The Perks of being a Fangirl

بواسطة tengpls

33.2K 346 109

This is a story of how a typical UAAP fangirl met her ultimate crush, and how she strives to be the most loya... المزيد

The Perks of being a Fangirl
PROLOGUE
CHAPTER 1: The day it all started
CHAPTER 2: He accepted me on Facebook
CHAPTER 3: Me and my girlfriend
CHAPTER 4: One Step Forward
CHAPTER 5: Who's my seatmate?!
CHAPTER 6: The day I met him and his family
CHAPTER 7: Passenger Seat
CHAPTER 8: The Man who can't be moved
CHAPTER 10: The Broken Promises
CHAPTER 11: Bringin' on the heartache
CHAPTER 12: Here without you
CHAPTER 13: Count on me
CHAPTER 14: Picking up the pieces
CHAPTER 15: The Tigers
CHAPTER 16: New Friends?
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 17: ADMU-DLSU
CHAPTER 18: The Bet
CHAPTER 19

CHAPTER 9: All out, all heart

1.2K 12 1
بواسطة tengpls

TASHA's POV

"Tasha, hindi mo na ba talaga mahanap yung Bracelet mo?" Tanong sa'kin ni Marga

"Hindi na nga eh. Saan ko naman kaya nalagay 'yun? Alam mo naman kung gaano kaimportante sa'kin 'yun eh" Sagot ko naman ng nakasimangot. 

"Eh, baka naman namisplace mo lang yun, o di kaya nasama lang pala sa mga gamit mo. Check mo ulit." Sabi ni Marga

"Marga, chineck ko na't lahat lahat yung mga gamit natin dito. Hindi ko nga masabi sabi kay Mama na nawawala yung bracelet ko" 

        Halos 2 weeks ko na rin palang nawawala yung bracelet ko. Bigay sa'kin yun ng lola ko kaya importanteng importante 'yun sa'kin. Hindi ko nga alam kung paano at saan ko nawala, basta ang alam ko, bigla ko na lang hindi mahanap 'yun. Nako naman Tasha, ang clumsy mo kasi! Ugh. 

      Matagal tagal ko na rin palang hindi nakakausap 'tong si Idol Jeric. Hindi na nga siya masyadong nakakapasok sa mga klase namin last week until now. Sa July 14 na kasi yung start ng UAAP kaya naman todo practice na yung mga Tigers. Pinagbibigyan naman sila ng mga profs kasi kailangan nga talaga nila yung mga trainings na ginagawa nila ngayon. Speaking of their July 14 game, pupunta kami mamaya ni Marga sa SM Megamall para bumili ng ticket. Ang hassle diba? Eh kailangan naming manood eh, first UAAP game yata 'yun na mapapanood namin ng live. 

"Tasha, anong order mo? Ako na lang oorder, ikaw na maghanap ng table natin" Tanong sa'kin ni Marga. Andito kasi kami sa may Mcdo para kumain ng lunch. Si Marga pala yung palagi kong kasama tuwing lunchtime at minsan din tuwing breaks. Wala lang, may mga kaibigan din naman ako sa klase kaso mas gugustuhin ko pa ring kasama 'tong babaeng 'to no. 

As expected, super dami na naman ng tao dito sa Mcdo. Hindi na yata nauubusan ng customer 'tong Mcdo na 'to dito sa UST eh. Nag-ikot ikot ako para tumingin ng table namin. Ayun! Sakto may kakaalis lang. 

 "Ano ba naman 'yan Marga, sabi ko one piece chicken lang! Bakit 2-piece 'tong inorder mo?" Tanong ko kay Marga. Err, napamahal pa tuloy yung babayaran ko sa kanya. Nag-order din kasi ako ng Large fries,apple pie, burger at coke float . Ang takaw ko talaga. Yan tuloy, ang bilis maubos ng allowance ko. 

"Hayaan mo na! Kailangan mo 'yan! Magpataba ka nga! Ang unfair kasi eh, ako lang 'tong tumataba!" Ito talagang si Marga, inggit na inggit kasi kahit na anong kainin ko hindi ako tumataba. Hahahaha! Hindi naman mataba 'tong si marga, yung sakto lang. Hindi siya mataba, hindi rin siya payat lalo. Kaya 'to, sinasadya niya talaga akong pakainin ng marami para naman tumaba din ako. Hahaha sorry Marga, di 'yan uubra sa'kin :p

"Uy Tasha!" bati sa'kin ni Jeric. Lumapit naman siya sa'min. Andito pala siya. 

"Hi, ikaw si Marga diba? Yung kasama ni Tasha nun dito sa USTe nung nagtake kayo ng Entrance Test?" Sabi niya kay Marga

        As usual, fangirl talaga si Marga tulad ko. Hindi alam kung anong gagawin. Hahahaha! Natataranta nga siya na ewan. 

"Ah, ah opo. Ako po si Marga, bestfriend ni Tasha" sagot naman ni Marga. Buti naman nakapagsalita 'tong babaeng 'to. 

"Ah, pwede ba muna akong makitable sa inyo? Wala na kasi akong maupuan dito eh." Tanong ni Jeric

"Sige, maupo ka dito." Turo ko sa upuan na katabi nung akin. "Iuupdate na rin kita ng mga nangyayari sa klase na'tin." 

"Okay, sige." sagot ni Jeric

        Buti naman nakita ko na rin 'tong si seatmate after ilang araw. Di ko pa nga siya natuturuan nung mga lessons na na-miss niya sa klase eh. 

"So, kamusta naman yung training niyo? Ready na ba para sa UAAP?" tanong ko sa kanya. 

"Oo naman, kami pa! Nood kayong dalawa ha!" Sagot naman ni Jeric.

"Kahit hindi mo sabihin manonood talaga kami! Di mo ba alam, UAAP fangirls yata 'tong mga kasama mo sa table!" sabi ko sa kanya.

"Hahahaha! Buti naman kung ganun. May Ticket na kayo for saturday? Bibigyan ko kayo ng tickets" 

"Ah wa..."

"Ah Jeric Meron na!" Singit ko sa sinasabi ni Marga. Tinapakan ko yung paa niya at tiinaasan ng kilay, alam na niya ibig sabihin ko dun. Bibili pa lang kami mamaya ng Tickets namin. Nakakahiya naman kasi kung bibigyan pa kami nitong si Jeric, eh alam niyo naman si Jeric, hindi uubra sa kanya yung pagtanggi niyo. 

"Yun naman pala eh. Basta dapat andun kayo sa game ha? Aasahan ko 'yan!" Sabi sa'min ni Jeric

"Oo, manonood kami Jeric. Don't worry." Sagot ko naman sa kanya. 

"Gawa kayo ng banner ko ha? HAHAHAHAHAHA!" Natatawang sabi sa'min ni Jeric. Hahaha. Itong si Jeric talaga. 

JERON's POV

        Hay, training na naman namin mamaya. Nakakatamad nga pero kailangan kasi sa sunday na game namin. First game ko 'to sa UAAP kaya kailangan kong galingan. Ayaw ko naman kasing madisappoint yung mga taong naniniwala sa kakahayan ko. 

        Andito lang ako sa condo ng isa kong kabarkada around taft. Half day lang kasi klase ko at 4 pm pa naman start ng training namin ngayon kaya we decided to hang-out muna sa condo niya. Atleast nga dito pwede pa akong magpahinga before ng training namin. Di na kasi ako masyadong nakakatulog.

"Jeron, you stay here first. I'll just go donwstairs to buy some food. You can sleep if you want, but be sure to lock the door" John told me.

"Yeah, sure John." I said to him. He left. I was supposed to take a nap already but I received a text...

1 message received:

From: Julianne (Oo, pinalitan ko na 'yung pangalan niya sa phone ko. Dati kasi Julianne Teng. Cheesy ko ano ba yan, nakakahiya pala)  

"Jeron, see me later after  my class, around 5 pm. Come with me in Rockwell, I'll do shopping then let's have dinner. 

Nagtataka siguro kayo kung bakit ko pinalitan yung pangalan niya sa phone ko. Isa lang naman yung rason ko eh, ang cold na namin sa isa't isa. Medyo masama pa din yung loob ko sa mga ginagawa niya eh. Simula kasi nung nag-away kami dahil sa mga bago niyang kaibigang lalaki, madalang na lang kami magkita, mag-usap, at magtext. Halos once a day na nga lang kami magpalitan ng text eh, puro pa about sa mga school-related activities. Girlfriend ko nga ba talaga 'to? Di man ako sanay, mas mabuti na rin naman siguro 'to. We need time and space. 

"No, I can't Julianne. I have training from 4 until 10 pm." I replied to her. 

"And so? Ngayon na nga lang tayo magkakasama ulit eh. There you go again, you don't give your time to me."  This is the reply I received from her.

Oh god, looks who's talking...

To: Julianne

"Remember those times I didn't come to class and training just to accompany you in anywhere you want to go? Why not tell that to yourself Julianne? You're actually the one who don't have time for me. I don't feel your effort para man lang makasama ako. I understand that you're so busy, but c'mon, you prefer hanging out with your friends than me. I know that Julianne, I know. Kaya nga tuwing ako naman magyayaya sa'yong lumabas, sasabhihin mo you have meetings or you have appointments with your friends. It's normal Julianne, pero sumusobra na eh. Nafefeel ko na it's so unfair in my part to give you my everything but I don't get anything in return. So why don't you ask them to see you later and come shopping with you? I know that they will make you happier than I do."

 Ito na nga ba sinasabi ko eh. Minsan na nga lang kami mag-usap, mag-aaway na pa kami.

        I was waiting for her reply kaso bigla na lang nag-off yung phone ko. Itong hirap sa blackberry eh, ang bilis ma-lowbat. Badtrip.

        Binuksan ko 'yung bulsa ng backpack ko para kunin yung spare battery ng phone ko. Naagaw  naman yung attensyon ng mga mata ko sa bracelet na nakalagay doon kaya kinuha ko muna. Andito pa rin pala sa sa'kin yung bracelet ni Tasha. Hindi ko pa kasi siya nakikita ulit eh. Busy na sa trainings tapos hindi pa naman daw siya ulit pumupunta sa bahay.

        Actually, pwede ko naman sanang ipabigay kay Jeric kaso... gusto ko ako mismo magbalik sa kanya. Kapag kasi kay Jeric ko pa pinabigay, mawawalan ako ng rason para makita siya ulit. Hindi ko alam pero gusto ko ulit siya makakwentuhan. Siya lang kasi yung nakilala ko na ganun kabaliw at kadaldal. Hahaha. Ang saya ko nga nung araw na 'yun dahil sa kanya eh, nakalimutan kong nag-away pala kami nun ni Julianne. 

TASHA's POV

"ANO MISS? SOLD-OUT NA?!!!!!!" Sabay naming sigaw ni Marga dun sa babae na nagbebenta sa SM Tickets. 

"Opo eh, wala na pong available seat kahit General admission. Andami na po kasing bumili kahit nung last week pa. Majority din po kasi ng mga tickets eh sa school pinabenta." sagot naman niya sa'min

"Tasha!!! 'Yan na nga ba sinasabi ko sa'yo eh! Ikaw kasi eh, kung sinabi mo lang kay Jeric Teng na wala pa tayong tickets o di sana may ngayon may tickets na tayo. Tasha naman eh" sabi sa'kin ni Marga

"Nako Marga! Nakakahiya kaya! Atsaka malay ko ba na naubos na agad yung mga tickets?" sagot ko naman. Err!

"Tsk. Ikaw may kasalanan nito eh. Paano na 'yan? Anong gagawin natin? Hindi pwedeng hindi tayo makanood! Kinansel na nga natin lahat ng mga lakad natin ng araw na yun para makanood tayo eh. Opening day yun at first live game natin yun na papanoorin Tasha! Anong gagawin natin ngayon?" sabi ni Marga

"Eh, basta... makakanood tayo. Akong gagawa ng paraan. Promise!" Sabi ko na lang kay Marga. Nagkasundo kasi kami nung fourth year pa lang kami na kahit na anong mangyari, manonood at manonood kami ng opening day, at kung kakayanin, lahat sana ng mga games ng favorite teams namin. Ngayon dahil naubusan kami ng tickets, kailangan kong humanap ng paraan para lang makanood kami. 

THE GAMEDAY

"Tasha, ano na? May ticket na ba tayo? Nag-promise ka sa'kin!" Tanong sa'kin ni Marga habang nasa taxi kami papuntang MOA Arena para sa opening day ng UAAP. May laban nga din pala ngayon ang UST, 4 pm against FEU. 

"Wala pa eh. Pero titingin tayo dun na sa MOA Arena mismo. Sabi kasi ng blockmate ko, may mga nagbebenta naman daw dun." Sagot ko naman

"Whatever! Make sure lang na makakapasok tayo sa loob!" Sigaw ni Marga. Sus, tampo effect si Bestfriend. 

 "Oo, don't worry" Sabi ko na lang sa kanya para gumaan yun loob niya. Kahit nga ako di ko alam kung makakakuha pa ba kami ng ticket.

"Ano manong, 320 babayaran namin?" Tsk. Nadaya pa yata kami sa metro. Isama mo na yung traffic, nahalata nga din namin ni Marga na inikot kami nitong taxt driver eh.

"Oo, ang layo kaya ng MOA Arena!' sagot ni Manong taxi driver

"Eh manong, kung hindi niyo sana pinaikot-ikot..." Sabi ni Marga

"Marga, tama na yan. Bayaran na lang na'tin." Sabat ko. "Wala naman na tayong magagawa eh. Baka malate pa tayo sa game kung makikipag-away ka pa." Wala nang nagawa si Marga at nauna na lang siyang lumabas.

"O ano na,  saan tayo bibili ng ticket dito?"

"ay ewan ko, try natin pumunta dun sa sulok..." sagot ko naman 

 "Miss, ticket po ba hanap niyo?" Tanong sa'kin ng isang matandang lalaki na nandun sa pwesto na pinuntahan namin. Ito na siguro yung sinasabi nung blockmate ko. 

"Ayun. sakto! buti na lang may mabibilhan pa ng ticket!! " sabi ko. "Magkano manong?"

"500 lang isa, Upperbox"

"HA?! 500 isa?! Seryoso ba yan Manong?!" Tanong ni Marga. Oh em gee. Ubos ang pera namin dito -__-

"Oo, yung iba nga 700 isa sa kanila. Bilhin niyo na kasi. magsstart na oh. Bahala kayo" 

Medyo nagaalinlangan pa kami nitong si Marga. Akalain niyo, 500 isa, upperbox pa. Dinaig ang Patron, leche.  

"Sige manong. Bili kaming dalawa. Basta siguruhin niyo na magkatabi 'yan ah!" Ang hirap kasi, baka mamaya ang mahal na nga ng bayad namin, magkahiwalay pa kami. 

UST vs. FEU game

"Ano ba 'to, nakakalula dito sa Upperbox. Feeling mo mahuhulog ka eh" Sabi sa'kin ni Marga. Totoo naman kasi. And to think na nagbayad pa kami ng 500 each para lang dito.  -___- 

"AYAN NA!!!!!!!!!!" Napasigaw yung mga babaeng katabi namin. Palabas na kasi yung mga players papunta sa court. Dito kami sa UST side umupo symepre. Kaya 'to, kasama namin mga co-UST fangirls namin. Hahahaha!

 "Oh my God Tasha, oh my God talaga!" Sabi sa'kin ni Marga. Sa wakas, makakapanood na rin kami ng game live. 

"I know what you feel Marga! Woooh! Sana manalo USTe!" Sabi ko sa kanya. 

        Ayun, nakita ko si Seatmate! Naks, ang gwapo lalo ng dating 'pag naka-jersey siya. Atsaka, iba yung aura niya ngayon eh. Game mode na game mode. Gumawa nga pala kami ng banner para sa kanya. Sabi kasi niya eh, wala kaming magagawa! Hahahaha. Ano ba 'yan, fangirl na fangirl ang dating. Pero sana naman makita niya 'to at matuwa siya. 

3rd quarter. Lamang kami ng 13 points. Alam ko maaga pa para mag-celebrate pero, ang saya ng feeling. Woohoooo Go USTe!

4th quarter. Last 31 seconds. Lamang kami ng one point, 72-71! Oh my gulay, puso ko!!!! Tuwang tuwa kaming lahat pero at the same time kinakabahan. 31 seconds pa kasi eh, madami pang pwedeng mangyari diyan. Mas nakakakaba palang talagang manood ng live.

UST Ball. Hawak ni Baby Forts yung bola. Last 12 seconds na nung...

nung...

nung...

na-steal ni Romeo yung bola!!! What the eff!!!!

at pinasa kay RR Garcia.

Naglay-up naman si RR....

at...

PASOK!!!!!!!!!! 

ANO BA 'YAN -_______________________________-

واصل القراءة