DARK PHOENIX ACADEMY

By fancy_bish

47 2 2

WELCOME TO DARK PHOENIX ACADEMY! More

PROLOGUE
02

01

16 1 0
By fancy_bish

BLAINE'S POV
Humikab ako at sumilip sa maliit na bintana ng kalesa... Laking gulat ko nang-makita ko ang nag-lalakihang mga bahay at istraktura...

"Eren, Mika gising..." Hinampas ko ng mahina ang mga braso nila hanggang sa magising sila...

"Bakit?" Tanong ni Mika at uminat pa...

"Andito na tayo..." Pagkatapos kong sabihin yun at tumigil ang kalesa... Bumukas yung pinto at lumabas na kami dala-dala ang mga dala naming bag...

"Wow..." Manghang bulong ko... Nang makita ko ang napakalaking gate sa harappan... Itim iyon at pangalan ng akademya ang nakalagay sa tuktok...

"Are these the new students?" Napatingin ako sa babaeng nakasuot ng magarang damit... Nakalugay ang maikli nitong buhok at nakasuot ng salamin...

"Yes madam..." Tumango lang yung babae at umalis na yung guwardiya...

"Welcome to Dark Phoenix Academy... I'm Ms. Trixie Lockhart... Headmistress of this school..." Then she smiled... Kahit papano naiintindihan ko yung sinasabi niya...

"Madam!" Napatingin ako sa babaeng naka-suot ng uniform... Nakatali yung buhok niya... At panyo na nagsi-silbing headband niya...

"Everyone, this is Krystal Leroux... She will help you around the school...." Ngumiti yung babae saamin at nag-lakad papalayo yung headmistress...

"Hi! Ummm wait your names are Blaine Leonhart, Mika Heartvale and Eren Laflamme?" Tumango lang kami...

"Marunong ka bang mag-salita ng normal na lenggwahe?" Tanong bigla ni Eren na ikinatingin naman namin ni Mika sa kaniya...

Napatingin ako doon sa babae na parang nagulat pa sa sinabi ng kaibigan namin... Natawa siya bigla at pinisil ang pisngi ni Eren na ikinapula niya bigla...

"Oo naman! Pasensya na kayo kailangan kasi namin mag-salita ganun para maging pormal..." At ngumiti siya...

"Ang sosyal niyo naman dito..." Sabi naman ni Mika...

"Baking may ganyan ka?" Tanong ko at itinuro ang parang pulang tela sa kanang braso niya... Na parang may simbolo na di ko alam kung amp...

"Armband ito sa student council ako kasi ang Vice president..." Napatango nalang ako...

Napatawa naman siya at may tinignan sa papel na hawak niya...

"Anyways, tara na ililibot ko kayo sa academy... Bago tayo dumeretso sa dorms..." Nauna na siyang mag-lakad at sumunod kami sa kaniya...

Nag-libot kami sa buong academy... Mula sa school buildings, library, cafeteria, gymnasium, mini-battle arena at marami pa...

Hindi ko makakapag-kaila na malaki itong academy... Mas malaki pa ito sa bayan ng Zenoria...

"And that's all... And by the way Welcome to Dark Phoenix Academy..." At ngumiti siya...

"Salamat..." Sagot ko at ngumiti...

"Alam kong pagod na kayo kaya tara na sa dorms..." Tumango lang kami at sumunod sa kaniya...

Nag-lakad kami papunta sa kanang-direksyon ng academy... May dinadaan kaming pathway daw sabi ni Krystal...

Huminto kami sa isang mataas pero malapad na tore...

"Ito nga pala ang dorms ng girls... Bawal mag-sama ang lalaki at babae sa isang dorm kaya yung sa lalaki naman ay nasa kaliwang side ng academy... Pumasok na kayo sa loob ihahatid ko lang si Eren sa dorm niya..." Napatingin ako kay Eren na nakatingin sakin na parang nag-mamakaawa... Napatawa nalang ako...

Nag-paalam kami ni Mika kay Eren at nag-lakad na sila papaalis ni Krystal... Pumasok kami ni Mika sa loob at namangha ako sa laki niya... May pito na palapag at may parang malaking sala didto sa baba... Meron din akong nakikitang estudyante na nakikipag-tawanan sa isa't-isa...

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko at tumingin kay Mika... Nagkibit-balikat lang siya...

"Ms. Leonhart and Ms. Heartvale?" Napatingin ako sa babaeng may hawak na papel... Nakatingin siya samin...

"Kami nga po..." Sagot ni Mika...

"Wonderful! Follow me to your dorm..." Nauna siyang mag-lakad na had namin sinundan ni Mika... Pumunta kami sa ikatlong palapag at huminto sa isang pinto...

Binuksan niya iyon at tumingin saamin ni Mika...

"This will be your dorm room... By the way, I'm Portia Leroux... I'm the Dorm Manager if you have concerns about your dorm sa akin kayo lalapit... My office is at the ground floor sa right side next to the mini library... Anyways, Four students each dorm your other roommate is already inside..." Tumango lang kami at pumasok na sa loob...

Pagkapasok namin agad namin nadatnan ang isang babaeng nag-babasa ng libro habang nakahiga sa kama... Mas malaki pa itong dorm room kaysa sa kwarto ko...

"Hey..." Bati nung babae at umupo...

"Hi!" Bati ko at ngumiti...

"Chiara Reiss..." At nilahad niya ang kamay niya agad ko tinanggap...

"Blaine Leonhart... Siya naman si Mika..." Ngumiti si Mika sa kaniya...

"New student?" Tanning niya...

"Oo... Kanina lang kami dumating..." Sagot ko tumango lang siya...

Tabi kami ng kama ni Mika... Sa kanang side ng kwarto may dalawang kama pero hindi talaga nakadikit sa isa't-isa ganun din sa kaliwa... Meron kami sarili-sariling kabinet at may bed-side table sa bawat kama... Meron ding dalawang banyo at dalawang study table...

"What place kayo nanggaling?" Napatingin si Mika kay Chiara habang nag-aayos ng gamit niya...

"Zenoria..." Sagot ni Mika...

"Wait Zenoria? How come? People with special abilities are forbidden to stay at that place..." Nagkibit-balikat lang si Mika...

"Doon kami lumaki e..." Sagot ni Mika...

Napatingin kami sa pinto ng bumukas iyon... Nagulat pa ako ng makita ko si Krystal na pinapawisan...

"Oh gosh, that jerk Chia!" Sabi niya at lumapit sa kama at binagsak ang katawan niya...

"Don't tell me you had a fight with De La Croix again?" Tanong ni Chiara...

"I don't wanna talk about it..." Sagot naman ni Krystal... Napatingin siya samin at bumangon...

"Ayos ka lang?" Tanong ni Mika...

"Yeah, anyways roommate ko pala kayo?" Tanong niya...

"Isn't it obvious?" Tanong ni Chiara...

"Shut up... Anyways, here's your uniform..." Inabot niya samin ang uniporme namin... Napatitig ako doon...

"Nga pala... White colored ang blazer niyo dahil new students kayo it means novice students palang kayo... Pag-naging advance students kayo your blazer will change into a light grey one and silver badge will be put on your uniform... And for Elites black naman ang Blazer and Gold badge..." Meron parang ganun dito? Parang ranks?

"Some of Elites students are actually rude so mas better kapag lumayo kayo sa kanila... Except samin ni Krystal..." Dagdag pa ni Chiara... Napatango lang kami ni Mika...

Nag-ayos lang kami ni Mika nang mga gamit namin at umalis muna saglit sina Chiara at Krystal... Napahiga nalang ako sa kama at napatulala sa kisame...

"Anong iniisip mo?" Napatingin ako kay Mika nang bigla siyang mag-tanong...

"Wala..." Sagot ko... Wala naman talaga akong iniisip... Humawak ako sa kwintas na binigay ni mama... Paano naman ako pro-protektahan nito...

"Labas kaya tayo?" Napatingin ako kay Mika...

"Pagod pa ako..." Sagot ko... Pagod talaga ang katawan ko... Ewan ko ba kung bakit...

"Sige ako nalang muna lalabas... Pupuntahan ko si Eren..." Tumango lang ako at lumabas na siya ng dorm...

Ako nanaman mag-isa... Bumangon ako at nag-lakad papalapit... Napakunot ang noo ko nang makita ko ang dalawang lalaki na nag-lalakad sa pathway... Yung isa itim ang buhok at ang putla-putla ng kulay yung isa naman parang abo yung kulay ng buhok at tsakto lang ang kulay ng balat nagku-kwentuhan silang dalawa habang nag-lalakad...

Nagulat ako ng napatingin saakin yung lalaking naka-abo ang kulay ng buhok... Ngumiti siya at kumaway saakin... Agad naman uminit ang pisngi ko at umatras palayo sa bintana...

"S-sino yun?" Bulong ko... Nang sumapit ang gabi ay bumalik na sina Krystal at Chiara ganun din si Mika...

"Fuck, I'm really tired..." Pagod na sabi ni Krystal at bumagsak ng padapa... Kakalabas niya lang mula sa banyo...

"Ano bang nangyari?" Tanong ko... Napatingin siya sakin at umiling lang...

"May nangyari lang sa arena kanina..." Napatango nalang ako...

"Let's just sleep... Goodnight!" Sabi ni Chiara at humiga sa kama at humikab pa... Napangiti nalang ako...

"Goodnight..." Sabi ko nalang at pinatay ang ilaw...

"Everyone! Get up! First day of School!" Napamulat ako ng dahil sa sigaw ni Krystal... Nag-lalagay siya ng polbo sa mukha niya habang si Chiara at nag-lalagay ng caravat...

"Anong oras na?" Medyo inaantok ko lang tanong...

"7 AM..." Sagot ni Chiara...

"Ang aga pa naman ah?" Tanong ko... 8:30 start ng klase ayon sa schedule...

"Headmistress has a announcement at exactly 8 AM... So get up your ass and take a bath..." Napakamot nalang ako sa ulo ko at bumangon napahikab pa ako... Napatingin ako kay Mika na kakagising lang din...

Kinuha ko yung tuwalya ko at dumretso sa banyo para maligo at nag-sipilyo... Dun na din ako nag-bihis...

"Ang ikli naman.." bulong ko habang tinititigan ang sarili ko sa salamin... Maikli naman talaga yung itim na palda... Meron ding panloob na puti at blazer na puti... Sinuot ko na yung caravat na itim at kinabit yung badge sa blazer...sunod kong sinuot yung mahabang medyas na white at Itim na sapatos lahat yun binigay ng school...

Tinuyo ko yung buhok ko gamit ang tuwalya at lumabas ng banyo... Tapos na din si Mika nagsu-suot pa siya ng medyas... Napatitig ako kay Chiara at Krystal pareho silang Elite Student dahil sa Itim na blazer nila at gold badge...

"Are you both done?" Tanong ni Chiara... Napatingin ako kay Mika na nag-susuklay ng buhok niya...

"Blaine, come here! Let me dry your hair..." Lumapit lang ako kay Blaine at tinuyo niya yung buhok ko...

"Your is so long..." Napatawa nalang ako... Mahaba naman talaga yung buhok ko... Hanggang bewang yung haba...

Matapos niyang pinatuyo yung buhok ko gamit yung hair dryer ba yun? Sinunod niya naman so Mika...

Sinuklay ko lang yung buhok ko at hinayaang nakalugay...

"You look pale..." Napatingin ako kay Chiara... Kumuha siya ng pampapula ng labi at nilagyan yung labi ko pero konti sunod naman niya yung pulbo...

"Okay, we're done let's go..." Lumabas kaming apat mula sa dorm... Medyo naiilang ako kasi panay tingin ng mga istudyante saamin...

"Mika..." Napatingin si Mika saamin na nasa tabi ko lang...

"Hm?" Tanong niya...

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko...

"Wala naman... Ang ganda mo nga eh ang ayos ng mukha mo..." Sagot niya... Napangiwi nalang ako at hindi nalang nag-salita...

Nakarating kami sa gymnasium at may mga upuan doon...

"You two should sit on the first row since you two are novice... If you need something nasa third row lang kami..." Tumango kami kay Krystal at umalis na sila...

Umupo kami ni Mika sa pinakalikod dahil nakakahiya naman kung nasa harap kami...

"Andito lang pala kayo..." Napatingin kami ni Mika kay Eren na kakarating lang... Nag-mukha siyang presentable dahil sa uniporme na suot niya... Puting Blazer ang suot niya at itim na slacks... Merong neck-tie na itim at puting polo sa loob ng Blazer... Merong ding Bronze Badge na nakakabit sa Blazer niya...

"Nag-mukha kang tao Eren..." Pang-aasar ni Mika... Agad naman siya sinamaan ng tingin ni Eren at umupo sa tabi ko...

"Ikaw nga mukha pa ring halimaw..." Sagot ni Eren at ngumisi... Sasagot pa sana si Mika pero may nag-salita na sa harap...

"Attention students please stay at your seats.." Sabi ng babae doon sa stage...

"Mamaya ka sakin..." Sabi ni Mika at inirapan si Eren... Napatingin nalang ako sa harapan... May mga ilang estudyante doon merong Dalawang Advance Students at Lima na Elite Students... Lahat sila may Pulang Armband... Nakita ko din doon si Krystal nakaseryoso lang ang mukha...

"Good morning everyone, let us welcome our Headmistress... Ms. Trixie Lockhart..." Tumayo kaming lahat at yumuko... Umakyat sa stage yung babaeng sumalubong saamin kahapon sa gate...

"Please take your seat my dear students..." Umupo kami pagkatapos niyang sinabi iyon...

"Once again, Good Morning Dark Phoenix Academy! Today is our first day for this school year... I hope that for the whole year you will master your abilities... Especially the Novice students... I hope your ranks will crawl up to Elite... That's all..." Tumingin siya sa gawi namin...

Pero biglang tumaas ang balahibo ko nang napatingin siya sakin... Hindi ko alam kung saakin lang ba... Nagpalakpakan ang mga estudyante at so Ms. Portia na ang nag-salita...

"The student council officers will introduce themselves..." Yun lang sinabi niya at tumayo na yung mga estudyante na nakaupo lang doon... Nauna yung advance student na babae...

"Hey everyone! I'm Hope Fernei the student council P.I.O.." Pakilala niya at yumuko... Sumunod naman yung lalaking nakita ko kahapon... Isa pala siyang Elite student?

"What's up, I'm Armin Roché, Student Council P.O." pakilala niya at ngumiti lumabas pa yung dimples niya na agad ikinatili ng mga babae... Sumunod naman sa kaniya yung babaeng Advance student...

"Alysha Frozensoar, Student Council Auditor..." At ngumiti siya medyo mahinhin yung boses niya... sumunod sa kaniya yung lalaking Elite student...

"Azazel Valkrum, Student Council Treasurer..." Seryosong pakilala niya... Sumunod sa kaniya yung babaeng Elite student...

"Hera Midsommer, Student Council Secretary..." Sumunod naman sa kaniya si Krystal...

"Krystal Leroux, your student council Vice President..." Ngumiti siya.. nabigla naman ako ng tumili yung mga babae ng lumapit yung lalaki sa mic..

Siya yung lalaki na kasama nung Armin ba yun?

"Levi De La Croix... President..." Yun lang at umatras na siya... Ang lamig at seryoso ng pagkasabi niya nun... Dagdag pa yung malalim niyang boses...

"And that's our student council officers... Students, you can go back to your respective classrooms for your first class..." Tumayo na ang mga estudyante at napatingin si Eren sakin...

"Patingin schedule mo..." Inabot ko sa kaniya ang schedule ko at tinignan niya yun...

Napatingin ako sa mga student council officers na pababa sa stage... Mga mukhang matalino talaga sila...

"Pareho pala tayo... Ikaw Mika?" Tumingin si Eren kay Mika...

"Pareho lang din naman kami ng classes ni Blaine..." Tumango lang si Eren...

Nag-usap pa sila pero di ako nakinig... Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at napakunot ang noo ko ng meron akong nakitang tao sa gilid ng stage hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ng hood... Bigla nalang siyang umalis nang makita niya akong nakatitig sa kaniya...

Teka... Sino yun?

---------------------

A/N: Heyyy, so ito pala yung uniform nila wala talaga akong makita for Advance and Elite so... Just imagine the black and light gray blazer for the Advance and Elite Students... Same uniform for boys pero naka-slacks sila...

See ya on my next update!

Continue Reading

You'll Also Like

75.9K 8.4K 14
Dragonwall's queen no longer remembers who she is. Her magic is locked away at the hands of an evil sorcerer. Kane hoped to deal the drengr monarchy...
46.1K 725 17
DELULU & GUILT PLEASURE
84.7K 2.2K 82
an eighteen-year-old boy, trying his best to save his ass from being whipped by his soon-to-be husband, and at the same time, he wants to get away wi...
136K 3.7K 25
Warning: 18+ ABO worldα€€α€­α€― α€‘α€α€Όα€±α€α€Άα€›α€±α€Έα€žα€¬α€Έα€‘α€¬α€Έα€•α€«α€žα€Šα€Ία‹ α€…α€­α€α€Ία€€α€°α€Έα€šα€‰α€Ί ficα€œα€±α€Έα€™α€­α€―α€· α€‘α€•α€Όα€„α€Ία€œα€±α€¬α€€α€”α€Ύα€„α€Ία€· များစွာ α€€α€½α€¬α€α€Όα€¬α€Έα€”α€­α€―α€„α€Ία€•α€«α€žα€Šα€Ία‹