Wreck The Game (COMPLETED)

By beeyotch

11.5M 470K 278K

(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karap... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Part 4
Epilogue - Part 5
Epilogue - Part 6
Epilogue - Part 7
Epilogue - Part 8

Chapter 32

155K 7.1K 2K
By beeyotch

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG32 Chapter 32

"Tangina, kumalma ka nga," sabi ko pagkatapos sampalin ang sarili ko dahil para akong tanga habang paulit-ulit na nagfa-flashback iyong nangyari kanina. Putang inang memory 'to! So bakit tanda ko lahat nung nangyari?! Kaso ba 'to?! Recit ba?! Kailangan ko ba ianalyze lahat nung ganap nung nagkita kami?!

Tumayo ako at saka nagtimpla nung kape. Kailangan ko pang mag-aral dahil 'di naman titigil ang quiz at recit ko dahil lang binabagabag ako ng memories namin ni Nikolai.

Alam ko naman na dadating talaga iyong araw na magkikita kami.

Pero hindi ko alam na kahapon pala iyon.

'Di ako handa.

Iniisip ko na sana man lang abogado na ako kapag nagkita kami—para hindi ako mahihiya sa kanya...

Kaso ito pa rin ako—putanginang struggling para mabuhay sa araw-araw.

'Gising ka pa?'

'Duh.'

'Mcdo tayo?'

'Ikaw punta dito?'

'Pakyu.'

'See you!'

Dahil sa aming dalawa ay si Indie naman ang may sasakyan, alam ko na siya ang pupunta rito sa akin. Gumayak na ako saka nilagay iyong mga gamit ko sa bag ko. Dumiretso ako sa Mcdo sa tapat nung apartment na tinu-tuluyan ko tapos umorder na ako ng Iced Coffee habang naghihintay kay Indie. Habang wala pa siya ay nagbasa muna ulit ako nung mga notes ko sa Civil Law.

"Di pa ako inorder," sabi ni Indie pagdating niya. Pinatong niya iyong bag niya sa upuan.

"Arte mo," sagot ko tapos inirapan niya lang ako. Minsan kasi nagkikita kami tapos mag-uusap sandali tapos magrereview. Kahit naman sa SCA pa rin siya tapos nasa ibang school na ako, same pa rin naman iyong pagkakaibigan namin—mas naging close pa nga kami.

Umorder lang siya ng burger at kape at fries. "Oh, ano meron?"

Nagbuntung-hininga ako. "Nakita ko si Nikolai kahapon."

Nanlaki iyong mga mata niya, biglang na-excite. "Saan?"

"Sa hotel nila nung may inaayos kami ni Atty. Marroquin."

"Pakilala mo naman ako d'yan," sabi niya. "Alam mo naman na type ko mga moreno at saka mysterious."

Umirap ako. "Seryoso kasi," sagot ko tapos tinawanan lang ako. "Oo na, oo na," sabi niya. "Tina-try ko lang naman na ilighten-up kasi feel na feel ko na magda-drama ka na."

Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Indie ay ilang beses niya na rin akong nakita na nag-e-emote lalo na kapag nag-iinuman kami kaming dalawa hanggang sa malasing kami. Kapag normal lang ako ay wala siyang maririnig na kahit ano sa akin tungkol kay Nikolai dahil ayoko talagang pag-usapan iyong nangyari sa amin... pero ibang usapan kapag lasing ako. Wala akong kontrol sa lumalabas sa bibig ko kaya nga kapag ganyan, naka-tago na iyong cellphone namin dahil baka kung ano ang maitext ko bigla.

"So, ano nangyari?"

"Wala... parang normal lang siya."

"Normal ba talaga o pride lang?" tanong niya. Kumunot ang noo ko. "Iniwanan mo dati tapos ni hindi mo nirereplyan kapag nagtetext sa 'yo dati."

"E drunk text lang naman 'yon," paliwanag ko. Baka kapag nireplyan ko e mahiya bigla sa akin.

"Sus, drunk text my ass..." sabi niya habang napa-irap. "Based on experience, bihira lang iyong totoong drunk text. Madalas d'yan nagpapanggap lang kasi takot sa rejection like if hindi nireplyan, shrug off na lang as drunk text ganon."

Napa-hilamos ako sa mukha ko. "Tapos na nga!" sabi ko. Tagal na nung huling nagtext siya! 3:28am 'yun. Tangina tanda ko pa kasi 'di ko akalain na huli na pala talaga iyon. Kasi tuwing Sabado ng madaling araw magtetext 'yan sa akin... tapos biglang last na pala 'yon.

"Kung normal siya, bakit ganyan ka?"

"Di ko rin alam."

"Gusto mong balikan?"

"Di ko rin alam."

"Gulo mo kausap."

"Oo nga, e."

"Mag-aral na lang tayo."

"Okay..."

Nagreview kami ni Indie hanggang sa sumikat iyong araw. Natulog ako sandali tapos ay tinapos iyong mga pending sa trabaho ko. Tapos bumalik ako sa school. Ganito lang sana iyong routine ko araw-araw pero parang nagulo iyong ikot ng buhay ko dahil lang nakita ko siya. Ni wala pang limang minuto iyon pero parang niyanig niya iyong mundo ko.

Medyo thankful pa ako sa dami ng ginagawa ko kasi wala akong time mag-isip ng kung anu-ano.

Pero syempre 'di pwede na ayos ako palagi.

Huminga ako nang malalim nang kailangan kong bumalik sa lugar na iyon. May mga kailangan si Atty. Marroquin kaya kailangan kong bumalik. Kung pwede lang makipagpalit, sa totoo lang! Kung pwede lang na si Atty. Lorenzo na ako kapag nagkita kami ni Nikolai, pero syempre punyeta 'yang tadhana! Napaka-wrong timing!

Nagkita kami ni Manong tapos ay kinuhanan ko lang siya nung mga documents na magpapa-tunay nung existence nung employer-employee relationship para ma-establish na namin tapos ay iyong grounds na for just termination.

"Maayos ba ito?" tanong niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. Ayokong sabihin na maaayos kasi 'di ko naman hawak iyong takbo ng kaso. 'Di mo rin alam kung ano ganap ng buhay—na isang araw ang saya-saya mo tapos biglang pakshet sira na lahat.

"Basta tiwala lang po, Manong. Magaling 'yong si Atty. Marroquin," sabi ko kasi magaling naman talaga siya... Kaya nga lagi akong dikit sa kanya kapag nakikita ko kasi kahit 'di pa ako abogado, nakaka-kita na ako nung mga dapat kong gawin kapag practicing na ako.

Sobrang kabado si Manong dahil sa kanya lang daw umaasa iyong pamilya niya at may sakit pa raw iyong asawa niya kaya kailangan daw talaga iyong sa separation pay niya. Alam ko na malungkot iyong kwento... pero sa dami ng naririnig ko na ganoon, parang wala ng dating sa akin. Minsan iniisip ko na totoo pala iyong sabi nila na dadating talaga iyong punto na mawawalan ka ng pakiramdam sa linya ng trabaho na 'to lalo na kung puro indigent iyong kliyente mo. Pero ayokong maging ganito. Ayokong mawalan ng pakielam. Mas gusto kong isipin na balisa lang talaga ako sa pagkikita namin ni Nikolai kaya wala akong maramdaman habang nagkkwento si Manong.

Nagdecide akong maglakad-lakad muna bago bumalik sa school. Kailangan kong kumalma. Malapit na iyong exam. Hindi pwede na puro Nikolai lang iyong nasa isip ko kasi ika-babagsak ko talaga iyon.

Tahimik akong naglalakad nang marinig ko iyong pamilyar na boses. Agad na hinanap ng mata ko iyong pinanggagalingan nun... at nakita ko na naka-upo si Nikolai at sigurado akong si Vito iyong katabi niya sa bench.

"You're okay?"

"Yeah, why won't I be okay?"

"Because it's Jersey."

Alam ko na masamang makinig sa usapan... pero bakit hindi pa rin ako umaalis?

"So?"

"You literally said that she's the love of your life."

"Yeah, so?"

"Yeah, I didn't go all the way here to talk to your sarcastic ass."

Mayroong maliit na boses sa loob ng isip ko na nagsasabi na umalis na ako kasi hindi ko magugustuhan iyong susunod na maririnig ko... kaso ako itong si tanga, nanatili pa rin. Tangina. Masokista nga ata talaga ako.

"I just... don't care, you know? Because when we were together, I know for a fact that I did everything I could—I gave everything I could. There's no regret on my part, Vito. I loved her with everything that I could offer, but she just gave up on me... so really, so what if I saw her? Should I have rolled the red carpet down?"

Pasikip nang pasikip iyong dibdib ko.

Sabi ko nga tumalikod na dapat ako.

"I loved her and maybe I still love her... but she doesn't deserve shit from me."

* * *

'She doesn't deserve shit from me.'

Parang sirang plaka na paulit-ulit na naririnig ko 'yan sa utak ko... pero tama naman siya. Masakit lahat ng sinabi niya, pero tama naman siya. Sumuko naman talaga ako. Nahirapan naman talaga ako. Hindi ako kasing tatag niya. Hindi ako kasing pasensyoso niya.

Kaya kailangan kong mag-aral.

Kailangan kong maging abogado.

Kailangan magkaroon ako ng ipagmamalaki sa sarili ko.

Tinuon ko lahat ng atensyon ko sa pag-aaral, sa pagta-trabaho—ayokong magpahinga dahil kahit ayoko ay para siyang ilaw na pilit pumapasok sa pinaka-maliit na butas. Tanginang 'yan! Apat na buwan lang kami halos pero iba iyong epekto niya sa akin! Dadalhin ko ata hanggang kamatayan ko!

"Are you okay?" tanong ni Atty. Marroquin.

"Yes, Attorney," sagot ko. Kabisado ko lahat nung files. Hindi ko alam kung makikita ko ba si Nikolai ngayon, pero base sa swerte na meron ako, malamang sa malamang ay siya pa ang hahawak nung kaso nung hotel nila.

Pero hindi naman pala.

Siguro wala siyang pakielam sa ganitong kaso... o baka wala lang talaga siyang pakielam kahit alam niya na ako iyong hahawak sa kaso na 'to.

O wala siyang pakielam sa akin in general.

Baka nga iyon.

Ako lang ang may pakielam kasi gaya nga ng sabi niya, wala siyang regrets kasi ginawa niya lahat... Hindi kagaya ko na maraming pagsisisi kasi alam na alam ko iyong katangahan ko.

Pero masisisi niya ba ako?

Nasasaktan talaga ako noon.

Na hindi niya ako kinakausap, hindi pinapansin, at sa tuwing naka-tingin siya sa akin ay ramdam na ramdam ko na nasa isip niya kaming dalawa ng tatay niya...

Kaya paano ako tatagal sa ganoon?

Nang matapos iyong meeting ay nauna na si Atty. Marroquin dahil mayroon pa siyang kailangang puntahan na ibang kaso. Babalik din naman ako sa school dahil may klase pa ako mamaya at ondeck na naman ako dahil kokonti lang kami sa klase. Araw-araw na lang akong ondeck. Kailan ba matatapos 'to?

"Jersey."

Agad akong napa-hinto nang makita ko si Shanelle na kasama si Vito. Alangan akong ngumiti sa kanila. 'Di rin ako nagparamdam sa kanila after nung kay Nikolai... kasi 'di ko naman talaga sila kaibigan. Si Nikolai talaga iyong kaibigan nila. Kumbaga, sabit lang ako dati.

"Uy..." alangan na sagot ko.

"It's my birthday this weekend," sabi ni Vito.

"Happy birthday?" sagot ko dahil bakit niya sinasabi sa akin na birthday niya?

"Thanks," sabi niya na may ngiti. "10pm at Unit B in BGC."

Agad na napa-tingin sa kanya si Shanelle na para bang nagulat na iniimbita ako. Pareho kami. Bakit niya ako iniimbita? Nandoon si Nikolai, sigurado ako. At pagkatapos nung pag-uusap nilang dalawa, biglang iimbitahin niya ako?! Siraulo din 'to, e!

Napa-kurap pa ako dahil 'di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pero bago pa man ako maka-sagot ay nagpaalam na siya at hinawakan iyong kamay ni Shanelle paalis.

Gago ba siya?!

***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Continue Reading

You'll Also Like

3M 129K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
417K 1.1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
7.8K 541 61
Esperance Series 2 | An Epistolary Naranasan mo na bang mag-paubaya ng taong mahal mo? Lalo na't kung alam mong hindi siya liligaya sa piling mo. Per...
24.8M 802K 58
Genesis thought she already found the love of her life. Bakit naman kasi hindi? They've been together for so long that she couldn't remember a time w...