THE UNEXPECTED Season 1 [COMP...

By Rheevie

13.4K 5.9K 524

Kakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagda... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11: THE WELCOMING PARTY 1
Chapter 12: THE WELCOMING PARTY 2
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 THE COLLEGE'S PARTY Part 1
CHAPTER 32: THE COLLEGE'S PARTY PART 3
CHAPTER 33: THE COLLEGE'S PARTY PART 4
CHAPTER 34: THE COLLEGE'S PARTY Part 5
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60: DEPARTMENT'S FESTIVAL PART 1
CHAPTER 61 DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 2
CHAPTER 62: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 3
CHAPTER 63: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 4
CHAPTER 64: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 5
CHAPTER 65: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 6
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79: THE UNEXPECTED ENCOUNTER
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102
SEASON 2 RELEASED!
Special Mention!
Rangovine Neostra 💕

CHAPTER 31: THE COLLEGE'S PARTY PART 2

107 63 1
By Rheevie

Thrianne's POV

Matapos ang performance namin kanina ay sumayaw na ulit ang dance group. Kasunod nyon ay ang pag-anunsyo ng mga special guest. Nakikita ko ang pagiging ganado ni Mitch habang inaanunsyo ang loko. Si Rin naman ay parang wala lang sa kanya. Inaasahan ko ng magiging special guest si Mitch dahil sya ang apo ng Dean, pero ang maisama ang masungit na iyon ay hindi ko alam. Nasa likod kami ng backstage habang inaayos ang mga instrument.May mga pumupuri sa akin sa labas pero hindi ko pinapansin. Ang tanging pinapansin ko sa lugar na ito ay ang mga kasama ko.

"That's a great performance Thrianne Kilein!!!!!" naisigaw ni Wilson sa sobrang saya nya. Hindi ko alam kung bakit pero nahawa ako ng kanyang paghanga. Napangisi ako sa kawalan. Nakita kong umalis si Shinichi matapos ang performance na iyon. Sabi nya kasi ay pupuntahan nya muna ang mga kasama nya.

"Grabe grabe! Mukhang binigay mo ang lahat kanina ah!"

"Kakaibang bokalista natin toh Cray! Ang saya nung kanina! Todo sigaw sayo ang mga tao ah!"

"Ibang level! Pang-international na hahahahaa! Nice!"

"A-Ano, hindi ko naman maikakanta yan ng maayos kung hindi dahil sainyo" nangingiti kong saad.

"Sowwwsss! Humble!!!!"

"Meron pa tayong dalawang kantang ipaplay mamaya, be ready guys"

"Okkk!!!"

Pagkatapos niyon ay iniwan na nila ako, at inayos ko na ang gitara at inilagay iyon sa gilid. Nakita kong lumapit si Thraundille.

"You're awesome vocalist baby tsk tsk"

"Bat ka nandito?"

"Wala naman, mabuti naman at kinanta mo yung paborito ni Dean hahaha! Ay wait, mamaya mo ba kakantahin yung nirequest ko?"

"Oo naman, hindi ko inexpect na isa ka sa special guest samantalang professor ka dito"

"Nyah, Don Mauricio invite me to be his special guest tonight with his grandson, it's so nica here pala"

"Ah talaga?"

"Yeah?" nagaalinlangang kibit balikat nya."why do you ask?"

"Hindi kasi halatang nice dito, kita ko naman sa mukha mo"

Nawala ang tipid nyang ngiti at bumalik na naman sa masungit ang itsura nya, na kadalasan ay palagi nang parte ng mukha nya."Hmm...well, I hope everyone will treat you nice tonight, and oh, after this night nga pala, dadaan tayo kila Adrin, may pinapasabi sayo"

"Ok" nakangiti kong sagot.

"You look happy! I'm proud of you!"

"And you look like a mother Rin, don't lend your hands on me" maangas kong babala sa kanyang pagtatangkang yakapin ako. Baka kasi may makakakita sa amin. Wala pa namang ingat ang taong ito.

"Ok ok baby! See you mamaya!"

"Sige"

Pagkaalis ni Rin ay nagaalburuto na ang tiyan ko, kasalanan ko toh eh, sa excite ko pa naman kanina ay nakalimutan kong kumain.

"Kilein, tara doon tayo!" yay ani Josh. Hinila na nya ako. Nandoon kami sa pwestong malapit kila Hades. Nakita kong tumatakbo na naman si Orange papalapit dito.Hay nako..

"Thrriaaaaaaannneeee!!!Waaaaahhh!!!"

"Psh"

Napaigtad ako ng yakapin nya ako ng mahigpit. Napapahiya akong tumingin sa baba.

"A-anong ginagawa mo dito? Nandoon sila Airon ah"

"Masaya lang akoooo Thriannne!! Ang galing mo kanina ah!!"
"Alam ko" mayabang kong sabi. Tumawa na lang din sya.

"A-Ay sya nga pala, nakita mo sina Rin at Mitch?! Hindi ko alam na special guest silang dalawa ano?! Grabe ang gwapo lalo ni Rin!"

"Oo nga eh" nakangising sabi ko.

"Uyyy! Miss mo sya ano?"

"Hmm" nagkibit balikat ako.

Siniringan nya ako, " naks ang yabang mo! Alam mo bang nagulat yung apat na kumag na iyon at yung sarkastikadang si Alomira! Hindi nila inaasahan na ikaw ang vocalist!"

Ngumisi ako,"Tch"

"Tapos ang sabi pa ang galing galing mo daw! Yung itsura ni Hades teh! Nakanganga habang pinanonood ka!At ito pa! Hindi lang sya nanonood sayo! Kundi nakikinig pa at nakikijamming sayo! Bwahahahahahahaahahahahah!!!"
Natawa ako sa sinabi ni Orange, nakita ko nga ang reaksyon ni Hades habang nagpeperform kami. Hindi siguro inaasahan ang ganoong pasabog na ginawa namin. Pero dahil wala na akong pakialam ay iiling iling akong pinagmasdan si Orange.

"Ang ganda mo ngayon ah"

"Hindi ah! Ampangit ko, hahhahahaha!!!"

"Tch, si Allison ba nag-ayos sayo?"

"Oo heheheh! Ang galing diba! Ultimong kahit mukhang panda ay napaganda at napuri ni Kilein hahahahahaha!!"

"Siraulo....maganda ka naman talaga eh, wala ka lang tiwala sa sarili mo"

Binigyan nya ako ng nanunuksong tingin, "inspired ka ba? Mukhang masaya ka ah! Yieee! Nandito kasi si Rin eh!"

"Manahimik ka nga"

Napanugso sya at nagsasalita na naman, "Pero alam mo, kanina parang may tension sa kanila ni Allison"

"Sino?" walang ganang tanong ko.

"Sino pa! E di si Timrelli! Naku ito naman kasing si Adrian lumalapit-lapit pa eh alam nang may jowa ang Allison natin! Alam mo naman na yung isang yon eh seryoso sa lahat ng bagay! Kinabahan ako, baka seryosohin din nya yung-" pinigilan ko na syang magsalita. Para talagang armalite ang bunganga ng babaeng ito.

"Hindi ganoon si Adrian, hindi naman sya basta-basta lumalapit kung wala syang kailangan sa babae"

"Kunsabagay"

"Teka, dapat hindi ka umaalis sa pwesto nila, baka mamaya mapaano ka"

"Eh ano kase-"

"Baklaaaaaaa!!!" rinig kong sigaw ni Pringles. Hindi ko sya nakita kanina ah. "ang bampirang si Thrianne Kilein! Isa palang bokalista! At ang taray pang-international pa ang mga kinanta mo!"

Naiilang akong nangiti, "S-Salamat"

Saka sya bumaling kay Orange, "Ang Rangovine naku! Mala-Shancai ang beauty ngayon! Hindi ka na mukhang black lady teh!"

"Sakop yata ng powers ni Allison toh hahahahahhaha!!" napalakas ang tawa dahilan para mapalayo ako ng kaunti."Teka nga Pringles! San ka nga pala galing?! Hinahanap ka ni Allison kanina"

"Pinag-ayos ako ni Senior Ong sa mga foods noh! Nakakaloka sya! Ginawa pa akong waiter! Samantalang todo porma ang lolo ninyo oh!" umikot ikot pa sya habang kumekembot. Tsh bakla..

"Alam mo bakla, kung naging lalaki ka baka dati ka ng pinagkakaguluhan ng mga kabaro ko! Ang gwapo mo eh oh!!"

"Eww! Wag mo nga akong inaasar Rangovine! Kinikilabutan ako!" nandidiring aniya saka humawak sa dibdib. Natatawa na lang akong nailing. Tumayo na ako at nagorder na ng pagkain ng makakasalubong ko na naman si Hades. Kunot na kunot ang kanyang noo. Ano na naman kayang problema ng asungot na ito?
Kasa-kasama niya si Natheleo.

"Hindi ko alam na kumakanta ka?" nakangiting tanong ni Nath. Sya yung narinig kong may pinakamalakas na tawa kanina. Para syang Orange..

"Tch, lagi mo akong pinapahiya Rukawa.."

"Talaga?" nakangising insulto ko sa kanya. Umawang ang bibig nya.

"Pasalamat ka maganda ang performance ninyo kanina, kundi ay talagang mapapahiya kayo "

"Talaga bang hindi ka sumusuko na alaskahin ako?"

"Ha?"

"Tsh, hindi ko kailangan ng concern mo, sige dyan ka na"

"Ang kapal mong babae ka! Concern?! Sino?ako?! Psh! Mangarap ka ng tulog!"

Baka mangarap ng gising..tsk magsasalita na nga lang hindi pa nag-iisip..

Iniwan ko na sila doon. Talagang hindi ko na makontrol itong gutom ko. Naupo ako sa gilid, kung saan ay wala akong makakatabing mga asungot. Mag-isa lang akong kumain. Nag-umpisa ng dumagundong ang nakakarelax na music. Nagsitayuan ang ibang mga may partners, maliban kina Hades.

"Kilein.." rinig kong tawag ni Adrian. Hindi ko sya pinansin at nagtuloy lang ako sa pagkain. Naramdaman ko ng naupo sya sa tabi ko. "It's so..amazing..that good song.." patungkol nya sa Foolish Heart kanina.

"Hmm.." napakunot ang noo ko sa tinuran nya. "bat ka nandito?" tanong ko habang nakatingin sa baba.

"Wala naman hahaha, naisip ko lang na maupo dito kasama mo.."

"Oh?"

"B-Bakit hindi na ba pwede?"

"Hindi naman, nagtataka lang ako, buti naisipan mo pang magkaroon ng concern sa akin"

Malungkot na napatingin sa akin ang lalaki. Upang hindi magtama ang paningin namin ay ako na agad ang umiwas at tinuloy ko ang pagsubo nitong pansit palabok. Ngunit kasabay niyon ay ang kirot sa dibdib ko.

"H-Hindi ko alam ang... gagawin ko Kilein.."

"Saan?"

"H-Ha?"

Iiling-iling akong kumain, at nilunok iyon,"Tch, anyway, pakitawag si Rin"

"Iniiwasan mo ba ako?"

"What? Hindi"

"K-Kasi...hindi mo na ako kinakausap, palagi ka ng ilag sa akin, minsan pa nga tungkol lang sa kaso ang tinatanong mo"

"Ano bang gusto mong itanong ko sayo?" nayayamot na ako sa lalaking ito.

"A-Ahmm-"

"Hindi ko na kailangang magtanong at wala na akong dapat itanong sayo Adrian, umalis ka na dito sa tabi ko, pakitawag na lang si Rin" pagkasabi kong iyon ay tumayo na ako at napadighay habang naglalakad ng mabagal. Saglit akong natigilan ng makita sila Hades at Persephone. Sumasayaw na silang dalawa sa gitna

Naalala kong tinawag mo akong Rukawa..Rukawa Kaede ng Slam Dunk..tch ang gwapo ko naman kung ganon..

Napangisi ako sa kaiisip. Kung ganon sya si Sakuragi at ang babaeng yan ay si Haruko. Bagay silang dalawa.. parehong demonyo at plastic...

"Bagay na bagay sila ano?"

"Oo! Para akong nasa langit ngayon! Kinikilig ako!!"

"Ano ka ba! Manliligaw pa lang naman sya no!"

"Pero kahit na, kapag naging sila na ni Jehridale sigurado sila ang power couple ng SMU!!"

Ngumiwi na lang ako sa pinaguusapan ng mga katabi ko. Nasa ganoong pagmamatyag ako ng mahagip ng mata ko si Rin. Nakahalukipkip syang nakatingin sa kung saan. Hindi ko maitatangging sya yata ang pinakagwapo sa gabing ito. Kumpara kay Hades ay wala syang maibabatbat.

Bumalik sa paningin ko ang dalawa. Kumpara kina Allison at Timrelli ay sila ang pinakaangat na mga bituin, ang isang iyon naman ay kasingganda ng kabilugan ng buwan. Ang tinutukoy ko ay si Hades.

Kung hindi lang tarantado baka iba ang trato ko sa isang yon...

Nahagip ko din ang paningin ng dean. Katabi nya ang isang matandang lalaki na alam kong kasing edad nya. Mabait at palaging nakangiti ang paraan ni Don Mauricio ng pakikipagusap samantalang ang isang iyon ay mukhang masungit. Tiyak kong sya ang Lolo ni Hades.

Kung mamalasin ka nga naman, mukhang alam ko na kung saan nagmana ang siraulong apo nya..

Tinungga ko ang tubig at wala sa sariling naglakad-lakad. Dala-dala ang pagkain at tubig, hindi ko mahulugang karayom ang dami ng mga taong narito sa baba. Inis akong bumalik sa taas ng maaninag ko si Shinichi.

"Hi"

"Hmm."

"Do you want to come and join us?" yaya nya. Umiling ako.

"No" mabilis kong tanggi. Pilit ang ngiti nyang iginawad sa akin.

"A-Ahm..since you're alone tonight, can I join you?"

"Sige lang"

Tahimik kaming naglakad sa pasilyo sa itaas habang pinagmamasdan ang buwan. Maganda ang hotel na ito, dahil bukod sa mga magagandang decorations ay napapaligiran iyon ng mga dahoon at isang malaking larawan ng isang babaeng nakikipagsayawan sa mga kasamahan. At ang venue nito ay hindi nakakulong sa loob ng isang malaking grand hall, may mga nakaawang na bintana na maaring masilip ang magandang tanawin sa labas. Para itiong palasyo, na ang tanging kastilyo ay nasa tabi ng karagatan.Paborito ko ang pagtanaw sa sunset, at ang pagtanaw sa hatinggabi sa buwan.

"Do you like moon?"

"Oo"

"Why?"

"Ewan"

"You..like the moon but you don't know the reason why you like it?"

"Ewan ko" pag-uulit ko.

"By the way, ahm..do you want to dance with me tonight? Kasi..."

"Sige" pag-sang-ayon ko habang nakatingin pa rin sa buwan. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag, pero ang alam ko, isang beses sa isang taon ko lang ito mararanasan, sa tanang buhay ko ay wala pa akong naisasayaw.

"Really?" tiyak akong nakangiti sya. Nakapamulsa akong naglakad pababa. Pakiramdam ko kasi ay wala ng gaanong tao sa hagdan dahil nasa baba na ang lahat. Naramdaman kong nakasunod sa akin ang lalaki. Habang bumababa ay pasiring nila akong tinitingnan, wari ang mga reaksyon sa mukha nila ay nagtataka kung bakit kami magkasama.

At dahil wala akong pakialam...hindi ko na sila pinansin..

Hindi ko magawang maging komportable sa mabagal na kanta niyon. Nakikita ko ang mga taong sumasayaw kasama ang mga partner nila, napangisi ako dahil ang ganda ng ngiti ni Sakuragi. Hindi ko maitatangging gwapo talaga sya ngayong gabi, kahit anong gawin kong pag-iwas ng tingin o di kaya ay mabaling sa iba ay nakukuha nito ang atensyon ko. Sa kanilang lima, sya ang may pinakanatatanging tao na makakapantay na halos kay Rin. Pero napangiwi ako at nailing.

Wala namang ibang ibig sabihin niyon, hindi lang talaga ako makapaniwalang makakasama ako sa ganitong okasyon sa kabila ng mga katarantaduhang pinagagawa ng mga estudyanteng naririto.

"Atheeennaa! Idollll!!"

"Nandito sya oh! Hi Idol!!"

Marami ang sumisigaw sa palayaw kong iyon. Pero lahat yon hindi ko na pinansin. Papalapit na ako kila Timrelli. Napansin ko namang naguumpisa ng sumayaw sila Orange. Ang isa naman nilang kasama ay nakaupo lang at nanonood.

Naibalik ang paningin ko sa harap ng ilahad sa akin ang kamay ni Shinichi. Maganda ang ngiti nyang iyon. Tuloy ay parang pinagsisihan kong tinanggap ang alok nyang sumayaw kasama sya.



Orange's POV

FLASHBACK BEFORE THE DANCE--

Habang nag-uusap kami ni Pringles kanina ay napansin kong wala na sa tabi ko ang babaeng iyon. Ang topaking si Thrianne ay namumutla na naman kanina, may hula akong hindi pa yun kumain, Gayunpaman, may tiwala naman akong hindi magiging masama ang gabing ito, dahil alam kong wala nang gagawing hindi maganda si Hades sa kanya. Napansin ko rin ang pamumutla ni Pringles ng tawagin sya ng isang babaeng matangkad at isa ring lalaking matangkad. Mukhang mga sportsman ang mga iyon.

Bumalik lang ako sa ulirat ng sinundo ako ni Airon, napabusangot agad ang mukha ko ng makita kung gaano kaganda ang ngiti nya.

"You're so simple..but elegant" pasimple na sana nyang hahawakan ang kamay ko ng mabilis kong nailayo iyon. Inis akong tumingin sa kanya.

"Baka nakakalimutan mong hindi mo pa ako girlfriend! Aba kung makaasta ka naman dyan kala mo kung sino ka!"

"Hahahhaa...bakit kasi nagpapakipot ka pa?"

"Dahil nga ayaw ko sayo!"

Sa inis ko ay lumakad na ako ng patakbo. Hindi ko namalayang sinusundan nya na pala ako.Ang kulit kulit ng lalaking ito!

Siniringan ko sya,"Bat ba kasi nakasunod ka sakin!"

"Kasi nga nagpapasunod ka cutie"

"Eh ayaw ko ngang sundan mo ako! Wag ka ngang makulit!"

Maglalakad pa sana ako ng hawakan na nya ang pulsuhan ko, "Wag ka na kasing magpakipot, kasi kung magpapakipot ka pa mas lalo lang kitang kukulitin cutie"

"Diba alam mo ng ayaw ko sa pagmumukha mo! Bakit ba lumalapit ka pa sa akin!"

"Kasi nga gusto kita"

O//_//O

Natigilan ako at pinamulahan ng pisngi. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito waaaahhh!

"A-Alam mo bang nahihirapan na ako sayo, kung paano mo ako kausapin ay parang daig mo pa ang leon, ngayon lang kaya ako nahirapan sa isang babae, maswerte ka nga nagkagusto sayo ang isang Carlos Aronil"

"Ang yabang mo naman!"

"Hindi naman ako nagyayabang cutie, talagang totoo ang sinasabi ko, ilang linggo kang hindi mawala sa isip ko, tapos pag nakikita kita para akong lulubog, kung barahin mo ako parang gusto ko pang marinig yun"

Nabibigla ako sa mga naririnig ko. Totoo ba ito?! Hindi ko magawang paniwalaan ang mga sinasabi nya, lalo na at isa syang playboy!

"Alam mo! Kung sa tingin mo ay paniniwalaan ko ang mga pinagsasabi mo ngayon, pwes manigas ka! Dyan ka na!" tinulak ko na sya at naglakad na papalapit kay Allison.

"Oh? Nahanap mo na si Pringles?"

"Oo, kaso pinatawag sya nung mga seniors yata iyon"

"Bakit yata?"

"Kasi ang tatangkad nila, Siguro mga varsity players sila ng SMU, alam mo na, inuutos-utusan na naman si bakla"

"Ah ganon ba, sayang naman, hindi sya makakajoin sa atin. Ahmm..babe?" baling niya kay Timrelli, "pupunta lang kami ni Rangie sa cr, kung ok lang sayo, don't worry saglit lang kami!"

Pilit ang ngiting iginawad sa amin, "Okay"

"Thank you!!"

Naglalakad na kami papuntang cr. Mukhang makakasalubong namin si Mitch, kasama nya si Dean Mauricio at yung isa pang matanda. Awtomatiko kong hinila ang braso ni Allison.

"B-Bakit girl?"

"Daan tayo don" suhestiyon ko.

"Pero ito ang pinakamalapit na shortcut-"

"Tara na!!!" pagpupumilit ko. Wala na rin syang nagawa kundi sundin ako.

"Hay! Bakit mo ako hinila kanina girl! Nakakaloka ka! Tingnan mo oh!" tinuro nya ang high heels na suot nya ,"muntik nang masira hahaha!"

"S-Sorry"

"Ok lang! May extra naman akong shoes-ay wait! Retouch tayo! Haggard na tayong pareho eh hahahahahaha!" nakatawang aniya. Napakamot na lang ako sa tenga at inayos ang nakabon na hair ko.

"Oh ayan! So fresh ka na!!"

"T-Thank you ah! Naku kung wala kayo rito hindi talaga ako sasama eh"

"It's okay girl, at saka buti nga hindi gaanong minamalas ang gabing ito, alam mo na, walang Hades na manggugulpi kay Lein! Ay teka! Kayo ah! Hindi kayo nagkekwento sa amin ni Lein, hindi namin alam ni Prince na kasali pala kayo sa banda! Naglilihim kayo sa amin ha!"

Hala hindi ko pa pala naikwento.."Sorry sorry! Nakalimutan kong ikwento sa inyo, ayaw kasi ni Thrianne na ikwento sa inyo, gusto nya surprise pa sa inyong dalawa yun"

"Ay talaga?! Ang sweet nya! Oh my gosh, alam mo bang hindi ako makaget over doon sa mga kinanta nya, ang galing galing nya sobra!!"

Nagmamalaki naman akong ngumiti, "Kung hindi mo naitatanong, 1 year nya lang inaral lahat ng kanta. Noon kasi pahapyaw lang, hindi nya sineryoso"

"Woww! Bilib na ako sa kanya!"

"Kaya nga naging idol ko sya eh! Hahahahahhaha!"

Matapos niyon ay lumabas na kami ng cr. Pareho kaming madaldal ni Allison kaya halos lahat ng madaanan namin ay napapatingin sa amin.

"Mga extra"

"Oo nga, gusto maging sikat kaya nila nilalapitan ang The 5"

"In fairness ang ganda nilang pareho"

"Nadala lang yan ng make up"

Ilan lang yan sa mga echapwerang epal na binubulong nila nung makita kami.

"Iba talaga mainggit ang mga palaka, panay ang ongo nila sa tag-ulan hahahahh!"

Hindi ko makuha ang sinabing iyon ni Allison. Nanatili na lang akong naglalakad kasama sya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Pringles.

"Pringles!! Nandito kami-" natigilan ako ng mapahigpit ang hawak ni Allison sa braso ko. "bakit?"

"Ha?"

"Bakit nagkaganyan ang itsura mo Ali, nandun si Pringles oh! Tara lapi-"

"No..ahm, bumalik na tayo kila Timrelli, baka magalit yun eh."

Nagaalinlangan man ay napasulyap na lang ako kay Pringles, nanatili itong nakatingin sa kung saan. May umusbing na kaba sa loob ko ngayon. At pakiramdam ko ay hindi ako magiging komportable sa gabing ito. Pagkarating namin sa pwesto nila Airon ay bigla akong inakbayan.

"Cutie! Hinahanap kita kanina, bat bigla-bigla kang nawawala?"

Sinamaan ko sya ng tingin, "pwede bang wag mo kong sagarin at baka sipain na kita dyan!"

Nakakaloko na ang ngiting pinukaw sa akin.

"Bakit sinasagad na ba kita?"

Napamaang ako sa kahanginan ng unggoy na ito! Naiinis na ako!

"Talaga bang?!-"

"Heyyyyy!!!! Haahahahahah! Panda! Wow you look wonderful today! I like it-" nahinto sya ng sikmuraan sya ng mahina ni Airon. Natatawang nagsalita na naman si Nath, "why? Ayaw mo bang purihin ko ang panda mo Bihon?"

O_O

"Bihon?! BWAHAHAHAHAHAHAHAAAHAHAHAHAHAHHAAHAAAHAAHAAHAHAHAHAHAHAHA!!!!" napalakas ang tawa ko sa palayaw na ibinigay ni Nath sa kanya. Halata naman sa mukha ni Airon ang pagkapikon.

"Wow Bihon! Nice hahahaha! Oh baka lomi na yan sa susunod! Bwahaha!" sabat ni Allison. Binirahan na nya kaagad ng alis.

"D-Diba sabi mo hindi mo ako tatawagin sa ganyan ha Nath?!"

"Well, I'm breaking the rules babe-"

"Don't call me babe Natheleo! Tsh, cutie-" pagkabaling nya sa akin ay binigay ko na an gpang-asar kong ngiti.

"Bihon!"

"No-"

"Bihon! Bihon!Bihon! Bihoooooooonnn!!!"

"Stoppp! Narrgghh!" inis na sigaw ni Airon. Tatawa-tawa akong napahawak sa tiyan. Napalakas ang tawa ni Nath.

"Tara na biho-"

"Stop teasing me Rangovine, it's not funny" nakangusong aniya. Nagpauna na sya sa amin.

"Pikunin, parang si ice berg"

"Lahat naman yata sa grupo ninyo pikunin"

"Hmm..except me and Shinichi" natatawang kibit balikat ni Nath. Naupo na kami. Ni hindi man lang kami kinakausap ni Aoko. Tanging ang paningin nito ay si Jehridale. Hindi ko na sila pinansin pa at abala ako sa paglayo kay Airon.

"A-Ano ba! Para kang centipede ah!"

"C-Centipede?!"

"Oo! Centipede! Dahil kung makakadikit ka sa akin ay ginagalis na ako! Bwisit!"

"But I'm charmi-"

"Hindi ka charming! Mukha kang bihon! Bihooonnn!!"

Nanatili lang syang nakatitig sa akin. Parang hindi nya narinig yung pang-aasar ko sa kanya. Tuloy ay napilitan akong makagat ang pang ibabang labi. Saka nag-iwas ng tingin. Parehong nag-init ang mukha ko. Sa sobrang init niyon ay pakiramdam ko para akong lalagnatin.

"I-Ilayo mo nga sa akin ang mukha mo! Bwiset!"

Hindi nya ako pinakinggan. Sa halip ay tinitigan lang nya ako.

"Do you want to dance with me darling?"

Napamaang ako sa kanya. Inilahad na nya ang kamay sa akin. Ang nakakarelax na music ang lalong nagpalakas ng kabog sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwang ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako kaagad nakapagsalita, ni ang pagkilos ko ay hindi ko nagawa. Para akong naistatwa sa kinauupuan ko.

"Oh ano? Bakit hindi ka makapagsalita?"

"H-Ha?"

"Oh come on, dance with me cutie, minsan lang toh sa buhay mo"

Anong ibig nyang sabihin? "S-Sige na nga! Oh ayan! Happy ka happy ka?!"

Tumawa lang ang magaling na lalaki. Habang hawak-hawak ang kamay ko ay pakiramdam ko kaming dalawa lang ang narito ngayon. Na para bang wala kaming pakialam sa paligid. First time experience ko ito, maliban sa debut ko noong last year hehehhe.

Nasa halos gitna kami sumayaw. Nasa gitna kasi ay sila Hades. Pero hindi ko sila pinansin, tanging ang paningin ko ay sa kamay kong kanina pa nya hawak.

Jehridale's POV

Pangilang sayaw na namin ni Aoko, hindi ko maiwasang mangiti ng gabing ngayon. Para akong nakalutang sa ere habang kasayaw sya. At hanggang ngayon ay kasayaw ko pa rin sya.

"Hmm, kanina mo pa ako tinititigan ah hahaha"

"Ang ganda mo kasi Aoko, hindi ko na maibaling sa iba itong paningin ko"

Pinamulahan sya at nag-iwas ng tingin, saka mahinang natawa, "Grabe ka na magbiro ah hahaha"

"Hayss, totoo naman kasi Alomira" nakaangat na ang bibig ko. Palagi na lang nyang hindi sineseryoso itong mga pagpupuri ko. Nakakainis..

"Oh..diba si Shinichi yun?"

Awtomatiko akong napatingin sa lugar kung saan nakatingin si Aoko. Si Shinichi nga iyon, at kasama nya si Rukawa!

Nakalahad ang kanyang kamay sa babae, habang ito namang si babae ay nakatingin lang sa kamay nitong nakalahad. Sa maikling panahon na kinilala ko itong kaaway ko ay ugali nyang hindi tanggapin ang kamay na nakalahad. Pero ang nakakagulat ngayon ay unti-unti na nitong inaabot ang nakalahad na kamay ni Shin.

At dahil doon nakaramdam ako ng inis!

"Dale? Ok ka lang?"

"H-Ha?"

"Kasi bigla ka na lang huminto eh, may problema ka ba?"

"W-Wala naman" sagot ko habang hindi maialis ang tingin kay Rukawa. Papalapit na sila sa amin. Hindi ko marinig ang usapan nilang dalawa pero napangiti ang babaeng iyon. Napaawang ang labi ko at pilit na binabalik ang atensyon kay Aoko.

"A-Aoko"

"Oh?"

"U-Upo na tayo, napagod na ako eh"

"Ha?"

Hindi ko na sya sinagot pa. Dire-diretso na akong nagtungo sa pwesto namin at nakangusong napahalukipkip. Hindi ko alam kung bakit Nawala ako sa mood, Nakaramdam lang naman ako ng inis, sobra-sobrang inis na hindi ko na alam kung saan nanggaling. Basta ang alam ko ay naiinis ako at hindi ko alam!

"Huy! Bakit mo iniwan si Aoko?!" bungad ni Nath." Anong nangyari? Nag-away kayo?!"

"H-Hindi"

"Eh ano? Nako, dahil sa ginawa mo nagwalk out tuloy! Tingnan mo nawala na oh"

Napalingon ako sa dance floor kung saan ko iniwan si Aoko. Nawala nga sya. Tuloy ay hindi ko maiwasang makonsensya sa ginawa ko. Nakakainis!

"Hala ka! Manliligaw ka palang nang-iiwan ka na! Hahaahaha"

Napaismid ako, "Manahimik ka nga Natheleo"

"Kung bakit naman kasi nagkakaganyan ka, parang kanina lang ok na ok ka ah"

"H-Hindi ko alam, basta"

"Oy teka?! Si Shinichi yun ah! At kasama nya si Rukawa Kaede!!!" nakaduro na sya sa kung saan, "Haaaayyy! Alam ko na kung bakit ka naiinis! Dahil inagaw ng dalawang iyan ang spotlight nyo bwahahahahaha!"

"P-Pwede ba Natheleo?!" napasigaw ako dahilan para mabigla sya. "hindi ganon yun ok!"

"A-Aba galit ka na nyan?"

"H-Hindi nga!Bat ba kasi ang kulit mo!"

"Nah!! Galit toh! Bakit? Dahil ba hindi ka sinapak kanina ni Rukawa a.k.a. Athena Zoldyck mo! Hahahahahaha!!!"

"Putra, alam mo kanina mo pa ako inaasar yari ka na sakin!"

Malakas ang tawa nya na nagpaharang sa mga speaker, " Ngayon ka lang nagkaganyan Dale, nakakapanibago ka, siguro-"

"Ano ba Natheleo!"

"Sige na aminin mo na kase! Nababadtrip ka kaya ka nagkakaganyan!"

"Saan naman?!"

"Sa kanilang dalawa!" nakaduro na naman sya doon sa dalawang bwiset.

"E-Eh ano naman!?"

"Oh diba!! Inamin mo rin! Alam mo kasi, may dalawa akong mata Jehridale, at kahit hindi mo aminin nararamdaman ko at tama iyon!"

"Pano ka naman nakakasiguro!"

"Oy oy oy! Bat nagsisigawan na kayong dalawa ha?! Hahhahahahaha!!" sumabat na si Airon sa amin. Kasama nya si Panda. Nakangusong nakatingin sa ibaba.

"Eh ito kasing si Hanamichi iniwan si Haruko! Kaya ayun, beastmode! Bwahahahahaahaha!!!"

"Naku po brad! Goodluck na lang! Hahahahah!"

Imbes na maasar ay napangiti na lang ako, nakikita ko na kasing parang ok na si Airon. "A-Airon..pwede ba tayong mag-usap?"

Nawala ang ngiti nya at seryosong tumingin sa akin, "Okay, ahm..cutie-"

"A-Ano ba! Sinabi nang wag mo kong tawaging cutie! Bwiset ka!"

"E di darling-"

"Ayaw ko-"

"Darling.." malambing na ang boses ng bihon. Pinandilatan sya ng mata ni Panda. Hindi ko na sila pinansin at naibaling ko na naman sa dancefloor ang paningin. Naagaw ang atensyon ko sa tilian ng mga babae ng naglkaad na sa gitna ng spotlight si Prof. Thraundille.

At laking gulat ko ng lumapit sya sa kinaroroonan nila Thrianne!!
Kahit medyo may kalayuan ay kitang-kita ko ang pagbabago ng reaksyon ni Shinichi ng makita sya. Ang masungit na prof naman ay inilahad ang kamay sa babae. Walang emosyon syang tiningnan nito at walang alinlangang inabot ang kamay ng prof.

"Oh my goooooddd!!"

"Did you see that girls!?"

"Si Professor Thraundille! Oh myyy! First time kong makita syang may inayang isayaw ngayon! Waaaaahhh!"

"Kinikilig na ako!!!"

"Nakakakilig na sana kaso si Athena pa ang-"

"Hoooyyy!" inis kong sigaw sa mga nasa likuran namin.

"H-Hala si Jehridale!"

"Lagot ka girl! Ang ingay mo kasi e"

"P-Pwede ba! Wag nyo syang tawaging Athena! Wala kayong karapatan na tawagin syang ganyan naiintindihan nyo ba?!"

"O-Oo.."

Inis akong ibinalik ang paningin sa unahan. Narinig ko na naman ang malakas na tawa ni Natheleo. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Bigla bigla ka na lang naninigaw Jehridale ah, baka iba na yan!"

"S-Sira! Tumigil ka na nga! Badtrip!"

Maya-maya pa..

"Magkakakilala ba sila ni Prof?" nagtatakang tanong ni Nath. Bumalik na sa pwesto namin sila Timrelli. Bakas naman sa mukha ni Shinichi ang pagkadismaya.

"Oo nga eh" kibit balikat na sagot ni Airon. Napahawak naman sa bibig si Panda.

"Hoy Panda, magkakilala ba sila ha?" inis kong tanong.

"H-Ha?"
"Kasi, noong nagdate kami ni Aoko, dalawang beses ko ng nakita silang magkasama eh, Siguro magkakilala sila ano?"

"Talaga?!" nagugulat na tanong ni Allison.

"E-Ewan ko, tsaka hindi naman ako si Athena mo ah!"

Inis akong napahalukikip. Mas lalo na akong nainis ng makita syang tumatawa habang kasayaw ang lalaking iyon!

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng inis ngayon, nakakabadtrip!

Matapos nilang sumayaw ay pinuntahan nila ang pwesto nila Mitch. Hindi ko na sila sinundan pa ng tingin.

"Hindi ko alam kung bakit sila magkakilala, ang bali-balita kasi may fiancée na si Prof." sabat ni Timrelli. Gulat na napatingin sa kanya ang lahat, pati na ako. Sandali kaming natahimik. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapaniwalaan ang sinabi nya. Sa sobrang sungit ng taong iyon, may fiancée na pala sya?

"Oh ano namang nangyari sa mukha mo bro?" baling ni Nath kay Shinichi. Hindi sya nito sinagot. Malungkot syang sinulyapan ang dance floor.

Nagtataka na akong tumingin sa kanya. Ano na namang nangyayari sa taong ito?
Ngiti lang ang iginawad nya sa amin at naupo ng matamlay. Sa sandaling iyon nay napagtanto kong napakawalang kwenta kong kaibigan para sa kanya..

Continue Reading

You'll Also Like

150K 3.6K 46
Handa kana 'bang pumasok sa University na hindi nasasaklaw nang gobyerno? Na kahit pumatay ka legal? Ngunit hindi lang ito basta-basta patayan. Tuk...
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
44.4K 1.2K 33
hope you like reading this new story of mine :) so yeah Enjoy reading ?
1.1M 13.9K 84
He doesn't believe in LOVE. He have his reasons. She believes in LOVE. And making him believe is her mission. Will she succeed or just like him, she'...