Love A Lifetime (Completed)

By Aiahanie

58.3K 3.1K 71

VCAD SERIES #1 Yenicka Romualdez celebrated her 21th birthday inside a luxury and a well-known club, she want... More

PROLOGUE
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

05

2.3K 147 3
By Aiahanie

CHAPTER FIVE

My life was in hell, my dad let go of me because he cannot accept that I got pregnant earlier that he could ever imagine. Itinakwil ako at ang apo niya, may parte sa puso ko na naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit niya, kagaya ko ay nabuntis si mom nang maaga. Isa na iyon sa dahilan kung bakit sila nagpakasal ng maaga.

Lumuwas akong Paris kung saan nakatira si lola, ang ina ng mom ko. Tinanggap niya ako ng buo at ang magiging apo niya sa tuhod. Doon ako nagpakahirap, doon ko sinanay ang sarili ko na kaya kong gawin ang lahat ng bagay sa sarili ko. Simula kasi pagkabata ko ay lagi ko nalang nakukuha ang gusto.

Mahirap man ay kinaya ko ang pagsubok kung saan ay natapos na ako sa pagbubuntis pero isa na namang nakakatakot pero worth it na pagsubok, ang maging ina sa anak ko.

Hindi siya ko pa siya ipinapakilala sa mga tao, wala ni isang picture niya sa social media dahil ayaw ko siyang pangunahan, paano pala kung ayaw ng anak ko sa industriang ito kung saan ay kilala siya sa mundo, kung saan ay pinagkakaguluhan siya ng mga tao, wala naman siyang sinasabi pero narin siguro na hindi ko pa muna i-bubunyag sa buong mundo ang mukha ng anak ko, sapat na siguro iyong alam nilang may anak na ako para tigilan ako sa pagshi-ship sa iba't-ibang lalaki.

Aaminin kong napakaraming nanliligaw sa akin pero hindi ko sila tinatanggap, wala ni isa, siguro dahil may anak na ako at sapat na kaming dalawa lang ang magkasama habang-buhay.

"Finally, you came."

Marahas akong napabuga sa hangin nang humarap si Adrian sa akin na may ngisi sa labi.

"I thought you wouldn't come, sit." I rolled my eyes at him. Pinaghila niya ako nang mauupuan bago umupo sa tapat ko.

Inaayos ko ang tela para ipatong sa aking hita nang magsalita siya. "You're so beautiful." Mahinang sabi niya. Ngumiti nalang ako dahil sa hiya at saka may kakaiba sa tingin niya. Is he amazed? Amused?

Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon saka umayos ng upo. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"While waiting for the food to be served, why don't we talk first, mister Vergara?"

Ipinatong niya ang magkabilang siko sa ibabaw ng mesa saka pinagsiklop ang mga kamay. "Let's talk after we ate. Shall we?" Tanong niya saka itinaas ang kamay. Doon na pumasok sa eksena ang dalawang waiter na may hawak na trays na may lamang pagkain.

I gasped in an awe. "Bakit ang dami naman nito, tayong dalawa lang naman diba?"

He smiled. "Yeah."

"Then why so many? Sigurado ka bang kakainin lahat natin iyan? What if pwedeng isauli?"

"Kung hindi natin mauubos ito ay itake-out natin, madaming naghahangad makakain ng pagkain ng tatlong beses sa isang araw, dadaan tayo ng isa kong pasyente sa bahay-ampunan."

My eyes widened. "Ano?! Akala ko ba mag-uusap na tayo tapos tatantanan mo na ako?!"

"Calm down, remember Hannah?"

"Hannah, who?" I asked, nagkukunwaring walang alam.

"Oh, do not play innocent, Yen. I have eyes all over my hospital, I saw you peeping while Hannah and I talked, gusto ka niyang makilala. And after our talk, I will pretend like nothing happened between us years ago."

I sighed in relief. "Buti naman pumayag kang hinayupak ka." Mahinang bulong ko bago nagslice ng kinain ang lettuce. I love salad, it's healthy.

"What did you say?"

I shook my head. "Nothing."

Tahimik kaming kumakain, nakailan na niya akong niyayang kumain sa labas, he'd always say that we will talk but until now, I do not know what does he want to talk. Kailangan ko nang magtiis sa lalaking 'to, gagawin ko lang ang lahat para tatahimik lang ulit ang buhay ko, ang buhay naming mag-ina.

"Sana tuparin mo ang pangako mo na ito na ang huli na yayain mo akong kumain kasama ka."

"Akala ko hindi ka makakapunta dito, what changed your mind?"

"Mister Vergara, iniiba mo ang usapan!"

"Adrian, call me by my name. Answer my question first, what changed your mind? You said you're busy from work and you'd overtime but here you are." Iminuwestra niya ako. Napatigil sa pagkakain at pinasiklop ang mga kamay.

"Gusto ko lang naman matapos itong pag-uusapan natin para tumahik naman ang buhay ko."

Nagkibit-balikat siya. "If that's what you want."

"Ano na?"

"What?"

Hindi na ako nagtanong pa at nag-pokus nalamg sa pagkain, walang saysay ang pagtatabong ko ng paulit-ulit kung hindi niya rin naman sasagutin. Mas maigi nalang ang tumahimik.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami at pumuntang hospital, nang makarating na kami doon ay kakatapos lang kumain ni Hannah, noong huling linggo ko siya una at huling nakita pero pansin kong medyo namayat siya ng kaunti. Hindi ba siya kumakain ng maayos?

"Hello doc!" Iyon kaagad ang bulaslas niya nang makapasok kami ni Adrian, lumapit si Adrian sa bata at niyakap siya nang ingat na ingat.

Napangiti ako sa nakita, Adrian is sweet amd caring even though he goes naughty sometimes.

"Hannah." Nagulat ako nang pagkasabi ni Adrian sa pangalan ng bata ay niyakap niya ako sa beywang. Namilog naman ang mata ng bata sa gulat. Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko sa beywang ko ngunit mas lalo niya pa akong hinapit papalapit sakanya. "Siya ang tinutukoy ko sa'yo."

Kuminang ang mata ng bata sa tuwa. "Talaga po? Kayo na po? Kailan naman po?" Sunod-sunod na tanong ng bata, she looks so adorable, baka magkasundo sila ng anak ko.

"Hindi..." Napatigil ako sa pagsasalita nang hinaplos ako sa braso ni Adrian palihim na parang pinapaalala sa akin ang usapan namin kanina.

"Hannah used to live inside the bahay-ampunan but when her sickness attacked her: she was confined in the hospital, noong una ay pabalik-balik siya doon para lang magpacheck-up. Naawa ako sa bata at sa kalagayan niya kaya kinausap ko ang mga madre na kung pupuwede nalang siyang mag-stay sa ospital habang nagpapagamot, she has been suffering Leukemia for more than two years, pabalik-balik narin at iyon ang nakakatakot. She used to be my friend when infact she's too young. Para ko narin siyang turing na anak. Napakabait ng bata kaya sana pwede ba akong manghingi ng favor sana?"

I nodded in agreement.

"Can we pretend to be in a relationship infront of her?"

"Ano?!" Gulat na bulaslas ko.

He sighed. "Hannah wanted the best for me, gusto ka raw niya makilala sa lalong-madaling panahon, gusto raw niya akong makitang masaya kasama ang babaeng matagal kong hinahanap at ikaw ang babaeng matagal kong hinahanap, Yen. Ikaw."

"Oo, Hannah, kami na ni Yenicka, kakasagot nga niya sa akin eh kaya agad ko siyang dinala dito para makilala mo. Diba gusto mo siyang makilala noon pa?"

"Oo naman po! Lagi mo siyang kuwento sa akin eh."

"Hannah, meet your tita Yen. Yen, she is Hannah, my very important patient."

I extended my hand to Hannah and she quickly accepted it. "Nice meeting you, Hannah, I heard a lot about you from Adrian."

Ngumiti siya ng todo. "Wow! Ang ganda niyo po!" Manghang sabi niya kaya napangiti ako. "May kapatid po ba kayong lalaki? Iyong kaedaran ko po sana?"

I cannot help but to laugh at her naughty question. Umupo ako sa tabi niya saka hinaplos ang pisngi niya. "Silly, you're too young for that thing, ilang taon ka ba?"

"Seven po, mag-e-eight po next month."

"Talaga?" Manghang tanong ko. "Big girl ka na pala, magiging lady ka na soonest."

"Sana nga po." Malungkot niyang sabi at napayuko.

I smiled, hinaplos ko siya sa magkabilang balikat niya kaya napatingin siya sa akin. "Magtiwala tayo sakanya, hmn?  Magiging maayos din ang lahat, malalagpasan natin ang pagsubok na ito, ha?"

Napabalik sa magandang ngiti ang ngiti ni Hannah. "Salamat po, totoo po pala si doc, ang bait niyo po." Napangiti ako't hinaplos siya sa pisngi.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagpaalam si Adrian dahil kailangan pa raw muna niyang magrounds sa mga pasyente niya bago kami makakaalis papuntang bahay-ampunan.

Matapos ang rounds ni Adrian ay kami ng nurse ni Hannah ang tumulong na magpalit ng damit niya. Pinaupo siya ni Adrian sa wheelchair at tinulak iyon hanggang sa makalabas kami ng ospital.

"Welcome back, Hannah!" Sigaw ng mga bata at ang mga madre nang makababa kami galing kotse. May mga efforts pa ang mga bata, may kanya-kanyang gawang arts para kay Hannah, agad nila itong ginawaran ng yakap na parang namimiss nila ito. Sa kakatingin ko sa mgaa bata ay hindi ko napansin na hawak pala ni Adrian ang pasalubong namin sa mga bata.

"Tulungan na kita." Sabi ko ngunit umuling siya, pero nagpumilit ako, mabigat ang dala-dala niya.

"Yen..." Tatanggi na sana siya pero nagmatigas ako.

"Hindi por que lalaki ka ay ikaw na ang hahawak ng lahat." Sabi ko at inunahan siya sa paglalakad.

Napapatawa ang mga bata sa tuwing gumagawa ng kalokohan ang clowns sa harapan nila, kada Sabado raw ay may nagpapanggap na clowns para pasayahin ang mga bata.

Seeing them happy, makes me feel guilty, ang anak ko, naiwan na naman sa apartment kasama ang yaya Sara niya, nalulungkot na siguro iyon dahil pinipigilan kong lumabas ng bahay. Nakakaguilty.

~~~~

"Penny for your thoughts?"

Kaagad kong tinanggap ang ibinigay niya sa aking ice cream cone, mango is my favorite at sakanya ay chocolate. Mainit kasi kaya nag-ice cream nalang kami kahit gabi na.

"Salamat."

"Walang anuman."

"Ahm, mag-uusap na ba ta'yo?"

Napabuntong-hininga siya. "Why rush?" He asked.

Napaikit ako habang nilalantakan ang ice cream. "Para matapos na ang pag-uusap natin." Sabi ko nang hindi siya tinitingnan. Nandito kami ngayon sa likuran ng kotse niyang pick-up, nakaupo, nakaharap sa mga ilaw ng mga bahay-bahay mula sa kalayuan.

"I wonder what keeps you busy the past years? Are you okay then and now?"

Nagulat ako sa tanong niya. Pero kaagad din namang sumagot. "So far so good, naging busy sa stuffs. I was a, uhm, designer so I did lot of stuffs. I stayed in Paris until I built my own clothing line store." Napanganga siya.

"You are? Wow, what's the clothing line name?" He asked.

"Golden Elegance."

"Oh, that's good." Tumango-tango ako.

"Yeah..."

"What?! Golden Elegance? I remembered that clothing line name that my mom's into! I saw from my mom's dress, are you perhaps, are you the designer of the Golden Elegance?"

I nodded. What's the point of hiding it? But I was wrong, akala ko iyon lang ang malalaman niya tungkol sa akin pero para akong hinulog sa malamig na pool sa sunod niyang tanong.

"You are that designer and you have a daughter?"

Continue Reading

You'll Also Like

87.3K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
116K 1.8K 30
UNO: Titan Aragon Warning (R18+) Contains matured scenes and effects. Highest rank on random #2 "Then Remember this" ngumisi ito. "I will not going t...
491K 7.5K 42
"from now on i own you" Yun ang mga katagang nagpawindang kay debbie ng sabihin yun ng isang lalaking naka shirtless pagmulat niya ng mga mata at eto...
609K 14.4K 40
Warning... This story is un-edited, so expect typo,wrong grammar,wrong spelling...etc. Asahan niyong may spg po ito... Salamat.. ------------------))...