Our Real Love by A.B.Castuera...

By ABCastueras

1M 18K 6.4K

Ang pangatlong libro sa SMITH TRILOGY! 1ST BOOK: My Facebook Boyfriend...For Real!? 2ND BOOK: STOP! In the na... More

Our Real Love by A.B.Castueras THE START
Our Real Love: Third step (3)
Our Real Love: Fourth Step (4)
Our Real Love: Fifth Step (5)
Our Real Love: Sixth Step (6)
Our Real Love: Seventh and Eigth Step (7&8)
Our Real Love: Ninth and Tenth Step (9th & 10th)
Our Real Love: Eleventh and Twelfth Step (11th & 12th)
Our Real Love: Thirteenth Step (13)
Our Real Love: Fourteenth and Fifteenth Step (14&15)
Our Real Love: Sixteenth & Seventeenth Step (16&17)
Our Real Love: 18TH & 19TH STEP
ORL Step 20 (Teaser)
Our Real Love: STEP 20 (Season 1 Ender)
Our Real Love Season 2 (New Step: Chapter 21)
Our Real Love (REY POV)
Our Real Love Special Update: YUAN'S POV
Our Real Love Special UD: James and Ryder POV
Our Real Love (Step 22)
Our Real Love Chapter 23 (Teaser)
OUR REAL LOVE 23 (TEASER#2)
Our Real Love (Chapter 23.1)
Our Real Love (Chapter 23.2.1)
OUR REAL LOVE (Chap. 23.2.2)
Our Real Love (Chapter 23.3)
Our Real Love (Chap. 23.4)
Our Real Love (Chap. 23.4.1)
Our Real Love (Chap. 23.5)
OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.1)
OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.2)
OUR REAL LOVE (THE LAST STEP p.1.3)

Our Real Love: Second step (2)

64.7K 1.1K 200
By ABCastueras

OKAY PARA SA DI PA RIN MAHANAP ANG CHAPTER ONE ... TRY THESE OPTIONS...

OPTION NO.1: KUNG MOBILE ANG GAMIT MO TYPE THE WATTCODE: 10211547

OPTION NO. 2: PAG PC NAMAN, MAG FAN MUNA OR MAG LOG IN SA WATTY PARA MABASA..

LAST OPTION: HAHA BASAHIN NIYO NA LANG SA FB NI MANAGER. (Go to berna3gurl's wattpad profile, click the fb icon to redirect you to her fb profile ;))

SANA TRY NIYO PA RIN ANG 1ST AT 2ND OPTION PARA SA WATTY NIYO MABASA DIBE

------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 2: TAKE IT SLOW

ADELINE'S POV

Patay na 'ko promise...

As in...

Shemss... Ang sakit ng ulo at katawan ko. Ano bang meron Adeline? Pinarusahan na ba ako ni tatay dahil hindi ako nagpaalam? O baka naman parusa ni Lord 'to kasi ang tigas ng ulo ko. Ni hindi ko na magawang imulat yung mata ko. Kasi naman, natatakot ako na baka pagbukas ko ng mata ko... Nasa langit na pala talaga ako.

Malamig ang pakiramdam 'ko, pero alam ko may nakapalupot sa'kin pero di 'ko rin naman alam kung ano. Parang yung mata ko naman pagod na pagod, ayaw ko pang imulat 'to.

Pero, as I was thinking, masama ang pakiramdam ko.

So ibig-sabihin... Hindi pa 'ko patay. Haay... Patay ako kay tatay nito pag naka-uwi ako---And where the heck I am first?!

"Sa tingin mo mayaman yan?"

"Bang malay ko. Napulot ko lang siya diyan, basang-basa."

Ang who the heck are they?

Boses lalaki... Shems! No way! Hindi naman siguro ako tinakasan ang pearl ko?

Of course not! Tiwala lang Adeline, alam mong hindi yan.

"Nalunod siya, sigurado yan. Pero san kaya siya galing 'no? Di kaya, siya na ang mapapangasawa ko?"

Oh C'mon! I need to get up ng magising ko sa panaginip kong 'to!

Asawa? No way.

"Sa'yo? Baka naman... Sa'ken."

NO WAY!

"Ahh!!! BAKIT KA NANUNULAK!"

"Tulungan mo si Jenn sa pagkain. Sige na."

"Kung di ka lang—nako! Oo na!"

Adeline... Kung na'san ka man ngayon.

Sang universe ka man napadpad, you need to get out of here! Now!

As in, NOW---

"Mas maganda siguro kung babangon ka na diyan ng malaman namin kung buhay ka pa."

Ano daw?

Hindi naman siguro ako ang kausap niya, right? Or... Ako nga?

Narandaman ko parang may umupo sa tabi ko.

Adeline... Maraming lalaki ka ng napatumba sa training ko ng self defense at Judo.

Ang isang 'to, sigurado, walang laban sa'yo---

"Mukhang wala ka naman masyadong natamong gasgas sa mukha. Sa noo... Ayos naman..."

So kailangan pagmasdan ako?

"Yung sa mga mata mo... Maganda pa rin naman."

Okay? So what's the main point of this---

"Yung ilong, matangos pa naman... At yung labi... tsk! Mapula pa rin--"

Napatigil siya ng pagsasalita ng minulat ko na yung mata ko.

Nakatingin naman siya sa labi ko pagkamulat ko. Pero ng mapansin na niyang nakamulat ako, tinignan na niya 'ko sa mata. Walang reaksyong mga mata... So cold expression...

"Gising ka naman pala..." Sabi niya.

Di ako nagsalita...

Pinagmasdan ko lang yung itsura niya. Of course his face, then yung buong built niya.

Siya ba yung nakakuha sa'kin? Hindi ko matandaan... Boses lang ang tanda ko sa kanya...

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

Maliit ang mukha niya. Handsome, but not that handsome.

Ang totoo... ang hinhin ng mukha niya. Parang hindi nasasapak nga eh.

Ang totoo, mukha siyang mayaman.

Tumingin ako sa paligid... Mukhang nasa maliit na kubo lang ako.

Binalik ko ulit yung tingin ko sa kanya, na nakatingin pa rin sa'kin.

Dito sya nakatira? Mukha siyang mayaman para sa ganito tumira. Pero na'san na nga ba 'ko?

Kamusta kaya sila Wendy? Di naman siguro sila inabot ng bagyo...

Kung hindi, baka pati sila naranasan ang nangyari sa'kin. Please, sana hindi naman.

"Miss, hindi naman siguro naapektuhan ang ulo mo?" Na nakatingin pa rin sa'kin.

Ulo ko? Siguro nga naapektuhan na dahil sa katangahang ginawa ko. Sana naman wala talagang nangyari sa iba dahil kapag nangyari yun... Mas pipiliin ko pang mawalan ng alala kaysa forever ko na maalala lahat ng nangyari.

"Baliw ata 'tong kausap ko." Walang ganang sabi niya, sabay iwas na ng tingin sa'kin.

Di kaya nandito ako sa lugar na sinasabi ni Wendy?

"Na'san ako?" Tanong ko.

Bigla siyang napatingin sa'kin. "Samar, Eastern Samar, Isla ng Calicoan."

Teka... Malayo na 'to ah? Amazing... Ang layo ng inabot ko.

Thank God kinaya at hindi ako nalunod.

"Anong pangalan mo?" Tanong naman niya. Tss! Kung makapag tanong naman siya as if I'm a prisoner or something. "Miss, may naaalala ka'ba?!" Inis na tanong niya.

Of course meron! Ano ako? May Amnesia—Wait a second?

Amnesia? Kung meron ako niyan...

Hindi ko kailangan ipakilala ang sarili ko. At hindi rin nila kailangang malaman kung anong nangyari sa'kin. Dahil kung magkataon na malaman nila... Masasayang ang lahat.

Okay, anong lahat ang tinutukoy ko?

I'm referring to my docu. Pa'no kung sila yung tinutukoy ni Wendy na care taker ng place kung san tinatapon secretly ang mga waste materials mula sa isang malaking company? Edi isusumbong nila ako at masisira ang naunang plano...

Okay Adeline... Let's try this game and have a bountiful ending with it.

"Hindi ko alam..." Mahinang sagot ko.

Kumunot yung noo niya habang nakatingin sa'kin pagkarinig ng sinabi ko.

"Anong di mo alam?"

"Pangalan... Kung anong pangalan ko. Wala kong maalala... Wala... Bakit wala..." Acting ko habang nakapikit ako. I can't look at him straight. Why do I have this feeling na kapag tumingin ako sa kanya... Makikita niya ang lahat-lahat? I mean... Kung anong iniisip ko o nararamdaman.

Maybe, I'm just too paranoid.

"Hindi mo matandaan?" Ulit niya.

Hindi ako sumagot. Nakapikit pa din ako and I shook my head.

"Tumingin ka sa'kin." Sabi niya. Hindi malambing o hindi maingat na salita, isa siyang utos!

Aroganteng lalaki 'to ah!?

Minulat ko yung mata ko at saka ako napagtingin sa kanya.

Okay Adeline, be consistent... Panindigan mo yan.

Nakakatakot naman siya tumingin. Okay? Natakot ako?

Now that's something new Adeline. Fear? Funny thing...

"Talaga bang hindi mo matandaan?"

Hate this man. So suspicious... But anyway, hindi naman talaga kasi ako nagsasabi ng truth. Natural lang na magsuspetsa siya. "Hindi ko alam... Hindi ko alam ang iisipin ko."

Hindi ko alam pero naluha ako pagkasabi ko... Hindi naman kasama sa acting ko yun dapat. But anyway... that's better, mas kapanipaniwala.

"Kuya!? Anong ginawa mo?"

Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses ng babae.

Thank God may babae na kong makakasama.

"Wala kong ginawa." Sabi nung lalaki, saka siya tumayo.

Hanggang may babaeng nakatayo na sa gilid ko pero di ko pa Makita yung mukha niya. Hindi ko masyado Makita yung mukha niya, nakahiga kasi ako.

"Ako na lang dito kuya, dun ka muna sa labas." Sabi nung babae.

"Bahala ka." Sagot naman nung isang lalaking yun saka umalis sa pagkakatayo niya.

Well anyway, mas mabuti na nga yan dahil hindi maganda ang vibes ko sa kanya.

Masyado siyang intent kung makatgitig, and I really don't like that.

Umupo yung babae sa tabi ko. Saka ko lang napansin na mukhang mas bata siya sa'kin ng ilang years. Pretty and innocent looking, long hair, medyo may kapayatan nga lang siya and simple lang manamit. No doubt na nasa probinsya ako...

Tumingin siya sa'kin and same with me, tumingin din ako sa kanya.

Adeline, let your theatric act come out baby.

"Ate... Ayos ka na ba?" Asked niya.

So what's the good answer in this kind of situation? If I say yes, of course, ready na nila akong tanungin ng kung anu-ano tungkol sa nangyari sa'kin and that would ruin my plan. If I say no, they'll be surely thinking na dapat akong magpahinga and they have to leave me alone.

That would be better. So I choose NO.

"Hindi ko alam." I slowly shook my head. "Masakit ang buong katawan ko, at medyo.. Nahihilo ako." Saka ako pumikit and then open my eyes again.

But to be honest with myself? Everything I've said are all truth.

Masakit nga ang katawan ko, hindi ko alam kung anon 'bang nangyare sa'kin.

Para akong hinampas sa isang malaking bato at ngayon, pakiramdam ko puro pasa ang katawan ko. My head hurts of course, when you care about something that really hurts your butt? Pati ulo mo, sasakit na rin...

"Oo nga ate, napansin kasi namin yung mga pasa mo sa likuran tsaka sa binti. May ilang galos ka rin sa braso pero buti na nga lang, wala namang nangyari sa mukha mo. Maganda pa rin naman..." Saka siya nagsmile.

Of course, naiintindihan ko siya... That's a complement, and thanks to this girl.

Pero tama pala ako ng hinala, puro pasa nga ang katawan ko. Kaya naman pala...

"Ate, ano bang... Pangalan mo?" Tanong niya.

Okay, this would start everything.

Go for it girl!

"Pangalan..." I said.

"Oo ate, anong pangalan mo?"

Pinikit ko yung mga mata ko to act like I'm thinking.

"Ate? Ayos ka lang ba? May sumasakit ba 'sayo?"

Minulagt ko na yung eboth eyes ko. Saka ako umiling. "Pangalan ko... Hindi ko matandaan ang pangalan ko... I don't remember anything..." And I put my both hands to my face to cover my shameful lies. Sorry... But I have to do this.

"Ate... wag ka na umiyak... Baka, kasi... dala lang ng nangyari sa'yo kaya ganun. Sandali ate tatawagin ko sina kuya. Sandali lang talaga ah..."

And naramdaman ko na lang na umalis na siya sa pagkaka-upo sa tabi ko.

Oh great... Mukhang naniwala naman siya sa'kin.

And I know maniniwala din sila. Yes, Adeline. You can do it!

-=-=-=-=-=-=-

JARRET'S POV

"Hindi ako naniniwala."

"KUYA!"

"Jarret naman pre!?"

Amnesia? Sinong niloko niya.

Marami na 'kong nakilalang tao. Mula sa matino hanggang sa pinakasira-ulo, nakakilala na 'ko. Pero siya? Siguradong nagsisinungaling siya.

"Kuya, nakita mo naman na galing siya sa may pangpang tapos basang-basa. Ikaw nga 'tong nagsabi na baka nalunod siya sa kung saan. Kaya nga siguro ganon di'ba kuya rey? Baka nabagok siya tapos nawalan ng alaala." Paliwanag ni Jenn.

"Oo nga. Isa pa, tignan mo naman siya... Napakaganda pre, mukhang anghel pre, naknakan! Sobra-sobra sa ganda pre! Ngayon lang ako nakakita ng ganon dito sa'ten. Yun ay dahil tayo lang sa lugar na 'to mga kapatid." Rey

"Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Tsaka kuya, ano pang makukuha niya sa'tin kung magsisinungaling siyang wala siyang matandaan, di'ba? Eh mukhang mas mayaman pa nga siya sa'tin. Kanina, kausap ko siya... Nag-iingles pa siya."

"Talaga Jenn?" Tanong ni Rey.

"Oo. Tsaka hindi yung mukhang pilit na ingles. Marunong siya, sigurado ako."

"Kaya nga mas kahinahinala siya." Sabi ko.

Napatingin naman silang parehas sa'kin.

"Mukha siyang mayaman, maganda, ano nga bang makukuha niya sa'tin..." Tinignan ko silang dalawa. Tsk, nakalimutan na'ba nila na kahit anong hirap nila, meron silang lupa na hinahawakan? Kaya nga rin ako nandito sa kanila...

"Ano ibig-sabihin mo?" Jenn

"Marami na ding gustong kumuha ng lupa niyo rito. Hindi natin alam baka isa siya sa mga yon. Baka gusto lang niyang tignan ang kabuuan, ano bang alam naten. Bigla-bigla rin siyang napadpad dito."

Natahimik silang parehas. Ngayon, naisip nilang pwede rin ang sinasabi ko.

Kung talagang nalunod siya sa kung san man, di malayong ngayong araw... May naghahanap ng mga kasamahan o kakilala niya. Yun ay kung totoong nalunod siya...

Maliit na isla lang 'tong kinalalagyan namin kung tutuusin. Pero maraming may gusto sa lugar na 'to dahil sa ganda ng dagat na nakapalibot dito... Gusto nilang tayuan ng kung anu-ano.

Pero ang lupang 'to, nasa pangalan ng kanunununuan pa ng magkapatid na 'to.

Kaya kahit anong gusto nilang pumunta sa bayan, hindi nila magawa dahil di nila magawang iwan ang isla na 'to. Hindi rin nila kayang ibenta dahil bukod sa natatakot silang maloko ng ibang tao, nanghihinayanag sila sa lugar para gawing kung ano lang ng iba.

At ako...

Dinala sa kanila para samahan sila. Hindi na importante kung ano pa yung ibang dahilan...

"Pero pano kung nagsasabi siya ng totoo... Na wala siyang maalala." Jenn

"Pano rin kung hindi..." Rey

"Paaalisin natin siya dito, yun lang ang pinakamagandang paraan ngayon." Sabi ko.

Sa ngayon...

Hahayaan ko muna siyang maglaro ng gusto niyang laro.

Ngayong araw, kapag walang naghanap sa kanyang kahit sino. Sigurado, hindi talaga siya nalunod o nawalan ng alaala.

Niloloko lang niya ang sarili niya.

-=-=-=-=-=-

TRACE' POV

"Pano ba naman 'to Vice, sasama ba tayo sa training ng swimming team?" Yuan

Naghikab naman si Dare bago nagsalita "Kung gusto ng manager, pupunta tayo."

"Sundin na lang muna natin kung anong gusto ng manager." Tyler

Naglalakad kami papuntang gym. Nalaman ko kahapon na pinasok nga kami ni manager sa swimming team. Hindi ko na magawang magreklamo dahil gusto niya maging active pa din kami sa sports kahit papano habang naghahanap ng ibang members.

Siya pa ang nagsabi na makakatulong ang swimming para palakasin ang stamina namin.

Sumang-ayon na din ako.

"Bahala na, di ko pa masyadong pinoproblema yan." Sabi ko.

"Dahil kay Adeline..." Si Tyler. Tumango naman ako...

"Kung sabagay... Nakaka-isang araw na ng mawala si Adeline. Ano na bang balita?" Tanong ni Yuan

"Nasa bakasyon daw yung tatlong nakakasama ni Adeline sa team. Nagpaalam naman daw yung mga yun ng umalis, di nga lang daw nasabi kung san dahil karaniwan daw hindi na sila nagsasabe. Nakapagtataka lang na kung sakaling magkakasama sila, bakit yung mga yon nakapagpaalam naman, samantalang si Adeline... Hinde." Paliwanag ko.

"Di kaya di naman sila magkakasama?" Tyler

"Hindi ko alam." Sagot ko.

Maya-maya tumunog yung phone ko, si Sawyer tumatawag.

"Oh ano."

Nandito na sa school yung tatlo, yung kasama ni Adeline sa org Vice. Nandito sila sa org's office nila, kakausapin ko ba?

"Wag na muna, pupunta ako diyan. Hintayin mo 'ko."

Copy.

Binaba ko yung phone saka ko uli hinarap yung tatlo.

"Pupuntahan ko muna yung org's office ni Adeline." Sabi ko.

"Kailangan mo kame?" Dare.

Ngumiti na lang ako saka ako nagsalita "Kapag may rambol, sige." Saka ako tumakbo palayo sa kanila.

Isang araw na ang lumipas, siguradong idedeclare na missing na si Adeline.

Pero sigurado ako, kung na'san man siya... Siguradong, kaya niya ang sarili niya.

-=-=-=-=-=-=-

ADELINE'S POV

Pakiramdam ko tanghali na sa tagal kong nakahiga sa papag na 'to. Napagmasdan ko na ata ang buong itsura ng kinalalagyan ko ngayon. Maliit na kwarto na gawang kahoy lang, may isang maliit na papag na kinahihigaan ko sa sulok. Mga apat na hakbang lang nasa pintuan ka na, na walang pintuan. Well, ang harang lang niya ay kurtina na manipis... May bintana sa gawi ng papag kaya may liwanag naman kahit wala talagang bumbilya sa loob ng kwarto.

Makulimlim nga lang...

Pakiramdam ko lalong mananakit ang buong katawan ko kapag nagstay pa 'kong nakahiga sa papag. Mas sanay akong gumagalaw sa kahit anong work kaysa nakahilata lang at walang ginagawa.

Wala rin naman kasing dumating sa tabi ko simula ng umalis yung babae kanina. Hinayaan siguro nila 'kong makapagpahinga.

Tumayo muna ako ng dahan-dahan, sinubukan ko kung kaya ko ng lumakad palabas ng kwarto. Medyo pakiramdam ko namamaga yung kaliwang binti ko. Pero kaya ko pa siyang ilakad kahit papano...

Ng masiguro ko na okay na 'ko lumabas, naglakad na 'ko paalis sa kwarto.

Pero ang bumungad sa'kin, ay yung likuran ng lalaki na kausap ko ng paggising ko kanina. Nakaupo siya sa wooden stool malapit sa lamesang kainan.

Hindi ko natanong yung pangalan niya but it's like patas lang ang lahat... Di niya rin alam ang pangalan ko.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Pero ng mga dalawang hakbang na lang ako palapit sa kanya, nagsalita siya.

"Nakakatayo ka na pala...."

Tss. Jerk.

Hindi niya nga manlang ako tinitignan para malaman kung anong lagay ko right?

Yeah, nakakalakad nga ako but I'm literally not okay.

Para akong minaltrato.

Lumapit ako sa tabi niya saka ako sumagot. "Oo, pero medyo namamaga yung binti ko."

Mula sa pagkaka-upo niya, tumingin naman siya sa binti ko.

Is that right!? Hindi manlang tumingin muna sa mukha ko, at talagang diretso sa binti ko?

Wow ha!?

"Nakita ko nga yan kagabi." Sabi niya, saka siya tumingin sa'kin.

Nakita niya kagabi? Wait a sec'

Nga pala!? I'm not wearing my real clothes, for pete's sake!

Napatingin ako sa damit ko, and then sa kanya.

"Kung gusto mo mabuhay, aalisin ko yang damit mo, NGAYON."

Those words! That voice! That—That face!!!!

IT'S HIM!!!

"Ikaw—ikaw..." Shems~ Adeline, calm down.

"Ano?" Habang nakatingin siya sa'kin.

"Yu-yung damit ko..." Huminga muna 'ko ng malalim. "Na'san?"

"Ahh... Yung suot mo ba ng makita kita sa pangpang? Nasa labas, pinapatuyo ni Jenn."

Okay, hindi naman siguro niya ko hinubaran.

Nandyan naman si Jenn, right yung babaeng si Jenn. I'm sure, she's the one who take off my clothes—

"Sa likuran mo may pasa ka rin. Baka napahampas ka sa mga batuhan malapit sa pangpang o baka sa lakas ng hampas ng alon mismo."

Likuran ko? My back!?? WOW!

As in nakita niya ang likuran ko?? What else?

Ano pa kaya ang nakita nito!?

Umiwas siya ng tingin saka nagsalita uli "Wag ka mag-alala, hindi naman lahat nakita ko. Yung dapat ko lang makita..."

"Yung dapat mo lang Makita?" Tanong ko.

Tumango-tango naman siya. "Tama... Katulad ng mga sugat at pasa mo. Kailangan ko Makita kung gano kaseryoso ang nangyare sa'yo, bukod dun... Wala na 'kong nakita. Si Jenn na nagtanggal ng... ng lahat na dapat tanggalin."



Di na 'ko makapag-salita. 'Coz I don't even know what to say to this man.

Huh... Unbelievable.

"Baka gusto mong umupo." Alok niya.

Thanks, naalala pala niyang maging gentleman kahit late na.

I did not say anything of course, basta umupo ako.

"Ang sabi mo... Di mo alam yung pangalan mo di'ba?" Tapos tumingin siya sa'kin.

Oh God, why do I have this very bad feeling na I'm dealing with the wrong person?

Well, well, well, maybe I'm just to exhausted to think of any plans right now.

Just stick to the first plan Adeline, and everything will be alright.

"Oo..." I answered.

He shook his head like he understand. Pero it looks like na hindi naman talaga.

Okay Adeline, relax...

"Ang totoo, hindi ako naniniwalang wala kang natatandaan."

What!?

Hindi siya naniniwala? Well, he's good but do I look like na hindi mapapagkatiwalaan?

"Wala talaga akong matandaan. Sa tingin mo magsisinungaling pa ko sa gantong lagay ko?"

"Anong malay ko? Ni hindi nga kita kilala."

"You think I'm lying?"

"Oo, baket, hindi ba?"

Magkatinginan kaming dalawa.

What's wrong with this guy!? Huh! It's not like nanakawan ko sila?

C'mon! As if I'm interested sa kung anong meron sa kanila, unless they can supply every infos I need for my story, then I need them. Pero kung ganito naman din ang makakasama ko, better for me to go back where I belong.

"Mabuti rin pala na hindi ko matandaan ang pangalan ko. Para hindi rin magkaroon ng pagkakataong malaman ng isang tulad mo." Tumayo ako saka ko dinagdagan. "Antipatiko."

Saka ako dahan-dahang umalis sa tabi niya.

Nakaka-inis, pakiramdam ko nakangiti pa siya habang nakatalikod ako sa kanya.

If I where not in this condition, baka kanina ko pa siya nasipa. My bad, namamaga lang ang binti ko.

Hindi pa ko nakakalayo papasok naman yung batang babae kanina, si Jenn ayon sa antipatikong yun. Napahinto naman ako saka siya nagmamadaling lumapit sa'kin.

"Ate! Nako, kaya mo na ba?" Inalalayan naman niya ko.

I want to say, kung para lang makalayo sa lalaking yun, kakayanin ko.

The last thing I want ay ang di ako pagkatiwalaan.

I feel rejected kapag hindi ako pinagkakatiwalaan.

I HATE BEING REJECTED.

"Ate, tara sa labas. Hindi nanaman umuulan kaya mas masarap umupo sa labas."

"Sige, salamat."

Pagkalabas namin, may upuang pahaba malapit sa kubo. Dun kami umupo...

"Ate, narinig ko kayo kanina ni Kuya Jarret. Pagpasensyahan mo na yun ah? Ganon lang siya kasi... Nagiingat lang siya."

Napakunot naman ako. "Nag-iingat?" And of course, Jarret pala ang pangalan niya.

"Marami kasing nagpupunta dito na gustong kunin 'tong lupa namin, kaya ganon si kuya." Sabi ni Jenn.

Napatingin naman ako sa paligid. Ngayon ko lang nakita ng mas maayos yung lugar.

Blue na blue ang dagat sa malayong part lalo na ag nasisinagan ng araw. Pero yung banda sa'min may pagka-green. Well, hindi siya pure white sand... may pagka golden brown sa part na tuyo na... at black sa part na basa pa ng ulan. Puro puno ng coconut sa paligid and to cut it short, the place is so peaceful and astonishing.

"Sa inyo 'tong lugar na 'to?" Tanong ko.

"Hindi lahat sa'min, may parte lang na sa amin mula pa sa kanunununuan pa namin. May titulo kami ng lupa kaso malapit na mapaso... Hindi kami inaasikaso sa cityhall na ayusin eh. Sa gobyerno daw yung ilang lupa dito sabi nila, madami na ring nagpapa-alis sa'min kung di lang talaga sa titulong hawak namin."

Siguradong hindi sila inaasikaso para makuha nila yung lupa na 'to.

"Di lang talaga namin alam kung pano ang gagawin dito eh. Di namin maiwan ng kuya ko kasi baka kung sinong umangkin sa lugar."

"Ng kuya Jarret mo?" Tanong ko.

"Hindi... Ng kuya Rey ko. Si kuya Jarret, hindi ko talaga siya kuya. Ang totoo, umalis siya sa pamilya niya noon kaya siya napunta dito, matagal na rin siya dito. Tapos, lahat ng may gustong umangkin ng titulo ng lupa namin, si kuya Jarret ang kumakastigo, magaling siya makipag-usap ate. At ang huli nga... nakipag-away pa talaga siya, mano-mano."

Away? Mano-mano? Nabila-ukan ata ako dun ah.

"Di kapanipaniwala 'no?"

"Ah?" Tanong ko.

Ngumiti naman si Jenn sa'kin saka siya nagsalita uli. "Na nakikipag-away si kuya. Wala kasi sa katawan niya o kaya sa itsura niya."

Yeah right, di naman kais malaki ang katawan niya para makipag-away.

Yung mukha niya, well, hindi yung type na pangrambol, talagang iba lang siya tumingin. Nakakatakot...

"Nakakadaya lang talaga ang itsura sa kung anong talagang kayang gawin ng isang tao. Katulad mo ate..." Saka siya tumingin sa'kin.

Katulad ko?

"Malay mo... dahil sa wala ka matandaang kahit ano, ang totoo pala niyan sikat kang tao o baka mayaman ka. Ang hula ko nga mayaman ka ate eh. Sana matandaan mo na yung pangalan mo tsaka kung anong nangyari sa'yo..."

Oh yes Adeline, tamaan na ako ng aking conscience...

Ngumiti lang ako pagkasabi niya non. Di ko rin alam kung anong isasagot ko.

Bahala na... Ngayon pa na mas nagugustuhan ko pa ang kwento ng lugar na 'to.

Yun nga lang, kamusta na kaya sa'min.

Kung ayos lang yung tatlo, nasabi kaya nila na naiwan nila 'ko dito?

-=-=-=-=-=-

TRACE POV

Wala silang alam...

Wala silang alam kung na'san si Adeline.

Yung dalawa, yung Wendy at Jia, kapanipaniwala ang pagkakasabe. Pero yung isa... Yung Mickey, pakiramdam ko may gustong sabihin... Pero hindi ako sigurado kung ano.

"Sawyer," sabi ko sabay hinto sa paglalakad. Tumingin naman si Sawyer sa'ken.

"Yes Vice?"

"Una kana, babalik lang ako sa org." Sabi ko.

"Bakit Vice? May nakalimutan ka'ba itanong?"

"Wala naman, may gusto lang akong tanungin ule. Sige." Saka ako tumakbo pabalik ng building ng Mass Comm.

Ng nasa tapat na ko ng pintuan ng org, napahinto ako ng may narinig na 'kong sumisigaw sa loob.

"And who the hell do you think are you? Sa tingin mo matatakot mo kami? You're kidding me."

"Better for you to fear me than not." Bosesng lalaki.

Papasukin ko na sana baka kung mapano yung mga babae sa loob pero...

"What's wrong with you people, uh!? Everyone is looking for her, and everyone is asking us where the hell Adeline is! We don't know, okay!? And if ever that we know something, we will never ever tell you---"

"Ahhh!!!"

Bigla kong pumasok sa loob ng marinig ko na may nasirang kung ano sa loob kasabay din ng pagsigaw nung mga babaeng kausap ko kanina.

Pagpasok ko, nagkalat yung basag na salamin na kanina nakasabit pa sa dingding ng pumunta ako kanina dito. Gulat na gulat yung tatlong babae, samantalang nakatingin lang sa kanila yung nadatnan kong lalaki.

Magsasalita na sana ako ng may pumasok sa loob, isa pang lalake.

"Kuya! Ay nako naman oh, 'tay tayo niyan." Saka niya nilapitan yung lalaking nadatnan ko.

"Think twice or I'll find it myself and you'll regret everything, miss." Sabi nung lalaki saka sila tinalikuran.

Nagkatinginan kami habang papalabas siya.

"Pasensya na 'tol." Sabi naman nung humabol na lalaki bago ako lagpasan.

Ng makalabas na sila, saka nagsalita yung Mickey.

"Wendy... I think I need to go." Sabi niya saka niya kinuha yung bag niya at lumabas.

Ng mapansin naman ni Wendy ako, "What? Are you also gonna ask me again about her? Tss! Go find it yourselves! Damn it---"

Hinawakan ko yung kaliwang braso niya ng palabas na siya.

Saka ko siya tinignan. "Sa totoo lang... hindi talaga ako pumapatol sa babae."

Nanlaki yung mata niya saka ko tinuloy yung sasabihin ko. "Pero kapag nalaman ko lang talaga na nagsisinungaling ka sa'kin, baka makalimutan kong babae ka." Saka ko dahan-dahan na binitawan yung braso niya at ningitian ko silang dalawa nung Jia. Tapos lumabas na 'ko.

Pero siyempre, hindi ko naman tototohanin yon. Saktan ang babae na siguro ang huling bagay na pwede kong gawen sa buhay ko. Tinakot ko lang talaga yung Wendy na yun dahil malakas ang kutob ko na may alam siya.

At ang isa pa... Sino yung lalaking naghahanap kay Adeline kanina?

Ngayon ko lang nakita yung dalawang yun, hindi pamilyar.

Magkakilala ba sila ni Adeline?

-=-=-=-=-=-=-=-

JAME'S POV

"Kuya naman? Ay nako, bakit ko ba pinaalala yung narinig natin sa cafeteria nung isang araw? Tsk." Ryder

"Where the hell is she."

"Bago mo asikasuhin ang problemang yan, kailangan muna nating asikasuhin ang problema natin sa bahay. Dumating na din si dad dito sa bansa, at alam na niyang dito ako nag-aaral sa Austine! Kasama ka!"

It's better kung malayo siya pero nasa ayos siya, kesa yung malayo siya... Pero walang may alam kung maayos ang lagay niya.

Sobrang tigas parin ng ulo ng babaeng yon.

"Teka nga, nakikinig ka'ba?"

"Nandito na tayo, let me handle everything." Sabi ko. Saka ako bumaba ng sasakyan.

He's here, ready to argue again with me.

Minsan naiisip ko lang, my brother is a luckier than I am. Kung na'san man siya, siguradong nagagawa na niya ang lahat ng gusto niya ngayon.

All the best for him, I hope.

We moved inside the house and it's true... He's here.

"Well, gudeve to the both of you. Atlas you are both here and ready to explain everything to me, starting to you, Ryder."

Ryder looked at me like asking for back-up, pero hindi na niya kailangan sabihin pa.

Dahil alam ko na ang gagawin ko.

"Ryder has nothing to explain to you dad, I'll explain everything you need to know." I explained.

"So... Kwarto na ko dad ah? Punta muna ko kay lolo, welcome back dad. Kuya, go for the gold."

"Of course." Sagot ko.

"You arrived unexpectedly dad." I said, umupo na ko sa couch.

Sumunod naman si dad.

"Natapos ng maaga ang deal sa Macau, kaya sumunod na 'ko sa inyo dito. Unexpectedly, what a bad surprise ang bumungad sa'kin. Care to explain what the two of you doing in that University, and don't tell me that there's nothing wrong about that because you, yourself, knows that it is not a good idea, James Martinez."

"I want to know why..."

"Why?"

"Why do you hate your sister---"

"I have no sister James."

"Unfortunately, you have dad. Francisca Rhian Garcia Smith, your sister."

"James, I'm telling you. Stop this, right now. Don't involve yourself in this matter."

"Dad, matagal na 'kong involve, can't you see? Simula pa ng malaman mong nagsusulatan kaming dalawa. Simula ng sabihan mo kami na wag sabihin kay lolo and that is also why my brother is not here with us."

Tumayo na ko, saka nagsalita si dad.

"You and your brother is both stubborn guys. Umalis siya dahil gusto niyang gawin ang gusto niya. Okay, do what you want, but I tell you, nothing will change James, nothing."

Tumingin ako kay dad, and smile. "Life goes on dad, nothing remains stagnant. Everything change and I'll make sure of that. And also, welcome back dad."

"Yeah, welcome back to me."

Nagpunta ako sa library, I know that he's there ng ganitong oras.

Reading, he wants to read. Always want to know anything, everything...

I knocked and moved in.

"James."

"Lo'"

"Take a seat. Una ang kapatid mo, ngayon ikaw naman. May problema ba?"

"Nothing lolo, everything is fine."

"Good. So how's school?" Binaba ni lolo yung libro ang looked at me.

"Nothing special, shool is school."

"Nagtataka ako James kung bakit gusto mo pang mag-aral dito ule? Samantalang nakagraduate kana sa ibang bansa with recognition pa. What's the big deal studying here, again? Pagsasabayin mo pa ang paghawak sa kumpanya at ang ilang units sa business?"

"Learning abroad and learning from here is different. Different principles and teachniques, it's all different. Di naman siguro masamang malaman ko din lahat lo' ."

"Kung sabagay... parang ako, gusto ko rin malaman lahat."

"But not same with you lo', I want to know everything all by myself. Pero kayo po? inaabot ng ilang oras sa pagtatanong ng kung anu-ano. Parang reporter..."

"Ganun ba? Yun na lang ang kasiyahan ko... magtanong ng magtanong. Kayo naman kasing mga lalaki kayo, minsan ko lang kayo maka-usap. Kung di pa ako ang unang magtatanong, di niyo pa ko kakausapin."

"Ganon ba lolo? I'll try to make it up to you, promise."

"Of course you need to. Naisip ko nga lang, kung meron lang siguro kayong kapatid na babae manlang, o kaya kung sakaling may kapatid ang dad mo? Siguradong hindi ako mabuburyo dito, may maglalambing sa'king apo o anak na babae. Hindi yung... Puro lalaking matitigas ang ulo ang kasama ko."

Right lolo...

Apo o anak na babae. How long should I keep them to you lolo?

I have promised dad dahil hindi daw makakabuti kay lolo ang malaman pa, and I doubt it.

"Kung sakaling may mga apo o anak akong babae, hinding-hindi ko hahayaang mapano o mawala sa paningin ko ang mga yon. Yung kapatid mo nga lang... hindi na ko makatulog dahil di ko alam kung na'san kahit sumulat siyang ayos lang siya. Kahit tiwala ako sa batang yon, kahit alam kong hindi niya hahayaang mapano siya dahil alam kong hindi magpapaloko yun sa kahit sinong tao, nag-aalala pa rin ako. Kaya James, mag girlfriend kana... Para naman, mabawasan ang alalahanin ko, ng masiyahan naman ako, hindi yung puro aral at trabaho ginagawa mo."

Yung isa nawawala pero alam kong nasa ayos lang yon, sigurado ako dahil tiwala ako sa kapatid ko. But her? Now that she's missing, mabuting hindi muna malaman ni lolo.

"I'll do my best to find her..."

"James?"

"Po."

"You're saying something."

"Ah, no lolo, wala po."

"Sige na, magpahinga kana, mukhang pagod ka na rin naman. At make sure na sa susunod na bisitahin mo ko, sana may kasama ka ng girlfriend mo James."

I smiled and said "I will."

But first, I need to find her.

-=-=-=-=-=-=-

ADELINE'S POV

It's all evening now and we're here, eating.

Medyo naiilang naman ako dahil nakatingin sa'kin sina Rey at Jenn kung anong gagawin ko. There's no spoon and fork, maybe they're both curious kung marunong ako ng walang utensils.

The heck with the dirty hands, marunong ako mangamay.

Yeah right, I know how to do it.

I've done a lot of documentary about poverty of Filipinos.

Hindi lang ako basta nag ro-roll ng camera then get a scene, but I want to feel my story not just know it visually or intelectually. Kung anong meron sa kanila, ginagawa ko rin.

Maya-maya, kumain na rin sila ng makita nilang nag-umpisa na talaga akong kumain.

Wala din naman akong ginawa mula kanina pa, kaya mas nagutom ako kaysa may ginagawa ako na nakakalimutan ko na minsan kumain dahil sa sobrang busy.

"Gabi na pero walang naghahanap sa'yo."

Napatigil kami sa pagkain nila Rey at Jenn. Napatingin sa antipatikong Jarret na 'to na tuloy-tuloy lang sa pagkain niya.

"Ah, oo nga eh kuya. Baka... Nahihirapan na Makita 'tong lugar natin? 'no Kuya Rey?" And Jenn looked at his brother.

"Ah? Ah, oo nga. Baka naman bukas, may maghahanap na sa'yo... O kaya, kung wala pa, pumunta na tayo sa bayan kapag ayos na, yung wala ng high-tide. Delikado kase..."

So, I can stay here as long as hindi pa ayos ang weather at may high-tide pa. Great...

"Bukas, sasamahan ko siya sa bayan para malaman lahat. Kung sino siya at anong ginagawa niya sa lugar na 'to na walang naghahanap sa kanya." Tumingin siya sa'kin saka kumain na lang uli.

All I know, hinayaan na niya 'ko na manahimik at mag stay dito.

So wala pala nga siyang tiwala sa'kin.

"Pero kuya, delikado pang umalis. Pabalik-balik pa yung ulan---"

"Mas delkado kung kasama natin siya dito."

HATE IT! I don't want this kind of scene.

I don't want to be suspected of anything I am not.

"Ano ba talagang ibig mong sabihin?" I said. Yeah, I sound like an irritable lady.

Tumigil uli siya sa pagkain saka tumingin sa'kin. "Sa tingin ko alam mo naman yung sinasabi ko."

"Kuya..." Jenn

"Jarret naman." Rey

"Hindi ko alam ang sinasabi mo but if you want me to get out of here, then fine! Aalis na 'ko since malakas na 'ko at kaya ko na. Jenn, Rey," Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Salamat sa lahat, I'll never forget your kindness to me. I'll surely repay the both of you."

Tumango naman si Rey. Saka bumulong kay Jenn. "Ano daw Jenn?"

"Ate, hindi ka pa makaka-alis, mataas ang tubig sa dagat delikado... Tapos hindi ka pa nga ayos maglakad---"

"Hayaan niyo siya, kung hanggang huli hindi niya sasabihin ang totoo kung sino siya... Kaya niya ring umalis ng siya lang."

Magpoprotesta pa sana si Jenn pero tumayo na 'ko saka nagsalita.

"Salamat sa pagligtas sa'kin, pero kaya ko ang sarili ko, tama ka, kaya naman mas lalong di ko kailangan ng tulong mo." Tumalikod ako saka ako naglakad palabas.

Naririnig ko na lang...

"Kuya Jarret naman..."

"Jarret, pre!?"

Lumabas na ko, madilim na sa paligid.

Kung di lang dahil sa liwanag ng buwan at stars... Wala akong maaaninag ni-isa.

Naglakad ako sa malamig na buhanginan kahit na nararamdaman ko nanamang namamanhid yung binti ko dahil sa pamamaga. Pero ano pa nga ba, mukhang mission unaccomplished ako.

I'll be back without anything at hand. Such a looser.

Nakita ko sa di kalayuan, may tatlong bangkang nakatali malapit sa dagat.

I go near those boats and untagged those ropes. Well, whatever happens... At least, I'll do it myself. Kahit di ako sigurado kung anong mangyayari sa'kin.

Nakaka-inis! Hinayaan talaga akong umalis.

Hindi ko naman masisisi sina Jenn at Rey dahil nakadepende lang din sila sa Jarret na yun.

At ayoko rin namang sabihin ang pangalan ko sa kanya. Bahala siya.

Pagkatanggal ko ng Bangka, tinulak ko siya papunta sa dagat...

Pero di pa ko nakakalayo ng pagtulak sa Bangka, may humawak na sa balikat ko kaya napahinto ako.

"Matigas ang ulo mo, pero hindi ka naman siguro tanga miss."

"Ano!?"

"Sabi ko, matigas ang ulo mo pero kapag umalis ka ngayon, tanga ka na rin siguro. Narinig mo!?"

Wow!? Look who's with me?

Is he concern or just trying to call me nuts!?

"Pinapaalis mo 'ko di'ba!? Now, I'm leaving, happy!?"

"Gusto kang sundan ni Jenn, at hindi ako tanga para hayaan na paalisin ang kapatid ko sa sa dis-oras ng gabi."

Yeah right...

Dahil sa kapatid niya kaya niya 'ko pinipigilan umalis...

Of course dahil sa kapatid niya. How lucky she is...,

Kung andito lang si Trace, isusumbong kita!

"Tara na. Kung gusto mong umalis, bukas na bukas... Sasamahan kita papuntang bayan."

Saka niya hinawakan yung kanan kong braso at sa kabila niyang kamay ay yung bangkang tinutulak ko kanina. Hindi ko alam pero nagpadala na rin ako sa kanya.

Naglalakad kami pabalik ng kubo nila, hawak pa din niya yung braso ko. Nakatingin lang ako sa likuran niya habang hatak niya ko palapit sa kubo.

Naisip ko lang, nag-aalala siya kay Jenn...

Naaalala ko sila tatay at nanay. Pati sila lolo, lola, tito at tita... Sina Trace, Dare, Tyler, Yuan, Sawyer at Lace... Sigurado, nag-aalala na sila. Bakit ba hindi ko agad iniisip na marami silang pwedeng mag-alala sa'kin...

Tama siya... Matigas ang ulo ko at kung umalis pa ko ngayong gabi... Tanga na rin siguro ako.

"Ate!" Lumapit naman sa'kin si Jenn.

Tinanggal ni Jarret yung pagkakahawak sa kamay ko. Saka siya pumasok sa loob ng kubo. Maya-maya si Rey na yung sumunod na lumabas.

"Sorry kung nadadamay kayo sa'kin." I said.

"Hindi ate, ang totoo... Masaya ako kasi may kasama akong babae rin. Di tulad ng sila kuya lang."

"Sa ganda mo naman, may irereklamo pa ba 'ko?" Si Rey.

Ngumiti naman ako. "Bolero ka Rey ah."

Si Rey? Napakatangkad niyang tao, mas matangkad pa siya sa antipatikong si Jarret. Hindi naman siya kasing gwapo ni Jarret, pero siguradong mas mabait siya kay Jarret.

Did I just say that Jarret is handsome?

I want to puke!

"Tara na sa loob ate, malamig na dito sa labas."

"Sige."

Kailangan ko muna sigurong magpahinga para bukas.

Uuwi na talaga ako bukas na bukas.

-=-=-=-=-=-=-

TRACE POV

"James Martinez at Ryder Martinez, magkapatid sila at transferee lang. Yung James, kumuha ng ilang units lang for business, yung Ryder, technical engineering. Baka naman kakilala sila ni Adeline?" Tyler

"Martinez... yang apeliydong yan..." Sabi ko.

"Bakit? Anong meron sa apeliydong yan?" Tanong ni Tyler.

Hindi ko pwedeng sabihin.

Sa'kin lang sinabi ni Adeline lahat ng tungkol sa pamilya niya... Sa lolo niya

Kung gaano rin siya kagalit sa kanila.

"Trace, ano na?"

"Siya yun..."

"Ah?"

"Ayun, yung kararating lang."

Napatingin si Tyler sa direksyon ng tinitignan ko.

"Yan yung James?"

"Oo."

Umalis na 'ko sa pagkaksandal ko sa sasakyan ko.

Kabababa lang din nung James at Ryder sa sasakyan nila.

Di pa man kami nakakalapit, nakita na kami nung Ryder. Tumango naman ako, saka ako huminto ilang hakbang mula sa likod nung James na kasasara lang ng pintuan ng sasakyan niya. Tumingin naman siya sa'min ni Tyler.

"James Martinez, Ryder Martinez, tama ba? Trace Bautista," saka ko nilapit yung kamay ko para makipagshakehands. "Tyler De Guzman." Pakilala ni Tyler.

Nakipag shake hands naman sila.

"Kahapon kase, nakita kita sa office ng Sulat Org. Kung matatandaan mo... Hinahanap mo si Adeline tama ba?" Tanong ko.

"That..." Tumingin siya sa'kin ng diretso. "Is there any problem with that?" Sagot niya.

Ayos ah, angas lang nitong isang to.

"Wala naman akong sinabeng may problema, meron ba?" Tanong ko.

"Ah. Kase ganto..." Singit ni Tyler, naramdaman na sigurong umiiksi nanaman ang pisi ng pasensya ko. "Iniisip lang namin baka kakilala o close mo si Adeline at gusto mo makibalita sa paghahanap sa kanya. Medyo alam kasi namin yung progress ng paghahanap sa kanya."

"We're not close, she doesn't even know me." Sagot nitong James na 'to.

Magsasalita na sana yung kapatid niya, pero nagsalita na 'ko.

"Curious lang ako kung bakit mo siya hinahanap. Yun lang." Sabi ko.

Hindi ko gusto tabas ng dila nitong isang 'to. Medyo di pulido...

"I'm looking for someone, maybe because it's missing. Don't you think?"

Napangisi ako. Di nga kaya, isa siya sa mga tinutukoy ni Adeline na ayaw tumanggap sa kanila ni tita? Martinez... Di ko gusto ang awra niya.

"May point ka, ang akala ko lang naman kase... Kapamilya ka ni Adeline. Martinez kasi ang apeliydo mo... Pero siguro, sa dami ng Martinez sa mundo, hindi ka isa dun sa Martinez na ayaw tumanggap sa kanila ng nanay niya, ni tita Rhian."

"Trace?" Tawag ni Tyler.

"So... What if I'm one of them?" Sagot naman nung James.

"If you are one of them, sisiguraduhin kong di ka makakalapit kay Adeline pagbalik niya."

Sabay lang kaming napangiti at naghiwalay ng alis.

Sumunod naman sa'kin si Tyler.

"Trace, ano naman yung mga sinabi mo?"

"Sensya na Tyler, pero nagpromise ako kay Adeline na di ko sasabihin sa iba yung kwento niya."

"Got it. Walang problema, pero wag masyadong mainit ang ulo Trace. Take it slow..."

"Sira. Mahaba pasensya ko."

"Sorry lord pero kailangan ko sabihin sa kaibigan ko 'to..." Tumingin sa'kin. "Lul' mo."

Mahaban naman talaga pasensya ko.

"Vice!!"

Napahinto kami sa paglakad.

Lumingon kami sa likuran namin. Kapag hindi si Sawyer, si Lace ang tumatawag sa'kin.

Sigurado, impormasyon nanaman dala nito. Pinaka responsible sa team talaga 'tong dalawang 'to.

"Oh baket Lace, balita?" Tanong ko.

"Wala naman, nakita ko lang kayo sasabay na sana ako. Teka, nga pala, nakita niyo ba yung dalawang lalaking galing sa direksyon na 'to?"

"Lalake?" Tanong ni Tyler.

"Oo, di sila magkasing height eh. Di niyo nakita?"

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Kasi Vice, yun yung sinasabi namen sa'yo ni Sawyer na gusto naming ayain sa team."

Nagkatinginan kami ni Tyler. Saka ko binalik yung tingin k okay Lace.

"Wag mong sabihing si James at Ryder Martinez yung tinutukoy mo?" Tanong ko.

"Ah... Di ko sure, pero baka nga sila."

"Wag na, kalimutan mo na. Humanap na lang tayo ng iba." Sabi ko sabay lagpas sa kanila.

"Oy Trace!! Umiral nanaman yang Pride mo!" Sigaw ni Tyler.

"Vice! Kailangan natin ng team mates!" Sigaw naman ni Lace.

"Marami diyan! Maghanap pa tayo!!" Sigaw ko habang naglalakad. Sabay kaway sa kanila.

"Pagbalik ni Adeline, siguradong siya ang kukmbinse sa'yo!!" Habol pa ni Tyler.

Sana nga bumalik na siya.

Yun nga lang, di ko alam kung kukumbinsihin niya 'kong pasalihin sa team yung isang yun... Kung tama nga yung nasa isip kong isa yun sa mga Martinez na tinutukoy ni Adeline.

Tsk tsk tsk.

-=-=-=-=-=-=-

ADELINE'S POV

Ang totoo, I can't sleep.

Feeling ko, di na natunaw ang kinain ko kagabi. Madaling araw na at di pa rin ako makatulog ng maayos. Nasa sahig natutulog si Jenn, kahit na ang sabi ko ako na lang doon sa banig at siya na sa papag. Kaso pinipilit niya na dapat mas magpahinga ako kaysa sa kanya.

Tapos si Rey, dun na lang daw siya sa labas matutulog.

Yung isa? I don't know and Im not interested to know.

But all in all, these kind of people are the people whom you can trust and say na totoong mababait. Now a days, kung nasa Manila ka... Baka wala na silang paki-alam sa mga taong we treat as strangers, you know?

Di ko na kayang humiga na lang, bumangon na 'ko at naglakad palabas ng kwarto.

Nakita ko agad si Rey na nasa loob ng kulambo rin tulad namin ni Jenn sa loob ng kwarto.

Napansin ko lang wala yung antipatiko?

Naglakad ako palabas ng bahay, may konting liwanag na kahit madaling araw pa lang.

Well, mas malapit ang sikat ng araw sa lugar na 'to kaysa sa Manila from where my house is.

Malamig ang simoy ng hangin tapos—

"Gusto mo na'ba agad umalis?"

Tapos may buwisit. Ke-aga-aga...

Sira ang mood. Asar...

Tumalikod ako para harapin si Jarret antipatiks.

"Hindi lang ako makatulog." Sagot ko.

Ang totoo... Gusto ko na kasing makawala sa paningin mo. Tss!

Nagsmile na lang ako. What a fake smile...

"Baka mangawit ka." Sabi niya.

"What?"

Saka siya umismik ng nakaka-inis.

Nakakabuwisit siya bakit ganon!?

"Masyado kasing totoo yung ngiti mo." Then he shook his head sideways like he can't help it.

I mouthed WHAT-EVER.

"Alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit ang tigas ng ulo mo at ayaw mong sabihin kung sino ka." Sinasabi niya yan habang naka-upo sa upuan at di nakatingin sa'kin.

I don't have the reason to answer his question. Hate this kind of man, so arrogant and all.

Nakatayo lang ako sa gilid niya, tumingin na lang din sa dagat tulad niya.

"Hindi ka manlang ba natatakot sa kung anong pwedeng mangyari sa'yo, ah!? Kagabi, basta ka na lang aalis ng di nag-iisip."

Tumingin siya sa'kin, pero di pa rin ako tumitingin sa kanya. Syempre nakikita ko lang siya sa peripheral view ko.

"Fear... I think, wala akong kinakatakutan, for now." Sabi ko.

"Talaga lang..." Sagot naman niya.

"Bakit ikaw? What do you fear about?" Tanong ko. Saka ako tumingin sa kanya.

Nakatingin naman siya sa'kin saka nagsmile.

Well, yes, more attractive when he smiles but it doesn't remove the fact that he's an arrogant jerk. Nice Adeline, you're such an honest lady.

"Matagal ko na ring tanong yan, pero nalaman kong wala na nga kong kinakatakutan ngayon." Sagot niya, saka siya nagsmirk. "Wala na..."

Yeah right.

Everyone has fears but sometimes... hindi mo alam na yun na yung kinakatakutan mo.

Minsan, nasa harapan mo na pala, hindi ka lang aware.

"Maghanda kana, aalis na tayo maya-maya, Miss." Saka siya tumayo at pumasok sa loob.

Huh, as if gusto ko pa magstay kasama ang isang tulad niya. Baka sila Rey at Jenn pa, ayos lang. Interesado pa naman ako sa story ng little island na 'to. Maybe, pwede ko naman siya balikan kung... Papayagan pa ko ni tatay pumunta dito.

I'm dead kapag bumalik ako sa'min.

Siguro, it's better na tumawag muna ako bago ako dumating dun ng walang pasabi.

Isa pa, parang walang naghahanap sa'kin eh second day na 'kong wala sa bahay, right?

Hinayaan na kaya talaga nila 'kong maging independent?

But how about sila Wendy? Kung ayos naman sila... Hindi ba nila sinabi sa'min kung na'san ako?

Uhg! Stop thinking Adeline just be ready for now and we're ready to go!

After an hour and so, nagpalit na ko ng damit, my clothes when I first arrived here. Tuyo na siya at mabango na rin, thanks to Jenn. Anyway, nakwento niya sa'kin kagabi na natanong na daw niya sa kuya niya kung pano sila nagkita ni Jarret.

Jarret helped Rey na makipagkasundo sa mga illegal people na kunin ang lugar nila. Ang sabi daw nung mga taong yun, hindi daw nila gagalawin ang lupa nila Jenn hangga't nandito si Jarret. Well, well, well, ako dapat ang maging suspicious kung sino siya.

How come na makipag-kasundo ang isang simpleng tao sa mga taong gumagawa ng illegal acts? Ako dapat ang magsabi ng tanong na ... SINO KA!?

"Alis na 'ko Jenn, Rey. Salamat sa lahat..." Sabi ko habang nakahawak sa magkabilang kamay ni Jenn

"Mag-iingat ka ate, sana makita ka pa namin uli."

"Oo nga, di pa nga rin namin alam ang pangalan mo." Si Rey.

Ngumiti naman ako. Bahala na, kung sakaling makabalik ako...

Sasabihin ko na lang na natatandaan ko na lahat simula ng maka-recover ako.

For now, mas mabuti na munang ganito...

Kasi kapag nalaman pa ng ibang tao kung sino ako, it's a big scene again with our family.

I won't let that happen, ever.

"Tara na." Aya naman nitong Jarret na 'to.

Sana nga kasama na lang si Rey mas okay pa. Compare with him, it's a total torture.

Sumunod na 'ko sa kanya at sumakay dun sa bangka niyang de-motor din

Look at this man, walang alam na gentleness sa katawan. Di man lang ako tinulungan sumakay ng Bangka, tinitigan niya lang ako. Fine! Kaya ko naman mag-isa without his help.

Tinulak na niya yung Bangka palayo sa pangpang pagkasakay ko.

Ng medyo makalayo na, sumakay na din siya at saka pinaandar yung Bangka.

Along the way, we're both silent. It kills me...

Ayoko ng tahimik, it's either my nagkukwento sa'kin or ako ang nagkukwento.

But with this man? Imposible na magkuwentuhan kami.

I satisfy myself na lang sa pagtingin sa paligid. I can't believe na tinangay ako ng alon dito at dito at dito ... hanggang sa makarating ako sa kanila at Makita ako ng antipatikong 'to.

Wow, I'm alive. I survived.

Hours have passed and I can see people, I think nasa bayan na kami malapit.

Hindi 'to yung unang lugar na pinanggalingan namin nila Wendy ng magpunta kami rito.

For the first time again... Nakahinga ako ng maluwag.

I can finally reach my family and be ready with a lot of sermons and everything. Baka nga i-lock na 'ko ni tatay sa kwarto ko kapag nagkataon...

Well, I can go out through the windows, isn't it?

Huminto na yung Bangka saka siya tumayo at humakbang palabas ng Bangka. I followed him without any assistance... Consistent ungentleman.

Na-miss ko tuloy si Trace. Sigurado isa pa yun, masermon ang aabutin ko dun.

But those are some of his qualities na pinakagusto ko sa lahat.

May kinausap si Jarret na isang lalaki, mukhang pinagbilin yung Bangka niya.

Tapos lumapit na siya sa'kin.

"Tara sa police station." Sabi niya.

You bet, hssh! "No, thanks."

"Ano? Baket, sasabihin mo na bang wala ka talagang amnesia?"

Jerk. "Di mo kailangan malaman. Kailangan ko ng telepono, may alam ka'ba?" Tanong ko.

"Ayos lang na wag mo ng sabihin, tutal aalis ka na rin naman." Saka siya naglakad na sumunod naman ako.

Palengke ang bumungad sa'kin kaya naman pala marami pa ring tao kahit papano. Dito siguro dinadala nila Rey yung mga huli nila kaya may kakilala na si Jarret dito.

Sinundan ko lang si Jarret tapos huminto kami sa isang tindahan.

"Diyan ka muna, may pupuntahan lang ako." Utos niya.

"Ayos lang kahit matagal... Kaya ko sarili ko." Sagot ko.

Patalikod na siya sa'kin, pero ng marinig niya yung sasabihin ko, humarap siya ulit sa'kin.

"Hindi ko alam kung anong gusto mong patunayan." Sabi niya,

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala..." Saka siya umalis.

Anong gusto kong patunayan?

Ano nga bang gusto kong patunayan? Ano ba talagang gusto kong gawin?

Now I'm thinking...

Uuwi ako ngayon sa'min, tapos ano?

Pagagalitan ako because I've done the wrong thing. Nalunod na nga ako, tapos may mga bruises pa ko, ang saklap naman ng nangyari sa'kin kung uuwi lang akong wala manlang napala, right?

Sigurado, tatawanan ako ng mga makaka-alam ng nangyari sa'kin.

Wala manlang akong napatunayan...

Think Adeline, think!

Okay, let's do this. Now calling to our house...

"Hello... Tatay?"

-=-=-=-=-=-=-

TRACE POV

"Hahaha, di kaya kaya lang tayo sinama dito ni manager eh gusto niya tayong makitang nakatrunks? Di kaya?" Si Yuan, habang nag-aayos ng locker niya dito sab ago naming quarters sa swimming team.

"Masaya nga 'to, pampalakas ng stamina 'to Yuan. Mas malakas pa nga 'to makapayat kaysa jogging sabi sa isang study." Sawyer.

"Sige, paandaran mo ko ng napakataas mong pag-iisip. Pero may pakiramdam ako na kapag may nanuod sa'tin na nakaganto tayo... Mas malakas na pampapawis yun kaysa jogging o swimming. Hahaha, sa tingin mo Tyler?"

"Ewan ko lang, baka di na 'ko tanggapin sa simbahan kapag nakaganito ako." Tyler.

"Pag nakita ka ng mga babae ngayon at naging pare ka na... Baka hindi sa sermon mo nakatuon isip nila. Baka sa Tyler na nakatrunks ang nasa utak nila pre." Sabi ko.

"Yun na nga problema ko. Hay nako talaga si manager." Sabay upo ni Tyler habang hawak yung trunks niya.

Si Yuan ready na ready na. Nakatrunks na nga kasama nung sila Lace at Sawyer.

Si Dare? Eto, tahimik, di ko alam nasa utak.

"Pre? Aatras na'ba?" Tanong ko.

Ngumisi lang siya saka nagsalita. "Baka yung manunuod ang umatras, di kayanen. Tsk."

"Yabang tol! Alisin mo na yang twalya mo ng magkakitaan na!!!" Sigaw ni Yuan sabay tangkang hatak sa twalya ni Dare na nakasaklob sa bewang niya.

"Yuan!!!!" Sigaw ni Dare.

"Bakit hindi ikaw ang maghubad na Yuan!???" Lace

"Oy!!!" Sigaw naman ni Yuan ng siya na yung huhubaran nung tatlo.

Habang si Tyler problemado pa. Ako? Walang problema, sanay ako magswimming. Trunks lang pala... Kaso hindi dito sa university, sa bahay ako nag-ta-trunks.

Wala si Adeline, di niya makikita 'tong kalokohan namen dito.

Biglang tumunog yung phone ko, saka ko sinagot.

Lumayo ako ng konte sa kanila...

"Hello..."

Hi pogi!

"Sino to—teka!"

Pwede makipagphone-pal!?

"ADELINE!!" Sigaw ko.

Biglang natahimik silang lahat at saka nagtakbuhan palapit sa'ken.

"Si Adeline yan Vice!???" Sawyer

"Oo pre, sinigaw na nga yung pangalan oh!" Lace

"ADELINE NAKA-TRUNKS NA KAME!!!—AraaaAy! Dare ano ba!" Yuan sabay hawak sa ulo niya.

"Proud ka masyadong nakatrunks ka." Dare

Nakatrunks na kayo!?? Oh my gosh! I have to see that!

"Na'san ka!? San ka ba nagpunta ah!? Alam mo bang ang daming naghahanap sa'yo!? Tapos sila tita---"

Wait a minute! Katatapos lang ng 1 hour conversation-sermon ko with tatay okay? Please, don't make me hold this phone for another 1 hour again, please Trace?? Please... Pretty please!?

"Just answer my question Adeline, where are you? Pupuntahan kita."

"Naks! Parang ano lang oh—ano oh! Okay quiet na ko. Hahaha." Yuan, sabay iwan ng tingin ng tignan ko ng masama.

I will not tell you, sorry.

"Anong sinasabi mo? Di ka pa'ba uuwe!?"

I'm going home, don't worry okay? Ako ang uuwi mag-isa, I told tatay about this.

"Pumayag?"

Of course no, si tatay pa. Pero nag-usap na kami kung bakit hindi pa ko pwedeng umalis dito. Trace, I found a one great story!

"Story nanaman, ano ba yan?"

For now, secret muna... Pero don't worry, I have told tatay about this. About my plans... Hindi muna ako uuwi hangga't di ko pa nagagawa ang dapat kong gawin. Okay?

"Ang tigas ng ulo mo Adeline, kailan ka ba uuwe?"

Maybe, Ahm? Basta I called you because I don't want you to worry about me.

"Tss! Worry? Nagsasaya na nga kame dito kahit wala ka---"

"Wag ka maniwala!!! Halos mabaliw na si Vice kaka-alala sa'yo!" Sigaw ni Sawyer


Iniwas ko naman yung phone ko saka ako nagsalita. "Lagot ka sa'ken mamaya."

"Hahaha! Tay ka Tom Sawyer!" Yuan

"Isa ka pa, loko." Sabi ko kay Yuan.

Nandyan ba sila lahat? Nakatrunks kayong lahat?

Tignan mo 'to. Parang walang nangyare... Tsk tsk tsk Ibang-klase.

"Oo nandito sila, pero si Tyler hindi naka-trunks."

Really? Can you hand him the phone, please?

Inabot ko yung phone kay Tyler. "Oh,"

"Hello Adeleng." Tyler

Hate it! Adeline please,

"Hahaha, ka-arteng babae, oh ano ba meron?"

Kapag nagtrunks ka, be ready to be sinful desire of every girls. Lagot ka kay Lord!

"Napakabait mo Adeline."

Thanks!

Inabot na sa'kin yung phone ni Tyler.

"Lalo mo pinagulo utak non, di na nga makapagdecide gagawin sa trunks niya. Adeline.."

Yes?

"Mag-ingat ka pag-uwe. Hindi mo ba talaga sasabihin kung na'san ka?"

Don't worry, I'll be okay Trace. See you in trunks bye!

"Adeline!!!!! Hello!? Adeline!? Shit!"

"Binabaan ka?" Lace.

"Ang kulet ng babaeng yan. Tumawag lang para sabihing okay na siya." Sabi ko.

Pero ayos na rin, at least... Maayos nga siya ngayon.

"Humanda na tayo team, pagbalik ni Adeline. Laman na tayo ng University paper na naka-trunks." Lace

"Oh tara tara na, mr. body candidates hahaha." Yuan

"Excited ka masyado, candidate no. 1 Yuan Villafuerte!" Sawyer

"Thank you, thank you." Yuan

"Tara na Dare, magdadasal pa si Tyler kung anong dpat gawen niyan." Sabi ko kay Dare.

Saka ko tinanggal yung twalya ko.

"Contestant number 2, in black fitted trunks, Trace Bautista!" Sawyer

"Loko, may trunks bang loose?" Sabi ko.

"Vice, yun ang pinag-iisipan ni Yuan isuot. Ayaw mabakat." Lace

"Hahaha. Ke-sagwa!" Sigaw ni Yuan. Sabay bagsak ng saraduhan ng locker niya. "Si Dare sanay yan, nagpapart time yan sa bar. Hahaha."

"Next na'ba? Contestant no.3 Dare Evagelista na'ba!?" Sawyer.

"Tara na Yuan, lulunurin kita." Dare.

"Bakit ako?" Yuan.

"Trip trip lang, tara." Dare

"Loko ah! Hahaha pikon!"

"Tara! Lunuran tayo. Unang mamatay panalo, sigurado mananaloka, ako bahala." Dare

"Haha! No thanks!" Yuan

"Kailangan na'tin na maghanda sa pagbabalik ni Adeline dahil sigurado... Laman ng University newspaper ang picture natin na naka-trunks."

Sana nga. Haha, ibig kong sabihin, sana nga dumating na si Adeline.

Sana ayos lang yung isang yun. Tsk, hanggang huli, matigas pa din ang ulo.

-=-=-=-=-=-

DADDY PRINCE' POV

"Anong sabi ni Adeline Prince?"

"Mana sa'yo..."

"Ah?"

"Mana sa'yo... Masyadong matapang tumuklas ng kung anu-ano. Hssh!"

Nandito kami sa salla, katatawag lang ni Adeline.

She have told me na ayos lang siya and she's asking for more days to enjoy her independence.

Adeline convinced me that she's okay, that I don't need to worry. Non-sense, ngayon lang ulit ako kinabahan since Rhian had this pregnancy disorder nung bago palang kaming kasal.

"Na'san daw siya?"

"Nasa Samar. Kung san don, hindi niya sinabi."

"Prince naman, bakit pumayag ka na hindi niya sabihin sa'tin kung na'san siya mismo."

"Of course I did not agree with her decision. Pero kilala mo yan, mentras na sabihin mong wag, mas gagawin niya pa. Non-sense kung nakipagtalo pa ko sa anak mo. Mas gusto kong malaman na nasa ayos siya... What more important now is that, I know where exactly to find that child."

"Sinabi niya ba kung tatawag siya uli?"

"Tatawag daw siya ule, pero hindi niya sinabe kung kailan. Stubborn lady. Hssh."

And then Rhian smirked. Napatingin ako sa kanya...

"Anong mana sa'kin? Mana sa'yo ang anak mo Prince. Remember what you did nung bata ka pa?"

"I beg to disagree asawa ko, batang-bata pa 'ko."

"Tsk, tsk, tsk. Don't worry, everyone knows..."

Atlas, Rhian can smile again...

I trust Adeline in many things and one of those is to be responsible of her self.

But first, I have to find out where exactly that child is.

Samar uh? She thinks I can't find her?

Everyone bet.

-=-=-=-=-=-

ADELINE'S POV

Now that I have told tatay where I am...

The next thing I should do is to find that Jarret muna.

"Miss."

Speaking of...

"May naka-usap na 'kong mga tanod na pwede kang tulungan--"

"I don't need that..."

"Ano?"

"Di ko na kailangan. Natawagan ko na yung pamilya ko sa Manila. Pupuntahan nila 'ko."

"Mabute naman..."

Hssh! Yeah right.

"Pero aabutin sila ng ilang araw pa bago makarating..."

"Baket naman?"

"Kasi... Wala silang pera pangpunta dito. Maghahanap pa sila ng pera..." Yeah, that's right Adeline. Pissed him off.

Oh I love his expression. "Edi wala ka ngang amnesia, tama ba?"

I shook my head, yeah yeah... I don't have.

"Bakit ka nagpanggap na meron?"

"Kasi..." Think, think, think. "Kasi baka pagbayarin niyo ko ng pagsagip niyo sa'kin... Wala naman kaming pera."

"Sa tingin mo ganung klase kame ng tao?"

"No, I mean, hindi naman sa ganon."

Mas mabuti na ring di na nila malaman na mayaman ako.

Para hindi sila mailing sa'kin pagbalik ko.

"Tutal may babalik na pala sa'yo. Pwede ka ng maghanap ng pwede mong tuluyan dito, marami dito sa lugar na 'to--"

"Gusto kong bumalik sa isla!"

Napatitig siya sa'kin. "Ano kamo."

"Wala akong pera, walang magpapatuloy sa'kin... Isama mo na 'ko pabalik sa inyo."

Naglakad siya palapit sa'kin, huminto siya ng ilang inches na lang yung mukha niya sa mukha ko. At saka sinabing...

"Hin-di Pwe-de." Then he turned his back to me.

"Teka!!" Tawag ko pero binilisan niya maglakad na parang patakbo.

Di ko na siya naabutan ng nakakalayo na siya.

Nakaka-inis talaga 'tong taong 'to.

Gusto kong bumalik dun sa lugar nila. Think, Adeline.

Acting skills... Okay!

"Ay yung babae nahimatay!"

"Miss! Miss! Ayos ka lang ba miss!"

"Tubig, kumuha kayo dali!"

"Miss may kasama ka'ba??"

Tumango ako... I pretend na nahilo ako kaya nagpatihulog ako sa lapag.

Jarret, you'll be back I promise.

Tinaas ko yung kanang kamay ko sa'ka ako tumuro dun sa direksyon ni Jarret.

Ng tumingin ako, may ilan ng tumawag sa kanya at humarap sa'kin mula sa kinatatayuan niya.

Umiwas ako ng tingin ng sumama yung tingin niya sa'kin.

"Si Jarret ba yung kasama mo hija!?" Sabi nung matandang babae.

"Opo..." I answered.

"Kaano-ano mo ba si Jarret hija??" Yung isang mama sa tabi ko.

Napansin ko dumating na sa malapit ko si Jarret.

Magsasalita na dapagt siya kaso.. "Hindi ko nga ho kil---"

"A-asaw ko siya."

"Asawa!?? Si Jarret may asawa na??" May narinig akong babae.

"Jarret!?" Sabi nung lola habang nakatingin kay Jarret.

"Asawa ah..." Sabi ni Jarret. "Di ko ho kila--"

"Ahh... araay..." Sabi ko and I caressed my belly.

"Nako Jarret, buntis ba asawa mo??" Sabi ni lolo.

Tumango naman ako.

"Jarret, mukhang pinuntahan ka pa niyan dito oh. Iuwi mo na yan sa bahay niyo nila Rey ng makapagpahinga yan." Sabi ni lola

Tumingala ako ng hindi sumasagot si Jarret. And nakita ko ang devilish stare niya sa'kin. Uh-oh? Not good with that stares...

"Jarret," tawag nung isa.

"Sige ho, i-uuwi ko na ang napakaganda kong asawa." Sabi ni Jarret sabay luhod para buhatin ako.

"Wag mo na ko buhatin, kaya ko maglakad." Bulong ko sa kanya ng bubuhatin na niya 'ko.

"Ginusto mo yan, panindigan mo yan hanggang sa hule, miss." Bulong din niya saka niya ko tuluyan binuhat.

I think, after all... This is not a good idea?

"Sige ho, i-uuwi ko na 'to." Sabi ni Jarret.

Naglakad na siya papunta dun kung san yung Bangka naming iniwan kanina.

Dahan-dahan siya humakbang papunta sa Bangka. Saka niya ko inihakbang pasakay sa Bangka.

Umupo ako sa bandang gitna, habang si Jarret inaalis yung lubid ng Bangka namin.

Nakasubaybay naman yung mga tao kanina sa'min hanggang ngayon. Tapos mga nakangiti pa sa'min, habang si Jarret... di ko maintindihan yung mukha. Better not to look at him...

Pinaandar na niya yung motor ng Bangka at dahan-dahan na kaming umandar at naka-alis sa lugar. Nasa likuran ko siya... hindi siya nagssalita.

Shems~ ano kayang nasa utak nito? Di naman niya siguro ako balak itapon sa dagat 'no?

"Asawa ah..."

Shems~ nagsalita na ang anipatiko.

Humarap ako sa kanya and to see na nakatitig siya sa'kin at nakangiti!

Hate that smile. Now, nagsisis na 'ko sa sinabi ko.

"Well, sinabi ko lang yun dahil iniwan mo ko." Sabi ko.

"Di nga..."

"Oo naman 'no. Jarret, wala akong matutuluyan bukod sa inyo nila Jenn at Rey. Isa pa, sila naman ang may-ari nung lugar at nung bahay. I'll be the one to ask them kung pwede ako magstay." Sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Iniisip ko kung nagsasabi ka talaga ng totoo." Sabi niya.

Hindi ako humarap. Now, what is he playing?

"Of course, I'm telling you the truth." Sabi ko.

"Sabi mo mahirap ka lang, pero kanina ka pa ingles ng ingles habang kausap ako. Ganyan ba talaga ang mahihirap sa maynila ngayon?"

"Yes, we are educated and civilized. That's why we know how to speak English even though we're poor, gets mo?" Sabi ko habang nakatalikod sa kanya.

"Gets ko."

Pagtapos nun hindi na siya nagsalita, same with me.

Nakabalik na kami, tanghali na.

Hindi pa man kami nakakalapit ng kubo, nakita na kami ni Jenn na nagbibilad ng isda.

Pinaliwanag ko kung bakit ako nagsinungaling at kung anong ginagawa ko dito. Both Rey and Jenn allowed me to stay at their house as long as hindi pa dumadating ang sundo ko, just like what I've told them.

Pero, later on... Nagsalita naman si Jarret.

"Pero wag niyong kakalimutan, asawa ko siya." Jarret.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Hindi ko na nga kinweto sa kanila eh!

"Asawa mo?? Teka, teka nabibilaukan ako, ano nga ule?" Rey

"Kuya? Ate?" Jenn.

"Kasi... Ganto--" Ako

"Basta, kapag nagpunta kayong bayan. Pag may nagtanong o nakwento niyo kame, sabihin niyo mag-asawa kame. Pasok na 'ko sa loob."

"Oy teka Jarret!!" Sumunod naman si Rey kay Jarret papasok ng kubo.

"Tara ate, dun tayo... Kwentuhan mo 'ko ng kung anong nangyare sa inyo. Pero bago yun, ano nga bang pangalan mo ate?"

Name...

Sasabihin ko ba yung name ko?

"Ah... Ako si... Analyn."

-=-=-=-=-=-=-

JARRET'S POV

"Oy Jarret! Ano yung sinasabi mong asawa mo yung maganda na yun? Hindi porket mas gwapo ka, ikaw na ang asawa."

"Siya ang nagsabe, hindi ako." Sagot ko.

"Siya? Tignan mo nga naman oh. Mga babae ngayon, puro panlabas na lang tinitignan."

Tinignan ko si Rey. "Anong ibig mong sabihen?"

"Ah? Hahaha, 'to naman di na mabiro. Pero ayos din, dito siya titira pansamantala, para naman maganda ang gising ko lage."

"Di pa rin ako naniniwalang sa kanya."

"Ano nanaman ba Jarret!? Hayaan mo na yun—nga pala? Anong pangalan niya?"

Nga pala, di ko alam pangalan ng isang yon.

"Analyn. Ako si Analyn..."

Napatingin kami sa pintuan.

"Totoo?" Sabi ko.

Naningkit naman yung mata niya. "Oo."

"Nga pala." Habol ko.

"Jarret..." Babala naman ni Rey.

"Hindi ka pwedeng basta titira nalang dito. Tulungan mo si Jenn sa gawaing bahay."

"Don't worry, marunong ako." Sagot niya.

"Marunong ka'ba magluto?" Tanong ko.

"Oo, anything just tell me."

Tumango naman ako. "Marunong ka magtgimpla ng kape?"

"What? Of course I can."

"Yan... Oy Rey, may katulong na tayo ngayon. Tara sa labas baka makakahuli tayo." Sabay tayo at hila kay Rey.

"Oy teka-teka, Analyn-oo tama Analyn 'no? Wag mo pansinin si Jarret---"

"Tara na..." Aya ko.

Saka ko ningitian si... Analyn, bago lumabas.

Alam ko may tinatago pa siya sa'men.

Sa ngayon... Hahayaan ko muna siya.

-=-=-=-=-=-=-

ADELINE'S POV

Nagkuwentuhan kami ni Jenn habang kami lang ang tao sa kubo.

Wala yung dalawa kasi nasa dagat pa rin sila, nagbabaka-sakaling mabawi nila yung halos dalawang araw na di nila paghuli.

"Di'ba ang sabi mo, pumunta lang dito si Jarret kasi umalis siya sa pamilya niya?"

"Oo ate, di ko nga alam kung bakit. Pero tingin ko magkagalit silaa ng pamilya niya. Kapag napupunta kasi dun ang usapan, umiiwas si kuya. Kaya simula noon, di na kami nagtanong."

"Siguro blacksheep ng family..." Bulong ko.

"Ano yun ate?"

"Aa, wala-wala. Pero buti tinutulungan kayo ni Jarret kapag may problema kayo 'no?"

"Oo ate, sa totoo lang. Kung wala siya, baka matagal ng wala sa'min 'tong lugar na 'to. Wala naman kasi kaming pinag-aralan ni Kuya Rey kaya di naming kayang humarap o makipag-usap sa mga kung sinong gusting kunin 'tong lugar namin."

"So... nakapag-aral si Jarret." Sabi ko.

"Sa tingin ko naman, oo ate. Kasi, minsan ko siyang narinig makipag-usap sa mga taong magagara yung suot na pumunta dito. Halos wala na 'kong naintindihan sa sinabi niya hahaha."

"Hindi ba kayo nakapag-aral ni Rey kahit, grade school Jenn?"

Sorry if I'm a straight forward person to ask this but I just want to know. Maybe I can help?

"Si kuya Rey hanggang gradschool lang ang natapos, medyo puro bolakbol pa nga siya. Ako naman highschool natapos ko. Yun ay nung di pa namamatay ang magulang namin."

Pano kaya namatay ang parents niya---

"Kung gusto mo malaman, namatay ang magulang ko ng malunod sila sa dagat. Di naming alam namay bagyo na palang parating nun kaya pumalaot pa sila. Wala kaming TV o radyo kaya wala kaming balita."

I am such a blessed one to have everything while others don't. I miss tatay and nanay tuloy dahil sa kwento niya..

Hapon na ng makabalik si Rey sa kubo, habang si Jenn naman nagluluto na ng kanin sa palayok. Ako naman, tinuruan ako ni Jenn kung pano isupot ng tama yung mga pinatuyong isda na dadalin sa palengke bukas. Tutal maayos na daw ang weather, pwede ng bumalik sa palengke para magtinda sila Jenn ng pinatuyong isda tsaka yung huli nila Rey at nung panget.

"Asan si kuya Jarret?" Tanong ni Jenn kay Rey pangka-upo.

"Andun sa Bangka, inaayos yung lambat. Nga pala, pahingi naman daw ng tubig." Si Rey.

Tuloy lang ako sa pagsusupot nung mga isda.

Biglang umupo si Rey. "Pahingi daw ng tubig."

"Sige, ako na---" Jenn

"Analyn, kung pwede daw na ikaw yung magdala?"

Tumigil ako sa pagsusupot saka ako nagsmile kay Rey.

"Oo ba." Sagot ko.

Tumayo ako saka ako tumingin kay Jen, saka niya ko sinamahan kung san kinukuha yung tubig pang inumin. Kumuha ako, nilagay ko sa baso nilang stainless.

Tapos lumabas ako ng kubo.

Nakita ko siya sa di kalayuan, sa may Bangka niya.

Inaayos yung pagkakalatag ng lambat sa buhanginan.

Huminto ako saglit saka ako tumungo at kumuha ng ilang buhangin.

Nilagay ko dun sa tubig niya. Serves him right.

Naglakad na ko palapit sa kanya, nakita naman niya 'ko.

"Siguro naging katulong ka dati? Ang bilis mo kumilos ah. Salamat." Saka niya kinuha yung dala kong baso na may tubig at konting buhangin. Sige inumin mo lang. Masarap yan...

Ngumiti na 'ko ng iinumin na niya, kaso bigla siyang huminto, tapos tumingin sa'kin.

Ihh! Sayang! Konti na lang, hssh! Tsss!!!

Ngumiti siya sa'kin sabay sabing "Di na pala ako nauuhaw." At saka niya tinapon yung laman nung baso sa buhanginan. "Salamat na lang." habol niya. Inabot sa'kin yung baso na tinitigan ko lang.

"Bakit ba parang ayaw na ayaw mo sa'kin ah? Wala naman akong ginagawa sa'yong masama ah? Do I?" Tanong ko, saka ko binaling yung tingin sa kanya.

Binaba niya yung kamay niyang may hawak sa baso. "May hindi ka sinasabi sa'min, alam ko. Kaya hindi palagay ang loob ko sa'yo."

Up to this point?

Hindi pa rin ako pwedeng i-accept? How funny is this...

"Hindi kita maintindihan, dyan kana--"

Tatalikuran ko na sana siya kaso bigla niyang hinigit yung kaliwang kamay ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ko Jarret!" I tried, but his grasp is so tight.

"Etong kamay na 'to? Ano ba talagang gustong gawin nito dito, ah?!"

"Ano ba Jarret! Alisin mo nga---fine! I'll tell you! Just let me go!!"

Saka niya binitiwan yung kamay ko.

"Sabihin mo na." Sabi niya habang nakatingin sa'kin ng diretso.

"Katulad mo, gusto ko rin umalis sandali sa pamilya ko. And it's because may gusto rin akong patunayan sa sarili ko. I will help Jenn and Rey na maayos ang titulo ng lupa nila, gagawin kong lahat para matulungan sila. And I mean it, kaya ko silang tulungan---"

"Sinungaling."

"Ano!? Uhg! I can't believe this, ako sinungaling!?"

"Gusto mo silang tulungan? O baka naman gusto mong tulungan yung sarili mo."

"Alam mo, hindi kita maintindihan. Bakit ba ayaw mo sa'kin ah? Wala naman akong ginagawang masama Jarret uh!? Meron ba!?"

"Ang pinaka-ayaw ko sa lahat yung sinungaling, lalong-lalo na yung manggagamit ng kapwa para makuha yung gusto nilang mangyare."

"Huh! Bakit ikaw? Ano bang ginagawa mo dito ah? Base sa nakikita ko, you are well-educated man but why you're here? Di kaya may mas dapat na katakutan sila Rey na pwedeng kumuha ng lupa nila? Hindi kaya Jarret? Sa totoo lang, wala rin akong tiwala sa'yo.Siguro di ka naman talaga umalis sa pamilya mo, baka pinaalis ka nila dahil wala rin silang tiwala sa'yo—Ano ba!"

Bigla niyang hinawakan yung kaliwang braso ko sa may gawing pulso.

Ang higpit niyang makahawak tapos titig na titig pa siya sa'kin. Para siyang kakain ng tao.

Sumobra ba ko? I mean, he started this crap, not me!

"Jarret ano ba! Bitiwan mo nga—nasasaktan ako!"

"Pero ang pinaka-ayaw ko sa lahat,ang banggitin ang tungkol sa pamilya ko."

"Ikaw ang nag-umpisa! Hindi ako---"

"Kung gusto mong tumira dito, kailangan mong matutunan kung kalian magsasalita at kung kailan hinde."

Saka niya parang binalibag yung kamay ko.

Hinawakan ko agad yung gawing hinawakan niya, feeling ko magmamarka siya sa higpit ng kapit niya kanina! Siya ang nauna sa'kin magsalita ng di tama ng di totoo---

"Ang pinaka-ayaw ko sa lahat yung sinungaling, lalong-lalo na yung manggagamit ng kapwa para makuha yung gusto nilang mangyare."

Uhg! I hate this! I lied for the sake of Jenn and Rey, I just want to help---

"Gusto mo silang tulungan? O baka naman gusto mong tulungan yung sarili mo."

Yeah! I admit that. Kung magagawa ko ng tama ang story na 'to, I can make this big. But now?

With this guy... I can't hide anything from him. Parang alam na alam niyang lahat...

But not me, hindi ko naman alam na magagalit siya ng sobra nung nabanggit ko ang family niya. He provoked me to say those things. Sinabihan niya ko ng sinungaling at manggagamit... Pero somehow Adeline Reese, tama ang sinabi niya. You lied and try to use those people to get what you want. UHG! Yes! I'm a total nuts!

"Ate!!"

Patakbo si Jenn sa'kin.

"Ate! Marunong ka ba manggamot??"

"Huh?"

"Si kuya Jarret kasi, yung kamay niya... Nagdudugo. Ayaw niya papigil kay Kuya Rey kanina, sinuntok niya yung puno, galit nag alit ano bang nangyari? "

"Andun sa likod, iniwan nga ni kuya Rey eh."

"Okay, sige. Ako ng bahala, I think I know what can heal those wounds."

"Sige ate."

Naglakad na 'ko papunta sa kubo.

Yeah right, even me, I don't want anybody na may sabihing di maganda about sa family ko.

Nakakainis-nakakainis, yeah! Eat my pride, and I'll cure those wounds...

Saying that I'm sorry.

Yun ay kung di na siya galit, and I doubt it.

-=-=-=-=-=-=-

OKAY! AYAN MAS MAIKLING UPDATE.

DAI NAGSABI ANG HAAABA---ANG HABA HABA HABA HAHAHA. DAW NUNG CHPTER 1.

SOMEHOW, YOU SEE KUNG ANONG DIFFERENT SIDE MERON ANG MGA BIDA, MASYADONG GALIT ANG CHARACTERS NGAYUN AH. STARTING TO JAMES SUMUNOD SI TRACE, TAS SI ADELINE AT HULI SI FAFA JARRET. TAKE IT SLOW MGA BRAD. SOME BEHIND THE STORY REVEALS DIN WITH LOLO MARTINEZ.

IPAMILTA NA MAY CHAPTER 2 NA. SANA MABASA NA NUNG DI MAKABASA

VOTE KUNG NAGUSTUHAN RECOMMEND PA.

AT COMMMMMMMENTSSSSSSS ;) YOU KNOW I WANT THAT. NIBABASA KO KAYA! SAY YOUR WILD GUESSSS AT FEELINGS ;)

ANG MUKHA NG CHARACTERS? AY NAKO! AY NAKO TALAGA! SOON.

YUNG IBANG RD DIYAN NA MAY KA-APELIDO SA DATING RD... IT'S EITHER ANAK OR KAMAG-ANAK SILA OKI? SA RD PAGE NLNG MAKI-UPDATE WHO'S WHO. SANI KASI SA PAGE DALAWA LANG.. DINAGDAGAN KO. ;)

PANO NGA KAYA MAGKAKA-IGIHAN YUNG DALAWA KUNG WALANG TIWALA YUNG SI J AT A SA ISA'T-ISA. CURIOUS? ME TOO *O* GRABE AH AWAY AGAD ANG DALAWA SA BIDA NATIN.

I love that song sa gilid tologo paulit-ulit ko nipeplay. Tas kung anong sumasanib saking eksena lols!

SALAMAT SA MANANATILING READERS AFTER NG CHP 2 LOLS ;)

P.S. Wag magmadali sa stry para Makita natin ang kanilang Real Love ;) nasa gilid yung nasa imaginations ko na lugar kung nasan sila ngayun. Ahmm meron diyan yung tinutukoy ni adeline na dinadaanan nila papuntang bayan yung puro puno ang paligid... ay basta haha

NAKAPUBLIC NA ANG CHAPTER 2: CHPTER 1 LANG TALAGA ANG NAKA PRIVATE EH.

berna3gurl

A.B.Castueras

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...