Ang Mahiwagang Puso

By sobercatnip

10.4K 1.1K 491

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Ang Huling Kabanata

Kabanata 30

224 27 10
By sobercatnip

Unti-unting naging kulay kahel na may pinaghalong morado na ang kaninang asul na kalangitan. Tila sinisigaw nito ang pagtatapos ng araw na iyon.

Suot ang mga napakasimpleng kasuotan, masayang sinalubong ng mga taga-isla ang bagong kasal. Nangibabaw ang palakpakan at hiyawan nang matapos ang buong seremonya. Hawak kamay na naglakad sa nagliliparang mga talulot ng bulaklak ang bagong mag-asawa na hindi maalis ang ngiti sa kanilang mukha. "Mabuhay, ang bagong kasal!" paulit-ulit na sigaw ng mga taga-isla na hindi rin magkamayaw sa pagngiti at pagbati.

Masaya silang pinagmasdan ni Vice habang pumapalakpak din kasabay nila. Ilang sandali ring nakatuon ang kanyang atensiyon sa bagong kasal hanggang sa unti-unti siyang napatingin sa kanyang katabi. Mula sa mahaba nitong buhok, sa mga berde nitong mata na nakatingin sa bagong mag-asawa, ang matangos nitong ilong, at malambot nitong labi. Napangiti si Vice sa kanyang sarili dahil batid niyang nahanap na niya ang babaeng nais niyang makasama habambuhay.

Palihim niya lamang na pinagmasdan si Alena habang abala ang lahat sa pagsalubong at pagbati sa bagong kasal. Sa pagkakataong iyon, ay nais niya sana itong yakapin at halikan dahil sa kaligayahang sinisigaw ng kanyang puso. Ngunit unti-unti ring nagulo ang isipan ni Vice nang maalala niya ang pag-uusap nila ni Alena kaninang umaga.

"Ipahahatid na kita sa iyong tahanan upang ikaw ay makapagpahinga na muna," pagpapatuloy ni Alena at pinakiusapan si Vhong na samahan si Mang Armando pabalik sa bahay nito.

Walang imik naman siyang pinagmasdan ni Vice hanggang sa naiwan silang dalawa sa silungan kung saan gaganapin ang kasal. Mula sa tila seryosong awra ng mukha nito kanina ay unti-unting napangiti si Alena nang magtapat ang kanilang mga mata ni Vice. Ngunit batid ng huli na sa likod ng ngiting iyon, ay may hindi pa sinasabi sa kanya si Alena.

"Kanina pa kita hinahanap. Yayayain na sana kitang mananghalian. Ngunit huwag kang mag-alala, si Anne naman ang nagluto," tawa ni Alena dahilan para unti-unti ring mapangiti si Vice.

Agad namang naglakad palapit si Alena sa kanyang kaharap, at dahan-dahang inilibot ang kanyang kamay si leeg ni Vice hanggang sa ilang pulgada na lamang ang layo ng kanilang mga mukha, "Bakit ganyan ka na naman makatingin?" ang boses nito ay malambing at tila nang-aakit.

Marahan namang napailing si Vice at napangiti lang ng kaunti, "Sobrang saya ko lang kasi kasama kita ngayon."

"Iyan ba ang iyong paraan upang makakuha ulit ng halik mula sa akin?" ngiti ni Alena at bahagyang napakagat ng kanyang labi.

Natawa naman si Vice dahil nagiging pilya na rin si Alena katulad niya, "Kung gayon, pagbibigyan kita mamaya. Ngunit ngayon, kinakailangan mo na munang mananghalian upang hindi ka na mabilis na mapagod katulad ng kagabi."

Pareho naman silang natawa dahil sa sinabi ni Alena. "Kaya tayo na, at kanina pa naghihintay sa atin sina Anne," pagpapatuloy nito at hinawakan na ang kamay ni Vice.

Ngunit bago pa man sila makaalis sa silungan ay maingat siyang pinigilan ng huli. "Alena, sandali. M-May gusto lang sana akong tanungin."

"Ano iyon, mahal ko?" kalmadong tanong ni Alena at pilit na ikinukubli ang kanyang kaba. Akala niya ay nakaiwas na siya sa mga posibleng katanungan sa kanya ni Vice.

"K-Kaya ba tayo nandito dahil kay Mang Armando? Dahil nanggaling din siya sa mundo niyo?" tanong ni Vice nang mapagtanto na kaya malugod silang tinanggap ng mga taga-isla dahil may kasapi itong encantado na nanggaling sa mundo nila ni Alena.

Hindi naman agad nakasagot ang sang'gre at unti-unting binitawan ang kamay ni Vice. "Tulad ng sinabi ko sayo kahapon, limitado lamang ang maaring ibigay na tulong ng aking mga kapatid. Kaya kinailangan ko rin ng tulong mula sa ibang nilalang na nanggaling sa aming mundo. Sina Amihan ang nagdala sa atin dito dahil batid nilang nandito si Armando. At siya ang tumulong sa atin upang gumaling ka noong bigla ka nalang nawalan ng malay."

Bahagya namang natigilan si Vice. Kaya pala alam ni Mang Armando ang kanyang pangalan. "P-Pero bakit kinailangan mo pang humingi ng tulong sa iba? Diba may healing powers ka naman?"

Sa pagkakataong iyon ay napaiwas ng tingin si Alena. Ayaw niyang malaman ni Vice na wala na siyang ganoong kakayahan dahil unti-unti na siyang nanghihina at nawawalan ng lakas.

"Kinailangan ko lang ang tulong ni Armando dahil ninais ko lamang na makasiguro na maayos ang iyong kalagayan," paliwanag ni Alena at akmang magtatanong pa sana si Vice nang pigilan siya ng huli. "Maari na ba tayong mananghalian? Kanina pa kasi ako nasasabik na matikman ang niluto ni Anne para sa atin," pilit ngiti niyang giit saka agad na tumalikod at nauna nang maglakad.





















Bahagyang malalim na ang gabi nang magtipon-tipon ang mga taga-isla kasama sina Vice, Alena, Anne, at Vhong sa isang malaking siga ng apoy. Tradisyon ng mga taga-roon na kapag may ikinasal na kabilang sa kanilang pangkat ay kinakailangan nilang sumayaw habang pinapaligiran ang nagbabagang siga ng apoy. Sa pamamagitan nito mapapanatili raw ng bagong kasal ang nag-aalab nilang pag-ibig at pagmamahal para sa isa't-isa.

Nangibabaw naman ang isang etnikong tugtog habang ginaganap ang kasiyahan at kasalukuyang sumasayaw ang iilang taga-isla kasama ang bagong mag-asawa. (pakinggan ang partikular na musika sa multimedia section)

Di kalaunan ay niyaya na ng mga taga-isla sa pagsasayaw ang apat nilang bisita. Agad namang pumayag sina Anne at Vhong at sumali sa kasiyahan habang mariing napailing si Alena, "H-Hindi ho ako sumasayaw," magalang na pagtanggi niya sa mga matatandang taga-islang lumapit sa kaniya ngunit nang hawakan ni Vice ang kanyang kamay ay agad siyang napalingon dito.

Nang ngumiti si Vice ng kaunti sa kanya ay unti-unti ring napangiti si Alena. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag dahil napagtanto niyang hindi nagtatampo sa kanya ang kanina pang walang imik na katabi. Inakala niya kasing sumama ang loob nito kaninang umaga dahil sa ginawa niyang pag-iwas sa kanyang mga katanungan.

Hawak kamay silang naglakad sa bandang gitna at pinalibutan din ang nagbabagang siga ng apoy kasama ng ibang taga-isla. Marahan ang ihip ng hangin mula sa dagat na dumadampi sa kanilang mga balat. Bawat indak dulot ng kakaibang musika ay tila unti-unting bumabagal para kay Alena at Vice hanggang sa mag-iba ang takbo ng tugtog at dahan-dahang nagtapat ang kanilang mga mata.

Bumalik ang ngiting hindi mapawi sa kanilang mga mukha habang dinadama ang bawat kumpas ng kakaibang tugtog. Ang ibig ipahiwatig ng musika ay tumagos din sa kanilang mga puso — na sa kabila ng maraming paghihirap at suliranin, tangkilikin pa rin natin nang buong-buo ang buhay.

Nang matapos ang kanilang sayawan ay sabay na naupo ang dalawa sa isang malaking tabla ng kahoy. Nagpatuloy lang ang kasiyahan ng mga kasama nila habang tahimik nila silang pinagmamasdan. "Bukas na pala tayo pupunta sa kabilang isla," panimula ni Vice habang nakatingin sa siga ng apoy na tila sumasayaw pa rin sa nakakaindak na tugtog. Unti-unti rin siyang napangiti, "Bukas na rin natin makukuha ang brilyante mo."

Napatango naman si Alena at pilit lang na napangiti kahit pa gusto niya sanang kumawala ng malalim na pagbuntong hininga. Sandali silang natahimik muli hanggang sa tumama ang kanyang mga mata sa magkasintahang bagong kasal, "Kakaiba nga talaga ang naibibigay na kaligayahang dulot ng pag-ibig."

Napalingon din naman si Vice sa mga ito at hindi rin maiwasang mapangiti sa kanyang sarili, "Kaya nga nagpapasalamat ako kasi nararanasan ko rin ngayon ang kaligayahang katulad ng sa kanila nang dahil sayo," paghawak niya sa kamay ni Alena.

Muli namang nagtapat ang kanilang mga mata at sa pagkakataong iyon ay tila ba tumahimik ang paligid para sa kanilang dalawa, "Alena, maraming salamat, dahil dumating ka sa buhay ko," sambit ni Vice at hinawakan naman ni Alena ang kanyang kabilang pisngi.

"Ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo. Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Kahit kung iisipin nating mabuti, wala pa akong nagawa para sayo maliban sa —" hindi na natapos ni Alena ang kanyang sasabihin nang biglang magsalitang muli si Vice.

"Alena, alam mong wala akong nakikitang iba na gusto kong makasama araw-araw kundi ikaw. Ang magandang ngiti mo lang ang gusto kong makita sa tuwing gigising ako sa umaga. At ang mahigpit mong yakap ang gusto kong sumalubong sa akin sa tuwing uuwi ako sa gabi," ngiti nito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kanyang minamahal.

Bigla namang napaluha si Alena sa mga sinabi sa kanya ni Vice. Ramdam niya ang sinseridad sa bawat salitang binitawan nito. Ngunit mas lalo siyang napaluha nang bahagya itong lumuhod sa kanyang harapan. "Pumayag ka lang na makasama ako habambuhay, sobrang sapat na sa'kin yon."

Kasabay nang marahang paghampas ng alon at masiglang pagliyab ng apoy ay mabilis na niyakap ni Alena si Vice. Hindi matigil ang pagbuhos ng kanyang mga luha at pagkabog ng kanyang puso nang ikulong siya nito sa kanyang mga bisig.

Katulad ng kanyang kayakap ay wala rin ibang nakikita si Alena na nais niyang makasama kundi si Vice. Ang natatanging taong kanyang iibigin at mamahalin magpakailanman. "Oo, mahal ko. S-Sasamahan kita habambuhay," pag-luha ni Alena at mas hinigpitan pa ang pagyakap kay Vice na ngayon ay umaapaw na ang nararamdamang kaligayahan.

Sa gitna ng kanilang yakapan ay mariing ipinikit ni Alena ang kanyang mga mata habang palihim siyang humihikbi. Wala siyang ibang ninanais kundi ang tunay na maging masaya para sa kanilang dalawa ni Vice, ngunit sa pagkakataong iyon ay tila dinudurog rin ang kanyang puso. Hindi siya makapaniwala na kinaya niyang bitawan ang isang napakalaking kasinungalingan sa taong lubos niyang iniibig.

"Alam mong hindi maaring umibig ang isang katulad mo sa isang katulad niya!" bakas ang galit at pagkadismaya ni Pirena nang harapin nila ang kanilang nakababatang kapatid. "Labag iyon sa ating batas at labag iyon sa iyong tungkulin!"

Hindi matigil ang pagluha ni Alena habang niyayakap siya ni Amihan. "Pirena, batid mong wala na tayong magagawa. Tuluyan nang nabihag ng tagalupang iyon ang puso ng ating kapatid."

Palihim namang napalingon si Alena kay Vice na walang malay sa kubo kung saan kasalukuyan itong ginagamot ni Mang Armando.

"Batid niyong hindi magugustuhan ni Inang Reyna ang mga kaganapang ito. Pilit ka naming tinutulungan, Alena ngunit bakit hinayaan mong mangyari ang lahat ng ito," patuloy ni Pirena habang pinapakalma siya ni Danaya.

"Pinagbantaan ko na ang tagalupang iyon sa maaring mangyaring kapahamakan dulot ng nararamdaman niya para sa iyo ngunit hindi siya nakinig," kalmado lang ang tono ni Danaya dahil naaawa rin siya sa kanyang kapatid.

"Ang dapat sa tagalupang iyon ay parusahan!" saad ni Pirena at nagliyab ang kanyang mga mata, dahilan para agad na lumapit sa kanya si Alena.

"P-Pirena, pakiusap. Wala siyang kasalanan. Ako ang kusang pumili sa landas na ito. Mahal ko siya. At siya lang ang nilalaman ng aking puso."

Unti-unting namang humapa ang galit ni Pirena nang makita ang pagluha ni Alena ngunit ramdam niyang nanghihina na rin ito, "Alam mong hindi ka maaring umibig sa kanya, dahil kapag nangyari yon, mamatay ka!"

Sandaling natigilan ang apat na magkakapatid at nangibabaw ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila. Pinunasan ni Alena ang kanyang mga luha at lakas loob na hinarap ang kanyang mga nakakatandang kapatid, "S-Sa ngalan ng pag-ibig, handa ako sa maari kong sapitin."

"Ngunit handa ka ba sa sasapitin ng tagalupang iyong iniibig?" mabilis na buwelta ni Pirena na ikinagulat ni Alena.

"A-Ano ang iyong ibig sabihin?" napayuko naman sina Pirena, Amihan, at Danaya sa naging tanong ng kanilang nakababatang kapatid.

Akmang magtatanong pa sana si Alena nang biglang magsalita ang matanda na naroon na sa kanilang likuran. "Hindi ko nais na mangialam sa inyong usapan, mga mahal na sang'gre. Ngunit nais ko pong ipaalam sa inyo ang mga nararapat ninyong malaman," pagyukod ni Mang Armando nang mapalingon sa kanya ang apat na sang'gre.

"Tuluyan nang nahulog ang tagalupang iyon sa iyo, Sang'gre Alena. Ngunit ikaw na isang makapangyarihang nilalang na nanggaling sa ibang daigdig, at siya na isang pangkaraniwang tagalupa lamang ay hindi maaring umibig sa isa't-isa. Ang pabigla-bigla niyang pagkakaroon ng sakit at panghihina ay senyales ng pinagbabawal niyong pag-ibig. Kinalulungkot kong sabihin ito sa iyo, mahal na sang'gre, ngunit unti-unti na siyang nilalason ng pagmamahal niya sa iyo," agad na nanghina si Alena sa kanyang nalaman, buti na lamang at nakaagapay sa kanya sina Amihan at Danaya.

"H-Hindi. Hindi siya maaring mamatay," muling bumuhos ang mga luha ni Alena. Awang-awa na ngayon ang kanyang mga kapatid dahil ramdam nila ang sakit na nararanasan ng kanilang bunso.

"Kung gayon, mahal na sang'gre, handa po ba kayong magsakripisyo para sa kaniya?" seryosong tanong ni Mang Armando at unti-unting pinagmasdan si Vice mula sa bintana. "Handa ka bang tuluyang lumayo sa kaniya at burahin ang kaniyang mga alaala upang mailigtas mo lang siya sa kamatayan? Magagawa mo ba ang lahat ng iyon para sa tagalupang iyong minamahal?"

Sandaling natulala si Alena. Para bang biglang tumigil ang pagtakbo ng oras para sa kanya nang marinig ang lahat ng iyon galing kay Mang Armando. Sa hindi mabilang na pagkakataon, ay muling bumuhos ang kanyang mga luha sa katotohanang hindi sila kailanman maaring magsama ni Vice.















Naalimpungatan si Alena sa gitna nang gabi nang makaramdam siya nang biglang pagsikip ng kanyang dibdib. Agad siyang napalingon sa kanyang katabi at nakita niyang mahimbing na itong natutulog ngayon pagkatapos ng mainit nilang tagpo kanina.

Mabilis na kumawala ang mga luha ni Alena nang maalala niyang muli ang panghabambuhay nilang pangako ni Vice sa isa't-isa. Bawat salitang binitawan nito ay tila nagdudulot ng kirot sa kanyang puso sa halip na kaligayahan.

Maingat na inalis ni Alena ang mga kamay ni Vice na nakayakap sa kanya saka tahimik siyang lumabas ng kanilang maliit na kubo. Madilim na ang buong paligid, maging ang buwan ay nagtatago sa makapal na ulap habang patuloy pa rin ang pagsikip ng dibdib ni Alena.

Napaupo siya sa buhangin dahil sa matinding panghihina. Mayamaya ay napahawak siyang muli sa kanyang puso at bigla siyang naubo. Agad niyang tinakpan ang kanyang bibig upang hindi siya marinig ni Vice. Ngunit sabay ng malamig na hangin na bumabalot sa kanyang buong katawan, bigla nalang siyang nagulat at natulala sa dugo na naroroon sa kanyang palad.



























an: maraming salamat ulit sa pagbabasa. abangan niyo sana ang huling mga kabanata.



Ikaw? Ano ang kaya mong
isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig?























itutuloy.

Continue Reading

You'll Also Like

18.9K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
4.3K 314 45
[COMPLETED] Meet Samantha Jimenez.....Sam for short.....masipag, mapagmahal na anak, simpleng babae.... Laki siya sa hirap kaya matatag ang kanyang l...
114K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...