Wreck The Game (COMPLETED)

By beeyotch

11.5M 471K 278K

(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karap... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Part 4
Epilogue - Part 5
Epilogue - Part 6
Epilogue - Part 7
Epilogue - Part 8

Chapter 28

132K 6.7K 3.3K
By beeyotch

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG28 Chapter 28

Sobrang ingay.

Sobrang saya.

Sila.

Pero ako? Para akong mamamatay sa sobrang kaba.

Naka-tayo ako mula sa malayo. Tini-tignan ko iyong bawat mukha nung mga lumalabas mula sa gate. Ang saya nilang tignan kasi alam mo 'yun? Ang hirap ng inaaral namin... tapos finally, tapos ka na sa BAR exam. Naka-graduate ka na. NakapagBAR ka na. Ang susunod na lang ay pagiging abogado mismo.

Ang saya sana.

Kaso sobrang kinakabahan ako dahil ngayon iyong araw na mag-uusap kami ni Nikolai. Hindi na ako sumubok na dalawin ulit siya nitong naka-raang tatlong linggo dahil nakita ko kung gaano siya na-apektuhan nung huli naming pag-uusap. Bahala na kung magalit siya sa akin. Basta gusto ko na nasa BAR lang iyong atensyon niya. Gusto ko lang naman na maging abogado siya. Hindi man niya pangarap, pero nakita ko kung paano niya nilaban 'yun... Kaya gagawin ko rin lahat para ilaban 'yon.

"Congrats," sabi ko nang makita ko si Sancho. Nauna pala siyang lumabas. Hindi pa kaya tapos si Nikolai na mag-exam?

"Salamat," sagot ni Sancho. "Si Niko?"

Tumango ako. "Nakita mo ba?"

Umiling siya. "Baka palabas pa lang."

Tipid akong ngumiti. "Sige, hintayin ko na lang."

Tumango lang sa akin si Sancho. Hindi ko rin naman alam kung alam nila iyong nangyayari sa aming dalawa ni Nikolai. 'Di naman ako nagsasabi sa kanila. Kasi paano kung magsabi ako tapos biglang malaman ni Nikolai na mas nauna pa nilang malaman kaysa sa kanya? Ayoko lang na isipin niya na pinagkaisahan siya. Saka kung magagalit man siya sa akin, gusto ko na nandyan pa rin iyong mga kaibigan niya para sa kanya.

Halos palubog na iyong araw nang makita ko si Nikolai. Bahagyang naka-kunot iyong noo niya nang makita ko siyang naglalakad. Ni hindi siya maka-ngiti doon sa mga taong buma-bati sa kanya. Naalala kaya niya? Na ngayon kami mag-uusap? Na ngayon ko sasabihin sa kanya iyong problema ko?

Tatlong linggo lang naman akong 'di nagparamdam.

'Di naman ako ganoon kabilis maka-limutan siguro.

Sinundan ng mga mata ko iyong bawat galaw niya.

Diretso siyang naglakad hanggang sa maka-layo siya sa mga tao. Nakita ko iyong paghinto niya. Iyong pagpikit ng mga mata niya. Iyong pagsuklay ng mga daliri niya sa buhok niya. Iyong pagdilat niya at pagtingin sa paligid na para bang may hina-hanap... hanggang sa magtama iyong mga mata namin.

Halos hatakin ko iyong sarili ko para maglakad palapit sa kanya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papa-lapit ako. Kina-kabahan ako. Natatakot. Kasi baka pagkatapos nito... wala na.

Gusto kong maniwala sa sinabi ni Nikolai na hindi niya ako iiwanan kahit ano iyong nagawa ko... pero sinabi niya 'yun nung hindi pa niya alam iyong sa amin ng Tatay niya... Hindi ako magagalit sa kanya kung hindi niya tutuparin iyong pangako niya. Maiintindihan ko. Pilit kong iintindihin.

Kasi mahal ko rin naman siya.

Kahit hindi ko masabi.

Sana alam niya.

Sana ramdam niya.

"Congrats," sabi ko sabay abot ng bulaklak sa kanya. Hindi ko alam kung may paborito ba siyang bulaklak... 'Di ko naman matanong. 'Di rin naman ako makapagtanong kasi baka bigla nilang tanungin kung bakit hindi ako mismo ang magtanong.

"Thanks," tipid niyang sagot.

"Pwede na ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya kaya lang ay tumingin siya sa cellphone niya.

"I need to be somewhere," sabi niya.

"Ah... okay. Text mo na lang ako kapag free ka."

"You can come with me," sabi niya.

"Sigurado ka?"

Tipid siyang tumango. "We can talk after," sabi niya bago nagsimulang maglakad palayo. Huminga ako nang malalim. Okay lang. Deserve ko naman 'to. Ilang buwan akong pinagtyagaan ni Nikolai kahit halos hindi ko siya kibuin. Kahit alam ko na halos mabaliw siya sa kaka-isip kung ano ba ang nagawa niya kaya nagkaka-ganoon ako.

"Iba na sasakyan mo?" tanong ko nang buksan niya iyong sasakyan na hindi Jeep.

"Yeah," simpleng sagot niya.

"Bakit iba na?" tanong ko para lang hindi masyadong tahimik.

"The other one reminds me of you."

Agad na napa-awang iyong labi ko sa mga salitang sinabi niya. Mabilis lang. Parang wala lang sa kanya. Ganito ba talaga siya magalit? Kung hindi tahimik, sobrang sakit magsalita na parang wala lang sa kanya. Casual lang.

Akala ko ay ma-e-estatwa ako sa kinatatayuan ko kung hindi sa malakas na pagsara niya nung pinto. Agad akong sumakay sa loob. Huminga nang malalim nang makita ko iyong bulaklak na parang hinagis lang sa likuran.

Okay lang.

Deserve ko naman.

Buti nga ito lang... hindi kagaya nung sa dati kong boyfriend na sinisigawan ako at sinasabihan ng kung anu-ano.

Naka-tingin lang ako sa daan habang nagda-drive siya. Ayoko na dito kami mag-usap dahil baka mabangga pa kami. Mas mabuti siguro na sa condo niya o sa hotel niya. Basta kung saan man siya naka-tira ngayon. Para kapag papa-layasin niya ako, aalis na lang ako. Para ngang gago, e. Naka-empake na iyong gamit ko. Kasi kung hihiwalayan ako ni Nikolai pagkatapos nito, ang kapal naman ng mukha ko kung sa SCA pa rin ako mag-aaral. Lilipat na lang ako sa probinsya. Doon na lang ako mag-aaral. Doon sa probinsya na walang Jollibee sana dahil baka mabaliw ako tuwing makikita ko iyong lecheng mascot na 'yun.

Huminto kami sa isang hotel. 'Di na ako nagtanong at sumunod na lang. Tahimik lang siyang naglalakad hanggang sa pumasok siya sa isang pinto. Ni hindi siya nagulat nang makita namin na surprise party pala iyon para sa kanya.

Shit.

Nandito iyong pamilya niya.

Unti-unti akong napa-atras pero bago pa man ako maka-layo ay tumingin sa akin si Nikolai. Hindi siya nagsalita... pero sa pagtingin niya pa lang sa akin ay para bang sinasabi niya na kapag umalis ako ngayon, wala na akong babalikan...

Kaya parang tanga akong nanatili doon.

Tangina.

"Finally!" sabi ng Mama ni Nikolai habang niyakap siya. "All your effort paid off."

Naka-tingin ako kay Nick na naka-tingin lang sa asawa niya. Tangina. Parang hindi niya sinira iyong buhay ko, ah. Parang hindi niya pina-salo sa akin lahat.

"Congrats, son," sabi ni Nick.

"Thanks," sagot ni Nikolai.

"Jersey," sabi ng Mama niya. "I kept on telling Nikolai to bring you home," naka-ngiting sabi niya sa akin. Halos dumugo na iyong labi ko sa pagkaka-kagat ko roon. Bakit ang bait niya? Parang lalo lang sinu-sunog iyong kaluluwa ko sa impyerno sa sobrang bait niya.

"I told you, she's busy studying," sagot ni Nikolai.

"I'm sure she's fine. Niko told me that you're very smart," sabi ng Mama niya. Napa-tingin ako kay Nikolai, pero nag-iwas siya ng tingin. Umabot lang siya ng inumin doon sa dumaan na babae.

"We have to leave," sabi ni Nikolai.

"But it's your party!"

"Yeah... no. I don't even know anyone here," sagot ni Nikolai. "But thanks for—"

Agad kaming napa-tingin sa harap nang biglang namatay lahat nung ilaw. May naka-flash sa puting pader na gradpic ni Nikolai. Ngiting-ngiti siya roon. Naalala ko pa iyong araw na 'yon. Sumama ako sa kanya para magpa-kuha nung gradpic. Meron pa nga na kasama ako sa picture mismo at sa akin naka-suot iyong toga niya.

Tapos ay may lumabas na mga salita.

Congrats on the BAR, Nikolai!

Sabay na nagpalakpakan iyong mga tao.

This one's on me!

Agad na kumunot ang noo ko nang magkaroon ng litrato roon. Agad na nanlamig ang katawan ko nang makita ko na litrato iyon nung nagta-trabaho pa ako sa club.

"What the fuck!" sigaw ni Nikolai. "Stop that fucking shit!"

Para akong maduduwal habang pinapa-kita iyong litrato ko kasama iyong iba-ibang lalaki na ka-table ko... pati litrato ko habang suma-sayaw sa stag party.

"Seriously! Who the fuck is doing this?! I'll fucking kill—"

Pero agad siyang natigilan nang makita niya iyong pamilyar na mukha.

Narinig ko iyong pagka-basag ng baso na hawak ng Mama niya.

Looks like father and son have the same taste.

Isang litrato lang 'yon.

Nung una kaming magkakilala ni Nick sa club.

Isa lang.

Kasi nung sumunod, maingat na siya.

Hindi ko alam kung paano nakita iyong litrato na 'yon.

Agad akong napa-tingin sa Mama ni Nikolai. Gusto kong magsalita, pero hindi ko magawa. Nakita ko iyong paghinga niya nang malalim. Nang tumingin siya sa akin ay parang tinakasan ako ng kaluluwa ko.

"I see," simpleng sabi niya bago tipid na ngumiti. Hindi ko alam kung paano niya nagawang maglakad papunta sa harap. Kung paano niya nagawang kuhanin iyong mic. "I'm sorry for that... interruption. Let's continue the celebration for my son's exam, shall we?"

Naka-sunod lahat ng mata sa bawat galaw niya. Hanggang sa maka-labas siya. Ni hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko kahit ramdam na ramdam ko lahat ng tingin niya sa akin kahit gaano pa ka-dilim.

"Niko—"

Agad akong sumunod sa kanya. Halos mapa-iyak ako nang makita ko na madadaanan namin iyong mga magulang niya. Putangina!

"Did you know?"

Agad na napa-hinto si Nikolai sa tanong ng nanay niya. Tumingin siya sa akin. Agad akong nakaramdam ng takot sa tingin niya. Parang tatalon palabas ng dibdib ko iyong puso ko sa lakas ng kabog.

"Yeah."

Napa-awang ang labi ko sa sagot niya.

"But it doesn't matter. It's all in the past. Besides, it's not the first time Dad did this. Let's just let this slide," diretsong sabi ni Nikolai at hinawakan iyong kamay ko at hinila ako palayo.

Pero nang maka-layo kami sa mata ng mga tao ay agad niyang binitiwan ang kamay ko na para bang napaso siya.

Parang gusto ko na lang magpasagasa sa parking lot dahil sa paraan ng pagtingin niya.

"Nikolai—"

Tumingin siya sa akin. "Did you fuck my dad?"

Mabilis akong umiling. "Hindi. Walang nangyari. Pangako."

Pero parang walang silbi iyong salita ko dahil kitang-kita ko iyong lalim ng paghinga niya. Na para bang kaunti na lang ay sasabog na siya sa galit.

"Jersey... my Dad?" mahinang tanong niya... pero ramdam na ramdam ko iyong hirap niya... na para bang pakiramdam niya ay nagtraydor ako sa kanya.

"Hindi ko naman alam..."

"When did you know?" tanong niya. Pero agad siyang natigilan. Agad niyang sinipa iyong gulong ng sasakyan niya. "My graduation party. Fuck. You've known for months!"

Nanginig iyong katawan ko sa takot nang sipain niya nang sunud-sunod iyong sasakyan niya. Na para bang doon niya binu-bunton lahat nung pagpipigil na ginawa niya kanina. Iyong pagsisinungaling sa nanay niya.

"Nikolai, wala namang nangyari—"

"Then why wait this long?!"

"Kasi nga iyong exam—"

"Fuck that exam!"

"Nikolai, sorry—"

Tumingin siya sa akin. Pulang-pula iyong mukha niya. Kita ko iyong ugat sa leeg niya. "Are you really, tho? Or are you just sorry you got caught?"

Napaawang iyong labi ko.

"Will you really tell me, huh, Jersey? Or will you have kept this secret?"

"Sasabihin ko naman talaga sa 'yo."

"You had months!"

"May exam—"

"Stop using my exam—"

"Paanong hindi?! Ilang beses mong sinabi sa 'kin dati na hindi ka matalino. Na paano kapag pumasa sila tapos bumagsak ka? Na hindi mo alam kung paanong review ang gagawin mo para pumasa ng one-take kasi sigurado ka na isang take lang sila?! E 'di sana 'di mo na sinabi lahat sa 'kin 'yun para sinabi ko na agad sa 'yo! E 'di sana wala na akong pakielam kahit bumagsak ka sa exam mo!"

Halos hindi ako maka-hinga sa sobrang galit sa kanya. Siya lang naman iyong iniisip ko! Kung mahal niya ako, mas mahal ko siya! Kaya kahit ganito na isumpa niya ako, hindi ko pagsisisihan na inisip ko iyong exam niya!

"Sasabihin ko naman talaga sa 'yo... Sasabihin ko ngayon."

"Really..."

"Nikolai naman..."

"My dad..." Muli siyang napa-suklay sa buhok niya. "Jersey... my dad?"

"Di ko naman alam na tatay mo siya... 'Di ko alam na makikilala kita—"

"So, if you hadn't met me, it would have made everything okay?" pabalang na sagot niya. "How many of those men had a family?"

Napa-awang iyong labi ko sa sinabi niya.

"Tangina ka."

"Yeah? You fucking lied to my face."

"Para rin sa 'yo."

"Continue telling that to yourself."

"Tangina mo talaga, Nikolai."

Hindi ko alam iyong gagawin nang bigla siyang tumawa nang malakas tapos ay sunud-sunod na sinipa iyong sasakyan niya.

"Walang nangyari sa amin ng tatay mo..."

Tumingin siya sa akin. Nanginginig siya sa sobrang galit.

"Sabi mo... magtiwala lang ako sa 'yo... sabi mo, iintindihin mo ako... sabi mo, mapapa-tawad mo ako..." mahinang sabi ko habang naka-tingin sa kanya.

Napa-kuyom ang kamao niya habang naka-tingin sa akin. "Can't you see how hard I'm trying?" sabi niya bago ako talikuran at naglakad papa-layo. 

***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Continue Reading

You'll Also Like

63.9K 1.3K 34
Started: May 2023 Ended:
29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
1.1M 36.1K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...