LOVE WITHOUT BOUNDARIES

By maxinejiji

39M 1.6M 3.9M

Love Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions arou... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Aking Buwan (Love Without Boundaries Official Theme Song)
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66

CHAPTER 35

471K 22.6K 46.2K
By maxinejiji


CHAPTER 35

"WHERE HAVE you been?" sinalubong kami ni Rhumzell nang makabalik kami.

"None of your business," sagot ni Maxrill. "Hmm? Happy with my gift?" mayabang niyang sinulyapan ang kinaroroonan ng regalo niya saka nginisihan si Rhumzell.

"Yeah," binunggo ni Rhumzell ang balikat ni Maxrill Won saka muling ginulo ang buhok nito. "You rich ass kid! Thank you!" Nagyakap sila. Hindi mapangalanan ang saya na mababasa sa mukha ni Rhumzell.

"I can give you everything, you know that," ani Maxrill Won, nakaangat ang gilid ng labi. "Just leave my girl alone."

"Your girl?" kunot-noo akong sinulyapan ni Rhumzell. Hindi ko inaasahang kukunin niya ang braso ko at hihilahin ako sa kaniyang tabi. "Get your ATV and go home, then."Humalakhak siya sa huli. "I can buy my own."

Nagkatinginan kami ni Maxrill Won. Umangat ang labi niya at inilahad ang kamay sa 'kin habang ang isang kamay niya ay nakapamulsa. Umawang ang labi ko at biglang kinabahan nang eksatong lumapit sa 'min sina Bree, Ate Kim at Kuya Kev.

"Come here," anyaya ni Maxrill Won.

Nahawakan ko ang dibdib ko at alinlangang sumulyap kay Rhumzell. Bago pa ito nakapag-react ay lumapit na ako kay Maxrill.

Nagtaas ng tingin si Rhumzell at bumuntong-hininga. Magsasalita na sana siya nang kunin ni Ate Kim ang braso niya.

"Aren't you going to offer us a drink? We're too old for this kind of celebration, Rhumzell. Come on!" ani Ate Kim.

"Game," mayabang na ani Maxrill Won. Ang paningin niya ay nasa kausap pero ang kamay niya ay pumulupot na sa bewang ko.

Napunta ro'n ang aking paningin saka ako nagugulat na nag-angat ng tingin sa kaniya. Pero abala na siya sa pakikipag-usap kina Ate Kim at Kuya Kev, bagay na hindi ko na mapakinggan. Nawala ang lahat ng katinuan ko at napunta sa braso niyang nasa bewang ko.

Ano... Hindi ko alam kung ano iyong kiliti na hindi ko matagalan ang pakiramdam. Napapikit ako sa hiya at awtomatikong napalayo kay Maxrill Won! Nagugulat siyang nagbaba ng tingin sa 'kin at kahit nagtataka ay ibinalik ang atensyon sa mga kausap.

Pinagbigyan ni Rhumzell si Ate Kimeniah. Nagpahanda siya nang mahabang mesa na inokupa ng mga kakilala kong bisita. Pinili kong maupo sa pinakadulo, 'yong nasa sulok. Hindi ko kayang maupo sa harap nina Kuya Randall, Ate Dein at Ate Kimeniah.

Tuwang-tuwang naglabas sina Kuya Randall at Rhumzell ng iba't ibang inumin. Bawat lapag nila ng bote sa mesa ay napapalunok ako. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako kung akin sa mga 'yon ang ipaiinom sa 'kin.

"Yes! Yes!" sabi pa ni Maxrill Won na kinuha iyong itim na bote ng alak na para bang kaibigan niya 'yon.

Hindi ko naiwasang maalala 'yong sandaling nakita ko siya sa harap ng dagat. Napakaraming bote ng beer na nakapalibot sa kaniya at lahat 'yon ay nainom niya. Pero nang makausap ko siya, ni man lang nagbago ang katinuan niya. Gano'n na lang talaga siguro kalakas ang resistensya niya sa alak.

"Are you okay, Dainty?" ani Ate Dein nang siya naman ang maglapag ng iba't ibang karne at chips sa mesa. "Namumutla ka yata?"

Napalunok ako. "Ayos lang po, ate." Napabuntong-hininga na lang ako sa panibagong bote na inilapag niya.

"What's wrong?" ani Maxrill Won na inilapit ang silya niya sa 'kin at saka iniakbay ang braso sa sandalan ko. Inilapit niya ang mukha sa 'kin na para bang sa gano'ng paraan niya masisiguro ang lagay ko gayong makikita niya naman nang may distansya.

Ako na ang lumayo. "Ayos lang nga."

"You drinking?"

Umiling ako. "Hindi ako umiinom."

"Why not? You're not kid," natawa siya. "In fact, you're older than Bree but look at her." Inginuso niya ang kapatid ko.

Napabuntong-hininga lalo ako nang masulyapan si Bree pa mismo ang nagsasalin sa baso nina Kuya Kev, Kuya Randall at Ate Kimeniah.

"Yeah! This is what I'm waiting for!" itinaas ni Ate Kim ang baso niya at saka nilaghok ang lahat ng laman niyon.

Umawang ang mga labi ko. Wow...ang galing-galing ni Ate Kim!

"Dainty, drink!" anyaya ni Rhumzell saka inilapag ang napakaliit na baso na puno ng alak sa harap ko.

Lalong inilapit ni Maxrill Won ang sarili sa akin at tiningnan ako nang deretso. "Don't get drunk."

Nanlamig agad ang mga kamay kong nakapatong sa parehong hita ko. Parang clear brown ang kulay ng inumin. Nasa mesa pa lang 'yon ay naaamoy ko na. Hindi ko man nalalasahan ay sigurado ko nang hindi ko magugustuhan. Magkakasabay na uminom ang mga naro'n sa mesa, ako na lang ang hindi. Kaya naman nang hawakan ko ang maliit na clear glass, tumingin silang lahat sa akin.

"Go, Ate Dainty!" sulsol ni Bree.

"First time, huh?" baling ni Kuya Randall kay Kuya Kev.

Nakita kong magkibit-balikat si kuya. "Drinking is not her thing."

'Eto na... Kumukulo na agad ang tiyan ko, sa amoy pa lang niyon. Inilapit ko ang clear glass sa bibig ko at awtomatikong napapikit nang malanghap ang alak.

"What a lucky glass..." dinig kong bulong ni Maxrill at nang magmulat ako ay gano'n na lang kalapit ang mukha niya sa 'kin!

"Ano ka ba?" inis kong bulong.

"I can drink it for you," nakangiting alok niya.

Nagliwanag ang mukha ko. "Talaga?"

"Hmm," inosente siyang tumango, saka inilapit sa pandinig ko ang labi niya. "In exchange for a kiss."

"H-Ha?" nagugulat kong tugon.

"Deeper than earlier," dagdag bulong pa niya.

Deeper...? Paano 'yon? Umawang ang labi ko at pilit na in-imagine ang tinutukoy niya. Lutang ko siyang nilingon pero hindi ko na-imagine kung paano 'yon.

"I mean it," ngisi pa niya nang hindi ako makasagot. "And I want it."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Wanna practice?" natawa siya.

Sumama ang mukha ko. "Ang dami mong alam, Maxrill Won."

"Hmm." Bumuntong-hininga siya at hinintay akong inumin 'yon. "Just kidding. Go ahead and drink it."

"Hindi ba ako malalasing dito?"

Napailag siya saka bahagyang natawa. "Of course not. But in case, I'm here."

Lalong sumama ang mukha ko. Wala pa siyang naiinom pero para na siyang lasing kung makipag-usap sa 'kin. "Bakit ba nandito ka sa tabi ko? Hindi ko naman birthday." Inis kong sabi at wala sa sariling ininom ang laman ng maliit na clear glass.

Nanlaki ang mga mata ko nang ako man ay magulat matapos deretsong lunukin 'yon. Nahampas ko ang dibdib ko saka ako magkakasunod na naubo.

"Hey, hey, don't do that," inagaw ni Maxrill Won ang kamay ko. Saka niya inabot ang isang baso ng tubig sa 'kin. "I told you," natawa siya.

"Sandali nga," nagpunta si Kuya Randall sa harap namin.

Dahilan para bitiwan ako ni Maxrill Won. "You better speak in English, dude," aniyang dinuro pa si Kuya Randall.

"But I thought my brother is courting you, young lady?" nalilitong baling sa 'kin ni Kuya Randall.

"Kuya sa 'kin po okay lang na Tagalog," tugon ko.

Natulala sa 'kin si Kuya Randall. Napalingon naman sa 'kin si Maxrill Won, maging iba pang naro'n sa table. Saka sila sabay-sabay na natawa. Napanguso ako at nagbaba na lang ng tingin.

"What a cutie," ani Kuya Randall. "So? Kindly explain," tiningnan niya sina Rhumzell at Maxrill Won.

Nagulat ako nang akbayan muli ni Maxrill Won ang silya ko. "Not gonna explain anything," ngumiwi siya.

"You're testing my patience, Maxrill Won," asik ni Rhumzell.

"How about you date the insect?" nginuso ni Maxrill Won si Bree.

"'Wag mo ngang tawagin nang ganyan ang kapatid ko?" nainis na 'ko.

"She's mad," isinenyas ako ni Maxrill Won. "Bree, then," bulong niya sa 'kin.

"Masama ugali niyan, ate!" asik ni Bree Anabelle.

"Ganyan silang mga Del Valle," pang-aasar ni Kuya Randall.

"Ah-ah!" banta ni Maxrill Won. "You're judging the wrong family, dude," humalakhak siya. "Let's just drink."

"You're ruining the night," angil ni Rhumzell na humila ng upuan at naupo sa tabi ko. Pinaggitnaan nila ako ni Maxrill Won.

"Why don't you two sit there?" itinuro ni Maxrill Won ang dalawang silyang nasa harap naming pareho.

Nagkasamaan sila ng tingin ni Rhumzell habang si Bree naman ay awtomatikong sumunod. Walang nagawa si Rhumzell kung hindi tabihan ang kapatid ko.

Naabala na sa pag-uusap sina Ate Dein, Ate Kim, Kuya Kev at Kuya Randall. Kaming apat naman nina Bree, Rhumzell at Maxrill Won ang nagkumupulan sa iisang pwesto. Naroon man kami sa iisang mesa, may kani-kaniya kaming pinagkakaabalahang inumin.

"Your turn," ani Maxrill Won na sinalinan ang maliit na baso ni Bree.

Pinanood ko ang kapatid kong ngumiwi pero agad na dinampot ang baso. Pati ako ay napangiwi habang pinanood siyang laghukin ang lahat ng laman niyon. Nakapikit niyang kinuha ang baso ng juice at dumampot ng chips.

"Your parents are allowing you to drink?" baling ni Maxrill Won kay Bree.

"Hindi," ngiwi ng kapatid ko. "Pero dahil nandito sina kuya at ate, safe ako. Saka isa pa, sa inyo naman kami matutulog, hindi ba?"

"Alam mo?" hindi makapaniwalang tugon ko.

"Sinabi lang sa 'kin ni Maxrill, ate," tumawa si Bree.

"It's your fault that you're not reading text messages," baling sa 'kin ni Maxrill.

"Dahil naka-silent," muling dahilan ko.

"Anyway," nilingon ni Maxrill Won sina Bree at Rhumzell. "Are you two dating or what?"

"What?!" nagugulat na asik ni Rhumzell. "You who I want to date, spoiled brat!"

"Hmm," ngumiwi si Maxrill Won saka pinakatitigan si Rhumzell. Nang si Bree Anabelle na ang kaniyang tingnan ay napalingon din ako sa kapatid ko.

Aaminin kong nagulat ako. Gusto kong isipin na nagbibiro lang si Maxrill Won pero dahil seryoso siya, hindi ko napigilang mapaisip. Wala naman akong napapansin kina Rhumzell at Bree para mag-isip si Maxrill nang gano'n. Isa pa, alam naman niya na nanliligaw si Rhumzell sa akin. Ano'ng dahilan niya para magtanong ng ganito ngayon?

"You look good together, though," ani Maxrill Won.

"I don't get you," halatang naiinis na si Rhumzell pero nakatutuwa pa rin silang tingnan ni Maxrill Won. "Alam mong si Dainty ang nililigawan ko."

"But do you really like Dainty?" nakangising tugon ni Maxrill Won.

Gano'n na lang ang gulat ko nang mula sa ilalim ng mesa ay ipatong niya ang braso sa hita ko. Saka pilit na pinaghawak ang mga kamay namin. Hindi ko alam kung bakit kinilabutan ako sa gano'ng kilos niya. Pasimple ko siyang nilingon pero nanatili sa kausap ang paningin niya.

Palihim kong tiningnan ang kamay namin ni Maxrill Won. Napangiti ako nang makita kung gaano kalaki ang kamay niya. Nakagat ko ang ilalim kong labi nang mas humigpit ang hawak niya na para bang alam niyang nakatingin ako ro'n.

"Your shot, Dainty," ani Rhumzell dahilan para maagaw niya ang atensyon ko.

"Iinom ako ulit?" hindi makapaniwalang tugon ko.

"This is a drinking session, lady," bulong ni Maxrill Won saka kinuha ang maliit na baso para ilapit sa 'kin. Napabuntong-hininga ako.

Ipinatong niya ang kaniyang siko sa mesa saka tumitig sa 'kin, hinihintay akong mapanood na inumin iyon. Nilingon ko si Bree para sana humiling ng tulong, pero abala na siya sa pakikipag-usap kay Rhumzell. Nagtatawanan ang dalawa pero hanggang ngayon ay hindi ko makita ang dahilan para tanungin sila nang gano'n ni Maxrill Won kanina.

Humugot ako nang malalim na hininga saka dinampot ang baso. Pinilit kong agawin ang kamay ko kay Maxrill Won, para sana takpan ang ilong ko, pero hindi niya binitiwan 'yon.

Pumikit ako at gaano man ang kaba, nilaghok ko ang lahat ng laman ng maliit na baso. Inilahad na ni Maxrill Won ang baso ng juice sa 'kin nang magmulat ako. Matapos kong tanggapin 'yon ay saka niya ako sinubuan ng chips. Nagkamali ako nang isipin kong huli na 'yon. Pero simula pa lang 'yon dahil hindi tinantanan ng mga lalaking naroon ang bote ng alak hangga't hindi iyon nauubos.

"Bree..." wala na sa katinuang pagtawag ko.

"Yes, ate?" tumatawang tugon ng kapatid ko.

"Samahan mo 'ko, Bree," anyaya ko.

Itinaas ko ang kamay ko at lalanta-lantang sumenyas sa kaniyang lumapit. Pinagtawanan niya lalo ako saka pa lang tumayo. Pero awtomatiko siyang nawalan ng balanse, mabuti at nasalo siya ni Rhumzell, dahilan para bumalik siya sa pagkakaupo.

"What do you want?" tanong ni Maxrill Won.

Nalukot ang mukha ko at nag-iwas ng tingin. Titiisin ko na lang. "Wala."

"Restroom?" alam niya agad ang kailangan ko, nagugulat ko siyang nilingon.

"Ayos lang ako."

"I'll help you." Tumayo na siya.

"Kaya ko," inagaw ko ang kamay ko.

"We'll go home," bigla ay anunsyo ni Maxrill Won. Nagugulat namin siyang nilingon nina Bree at Kuya Kev, na noon ay parang parehong tutol sa kaniyang desisyon. "Well, you can stay if you want to. Randall will drive you to our home."

"Okay ka lang, Dainty?" ani Kuya Kev na awtomatikong lumapit.

"Ayaw ko na niyan, kuya," itinuro ko ang bote ng alak.

Sumenyas si kuya sa dalawang lalaking kasama ko. Sa ganoong paraan niya sinabing huwag na akong bigyan pa.

"She can rest upstairs," suhestiyon ni Rhumzell.

"You mean we?" may riing ani Maxrill Won.

"Kasama ka ba?" humalakhak si Rhumzell.

"Ayos lang sabi ako, huwag na," nakasimangot kong sabi. Banyo lang naman ang gusto kong puntahan, ano ba'ng sinasabi nila. "Sandali lang, babalik ako,"nagmamadali kong paalam saka naglakad papalayo.

Pinigilan kong mahilo, mabuti na lang at natural sa 'kin ang mabagal na paglalakad. Dahil din sa paa ko, hindi na bago sa 'kin 'yong tila mawawalan parati ng balanse. Pero kung dati ay nahihirapan akong maglakad dahil sa sitwasyon ng paa ko, lalo na ngayon.

Wala pa ako sa gitna ng garden, malayo pa sa main door ng bahay, nang muli akong bumalik. Nagugulat silang nag-angat ng tingin sa akin.

"Rhumzell, saan ba sa 'baba 'yong restroom?"kapagkuwa'y tanong ko.

Awtomatikong tumayo si Rhumzell. "I'll join you,"aniyang inalalayan ako.

Wala sa sarili kong nilingon si Maxrill Won. Gano'n na lang ang kaba ko nang makitang nawala ang lahat ng emosyon sa mukha niya habang nakatingin sa 'min ni Rhumzell. Ang parehong kamay niya ay nakapatong sa sandalan ng silyang naro'n sa magkabilang tagiliran niya habang ang paa ay nakapandekwatro. Posturang pang-spoiled brat talaga.

"Ano..." napalunok ako nang makitang hindi man lang nagbago ang masamang itsura ni Maxrill Won. "Si M-Maxrill Won na lang magsasama sa 'kin, Rhumzell." Napayuko at napapikit matapos sabihin 'yon.

Nag-angat lang ako ng tingin nang awtomatikong tumayo si Maxrill Won at lumapit sa 'kin. Si Rhumzell naman ang sumama ang mukha, sumama rin ang tingin kay Maxrill Won.

"What? She forced me!" asik ni Maxrill, umawang ang labi ko.

Forced? "Hindi naman," naiinis kong tugon. Pero lalo akong nainis nang ako mismo ay naramdaman ang lambot ng boses ko gayong naiinis na ako.

"Tsk, let's go," inis kunyaring ani Maxrill Won.

Kinuha niya ang kamay ko at isinabit sa kaniyang braso gayong hindi ko naman kailangan 'yon. Wala na akong nagawa nang akayin niya ako, hindi ko na nakita pa ang reaksyon si Rhumzell.

"Hindi naman kita pinilit na samahan ako,"nakanguso kong sabi habang naglalakad kami, pinipigilan ang hilo.

"Yeah, but you wanted me to join you, right?"

"Kasi...masama ang tingin mo."

"Of course not."

"Totoo naman," nakangusong tugon ko, nadinig ko siyang tumawa.

Nagtuloy-tuloy kami sa loob. Kung sino-sino ang kumaway at bumati sa kaniya pero tiningnan niya lang ang mga ito na para bang wala siyang nakikita.

"Tita Dayzelle, we're gonna use your restroom again," paalam ni Maxrill Won.

"Go ahead, hijo," ani Tiya Dayzelle na nginitian pa ako. "I hope you're enjoying, hija."

Naliliyo akong ngumiti. "Opo, tiya. Salamat po."

"Tiya? Did she just call you Tiya? Why did she call you Tiya?" anang anak ni Kuya Randall na si RD.

"It's the same with tita, RD. You should rest, kiddo,"ani Tiya Dayzelle. Hindi ko napigilang mapahiya, doon kasi ako nasanay. "Don't mind him, hija."

"Uncle Maxrill!" baling sa 'min ni RD. "Why are you with Uncle Rhum's girlfriend-to-be?"

"What did you just call me, brat?" asik ni Maxrill.

"Uncle Maxrill," seryosong inulit ng bata ang pagtawag, natawa ako.

"Uncle Maxrill," hindi ko napigilang asarin siya. "Uncle Maxrill," inulit ko pa.

Naiinis akong nilingon ni Maxrill Won. "Happy?" inis niyang tugon. "Girlfriend-to-be, huh?" asik niya, natigilan ako. Inis niyang binalingan ang bata. "'Oy, brat!"

"Nakikipag-away ka pa sa bata?" pang-aasar ko. Tinakpan ko ang bibig ko bago pa ako matawa nang malakas.

"I'm just gonna tell him not to call me...u-uncle!"halatang nainis talaga si Maxrill Won.

"Un...cle Maxrill," inulit ni RD ang pagtawag, may diin, seryoso ang mukha at halatang nang-aasar.

Mas diniinan ko ang pagtatakip sa bibig ko para pigilan ang matawa nang malakas. Lalo na nang magpaulit-ulit sa pandinig ko ang boses at pagtawan ni RD. Maging si Tiya Dayzelle ay tawa na rin nang tawa.

"Let's go, tsk," inis akong hinila papalayo ni Maxrill Won, ngunit muling nilingon si RD na noon ay mayabang nang nakangisi sa kaniya. "You spoiled freaking brat!"

Talagang handang-handa siyang patulan ito. Kung hindi marahil ako kasama ni Maxrill Won ay talagang makikipag-away siya kay RD.

"Ang tanda mo na, nakikipag-away ka pa sa bata,"natatawa ko pa ring sabi.

Hindi ko inaasahang gano'n kahaba ang hallway at nasa dulo rin niyon ang restroom. Kahanga-hanga ang bahay ng mga Echavez at Del Valle, pulos mga en grande. Mansion.

"I'm not coming with you," nagmamaktol na ani Maxrill Won.

Pinagbuksan niya lang ako ng pinto ng restroom at inalalayan papasok. Natatawa akong tumuloy at pinagsarhan siya.

Hindi ko napigilang humanga kung gaano kagara ang restroom. Kakatwang naisip ko na pwede nang maging tulugang kwarto 'yon dahil sa laki at dami ng mga disenyo. Dahil sa ginawa namin ni Maxrill Won sa restroom sa 'taas, hindi ko 'yon nagawang pagmasdan gaya ng nagagawa ko ngayon dito.

Mahaba ang sink na may apat na sensor faucet at pahaba ring salamin. May halaman sa magkabilang dulo ng mahabang lababo at tatlo na mabababang ilaw sa ibabaw. Naroon din ang iba't iba at nakahilerang scent ng liquid hand soap, sanitizer, alcohol at lotion. May toilet bowl na para sa babae at dalawa ang sa lalaki. May kani-kaniyang bidet rin ang mga 'yon. Kaliwa't kanan ang tissue holders, naglalaking flower vases at may dalawang hand drier machine. Maging ang mga trash can, magaganda ang disenyo at akma sa kulay ng restroom.

Napabuntong-hininga ako at hindi napigilang mangarap. Kontento na ako sa bahay namin. Dahil kompara sa nauna naming tinitirhan na halos kubo pa, napakaganda at malaki na niyon. Pero ang lahat ng sulok ng mansyong ito ay binubuhay ang kagustuhan kong magsikap at magkaroon ng sariling akin.

"What took you so long?" nainip sa paghihintay si Maxrill Won. "You done?"

"Oo, salamat." Pakiramdam ko ay humulas ang lahat ng hilo at ininom ko. Hindi mawala ang kung ano-anong pangarap sa isip ko. Na nang sandaling 'yon mismo, ang makapagtapos sa pag-aaral ang iniisip ko.

Doon ko lang din naigala ang paningin sa hallway hanggang sa loob ng mansyon. Lahat ng parte niyon ay humihiyaw sa karangyaan.

"We're going home," desisyon ni Maxrill Won nang makabalik kami sa mga kasama. "Dainty wants to rest."

Nagugulat ko siyang nilingon. Gusto kong magprotesta pero naagaw nina Rhumzell at Bree ang paningin ko. Nakaakbay si Rhumzell sa sandalan ng silya niya at mukhang parehong natatawa sa bagay na sila lang ang nagkakaintindihan. Pakiramdam ko tuloy ay alam ko na kung bakit nagtanong nang gano'n si Maxrill Won sa kanila.

Nang lingunin ko naman si Kuya Kev, malayo sa kislap na naroon sa mga mata ni Bree ang kaniyang itsura. Halatang balewala kay Ate Kimeniah ang kaniyang presensya. Hindi man nito intensyong balewalain siya. Sa madaling salita ay magkaiba ang tingin nila sa isa't isa.

Kinatok ni Maxrill Won ang mesa nang walang pumansin sa kaniya. "We are going home! My son is waiting for me!" inis niyang sabi.

Si Kuya Randall ang pumansin sa 'min. "Sure, sure!"pero kinawayan niya lang kami.

Noon lang tumawa si Rhumzell na hanggang ngayon ay hindi nakaka-move on mula sa pagtawa. "Are you sure?"tanong niya, patunay na payag siyang isama ako ni Maxrill Won. "You can stay here if you want."

"Hee Yong can't sleep alone." Nag-aalala na ang tinig ni Maxrill Won.

"Dude, I'm talking to Dainty. Ikaw, you can go,"natatawang pang-aasar ni Rhumzell.

Ngumisi si Maxrill Won. "She wants to be with me, eh, nyeh-nyeh!" Hindi ko akalaing aasarin niya nang ganoon si Rhumzell na ginantihan din naman ng isa!

Sa halip na pansinin sila ay lumapit ako kay Kuya Kev at nagpaalam na mauuna na, gano'n na rin kay Bree. Saka ako lumapit kina Ate Kimeniah at Ate Dein, nahihiya ring nagpasalamat at nagpaalam.

Nang balikan ko sina Maxrill Won at Rhumzell ay pareho nilang inaabot ang ulo ng isa't isa, akmang magbabatukan. Para lalong mang-asar ay dumampot ng bote si Maxrill Won at dere-deretsong nilaghok ang lahat ng laman niyon. Gamit lang ang isang kamay, nagagawa niyang ilayo si Rhumzell sa kaniya nang walang kahirap-hirap. Sa huli ay nanalo si Maxrill na mabilis kung umilag.

Mga isip-bata... Lumabi ako. "Halika na nga, Maxrill Won," inis na anyaya ko.

Pero sa halip na sumunod ay nagmamalaki siyang nag-angat ng noo gayong mas matangkad naman siya kay Rhumzell.

"You heard that?" mayabang pang ani Maxrill Won.

"What? Niyaya ka lang, eh," mayabang ding tugon ni Rhumzell.

"You enjoying Bree's company, huh?" pang-aasar ni Maxrill Won.

Inosenteng nangiti si Rhumzell. "Yeah, so, what?"

Humalakhak si Maxrill Won. "We'll go ahead, then."

"Freak!" nagyakap ang dalawa. "Ihahatid ko na lang sila sa bahay ninyo."

"I can ask someone to pick them up, don't tire yourself."

"It's okay."

Natawa na naman si Maxrill Won. "If you insist."Tinapik niya sa balikat ang kaibigan. "Happy birthday."

"Thanks for the gift, Maxrill, Dainty."

"You're welcome, Rhumzell," nakangiting tugon ko. "Masaya ako na nagustuhan mo."

"'Yon ang pinakagusto ko sa lahat ng cake na na-receive ko tonight. Thanks, Dainty."

"Hmm," bumuntong-hininga si Maxrill Won. "Whatever, let's go." Kinuha niya ang kamay ko at kinawayan si Rhumzell. "Enjoy."

Kumaway lang din ako kay Rhumzell. Sinamahan ako ni Maxrill Won na magpaalam sa lahat bago kami tuluyang umalis.

Sa sasakyan ay hindi ko mapigilang mangiti habang iniisip ang sitwasyon. Para akong naguluhang bigla pero aaminin kong merong tinik sa 'kin ang biglang nawala. Mahirap ipaliwanag.

May kakaiba nga kina Bree at Rhumzell, at aaminin kong ngayon ko lang napansin 'yon. Ang totoo nga, hindi ko alam kung ano ang gagawin kung sakaling makasama ko sila nang sabay. Pero sa sitwasyon kanina, ni hindi man lang yata sila nagkairingan. Maayos ang relasyon nila at hindi man lang maramdamang naiinis sa isa't isa. Ang totoo pa nga, nag-aasaran sila gaya sa asaran ng ibang magkakaibigan.

"I like your dress," hindi ko inaasahang sasabihin ni Maxrill Won habang nasa daan kami.

Gano'n na lang kabilis nag-init ang mga pisngi ko. Muli kong naalala kung gaano kaikli iyon. Maging ang mga balat kong nakalantad ay ngayon ko lang naalala.

"Salamat," nahihiya kong tugon, nag-iwas ng tingin.

"And you look confident."

Nagugulat ko siyang nilingon, lalong nag-init ang pisngi ko. "Salamat."

Panay ang lunok ko at palihim na ngumiti nang mag-iwas ng tingin. Sa dami ng pumuri sa 'kin, 'yong sa kaniya ang nahihiya man, gusto kong tanggapin.

"My family's in Palawan right now," ani Maxrill Won nang makarating kami sa kanilang mansion. "But our helpers are all here."

Inalalayan ako papasok ni Maxrill Won at saka kami dumeretso papasok sa loob. Malaki at maganda rin namana ng mansyon nina Rhumzell, pero masasabi kong mas maganda ang mansyon ng mga Moon. Sa labas pa lang, humahanga na ako. Malalayo ang kanilang kapitbahay. Halos palibutan ng mga itim na sasakyan ang kanilang mansyon. Kapag naman pumasok sa loob ay malaking garden at malawak na patio ang sumasalubong. Iyon nga lang, makaluma ang disenyo ng kanilang bahay, hindi gaya ng sa mga Enrile at Echavez na moderno.

Hindi ko napigilang humanga nang kusang bumukas ang ilaw, hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa malaki at dalawahang pintuan.

"Tatanggalin ko lang ang sapatos ko," sabi ko nang pagbuksan niya na ako.

"I'll do it," aniya nang makitang mahihirapan ako.

Sa bahay kasi namin, may upuan sa pinto mismo. Doon ako nauupo sa t'wing huhubarin ang sapatos ko. Hindi ko man kailangang maupo lagi, sa uri ng sandalyas na pinahiram sa 'kin ni Bree, kailangan ko ngayon.

"You're wearing high heels," namangha talaga siya saka umayos ng tayo matapos akong tulungan.

"Oo. Hindi naman ito 'yong heels na hindi pwede sa paa ko," ngiti ko.

Tumango-tango siya. "You look good."

"Salamat."

Kinuha niya ang kamay ko saka kami tuluyang pumasok. "Hee Yong!" pagtawag niya. Wala pang isang iglap ay 'ayun na ang aso niya at nagmamadaling tumakbo papalapit.

"Napakalaki ni Hee Yong," namamangha ko na namang sabi. Ilang beses ko na itong nakita, hanggang ngayon, nagugulat ako sa laki niyang aso.

"Good boy," ani Maxrill na niyakap ang kaniyang alaga. "Dainty's gonna join us tonight."

"Hello, Hee Yong," kinawayan ko ito at nginitian habang ito naman ay nakalawit ang dila habang hinihingal.

"Do you want to eat anything?" ani Maxrill Won. "Come," iminuwestra niya ang patungo sa kitchen. Pinaupo niya ako sa high chair saka nagbukas ng ref at nagtingin. "We have..." Napalingon ako sa gawi niya. "Pizza, pasta, sweets, whatevers...choose whatever you want."

Iniwan niyang bukas ang apat na pinto ng ref at gano'n na lang ang gulat ko nang makita kung gaano karami ang pagkain doon.

"Ayos lang ako, busog ako. Tubig na lang,"napapakamot sa noo kong sabi. "Salamat."

Kinuha niya ako ng inumin. Iginala ko naman ang paningin ko sa paligid. 'Ayun na naman ang paghanga ko. Pero malayo 'yon sa naramdaman ko kanina, mas matindi ang paghanga ko sa mansyong ito. Gayong hindi na ito ang unang beses kong makatungtong dito.

"Here," tinig ni Maxrill Won.

Pero gano'n na lang ang gulat ko nang halos madunggol ko ang mukha niya pagkalingon. Ngumiti siya nang makita ang gulat ko. Sino'ng hindi magugulat? Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya. Nakapatong sa mataas at mahabang mesa ang siko niya at nakayuko sa akin.

Napalitan na naman ng hiya ang gulat nang gano'n kalapit niya akong pinanood na ubusin ang tubig na binigay niya.

"I like your smell, too," aniyang kinuha ang baso at inilapag sa mahabang mesa sa tabi namin, nang hindi inaalis ang paningin sa 'kin. "And I like you."

"Amoy alak ka, Maxrill Won." Nakanguso kong sabi.

"Do I smell bad?" tanong niya na bumaba ang paningin sa labi ko.

Napalunok ako at nagbaba rin ng tingin sa labi niya saka umiling. "No."

Umangat ang gilid ng labi niya, hindi inaalis ang paningin sa 'kin. "How do I smell, then?"

Muli akong napalunok ngunit hindi nakasagot. Nalalanghap ko ang alak mula sa bibig niya. Humahalo 'yon sa perfume na gamit niya at hindi ko maipaliwanag ang amoy. Ang tanging alam ko ay gustong-gusto ko ang amoy niya. Na kahit humahalo 'yon sa alak, lalo ko pang nagustuhan.

"Hmm?" ungot niya nang hindi ako makasagot.

Ikaw ang pinakamabangong tao...na kilala ko.

Pinalobo ko ang bibig ko at kunot-noong pumikit. Narinig ko ang halakhak niya dahilan para magmulat ako at masalubong muli ang tingin niya.

"I'm going to kiss you," pabulong niyang sinabi.

Umawang sa gulat ang labi ko at natulala sa paglapit niya. Napapikit ako nang tuluyang magdaop ang labi naming dalawa. Naramdaman ko siyang umayos ng tayo, muling sipo ang mukha ko gamit ang malalaking kamay niya. Saka niya itinangala ang aking mukha sa paraang komportable siya.

Hindi ko maiwasang isipin na kaya doon niya ako iniupo dahil aakma ang silyang iyon sa height niya. Walang kahirap-hirap niyang inangkin ang mga labi ko at banayad na hinalikan.

Napahawak ako sa coat niya, halos malukot ko 'yon nang maramdaman ang paglalim ng halik niya. Hindi halos ako huminga para pagbigyan siya. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa panibagong paraan ng paghalik niya. Sobrang bagal ngunit makapigil-hininga. Napakahusay niya.

Pareho naming habol ang hininga nang tuluyan niyang bitiwan ang labi ko. Hindi ko maipaliwanag ang magkakasunod na pananayo ng mga balahibo ko, sa magkabilang braso, sa batok, sa likod, hanggang sa mga binti ko.

Napatitig ako kay Maxrill Won at mababasa ang kagustuhang umulit sa mukha niya. Lumingon ako sa paligid at biglang namula.

"Baka may makakita sa 'tin dito," mahina kong sinabi.

Ngumiti siya at umiling. "They're outside." Kinuha niya ang kamay ko. "I'll take you to my room."

Awtomatiko kong binawi ang kamay ko, nagulat siya. "B-Bakit?"

Nangunot ang noo niya. "I'm just gonna show you my room, tsh!" asik niya saka muling akong inalalayan pababa.

'Ayun na naman ang mga paghanga ko, na kahit hagdan, pinuri ko. Hindi gaya sa mansyon nina Rhumzell, mas marami ang gamit ng mga Moon. Pero kahit gano'n, hindi mukhang magulo, hindi mukhang puno.

"This is my room." Ipinagbukas ako ng pinto ni Maxrill Won.

Literal na umawang ang labi ko nang makita kung gaano kaganda ang kwarto niya. Hindi lang triple ng kwarto namin ni Bree ang sukat niyon, higit pa. Para iyong isang buong bahay, kulang na lang ay kusina.

Malaki ang mababang kama niya. Para iyong may sariling entablado na gawa sa maputing kahoy. Pero ang kahanga-hanga ay ang ilalim niyon, kulay asul na ilaw. Sa harap ng kama at nasa apat o limang dipang layo, ay napakalaking TV. Maliit lang yata nang kaunti sa sinehan. May tatlong matataas na kabinete ro'n na nakaagaw rin ng pansin ko. Ang una ay puno ng shades, ang katabi naman ay pulos relos, ang kasunod pa ay pulos na pabango. May sariling ilaw sa loob ang kabineteng 'yon para makita lahat ng laman.

Lalo pa akong humanga sa walk-in closet niya. Walang pinto ang mga kabinete dahilan para makita ko ang hilera ng siguradong mamahaling damit niya. Magkakasama ang magkakakulay at maayos ang pagkakasalansan.

Ang hindi ko napigilang pansinin ay 'yong maliit na ref, iyon ang naiiba sa lahat ng nakita ko sapagkat kulay itim ''yon.

Maging ang banyo sa loob ng kwarto ay napakaganda. May malaki at kulay gray na bath tub sa gitna. Hindi normal ang hugis niyon, sa halip kasing pahaba, pabilog iyon at malaki. Gray rin ang tiles at may sariling shower room sa loob.

Ganito ang bahay ng mayayaman...

"Ang ganda ng kwarto mo, Maxrill Won," nakangiti kong sabi.

Umangat ang magkabilang balikat ko nang yakapin niya ako mula sa likuran nang hindi ko inaasahan.

"They don't attract me anymore," ibinulong niya sa pandinig ko, napapikit ako sa kiliting idinulot no'n. "Beauty to me is...someone with dainty nose, soothing voice, syrup-sweet lips..." Dinampian niya ng halik ang leeg ko dahilan para mapalunok ako. "I heard that," bulong niya, tinutukoy ang paglunok ko.

Muli niyang dinampian ng labi ang leeg ko dahilan para masundan ang paglunok ko. Sinundan niya iyon ng panibagong halik hanggang sa maghalo ang kaba at kiliti ko. Bumaba ang halik na 'yon hanggang sa likurang balikat ko, napalingon ako, nakaawang ang labi at naghahabol ng hininga gayong naramdaman ko lang naman siya.

Nagtama ang paningin namin at bago pa ako nakapagsalita ay hinalikan niya na uli ako. Halik na gaya kanina ay nagsimulang mabagal at napakatamis hanggang sa makapigil-hiningang lalim.

Kinuha niya ang parehong kamay ko at isinabit sa kaniyang batok. Nakatalikod man ako ay hindi ko maramdamang nahihirapan siya sa ganoong sitwasyon. Niyakap niya ng isang braso ang bewang ko, habang ang isang kamay niya ay nakasuporta sa mukha ko.

Marahan niya akong iniharap sa kaniya nang hindi pinaghihiwalay ang labi namin sa isa't isa. Nang magtagumpay ay saka niya ako binuhay nang walang kahirap-hirap. Hindi man lang ako binigyan ng tyansang magulat, talagang hindi niya pinakawalan ang labi ko.

Gano'n na lang ang pagkabog sa kaba ang dibdib ko nang maramdaman ko siyang maupo sa kama at hayaan akong nakaupo sa kaniya.

Ramdam ko ang hiya, 'yon ang dahilan kaya may parte sa isip kong itinutulak akong huminto. Kahit anong bagal at lalim ng halik niya, alam kong kaya ko 'yong pigilan, kaya ko siyang layuan. Pero natatalo ng presensya at pakiramdam na dulot niya, maging ng husay ng mga labi niya ang katinuan kong gawin 'yon. Sa halip ay gumaganti ako na siyang dahilan para mas lumalim ang halik niya at magpatuloy.

Ngunit hindi ko inaasahang hihinto siya bigla. Sabay kaming naghabol ng hininga nang hawang niya ako sa magkabilang bewang at tumingin sa pagitan naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko at namula.

"Dainty..." pabulong niyang tawag.

Nagugulat kong sinalubong ang tingin niya. "Maxrill...?"

"You're..." lumunok siya na gaya niya, narinig ko.

"H-Ha?"

Muli siyang nagbaba ng tingin sa pagitan namin at natatawa akong niyakap. "You're wet," bulong niya at saka hinigpitan ang yakap sa 'kin.

Sandali akong natulala sa kung saan, iniisip ang ibig niyang sabihin. Pero gano'n na lang ang pag-iinit ng buong katawan at mukha ko nang maisip ang kahulugan niyon. Pilit kong isiniksik ang mukha ko sa balikat niya sa kahihiyan! Nang pilit niya akong iharap ay nagmamatigas kong ibinaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko siyang tumawa, kahit walang tunog 'yon, dama ko ang pagpipigil niya.

Nakakahiya... Sa isip ay nagsimula na akong umiyak.

Nang matagumpay niyang kalasin ang pagkakadikit ko ay awtomatiko kong natakpan ang mukha ko. Hindi ako makakilos, ni hindi ko magawang umalis sa pagkakaupo sa kandungan niya.

"It's okay," aniyang inaalis ang pagkakatakip ng mukha ko.

"Ayoko na," maiiyak na talagang sabi ko.

Dahilan para matawa na naman siya. "Look at me," pilit niya na namang inaalis ang kamay ko.

"Ayaw ko."

"Dainty?"

"Ayaw ko." Umiling ako nang umiling sa gano'ng sitwasyon.

"I want to tell you something," bulong niya, kinukumbinsi ako. Pero mas idiniin ko ang pagtatakip sa mukha ko at muling umiling. "Dainty...please."

Nang sumeryoso ang tinig niya ay hinayaan ko siyang alisin ang pagkakatakip ng mukha ko pero hindi ko nagawang salubungin ang tingin niya.

Hinawakan niya ang parehong pisngi ko saka pilit na pinagtama ang aming mga mata. Nangilid ang luha ko sa kahihiyan.

"I think I'm in love with you," bulong niya, hindi ko inaasahan. Kakaibang kilabot ang dinulot sa 'king katawan. Niyakap niya ako nang mahigpit, habang ako ay naiwang tulala. "And I can't stop my feelings anymore," bulong niya sa mismong pandinig ko, hindi pa rin ako makapaniwala. "Please wait for me, hmm?"

Sandali pa akong natulala sa kung saan saka wala sa sariling napangiti. Magkakasunod akong tumango at gumanti ng yakap sa kaniya.

Gusto rin kita, Maxrill Won...

To be continued. . .

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...