Wreck The Game (COMPLETED)

By beeyotch

11.7M 473K 279K

(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karap... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Part 4
Epilogue - Part 5
Epilogue - Part 6
Epilogue - Part 7
Epilogue - Part 8

Chapter 30

161K 7.9K 3.1K
By beeyotch

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG30 Chapter 30

Tumingin si Nikolai sa paligid. Hindi siya nagsalita. Nagpasalamat ako sa landlady pagkatapos niyang iabot sa akin iyong susi. Inilapag ko iyong bag ko sa may upuan.

"Safe naman dito," sabi ko para lang mabawasan iyong katahimikan. Hindi ko alam kung bakit sumama pa siya sa akin dito para i-check iyong bago kong titirhan kung hindi naman pala siya magsasalita. Kung kagaya lang kami ng dati, sigurado ako na maraming comment si Nikolai—na kesyo masyadong maraming tao, na masyadong masikip, na ganito, ganyan.

Pero ngayon? Ma-swerte na ako kung makaka-kuha ako ng tango mula sa kanya.

"Maghahanap din ako ng trabaho bukas since next sem pa naman ako makaka-pasok ulit sa school," banggit ko sa kanya. Gusto ko lang na sabihin sa kanya lahat ng plano ko ngayon. Ewan. Siguro bumabawi ako dahil sa dami ng hindi ko sinabi sa kanya noon? Pero ano pa iyong silbi? Mukhang hindi naman siya interesado pa.

"Saan ba sa tingin mo magandang lumipat ako?" tanong ko. Pero imbes na maka-kuha ako ng sagot mula sa bibig niya ay nagkibit-balikat lang siya. Gusto kong matawa kasi nakaka-tawa na talaga kami. Ramdam na ramdam ko na hindi kami maayos... pero pareho kaming matigas iyong ulo na kuma-kapit pa rin.

Sabi niya ngayon lang 'to.

Sabi niya magiging maayos din kami.

Pero kailan pa?

Mahihintay ko ba?

Mahihintay niya ba?

"May pupuntahan ka ba? Kasi mag-aayos lang ako ng gamit tapos magpapa-hinga na rin ako."

Tumingin lang siya sa akin. "Text me if you need anything," tanging sabi niya bago tumalikod at lumabas.

At hindi ko alam kung tama ba na nung lumabas siya ay parang gumaan ang pakiramdam ko.

* * *

"Salamat sumagot ka rin sa tawag!" sabi ni Indie nang sagutin ko iyong tawag niya. Sobrang na-appreciate ko na tinatawagan at tine-tetx niya ako nung na-suspend ako sa school. Kasi siya lang iyong nagtext. Si Bentley, nagtext naman ng isang beses... pero si Indie talaga iyong hindi tumigil hanggang hindi ako sumasagot.

"Sorry... busy."

"Okay ka lang—" Napa-hinto siya. "Shit. Sorry. Malamang hindi ka okay. Ang hypocrite talaga nitong mga Catholic school na 'to!"

Napa-ngiti na lang ako sa sarili ko. "Okay lang..."

"Okay mo mukha mo. Kapal ng mukha nilang gawing tagline iyong One Clairean Family tapos kapag may ganito, kickout agad?" sabi niya habang rinig na rinig ko iyong inis sa boses niya. "Binigyan ka man lang ba ng good moral?"

Hindi ako naka-sagot. Hindi ko pa kasi iniisip kung saan ako lilipat—pinaka-problema ko ngayon ay kung paano ako mabubuhay. Iyong ipon ko ay sapat lang para sa ilang buwan na renta at saka pangkain. Kailangan kong maka-hanap ng magandang trabaho para makapagpatuloy ako sa law school. Nanghihinayang ako kung hindi ko itutuloy. Baka bumalik lang ako sa kagaya nung dati na walang patutunguhan ang buhay ko. Iyong gumigising lang ako para hintayin na matapos iyong araw.

Ayoko nang bumalik sa ganoon.

Nakaka-pagod kahit wala kang ginagawa.

Nakaka-walang gana mabuhay.

"May alam ka bang trabaho?"

"Sa G&Z gusto mo?"

Hindi agad ako naka-sagot. Ayokong magtrabaho sa may kinalaman sa mundo ng mga abogado. Pakiramdam ko kasi ay kahit saan ako tumingin ay alam nila iyong parte na 'yun ng buhay ko. Sobrang judgmental, pota. Akala mo kay lilinis, e.

Sobrang bilis kumalat ng balita... Ni hindi ko nga alam kung paano nakarating sa SCA iyon.

Para akong bina-bangungot ng ilang buwan na.

"Or if may iba kang trip na trabaho, baka may alam ako, so sabihan mo agad ako, okay?"

Napa-ngiti ako. "Salamat."

"No problem! 'Di man tayo laging nagchichismisan, basta nandito lang ako, okay? Literally one text away—mabagal man magreply, pero kung kaya ko gawan ng paraan, gagawan natin ng paraan, okay?"

Parang sumi-sikip iyong dibdib ko.

Puro ako Nikolai... pero nandito naman si Indie. May kaibigan ako. Pwede akong magkaroon ng iba pang kaibigan. Kung iiwan man ako ni Nikolai...

Magiging okay ako.

Kailangan ko lang magtiwala.

"Lumipat ako ng apartment... kapag maayos na ako rito, puntahan mo ako."

"Bakit ka lumipat? Gustung-gusto mo iyong sa condo mo, 'di ba?" tanong niya dahil na-kwento ko sa kanya noon na kahit medyo mahal iyong sa condo ko, ayos lang sa akin dahil maganda doon. Matagal na nagtiis ako sa wala kaya ngayon na meron, kung kaya ko, gusto ko iyong maganda talaga. Pero ngayon? Parang mali na manatili pa ako roon dahil si Nick iyong nagbigay sa akin. Pati lahat ng binigay niya sa akin—mga damit, mga alahas, lahat gusto kong itapon at sunugin kaya lang nanghinayang ako... kaya naman binenta ko na lang at saka dinonate ko na lang sa charity.

"Mahabang kwento... Saka na lang kapag nagkita tayo."

* * *

"May nahanap na akong trabaho," banggit ko kay Nikolai nang puntahan niya ako sa apartment ko. "Sa Antipolo. Medyo malayo... pero ayos na rin 'yon," dugtong ko pa. At least malayo. Saka medyo matanda na iyong mga ka-trabaho ko. Sana hindi sila ma-Internet.

Natapos na lang iyong tini-timpla kong kape ay hindi pa rin siya nagsasalita. Inilapag ko sa harapan niya iyong kape.

Gusto ko siyang tanungin kung may sasabihin ba siya... kasi kung wala, pwede na siyang umalis para makapagpahinga na ako. Ang layo nung pinuntahan ko para sa interview. Ang hirap magcommute. Ang sakit na ng katawan ko. Pagod na ako. Gusto ko nang matulog.

Pero hindi siya umalis. Nandoon lang siya. Naka-upo. Naka-tingin sa akin.

Bigla akong nagsisi na naubos ko na nung isang araw iyong alak ko rito sa apartment. Tangina. On the way na ata ako sa pagiging alcoholic. Tangina kasi bakit nakaka-manhid 'yang alak!

"Ano'ng ginawa mo ngayon?" tanong ko sa kanya para lang mawala iyong katahimikan.

Nagkibit-balikat lang siya. "Training," simpleng sagot niya. Tumango lang ako. Kung dati 'to, sigurado ako na sasabihin niya ultimo pinaka-maliit na detalye. Kasi ganoon siya, e—mahilig magkwento. Pero ngayon, pilit na pilit. Na hangga't maaari, isang salita lang ang isasagot niya sa bawat tanong ko.

"May trabaho ka na?"

Tipid siyang tumango.

"Saan?"

"Family business."

Gusto ko sanang magtanong tungkol sa kanila ng nanay niya, pero baka mas lalong mawala siya sa mood. Tumingin ako sa hawak kong kape. Napa-hinga ako nang malalim. Ibinalik ko iyong tingin ko sa kanya.

"Nag-usap na kayo?"

Ni hindi ko kailangang banggitin para malaman niya kung sino ang tinu-tukoy ko. Nakaka-pagod ng ikutan 'to. Gusto ko ng itanong sa kanya. Ayoko nung ganito na pareho kaming parang kandilang nauupos.

Hindi ko siya talaga kayang bitawan...

Kaya siguro gagawan ko na lang ng paraan para bumitaw siya—lalo na kung ganito na nakikita ko na gusto niya na ring bumitaw, pero hindi niya magawa dahil mahal niya ako.

Mahal nga siguro namin iyong isa't-isa... pero kung ganito lang din?

Parang ayoko.

Araw-araw na lang akong pagod.

Araw-araw na malungkot.

Araw-araw na naghihintay kung kailan siya bibitaw.

"Yeah," sagot niya.

"Ano'ng sabi niya?"

"Can we not talk about my mom?" defensive na sagot niya.

"E ano'ng gusto mong pag-usapan natin?"

"Anything but that."

"E wala ka ngang sinasabi."

"I don't feel like talking."

"E bakit nandito ka pa?" tanong ko habang diretsong naka-tingin sa mga mata niya. Hindi ko man siguro masabi sa kanya na pagod na ako... pero hindi naman siya tanga. Ramdam naman niya siguro. Hindi naman ako bata na magagalit sa kanya kapag iniwan niya ako dahil lang nangako siya dati na hindi niya ako susukuan. Iba na iyong sitwasyon ngayon. Sobrang labo. Parang kailangan talaga naming maghiwalay.

"Because I love you," parang sirang plaka niyang sagot.

"Pero wala kang tiwala sa 'kin?"

"I'll trust you again."

"Kailan?"

Hindi agad siya naka-sagot.

Tumingin siya sa akin. "I don't know—"

"Ngayong taon ba?"

"I don't know, okay?"

Humigpit iyong hawak ko sa tasa. "So... maghihintay ako sa wala?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya. Pero alam ko na kailangan kong tanungin iyong mga tanong na 'to.

"I love—"

"Tama na nga sa I love you na 'yan, Nikolai. Alam ko mahal mo ako, pero wala kang tiwala sa akin. Ano? Ganito lang tayo? Mukha bang masaya tayo?"

"It's not always going to be fun, Jersey."

"Alam ko 'yun. Pero mukhang wala na tayong pag-asa," diretsong sagot ko sa kanya habang may lakas ng loob pa ako. "Ilang buwan na tayong ganito. Papaabutin pa ba natin ng taon, ha, Nikolai?"

Ayaw niyang bumitiw.

Ayaw ko rin.

Pero ayaw ko rin nung ganito kami.

'Di ko alam kung saan ako lulugar sa relasyon naming 'to.

"Do you want me to just give us up, Jersey?"

Dahan-dahan akong umiling. Ayoko naman nun. Kaya nga hinintay ko siya hanggang sa matapos iyong exam niya... kasi mahal ko siya. Kasi mahalaga din sa akin iyong pangarap niya... Pero kung ganito kami, hindi ba mas maganda kung maghihiwalay kami? Kaysa pareho naming pinapanood na maubos ang bawat isa?

"I don't want that, too, Ga."

Humigpit iyong hawak ko sa tasa. Dati ang saya marinig; ngayon, ang sakit.

"Can't you just hold on for a little bit longer?" mahinang tanong niya.

"Hanggang kailan?"

"Do you really need a timeframe, Jersey?"

"Nakaka-pagod."

"This is draining me, too."

"Hindi ba pwede na maghiwalay muna tayo?"

"I don't believe in taking pauses, Jersey."

"Hindi tayo okay."

"This is a rough patch."

"Parang mas malala doon, Nikolai. Hindi tayo nag-uusap. Ni hindi ka nga maka-tingin sa 'kin. Hindi mo kailangang sabihin pero alam ko na hindi ka maka-tingin dahil sa tuwing tinitignan mo ako, naiisip mo kami ng tatay mo. Iniisip mo na may nangyari sa amin. Ang daming naglalaro d'yan sa utak mo. Kaya saan ako lulugar? Hanggang kailan ako maghihintay? Kasi sa tingin ko, malabo ng bumalik ulit iyong tiwala mo sa 'kin."

Halos hindi ako maka-hinga nang matapos ako... pero parang gumaan iyong dibdib ko dahil nalabas ko na iyong gusto kong sabihin sa kanya... Hindi man lahat 'yon pero at least nabawasan.

"Do you wanna break up?" mahinang tanong niya... halos bulong na.

"Ayoko... pero ayoko rin maghintay sa wala..."

"What do you want from me?"

"Hindi ko rin alam..."

Halos umugong ang katahimikan sa pagitan namin.

Gusto kong tignan siya, pero wala yata akong lakas.

"Ayokong makipaghiwalay... pero napapagod na ako sa ganito..."

Humugot ako nang malalim na hininiga. "Malayo naman na ako sa tinitirhan mo... May trabaho ka na... Magiging busy ka na... Hindi mo na rin ako maiisip."

"Don't insult me like that, Jersey."

"Wala namang special sa akin."

Halos tumalon iyong puso ko palabas ng dibdib ko nang bigla siyang tumayo. Napilitan akong mapa-tingin sa kanya. Naka-tingin lang siya sa kin, pero ramdam na ramdam ko iyong bigat.

"You tortured me for 6 months. I stayed silent as I wondered what the fuck the problem was—always telling myself to just hold on because you care about me and I'm sure you'll talk when you're ready—and here you are, giving up after 2 months," may diin na sabi niya sa akin. "You really are a piece of work, Jerusha Leigh Lorenzo."

Kinagat ko iyong pang-ibabang labi ko. Ayokong sumagot sa kanya. Ayokong makipagsigawan. Kung sa ganitong paraan siya susuko, hahayaan ko siyang magsalita ng masakit sa akin. Tatanggapin ko lahat ngayon. Para lang matapos na.

"You wanna break up? Fine, I'm fucking done. Live a fucking good life," sabi niya bago naglakad palabas ng buhay ko. 

***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Continue Reading

You'll Also Like

204K 12K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
222K 6.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
1.2M 36.6K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...