Ang Mahiwagang Puso

By sobercatnip

10.7K 1.1K 494

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32

Ang Huling Kabanata

493 43 58
By sobercatnip

Pagkalipas ng anim (6) na taon...

Alas otso ng gabi nang magsimulang bumuhos ang mahinang ulan. Ngunit sa kabila nito, kapansin-pansin pa rin ang dami ng tao na abala sa paglalakad pauwi sa kani-kanilang mga tahanan. Hindi rin magkamayaw ang ingay sa kalsada dulot ng malakas na busena galing sa mga sasakyan na mabagal ang pag-usad dahil sa matinding trapiko.

Inip namang napatingin si Vice sa suot niyang relo bago muling bumusena ng mas matagal at mas malakas dahil kanina pa talaga hindi maka-usad ang kaniyang sasakyan. Kakagaling niya lang sa trabaho at nasasabik na siyang umuwi upang magpahinga.

Buong araw siyang nasa opisina upang asikasuhin ang mga bagong negosyo at investors ng kanilang kompanya. Simula kasi noong pumanaw si Don Gonzalo dahil sa katandaan, tatlong taon na ang nakakalipas, si Vice na ang sumalo ng lahat ng mga responsibilidad at mga obligasyon nito.

Kahit bahagyang labag sa kaniyang kalooban, nag-resign si Vice sa pagiging producer at mas pinili nalang niyang patakbuhin ang kanilang kompanya.

Ngunit kahit papano, naging maganda ang bunga ng naging sakripisyo ni Vice. Dahil sa kanya, muling namayagpag ang pangalan ng kompanyang lubos na pinaghirapan ng kaniyang lolo Gonzalo at ng kaniyang mga magulang.

Napatingin nalang si Vice sa bintana ng kaniyang sasakyan. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng mahinang ulan kaya mas mabagal ang takbo ng trapiko. Habang bahagyang nagmamasid sa labas ay biglang dumako ang kaniyang paningin sa malaking billboard ng isang bagong pelikula habang pinapaligiran ito ng mga ilaw.

Aman Sinaya: Legend of the Ocean
only in theaters nationwide

"So, they finally made a movie adaptation of that famous play? Mabuti naman kung ganon," pagkausap ni Vice sa kaniyang sarili.

Sandali niya itong pinagmasdan at para bang may kung anong malabong alaala ang pansamantalang dumaan sa kaniyang isipan bago niya muling ibaling ang kaniyang atensiyon sa nakakaubos-pasensiyang trapiko. Akmang tatadtarin na naman sana ni Vice ang busena ng kaniyang sasakyan nang biglang tumunog ang kaniyang phone. Kaya mabilis niya itong hinanap sa maliit na compartment ng sasakyan saka sinagot.

"Now, where on earth are you? Yong ibang guests kanina pa nakauwi, tapos ikaw, anong oras na, wala pa rin? Wag mong sabihing nakalimutan mo? Because you surely know na hindi ka niya mapapatawad if you did," sunod-sunod na sambit ng babae na nasa kabilang linya ng telepono.

Agad namang napasapo si Vice sa kaniyang noo at mabilis na napalingon sa kulay berdeng kahon na nakapatong sa likurang upuan. Dahil sa sobrang pagod ay hindi niya ito agad napansin kanina nang makapasok siya sa sasakyan.

"Oh shit. I'm sorry. I really am. Please tell her na hindi ko nakalimutan. It's just that sobrang busy ko lang talaga kanina sa opisina at hindi ko na namalayan yong oras, pati na rin yong mga gagawin ko sana pagkatapos ng trabaho," litanya ni Vice at inis na napahilamos ng mukha.

Rinig naman ni Vice ang pagbuntong hininga ng babae sa kabilang linya. "Gising pa ba siya? Please let me talk to her. Ako na ang magpapaliwanag."

"Well, she's already asleep. Nakatulog nalang sa kahihintay sa'yo. Kawawang bata. Sabik na sabik pa naman sana yong makita ka ngayong araw," pangongonsensiya pa ng babaeng kausap ni Vice.

"Naku, tigil-tigilan mo ako, ngangabu ha. I'm already feeling worse dahil sa pesting traffic na'to tapos ngayon naman mas lumala pa dahil hindi ako nakapunta sa birthday ng inaanak ko. Kaya pakiusap, wag mo ng sagarin," tumawa naman si Anne sa kabilang linya dahil mukhang epektibo ang pang-aasar at pang-iinis niya sa kaniyang kaibigan.

"Ikaw naman kasi, kahit okay naman na yong kompanya niyo, puro ka pa rin trabaho. Ayan tuloy, mas nagiging makakalimutin ka na ngayon. Subukan mo kayang magpahinga kahit saglit lang. Just like what Vhong said the last time we talked, at least try taking a week off from work, para naman marelax ka kahit papano," suhestiyon ni Anne sa telepono ngunit napailing lang si Vice.

"Alam mo namang ayokong nagbabakasyon. Ayokong tumunganga lang. Mas gusto kong may pinagkakaabalahan ako, para naman hindi ako mag-isip ng kung anu-ano," sagot ni Vice at muling bumusena dahil hindi pa rin talaga siya nakakausad.

Mabilis namang inilayo ni Anne ang telepono sa kaniyang tenga nang marinig ang malakas na busena ni Vice, "Baks, can you calm down? Wala namang magagawa yang inis mo sa pag-usad ng traffic. Mas lalo lang iinit yang ulo mo eh. Try turning on the radio and listen to some songs, para naman maaliw ka diyan habang naghihintay."

Akmang sasagot sana si Vice nang marinig niya ang mahinang pagtawag ni Vhong kay Anne sa kabilang linya, "Oh wait. I think I have to go. The husband's calling, baka may hindi na naman mahanap yon sa cabinet. Dumaan ka nalang bukas dito sa bahay para hindi tuluyang magtampo sa'yo tong inaanak mo," magsasalita pa sana ulit si Vice nang unahan na siya agad ni Anne. "And no excuses. Sabado bukas kaya alam ko na hindi mo kailangang pumasok sa opisina. She'll be expecting you here, so don't forget, okay?"

Napabuntong hininga naman si Vice nang ibinaba na ni Anne ang telepono nito. Tumahimik bigla ang loob ng sasakyan at napahilamos siya ng mukha dahil mabagal pa rin ang pag-usad ng trapiko.

Dahil sa pagka-inip ay sinunod nalang niya ang suhestiyon ng matalik na kaibigan at binuksan ang radyo. Sandaling pinakialaman ni Vice ang mga pindutan ng radyo ng sasakyan hanggang sa nakapili na siya ng istasyon na maari niyang pakinggan.

Put your head on my shoulder
Hold me in your arms, baby
Squeeze me oh-so-tight
Show me that you love me too.

Bigla na lang natigilan si Vice nang tumugtog ang kantang iyon sa radyo. Matagal ng sikat ang kanta at matagal na rin niyang alam iyon ngunit ngayon na lamang niya ito narinig ulit.

Wala sa sarili siyang napahawak sa kaniyang dibdib dahil sa biglang pagkabog ng kaniyang puso. Hindi rin siya agad nakalagaw at pinagpatuloy nalang ang taimtim na pakikinig sa awitin.

Put your lips next to mine, dear
Won't you kiss me once, baby?
Just a kiss goodnight, maybe
You and I will fall in love

Sa pagkakataong iyon, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niyang lumbay dahil sa kantang kaniyang napapakinggan. Para bang may hinuhukay ang bawat liriko ng kanta sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao. Parang isang alaala na matagal ng nakabaon sa kaniyang isip at puso.

People say that love's a game
A game you just can't win
If there's a way
I'll find it somebody
And then this fool will rush in

Dahan-dahang napatingin si Vice sa labas ng kaniyang sasakyan. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng mahinang ulan na tila nagpapahiwatig ng kakaibang lungkot na nararamdaman niya ngayon.

"Alalahanin mo nalang na tinuturuan kita kung paano sumayaw ang mga tagalupang tulad ko."

Put your head on my shoulder
Whisper in my ear, baby
Words I want to hear, baby
Put your head on my shoulder

Mariing napapikit si Vice nang biglang pumasok sa kaniyang isipan ang malabong alaalang hindi naman siya nakakasiguro kung sa kaniya nga ba talaga. Naririnig niya ang kaniyang sariling boses at boses ng isang babae na hindi niya makita ang mukha ngunit kahit anong gawin ni Vice ay hindi niya ito lubos na maalala.

Kasabay ng mahinang pagpatak ng ulan sa labas ay unti-unting naramdaman ni Vice ang pagkawala ng kaniyang mga luha. Ngunit bago pa man tuluyang lamunin ng kakaibang lungkot ay nagitla siya dahil sa sunod-sunod na pagbusena ng mga sasakyan sa kaniyang likuran. Dahil dito, agad na pinunasan ni Vice ang kaniyang mga luha at inayos ang kaniyang sarili saka pinatakbo ang sasakyan dahil umusad na rin sa wakas ang trapiko.




















Kinaumagahan, maagang nagtungo si Vice sa bahay nila Anne at Vhong. Apat na taon na ring kasal ang kaniyang mga matatalik na kaibigan. Isa si Vice sa saksi ng kanilang pagmamahalan dahil siya ang sumama kay Anne noong magbakasyon ito sa Batanes, anim na taon na ang nakakalipas.

Ngayon, may isang anak na babae na ang mag-asawa, na siyang lubos na kinagigiliwan ni Vice sa tuwing bumibisita siya sa bahay nila Anne kapag hindi siya masyadong abala sa kaniyang trabaho.

Dahil tila walang balak na magkaroon ng sarili niyang pamilya, itinuring na ni Vice ang anak nila Anne at Vhong bilang sarili niyang pamangkin, sa halip na isang inaanak. At dahil bilang matalik na kaibigan ng mag-asawa, si Vice rin ang nagbigay ng pangalan ng kanilang nag-iisang anak na babae, na lubos din namang nagustuhan nina Anne at Vhong.

"Tito Vicey! Tito Vicey!" maligalig na pagsalubong ng apat na taong gulang na batang babae nang makita nitong bumaba na si Vice mula sa kaniyang sasakyan. Nakasuot pa ito ngayon ng munting korona na yari sa mga maliliit na kabibe habang tumatakbo para bigyan ng isang mahigpit na yakap ang kaniyang Tito Vice.

Binuhat at bahagyang pinaikot-ikot pa ni Vice ang batang babae dahilan para mangibabaw ang nakakaaliw na tawa nito sa labas ng bahay.

"Sandali nga. Hindi ba nagtatampo si Allie kay Tito Vicey?" nakangusong tanong ni Vice sa batang binubuhat niya nang huminto na sila sa kanilang paglalaro at pag-ikot.

Napanguso naman ang batang babae at maligalig na napailing, "Nope! Because Mommy and Daddy alweady explained that Tito Vicey has wowk kahapon. And that he still loves Allie kahit di siya nagpunta sa biwthday," napangiti lang si Vice dahil sa naging sagot ng batang si Allie.

Pinaulanan niya rin ito ng nakakakiliting halik sa matambok nitong pisngi dahilan para umalingasaw ulit ang nakakaaliw na pagtawa ng bata.

"Pewo pawa hindi talaga magtampo si Allie, dapat bigay muna gift si Tito Vicey," bungisngis pa ng bata kaya natawa nalang si Vice at sabay nilang kinuha ang regalo nito sa sasakyan.

"Happy birthday, kamahalan," sinserong ngiti ni Vice at sandaling pinagmasdan ang reaksiyon ng bata na nagmukha ngayong isang munting prinsesa dahil sa suot nitong korona.

Nanlaki naman sa tuwa ang mga mata ni Allie nang mahawakan ang berdeng kahon na inabot sa kaniya ni Vice. Iyon kasi ang kaniyang paboritong kulay. "I weally love it! Thank you, Tito Vicey!" paghalik ng batang si Allie sa pisngi ni Vice sabay yakap ng napakahigpit. "Let's go inside na, so I can open it!" pahabol pa nito at bahagyang inalog ang kahon upang hulaan kung ano ang nasa loob.

Napangiti at napatango nalang si Vice sa batang kaniyang kaharap. Buti na lamang at pinuntahan niya ito ngayong araw. Kaya kahit papano, gumaan ang mabigat niyang pakiramdam kanina paggising at pansamantala ring nawala sa kaniyang isipan ang kakaibang nangyari sa kaniya kagabi.

Ilang sandali pa ay nakita niyang naghihintay si Anne sa bukana ng pintuan. Ngumiti lang ng kaunti si Vice dito at nagsimula na siyang maglakad papasok ng bahay habang buhat pa rin ang batang si Allie.

"Well, I actually didn't expect you to be this early. Let me guess, hindi ka na naman nakatulog no?" bungad ni Anne nang makapasok na si Vice sa sala at dahan-dahan niya ng ibinaba si Allie.

Agad namang napaupo ang bata sa sahig kung saan nakakalat ang iba pa niyang laruan at sabik na sabik na binuksan ang kaniyang natanggap na regalo. Muling ngumiti si Vice sa tuwang-tuwa na si Allie bago palihim na tinaasan ng kilay ang ina nitong si Anne bilang sagot sa una nitong tanong.

"Baks, sabi ko naman kasi sa'yo, diba. At least take a week off from work. Kahit limang araw o isang linggo lang na walang trabaho. Spend some time with yourself and learn to relax," bakas sa mukha ni Anne na nag-aalala siya para kay Vice dahil puro nalang trabaho ang inaatupag nito, "I mean, no offense, but look at you. Every time na lang na magkita tayo, you seem so stressed and exhausted."

Napabuntong hininga lang naman si Vice at tinanggap ang kapeng inihanda ni Anne para sa kanya, "Alam mo ang OA mo. Hindi lang talaga ako nakatulog ng maayos kagabi kaya mukha akong pagod ngayon."

Napahalukipkip naman si Anne at sandaling kinilatis ang kaibigan, "Bakit nga ba hindi ka nakatulog ng maayos kagabi?" ngunit hindi agad nakasagot si Vice at napaiwas lang ng tingin.

"It's because of those weird dreams again, isn't it?" pagpapatuloy ni Anne at nag-alinlangang napatango si Vice. "Hindi kaya may ibig sabihin yon sayo? Kasi diba, anim na taon na pero yon pa rin ang laman ng mga panaginip mo. Until now, you keep on hearing that same melodic voice in your dreams. So, it might probably mean something, right?"

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam," pagkibit-balikat ni Vice at pinagmasdan nalang si Allie na masayang naglalaro ng bago niyang prinsesang laruan na nakasuot ng berdeng bestida. "At parang may nagsasabi rin naman sa sarili ko na wag ko ng subukang alamin."

Mahigit anim na taon na ang nakalipas nang matagpuang walang malay si Vice sa isang maliit na daungan sa Batangas. Ang sabi ng mga doktor ay maaring nadulas daw ito at bahagyang tumama ang kaniyang ulo sa tabla ng kahoy.

Hanggang ngayon, hindi pa rin maalala ni Vice ang dahilan kung bakit siya natagpuan sa daungang iyon o kung bakit siya naroroon sa Batangas. Tanging sina Anne na lamang ang nagsabi sa kaniya na pumunta siya doon upang magbakasyon.

"Well, okay fine. It's up to you. But going back to our early conversation, hindi ka aalis sa bahay na'to hangga't hindi kita nakukumbinseng magbakasyon sa trabaho. Even just for a week," pamimilit ni Anne at binigyan ng makahulugang tingin si Vice.

"Kung ayaw mong gawin yon para sa sarili mo, gawin mo nalang para sa'kin," pagpapatuloy pa nito ngunit tila matigas talaga ang ulo ni Vice. "Or at least, do it for Allie. Alam mo bang gabi-gabi niya kaming kinukulit ni Vhong tungkol sa'yo?"

Bahagyang kumunot naman ang noo ni Vice dahil sa kaniyang narinig mula kay Anne, "Tungkol sa'kin? Bakit? Ano namang tungkol sa'kin?"

Sandali namang natigilan si Anne dahil maging siya ay hindi rin lubos na maintindihan minsan ang mga kinukuwento sa kanila ng kanilang anak.

Akmang sasabihin niya na sana ito kay Vice nang biglang tumunog ang kaniyang phone. "Gosh. Wait lang, baks ha. Stay here, okay? I have to answer this important call first. Pakibantayan muna si Allie," sandaling paalam ni Anne at mabilis na lumabas patungo sa maliit na veranda ng bahay.

Naiwan naman si Vice sa sala kasama si Allie na hanggang ngayon ay aliw na aliw pa rin sa paglalaro. Sandali itong pinagmasdan ni Vice at napansin niya ang mga drawings na nakakalat din sa sahig. Sa murang edad ni Allie ay mahilig na itong gumuhit at tila interesado rin sa kahit anong sining tulad ng pagpinta. Napansin ni Vice na halos mga isda, kabibe, at ang asul na karagatan ang mga ginuhit nito ngayon at kinulayan iyon gamit ang krayola.

Nang mapansin ni Allie na pinagmamasdan lamang siya ni Vice ay agad siyang tumakbo palapit dito. "Thank you po, Tito Vicey! Allie loves youw biwthday gift vewy much!"

"How about Tito Vice? Love rin ba siya ni Allie?" parang batang pagkausap ni Vice sa paslit at bahagyang pinisil ang magkabilang pisngi nito.

"Syempwe, love po ikaw ni Allie!" malambing na pagyakap ng batang si Allie kay Vice at hinalikan pa ito sa dulo ng kaniyang matangos na ilong.

Napangiti naman si Vice sa bata at sandaling pinagmasdan ang masaya nitong mukha. Sa mga sandaling iyon, napaisip tuloy si Vice kung ganon rin kaya kasaya ang kaniyang buhay ngayon kung nagkaroon siya ng sarili niyang pamilya.

Ilang beses din siyang hinikayat noon ng kaniyang mga kaibigan na magpakasal at mag-asawa ngunit tila labag talaga ito sa kaniyang kalooban. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang dahilan, ngunit parang may mahalagang bagay na nangyari sa kaniya noon na hindi niya na ngayon maalala. Para bang naranasan na niyang magmahal ng sobra kaya hindi na niya kayang magmahal pa ng iba.

Napabalik naman si Vice sa kaniyang ulirat nang magsalitang muli si Allie na inabala na ulit ang kaniyang sarili sa paglalaro ng hawak niyang bagong laruan, "But aside fwom Allie, someone else weally loves Tito Vicey too."

"Someone else?" kunot-noong tanong ni Vice at umupo na rin sa sahig upang makapantay at makausap ng maayos ang bata. "Sino namang someone else ang tinutukoy mo, baby?"

Napakagat naman ng labi ang batang si Allie at kinuha ang laruan nitong prinsipe saka itinabi sa bago niyang laruan na prinsesa, "Allie doesn't know hew name eh, but she visits Allie's dweams sometimes and she always tells Allie to take good cawe of Tito Vice, especially when Tito Vice is sad."

Hindi malaman ni Vice ang kaniyang dapat na maramdaman nang marinig iyon galing sa bata. Sandali niyang pinagmasdan si Allie at napaisip siya kung saan nagmula ang mga sinasabi nito sa kaniya ngayon. "Really? Someone really told you that in your dreams?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Vice at napatango naman si Allie ng dalawang beses.

"A-And what else did she say to you, baby?"

Napaisip naman ang bata at mabilis na inabot kay Vice ang isa pa nitong laruan na nakakalat sa sahig. Sandali itong tinignan ni Vice at may kung anong patalim ang tumusok sa kaniyang puso. "She said that Tito Vice should not fowget to eat on time and sleep eawly at night because she doesn't want Tito Vice to get sick. And that Tito Vice should also be mowe patient and not mainitin ang ulo."

Sa mga oras na iyon ay wala sa sariling napahawak si Vice sa kaniyang dibdib. Katulad kagabi ay kakaiba na naman ang tibok ng kaniyang puso. Unti-unti rin siyang napahawak sa kaniyang sentido dahil bigla itong bumigat sa hindi niya malamang dahilan.

"Habang wala ako, palagi mong aalagaan ang iyong sarili. Kumain ka sa tamang oras at huwag mo ring kakalimutang matulog ng maaga dahil makakasama sa kalusugan mo ang labis na pagpupuyat. At kung maari, bawas-bawasan mo na rin ang pagiging mainipin mo at mainitin ang ulo. At dahil mag-asawa na tayo ngayon, nararapat lang na sundin mo lahat ng mga bilin ko sayo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"She also said that even though she and Tito Vice awe not togethew anymowe, her love for you will nevew change. Because no matter what happens, Tito Vice will always have hew heawt forever."

Sandaling napatulala si Vice sa laruang inabot sa kaniya ng kaniyang inaanak. Hindi niya maipaliwanag ngunit kakaiba ang kaniyang naramdaman sa laruang hawak niyang iyon.

Hindi tulad ng ibang mga laruan at manikang nilalaro ngayon ni Allie, ang hawak lamang ni Vice ang may kakaibang anyo. Dahil sa halip na mga paa, meron itong berdeng buntot na halintulad sa mga isda at parang isang napakagandang sirena.

"Kaya sana hindi na po maging sad si Tito Vice, kasi kung sad po ikaw, sad din po siya," sinserong saad ng batang si Allie at nagpatuloy muli sa kaniyang paglalaro.

Habang naiwan naman si Vice na tuluyan ng natuod sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit biglang bumigat ang kaniyang pakiramdam nang marinig ang lahat ng iyon mula sa batang si Allie. Dahil dito, nanatili lamang na nakatulala si Vice at ilang sandali lang ay dahan-dahan ng kumawala ang kaniyang mga luha nang hindi niya namamalayan.




















Tila wala sa sariling nagmamaneho si Vice pauwi galing sa bahay nila Anne. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maipaliwanag ang nangyayari sa kaniya. Kung bakit naririnig niya sa kaniyang isipan ang mga pangyayaring hindi niya naman lubusang maalala. At kung bakit kusang kumakawala ang kaniyang mga luha sa tuwing naiisip niya ito.

Nang makarating siya sa tapat ng mansiyon ay agad na siyang bumaba ng kaniyang sasakyan. Sa mga oras na iyon, nais lamang ni Vice na mapag-isa at magkulong muna sa kaniyang sariling silid.

Nang makapasok ng bahay ay maligalig siyang binati nina Blossom, Buttercup, at Bubbles ngunit tanging tango lang ang kaniyang naging tugon bago nagpatuloy sa paglalakad paakyat sa hagdan.

Akmang bubuksan na sana ni Vice ang pinto ng kaniyang sariling kwarto nang bigla siyang mapahinto at unti-unting napatingin sa bakanteng silid na katabi nito. Batid niyang matagal ng walang natutulog doon dahil dalawa lang naman sila ni Don Gonzalo at may sarili ring silid para sa mga bisita at para sa mga kasama niya pa sa bahay na sina Blossom, Buttercup, at Bubbles.

Ngunit simula nang pumanaw si Don Gonzalo ay hindi na tumatanggap pa si Vice ng mga bisita sa bahay, maliban na lamang kina Anne, Vhong, at Allie. Ginawa na rin ang silid na iyon na imbakan ng mga iba't-ibang kagamitan sa mansiyon, kasama ang mga lumang gamit noon ni Vice nang nagtatrabaho palang siya bilang producer.

"I'm back. Now where were we?" nakangiting giit ni Anne nang makabalik na siya muli sa sala. Mabilis namang pinunasan ni Vice ang kaniyang mga luha at agad na inayos ang kaniyang sarili. "Uy, baks. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Anne nang mapansing tila namamaga ang mga mata ngayon ng kaniyang kaibigan.

Hindi naman makatingin ng diretso sa kaniya si Vice na hanggang ngayon ay tila hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig niya mula kay Allie, "O-Okay lang ako. Medyo napuwing lang. Ikaw kasi. Mukhang hindi ka naglilinis ng maayos, tignan mo may mga alikabok pa dito oh," mabilis na pag-iba ni Vice ng usapan.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Anne, "Hey, don't even judge my cleaning abilities, okay? Mas magaling pa akong maglinis sayo no! Nagkataon lang talaga na I'm super busy this week because of an upcoming television project."

"Anong project naman yan?" tanong ni Vice para tuluyan ng mag-iba ang kanilang usapan.

"A fantaserye," pagkuha ni Anne ng maliit na bimpo at inilagay iyon sa likod ng kaniyang anak.

Bahagya namang tumaas ang kilay ni Vice sa naging sagot ng kaniyang kaibigan. "Are you serious? Fantaserye talaga? At sinong producer naman ang nag-approve ng concept na yan?"

"Eh sino pa nga ba? Edi yong pumalit sayo," sagot ni Anne at tumabi na muli kay Vice.

Sandali namang napaisip si Vice. Hindi niya rin maitatanggi na namimiss niya rin minsan ang dati niyang trabaho, pati na rin ang mga taong nakatrabaho niya noon.

"Tungkol saan naman daw yang fantaserye na yan?" kunwari hindi interesadong tanong ni Vice at binigyan siya ni Anne ng makahulugang tingin.

"Do you remember the story concept I presented to you six years ago? The first fantasy television series that I actually pitched to you?"

Napaisip naman si Vice dahil tila hindi na niya matandaan ang tungkol doon. "Sa dami ba namang story concepts na ipinakita mo sa'kin. Sa tingin mo maaalala ko pa talaga yon?"

"Well, of course. Especially that you're the only one who received the first draft of the unofficial script," paghalukipkip ni Anne ngunit hindi talaga ito maalala ni Vice. "Come on, baks. Seryoso ka ba diyan? You really don't remember?"

"Hindi nga. At isa pa matagal na rin yon kaya hindi ko na ngayon matandaan," bahagyang pagkamot ni Vice sa kaniyang ulo.

"Pero na sa'yo pa rin naman yong unang kopya ng script na binigay ko noon, diba? Yong tungkol sa apat na makapangyarihang nilalang na tagapangalaga ng kalikasan?"

"And how would I know that? It was six freaking years ago, Anne. Sobrang tagal na non," bakas sa boses ni Vice na hindi na niya talaga ito maalala. "Bakit mo ba kasi tinatanong?"

"Kasi I might need it. Yon lang kasi yong script na naprint ko before, and I think I accidentally deleted the copy on my computer," giit ni Anne at binigyan ulit si Vice ng makahulugang tingin.

"So, gusto mong hanapin ko?" tila pagsusungit ni Vice at rumehistro agad ang isang malawak na ngiti sa mukha ng kaniyang kaibigan.

"Yes! Because it would really lessen my work if I have that particular draft with me. And I would be very grateful if you try searching for it," pakiusap ni Anne kaya wala namang nagawa si Vice kundi ang mapatango.

"Fine. Susubukan kong hanapin yon para sa'yo. But I can't promise you anything. Lalo na at hindi ko na maalala kung saan ko yon nailagay," pagtayo ni Vice dahil kinakailangan na rin niyang umalis.

"Oh wait. About that vacation I've been telling you over and over again. Please do consider it," paghawak ni Anne sa braso ng kaniyang kaibigan. "Vhong and I are really serious about it, Vice. We're worried about you. Kaya please wag mo namang pabayaan yang sarili mo."

Sandali namang hindi nakapagsalita si Vice bago napabuntong hininga. "Okay. Sige na. Pag-iisipan ko," sabi nito at mabilis siyang niyakap ni Anne.

Bago pa man tuluyang umalis ay nagpaalam si Vice sa batang si Allie na tumakbo sa kaniya upang bigyan rin siya ng mahigpit na yakap.

"Thank you fow visiting Allie today, Tito Vicey! Thank you win sa biwthday gift. Balik ikaw bukas, okay?" maligalig na giit ni Allie at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Vice.

Napangiti lang naman ang huli at bahagyang ginulo ang buhok ng batang kaniyang kaharap. Akmang lalabas na sana siya ng gate ng bahay nang bigla siyang tawagin ulit ni Allie.

"E cowwei diu, Tito Vice!"

Sandaling napahinto si Vice sa kaniyang kinatatayuan at dahan-dahang nilingon ang batang si Allie. Abot tenga ang ngiti nito habang winawagayway pa ang kaniyang kamay sa ere.

Hindi lubos na maintindihan ni Vice ang mga salitang binigkas sa kaniyang ng bata ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila pamilyar ang binubulong nito sa kaniyang puso.

Maging si Anne ay nagtaka rin sa mga salitang binaggit ng kaniyang apat na taong gulang na anak. Binaling niya ang kaniyang tingin kay Vice at napansin niya pa ang mga namumuong luha sa mga mata nito, bago ito pumasok sa sariling sasakyan at tuluyan nang umalis.

Tanging kadiliman ang sumalubong kay Vice nang dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng bakanteng silid na iyon. Sa loob ng ilang taon ay ngayon nalang ulit siya nakapasok doon. Madalas kasi na sina Blossom, Buttercup, at Bubbles ang kaniyang pinapakiusapan sa tuwing may pinapahanap siyang lumang gamit.

Nakasara ang veranda ng silid, at maging ang mga bintana ay sarado rin at natatakpan ng makakapal na kurtina kaya kahit hapon pa lang ay walang kahit anong liwanag na pumapasok doon. Sinubukan namang buksan ni Vice ang ilaw ngunit tila sira na rin ito dahil sa kalumaan.

Sandali siyang naglakad sa dilim hanggang sa makapa niya ang isang lampara na nakapatong sa maliit na lamesang katabi ng kama. Binuksan niya ito kaya kahit papano ay nagkaroon din ng kaunting ilaw. Nilibot ni Vice ang kaniyang paningin sa kabuuan ng silid. Napupuno iyon ngayon ng kaniyang mga lumang gamit ngunit malinis pa rin at walang masyadong alikabok.

Habang pinagmamasdan ang buong silid, dumako ang kaniyang mga mata sa pintuan patungo sa balkonahe. May mga nakaharang na kahon doon kaya hindi niya ito mabuksan.

"Ang ganda talaga ng buwan, no?"

"Alam mo minsan naiisip ko na para akong kinakausap ng buwan sa tuwing tinitignan ko siya. Weird, diba?"

"Hindi ba siya napapagod? Na sa tuwing lumalalim ang gabi, siya nalang tong nag-iisang gising. Na halos lahat ng nasa palagid ay buhay na buhay tuwing umaga, habang siya nag-iisa nalang pagsapit ng dilim?"

"Ang hirap sigurong maging siya, no? Yung siya tong nagbibigay liwanag sa lahat pero nakakalungot dahil ang totoo, siya pala tong pinag-iiwanan."

Tila naririnig ni Vice ang kaniyang sarili habang nililibot ang kaniyang paningin sa silid na iyon. Sandali siyang napahinto hanggang sa makita niya ang partikular na kahon na kaniyang hinahanap.

Maingat na ibinaba ni Vice ang kahon sa sahig at umupo siya sa tabi nito. Naglalaman iyon ng mga luma niyang gamit kaya malakas ang kutob niyang naroroon ang pinapahanap sa kaniya ng kaibigang si Anne. Binuksan niya ang kahon at tumambad sa kaniya ang iba't-ibang kopya ng mga iskrip ng mga lumang pelikula at palabas.

Binasa niya ang mga pamagat na nakalagay sa unang pahina ng mga iskrip na iyon at isa-isang isinantabi sa gilid hanggang sa matagpuan niya na ang kaniyang hinahanap.

Ang Mahiwagang Puso
[First Draft]

Sandali siyang natigilan at pinagmasdan ang hawak niyang mga papel. Dahil matagal ng nakatago, tila nagbago na ang kulay nito at tila marami na ring punit-punit na bahagi. Maliban sa mismong iskrip ay naroroon din ang mga detalyeng sinaliksik ni Anne para sa naturang palabas.

Habang binabasa, napagtanto ni Vice na tungkol pala iyon sa mga nilalang na tinatawag na sang'gre o ang mga tagapangalaga ng mga brilyante ng kalikasan. Hindi niya malaman ang dahilan ngunit unti-unting nanginginig ang kaniyang mga kamay habang pinagmamasdan ang bawat pahina.

Kalakip ng mga salitang nakasulat doon ay may mga larawan ring nakaguhit sa papel. Ang mga guhit na iyon ay larawan ng apat na sang'gre na sina Pirena, Amihan, Danaya at ang pinakahuli na nagngangalang—

"A-Alena," wala sa sariling bigkas ni Vice habang pinagmamasdan ang lumang guhit ng larawan ng pang-apat na sang'gre. Ilang segundong natulala si Vice sa guhit na iyon hangang sa unti-unting sumikip ang kaniyang dibdib. Paulit-ulit ring tumatakbo sa kaniyang isipan ang pangalan ni Alena saka ang tila pamilyar na emosyon na dulot ng pangalang iyon sa kaniya.

"Hinihiling ko na sana mayroong mundo kung saan walang kahit anong pagkakaiba, kung saan magkasama tayong dalawa. Parehong namumuhay ng payapa at masaya."

"A-Alena. A-Alena ko," paulit-ulit na bigkas ni Vice at tuluyan ng kumawala ang pinipigilan niyang mga luha. Napatakip siya sa kaniyang mukha at unti-unti ng napahagulgol sa sahig. Sa mga oras na iyon, tila ba nakaramdam siya ng malamig na hangin na dahan-dahang yumakap sa kaniya.

"E correi diu, masne e live."

"Mahal kita, ngayon at panghabambuhay."























Mabilis ang pagpapatakbo ni Vice ng kaniyang sasakyan sa mahabang daan patungong Batangas. Kung maari lamang paliparin ang sasakyan ay baka nagawa na niya. Hindi mapigil ang kaniyang mga luha habang mariin siyang nakahawak sa manibela. Bahagyang nanginginig din ang kaniyang mga kamay at sumisikip ang kaniyang dibdib.

Sa isang iglap ay biglang bumalik sa kaniya ang lahat ng mga magaganda at masasamang pangyayari, anim na taon na ang nakakalipas.

"K-Kaya pala kahit anong gawin ko pakiramdam ko palagi nalang may kulang. K-Kaya pala kahit anong pilit ko hindi ko kayang maging tunay na masaya. K-Kaya pala kahit sa tinagal-tagal ng panahon hindi ko kayang magmahal ng iba."

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Vice habang binabaybay ang mahabang daan. Lubos siyang nasasaktan dahil batid niyang nawala si Alena nang dahil sa kaniya. Sa mga oras na iyon, pakiramdam niya ay lubos siyang pinagtaksilan ng tadhana at pinagkaitan ng pagkakataon.

Muling hinalughog ni Vice ang kahon na naglalaman ng kaniyang mga lumang gamit. Kumalat na sa sahig ang mga lumang papel at iba pang mga kagamitan.

Hinahanap ngayon ni Vice ang kahit anong bagay na magbibigay sa kaniya ng kasagutan patungkol sa nangyayari sa kaniyang sarili. Tila masisiraan na siya ng bait dahil sa mga malalabong alaalang hindi niya lubusang maipaliwanag.

Ilang sandali lang ay nahulog mula sa mga nakaipit na papel ang isang maliit na litrato na tila pinunit mula sa karugtong nito. Hindi pa nakikita ni Vice kung ano ang lumang larawang iyon dahil binasa niya muna ang watermark na nakasulat sa likod.

Doon niya napagtantong galing iyon sa isang lumang photo booth. Nang tuluyan na niyang tignan ang larawan, ay biglang nanlaki ang kaniyang mga mata na namamaga na ngayon dahil sa labis na pagluha.

Para bang tumigil ang takbo ng oras para kay Vice, at maging ang kaniyang paghinga ay bahagya ring napahinto nang makita ang kaniyang sarili, anim na taon na ang nakakalipas.

Ngunit ang mas lalong nagpagitla sa kaniya ay ang kasama nitong babae na may taglay na kakaibang ganda. Nakangiti lang itong nakatitig kay Vice na tuwang-tuwa dahil sa bahagyang magulong buhok ng katabi niya.

"A-Alena," muling bulong ni Vice sa hangin hanggang sa hindi na niya nakayanan pa ang nararamdamang pagdadalamhati.

Mabilis siyang tumayo at nagmamadaling bumaba ng hagdanan hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng bahay saka sumakay sa kaniyang sariling sasakyan.















Madilim na nang makarating si Vice sa dalampasigan ng Batangas. Kasalukuyan siyang nakatayo sa maliit na daungan kung saan sila huling nagkasama ni Alena. Hanggang ngayon ay hindi matigil ang pagluha ni Vice habang nakatanaw sa kabilugan ng buwan.

Para siyang pinapatay ng paulit-ulit dahil sa mahabang panahon na itunuring niyang may kakaibang nangyayari sa kaniya. Ilang taon din siyang nabalot ng mga katanungan na hindi niya batid ang sagot. At ngayong nalaman niya na ito, mas naghihinagpis siya dahil sa katotohanang tila ipinagkait sa kaniya ng mundo.

"A-Alena!" paulit-ulit niyang sigaw habang nakaharap sa malawak na karagatan. Tahimik at kalmado lamang ang mga alon kaya ang nagdadalamhating boses lamang ni Vice ang nangingibabaw sa buong paligid.

"A-Alena, pakiusap magpakita ka!" naghihinagpis na pagtawag ni Vice sa taong alam naman niyang hindi na babalik pa kailanman.

Ilang sandali rin siyang nanatiling nakatayo doon hanggang sa tuluyan na siyang mapagod at mapaupo. Tila namanhid na rin ang kaniyang buong katawan dahil sa matinding sakit na dulot ng katotohanang hindi na babalik pa si Alena.

"Maaring makalimot ang isip ngunit hinding-hindi ang puso," pagkausap ni Vice sa kaniyang sarili. Hindi niya alintana ang malamig na hangin na dumadampi ngayon sa kaniyang balat.

"Narinig mo ba yon?! Hanggang ngayon, ikaw pa rin! Ikaw pa rin, Alena! Kasi nangako tayo! Nangako tayo sa isa't-isa," sigaw muli ni Vice kahit pa unti-unti na siyang nawawalan ng boses.

Sumilay ang malawak na ngiti sa kanyang labi nang magsalita si Alena. "Kaya ngayon, batid mong wala na akong ibang iibigin pa maliban sa iyo, dahil ikaw at ikaw lamang ang nagmamay-ari at magmamay-ari ng puso kong ito."

Muling nagtapat ang kanilang mga mata at dahan-dahang hinawi ni Vice ang buhok ni Alena saka hinalikan niya ito sa noo, "At ikaw lang rin ang tanging mamahalin ko ng ganito. At kung meron pang higit sa mahal kita, yon ang para sayo, yon ang pag-ibig ko para sayo."

Dahan-dahang tumayo si Vice at sandaling pinagmasdan ang malawak na karagatan. Mahina lamang ang ihip ng malamig na hangin.

Maingat siyang napahawak sa kaniyang puso kung saan naroroon ang kapangyarihan ng brilyante ng tubig. Muli siyang napatingala sa buwan at sa mga bituin sa kalangitan at unti-unting napapikit.

"Alam kong ginawa mo yon dahil gusto mo akong mabuhay ng mas matagal. Ginawa mo yon dahil gusto mo akong maging masaya," isip ni Vice at inalala ang matatamis na ngiti ni Alena. "Pero paano ako sasaya kung wala naman na ang dahilan ng kaligayahan ko? Paano ako mabubuhay kung ang tangi kong rason para mabuhay ay wala na?"
















"Vice!"

Dahan-dahang iminulat ni Vice ang kaniyang mga mata nang marinig ang pagtawag sa kaniya ng isang pamilyar na tinig. Unti-unti niya itong nilingon at tila tumigil bigla ang takbo ng oras para sa kaniya nang makita niya kung sino ito.

Kusang kumawala muli ang kaniyang mga luha nang magsimulang maglakad papalapit sa kaniya ang babaeng tumawag ng kaniyang pangalan. Nakangiti lamang ito sa kaniya at walang kahit anong lungkot o pighati ang makikita sa kaniyang maaliwas na mukha.

Sadyang hindi makapaniwala si Vice dahil nasa harapan na niya ngayon ang kaniyang minamahal.

Si Alena.

"Bakit lumuluha ka na naman?" mahinahong sambit ni Alena at marahang pinunasan ang mga luha ni Vice. "Alam mong mas bagay sa'yo ang nakangiti. Mas gusto kitang nakangiti."

"T-Totoo ba 'to? K-Kasama na ba talaga kita?" hindi pa rin mapigilan ni Vice ang pagbagsak ng kaniyang mga luha dahil muli niyang nakita ang iniibig niyang si Alena.

Napangiti lang naman ng kaunti ang sang'gre bago marahang hinawakan ang kabilang psingi ni Vice, "Batid kong mahirap tanggapin ang katotohanan. Batid kong matindi ang sakit na dulot nito. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, pareho rin nating alam na iyon ang itinakda ng tadhana."

Nanatiling maaliwalas ang mukha ni Alena sa mga salitang kaniyang binitawan, "Patawad dahil hindi kita nabigyan ng pagkakataon na malaman ang aking pamamaalam. Ginawa ko lamang iyon dahil hindi ko nais na makitang kang nasasaktan."

Napapikit naman si Vice dahil tila dinudurog ang kaniyang puso. "P-Pero bakit lalo akong mas nasasaktan ngayon?"

"Dahil ikaw ay umibig. At ang pag-ibig ay palaging may kaakibat na sakripisyo," mahinahong bigkas ni Alena at muling pinunasan ang mga luha ni Vice.

"Hindi ko nais na mabuhay ka sa paghihinagpis at pagdurusa dahil sa katotohanan. Batid kong hindi madali, ngunit hinihiling ko na matutunan mo itong tanggapin ng buong-buo. Hinihiling ko na mabuhay ka pa ng mas matagal at masaya, dahil iyon ang nararapat para sa'yo. Wag mo sanang hayaang balutin ng lungkot at pighati ang iyong puso."

"Vice, gusto kong malaman mo na hindi ko kailanman pinagsisihan ang ginawa kong sakripisyo para sa pag-big ko sa'yo. Hindi man ngayon, ngunit nararamdaman kong may tamang panahon upang ipagpatuloy natin ang ating kuwento," pagpapatuloy ni Alena hanggang sa unti-unti na ring nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Vice.

"Hanggang sa mangyari iyon, asahan mong matiyaga akong maghihintay. Kahit gaano katagal, hihintayin kita. At kapag nangyari na iyon, hindi na tayo mangangamba pa dahil nakatitiyak ako na hinding-hindi na tayo maghihiwalay."

"P-Promise?"

"Pangako."

Sa pagkakataong iyon ay hindi na nakapagsalita pa si Vice. Tinignan niya lamang sa mga mata si Alena hanggang sa gawaran siya nito ng isang banayad na halik sa pisngi. Sa mga oras na iyon, ipinikit na lamang ni Vice ang kaniyang mga mata at dinarama ang halik ni Alena. Para sa kaniya ang halik na iyon ay halik na nagpagaan ng kaniyang nararamdaman at nagpalaya ng kaniyang puso mula sa sakit na dulot ng katotohanan.


























Pagkalipas ng labing-apat (14) na taon...

Hindi magkamayaw ang pagkamangha ng mga tao habang nililibot ang isang art gallery na napupuno ngayon ng mga iba't-ibang obra. Sari-saring mga mukha at tanawin ang mga nakapinta sa bawat banghay na nakasabit sa puting pader. Hindi makakaila na napakaganda ang pagkaguhit at pagkapinta ng mga ito.

"Congratulations, Miss Allie. Who would have thought that at a very young age, mabibigyan ka na agad ng chance to have your own art exhibit," pagbati ng isang babae kay Allie na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng isa pa niyang obra.

Si Allie ay labing-walong taong gulang na ngayon at hindi makakaila na minana niya ang taglay na kagandahan at katalinuhan ng kaniyang inang si Anne habang namana naman niya ang pagiging palabiro at madalas pagiging makulit ng kaniyang amang si Vhong.

"Thank you. I truly owe this a lot to my parents and loved ones. I really wouldn't have done this without their support through the years. And also to the orphans and children who are the benefactors of this exhibit," ngiti ni Allie.

"At the entrance, I couldn't help but notice a portrait of a certain someone. May I know who that is?" tanong pa ng babae dahilan para bahagyang rumehistro ang lungkot sa mga mata ni Allie. Gayunpaman, napangiti pa rin siya ng kaunti.

"He's someone very close to my heart who recently passed away. He's also one of the reasons why I had this exhibit in the first place. I dedicate all these to him," tugon ni Allie at inalala ang mga huling sandali kasama ang kaniyang Tito Vice.

Tuluyan na itong pumanaw dahil sa katandaan at sakit sa puso. Gayunpaman, masasabi ni Allie na kahit papano, naging masaya ang mga huling taon ng kaniyang Tito Vice. Simula nang makauwi ito mula sa Batangas, labing-apat na taon na ang nakakalipas, ay tila nagbago na ang pananaw nito sa buhay. Madalas na itong nakangiti at tumatawa sa tuwing bumibisita ito sa bahay nila Allie.

May mga pagkakataon man na nakikita ni Allie na malungkot ang kaniyang Tito Vice, napapawi rin ito agad sa tuwing pinagmamasdan nito ang kwintas na may munting isdang yari sa kahoy.

Pinili rin nitong gugulin ang kaniyang mga huling araw sa Batangas, kung saan bumili ito ng isang maliit at pribadong bahay panuluyan. Ayon sa mga nakasama at nag-alaga sa kaniyang Tito Vice doon, pumanaw daw ito habang nakangiting pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa dalampasigan.

"E corre masne e live," rinig ni Allie nang basahin ng babae ang pamagat ng obrang kaharap nila. "Ano namang ibig sabihin ng mga salitang to? Is this Latin or Spanish of some sort?"

Napangiti naman si Allie at pinagmasdan ang kaniyang ipininta. "No. It's actually a made-up language I somehow learned when I was little. And this phrase right here means pag-ibig na panghabambuhay. It's about a promise of an undying love between two different beings from two different worlds."

Napatango naman ang babae at sandaling pinagmasdan ang abstract na obra kung saan may nakapintang dalawang nilalang habang mahigpit na nakayakap sa isa't-isa. Isang tao at isang sirena na tila lumiliwanag ang mga puso.

"Well, I must say all of these are really quite impressive," giit ng babae at inabot kay Allie ang isang tseke na may nakasulat na malaking halaga. "That's why, a friend of mine wants to buy all your paintings and feature it in her newest art museum."

Tila hindi naman agad makapagsalita si Allie nang mahawakan niya ang tseke. Sandali niya itong pinagmasdan at binasa kung sino ang kaibigang itinutukoy ng babaeng kausap niya. "K. Medina."

"O-Oh gosh. T-Thank you. This is really unexpected, especially for me. Siguradong matutuwa po ang mga benefactors nitong exhibit kapag nalaman nila ang tungkol dito," ngiti ni Allie at binasang muli ang pangalan ng nasa tsekeng hawak niya. "Kindly extend our utmost gratitude to Miss Medina for her generous donation."

Napangiti saka tumango naman ang babae at nagpaalam na kay Allie. Naiwan naman ang huli na nakatayo sa harap ng obrang pinag-usapan nila kanina. Sandali itong pinagmasdan ni Allie at napangiti siya sa kaniyang sarili dahil nararamdaman niyang masaya na ngayong magkasama ang kaniyang Tito Vice at ang mahiwagang sang'gre na nagngangalang Alena.






















"Alena," bahagyang naluluhang sambit ni Vice nang matanaw niya itong nakatayo sa dulo ng daungan. Napakaaliwalas ng buong paligid at sobrang kalmado lang ng asul na karagatan. Kakaiba rin ang liwanag na dala ng araw sa lugar na iyon.

Dahan-dahang napalingon si Alena at unti-unti itong napangiti nang makita si Vice. Maging si Vice ay napangiti na rin habang pinagmamasdan ang kaniyang minamahal. Tila sinasayaw ng hangin ang mahabang buhok ni Alena habang naglalakad si Vice palapit sa kaniya. Parehong nakasuot ng puting kausotan at bahagyang pinapaligiran ng mga paru-paru.

"Avisala, mahal ko," nakangiting bati ni Alena nang magkaharap na sila ni Vice. Hindi naman makapaniwala ang huli dahil sa wakas ay nagkasama na silang muli magkalipas ng napakaraming taon.

"Nasan tayo?" tanong ni Vice at nilibot ang kaniyang paningin sa buong kapaligiran. Tila magaan lamang ang kaniyang pakiramdam habang pinagmamasdan ang lugar at wala ng kahit anong lungkot sa kaniyang puso.

Napangiti naman si Alena at marahang hinaplos ang pisngi ng kaniyang kaharap. "Narito tayo ngayon sa mundong iyong ipinangako. Ang mundong walang pagkakaiba. Mundong para lamang sa ating dalawa."

Sa pagkakataong iyon ay nagtapat ang kanilang mga mata. Bakas sa kanilang mga mukha na natagpuan na nila ang kapayapaan at kapanatagan. Ngayon nakakasiguro na si Vice na hinding-hindi na sila maghihiwalay pa ni Alena. Maya-maya pa ay napadako ang kaniyang tingin sa kwintas na suot ng kaniyang kaharap. Napangiti si Vice at tinignan rin ang kaparehong kwintas na suot niya ngayon.

"Namiss kita. Sobra sobra," ngiti ni Vice habang muling namumuo ang kaniyang mga luha. Ngunit sa pagkakataong iyon, tanging kaligayahan na lamang ang naghahari sa kaniyang puso.

"Magmula ngayon, hindi na tayo maghihiwalay dahil magkasama na nating haharapin ang habambuhay," ang mga salitang ibinigkas ni Alena bago niya yakapin ng napakahigpit si Vice, upang punan ang ilang taong nawalay sila sa isa't-isa.

Sandali silang nanatiling magkayakap hanggang sa nagsimula na silang maglakad sa dalampasigan. Hindi rin matanggal ang mga ngiti sa kanilang labi habang mahigpit na magkahawak-kamay.

Sa kabilang banda, sa ilalim ng bughaw na karagatan, hindi mapantayan ang liwanag na ipinapamalas ng brilyante ng tubig. Dahil sa pagkakataong iyon, dalawa na ang pusong namamalagi at tumatahan sa loob nito.

Wakas.




























Author's Note

Maraming salamat sa lahat ng mga matiyagang nagbasa at sumubaybay sa kuwento nina Vice at Alena. Hango sa iba't-ibang kuwento ng pag-ibig ang istoryang ito. Ito rin ang unang kuwentong natapos ko dito sa Wattpad kaya parang malaking achievement ko itong maituturing bilang isang ViceRylle baby. Sobra akong nasiyahan sa pagsusulat ng kuwento ito kaya sana nasiyahan din kayo sa pagbabasa.

Ngayong natapos ko na Ang Mahiwagang Puso, probably sisimulan ko na rin ang isa pang panibagong istorya. It's a collaboration with the one and only viceryllegucci kaya sana magustuhan niyo rin ang kuwentong isusulat namin para sa inyo.

Sa panibagong kuwentong ito makilala niyo na si Miss K. Medina, ang art museum curator na siyang bumili sa mga obrang ipininta ni Allie.

Avisala eshma, mga tagalupa. #TeamPalangga

-Ands ✨

El Sueño

"Galing sa magkaibang panahon, pagtatagpuin ng iisang pagkakataon."

Continue Reading

You'll Also Like

78.1K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
3.1K 382 24
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
48.7K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
341K 8.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...