Vanilla Sky (Lesbian Love Sto...

By dark19

32.2K 3.4K 657

(CallenxDaphne's love story) Lesbian love Story More

1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25

2

1.5K 173 33
By dark19

Roian's POV

Inayos ko ang pagkakakumot ni Kaia at si Cy naman ay napatabi na sa anak namin ng higa after nyang magpalit sa banyo. Yinakap nya si Callen.

"Mahal ko 'to kahit abnormal 'to eh!" natatawang saad ni Cy na kinasimangot ng mukha ko. Lagi nyang niloloko si Callen!

"Nagmana sayo eh." bara ko na kinatawa nya. Nag iwan  ako ng message sa group chat namin nina Amber, Shann , Hunter at Puffy na natutulog na yung mga bata.

Sa tigas ng mga ulo ng mga batang 'to kaya nagtutulungan kami na subaybayan sila kapag ganitong sama sama kaming lumalabas. Tulad ngayon ang usapan namin ay doon kami sa rooftop magse-celebrate pero ang mga hinayupak gumawa ng sariling party sa may sea side! Kundi ka ba naman mautas!

Mayamaya ay natahimik si Cy at napasandal sa headboard ng kama. I know what she's thinking.

"There is something in that supervisor kaya ibig ko syang tulungan. It really make me sad that they took  advantage na bulag yung anak nya...." saad nya.

Kapag ganitong usapan ay parang as ease ng pakiramdam ko. Natotorete pa din ako. That night ganun din ang sitwasyon ko.... alam ni Carol.

"Si Yuan ang aasahan ko na makatulong sa pagresolba ng kaso nito." saad ko dahil hindi rin ako matatahimik kung mauuwi sa wala yung kaso na 'to.

"We should meet them tomorrow bago tayo tumulak pa Maynila." saad ni Cy.

Kinabukasan,

Nakapila sa harap namin itong mga kolokoy at ang mga siraulo lahat ay di shades na itim.

"Gosh! my head hurts!" mahinang reklamo ni Ishan kay Kaia.

"Hangover pa more!" pang aasar ko. Napatawa si Riyon habang naiiling si Callen.

Napatingin ako kay Leo.

"Ihatid mo sila sa bawat bahay nila. Si Callen pakihatid sa bahay nina Kuya MJ." bilin ko kay Leo. Humarap ako sa anak ko at kinulong ko sa magkabilang palad ko yung mukha nya.

"Anak huwag kung saan saan gagala pagdating mo sa Manila. Nandoon sina Mommy at Mama hinihintay ka. Huwag mo silang bibiguin." paalala ko at napatango sya.

"Bakit hindi pa po kayo sasama nina Kuya pauwi? Sama.." muryot nya.

"Sasaglit lang kami sa isang hospital nina Kuya mo. Gusto ko madadatnan ka namin sa bahay nina Tito mo huh? May kasalanan ka sa akin, tinulugan mo kami kagabi sa mismong wedding anniversary namin ni Dada mo." reklamo ko at nakagat nya yung ilalim na labi nya sa sobrang guilty.

"Babawi po ako promise. Umuwi po kayo kaagad huh?" lintaya nito kaya napangiti ako.

Daphne's POV

I feel useless.

Dirty.

And no dignity at all.

Wala na nga akong maitulong sa pamilya ko ay heto pa yung nangyare. Sobrang dagok sa akin ng marinig ko yung hinagpis sa pag iyak nila ng madatnan nila ako dito sa hospital kagabi. Hindi ko makayang marinig yung pagsisisi nila sa sinapit ko.

I want to die.

Diring diri ako sa sarili ko. Sana..... pinatay na lang nila ako.

Buhay ka pero parang patay ka naman sa kaloob looban mo! Ganun ang nararamdaman ko.

Nasa paligid ko pa din sila. Binaboy nila ako. Kagat ko ang ilalim na labi ko sa pangangatal na nararamdaman ko. Ayokong may hahawak sa akin na kahit na sino. Hindi ko kaya.

"Don't kill yourself. Go find me. Kill me. Make some revenge." natatawang bulong nya na syang dahilan ng panlalamig ng sikmura ko dahil sa takot na bumabalot ngayon sa sistema ko. Hanggang dito sa hospital nasusundan nila ako. Napasiksik ako sa headboard ng hospital bed na hinihigaan ko at wala akong pakialam sa pananakit ng kamay ko na may nakasaksak na karayom dahil sa dextrose.
Wala akong maramdaman sa pananakit ng katawan ko dahil sa takot ko sa kanila sa mga oras na ito. Ni ang mga pilay ko ay hindi ko na din maramdaman dahil sa idea na nasa tabi ko lang ang taong gumago sa akin.

N- nasaan sina Mama?  Bakit nila ko iniwan na mag isa dito. Gusto ko ng makaalis sa lugar na 'to. Malayo sa mga taong ito!

"Lugi kung hahanapin mo ko ng bulag ka. Don't worry..... I will let you see. At kapag nakita mo ko, matutuwa ka sa ganti na magagawa mo." aliw na aliw nyang saad.  Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot kaya napaiyak na ko.

Mababaliw ako. Hindi ko kakayanin.

Patayin na lang sana nila ako!

"Please! Huwag!" sigaw ko sa taranta at takot ng maramdaman kong may humawak sa akin. "Nagmamakaawa ako! Huwag!" umiiyak na pagmamakaawa ko.

"A-anak si Mama 'to." naiiyak na tinig ni Mama. Pinakiramdaman ko kung sya nga ito. Para akong maiihi na sa anxiety at depression na nararamdaman ko!

"M-Ma?" nanghihinang tawag ko. At saka lang ako kumalma ng hawakan nya yung mga kamay ko.

"May bisita ka... mga boss ni Papa mo." saad nya at lalo akong nanliit sa sarili ko dahil sa kahihiyan dahil mukhang madami ng nakaalam ng sinapit ko. Napayuko ako at parang dinadagukan ako sa dibdib ko dahil sa kahihiyan at pandidiri sa sarili ko lalo na ngayon na nakaharap ako sa ibang tao.

"Tutulungan nila tayo sa kaso mo.... Hindi sila papayag na hindi mapanagot ang gumawa sayo nito..." naiiyak na lintaya ni Mama.

M-may kakampi ako? Matutulungan nila ko? Namalayan ko na lang na umiiyak na ko. At pagod na pagod ang nararamdaman ko.

Narinig kong humingi ng pahintulot yung isang tinig ng babae na makausap si Mama sa labas ng silid ko. Pero nangilag ang pakiramdam ko dahil parang may nakatitig pa sa akin.

"We are going to help you to find them." tinig ng isang lalake at mayamaya ay nataranta ako dahil may naupo sa silya malapit sa kama na kinapupwestuhan ko.

"Hahanapan ka namin ng donor sa Maynila para makakita ka na. Alam kong alam mong hindi sila mahuhuli sa legal na paraan.... kaya tutulungan kitang mahanap ang lahat ng gumawa sayo nito. Sa dahas ka nila sinaktan kaya ibabalik natin sa kanila ng ganung paraan.Dahil kung hindi ka makikipagsabayan sa kasamaan ng paligid mo ay uulit ulitin lang nila sayo ito." tinig ng isang babae na sa tingin ko ay mapanganib din syang tao. Tama sya.... imposibleng makakuha ako ng katarungan sa nangyare sa akin sa legal na paraan.

"Tutulungan ka naming makatayo." dugtong pa nya.

Ishan's POV

Parang mga tanga talaga!

Hindi kami dumeretso ng uwi bagkus ay nagpunta kami sa bakanteng building outside the metro! Napakasakit na ng ulo ko dahil sa hangover pero ang mga hayop na 'to nakagawa pa ng kahayupan ngayon!

Galit na galit si Callen na tinadyakan yung tinali nina Riyon sa isang upuan habang nakapiring ito. Napakalakas ng kalabog nito kasama ang upuan sa may sahig.

Napairap sa ere ang mga mata ko ng napatingin si Riyon sa akin.

Sobrang kunsinti sa katangahan talaga!

"Ano nga ba ulit yung atraso nya kay Callen?" takang tanong ni Jaune sa akin. Napaisip ako. Jusko ano nga ba?

Si Kaia ay panay hikab nya sa isang sulok habang nagtetext.

Hindi talaga sya nilubayan ni Callen ng garote.

Anak ng Mayor ang ginagarote nya!

"Tang ina mo Callen! Makawala lang talaga ako dito!!!" sigaw nung lalake.

"Kwento mo sa pagong!" saad nung abnormal at saka nya ulit ito tinadyakan!

Nang mapagod sya sa kakatadyak doon sa isa ay napasquat naman si Riyon sa gilid na 'to.

"Kaya namin sirain ang reputasyon ng tatay mo soon na magsumbong ka dito. Hindi papayag ang asawa ng may ari ng malaking network sa bansang ito na masira kami." saad ni Riyon. "Sisiraan namin sya sa media."

Totoo iyon, hindi papayag si Kuya Yuji na masira kami at gagawa ng paraan si Ate Maddy na hindi kami masira sa publiko.

"Callen." turan ni Uncle Leo. Napalingon sya dito. "Kami ng bahala dito. Kailangan nyo ng umuwi. Nasa biyahe na ang mga magulang at kuya mo."

Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan nina Kaia at Riyon ay nagtanong si Jaune sa kanya.

"Anong atraso sayo nung isang yun?" tanong ni Jaune sa kanya.

"Ako ang may atraso sa kanya. Nakakainis dahil sya pa ang matapang!" saad ni Callen.

Doon nalaglag ang balikat ko sa narinig ko!

Tanga sobra! Nakakapika ang katangahan!

"Ako ng maghahatid kay Jaune. Dadaan din kase ako kina Tita Andy." saad ni Kaia habang busy sa pagtipa sa cellphone nya habang naglalakad kami.

"Sayo na din ko sasabay----" hindi pa ko natatapos sa pagsasalita ay hinila na ko ni Riyon papunta sa kotse nya.

Problema ng gagong 'to!

Si Callen ay sumakay sa backseat at pinagbuksan naman ako ni Riyon sa shotgun seat sa harap!

"Baka mapasma ang utak mo Riyon sa katangahan mong 'to!" irap ko bago sumakay sa kotse nya at ako na ang humila ng pintuan para magsara.

"Wag ka kaseng magpaligaw kay Ully... eh di kalmado yan." saad ni Callen habang pokerface na nakatingin sa akin at napaismid lang ako.

"Isa ka pa! Pasmado din mag isip!" malditang saad ko na kinatawa nya kasabay ng pagsakay ni Riyon sa driver's seat.

Pati yung sa amin ni Ully nakikialam sila!

"Paghahatawin kita ng katawan ng rosas eh! Kaanuhan mo! Hayop grade 4 ka palang tinanggap mo na agad yung offer nyang pulang rosas!" lintaya sa inis ni Callen at wala akong pakialam.

"Kaysa sayo! Bulag lang magkakagusto sa katangahan mo!" ganti ko. Dahil jusko po! sinong tanga ba naman ang magkakamali sa hudas na taong 'to!

Hindi na ko kumibo hanggang sa makarating kami sa bahay ni Tito MJ at hindi muna kami pinauwi dahil nagluluto daw yung lola ni Callen ng miryenda. Hindi kami nakatanggi ni Riyon.

Mayamaya ay dumating na din sina Tita Roian. Ang galing talaga ni Callen na magpatay malisya na animo'y hindi galing sa kahayupan!

Habang busy sila sa loob ay nandito kami nina Riyon, Callen at Kuya Yuan sa may garden nila.

"Ikaw muna ang papadala sa New York para makatulong kay Tito MJ sa expansion doon tapos uuwi ka ng Berlin para tapusin yung project namin." saad ni Kuya Yuan kaya napatingin kami kay Callen.

"Teka bakit sa akin lahat ng trabaho Kuya?" reklamo ni Callen.

"May aasikasuhin kami nina Dada dito.... Kung nagtitino ka ba naman." natatawang saad ni Kuya Yuan kaya napangiwi kami. Ayaw ni Callen na lumabas ng bansa eh.

"Tumakas ka lang? Lagot ka kina Mommy. Cancel lahat ng allowance mo at maging mga atm mo." pangkukupot ni Kuya Yuan sa kanya.

Napatingin sa amin si Callen kaya sabay kaming napaiwas ng tingin ni Riyon.

Sasakalin ako nina Mommy kapag tinulungan ko ang isang 'to.

Bahala sya. Ang tigas kase ng tuktok nya eh!

Daphne's POV

Napakabilis ng pangyayare. Isang linggo simula ng makilala namin ang pamilya ng mga Altemirano ay dinala kami sa Manila para sa kaligtasan namin. Si Papa ay nilipat nila sa main nila dito at si Kuya ko naman ay binigyan nila ng trabaho sa kumpanya ng kaibigan nila na may construction firm.

Nanlalamig sa pangamba ang buong sistema ko at ewan bakit hindi maalis sa isip ko ang mga boses nila sa utak ko. Yung tawanan nila at yung mga halakhak na animo'y mga demonyo sila. Hindi ko masukat yung takot sa sistema ko ng mga oras na hinahabol nila ako sa isang masukal at mapunong lugar ng mga oras na iyon at maging yung pangbababoy ng isa sa mga kasama nila sa akin ay hindi mawaglit sa isip ko.  Diring diri ako sa sarili ko habang inaaalala ko yung mga haplos nya sa buong katawan ko. Halos mawala ako sa sarili kong katinuan ng mga oras na iyon at ang ibig ko na lang ay mamatay. Hindi ko alam bakit nandito pa ako, ibig ko ng tapusin ang sarili ko dahil sa kahihiyan na dinanas ko. Sobrang pangyuyurak sa pagkatao ko itong ginawa nila sa akin.

"Daphne?" tawag sa akin ng malumanay na tinig kaya napaigtad ako sa pagkakaupo at parang natuyuan ang lalamunan ko. Sya ang duktor ko.

Yung asawa ni Doc ang amo ni Kuya sa trabaho. Feeling ko napakalaking abala ng naidulot ko sa lahat. Nahihiya ako.

"D-Doc?" tugon ko. Si Mama ay nasa kabilang silid habang kausap yung duktor na magpeperform ng operation kung sakaling may mahanap kaming donor.

"Hindi ka pa din ba dinadapuan ng tulog sa gabi? Ang putla mo at grabe ang pangingitim ng ilalim ng mga mata mo." turan nito sa akin at narinig ko na parang nagsusulat sya.

Hindi ako nakakibo.

"Doc?"

"Huwag kang mahiyang makipag usap sa akin. Gusto kitang tulungan." turan nito at sobrang friendly ng boses nya. Pisil ko ang palad ko habang nilalabanan ko ang lahat ng bagay na pumapatay sa pagkatao ko sa kaloob looban ko.

"H-hindi ko na po mababangon ang sarili ko------ Ano po bang kasalanan ko bakit nila ginawa sa akin iyon?" naiiyak sa takot kong tanong sa kanya.

Na-interrupt kami dahil biglang bumukas yung pintuan.

"Dada----" napayuko ako habang magkasiklop ang mga kamay ko. Sobrang napapapraning ako kapag nakakarinig ako ng ibang boses. Pakiramdam ko ay may mangyayare sa akin na masama. At saka sobrang nakakahiyang humarap sa ibang tao kapag nagkaganito ka.

"Ishan anak may therapy session ako..." mahina pero malambing na pagalit nya sa bagong dating.

"Saglit lang po.... Dada, tumawag po sina Lola... pinapauwi po ako ng Australia... pwede po?" excited na tanong nito.

"Alam ba ito ng Mommy mo? Magpaalam ka muna sa kanya." turan ni doc sa anak nya.

"Da, hindi sya papayag kapag hindi sya kasama." muryot nito. Napatawa si duktora sa anak nya.

"Lagot ka sa Mommy mo kapag ikaw eh umalis ng walang paalam. Sige na mamaya na lang..." turan ni Doc. Nagpupumilit itong tulungan sya sa pagpapaalam sa Mommy nya. Nung um- oo lang si duktora ay huminahon na ito.

At nagpaalam na ito.

Narinig ko ang buntong hininga ni duktora at paghingin ng paumanhin sa akin.

Sinimulan nya ulit na magtanong sa akin ng mga random questions at naririnig ko na nagsusulat sya habang sinasagot ko sya.

"Lakasan mo ang loob mo hanggang sa makakita ka ulit. Hindi ka namin bibitawan hanggang sa maging okay ka. Magtiwala ka sa amin at tutulungan ka namin na makaahon sa nangyare sayo." marahil naramdaman ni Doc na hindi ako nagtitiwala sa kanila.

"M-may nahawakan na po kayo ng katulad ng kaso ko?" feeling ko para akong isang batang paslit ng lumabas sa bibig ko ang tanong na iyan.

"Oo. Halos ka- edad mo din sya ng mangyare sa kanya yung insidenteng iyon. Naging lakas nya ang mga taong nakapaligid sa kanya kaya nakabangon sya. Yung pagmamahal ng pamilya nya yung pinanglaban nya sa depression at anxiety nya...." turan nya at hindi ko matantya sa sarili ko kung kakayanin ko yung nagawa nya.

"Hindi sagot ang pagpapakamatay, Daph." muling saad nito na syang kinatigil ko. N-nababasa nya ba ang nasa isip ko?

Sonny's POV

A-Attorney ba talaga itong kasama ko? Bakit ganito sila? Paanong nagagawa nila ang ganitong bagay? Marahil dahil sa mayaman sila kaya madali lang sa kanila na paglaruan ang ibang tao.

"Hindi pa din magsasalita kung nasaan yung iba mo pang kasama?" nanggigil na tanong nitong attorney habang hawak nya ito sa kohelyo ng damit ng ginugulpi nya. May binatilyo kaming kasama na nakamaskara ng kuneho at yung isa naman ay sa tingin ko ay nasa twenty's lang. 

Kailangan kong kumapit sa mga katulad nila para magkaroon ng hustisya yung nangyare sa kapatid ko. Hindi namin kakayanin kung sa mga sarili lang namin kami aasa dahil wala kaming sapat na pera para makalaban sa legal na proseso lalo na at may kutob na kami nasa mayayamang pamilya nanggaling lahat ng  bumaboy sa kapatid ko.

"Talagang sa mamatay tao ka nanggaling..." ngisi pa nito kay Attorney habang duguan na yung bibig nya sa pananapok nito sa kanya.

"Yeah! I am! Kaya nga ako nag attorney para malinis kong lahat ng kalat ng pamilya ko." walang buhay nitong saad at pasakal nyang itinayo ito.

Mayamaya ay naglakad papalapit sa kanila yung binatilyong nakamaskara ng koneho at sinenyasan nya kong lumapit. Napalunok ako at sumunod.

Nabigla ako ng naglabas ito ng isang swiss knife at may nakaukit ditong 'Hunter' at saka nya nilabas yung talim nito na ilang pulgada.

Nag alis ito ng maskara at tama ako na binatilyo lang ito. Magandang lalake ito at mukhang Italyano. May malalim na pagkaitim ang kulay ng mga mata nya. Para itong walang kaluluwa.

"Bulag talaga?" malamyang tanong nito at walang kabuhay buhay ang mga matang tumitig ito sa lalaking halos sakal na ni Attorney.

Parang nanuot sa kaluluwa ko ng napalingon sa akin yung binatilyong ito.

"Tatalupan namin ang lahat ng gumawa sa kapatid mo ng bagay na 'to." saad nya at napaigtad ako ng umakbay sa akin yung isa.

"Go on, Arthy." utos nito at walang alinlangan na pinutol nya yung isang daliri ng taong hawak ni Attorney. Halos malagutan ito ng ugat sa pagsigaw sa sakit at nagtawanan lang yung tatlo pero ako halos bumaligtad na yung sikmura ko pagsirit ng dugo doon.

Binitawan ni Attorney yung lalake at pinigilan nya yung binatilyong tinawag na Arthy. Susugod kase ito ulit. Halos hindi malaman nung lalake ang gagawin nyang siksik sa sahig habang hawak nya yung kamay nyang duguan.

Nagulat kami ng nagtatakbo ito papunta sa pinakadulo ng palapag na kinalalagyan namin. Parang tumigil ang tibok ng puso ko.

"Secrets will remain as a secret? Wala akong pamimilian kung hindi ito lang...mamatay kayo sa kahahanap sa kanila!" ngumisi sya sa amin bago nagpatilaglag! Isang malakas na kalampag sa ibaba ang sumunod na narinig namin!

Imposibleng mabuhay sya sa taas ng building na 'to!

"Bobo!!!" sigaw sa frustration ni Attorney at mura sya ng mura!

Yung dalawang kasama namin ay walang pakialam sa nangyare. Hindi man lang sila natinag.

"Your sister need a donor, right?" tanong nung isa at parang mababaliw ako sa kinikilos nila!

H-hustisya lang ang ibig ko. Hindi pa man din ay parang niyayanig na ang buong pagkatao ko sa mga taong ito!

Daphne's POV

Kinagabihan ay inihanda na ang operasyon ko at wala kaming idea kung sino ang donor ko.

Blangko kung saan galing itong matatanggap ko at kahit sina Mama ay walang alam.

"Magtiwala ka lang sa amin.... makakakita ka at hahanapin natin sila. Set that as your motivation. Hustisya." saad ng isa sa katabi ko na duktor at napatango ako. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyare.

...............................
Chapter 2 palang tayo guys! Walang kakalma buong libro na 'to🤣 Dikdikan tayo! Feedback at more votes ang kailangan ko para ilabas yung susunod na chapter! Yung mga suggestion ng ilan na theme ay hindi ko gagawin... Puro kahayupan lang ang kaya kong gawin kaya pagtiisan nyo ko🤣😂 More votes!

uy! yung bashers ko nakikibasa🤣🤣🤣 hanap butas? tapos pm after?

Mas masahol pa 'to sa story ni Carol at Amber kaya kapit kapit lang guys🤣

Vote and comment

Thank you for reading

~dark19

Continue Reading

You'll Also Like

744K 26K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...