War Has Begun (War Series #1)

Od overthinkingpen

398K 17.3K 5K

PUBLISHED UNDER KPUBPH Copies are available via Tiktok Shop and Lazada. Please visit KPubPH on their Facebook... Více

War Has Begun
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
End
War Has Begun
ANNOUNCEMENT: Book Publishing
Pre-Order for Published Book

Chapter 23

7.2K 390 148
Od overthinkingpen

#war1wp

Chapter 23

Sleep

After what Jadon said, we started eating without saying anything. Ni hindi ko na nga naisip pa kung ano ang kalagayan ko sa panahong 'yon dahil mas'yadong sinasakop ng mga tanong ang isipan ko. Kung walang bumabagabag sa'kin, baka kanina pa ako nag-aalala sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Why is he still helping me? Hindi ba s'ya galit? Na bigla ko na lang s'yang iniwasan? Iniwan nang walang paramdam?

Napalunok ako at napa-angat ang tingin sa kan'ya. When he was about to raise his gaze at me, agad kong ibinaba ang tingin ko sa kinakain.

We didn't talk about anything else. Nagbayad s'ya ng bill, pagkatapos, tumayo na rin naman kami at hindi na nagtagal pa sa restaurant. Hindi na rin kami nagpunta pa sa kung saan at dumiretso na lang sa parking area para puntahan ang sasakyan n'ya.

It made me realize that I can just commute from here. Marami nang sakayan sa mall na 'to kahit gabi na. O kung sakali mang papauwi pa lang si Kuya Beno, baka puwede ko s'yang i-contact para magpasundo.

Kaya naman habang naglalakad na kami ni Jadon sa parking area, dinig na dinig ang ugong ng kung anumang makina at ilang mga sasakyang pumaparada rin doon, bumagal ang paglalakad ko at hinanda ang sariling sabihin sa kan'ya na puwede na akong mag-commute mula rito kahit na may paglalaban sa loob ko dahil gusto ko pa talaga s'yang makasama.

Pero nang nilingon ako ni Jadon dahil mukhang napansin n'ya ang pagbagal ng lakad ko, para namang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

"Did you leave something?" Tanong ni Jadon, humihinto sa paglalakad at hinihintay ako.

Tumingin ulit s'ya sa entrance ng mall bago n'ya ibinaba ang tingin sa akin. Mas napansin ko tuloy ang ganda ng panga n'ya.

"May bibilhin ka pa?" He asked, ibinubulsa ang isang kamay, nasa akin ang atensyon.

Umiling ako kaagad sa tanong n'ya.

"Puwede na 'kong mag-commute," I stuttered and cleared my throat before I glanced at the entrance of the mall. "Mula rito. Marami nang jeep... o bus. O kaya magpapasundo ako sa kuya ko."

Tumingin ulit ako kay Jadon at nasalubong ko ang mga mata n'yang direktang nakatitig sa akin. He slightly frowned and he slightly adjusted his weight.

"Puwede kitang ihatid," aniya.

"Baka kasi may gagawin ka pa," I bit my lip and realized that I can't insist on this anymore.

Kapag ipinilit n'ya pa rin na ihatid ako, hindi na ako makakatanggi dahil alam kong mas magtatagal kami kung magpipilitan lang kaming dalawa. Alam ko namang masyado ko na s'yang inabala ngayong araw. 

Anong oras na? Kanina ko pa s'ya kasama. Kanina n'ya pa ako sinasamahan. Sapat na siguro ang mga panahong 'yon at hindi na dapat ako sumubok pang pahabain ang oras na magkasama kaming dalawa. Dapat nga, makikipagkita s'ya kay Adonijah ngayon, 'di ba? Pero nandito pa s'ya sa mall na 'to, tinitiis na kasama ako.

I still want to spend time with him but I'm not that selfish enough to hold too much of his time.

"Wala akong gagawin," aniya at tumango ako. "But if you... don't want to, I won't force you to," aniya at bahagyang umiwas ng tingin.

Halos mapasinghap ako sa sinabi n'ya dahil bigla kong naalala ang ginawa ko sa kan'ya noon. I bit my lip and nodded. Paano pa ako tatanggi n'yan? Pinaalala na ng utak ko ang nangyari noon at nakunsensya na ako?

Pero sino ba ang niloloko ko? Alam ko namang gusto ko pang makasama s'ya. Pinipigilan lang ako ng nararamdaman kong hiya.

Sa huli, sumunod na lang din ako sa kotse n'ya at sumakay na rin sa passenger's seat. Inaayos ko ang bag na nasa gilid ng binti ko nang pumasok si Jadon.

I started to tell him where our house was but he immediately nodded even though I haven't finished saying it yet.

"I remember," aniya habang minamaniobra ang sasakyan.

Tumikhim ako at tumingin na lang sa pagmaniobra n'ya ng sasakyan at pag-alis na namin nang tuluyan sa mall na 'yon.

Tahimik din kami sa sasakyan habang binabaybay ang daan pauwi sa bahay. May tugtog sa speakers ng sasakyan n'ya at nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan habang nakikinig do'n, nililibang ang sarili.

Medyo may kalayuan ang mall na 'yon sa bahay at dahil rush hour, nararamdaman ko nang magtatagal ang biyahe namin pauwi dahil sa walang-kamatayang traffic. 

Nilingon ko si Jadon at naabutan kong nakatukod ang kaliwang siko n'ya sa pinto ng sasakyan habang maluwag na nakahawak ang kaliwang mga daliri n'ya sa manibela. Ang kanang kamay, nasa ibaba ng manibela at ang s'yang may kontrol doon.

Pinagmasdan ko ang interior ng kotse n'ya at na-realize na wala pa rin s'yang pinagbago pagdating sa pagiging organisado. Hindi s'ya nag-uupgrade ng kahit ano sa sasakyan kung hindi naman kailangan at pinananatili n'ya ang orihinal na disenyo no'n.

Although Jadon screams elegance and sophistication, he doesn't spend luxuriously. Mahal ang mga gamit n'ya pero ang lahat ng 'yon, hindi lang luho dahil kailangan n'ya talaga. It makes me realize that he knows where to invest his time, effort, and money. 

Why haven't I noticed this before?

Bigla kong naalala ang mga sinasabi nina Papa tungkol kay Jadon. If only they've known this... magbabago kaya ang pananaw nila kay Jadon?

I sighed and realized that I was the same anyway. Hindi ko maintindihan si Jadon. Magkaibang-magkaiba kaming dalawa. He's this good with everything he has at hand... but he doesn't think about what comes next. I can't grasp the idea of it. We're so different. Pero kahit na gano'n, may parte sa aking hinahangaan 'yon. I still can't understand everything; even myself and the way I feel for him.

"Don't think about it all the time," Jadon suddenly said so I looked at him.

He glanced at me and he looked directly into my eyes before he returned his gaze on the road.

"Mahirap alisin sa isip. But don't dwell on it too much," he paused and he licked his lips. "It'll poison your mind. Just rest today," he said.

Iniisip n'ya bang 'yung bagsak kong quiz ang iniisip ko? Gusto ko tuloy mapangiti pero pinigilan ko na lang at tinanguan na lang ang sinabi n'ya.

Mas mabuti nang 'yon ang isipin n'ya kaysa malaman n'ya ang totoong nasa isipan ko. I sighed and looked outside the window. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na malaman ni Jadon ang dahilan kung bakit ako lumayo sa kan'ya.

He'll eventually know it. Alam ko. Dahil gusto kong ipaliwanag sa kan'ya ang nangyari. Pero hindi ko pa kaya sa ngayon dahil masyado akong natatakot na harapin ang posibleng mangyari.

I can't imagine how much it'd disappoint and hurt him. It will insult him, I'm sure. Kung ako ang makakaalam na gano'n ang tingin sa akin ng ibang tao, I'd be disappointed--mad even. I'd hate that person so much.

"Send me your schedule," ani Jadon nang dumating na kami sa tapat ng bahay at inangat ko na ang bag para umambang bumaba ng sasakyan n'ya.

I looked at Jadon, confused with what he said. My schedule?

"I'll organize your schedule," aniya. 

Agad na uminit ang pisngi ko at napa-iwas nang kaunti ng tingin sa mga tingin n'ya. Seryoso ba? Should I send it to him? Nakakahiya! I can't even organize it on my own?

"Sigurado ka ba?" Nahihiyang tanong ko. "Baka busy ka," I said.

"I won't ask you if it will bother me," marahan n'yang sabi. 

Tumango ako. 

"Thanks, Jadon," I said. "Ise-send ko sa'yo mamaya."

Kaya naman nang nakarating na ako sa kuwarto ko at naka-alis na si Jadon, sa laptop ko kaagad ako dumiretso para hanapin ang maayos at malinaw na picture ng schedule ko para maibigay sa kan'ya. 

I can't help but feel light inside. Jadon will do my schedule for me! Pakiramdam ko tuloy, masusunod ko 'yon at parating titingnan. 

Pero nang buksan ko ang conversation namin para sana i-send na ang picture ng schedule do'n at nakita ang mga dating messages namin, agad akong natigilan at agad na nagdalawang-isip na i-send ang schedule. 

Should I send it? Masyado ko namang inaabuso si Jadon. I bit my lip. Makapal ang mukha ko pero hindi naman ako aabot sa puntong hindi na ako mahihiya pagdating dito.

Ano na ba'ng nagawa ko para sa kan'ya? Parati n'ya na lang akong tinutulungan pero ano ang ginawa ko? Agad akong napangiwi sa sarili. Right...

Napabuntong-hininga ako at iniwan na lang ang laptop bago dumiretso sa cabinet para magpalit ng damit. Pagkatapos kong makapagpalit, lumabas na ako ng kuwarto at nagpunta sa kusina para kumuha ng maiinom do'n bago ako bumalik sa kuwarto. Binalikan ko ang laptop at bahagyang nanlaki ang mga mata nang makita ko ang chat ni Jadon do'n.

He sent a file.

Jadon Marcus Melgarijo:
This might help you. 
Can I have your schedule?

Naka-uwi na ba s'ya? Ito kaagad ang nasa isipan n'ya pag-uwi?

Azariah Morales:
Thank you, Jadon.
Sigurado ka ba? I know you're busy too. 

It didn't take him long to reply.

Jadon Marcus Melgarijo:
Yes. 
Tell me if you have org meetings or other things you want to fit in your schedule. 

I bit my lip before I sent him a picture of my schedule. 

Agad na nakita 'yon ni Jadon at sinabi sa'king gagawin n'ya na kaagad. Because I was pressured that he's doing things to help me, binuksan ko na rin ang file na sinend n'ya at na-realize na mga notes nga 'yon at ilang mga sample problems na mayroon na ring correction at explanation sa dulo. 

I immediately immersed myself in it and I realized that the notes were really helpful because it was easy to absorb. Mas simple ang terminologies at elaborated ang mga kailangan ng mas malawak na eksplanasyon. Where did he get this? Sa org ba n'ya? O sa mga professors n'ya?

I tried to answer the problems too and noticed that they were the hard-level of problems. Karaniwan kasi ng mga problems na ibinibigay ng mga professors, 'yong madadali kapag discussion kaya sobrang hirap pagdating na sa pagsasagot sa libro, quizzes, at examinations. But the file Jadon gave me explained how hard problems can be solved.

I can't believe that it was this easy! I mean... hard but answerable.

I was getting too immersed in what I was answering that I almost jumped when my phone pinged for a notification. Agad ko 'yong tiningnan at na-realize na galing 'yon kay Jadon. 

I immediately let go of my mechanical pencil and calculator and held my phone with both hands, focusing on Jadon's message for me. He sent me a picture.

Jadon Marcus Melgarijo:
This is for this week.
Naglagay ako ng rest days mo. That's the most important thing in this schedule. You shouldn't skip it. 

Agad kong tiningnan ang schedule na ginawa n'ya para sa akin ngayong linggo. It's very detailed. Pati ang oras kung kailan magsisimula, nakalagay na rin do'n. I have so much time for rest too! I can't believe that I have this much free time? Naglagay din s'ya ng mga oras kung kailan ako dapat mag-aral at ano ang mga dapat kong aralin para sa araw na 'yon.

Jadon Marcus Melgarijo:
Tell me if you want to change some things.

Azariah Morales:
This looks very detailed, Jadon.
Thank you! 🥺

I bit my lip as I watched his typing bubble. Agad akong nagtipa ng susunod na sasabihin.

Azariah Morales:
T'saka sa file. Binasa ko na kanina. It's so good! Ang bilis kong naintindihan 'yong problems.

Jadon Marcus Melgarijo:
No problem, Az.

Napasinghap ako at napatitig sa reply n'ya. 'Yon lang naman ang sinabi n'ya, bakit parang ninakaw ang puso ko mula sa dibdib ko?

Jadon Marcus Melgarijo:
I'll send more files.
But focus on that first. 

Azariah Morales:
Thank you!
Galing ba 'to sa org mo or prof? It's very good.

Hinintay ko ang reply ni Jadon at hindi naman din 'yon nagtagal.

Jadon Marcus Melgarijo:
I made it.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. 

He made it? 

Jadon Marcus Melgarijo:
Wala ka nang idadagdag? Org meetings?

Tiningnan ko ang chat n'ya, still can't get over the fact that he made that file himself! Ni hindi ko nga magawa ang gano'n. Pati ang mga kaklase ko, wala akong kilalang gumawa rin ng gano'n. Sample problems, oo. Pero that detailed? 

Jadon Marcus Melgarijo: 
Dates?

Kumunot ang noo ko.

Azariah Morales:
Dates?

Jadon Marcus Melgarijo:
Wala kang dates?

What does he mean? Is it the date I'm thinking or is it something else?

May oras pa ba ako para makipag-date?

Azariah Morales:
Wala naman...

Jadon read my message. Pinagmasdan ko ang conversation namin at bumalik na naman ang isipan ko sa file na ibinigay n'ya kanina. Pero nang makita kong nagtitipa na ng reply si Jadon, nawala na rin sa isip ko 'yon.

Jadon Marcus Melgarijo:
Good.

Agad na uminit ang mga pisngi ko at binalikan ang tanong n'ya. Anong good? That I don't date?

I spent that night answering the file he gave me. Pagkatapos, tulad ng nasa schedule na ibinigay n'ya, pinili ko na rin kaagad na magpahinga para magkaro'n ng mas maayos na tulog. But I couldn't really sleep that night. Ibinabalik ako parati ng isip ko kay Jadon.

Bigla kong naalala kung paano kami noon. I was more immature back then. Jadon's more mature now too than he was before but he's still comforting and different. 

I sighed before I rose from my bed and went to my bedside table. 

Binuksan ko ang pinakahuling drawer at nakita ro'n ang kahon na hindi ko na binubuksan sa lumipas na taon. I picked it up to look what was inside it.

Nakita ko ang kuwintas na ibinigay ni Jadon noon at ang mga tuyo na at halos nadudurog na petals ng mga bulaklak. I bit my lip as I looked at them.

Jadon has always been the one who puts the effort for me. Pero ni minsan, hindi ko yata naibalik ang pabor na 'yon sa kan'ya. What have I done for him? Mayro'n na ba? Have I comforted him the way he comforted me? Parang hindi. Parang parati na lang na hindi maganda ang naibabalik ko sa kan'ya.

Kaya nga hindi ko mapigilang magtaka kung bakit. Bakit nand'yan pa rin s'ya? Bakit hindi n'ya ako pinipilit na bigyan s'ya ng eksplanasyon? Bakit tinutulungan n'ya pa rin ako kahit na alam kong mahirap para sa kan'yang kausapin ako ulit?

Tumunog ang phone ko at agad ko 'yong tiningnan.

And when I saw Jadon's name registered on it, parang lalo lang na may pumisil sa puso ko.  I opened his message for me.

Jadon Marcus Melgarijo:
Are you sleeping? Nasa schedule mo na dapat natutulog ka na.
Message me if you can't sleep. 

I clutched on my phone tighter. How can I sleep if you keep running around my mind?

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

326K 14.1K 40
Bad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin dahil nakatutok ang atensyon natin sa iban...
140K 6.4K 54
War Series #3: Maria Hanani Cortez Butterflies in the stomach and falling head-over-heels in love---Hanani Cortez loves the idea of love. But when sh...
209K 2.9K 24
[ PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS | Wattys 2019 Romance Winner ] THIS STORY IS INCOMPLETE. THE PUBLISHED BOOK IS AVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. For P...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...