Wreck The Game (COMPLETED)

By beeyotch

11.5M 470K 277K

(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karap... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Part 4
Epilogue - Part 5
Epilogue - Part 6
Epilogue - Part 7
Epilogue - Part 8

Chapter 31

146K 7.1K 1.9K
By beeyotch

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG31 Chapter 31

Siguro ang pinagpapasalamat ko na lang talaga ay hindi kami ganoong nagtagal ni Nikolai. Hindi ako masyadong nasanay na nandyan siya. Kasi kung nagtagal pa kami? Malakas talaga ang pakiramdam ko na hindi na ako makaka-bangon. Iyong tipong araw-araw lang akong manghihinayang sa aming dalawa. Araw-araw kong iisipin kung nasaan na kaya kami ngayon kung hindi kami naghiwalay? Grabe... baka mabaliw nga ako kung nangyari iyon.

"Mababaliw na ko," sabi sa akin ni Mike. "Aga nung hearing bukas tapos may recit pa tayo. Saan ka na sa civ?"

"Sa—" sasagot pa lang sana ako nang putulin ni Jassy iyong sasabihin ko.

"Madedepress ka lang kapag kay Jersey ka nagtanong," sabat niya. "Malamang tapos na sa coverage 'yang si bakla."

Natawa ako. "Hater ka talaga."

"Sana all talaga mabilis magmemorize."

Napa-iling na lang ako habang nagrereklamo sila na mabilis akong maka-memorize. Ilang taon din kaming magkaklase pero hindi kami naging close. Hindi naman kasi ako sumasama sa mga gala ng class dahil kailangan kong magtrabaho. Kapag mayroon naman akong free time, mas trip kong makipagkita kay Indie para magkape at magcatch-up kaming dalawa. Ngayong fourth year lang kami naging close dahil nasa Legal Aid kami.

Dumiretso ako sa library para magreview. Halos 'di kasi talaga ako bumibili ng libro hanggang kaya. Masyado kasing mahal iyong libro. Kung kaya na basahin ko na lang sa library at saka hiramin, doon na lang ako. Siguro kapag abogado na talaga ako at malaki iyong sweldo ko, doon na lang ako bibili ng libro. Sa ngayon, tiis muna sa panghihiram.

'Di naman siguro ako forever na mahirap.

Pagkatapos kong mag-aral ay dumiretso na ako pauwi. Nung una ay nagta-trabaho ako sa GOCC, pero nitong fourth year ay mas pinili ko na magtrabaho nung online na lang para mas kontrolado ko iyong oras ko. Sobrang demanding kasi talaga sa dami ng pinapagawa sa school pati iyong sa legal aid namin. Kahit pa sabihin nila na mabilis akong magmemorize, syempre nahihirapan din ako kasi aaralin ko rin naman lahat 'yun.

May mga nagpaparamdam na lalaki, pero 'di ko sila pinapansin. Ayoko na talaga. Parang nadala ako sa nangyari sa amin ni Nikolai. Kung mangyayari ulit 'yon, 'di ko na alam kung saang kangkungan ako pupulutin. Saka mas maayos na 'to na naka-focus ako sa pag-aaral ko. Magiging abogado ako. Magkakaroon na ako ng pwede kong ipagmalaki.

Hindi na lang ako si Jersey na muntik ng ipalaglag ng nanay niya.

May mararating din ako sa buhay ko.

"Good morning po," bati ko roon sa kliyente. Hindi naman talaga kami iyong hahawak ng kaso sa legal aid, pero kami iyong gumagawa nung mga initial steps. 'Di rin kami magrerepresent sa court ng walang kasamang totoong abogado. Basta assistant lang kami. Nung una, 'di ko rin talaga alam kung ano ang mangyayari sa akin kasi puro lang kami basa ng mga kaso at mga concepts... pero simula nung naglegal aid, mas na-appreciate ko na talaga iyong abogasya... Nakikita mo na kasi talaga iyong epekto niya sa totoong buhay.

"Good morning po, Ma'am," bati sa akin ng matandang lalaki sa harapan ko.

Nagsimula ako sa pagtatanong sa kanya kung ano ang maitutulong namin. Puro indigent ang kliyente namin sa legal clinic. Nagsabi lang si Manong nung problema niya sa trabaho na tinanggal daw siya bigla tapos ay ayaw daw ibigay sa kanya iyong separation pay niya kahit isang dekada na siyang nagta-trabaho roon.

"Saan po ba kayo nagta-trabaho?" tanong ko habang nagsusulat ng notes. Gusto kasi ni Attorney ay kumpleto iyong notes namin, tapos kapag ganito na labor cases ay dapat siguraduhin muna namin kung may employer-employee relationship ba para hindi masayang iyong pagod namin kung sakali.

"Wyatt Hotel, Ma'am."

Agad na bumilis iyong tibok ng puso ko nang marinig ko iyong pangalan nung hotel na iyon. Sumikip iyong dibdib ko na para bang hindi ako maka-hinga.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?"

Pilit akong tumango kahit na para akong magkakaroon ng anxiety attack nang marinig ko iyong pangalan nung hotel... Tangina. Isa 'yon sa mga business nila Nikolai.

Agad akong tumingin sa paligid para may ibang pagpasahan sana ako nitong kaso. Ayokong hawakan 'to. Ayokong makita si Nikolai. Ayoko siyang makita hanggang hindi pa ako abogado. Ayoko siyang makita hanggang wala pa akong maipagmamalaki.

"Lorenzo."

Agad akong napa-tayo nang makita ko si Atty. Marroquin. "G-good afternoon po, Attorney..." bati ko sa kanya.

Pota.

Dito pa ata ako ma-a-assign! Napaka-swerto ko naman talaga!

Bihira ko na ngang makita si Atty. Marroquin dahil marami siyang ginagawa sa buhay niya, tapos sa ganitong punto ko pa talaga siya makikita! At hindi naman ako pwedeng magrequest sa kanya na ilipat ako kasi alam ko na titignan niya lang ako at maghihintay siya ng explanation mula sa akin. 'Di ko naman pwedeng sabihin na hotel iyon ng ex ko kaya ayokong hawakan iyong kaso?! Baka ibagsak pa niya ako!

Si Atty. Marroquin na iyong nagtakeover sa pagtatanong. Para akong aatakihin sa puso tuwing maririnig ko iyong Wyatt Hotel. Tangina, sa lahat naman ng hotel sa Pilipinas, bakit doon pa?! Pwede namang Shangrila na lang o kaya Sofitel ang nagtanggal sa kanya!

"Maraming salamat po, Attorney," sabi ni Manong nang matapos sa initial interview. Tipid lang na tumango si Atty. Marroquin sa kanya. Pagkatapos noon ay kinausap niya lang kami at mabilis na nagsabi ng mga gagawin namin pati kung ano'ng oras kami bukas para sa hearing at kung anu-ano pa... tapos ay umalis na siya agad papunta sa kung saan.

"Pagod na ako, putangina."

"Girl, okay ka lang?"

Umiling ako. "Mamamatay na talaga ako."

"Same!"

Pota.

Hindi naman siguro kami magkikita ni Nikolai. Hindi naman na siguro siya roon naka-stay. Pero ano ba ang alam ko? 'Di naman kami nag-uusap. Hanggang kaya ko, ayoko talaga na may maririnig na kahit ano tungkol sa kanya.

Huminga ako nang malalim bago pinilit ang sarili na kalimutan iyon kahit saglit lang. Kailangan kong ibalik ang atensyon ko sa inaaral ko at sa trabaho ko kasi wala namang ibang tutulong sa akin kundi ang sarili ko.

* * *

Ipinikit ko ang mata ko at huminga nang malalim.

Wala si Nikolai dito.

Ano ba naman ang pakielam niya sa ganitong issue sa kumpanya niya?

"Okay lang po ako, Attorney," sabi ko kay Atty. Marroquin nang mahuli ko siyang naka-tingin sa akin at bahagyang kunot ang noo. 'Di ko alam kung good thing ba na nandito siya kasi usually naman sa pinaka-hearing lang siya sumasama talaga—sa dami ba naman ng ganap niya sa buhay! 'Di ko nga alam kung paano niya namamanage. Tapos nandito pa ako na feeling ko wala akong ambag. Iniisip siguro niya kung ano ang problema ko dahil kanina pa ako balisa.

Tahimik akong naglakad sa tabi niya habang papasok kami sa building. Bakit ba kasi ako iyong nandito?! May quiz pa ako mamaya sa Poli!

Tangina kaka-pagod magreklamo!

Nandoon lang ako at nakikinig habang nakikipag-usap si Atty. Marroquin doon sa president nung SEBA. Pinilit kong makinig nang mabuti kasi alam kong marami akong matututunan kay Atty. Marroquin kasi matalino talaga siya... saka bihira lang magsalita pero may matututunan ka kapag may sinabi siya.

Mukhang mahaba pa iyong diskusyon kaya nag-excuse muna ako para lumabas. Nagtanong ako kung saan iyong CR nila. Lumabas ako at dumiretso doon. Habang nasa CR ako ay nagstay muna ako sa cubicle at binuksan iyong cellphone ko para magbasa ng cases sa Poli. 'Di naman na siguro ako mapapansin ni Atty. Marroquin tutal siya naman nagtatanong nung sa lahat. Saka may quiz ako!

Tahimik akong naka-upo sa bowl at nagbabasa ng kaso ni Oposa v Factoran nang may mga pumasok na maingay na nagchichismisan sa CR. Bigla akong nainis kasi naiwan sa bag ko iyong earphones ko.

"Ang gwapo talaga!"

"True! Pero 'wag na tayong umasa kasi asa naman."

"Malay mo naman?"

"Di naman papatol sa mga kagaya natin 'yung si Sir Nikolai!"

Mabilis na bumagsak mula sa mga kamay ko iyong cellphone ko.

"Gaga! 'Di naman ako nangangarap na mapakasalan! Kahit isang gabi lang!" sabi nung babae sabay tawa nang malakas. "Patikim naman kahit isang gabi lang, Sir!"

Pota.

"Alam mo ba, 'di ko lang sure kung totoo ba, pero sabi nila ex daw nun si Sir e kabit ng tatay niya."

Pota.

Pwede bang i-flush ko na lang iyong sarili ko sa inidoro?!

"Seryoso?! Ano name nung girl?! Isipin mo si Sir Nick at si Sir Nikolai?! Pa-experience naman kahit isang gabi lang!"

Para akong tanga na tinakpan iyong mga tenga ko habang patuloy silang nagchichismisan tungkol kay Nikolai. Iyong ilang taon na tiniis ko para wala akong alam tungkol sa kanya ay nasira sa loob ng ilang minuto dahil sa dalawang chismosa sa CR!

Alam ko na ngayon na siya iyong kasulukuyang head ng legal division ng group of companies nila.

Alam ko na ngayon na masungit na siya hindi kagaya nung dati.

At higit sa lahat—alam ko na ngayon na single pa rin siya.

Tanginang 'yan.

Paano ako magqquiz mamaya?!

* * *

Sobrang masama iyong loob ko habang tini-tignan iyong basag na screen ng cellphone ko habang naglalakad ako palabalik kay Atty. Marroquin. Sinisipat ko kung may chance pa ba na mabuhay 'to. I mean, pwede pa naman... kaso ang hirap magbasa! Dito pa naman ako madalas na nagrereview! Ang mahal kasi kung ipapa-print ko pa iyong mga reviewer ko tapos hassle bitbitin iyong laptop ko. Itong cellphone ko na talaga iyong pinaka-lifeline ko...

Pota.

Olats.

"Sorry—"

Fuck.

Napako iyong tingin ko kay Nikolai na naka-tayo sa harapan ko. Alam ko na nakikita niya ako dahil naka-tingin siya sa akin... pero ang kaibahan lang ay wala sa mukha niya iyong gulat na mayroon sa akin.

Parang... normal lang.

Hindi kagaya ko na parang sasabog dahil lang nasa harap ko siya.

"I'm sorry, Sir," paghingi ng pasensya nung kasama niyang babae para sa akin.

"Miss, kindly watch where you're going," sabi nung babae sa akin, pero iyong mga mata ko ay naka-pako pa rin kay Nikolai. Parang walang nagbago sa kanya. Ganoon pa rin siya ka-gwapo... Iyong mga mata niya... Iyong kilay... Iyong buhok niyang itim na itim...

Ganoon pa rin iyong epekto niya sa akin.

"It's okay," sagot ni Nikolai. Normal pa ba na halos tumalon iyong puso ko palabas ng dibdib ko dahil lang narinig ko iyong boses niya? Kasi ang tagal na nung huli kong narinig—nung huling beses na tumawag siyang lasing sa akin at kahit sa kalasingan niya, galit siya sa akin kasi bakit ang bilis ko raw sumuko sa kanya...

Ang kapal din ng mukha kong makipagbreak kasi alam ko na mahal niya ako. Kasi nagddrunk calls at texts siya sa akin. Akala ko madalas mangyayari. Kaso iyong huling beses... huli na pala talaga 'yon.

"Do you have a business here?" tanong niya habang naka-tingin sa akin.

Parang walang tao sa paligid namin dahil sa mga mata niya lang ako diretsong naka-tingin. Tipid akong tumango. Pilit na nilakasan iyong loob ko dahil gusto kong malaman niya na kahit wala siya, pinagpatuloy ko pa rin iyong pagiging abogado... kasi siya iyong unang nagtiwala sa akin.

"Kasama ko si—" pero natigil ang sasabihin ko nang marinig ko iyong boses ni Atty. Marroquin.

"Ms. Lorenzo," pagtawag niya sa pangalan ko.

"Attorney," mabilis kong sagot dahil nasanay na ako na sumasagot agad kapag tinatawag niya ang pangalan ko.

Ni hindi nagsalita si Atty. Marroquin, pero alam ko na sinasabi niya na kailangan na naming umalis dahil marami pa kaming pupuntahan. Nagsimula na siyang maglakad. Ibinalik ko iyong tingin ko kay Nikolai. Blangko pa rin ang ekspresyon sa mukha niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Ano ba ang sasabihin sa ex mo na ayaw mong makita dahil alam mo lahat ng kagaguhan na ginawa mo sa kanya noon?

"Nice seeing you again," pilit kong sabi bago tumalikod at halos tumakbo palayo sa kanya. 

***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 96.7K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
12M 533K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
31.7M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...