Impression on the Heart

By _Isabelle_

261K 8.6K 1.9K

There would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also b... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Special Chapter
Chapter 40
Epilogue

Chapter 13

6K 177 45
By _Isabelle_

"Good Morning!" Napatingin naman ako kay Becca ng hindi ito magsalita. Nakita ko naman nakasimangot ito at mukhang wala sa mood. "Anong problema, Becca?"

"Hindi kasi pupunta si Sir Isaac ngayon kaya ganyan iyan." Tumingin ako kay Mary ng magsalita ito.


"Ah ganoon..." Natuwa naman ako na wala siya dito ngayon sa office. Mas makakagawa ako ng trabaho ko at walang mamimilit sa akin.


"Lahat naman ata sa office, Rachel malungkot dahil wala si Sir Isaac." Napangiti ako. Gusto kong sabihin may isang taong nagbubunyi kapag wala siya at ako iyon. Pero kinanya ko na lang ang dapat kong sabihin. Mukhang ang buong office namin na halos lahat ay babae ay smitten sa boss namin. Kung iyon iba ay gusto wala ang boss gaya ko ang mga colleagues ko naman ay gusto na nandito siya. "Kahit din naman ikaw, di ba Rachel? Gusto mo rin si Sir Isaac?"


Gusto kong tumawa ng malakas sa sinabi ni Mary pero pinigilan ko. Tumingin pa sa akin si Becca na tila hinhintay ang sagot ko.


"O-okey naman siyang boss." Ngumiti na lang ako at nagpatuloy lumakad sa opisina ko.


Binaba ko na ang mga gamit ko ng mahalata ko naman wala na ang mga papel sa table ko. Huwag mong sabihin kinuha na naman iyon ni Sac at ginawa? Hindi na siya naghintay na bumalik ako after ng course?


Kaagad kong kinuha ang phone ko at nagmessage sa kanya. Tinanong ko kung kinuha niya ang trabaho ko at kung maari ko bang makuha pabalik ang iba. Naghintay pa ako ng ilang minuto na sumagot siya pero wala akong sagot na nareceive sa kanya. Ayoko naman pasukin ang kwarto niya at maghalungkay doon ng walang permiso niya.


Narinig kong nagring ang phone ko at sinagot ko agad ito sa pag-aakalang si Sac iyon pero hindi pala. Iyon pala ang delivery ng mga paintings para sa susunod na exhibit. Kaagad akong bumaba ng opisina para salabungin.

...

"Dito na lang iyon huli." Mando ko pa sa contractor namin sa pag-aayos niya ng painting. Napangiti ako at tumingin sa kabuuan ng hall. Kahit wala ako ay nakuha ng contractor ang gusto kong gawin nila. Salamat na lang din kay Sac at nandito siya para isupervise ang ginagawa nila.

"It is perfect." Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko ang magandang si Black Dahlia. Ngiting-ngiti ito sa akin at niyakap ako.


"Dahlia, hindi mo pa exhibit. Mukhang advance ang pagyakap mo."


"Well, kahit hindi ko pa exhibit I love you to bits na. You exceeded my expectation. I hope iyon ambiance ng hall ay makadagdag sa aesthetics ng paintings ko. Pandaya ba." Kinindatan lang ako nito. "Teka, nasaan si Isaac?"


"Si boss? Wala siya ngayon. Nagkita na pala kayo?"


"Oo, lagi kaya ako nandito. Hay, I love your boss he is so nice." Napatingin naman ako ng matagal kay Dahlia. He found Sac nice? Bakit nagulat naman ako doon sa first impression niya kay Sac. "He really listened to my request and even gave input to my paintings. He really is adept in arts or should I say in painting." Tumango ako kahit hindi ko alam ang sinasabi ni Dahlia. Sabagay hindi naman magkakaroon ng ganitong business si Sac kung hindi niya interest ang arts. Maybe he is an enthusiast. "I really like your boss. Gwapo pa! Is he single?"


Natawa ako sa progreso ng pag-uusap namin ni Dahlia. One moment pinag-uusapan namin iyon ambiance ng exhibit then sa pagtulong sa kanya ni Sac tapos the next thing tinatanong niya kung single ito.


"Sa pagkakaalam ko single siya."


"Ay talaga! Walang girlfriend? Pupunta ba siya sa exhibit ko?" Excited pa nitong tanong.


"Sa pagkakaalam ko walang girlfriend pero hindi naman kasi kami close ni boss. Tungkol sa trabaho lang malimit na pag-usapan namin. At palagay ko pupunta siya sa exhibit. Wala si Aaron kaya siya ang nandito. Or kung gusto mo bigyan mo siya personal ng imbitasyon."

"Pwede!" Nagulat naman ako sa pag-exclaim ni Dahlia. Mukhang crush na crush niya si Sac. Napaisip naman ako. Matagal ng panahon hindi ako nagkacrush. Kahit naman trenta'y dos na ako pwede pa rin naman ako magkacrush. Magsimula kasi ng maging kami ni Dave...hanggang sa maghiwalay kami siya lang ata ang naging crush ko at eventually minahal ko. Nahihirapan pa rin akong magmove on kasi umaasa pa rin ako. Si ate, iyon pamangkin ko at pati na rin si Sac sinasabing magmove on na pero ewan...hindi kasi nila alam...hindi ganoon kadali. Si Dave lang kasi ang lalakeng minahal ko...at kapag nagmahal ako, sobra.

"I have a new painting that is different from my gloomy ones. Ito ang pinakafinale ng exhibit." Tumingin ako kay Dahlia at naglakad-lakad ito doon sa pinakadulo ng exhibit niya. "Halika dito, Rach. I will show you."


"Love is a many-splendored things." Basa ko sa description ng pinakamalaking painting niya. Ito na ata ang pinakacolorful sa painting niya. Babae itong nakasuot ng makaluma 60's or 70's at nakaupo ito sa maliit na dining table na may dalawang upuan at isa ay bakante at nakatingin ito sa may bintana habang nagsusulsi. Nakangiti ang babae and she seemed expectant.


"Ang ganda Dahlia." Ito kasi ang unang beses na nakita ito dahil nakabalot pa ito ng inilagay bilang centre piece. Nilagyan lang kasi ng numero ang mga painting para sa pagkakasunod according sa plano at ngayon lang ito maingat na binubuksan.


"After all the heartaches that I've been through. The other woman, the failure of my marriage, divorce and my depression. The journey was painful and hard to accept... that is half of the splendid thing that love creates. But on the other hand the other half of the greatest splendid thing that love creates is this." Tiningnan ni Dahlia ang painting niya matapos ay tumingin at ngumiti sa akin. "To hope...to hope for the better days to come. To love yourself more and enjoy the thing that you loved the most. To move on and not be afraid to be in love again. To hope that God may bless the broken path that you are into for you to meet what he reserved for you to love you eternally."


Napangiti naman ako sa sinabi ni Dahlia. To hope that God bless the broken path for me to meet what he has reserved for me.


"Palagay ko dapat mong palitan na ang pseudonym mo. Hindi na dapat Black Dahlia. White Dahlia na."


"That is perfect, Rachel! A rebirth of Dahlia. White Dahlia! I love it. Ilalagay ko sa invitation na dapat nakaputi lahat. What do you think?" Ngumiti na lang ako kahit na malaking trabaho para sa akin iyon at dalawang araw na lang bago ang event niya.


"I'll do whatever that makes you fulfilled." Ngumiti ako. I need to pull extra strings for her if that is what it takes to make my client happy.


"I love you talaga, Rachel. I love you to bits." Niyakap na naman niya ako at ngumiti na lang ako. Sinong makakapagsabing ganito kafulfilling ang magtrabaho sa art gallery?

...

"Congratulations, White Dahlia." Nakangiti kong sabi sa kanya at sinalubong niya ako ng yakap. Her exhibit was a success. She was appraised highly because of how he envisioned her journey through her paintings. May nagsabi pa nga kanina sa mga bisita na para daw sa isang artist ang mga ginagawa niya pinta ay nagsasalamin ng soul ng pintor. Bawat pinta ay may piraso ng kaluluwa ng gumawa. "You are also very pretty." Nakagown kasi ito ng puti na parang ikakasal. It suits her for her gala event.


"Thank you! And you are pretty yourself too. Bagay sayo ang puti, Rachel." Napangiti naman ako at napatingin sa cocktail dress na suot ko. Nagustuhan ko ito pagkasukat na pagkasukat ko. Bagsak kasi ang fabric at ang ganda ng lace.


"Salamat. Ohh...nandito nga si crush, Rach." Napalingon naman ako kung saan nakatingin si Dahlia at nakita ko naman si Sac na nakaputing tailored coat at pants ito samantalang naka-itim na shirt sa loob at itim na sapatos. Umikli rin ang kanyang buhok at lalong bumagay sa kanya. "Ang gwapo!" Tili ni Dahlia sa may tenga ko. Hindi ko tuloy alam kung naisip ko rin ba na gwapo si Sac pero hindi ko na narinig ang sarili ko dahil sa sigaw ni Dahlia sa tenga ko.

Lumapit sa amin si Sac at nakipagkamay kay Dahlia. Doon ko na lang nahalata na may dala itong flowers at inabot niya ito kay Dahlia.


"White Dahlias! Thank you, Isaac. I love it! Hanap na tayo ng simbahan. Pakasal na tayo since nakabihis na rin tayo ng puti at may bulaklak na rin ako." Tumawa si Sac sa sinabi ni Dahlia. Napangiti rin ako. "Witness ka, Rach."


"Sure." Sabi ko sabay kindat. Tiningnan lang ako ni Sac. Nginitian ko rin ito.


"Thank you, Isaac for making this event possible. And of course what can I say...I love Rach so much for doing this for me. She is just so loving, caring and very thoughtful." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Dahlia. Saan nanggaling iyon sinabi niya?


"Well, that's our Rachel." Tumingin naman ako kay Sac sa sinabi niya. "All of us in the company admire her love and dedication." Mas lalo naman ako napatitig kay Sac sa sinabi niya. Nakakapanibago. Kinicompliment niya ba ako? "Anyway, sorry I am late. Can I tour around your gallery? Parang gusto ko naman ng a piece of White Dahlia in my house."

"C'mon I'll show you." Humawak pa si Dahlia sa braso ni Sac tapos ay tumingin at kumindat sa akin. Kinindatan ko rin siya pabalik. "Excuse us Rachel." Tumango ako at ngumiti. Sumulyap naman sandali sa akin si Sac. Ngumiti ako. Inirapan ako nito. Umiling na lang ako. Ano na naman problema nun?

...

Extended hanggang bukas ang exhibit ni Dahlia kaya hindi ganoon pagod ngayon araw. Iyon mga kalat at catering lang ang hinihintay kong matapos. Hinahanap ko nga si Sac para sa input niya o kung may sasabihin siya about sa event pero bigla na naman itong nawala.

Umakyat akong opisina at kinuha ang ilang mga gamit ko. Nauna ng nakauwi ang mga kaofficemate ko. Ako na naman mag-isa ngayon gabi na ito dahil wala si Aaron. Namiss ko naman iyon lalake na iyon kahit tawag siya ng tawag at nangangamusta. First time kong makamiss ng lalake bukod kay...hay...Teka, gusto ko na ba si Aaron kaya namimiss ko na siya? Napangiti ako sa ideya. Sana nga pero kasi...pero sana...para madivert ko naman ang atensyon ko sa iba kahit crush lang.


Sinarado ko na ang pinto ng opisina at sumakay sa elevator. Mukhang mamaya pa naman matatapos ang mga contractors namin kaya pinidot ko ang third floor. Gusto kong mabisita ulit ang mga paintings doon sa loob. Gusto kong malaman kung anong bahagi ng soul ng mga artist ang nilagay nila sa kanilang ginawa.


Binuksan ko ang third floor hall at nakita kong nakabukas na ang ilaw. Kaagad gumala ang paningin ko sa kung sinong maaring nakapasok sa restricted area na ito at wala man lang kaming narinig na alarm. Mabilis akong naglakad palibot ng mga paintings hanggang sa marating ko ang dulo at hindi ko inaasahan ang nakita ko.


"Si-sir?" Tiningnan niya lang ako sumandali matapos ay tiningnan ulit ang painting ni Garcia. Halos lahat kasi ng paintings sa third floor ay nabili na at napalitan na ng ibang paintings maliban kay Garcia. Walang bagong painting kaming nahahanap mula rito. "So-sorry po. Akala ko kasi may intruder. Lalabas na po ako."


"What do you think of this painting?" Pahakbang na sana ako pabalik ng marinig ko ito. Tumingin ito sa akin matapos ay bumaling ulit sa painting.

Lumapit ako at tiningnan ko ulit ang painting ni Garcia. Ang magandang babae, ang bukirin ng bulaklak, ang magandang ngiti at ang mga mata niya. This painting screams perfection para sa akin. Napakadali kasi nitong naiconvey sa akin ang emosyon ng painter pero iba sa titulo niya.


"This painting and it's title is contradicting. Her annoying smile...the painting for me is perfect. The woman is beautiful, the scenery, her eyes that is full of emotions of love to the one that she is looking to. Para bang buhay siya kapag tinitingnan mo siya. And her feelings is very real, the woman is inlove...pero ewan...hindi ko maconnect bakit ganito ang title."


"Yes, the woman is very beautiful." Napatingin naman ako kay Sac ng sinabi niya iyon. Nakatingin lang ito sa mukha ng babae sa painting.

"Sabi doon sa narinig ko kanina sa exhibit bawat gawa raw ng artist they leave an imprint sa artwork nila. A part of their soul...kung tama nga ang sinabi ng critic na iyon maaring contradicting ang naiwan ng painter na ito na mula sa puso niya sa description nito sa painting niya."


Napatingin naman ako sa kanya ng marinig ko ang pagtawa niya. Tiningnan ko lang siya. Hindi ko alam bakit siya tumatawa. Hindi naman joke ang sinabi ko. Iniinis na naman niya ba ako?


"I am just facinated how you put the meaning to it." Umiling na lang ako.


"Ikaw boss anong palagay mo sa painting ni Garcia?" Tiningnan ko siya at tinaasan niya ako ng kilay.

"The painting is like the painter. The painting is foolish and the painter is a fool."


"Kilala mo siya?" Tanong ko.


"Sino?"

"Si Jacob Garcia?" Umiling siya.

"Then paano mo nasabi na he is a fool?" Nagkibit balikat ito sa akin. "Hindi mo pala siya kilala. Hindi ba prejudice iyon?"


"Well, I can say what I want to say. You were asking my opinion, right? And I am giving you a piece of my mind."


Nagbuntong hininga ako dahil sa sagot niya.


"Paano, boss, mauna na po ako." Bago pa magsimula ang away namin mas mabuti pa na umalis ako.


"Sumabay ka na sa akin pag-uwi." Tumingin ako sa kanya sa sinabi niya. He wasn't looking at me. I'm thinking to oppose him pero palagay ko sa sequence of events dati hindi siya papayag at magagalit lang siya at mag-aaway kami at sa huli talo ako kasi sasabay pa rin ako sa kanya. To save me from exhausting my self of arguing with him I need to agree.


"Sige po." Tiningnan niya ako matapos kong sabihin iyon at para bang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.

...

"Kamusta po si Gracie?" Nagsalita na ako dahil katahimikan lang ang meroon sa sasakyan niya.

"She is doing fine." Matagal ang lumipas bago siya sumagot. "She is growing up very fast." Napangiti ako.

"The last time I saw her, her features changed. Nagbago na ang itsura niya pero maganda pa rin siya. Mas lalo siyang gumanda kaso hindi mo na siya ganoong kamukha."

"She is looking more like her Mom everyday."

"Kung ganoon ang ganda-ganda siguro ng wife mo, sir. Gracie is very beautiful."


"That is none of your business, Rachel." Natahimik ako sa sinabi niya. Ayoko ng makialam. Nabigla naman ako ng biglang nagskid ang sasakyan. Mabilis ang pangyayari. Pumereno si Sac at nabanggang niya ang bakal na barrier sa shoulder ng highway. Ninerbyos ako sa nangyari. Sa side ko ang nabangga at ramdam ko pa rin impact ng pagkabangga namin. Ang sakit ng dibdib ko.

"Rachel! Rachel! Are you okay?" Lumingon ako kay Sac at mukhang alalang-alala siya. Tinanggal niya ang seatbelt ko at kaagad niyang sinapo ang mukha ko at tiningnan akong mabuti. "Rachel...Rachel."


"O-okey lang ako. A-anong nangyari?" Nakatingin lang siya sa akin at hindi ko naman alam kung saan galing ang tingin ng pag-aalala niya sa akin. "Okey lang ako. A-anong nangyari?"


Napatingin naman ako sa may labas ng bintana niya ng may kumatok na traffic policeman. Nahalata din naman iyon ni Sac at kaagad niyang tinanggal ang kamay niya sa mukha ko. Binuksan niya ang bintana at dumungaw sa amin ang pulis.

"Sir, Mam okey lang po ba kayo? Pumutok po bigla ang gulong niyo. Mukhang may nadaanan kayong pako o kung anong matalas na bagay kaya po pumutok."


"Boss, pwede bang pakitawag kami ng taxi? Nasaktan--"


"Okey lang ako." Sambit ko kahit medyo masakit ang dibdib ko. Ayoko ng mag-abala pa si Sac.

"Sige na boss...mukhang nasaktan ang misis ko." Misis?


"Sige, sige po sir. Ito na may padaan na po." Napatingin naman ako ng may tumigil na taxi sa harapan namin. Lumabas si Sac sa kotse bubuksan ko sana ang pintuan ko pero hindi ko ito mabuksan dahil nakaharang ang nabanggang barrier.


"Dito ka na dumaan." Kinuha ni Sac ang kamay ko at tinulungan niya akong lumabas mula sa driver's side. Nakahawak lang siya sa akin at inalalayan akong pumasok sa taxi. "Boss, may darating para sa kotse ko. Maari po bang iwanan ko sa inyo muna? Around 15 minutes nandito na iyon. Kailangan ko lang dalhin ang misis ko sa ospital."

"Sige sir." Lumabas si Sac ulit ng taxi at nakipag-usap sa labas. Lumayo pa ito at tumango-tango pa ang pulis. Maya-maya pa ay bumalik na si Sac at pumasok na sa taxi.


"Saan tayo sir?" Tanong ng driver.

"Sa pinakamalapit na ospital."

"Sac, okey ako. Wala akong injury. Hindi na natin kelangan pumunta sa ospital."


"Sweetie, huwag ka ng makulit. Mag-aaway lang tayo."


"Sweetie? Sac wala---" Hinarangan ng daliri niya ang bibig ko.


"May malapit lang po na ospital dito. Ito na po malapit na tayo." Sabi pa ng driver at sinulyapan lang ako ng seryoso ni Sac.


Kaagad niya akong inalalayan palabas pagkalabas namin ng taxi. Kaagad siyang kumuha ng wheel chair sa labas ng ER at pinaupo ako. Ilang beses pa akong nakikipagtalo sa kanya pero to no avail. Tumahimik na lang ako dahil wala akong mapapala. Napakastubborn niya talaga.


"Ano pong nangyari?" Tanong sa amin ng lalakeng ER doctor.


"Nabangga kami. Hindi ko alam ang injuries ng girlfriend ko pero pakitingnan lahat. I need you todo scan, xray or bloodtest anything just to check her and to know whether she suffered injuries." Napatingin naman ako kay Sac sa sinabi niya. Demoted na ako as girlfriend ngayon. Wala na lang ako nagawa. Hinayaan ko na lang siya.

Nakaconfine ako sa isang private room dahil hinihintay pa ang resulta. Tinawagan ni Sac si ate at isa pa rin itong OA gaya ni Sac at kung anu-ano ang pinagsasabi. Tumigil lang si ate ng na-assure siya ni Sac na gagawin niya ang lahat para gumaling ako. Napailing na lang ako sa dalawa.

Nakatulog na ako ng mahaba sa palagay ko at nadatnan ko pa rin si Sac na nakatayo at palakad-lakad sa kwarto na kinalalagyan ko na tila hindi mapakali. Tiningnan ko ang relo ko at alas singko na pala ng umaga. Hindi pa nakakaidlip si Sac.


"Sac...este boss...bahala na nga. Sac, maupo ka nga muna. Hindi mapapadali ang resulta ng test ng ginawa sa akin sa palakad-lakad mo. At kung lalabas man iyon sinasabi ko sa'yo wala akong injury."


Tiningnan niya lang akong mabuti matapos ay naupo na siya sa upuan ng biglang nagbukas ang pinto. May doctor na pumasok at tiningnan ako.


"All is clear po ma'am and sir. Wala pong injury si ma'am, sir. Pwede na po siyang madischarge." Tiningnan ko si Sac at huminga ito ng malalim. Gusto kong sabihin kay Sac na I told you so pero pinigilan ko ang sarili ko. He looked bothered enough at isa pa wala pa siyang tulog.

...

Niyakag ko siyang kumain sa cafeteria ng ospital at sinabi ko na treat ko. Nagutom ako at agahan na rin naman. Nilibre ko na siya dahil siya na ang nagbayad ng hospital fee dahil sa pamimilit niya sa akin magpatingin.

Nakatingin lang ako sa kanya habang humihigop ito ng kape niya. Parang wala sa sarili si Sac dahil na rin siguro sa wala pa itong tulog. Masyado kasi siyang worried sa bagay na wala naman. Hindi ko alam na ganito pala siya kaparanoid.


"Salamat sa pagpapatingin mo sa akin. Kahit na ilang beses kong sinabi sa'yo na okey ako atleast kahit papaano gumaan rin ang loob mo at loob ko. Masakit rin kasi ang dibdib ko dahil na rin siguto sa seatbelt--"

"Ha?! Teka Gusto mo bang bumalik tayo sa doktor at sabihin natin yan?"


"Sac, relax. Hindi na masakit ang dibdib ko. Okey na okey na ako. Ikaw nga itong mukhang hindi okey dahil sa di ka pa natutulog. Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano."


"I just don't like car accidents that's all..." Natigilan naman ako sa pagkain ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko naman noon na nasabi niya na iyon ang kinamatay ng asawa niya. Naalala kaya niya? Natrauma ba siya doon?


"Okey na, Sac, wala naman nangyari sa atin. Huwag ka ng mag-isip."


"It's been more than a year since the accident...pero...pero iyon nangyari kagabi pakiramdam ko bumalik ako sa aksidente ng asawa ko... I...I was...sh*t." Nagulat ako ng hinampas ng kamao niya ang mesa at nagkalampagan ang lahat ng nasa ibabaw nito. "So-sorry..." Hinilamos nito ang kamay sa mukha niya.


Napangiti ako sa pagsosorry niya dahil pangalawang beses ko palang iyon naririnig sa kanya pero matapos noon ay tiningnan ko siyang mabuti at inobserbahan dahil sa kanyang sinabi. Sa totoo lang nalungkot ako sa binunyag niya. Palagay ko ay hindi pa rin makalimutan ni Sac ang biglaang pagkamatay ng asawa niya. That loss of someone that was very dear to him.

"Okey lang, Sac...may gusto ka pa bang kainin bukod sa kape mo? Gusto mo na bang umuwi? Magpahinga ka na..."


Umiling lang siya sa akin na tila ba nainis. Tumayo ito at sinundan ko ito ng tingin habang papunta ito sa may drinking station ng canteen. Kumuha ito ng plastic na baso at pinihit ang gripo.


"Sh*t! Tsk!" Napailing na lang ako ng nabitawan niya ang baso at nabasa siya sa lakas ng pressure ng gripo. Mukha na naman siyang matandang bugnutin at sinipa pa nito ang equipment ng drinking station. Kaagad na kumuha ulit ito ng baso at ganoon na naman ang nangyari. Sinipa niya ulit. Tumayo na ako at pinuntahan siya dahil pinagtitinginan na siya ng mga tao sa cafeteria.


"Sac, ako na." Tinapik ko siya at nagbigay daan siya. "Ganito kasi 'yan." Kumuha ako ng plastic cup at tinapat sa may gripo at dahan-dahan pinihit iyon at tumulo ito hanggang sa mapuno ang baso. Inabot ko kay Sac iyon na tila manghang-mangha sa ginawa ko. "Hindi kasi kaya ng baso ang pressure ng tubig kasi pinihit mo ng sobra. Dapat kasi dahan-dahan lang ang pihit para makaya ng baso iyon pressure ng tubig. Hindi na overwhelm ba."


Tumango lang ito sa akin saka uminom ng tubig. Binalik niya ang baso sa akin para siguro kumuha ng tubig pero binigay ko sa kanya pabalik.

"Kaya mo yan. Try mo lang. Dahan-dahan na pagpihit." Ginawa niya nga ang pagpihit ng dahan-dahan pero dahil siguro nainip siyang mapuno ang baso ay pumihit na naman ito hanggang sa malaglag na naman ang baso. Umiling na lang ako.


"Ayoko na. Sa bahay na lang ako iinom."


"Ikaw talaga...ang simple lang naman ng logic...parang ikaw, you always come too strong. Una noon first meeting natin hanggang ngayon masyadong strong ang dating mo masyado kang mapilit at masyado kang stubborn kaya ka nakakaoverwhelm kaya ang resulta lagi ako naiinis sa'yo. Parang ganyan rin iyon pressure ng tubig at baso. The same principle." Inabot ko ulit sa kanya ang basong may tubig at ininom niya ulit ito.

Natawa siya sa akin.

"Do I always come too strong to you?" Hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Absolutely and definitely yes. So don't you see the pattern? Kaya malimit tayong mag-away. Mas naintidihan ko nga ngayon dahil sa baso at sa tubig. Pero overall kapag hindi ka naman your bossy and tactless self okey ka naman. Lalo na iyan wala mong filter na bibig."


"Ah talaga lang?" Hindi talaga ito makapaniwala at mukhang inis pa ito.

"Sac, wala naman akong mapapala sa pagsisingungaling ko sa'yo. Totoo naman iyon nasabi ko dahil iyon ang pinakita mo at pinapakita mo sa akin. Siguro nga kasi mainit ang dugo mo sa akin sa di ko alam na dahilan o dahil na rin talaga sa hindi mo ako gusto kaya ganoon ka."


"Mainit ang dugo? Hindi gusto? Saan naman nanggaling iyan. I treat you the same as I treat other people or other woman." Nagkibit balikat ako. Hindi kaya.


"Iba ang trato mo sa akin, Sac. Iba kesa sa mga tao sa opisina. Sa kanila kasi you seem nice...but I am not complaining, Sac. Alam ko na naman kung paano makacope. Sinasabi ko lang sa'yo. Huwag mo sanang masamain."

Napatingin naman kami ni Sac sa babaeng nagexcuse. Kukuha rin ito ng tubig. Nagyakag na akong umuwi at sabay na kaming naglakad palabas ng cafeteria.

"Hindi naman iba ang trato ko sa'yo Rachel. I think I treat all my employees the same." Tumango na lang ako. Hindi siya talaga marunong tumanggap ng komento sa ugali niya. "Hey, you are agreeing...teka ito ba iyon sinasabi mo na pagkocope up sa ugali ko? Ang laging umoo na lang? Pansin ko kasi na ganoon ka na malimit."

"Oo, Sac para wala na lang away."

"Hindi dapat ganoon."


"Eh ano sagutin kita at hindi na tayo tumigil at mag-aaway na naman tayo dahil walang papatalo. Nakakapagod iyon."

"Tell me when I am too much. You can tell that to me." Nagbuntong hininga na lang ako mukhang hindi ko kayang gawin iyon.


"Palagay ko kapag sinabi ko na sobra ka na mag-aaway pa rin tayo. Ganoon pa rin ang cycle. Magrereason out ka at hindi ka pa rin papatalo."

"Then what?!" Nabigla na naman ako sa pagtaas ng boses niya dahil sa pagkainis niya.

"See ganyan ka. Hay..." Nagkuyom lang ito ng palad. "Hindi na lang ako magsasalita, Sac kapag sobra ka na. That way hindi na kita mapoprovoke na mas mainis at magsalita ng kung anu-ano. You will just know that you are too much when I become quiet."


"That would be a great idea." Ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman ito aa akin. Ang gwapo pa rin ni Sac kahit walang tulog.

"And you should smile more. Mas bagay sa'yo boss. Mas marami kang mabibihag na kababaihan sa ngiti mo." Kindat ko pa sa kanya. Somehow talking to him like this is liberating.

"Bakit ikaw ba nabihag na?" Natawa ako ng malakas sa sinabi niya.

"No, boss, sorry to tell you but no. Masyadong fresh pa rin sa alaala ko ang first meeting natin. Hindi ako makamove on." Natawa kaming pareho.

"Hay naku, Rachel sabihin mo nandiyan ka pa rin sa Dave na iyan...kaya ka nasasabihan talagang tanga. Tama na." Tumahimik na lang ako sa sinabi ni Sac. Halata kong natigilan siya. "Too much?" Ngumiti lang ako.

"Salamat sa concern boss...pero hindi ganoon kadali unti-unti lang. Unti-unti na rin naman nagkacrack ang helmet ko." Tumawa ulit si Sac sa sinabi ko. I really like how he smiled lalo na ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko something's changed sa mga ngiti niya ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

14.9K 766 53
There is aLways a boundary in everything. A boundary between friends and foes. A boundary between truths and Lies. A boundary between Laughters and t...
2.5M 157K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
35K 642 22
Nasa kasagsagan ng pagdedeliver ng relief goods sina Emanuela Velasco kasama ang mga bodyguards niya nang magkaroon ng problema sa kanilang helikopt...
5.6K 337 51
Complete. [ Again series book 1 of 4 ] "β„Œπ”žπ”­π”­π”¦π”«π”’π”°π”° 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔒 π”ž π”‘π”¦π”žπ”ͺ𝔬𝔫𝔑--π”―π”žπ”―π”’ π”žπ”«π”‘ π”₯π”žπ”―π”‘ 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔑. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔢𝔬𝔲...