[BME 3] : BE MY ESCAPE

By witcheverwriter

2.5M 33.8K 12.5K

The very thing I hate to lose is my everything. And the cruelest thing in the world is the truth. In desperat... More

~ Troy ~
1. His promise.
2. Selfish indeed.
4. Goodness' sake!
3. Love, lies, and lives.
4. The Numb. The Martyr.
5. Every place and every face.
6. She's back. He's not.
Zecrets...
~ Arianna ~
1. Every possibility.
2. Who knew.
3. It hurts.
4. Holding on and letting go.
5. Where does this leave us?
6. Ticking time bombs.
7. What happened to moving on?
8. Haunted hearts.
9. Surprise, surprise.
10. Once upon a night.
11. The miserable ones.
12. Forgive and forget.
13. Not too soon.
15. The Great Wall of Arianna.
16. Home alone.

14. F-ck promises.

84.9K 1.7K 1.5K
By witcheverwriter



14. F-CK PROMISES

"NAMI-MISS ko na 'yung kambal mo na 'yun, ni hindi man lang ako madalaw sa bahay, e," natatawang sabi ni Mommy Geli kay Brianna.

"Mom, busy sa work, hayaan mo na," pagtatanggol naman ni Brianna sa kambal niya.

"Bakit, ikaw, hindi ka busy?" balik naman sa kanya ng mommy niya.

"Wala pa kasi akong asawa," napangiting sabi na lang si Brianna.

"Wala ka naman atang balak, bruha ka."

"Ha!" natawa na lang siya.

Papunta sila sa company ni Arianna ngayon. Sosorpresahin daw nila si Arianna. Girls bonding daw. Ang mommy niya kasi, nagtatampo na sa kambal niyang 'yon. Ni hindi man lang nga raw kasi dumadalaw sa parents nila. Siya, she made sure na madalas siyang nakakauwi sa bahay. But her twin, Arianna, maybe was too busy with her life.

Pinalis niya na lang sa isip niya ang kung ano mang maaaring pinagkakaabalahan ni Arianna kung bakit hindi 'to nakakauwi man lang sa kanila.

"Kotse 'yun ng kambal mo, di ba?" pukaw sa atensyon niya ng mommy niya.

"Yeah, I think it is. Sa'n pupunta 'yun? Wait, I'll call her." Sinubukan niyang tawagan si Arianna, pero ring lang nang ring at napupunta na sa voicemail.

"Baka naiwan ang phone sa office. Sundan na lang natin," suhestiyon ng mommy niya.

"Mmkay," kibit-balikat na sang-ayon niya na lang at sinundan na nga niya ang sasakyan ni Arianna.

Pero kinutuban na siya ng hindi maganda nang mapagtanto niya kung saan papunta si Arianna.

"S-she's heading to Bulacan. I think busy talaga siya, Mom, next time na lang?" kinakabahang sabi niya sa mommy niya.

This was not good. She knew where her twin was heading. God, she should turn the car now.

"Tch, hindi. Nandito na rin lang, sundan na," matigas na utos ng mommy niya.

"Pero, Mame-"

"Sundan na, aba," putol nito sa kanya at napapikit na lang siya.

Sana mali ang nasa isip niya. Sana mali. Sana.

After almost an hour, nakarating na sila kung saan ang narating ni Arianna. Pumasok sa loob ng malaking gate si Arianna, habang sila ng mommy niya, nanatili sa loob ng sasakyan.

"Saang lugar 'to, kanino namang bahay 'yung pinasukan ng kapatid mo?"

Napayuko na lang si Brianna sa manibela.

"May client ba siya rito, 'nak?"

Pero hindi makasagot si Brianna. Ni hindi siya makapag-angat ng tingin.

"Anak, huy..."

"We should go, Mom," sabi niya sa mommy niya habang nakayuko pa rin sa manibela.

"Bakit naman? Hintayin na natin, magtatagal ba si A sa loob?"

"Mom, we should go," bahagyang tumaas ang boses na ulit niya.

"Anak, ang weird mo. Ano ba'ng problema? May masakit ba sa'yo?"

Ewan. Ayaw niyang ilaglag ang kambal niya. Ayaw niyang magalit ang mommy niya kay Arianna pero nang maisip niya ang pag-uusap nila ni Tim Angelo noong nakaraang lingo, feeling niya kailangan nang may ibang makaalam.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Brianna, nag-angat ng paningin pero hindi sa mommy niya, tsaka siya nagsalita at umamin. "It's TJ's house, Mom."

"A-ano?"

Rinig na rinig niya ang gulat sa boses ng mommy niya at nang lingunin niya 'to, nag-reflect lang ang boses nito sa reaksyon nito.

"It's TJ house," mata sa matang ulit niya sa mommy niya.

Ilang minutong tahimik lang sila. Ang mommy niya, tulalang-tulala, habang siya, ewan, pero kinakabahan siya.

"Alam ba 'to ni Tim?" mahinang tanong ng mommy niya.

"No," she lied. She f-cking lied.

At sa sandaling 'yon mismo, napagdesisyunan ni Brianna na tama na. Sobra na. Kailangan nang tumigil ni Arianna.

--

"TAMA na yan, Brianna," awat ng mommy ni Arianna kay Brianna tsaka siya nito binalingan, "Let's go home, Arianna."

Arianna felt TJ tensed beside her. Mas humigpit ang hawak nito sa kanya, at mukhang napansin 'yon ng mommy niya dahil napadako ang tingin nito sa mga kamay nila ni TJ.

Her mom's eyes went to TJ. "I missed you, anak. Na-miss kita, na-miss ka ng lahat... Pero bitawan mo muna ang anak ko dahil hindi siya sa'yo."

"Mom-"

"Uuwi tayo," putol sa kanya ng mommy niya, "Sumakay ka sa kotse mo at sumunod ka sa'min ng kapatid mo."

Nag-aalalang napatingin si Arianna kay TJ. Bigla na lang ayaw niyang iwan si TJ. Bigla na lang gusto niyang manatili kasama 'to. Natatakot siya. Natatakot siya ngayong nahuli na sila. Ito na ba ang katapusan nila?

But TJ gave her hand a gentle squeeze, his jaw hardened but he nodded his head to her, telling her to do what her mother had told her.

"Ngayon na, Arianna," matigas na ulit ng mommy niya.

Tinatagan ni Arianna ang sarili niya. Ginantihan niya ang higpit ng hawak ni TJ sa kamay niya, tinitigan 'to sa mga mata at nangako. "I'll call."

"I'll wait."

She nodded as she slowly let his hand go, never leaving his eyes as she went for her car.

Nag-convoy sila ni Brianna pauwi sa bahay ng mga magulang nila. Habang nasa byahe pa lang, pinag-iisipan na niya kung ano ang ipapaliwanag niya sa mga 'to, kung pa'no niya lulusutan 'to, pero wala na talaga. Nahuli na sila. All she was left to do was confess.

God, Angelo...

She immediately thought of her husband. Ano'ng mararamdaman nito? Alam na ba nito? Ano'ng nararamdaman nito? Iiwan na ba siya nito? Everything was a blur. She was torn.

Pagdating nila sa bahay, inaasahan niyang makikita niya ang daddy niya pero hindi niya 'to nakita ro'n.

"May business dinner ang daddy n'yo at male-late siya ng uwi," pagbibigay alam sa kanila ng mommy niya.

"Did... Did you tell him, already?"

"And make him ditch his company? No, hindi ko pa sinasabi sa kanya."

Para siyang nabunutan ng tinik sa narinig niya. Natatakot siya sa daddy niya. Sa kung ano'ng magiging reaksyon nito, sa kung ano'ng sasabihin nito. Hindi niya ata kaya na buong pamilya niya ang makaharap niya ngayon.

Tumahimik ang mommy niya, at ganu'n din siya. Naupo siya, habang ang mommy niya, nakatayo lang at halatang hindi mapakali. Si Brianna, nakasandal lang sa pader at kanina pa nakamasid lang sa kanila.

Silence was killing her. When would they ask her? When would they shout at her, when would they slap the reality to her? It was nerve-wracking, she couldn't wait for it to just end.

"M-mom..." lakas loob na tawag niya sa mommy niya at lumunok siya, "Say something... Please."

Matuling bumaling ang mommy niya sa kanya. "Katulad ng ano? Ng mali ang ginagawa mo? Ng dapat mamili ka na sa kanilang dalawa? Na hindi lang si Tim ang niloloko mo, hindi lang kami, kundi pati ang sarili mo? Kailangan ko pa bang sabihin sa'yo lahat 'yan? Alam kong alam mo 'yan. Alam kong matalino ka, Arianna, pero bakit mo ginagawa 'yan?"

Napayuko si Arianna, mariing napapikit at nanginginig ang mga boses na umamin, "Mahal na mahal ko si TJ."

Dito at dito lang naman mauuwi ang lahat, di ba? Kaya mabuti pang umpisa pa lang, aminin niya na. Kahit na alam naman talaga ng mga ito ang katotohanang 'yon.

"At si Tim?"

Napaangat ang ulo niya at diretsong tinignan ang mommy niya. "Mahal na mahal ko rin si Angelo, Mommy," matuling sabi niya, "Mahal ko sila pareho..." Bumaba ang boses na amin niya. "Mahal na mahal ko sila...."

How f-cked up was that?

Ilang sandaling natahimik sila. Hindi siya nag-aangat ng paningin. Natatakot siyang makita ang pamumuhi sa mga mata ng mommy niya at ni Brianna.

"Masaya ka na ba?" biglang tanong ng mommy niya at wala siyang naisagot kundi ang mapatingin ditto, "Lahat kami, hiniling namin na maging masaya ka. Masaya ka na ba?"

F-ck.

Napakagat siya sa labi niya. Tears were starting to pool in her eyes.

"Sa araw-araw na ginawa ng D'yos, walang araw na hindi ko ipinagdasal sa kanya na sana maging masaya ka na. Sa ginagawa mo, anak... masaya ka na ba?"

F-ck.

Hindi siya makasagot. Nagbabadya na ang mga luha niya na tumulo mula sa mga mata niya. Ano'ng isasagot niya? Masaya ba siya? Hindi ba't nahihirapan din siya?

"Kasi anak..." Biglang tumigas ang tonong gamit ng mommy niya. "....noong hiniling ko sa Diyos na maging masaya ka, hindi ko hiniling na manakit ka ng iba."

Just f-ck.

"Mom, Hindi ko naman 'to ginusto, e." Ginusto niya ba 'to? Hindi rin naman, e.

"Hindi mo gusto pero ginagawa mo? Anak, kailan ka pa naging tanga?"

"Nu'ng pagod na kong masaktan, Mom," matigas na tugon niya sa mommy niya. It was as if her mom hit a nerve. Pero agad na bumaba ang boses niya. "Pagod na pagod na 'kong masaktan."

"Kaya ikaw naman ang nananakit ng iba?" Umismid ang mommy niya habang natameme na lang siya. "Ganu'n ba? Aba, may katwiran ka namam pala, anak."

Pero hindi niya intensyon na manakit ng iba. Hindi niya intensyon. Ang gusto niya lang, makasama si TJ. Ang gusto niya lang, sumaya siya kahit saglit lang. Saglit lang naman, e. Pero hindi niya intensyon na manakit ng iba. Hindi.

Kitang-kita ni Arianna ang pagkadismaya sa mga mata ng mommy niya nang titigan siya nito sa mga mata at muling nagsalita. "Ang gusto ko lang, maging masaya ka. Pero kung sa pananakit ng iba ka sasaya... baka mas mabuti pang maging miserable na lang ulit."

Parang kutsilyong itinarak sa puso niya ang binitawang mga salita ng mommy niya.

Napatulala na lang siya.

Gano'n na siya kinamumuhian ng mommy niya. Gano'n na siya kasama sa tingin nito. Gano'n na ba siya kasamang tao?

Wala na ang mommy niya. Nag-walk out na 'to ang nagpunta na sa itaas habang siya, naiwan siyang tulala ang ninanamnam ang masasakit na salitang iniwan sa kanya ng mommy niya.

"You and Tim were almost there."

And now, let us hear it from Brianna.

Naikuyom niya ang mga palad niya.

"If you'd just give him a chance, A, if you would just give Tim enough chance, he could be your everything."

"He was my everything!" she cried out as she looked at her twin's eyes.

Nanlalabo ang mga matang ibinaba niya ang tingin niya at bumulong, "After TJ... Before TJ..." She looked at her twin's eyes again and spoke, "Angelo was my everything. But you know damn well that I'd be willing to give up everything just to be with Troy."

"Then give him up!"

"I can't," she murmured, her tone hard.

"You can't? Hindi mo ba nakikita na mali ang ginagawa mo?"

Nakikita. Kitang-kita niya.

"Hindi mo rin ba makita na walang patutunguhan ang relasyon n'yo ni TJ? A, bakit hindi mo na lang tanggapin na si Tim ang para sa'yo? TJ is the wrong one for you, can't you see it? Oo, nagkaro'n kayo ng magandang love story noon. Saksi ako ro'n, A, sinuportahan ko pa kayo nang sobra noon. Pero ano ngayon? Hindi ba't puro sakit at gulo na lang ang dala niya sa'yo? A, wake up! TJ is wrong for you!"

Nagtagis ang mga bagang ni Arianna.

Alam niya naman, e. Alam niya.

Oo, siguro nga, mali si TJ para sa kanya at si Angelo ang tama. Kasi okay siya kay Angelo. Masaya siya, okay siya. Pero kapag kay TJ, ang daming sacrifices, ang daming pain. Siguro nga. Siguro nga si Angelo ang tama, at si TJ ang mali para sa kanya.

Napaismid siya, malungkot na napangiti at binato ng naghahamong tingin ang kambal niya. "Do you know how it feels? Being with the right person and wanting to be with the wrong one?"

Did she?

"Nagkataon lang na kaya n'yong kumalimot dahil hindi sapat 'yung pagmamahal n'yo. Nagkataon lang na 'yung mga mahal n'yo, mahal din kayo. Nagkataon lang na walang hadlang sa pagsasamahan n'yo. Nagkataon lang na hindi kayo ang nasa sitwasyon ko... Nagkataon lang na hindi kayo ako, Brianna. Nagkataon lang na hindi kayo ako."

Totoo naman, di ba? Ang daling manghusga, ang daling mamuhi sa iba. Pero alam ba ng mga 'to ang hirap na pinagdaanan niya? Na pinagdaraanan niya? Di ba, hindi naman? Siya lang ang nakaramdam ng sakit, siya lang ang nakaramdam ng hirap.

"Pero sapat ba na dahilan 'yan, A? Oo, nasaktan ka. Oo, ibang sakit 'yung naramdaman mo, pero, A naman... bulag na bulag ka na. Bulag na bulag ka na. Ni hindi mo na makita kung alin ang tama at mali."

"Oo na, mali na ako!" hindi na nakapagpigil na bulalas niya, "Mali ako, maling-mali ako. Alam ko 'yon, Brianna! Pero ano ba 'yung tama? 'Yung kalimutan ko si TJ at makuntento kay Angelo? Tell you what, I tried. And you know what? I'm tired."

Kasi kahit ano'ng gawin niya, iyon lang ang hindi niya magawa. Kahit ano'ng pilit niya, hindi niya makaya.

"Kaya kahit sandali lang... Kahit nakaw na sandali lang, pipiliin ko makasama ko lang ang mahal ko," umiiyak na amin niya kay Brianna. She glared at Brianna. "You haven't experienced a love like mine. You haven't experienced the pain I'm going through so don't you dare preach me as if you know how I feel because you don't have any idea how much it hurts. You haven't experienced a life like mine, kaya 'wag mong sabihin sa'kin na mali ako dahil alam ko. Alam ko... Pero ito lang 'yung alam kong paraan para sumaya ako."

"Pero, Arianna, sobrang mali," pagdidiin ni Brianna.

God, this was the whole point. Mali siya. Mali siya. Maling-mali siya.

"Alam ko," mata sa matang tinitigan niya ang kambal niya, "You'll always be right and I'll always be wrong. Alam ko 'yon. Naiintindihan kita. Pero hinding-hindi mo 'ko maiintindihan. Dahil hindi mo pa nararanasan."

"Then just let Tim go, A."

Mariing napapikit siya. She should. She knew she should. All this time, she knew she should. But why couldn't she?

"Kasi naniniwala ako sa'yo. Naniniwala ako na hindi mo kayang kalimutan si TJ at naniniwala ako na kayang mong i-give up ang lahat para sa kanya." Napatitig siya kay Brianna. Kinakampihan ba siya nito?

"Umpisa pa lang, talo na si Tim, di ba? Umpisa pa lang wala na siyang laban."

"I tried. You know I tried. I did my best to forget TJ, but-"

"It'll never work," Brianna cut in, "Right? Because apparently, Tim is your everything and TJ could be just the tiny part of you, but that tiny part is all you need, all you want, all you love that you can't live without. Right?" Brianna said the words as if she was tired of repeating it when everyone else already heard and knew it.

She couldn't speak. She couldn't think of a word to say to her twin. Tumulo na lang ang luha niya sa pagpapamukha ni Brianna sa kanya. Alam niya naman lahat 'yon, e. Alam niya. Pero ang bigat pa rin talaga kapag may nagpamukha na sa kanya.

"Then give him up, A. Let Tim go. Tutal kayo naman ang mas may karapatan ni TJ, di ba? Kayo 'yung unang kasal. Then go. Set them free so you could also be free."

Nakikisimpatya si Brianna. Nararamdaman niya ang awa para sa kanya ng kambal niya.

Pero kasi, hindi nito naiintindihan, e.

Humugot siya ng malalim na hininga at nagbuga. "Hindi ko pwedeng gawin yon. Tingin mo ba gano'n kadali 'yon? Oo, alam ko mas may karapatan kami. Pwede naming ilaban sa korte kung gusto namin pero Brianna, mahal niTJ ang mag-ina niya at alam mong mahal ko si Angelo."

"Pero hindi sapat, alam ko rin 'yon."

"Oh, give me a break! Kung kaya ko lang lagpasan, bakit hindi? Kung kaya ko lang ibuhos sa kanya ang lahat gagawin ko! Brianna, nahihirapan din naman ako, e! Nahihirapan din ako!"

"Kaya nga pakawalan mo si Tim at magsama kayo ni TJ para hindi na kayo mahirapan! Masaktan na ang mga masasaktan! At least ginawa n'yo 'yung tama!"

"Alam mo ba kung gaano kahirap 'yang sinasabi mo? Brianna, anumang desisyon ang gawin ko, alam kong pagsisisihan at pagsisisihan ko."

"Then it's obvious! You're just selfish, A! You're too selfish to risk a heartbreak and set one of them free! I can't believe you are too damn selfish that you'd rather do wrong things than make things right for once and for all!"

Brianna's words struck her. She was right. Brianna was right. She was being selfish and she didn't know it. She was busy enjoying being happy that she didn't notice she was being selfish. She knew she was f-cked up, but she didn't know she was this f-cked up.

"Maybe, now, you have them both. But what if the end, you'd lose them both?"

Napalunok siya sa palaisipang ibinigay sa kanya ni Brianna.

Bakit... Bakit hindi niya naisip 'yon? Ang lagi lang nasa isip niya, isa ang mawawala. Bakit hindi niya naisip 'yon?

"You should know that by now, A. Life is unfair. You can't have everything, but you can lose everything."

Takot ang naramdaman niya sa sinabi ni Brianna. She was right. She should know that by now. She had experienced it when she lost TJ. But then Angelo came in and picked up her broken pieces and made her whole again. But now that TJ came back......

Kaya niya bang mawala ang taong bumuo ulit sa kanya? Kaya niya ba? E 'yung minsang nawala na sa buhay niya na halos ikamatay niya? Kaya niya bang mawala ulit ang taong 'yon sa kanya?

Umiling siya sa sarili niya. Hindi niya kaya. Hindi niya kaya. Hindi niya pa kaya.

"I promised I won't let him go, B," she whispered.

"F-ck promises, A. They're just ugly lies wrapped up in beautiful words, so f-ck them."

"Hindi mo kasi naiintindihan," tiningala niya si Brianna, "It would break him if I let him go."

She made a promise to Angelo. That she wouldn't ever let him go. Just so he could promise her he wouldn't. Because she was afraid of losing him. She made him promise her that. She made that to him. It was her.

"You think you're not breaking him now? Oh, yeah, because you're killing him."

Salubong ang mga kilay na napatitig siya kay Brianna.

Ano'ng ibig nitong sabihin?

"I get it. It doesn't matter if you let him go, right? It will only matter if he's the one to let you go. Is that it? You don't want to be the one to break it up, you don't want to be the bad guy, but apparently you are." Brianna's words hit home. "You and Tim's relationship is already broken, A. You're just both covering it with a f-cking tape and paint it colors just so it'd appear unbroken, solid-and what-perfect, in everyone's eyes."

Nalilito siya. What was Brianna trying to say? Hindi niya maintindihan.

"I see you're confused. Didn't I mention?" She looked at Brianna's eyes and they showed sympathy, but not for her. "Tim knows about you and TJ's secret affair."

It was as if a bomb exploded in her heart.

"So, yeah. You definitely know you'd break him. You just didn't know you already are."

--

A WEEK AGO...........

Hindi mapakali si Brianna habang nakaupo siya at hinihintay ang pagdating ni Tim Angelo mula sa meeting. Nasa office siya nito at dito na siya pinatuloy dahil saglit na lang naman daw at matatapos na.

Ilang buwan na siyang binabagabag ng konsensya niya. Hindi niya na kaya. Hindi na talaga.

Bumukas ang pinto at pumasok si Tim Angelo. "Hey. What brought you here?" masiglang bati nito sa kanya.

Pero hindi siya sumagot, imbis, hinintay niyang makaayos 'to at makaupo sa harap niya.

"So?" nakangiting tanong nito sa kanya, clueless sa susunod na sasabihin niya.

She swallowed. She could do it.

"Let Arianna go."

Matuling nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Tim Angelo at napamura na lang si Brianna sa isip niya.

"What... What are you saying?" sinubukan pang ngumiti ni Tim Angelo pero palpak 'yon.

"Pakawalan mo na si Arianna, Tim. Hiwalayan mo na siya," halos pakiusap niya na.

Nagtagis ang mga bagang ni Tim Angelo. "Bakit?"

Sabihin mo na, Brianna. Sabihin mo na.

Napapikit siya nang mariin. Kaya niya 'to. Kaya niya.

"Because she's cheating on you. With TJ."

And they both knew-everyone knew-her twin would choose TJ over Tim Angelo.

"I know. So, what?"

Turn naman ni Brianna ngayon para malito. "Y-you know? W-what do you mean you know?"

Nag-iwas ng tingin si Tim Angelo sa kanya. "I know. She's been cheating on me for months. I know that."

W-what?! "A-alam niya ba na alam mo?"

"No," tipid na sagot nito, tumayo at tumingin sa labas ng bintana.

What was wrong with this man?! Alam nito pero wala man lang 'tong ginagawa? Ni hindi man lang nito ipinaalam kay Arianna?

"Tim-"

"I'm fine, Brianna. Thanks for the concern, but I'm fine."

"You're not, What do you mean you're fine, you're not!" salungat niya. Okay 'to gayong niloloko 'to ng asawa nito? Ng kambal niya? Ganito ba 'to kamartir kay Arianna? "Tim, alam kong mahal na mahal mo si-"

"I'm not letting her go."

Natigilan na lang si Brianna. Determinado ang boses ni Tim Angelo. May pinalidad.

"But-"

"I'm fine, Brianna," paninigurado ni Tim Angelo sa kanya pero hindi 'yon bumenta sa kanya. "I'm fine. As long as she's mine, I'm fine."

F-ck that.

"Tim-"

"Let's keep it a secret, shall we?"

"But, Tim-"

"Promise me." His eyes held hers and she wanted to shout at him to just wake the f-ck up but she swallowed it, clenched her jaw and nodded.

"Thanks for the visit, Brianna," Tim Angelo said, effectively dismissing her.

Gusto niya pang magsalita. Gusto niya pang sabihin ang lahat ng nalalaman niya pero wala. Walang pag-asang mapilit niya si Tim Angelo na makipag-usap sa kanya. Desidido 'to. Mahal na mahal talaga nito ang kambal niya to the point na nagpapakamartir na 'to.

What was her twin doing with a man like Tim Angelo? Why couldn't she see this man's worth?

Nanlulumong tumayo siya at tumalikod.

"Thanks for the honesty, Brianna. I appreciate it." Her steps halted as Tim Angelo spoke. "But I'm never letting her go."

F-ck promises.

- - -

Continue Reading

You'll Also Like

413K 5.5K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
3.4M 95K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
4.9M 136K 76
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
782K 40.5K 61
• BOOK LAUNCH on April 25-28 at the Philippine Book Fest • Featured in WattpadRomancePH's Official Reading List! •Highest Ranking: #1 Savior *** One...