ang pader at pwedeng tumayo ang tatlong tao.

Tumayo ako at tumabi sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko at nilagay sa balikat nya. Agad nya akong niyakap kaya hindi na ako nakapalag at niyakap ko sya pabalik. Sinasabayan namin ang pagtugtog ng theme song.

I met you in the dark, you lit me up
You made me feel as though I was enough

Kaya pala bumaba sya para magrequest. Nakita kong nasa baba pa rin ang karamihan habang nagvivideo. Ang iba ay nagpapakabasa na sa fountain kaya tumawa ako. Patuloy lang kami sa pagsayaw habang nakatitig sa isa't isa.

"Kahit ang lakas mong tumawa ang ganda mo pa rin." Palihim akong napangiti sa sinabi nya. "Thank you rito." Sabi ko at isang ngiti ang isinagot nya.

Just say you won't let go
Just say you won't let go

"I love you." Sabi nya habang nakangiti nang todo sa akin. "I love you too." Sagot ko.

Biglang nagring ang cellphone ko kaya napabitaw ako. Sinagot ko naman ang tawag ni mama.

(Ma?)-ako

(Uwi na, gabi na.)-sya

(Opo.)-ako

"Hinahanap na ako." Sabi ko kay Dave kay inalalayan nya ako pababa at sumiksik kami sa dami ng tao.

Palabas na kami sa parking lot at may maliliit na daan na ang tao lang ang kasya. Medyo naririnig ang tugtog dito kaya sinasabayan namin ang kanta.

And I wanna stay with you until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go

"Babe, last na sayaw." Sabi nya kaya humarap ako sa kanya at humawak sa balikat at kamay nya.

I wanna live with you
Even when we're ghosts
'Cause you were always there for me when I needed you most

Inikot nya ako at sobrang satisfying ng pagsalo nya sa akin nang pabalik ang pag-ikot ko.

I'm gonna love you 'til
My lungs give out
I promise 'til death we part like in our vows

"Thank you for the night." Sabi ko kay Dave bago bumitaw sa balikat nya. "Always welcome." Sagot nya.

"Babe, may regalo pala ako." Sabi nya at napatigil ako sa paglalakad. "Pero sabihin mo muna yung dahilan kung bakit na umiyak."

•••••

Sana satisfied kayo. 4k words yan so sana magustuhan. Comment kayo sa reactions nyo at kung ok ba yung update, Arigathanks.

Ps. Again, I removes some lyrics para maiwasan yung kaso. Sorry. Ginagawan ko ng paraan para manatili yung imagination na papasok sa isip ng bawat isa.
Vomment
Support
Follow





Czytaj Dalej

To Też Polubisz

308K 14.5K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
376K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...