10 Ways How to Make Him Stay

By enieral_27

3.8K 352 62

Hanggang saan ang kaya mong gawin para manatili ang taong mahal mo? Ilang beses kang magtitiis at magsasakrip... More

PROLOGUE
Chapter 1:The List
Chapter 2: First Day
Chapter 3: The Party
Chapter 4: Bad Day
Chapter 5: Incest
Chapter 6: Monthsary
Chapter 7:The Secret
Chapter 8:The hidden truth
Chapter 9: Spill it
Chapter 10:Broken
Chapter 11: Help
Chapter 12:Tasha's Birthday
Chapter 13: Sorry
Chapter 14: Outing
Chapter 15: Sad Trip
Chapter 16: Ignore him
Chapter 17: He's leaving?
Chapter 18: Promises
Chapter 19: Suitor
Chapter 20: Almost
Chapter 21: Message
Chapter 22: Escape
Chapter 23:A week with you
Chapter 24: Graduation
Chapter 25: Fall inlove or fail inlove?
Chapter 26: Earl's loyalty
Chapter 27: Those Nights
Chapter 28: I thought
Chapter 29: Guilt
Chapter 30: He has a secret
Chapter 31: She is...
Chapter 32: Anniversary
Chapter 33: Their Problem
Chapter 34: Avoiding the Problem
Chapter 35: I Know
Chapter 36:The Message
Chapter 37: I'm back
Chapter 38: The struggles
Chapter 39: She Found out
Chapter 40:They Found Out
Chapter 41:Should I give up?
Chapter 42: Baby Yana
Chapter 44: Christmas Part 2
Chapter 45: A memorable night
Chapter 46: Fights
Chapter 47: It Hurts
Chapter 48: Changes
Chapter 49: Regrets
Chapter 50: Lies?
Chapter 51: Engaged
Chapter 52: Engaged life
Chapter 53: Wedding Day
Chapter 54: Memories
Chapter 55: Hatred
Chapter 56: Other's relationship
Chapter 57: Blame Me
Chapter 58: I'll keep it
Epilogue
Author's Note

Chapter 43: Christmas Part 1

28 5 0
By enieral_27

Chapter 43: Christmas Part 1

Dave's POV

Naghahanda na ako ng mga gamit. Pinayagan ako ni papa na umuwi dahil ayaw nya raw akong makita tuwing pasko. Masaya yung mga nakaraang taon. Unang taon na nandito ako, di ako nakauwi dahil maliit pa si Yana.

"Ihahatid ba kita sa airport bukas?" Tanong ni Nico. "Oo." Tipid kong sagot. "Sige papahinga na ako, gisingin mo nalang ako." Sabi nya at hindi na ako sumagot.

"Nga pala, wag kang makakalimot na magpaalam kay Yana." Tumango lang ako sa kanya bago sya umalis sa pinto ng kwarto ko.

Nang naayos ko na ang gamit ko ay nahiga na ako. Hindi ako makapaniwalang magkikita na ulit kami ni Tasha. Hinintay kong mag-December para lang magkita kami, hindi ko sya nireregaluhan kapag anniversary namin dahil gusto kong personal kong maibibigay sa kanya. Kung hindi ako makakatulog agad ngayon baka isipin ko nalang yung mga nangyari nang mga nakaraang taon.

*Flashback*

"Babe, sorry di ako nakauwi last year. Alam mo naman yung sitwasyon." Naglagay ng bantay si papa ng bantay, bawat galaw ko apat na lalaki ang nakatingin sa akin. Pati sa school, ihahatid nila ako pero yung kotse nandun lang, dalawa ang bantay ko. Kahit saan ako magpunta, may nakabantay.

"Naiintindihan ko babe." Sagot ni Tasha at tsaka ako niyakap nang sobrang higpit. Nagpapasundo ako sa kanila tuwing umuuwi ako, si Tasha ang hindi sumasama sa airport.

"Punta tayo sa coffee shop bukas?" Tanong ko sa kanya. "Sure." Tipid nyang sagot.

"MERRY CHRISTMAS!" Sabay-sabay naming sigaw.

"Sisimba kami bukas, nak. Sama muna kayo bago magdate ha?" Sabi ni mama. "Sige po." Sagot ko sa kanya.

Tuwing pasko, dito kami kila Tasha kahit kaming magkakaibigan. Sila Harold din at ang lola nya, dito rin.

"Sandwich ala Dave." Sabi ko nang ilapag sa mesa ang sandwich na gawa ko. Pambawi ko na sa kanila dahil winewelcome kami rito.

"Matagal na naming gustong matikman yan." Sabi ni Grey. "Eto na, sulitin mo. 100 pieces yan. Credits kay Tasha na tumulong pero muntik maubos dahil kumukuha sya habang ginagawa ko." Nagtawanan naman sila.

Natapos ang noche buena at naupo muna kami para magkwentuhan at magkumustahan.

"Babe, yung mga kaibigan mo dun, kumusta?" Napalingon naman agad ako sa kanya. "At talagang yan ang tinanong mo?" Tanong ko sa kanya pabalik. Nakapaikot kaming anim habang nagkukwentuhan.

"Ganito kasi diba nga nasa coffee shop kami nun, umilaw yung cellphone ko tapos nakita nila yung picture ni Yana." Nakatingin silang lima sa akin. "Tinanong nila ako tapos hindi ko naman sinabing anak ko. Bigla nalang sinabi na alam nila yung totoo. After a week nalaman kong nag-email sa kanila si Ashlyn."

"Eh bakit naman nya yun ginawa?" Tanong ni Viena. "Para umuwi agad ako. Hindi na nga ako nakakadaan sa kainan bago umuwi dahil diretso agad ako sa bahay." Sagot ko.

"Epal talaga yan Diaz na yan!" Inis na sabi ni Viena. "Oh chill. Paskong pasko oh." Sabi ni Winzie.

"Babe, pwedeng baguhin mo yung lockscreen?" Tanong nya sa akin. Nakita nya yatang si Yana ang lockscreen ko. "Sige." Inabot ko sa kanya at sya na ang nagbago.

Kinabukasan, nagsimba muna kami bago pumunta sa coffee shop. Ang tagal na simula nung huli kaming pumunta rito.

"Merry Christmas, ma'am and sir!" Bati ng mga nagtatrabaho sa amin. "Usual po?" Tanong ng babae sa akin. "Ano babe?" Tanong ko kay Tasha. "Sige miss yun nalang po." Sagot ni Tasha.

Naupo lang kami sa usual spot at napatingin sa paligid. "Ang daming nagbago noh? Yung kulay ng pader, yung design ng pinto, yung chandelier." Sabi nya.

"Isa lang naman yung di nagbago."

"Ano?"

"Yung pagmamahal ko sayo. Kahit na nasa America ako palagi, wala eh ikaw pa rin talaga." Palihim syang napangiti kaya napangiti na rin ako.

"Here's your order. Alam nyo po ba, ang tagal naming hinintay na bumalik kayo. Isa po kayo sa costumer na palagi naming inaabangan. Bakit po pala ngayon lang ulit kayo nagawi?" Tanong ng babaeng nagpaorder sa amin kanina.

"Pumunta kasi ako sa America. Ngayon lang ako nakauwi." Napatango tango naman ang babae. "Welcome back po! Ss po sa inyo, sana all." Ngumiti sya sa amin at ngumiti rin kami pabalik.

Matapos ang pasko, bumalik na rin ako. Masaya na malungkot. Pero yung regalo ko sa kanya, panty at bra para pag suot nya yun di nya ako makakalimutan.

*End of Flashback*

"Daddy!" Pinalapit ko si Yana sa akin. "Aalis ako bukas." Nakita ko naman na naiiyak sya. "Pero babalik din ako."

Matalinong bata si Yana at mabait. Madali naman syang kausap kaya maiintindihan naman nya siguro ako. Mahigit isang taon na sya at nakakaintindi na rin.

"Balik?" Agad naman akong tumango. "Promise." Sagot ko sa kanya at hinalikan sya sa noo.

Kinabukasan ay nakasakay na ako sa kotse papuntang airport. Tahimik lang kami ni Nico.

"Ang tahimik mo naman." Umiling lang ako bilang sagot. "Ilang taon ka na ulit? 21? Matanda ka na, tol."

"Bakit ilang taon ka na ba?"

"20."

"Nicolas De Jesus, alam nating bata pa tayo. Wala pa tayong puting buhok." Nagtawanan lang kami.

Maya-maya ay natahimik kami. Napaisip nanaman ako sa mga nangyari.

*Flashback*

Sinalubong ulit ako ni Tasha kasama ang mahigpit nyang yakap.

"Eto yung regalo ko, saan ko ilalagay?"

"Sa ilalim ng Christmas tree."

"Dave, sandwich ala Dave naman dyan." Sabi ni mama sa kanya.

"Sure tita." Tinulungan ulit ako ni Tasha sa paghahanda. Wala kaming planong lakad ngayon, siguro kaming magkakaibigan nalang muna dahil hindi kami masyadong nakakapag-usap.

"Tecson!" Sigaw ni Grey. "Bakit?" Sabay naming sigaw ni Winzie.

"Ay oo nga pala, dalawa kayong Tecson. Don't worry mag-iiba naman apelyido mo, Winzie."

"Alam mo, epal ka. Sana kasi sinigaw mong Dave hindi Tecson." Alam kong umiirap ngayon si Winzie.

"Bukas tara sa amusement park." Sabi ni Grey. "Sige." Sagot ko. Agad naman syang kumuha ng sandwich na ginagawa namin. "Wala ka nang parte rito mamaya ah?" Sabi ko. "Ok lang."

"Ikaw, di ka yata kumukuha?" Sabi ko kay Tasha na busy sa paglalagay ng mayonnaise. "Baka mawalan ako ng parte eh. Dapat mamaya, para feel yung busog."

At as usual natapos ang noche buena tsaka kami nagbigayan ng regalo. "Babe."

"Hm?"

"Regalo ko sayo."

"Babe, wag mong sabihing bra at panty nanaman yan. Uy pero alam mo, suot ko ngayon yung So-en na panty." Agad naman akong tumawa nang mahina.

"Wag kang tumawa, sira! Seryoso nga." Sabi nya habang hinahampas-hampas ako.

"Fine. Pero hindi to ganun sa dati ok?" Pagkaabot ko sa kanya ng regalo ay dahan-dahan nyang binuksan yun. Agad nangningning ang mga mata nya.

"Babe, seryoso?" Inakap nya agad ako. Umakyat lang sya saglit at paglabas ay suot na nya ang regalo ko. Shorts at medyo fitted na t-shirt.

"Babe, thank you talaga!" Ngayon ko lang sya pinayagang magsuot ng ganyan, pero kapag wala ako bawal pa rin syang magsuot ng ganun.

Nasa amusement park na kami at magkasama kami palagi ni Tasha. Halos lahat ng pambatang rides nasakyan namin. Pero masaya sa ferris wheel.

"Ganda noh?"

"Sobra, parang ikaw."

"De wow."

Nang makababa kami at nakatanaw sa kanya ang mga lalaki. Suot nya ang shorts na niregalo ko sa kanya. "Wala ka bang pamalit?" Tanong ko sa kanya. "Wala."

"Tinitignan ka nung mga lalaki."

"Uy, musta kayo dyan?" Kumakaway si Winzie sa amin.

Naupo muna kami sa mga bench habang nagpapahinga. "Bakit?" Tanong ni Grey. "Tintignan nung mga lalaki." Inis kong sagot at nag-iwas ng tingin. "Ah dahil nakashorts?"

"May leggings si Nana rito." Inabot ni Grey ang leggings kay Tasha. "Kunin mo na, baka mabastos ka pa lalo." Sabi naman ni Earl.

"Nana, Winzie, samahan nyo ako sa CR." Sabi nya sa dalawa. "Sasamahan namin kayo." Sagot naman ng dalawang lalaki.

"Ipatong mo yung shorts mo para hindi bumakat sa leggings." Bulong ko sa kanya.

Paglabas nila ay wala pa rin ako sa mood. Kaya ayokong pagsuutin ng maikli eh. "Babe, ok na, mag-iingat na ako." Hinila ko sya sa kamay at diretso pa ring nakatingin sa daanan. "Yan ang Dave na kilala ko." Sabi nya.

"At talagang nagawa mo pang sabihin yan ah?" Inis kong sabi. "Sorry na. Pero kasi, ang gwapo mo kapag seryosong ganyan." Sagot nya.

"Baka mas gwapo yung mga lalaki kanina." Humarap sya sa akin at pinigil ako sa paglalakad. "Ang gwapo mo na bat sila pa? Ikaw, mabait, gentleman. Eh sila? Panget, manyak." Hindi ko sya tinignan pero pinisil nya ako sa ilong. "Tumigil ka nga!" Agad naman syang lumayo sa akin.

Nakapila na kami para sa caterpillar, kung ano mang tawag dito. Hinawakan ko sya sa balikat tsaka ko lumapit. "Sorry na. I love you, Tasha."

*End of Flashback*

"Tol, ok ka pa naman? Excited ah." Ngumiti lang ako sa kanya at maya-maya pa ay nasa airport na kami.

"Ingat!" Sabi ko sa kanya pagbaba ko at inabot nya sa akin ang may kalakihang bag na lalagyan ko ng damit. Medyo magtatagal ako dun dahil pinayagan naman ako ni papa.

"Sige ikaw rin!"

Naghihintay lang ako sa pag-alis ng eroplano. Nakaupo ako sa loob habang ang mga katabi ko ay natutulog.

"Hey! Filipino?" Tanong ng lalaki sa tabi ko at tumango naman ako. "Magpapahinga ako saglit. Pwedeng pakigising ako mamayang 8:00 am?"

"Sure po."

"Thank you!"

Tumawag si mama sa akin kaya sinagot ko naman.

(Ma?)-ako

(Hindi ka ba talaga uuwi?)-sya

(Hindi po eh.)-ako

(Sige nak. Tawag ka kapag di ka busy ah?)-sya

(Sige po.)-ako

Si tito lang ang nakakaalam na uuwi ako. Kaya mahal na mahal ko si tito eh, di ko lang sya tatay, kaibigan ko pa.

Makalipas ang isang oras ay nag-alaem ang cellphone ko 7:50 na at malapit na kaming pasakayin.

"Bro!" Kinakalabit ko ang katabi ko. "Bro, gising na."

Maya-maya pa ay dumilat na sya. "Salamat sa paggising." Isang ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

Nasa eroplano na ako at nakaupo. Ang sarap sanang magdaydream kaso medyo maingay pa kaya mamaya nalang.

"Ikaw yung kanina?" Ngumiti sya sa akin at naupo sa tabi ko.

"Ang bata mo pa ah, exchange student?" Umiling ako. "Uuwi pong Pinas. Since 1st year college nilipat ako rito eh. Tuwing pasko lang nakakauwi." Sagot ko.

"Mukhang marami kang dala kanina."

"Opo. Family ko, family ng gf ko tsaka mga kaibigan ko. Mga regalo sa kanila." Napatango naman sya.

"Kayo po, mukhang excited po kayong umuwi."

"Ah oo. 10 years ko nang di nakikita yung anak ko. Wala kasi akong trabaho noon kaya napilitang maging OFW."

"Yung misis nyo po?"

"Eh ayun, isang taon palang yung anak namin, sumakabilang bahay na. Sumama sa kaibigan ko, bumuo ng sariling pamilya."

"Eh yung anak nyo po?"

"Nasa tita nya na wala ring permanenteng trabaho. Mahirap ang buhay, sobra. Kaya habang bata pa kayo, magsikap kayo, nag-enjoy kayo kasi habang tumatanda, mas nagiging mahirap ang buhay. Engineering diba?"

"Opo."

"Nakita ko sa keychain ng bag mo, Engineer Tecson."

"Ah opo. Ever since elementary Engineering po talaga eh. May ginawa rin po akong model ng bahay." Pinakita ko sa kanya ang picture ng ginawa ko.

"Maganda ah, sino architect?"

"Gf ko po."

"Pag natupad ang mga pangarap nyo, magandang bahay at magandang buhay ang maibibigay nyo sa mga anak nyo. Kaya mag-aral nang mabuti. Kahit mahirap, kasi mas mahirap ang hamon sa totoong buhay."

"Nakikita ko nga po. Swerte pa nga po ako at may kaya yung pamilya ko."

"Wag mong sasayangin ang pinaghirapan nila. Hindi man perpekto ang pamilya nyo, mas mabuti na yung ibabalik mo yung paghihirap nila. Pag nakapagtapos ka, dalhin mo sila sa America, ilibre mo ng masasarap na pagkain. Yung mga kailangan nila, bilhin mo. Kasi wala nang mas masaya pa sa pakiramdam kundi yung makitang masaya yung pamilya mo."

Nag-iwan sya ng isang ngiti sa labi ko bago lumipad ang eroplano. Mukhang pagod na pagod sya dahil natutulog nanaman. Ang sarap isipin ulit ang nangyari last year.

*Flashback*

"Movie nalang." Nandito kami ni Tasha sa kwarto nya. 25 na nang gabi at wala na rin namang bisita.

"Dave, uuwi ka ba?"

"Bukas nalang po siguro." Sagot ko kay mama. Nagpaiwan na ako, dun ako matutulog sa kabilang kwarto dahil nakila kuya Rei ang ate nya.

"Anong movie?" Tanong ko sa kanya. "Barcelona."

"Oh sige."

Habang nanonood kami ay di ko maiwasang mapatingin sa kanya. Habang tumatagal, mas gumaganda sya.

"Babe." Inakap ko sya at dumukdok ako sa balikat nya. "Ang bigat mo."

"Sorry."

"Bakit? Ano yun?"

"Next year ulit tayo magkikita kasi sa 30 babalik na ako." Ngumiti lang sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Ok lang yun, basta ba sa akin ka pa rin."

"Eto yung regalo ko sayo." Kinuha nya yun sa ilalim ng kumot at ngumiti sa akin. "Thank you."

Hindi na ako nagdedemand ng regalo mula sa kanya dahil tuwing anniversary ay nagpapadala sya ng regalo sa akin.

"Babe?"

"Bakit?"

"It's been 5 years. Graduating na rin tayo. Sana umuwi ka agad kasi magpapakasal pa tayo." Hinalikan ko sya sa noo. "Oo naman."

"Sana kahit... Kahit nandyan na si Yana, sana tuparin mo pa rin yung pangako mo."

"Promise."

*End of Flashback*

Pagbaba namin sa eroplano ay may umakbay sa akin. "Ako si Joselito Ramos, dating engineer naging construction worker tapos naging janitor sa kompanya sa America. Ingat ka, Engineer Tecson." Kumaway sya sa akin bago kami maghiwalay ng landas.

Pumara lang ako ng taxi at umuwi sa bahay. Nandito pa sila mama dahil bukas pa ang binatana.

"Ma!"

"Jusko, anak! Sabi mo di ka uuwi." Agad akong niyakap ni mama. Kinuha naman ni tito at iba kong gamit.

"Sakto pupunta na kami kila Tasha. 5:00 na oh."

"Ma, wag mo pala munang sasabihin na umuwi ako. Aayusin ko lang po yung mga regalo, babawasan ko yung dala."

"Sige nak."

Pagsakay ko sa kotse ay di ko mapigilang mapangiti. "Dito ka ba muna?"

"Opo. Party party muna kayo dun kunyari tapos papasok ako. Feeling artista lang ganun."

Lumabas na sila at hinihintay ko lang ang text ni tito. Bukas ang gate at iningayan nila para hindi mahalatang nandito ako.

From:Tito

Halika na.

Dahan-dahan akong pumasok sa gate nila at nagkakagulo sila sa loob. "Salamat kay Dave, may sabon na kami." Sigaw ni Viena.

"MERRY CHRISTMAS!"

Napatigil ang lahat at napatingin ako kay Tasha na nakatitig lang sa akin.

•••••

Eto na yung update, sana magustuhan nyo, like what I've said, mabilis ang time lapse pero may plano ako. Enjoy!

Vomment
Support
Follow



Continue Reading

You'll Also Like

18.4K 619 70
Published under Psicom's Reedz (4th Issue) Yanhur Bronte went to Palawan so he can make a manuscript novel about the Mystery death of Kairus...
307K 14.5K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
618K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...