ENCANTADIA Season 2 - The Win...

By BenificentGirl

29.7K 1.2K 2.7K

Matapos mamalagi at makamit muli ang inaasam na katahimikan ng buong Encantadia, at sa pagsisimula ng kanilan... More

Introduction:
Season1 Epilouge
SEASON 2 Prolouge
KABANATA 1 Part I| Bagong Henerasyon
PART II | Misteryosong Pangyayari
PART III | Pakikipaglaro
PART IV | Muling Pagbisita Sa Mundo Ng Mga Tao
KABANATA 2 Part V | Unti-unting Paghihimagsik
PART VI | Paggamit Muli Sa Mga Brilyante
PART VII | Pananakit Sa Mga Batang Sang'gre
PART VIII | Trahedyang Naganap
KABANATA 3 Part IX | Lihim na Kambal at Nakaraan
Part X | Lunas na Taglay ng mga Bulaklak sa Puno Ni Mine-a
Part XI | Gantimpala Ng Bathalang Emre
Part XII | Muling Pagbabalik sa mga Nabubuhay
KABANATA 4 Part XIII | Pagkawala ng mga Ala-ala
Part XIV | Hindi Maitatanggi ng Puso
Part XV | Pagpapa-alala Ng Mga Nalimot Na Nakaraan
Part XVI | Pagtulong Muli Ng Mga Mulawin
KABANATA 5 Part XVII | Mga Maaasahang Kapanalig
Thank You Letter
Part XVIII | Lahat Ay Mayroong Paraan
Part XIX | Mga Bagong Nilalang
Part XX | Pagtatanggol Sa Mga Kaharian
KABANATA 6 Part XXI | Pagbabagong Magaganap
NOTE FOR THE NEXT CHAPTER:
Part XXII | Ang Sumpa Ni Casilda Kay Alena
Part XXIII| Masakit Na Pagbabalik
Part XXIV | Panunukso Sa Nadurog Na Puso
KABANATA 7 Part XXV | Pag-apak Muli ng Lireo
Part XXVI | Tapatan ng Tunay na Pag-ibig Ang Isinumpang Puso
Part XXVII | Kapangyarihan Ng Tunay Na Pagmamahal
Part XXVIII | Maiitim Na Balak Sa Kabila Ng Pagsasaya
KABANATA 8 Part XXIX | Pagtuklas Ng Panibagong Brilyante
Part XXX | Pangamba Sa Bantang Inihayag Ni Casilda
Part XXXI | Oras Ng Pagsasama Para sa Isa't-Isa
Part XXXII | Simpleng Salo-Salo sa Araw ng Pasko
KABANATA 9 Part XXXIII | Pagbabalik-tanaw Sa Ibang Mga Nakaraan
SPECIAL CHAPTER | Araw ng mga Puso
NOT A CHAPTER BUT A SURVEY
Part XXXV | Paglabas Ng Unang Kapangyarihan Ng Nilikhang Diwata
Part XXXVI | Nandrang Itinalaga Para Sa Paghirang Ng Unang Reyna
KABANATA 10 Part XXXVII | Pag-hawak Muli Ng Luntaie Sa Kanyang Sandata
Part XXXVIII | Hidwaan Sa Pagitan Ng Kambal
Part XXXIX| Hindi Napagplanuhang Pagsugod

Part XXXIV | Balak Na Paglalakbay Para Sa ala-ala Ng Luntaie

429 28 52
By BenificentGirl

Paopao: Kung ganon po saan po tutungo si ate Lira mabalik lang yung ala-ala nya?

LilaSari: Maaaring ang batis ng katotohanan ang siyang tinutukoy ng Bathaluman, tama ba ako? Sapagkat ang batis na iyon ay ang muling nagbalik ng aking ala-alang kinuha rin ng Bathalumang Ether sa aking isipan matagal na panahon na ang nakalilipas.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Hindi ka nagkakamali, LilaSari.*looks at Lira* Kaya Lira, handa ka bang magpunta at lakbayin ang batis na aking tinutukoy mabalik lamang ang lahat ng mga nawaglit sa iyong isipan?

Sa itinanong ni Cassiopeia kay Lira, ay kita ang pangangamba ng kanyang mga magulang na ngayon ay pareho ng nakalapat ang mga palad sa kanyang braso at balikat, maging si Lira ay nagdadalawang isip sa suhestiyon ng Bathaluman sa kanya.

Amihan: Hindi kami papayag na ilagay mo sa alanganin si Lira, Bathaluman. Minsan na siyang nawalay sa akin kaya't hindi ko na hahayaang maulit pa iyong muli. *worriedly looks at Lira then gently embraced her head*

Ybrahim: Sang-ayon ako sa aking mahal, Bathaluman. Lalo pa't hindi mo pa kami hahayaang samahan siya sa kakailanganin nyang paglalakbay.

Lira:*looks at her parents* Pero nay, tay, gusto ko na rin pong mabalik ang memories ko para maka train na ulit ako kasama nina Bessy. Ayoko na rin po kasing naka tengga nalang sa gilid na walang magawa kasi hindi ko alam kung paano gamitin yung kung ano mang powers ko diba, isa lang alam kong magic, yung pag i-Ivictus ko. Ngayon po kasi unti-unti ko ng nafifeel na pabigat lang ako sa Encantadia kung wala naman ako maalala na kaya kong gawin, diba?

Mira: Hindi ka naman pabigat sa amin, Bessy. Nauunawaan ng lahat ang iyong kalagayan ngayon.

Paopao: Oo nga po ate Lira, kahit kailan hinding hindi po namin iisipin na pabigat ka, andami mo na po kayang nagawa para sa Encantadia.

Alena: Ngunit may punto si Lira. Kung hindi siya makikipagsapalaran ay walang mangyayari sa kanya. Isipin nyong sila na nga lang ang natitirang tagapangalaga na ating pag-asa, na makatutulong sa paglaban at pagprotekta sa buong Encantadia.

Amihan: At ano Alena, para ipain ang sarili niya sa patibong ni Casilda na naghihintay lamang sa kanya?

Pirena: Amihan magtiwala ka sa kakayahan at katapangan ni Lira, kung ano man iyang patibong na iyong iniisip tiyak akong malalampasan at malalabanan niya iyon.

Amihan: Ngunit hindi nakasisiguro ang lahat ng katiyakan na inyong sinasabi, maraming posibilidad ang maaaring mangyari sa pagtahak lamang ni Lira sa daang patungo sa batis.*volumes up her voice*

Danaya: Amihan-*hindi na natapos pa dahil kay Muros*

Muros: Sandali lamang mga Sang'gre, mawalang galang na kung aking puputulin ang inyong pag-uusap sapagkat nararamdaman na namin ang pagtataasan ng inyong mga boses, hindi namin nais na dito magsimula ang hindi pagkakaunawaan.

Amihan: Agape Ave, Mashna kung iyon ang iyong naramdaman. Nadala lamang ako sa bugso ng aking damdamin, labis labis lamang ang pangamba at pagmamahal ko kay Lira, maaaring dala na rin ito ng mga mapapait na nakaraan. Alena, Pirena, paumanhin sa aking nasabi. *teary-eyed*

Pirena: Lahat naman kami ay nangangamba para sa aming Hadia, Apwe. Ngunit, sadyang sinusubok lamang tayong lahat ngayon. Tandaan mo, Tagapangalaga si Lira, at gaya nga ng sabi ni Cassiopeia mas ikapapahamak niya ang ipagpatuloy ang laban sa Encantadia ng walang naaalala sa kanyang kakayahan bilang isang Luntaie at Diwata.

Alena: Lalo siyang babantayan ni Casilda at maaari pang gamitin laban sa ating lahat kung mapasakamay niya na naman si Lira dahil sa kakulangan niyang kaalaman upang lumaban.

Danaya: Huwag ka ring mangamba, edea Amihan dahil hindi naman mag-iisa sa laban si Lira. Nakatitiyak ako na gagabayan siya ng Bathaluman at ng mahal na Emre.



Napahinga si Amihan ng malalim at nangangambang tiningnan si Ybrahim, na agad na sinapo ang kaliwang bahagi ng pisngi nito.



Ybrahim: Kailangan na lamang nating pagkatiwalaan ang desisyon ng Bathaluman, mahal ko. Kailangan nating subukan ang mapanganib na paraan, kaysa dumating ang araw na mas malala pa ang kahihinatnan ng ating anak kung wala siyang maaalala.

Paopao: At lalo rin pong titibay ang pagpupursigi ni ate Lira na lumaban para sa Encantadia kung dala dala niya ang mga masasayang memories nyo po noon, kuya Ybrahim, ate Amihan. *smiles*

Mira: At mas lalo pang huhusay si Bessy, kung ang laman ng kanyang puso ay ang mga ala-alang nagpapahiwatig ng inyong pagmamahal sa kanya. *genuinely smiled*

Lira: Oh diba po inay, itay, mas marami pang benifits yung makukuha ko kapag na re-format na po ang utak ko. *small laugh* Kaya payagan nyo na po akong mag field trip-ay este lakbayin ang Batis ng Katotohanan. *smiles*

Amihan:*sighs* Nagdadalawang isip pa man kami ng iyong ama, ngunit mas naaayon ang kasagutan ng nakararami.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Kung gayon, ay kailangan na nating paghandaan ang araw kung kailan magsisimulang maglakbay si Lira. Dalawa ang maaari niyang maging kasama sa paglalakbay, maliban na lamang sa pagpipilian ang mga Mashna, Hafte, mga punong kawal, Hara't Rama ng mga kaharian, maging ang dalawang tagapangalaga.

LilaSari: Maaari kong samahan ang Sang'gre Lira, inang Bathaluman. Mas mabilis naming matatahak ang daan pagkat kabisado ko na ang pasikot-sikot sa mga kagubatang papunta roon.


Nag-alala namang hinaplos at tinitigan ni Amarro ang kanyang asawa na si LilaSari.


Amarro: Sigurado ka ba, mahal ko?*worried*

LilaSari: Mag-iingat naman kami, Amarro. Wag kang mag-alala pagkat babalik pa akong muli sa iyong piling.


Maya-maya ay tumayo si Khalil mula sa kanyang kinauupuan upang iprisenta ang sarili sa lahat.


Khalil: Bathalumang Cassiopeia, nais kong samahan ang aking Edea sa kanyang paglalakay patungo sa batis.

Alena: Khalil.*worriedly faces her son*

Khalil: Ina, huwag kang mag-alala kaya ko ang aking sarili. At is pa, nais ko ring masiguro ang kaligtasan nina LilaSari at ni Edea Lira. Mas mabuti ng may kasa-kasama rin silang lalaki sa kanilang paglalakbay.

Ybrahim:*sigh* mag-ingat kayong lahat, anak. Ipangako nyo sa akin na uuwi kayo rito lahat ng walang labis at walang kulang.

Khalil: Pangako, ama.*smiles*



Tapos ng pag-usapan ng lahat ang tungkol sa planong pagtahak ni Lira sa batis, at tatapusin na rin sana ni Alena ang pagpupulong ng lahat, ngunit napansin ni Cassiopeia ang malalim na iniiip ni Azulan sa tabi ng kanyang Hara kaya naman pinatigil nya muna si Alena sa pagtaas ng setro at sabay na pinansin ang Punjabweng Rama.


Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Tila, may bumabagabag sa iyong isipan, Rama Azulan. Maaari ba naming malaman?



Napatingin naman si Pirena sa kanya na tila nais ring malaman ang nasa isip ng Rama. At ng tumayo si Azulan at nakita niya na nasa kanya ang atensyon ng lahat, agad na syang nagsalita.



Azulan: Napapaisip lamang ako sa lahat ng iyong ipinahahayag sa amin, Bathaluman. Bakit nais mong manatili sa kani-kanilang kaharian kaming may mga matataas na katungkula dito sa Encantadia? Kakaiba lamang ang iyong pinahihiwatig sa amin, mayroon ka bang ibang hindi naipagtatapat sa amin?

Imaw: Napansin ko rin iyon Cassiopeia, bakit tila mayroon ka pang ibang hindi mo pa naipapahayag sa aming lahat?

Apitong: Maaaring my dahilan ang Bathaluman kung hindi niya pa sinasabi ito sa atin, batid kong mayroong siyang magandang dahilan.

Maicah: Ngunit nakakabahala rin na hindi natin batid ang ating pinaghahandaan, mahal na Bathaluman.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Aaminin ko sa inyo, na pinaghahanda ko ang mga Hara't Rama para sa magdadaang kaguluhan dito sa Encanadia.*frowns and looks down*


Nagulat ang lahat sa kanyang tinuran. Lalo na yung mga Hara at Rama na nagpakita ng nababahalang ukha sa kanila.


Alena: Tuluyan na nga talagang nagulo ang kapayapaan ng Encantadia.*worried*

Pirena: Anong klaseng kaguluhan na naman ito, Cassiopeia? Hahantong na naman ba ito sa hindi mabilang a digmaan?

Cassiopeia:*speaks* Ezta sevti ivi,(maaari itong mangyari ) Hara. *frowns*

Amihan: Ngunit anong klaseng digmaan ang maaaring mangyari sa Encantadia, Cassiopeia? At kung magkakaroon ng digmaan, napakadelikado naman yatang ipagpatuloy nina Lira ang paglalakbay.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Gaya ng sinabi ko kanina, Amihan. Mas ikapapahamak ni Lira kung wala siyang alam na kakayahan nya sa pakikipag laban. May posibilidad na planuhin ni Casilda ang kanyang paglusob anumang oras at araw ngayon, at kung magagawa ni Lira na maibalik ang kanyang ala-ala bago ang magaganap na paglusob, ay hindi na tayo mababahala sa kanyang kakayanang lumaban.

Lira: Ay bet ko yan, Great granny Bathaluman. Nay, tay, keri naman po namin eh basta fighting lang at wag mawawalan ng faith kay Lord at kay Emre.*smile* Ang nega tron nyo naman po kasing mag-isip eh.*small laugh*

Aquil: Sa ngayon mga Sang'gre, pagtuunan na muna natin ng pansin ang paghahanda sa paglalakbay ng Sang'gre Lira at maging handa sa kung ano mang digmaang magaganap. Siguraduhin lamang natin na walang ni isa sa inyong nasasakupan ang madadamay at mapapaslang, sapagkat hindi ko na nais pang makitang tumatangis ang mga Encantado para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Danaya: Hindi tayo nakasisiguro mahal ko, ngunit maaari nating gawin ang lahat upang walang masaktan sa kanilang lahat.

Wantuk: Ito na naman siguro ang katapusan ng ating pagiging malaya. *take off his hat sadly*

Imaw: Magiging kasing lala ba ito ng dati? Hay, sana'y huwag ng maganap muli ang nangyari sa nakaraan. Hay.

Cassiopeia:*wisdom symbol lights up on her forehead* Huwag kayong mabahala pagkat hindi ko kayo pababayaan. Sa ngayon Hara Alena, tapusin na natin ang pagpupulong na ito.


Tumayo si Alena sa kanyang tronong kinauupuan at kinuha ang setro sa mesang pinagpupulungan ng lahat at itinaas ito.


Alena: Sa ngayon, tinatapos ko na ang pagpupulong na ito. *scepter lights up as she raises*


Ng sagrado ng natapos ang pagpupulong ay agad ng nawala sa Bulwagan ang Bathalumang Cassiopeia na iniwan silang nangangamba pa rin sa kanilang napag-usapan.







******************************************


= SA MUNDO NG MGA TAO =

*SA UNIVERSITY*


Tanghaling tapat na noon sa campus na pinapasukan nina Aubrey at Kyle at ngayon ay katatapos lang ng defense ni Aubrey sa Thesis class nya kay Prof Rael (played by Betong Sumaya). Nasa loob si Aubrey ngayon ng Thesis class niya at pinupuri sa galing na kanyang pinakita.





Rael: You did great on defending your research Ms. Cabales, and I'm not surprised that your running to be a Zuma Cumlaude of this University. And I'm sure makukuha mo yun. *Proudly claps together with the students*

Aubrey: Your praising me a lot Prof, baka madissappoint ko lang po kayo kung hindi ko yun maabot.*small laugh*

Rael: Ano ka ba Hija, I have no doubt on you. And base on your performance on my class that counts 30% of you overall grades, wala na akong masasabi pa. Your getting a grade of 1 (katumbas ng 96 na grade pataas) sa Thesis continuosly, walang palya.*looks at his students sitting) Kaya class, gayahin nyo si Ms. Cabales, study hard and work hard on you researches, understood?

Class: Yes, Prof.

Rael: Okay everyone, happy lunch and class dismissed. *walks out of the room*



Paunti-unti ng nawawala ang mga estudyante sa loob ng class room hanggang sa nalang ang natira sa loob at nag-aayos pa ng kanyang gamit. Dala dala na nya ang kanyang bag at akma ng lalabas sa classroom ng biglang nagsisulputan ang mga matataray niyang mga kaklase ba talaga namang kilala sa pambubully sa campus nila. Sina Macy (played by Kyline Alcantara) Kelly (played by Pauline Mendoza) at Gia (played by Mika Dela Cruz) na may hawak pang mga inumin. Hinarangan nila ang pinto ng sa ganon ay hindi makalabas si Aubrey.





Macy: Ops! At san ka pupunta, the Ms. so-called "sip-sip sa mga Professors"?

Aubrey: Macy pwede bang wag mong pairalin ang pagiging isip bata mo?

Macy:*smirks* Wow, nahiya naman ako sa pagiging sip-sip mo! Makapasa ka lang as Honor sa University. Nakakaawa ka. *laughs*

Gia:*laughs* I know right. Who would've know kung anong pinapakain niya jan kay Prof Rael makakuha lang ng uno, diba? I mean, duh, ikaw lang nakakagawa non.

Aubrey: *mapang-asar na ngiti* Well thank you for you complement, Gia. Pero para sabihin ko sa inyo, hindi ko naman kailangan pakainin ng kung ano ano si Prof kubg mismong hard work at aariling sikap kong nakukuha yung grades ko. Unlike you guys.*taas-babang tingin sa tatlo*

Kelly: How dare you talk to us like that!

Aubrey: Kelly, sino bang unang lumapit? Diba kayo?*small laugh*

Macy: Girls, calm down. I'm sure theres a way to make that little angel wings of her turn into demon horns.*wickedly smile*


Tiningnan ni Macy si Gia na tila nag-uusap sila gamit ang mga mata. Ng magkangitian, agad na binunot ni Gia ang isang maliit na brown envelope at binigay kay Macy.



Macy:*smirks* Tingnan nalang natin kung aabot ka pa ng graduation nito, we'll see you nalang sa Principals office okay? Excited na kasi kamjng ma expell ka eh.*malambing na asar at inilahad ang evelope kay Aubrey*



Agad namang kinabahan si Aubrey sa envelope na nakita nya kaya tinanong nya muna si Macy.


Aubrey: Tssk. Ano na namng paandar to ha, Macy? Wala ka na naman bang magawa sa buhay mo?

Macy:Well, mga pictures of you lang naman yan. Just see it for yourself.

Gia: Mga pictures na magpapalayas sa iyo sa campus na ito.*wickedly smile*

Kelly: And don't worry girl, nasend na namin yung copy nyan sa office.*smiles*


Agad na hinablot ni Aubrey ang envelope na nasa kamay ni Macy at binuksan ito. Ng makita na niya ang mga larawan na nakapaloob roon, ay nagulat siya. Mga larawan niya kasama ang isa sa lalaking Professor ng University na gumagawa ng malalaswang bagay, kaya hindi na napigilan ni Aubrey ang kanyang luha sa sobrang galit sa tatlo at pinagpupunit ang mga larawang nakita niya.




Aubrey: HINDI AKO YAN!! HINDI AKO GAGAWA NG GANYANG KLASENG BAGAY!! MGA WALANG HIYA KAYO!! *ibinato ang mga punit na larawan sa kanilang tatlo*

Macy: Oh, girl. Do you think na magsisinungaling kamk sa'yo?

Aubrey: BAKIT HINDI MO TANUNGIN IYAN SA SARILI MO HAYOP KA?!*cries with anger* ANO BANG GINAWA KO SA INYO PARA GAWIN TOH SAKIN?!

Kelly: You know, we really care. Ang gusto lang namin ay mawala ka dito sa University.



Sa mga oras na iyon, ay sakto namang napadaan si Kyle sa classroom kung saan pinagtutulungan si Aubrey, ngunit hindi muna siya pumasok at itinago ang sarili sa may bahagi ng bintana upang alamin ang nangyayari.




Macy: So ano, Aubrey? Kita kits nalang sa Principal's office huh?

Aubrey:*masamang nakatingin sa tatlo habang nakasara na ang mga kamao*




Namumula na sa galit si Aubrey habang umiiyak dahil sa ginawa ng tatlo sa kanya, tinititigan ng masama ang mukha ng tatlo, maging ang mga dala at hawak ng mga ito at binalik ang titig sa mukha ng mga babae. Maya-maya ay hindi namamalayan ng tatlo ang pag-iiba ng kondisyon ng mga hawak nilang mga inumin na nakalagay sa transparent na baso. Ang tubig na nakalagay roon ay unti-unting tumitigas at parang nagka-crack na yelo, at hindi sinasadya ni Kyle na makita ang pangyayaring iyon kaya makikita sa kanhang mukha ang pagka gulat habang pabalik balik na tinitingnan si Aubrey at ang mga tubig na hawak ng tatlo at bago ba umangat ang tubing na naging matatalas na yelo sa mga baso para madaplisan ang tatlo ay tinulak nya ang tatlong babaeng nakaharang sa pinto at patakbo ng pumasok at hawakan ang braso ni Aubrey kahit naguguluhan siya sa mga nangyayari. At ang kaninang nasa baso na naging matutulis na yelo ay bumalik na muli sa pagiging tubig neto. Nanlalabo man ang mga mata dahil sa mga luha, tiningnan ni Aubrey ang lalaking nasa gilid niya at nakahawak sa kanya.




Aubrey: K-kyle.

Kyle: Macy, Gia, Kelly can you please stop all your nonsense at yung mga pambubully nyo?!*shouts*

Macy: Hi, Kyle nandito ka pala. Were just showing Aubrey how a slutty girl is she.*smiles*

Gia: Kyle, yang mga photos na pinunit ni Aubrey are evidence, kaya wag mo na siyang ipagtanggol okay?

Kyle: How dare you accuse her like that, ni hindi pa nga kami sure kung altered ang mga photos na pinagsasabi nyo! Alam nyo lahat na ng bagay ngayon pwede na ma-fake. So I'll stand at Aubrey's side kaisa maniwala jan sa mga fake photos nyo that were about to find out. Halika na Aubrey.


Tumingin si Kyle ng masama kina Macy, Gia, at Kelly bago inilabas si Aubrey sa class room na inyon.






= SA SILANGANG TORE NG LIREO =



Pagkatapos mag-ensayo ng mga batang Sang'gre ay sinamahan na sila ng kani-kanilang mga Dama upang makapag-ayos at makapag palit ng bagong kasuotan. Napagkasunduan ng apat na magkita kita sa Silangang Tore ng Lireo upang doon na ipagpatuloy ang kanilang paglalaro, ngunit naunang dumating roon sina Cassandra at Adamus kaysa sa dalawa kaya ng mag-Ivictus sila roon ay nagtaka silang dalawa.







Cassandra: Oh, Adamus bat tayo palang
nasaan na sina Fauna at Aliyah?

Adamus: Hindi ko rin alam eh, baka nagpapalit pa sila.

Cassandra: Hay nako, ang pagongers naman ng dalawang iyon gusto ko ng maglaro eh.

Adamus: Cassandra, konting pasensya lang padating na rin yung mga iyon.

Cassandra: Kalurkey naman, tayo na naman mag-aadjust nakakapagod ha.*rolls her eyes as she crossed her arms*

Adamus:*laughs* Hay nako Cassandra, napaka Ashtaddi mo talaga.

Cassandra:*taps her head* Ay nako Cassandra oo nga pala, kailngan maging mabait ka ngayong taon. Mamaya isumpa ka ni Santa Klaws at wala kang matanggap na regalo. .

Adamus: S-sino si si Santa Klaws?

Cassandra: Yung ano, yung bonjing na lalaki (fat) na laging naka pula tapos namimigay yun ng mga regalo sa mga bata tuwing pasko. Yun yung kwenti sakin ni Inay Lira.*smiles*

Adamus: Eh bakit noong nakaraang pasko wala kang natanggap na regalo mula sa nilalang na iyan? *laughs*


Agad na napaisip si Cassandra sa sinabi ni Adamus sa kanya na kanina pa siya pinagtatawanan.




Cassandra: Oo nga noh? Alam mo minsan budol talaga yang si inay eh, pero basta. Baka hindi siya dito makapasok sa Encantadia kasi sarado yung lagusan.


Ng sabihin iyon ni Cassandra ay agad ng nagsitawanan ang dalawa. Ngunit maya-maya ay inagaw ng dalawang Dama ang atensyon ni Cassandra na paroong pinag-uusapan kaya pinakinggan niya ito at bahagyang lumapit sa mga Damang nakaupo sa gilid .




Dama 1: Totoo ba ang kuro-kuro na mayroon na namang darating na digmaan dito sa atin?

Dama 2: Tunay ang mga iyan, sapagkat nalaman ng aking asawang kawal na iyon raw ang pinagpulungan ng lahat kanina.

Dama 1: Nakakabahala na naman ang ating kaligtasan.*worried*

Dama 2: Maging ako man. Nababahala rin ako sa magiging kahihinatnan ng mahal na Sang'gre Lira sa kanyang paglalakbay upang maibalik ang ala-ala nito sa pamamagitan ng batis ng katotohanan.

Dama 1: Hindi ba't mapanganib ang maglakbay ngayon dahil naghihintay lamang ang kakambal ni Cassiopeia na mayroong Encantadong lumabas sa pananggala ng bawat kaharian upang kanyang biktimahin?







Ng marinig ito ni Cassandra nabahala na siya para sa kanyang ina. Kaya dali dali niyang pinuntahan ang nag-uusap na Dama na sinundan naman ni Adamus. Pagkakita ng dalawang dama sa mga batang Sang'gre ay agad silang tumayo at nagbigay pugay sa mga ito.



Mga Dama: Avisala Diwani Cassandra at Diwan Adamus.

Cassandra: N-narinig kong pinag-uusapan nyo ang aking ina a-at yung tungkol sa kanyang paglalakbay.

Dama 1: Siya nga mahal na Diwani. At nag-aalala ako sa iyong ina pagkat batid naming nakabantay sa kanya si Casilda, ang masamang kakambal ng Bathalumang Cassiopeia.

Cassandra: *remembering what Casilda did to her* Yung impaktang Ice Lola na yun. *angry*

Adamus: Tuloy na po ba ang planong paglalakbay ni ate Lira?

Dama 2: Sa pagkakaalam namin Diwan, nais ng Bathalumang Cassiopeia na lumisan sila sa lalong madaling panahon.

Cassandra: Nasa Bulwagan pa ba sila?

Dama 1: Posible mahal na Diwani. Agape Ave sa inyo, mauuna na kami. *nagbigay-pugay bago umalis*



Ng malaman ni Cassandra ang panganib na maaaring sapitin ng ina ay agad na sana siyang mag i-Ivictus ng mabilis na hawakan ni Adamus ang kanyang braso kaya hindi gumana ang kanyang Ivictus.



Cassandra: Adamus, ano ba! Kailangan kong abutan si Ina!

Adamus: At saan ka pupunta, sa Bulwagan?

Cassandra: Hindi naman siguro obvious diba? Kaya bitawan mo na ako!

Adamus: Cassandra hindi natin maaaring suwayin ang batas, hindi tayo maaaring pumunta roon habang sila ay nagpupulong pa!

Cassandra: Adamus, hayaan mo na ako, para rin naman kay inay itong gagawin ko eh!*pilit na nag i-Ivictus*

Adamus: Cassandra wag ka ng sumuway! Maaaring ikagalit pa iyon na iyong ina. Makinig ka muna sa akin.

Cassandra: Kailangan ko ngang abutan si ina!


Ng matanggal ni Cassandra ang pagkakahawak ni Adamus sa kanyang kamay at ng mahawakan niya si Adamus sa balikat nito ay bigla ba lamang umilaw ang kanyang kamay ng kulay Lila(violet) kaya nagtaka siya dito. At ng ibitiw niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak kay Adamus ay nakita niyang nahimatay ito at sumalampak sa sahig. Kaya agad siyang nataranta at sumigaw.





Cassandra: ADAMUS!! *shouts as she started to cry*






AVISALA MGA MAHAL KONG READERS!! MEDYO MAIKLI ITONG CHAPTER KO NGAYON COMPARED SA MGA LAST CHAPTERS AH, SININGIT KO LANG KASI TO EH HEHEHEE. POLTRE KUNG HALOS ISANG BUWAN NA NAMAN ULIT AKO HINDI NAG UPDATE MEDYO BUSY LANG TALAGA SA ACADS HEHE. SANA KAHIT WALA MASYADONG LOVE SCENE ANG MGA FAVORITE NYONG LOVETEAMS DITO IS NAENJOY NYO PA RIN TONG CHAPTER NA ITO. GOD LESS LAGI, E CORREI DIU!! 🥰🥰🥰






Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...