Ang Mahiwagang Puso

By sobercatnip

10.4K 1.1K 491

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Ang Huling Kabanata

Kabanata 29

246 30 7
By sobercatnip

Malalim na ang gabi ngunit maliwanag ang buwan na naghahari ngayon sa kalangitan. Nakapikit at nakasandal si Alena sa balikat ni Vice habang nakaupo sila sa buhangin at nakaharap sa karagatan. "Tignan mo, mukhang sinasamahan talaga tayo ng mga stars ngayong gabi," malambing na sambit ni Vice at niyakap si Alena na nakasandal sa kanyang mga bisig.

Napamulat naman ang sang'gre at napangiti sa kanyang natunghayan ngunit mas lalo siyang napangiti nang makita ang pagka-aliw ni Vice sa kalangitan, "Kung hindi ako nagkakamali, ganito rin karami ang mga bituin noong gabing una tayong nagkita. Maaring hindi ganoon kaganda ang alaalang iyon ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil kung hindi iyon nangyari, maaring hindi rin tayo nagkakilala."

Marami na ang nangyari simula noong gabing una silang nagkita. Pareho hindi akalain ni Alena at Vice na sa isang pagsasama na puno ng pagmamahal at saya ang kahahatungan ng kanilang relasyon.

Agad namang napangiti si Vice at hinawakan niya ang kamay ni Alena, "Tara, ga. Ligo tayo?" suhestiyon niya ngunit agad na napailing ang huli.

"Mas makakabuti sayo kung magpahinga ka na lang muna. Ayaw kong magkasakit kang muli," giit ni Alena ngunit mas lalong napangiti si Vice sa kanya.

"Ito naman. Okay na ako, no! Tignan mo," giit ni Vice at nilapat ang palad ni Alena sa kanyang noo na hindi na ganoon kainit katulad kaninang umaga. "At isa pa gustong-gusto ko na ring maligo kanina pa. Kaya tara na," tawa ni Vice sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Alena at tumakbo sila patungo sa tubig.

Naunang sumisid si Alena sa kailaliman ng dagat.
Habang naiwan naman sa ibabaw si Vice at napatingala lang sa buwan. Pinagmasdan niya ito ng mabuti. Kakaiba ang liwanag ng buwan ngayong gabi kaya hindi ganoon kadilim ang paligid. Makikita rin ang magandang repleksiyon nito sa tubig.

Ilang sandaling nanatili si Vice sa ibabaw hanggang sa mapansin niyang hindi pa umaahon si Alena. Bigla siyang kinabahan na baka may nangyari ng masama sa sang'gre katulad nang dumiretso ito sa dagat pagkatapos nitong mahulog sa bangin.

"A-Alena?" paulit-ulit niyang pagtawag rito at napalunok siya dahil sa kaba. Agad niyang ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata at tinawag ang kanyang minamahal gamit ang kanyang isipan.

Akmang susundan niya na sana ito sa ilalim ng tubig nang maramdaman niya ang pagyakap ni Alena sa kanya. Nang iminulat ni Vice ang kanyang mga mata ay agad niyang nakita ang pag-aalala ng sang'gre.

"B-Bakit ka lumuluha?" nagtatakang tanong nito at marahang pinunasan ang pisngi ni Vice. "M-May problema b—" hindi na natapos ni Alena ang kanyang sasabihin dahil biglang hinawakan ni Vice ang kanyang mukha at agad siya nitong hinalikan sa labi.

Mabagal at masuyo ang halik na iyon na nagdala ng kakaibang init at kuryente sa buong katawan ni Alena. Sa bawat galaw ng mga labi nila ay may kasamang pagpisil sa katawan ng bawat isa. Hindi niya inaasahang mararanasan niya ang ganoong sensasyon dulot ng paghalik ni Vice.

Nang imulat ni Alena ang kaniyang mga mata ay bumungad sa kanya ang nakangiting si Vice. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na nasa harapan na niya ang hiniling niya noong walang kapantay na pag-ibig.

"Sa tuwing mawawala ka sa paningin ko. Pipikit ko lang ang mga mata ko at pagmulat ko, alam kong makikita na kita ulit," ngiti ni Vice at muling ginawaran ng mainit at masuyong halik si Alena.

Magkalipas ang ilang minuto sa dagat ay sabay silang naglakad patungo sa maliit na kubo. Wala ng ilaw ang kubong katabi nila kung nasaan natutulog sina Anne at Vhong, pati na rin ang iba pang mga bahay na tinitirhan ng mga tao doon sa isla. Akmang bubuksan na sana ni Alena ang pinto nang hawakan ni Vice ang kanyang kamay. Walang salitang lumabas sa kanilang mga bibig at tanging mga mata lamang nila ang nangungusap. Kasabay ng dahan-dahang pag-ihip ng hangin na dumampi sa kanilang balat ay ang pagdampi muli ng kanilang mga labi.

Kusang napapikit si Alena habang dinadama ang mainit at mapusok na halik ni Vice na para bang sumisisid sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao.

Mayamaya ay naramdaman nalang niya ang pagbukas ng pinto at pagsara rin nito. Walang segundong humiwalay ang labi ni Vice sa kaniyang labi hanggang sa dahan-dahan siyang inihiga nito sa papag na may malambot na kumot.

Bumaba ang mga halik ni Vice sa leeg ni Alena patungo sa kanyang balikat. Napapaliyad nalang ang sang'gre sa bawat dampi ng labi ni Vice sa ibang parte ng kanyang katawan haggang sa unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata nang tumigil sa paghalik si Vice, nakahiga siya sa papag habang nasa ibabaw niya ang huli. Nakatitig ito sa kanyang mga mata na tila humingi ng pahintulot.

Dahan-dahang hinaplos ni Alena ang pisngi ni Vice saka siya ngumiti at tumango. Isang malambing na ngiti rin ang binigay ni Vice bago niya muling halikan ang labi ni Alena.

Madaling araw na ngunit gising pa rin ang dalawa sa maliit na kubo. Bahagyang madilim na ang buong silid at tanging ang liwanag lamang mula sa isang lampara at mula sa buwan ang nagsisilbi nilang ilaw.

Kasalukuyang nakahimlay ang ulo ni Alena sa braso ni Vice habang mahigpit siya nitong niyayakap. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis ang saya sa kanilang mga mukha. "Nananaginip ba ako?" tanong ni Vice at napangiti sa kanyang sarili.

Napangiti rin naman ang sang'gre nang tignan niya ito, "Bakit mo naman nasabing nananaginip ka?"

"Kasi hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na tayo na. Na akin ka na," saad nito at hindi mapigilan ang sariling mapangiti ulit. "At kung iisipin natin ng mabuti, napakaswerte mo dahil hinabol kita sa port noong umagang yon kahit may hangover pa ako," biro nito dahilan para kumunot ang noo ni Alena ngunit nawala rin naman agad nang halikan siya ni Vice. "Pero syempre, joke lang yon. Ito naman, hindi mabiro. Mas maswerte pa rin ako dahil ako yung pinili mo. Mas maswerte ako dahil nagawa mo pa rin akong hintayin."

"Mapalad ka talaga dahil ang mga katulad kong sang'gre ay minsan lamang kung umibig," hirit naman ni Alena at sabay silang natawa.

"So ibig sabihin, totoo pala talaga yong nakasulat sa alamat tungkol sa inyo? Na buong buhay niyo, isang beses lang kayo kung umibig? Parang one time, big time, ganon ba yon?" napatango naman si Alena at napangiti sa tanong ng kanyang katabi.

Sandaling napatingala si Vice sa kisame at manghang-mangha sa kanyang nalaman. Agad namang sumilay ang malawak na ngiti sa kanyang labi nang magsalita si Alena. "Kaya ngayon, batid mong wala na akong ibang iibigin pa maliban sa iyo, dahil ikaw at ikaw lamang ang nagmamay-ari at magmamay-ari ng puso kong ito."

Muling nagtapat ang kanilang mga mata at dahan-dahang hinawi ni Vice ang buhok ni Alena saka hinalikan niya ito sa noo, "At ikaw lang rin ang tanging mamahalin ko ng ganito. At kung meron pang higit sa mahal kita, yon ang para sayo, yon ang pag-ibig ko para sayo."

Napapikit at napangiti si Alena bago maingat na humiga sa dibdib ni Vice, "Binigay mo ang sarili mo sa akin ng buong-buo. Kaya nararapat lang na ibigay ko rin ang sarili ko sayo ng buong-buo," sinserong sambit ni Vice at dahan-dahang inangat ni Alena ang kanyang tingin. Halos sumabog na ang puso nito dahil sa umaapaw na kaligayahang dulot ng pag-ibig.

"E correi diu," ang mga salitang binitawan ni Alena bago siya muling halikan ni Vice. Isang malalim na halik na nagpapahiwatig ng panghabang buhay na pangako at walang hanggang pagmamahal.


















Kinaumagahan, bahagyang naalimpungatan si Vice nang marinig ang iba't-ibang ingay mula sa labas ng kanilang maliit na kubo. Rinig din sa loob ng kanilang silid ang marahang paghampas ng alon mula sa dalampasigan. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang nakangiting si Alena. Alam niyang hindi ito umalis sa kanyang tabi at hinintay lamang siya na magising. "Avisala, mahal ko," malambing na pagbati ni Alena dahilan para agad na mapangiti si Vice.

Babangon na sana si Alena sa kanilang higaan nang mabilis siyang hinila ni Vice pabalik at muling ikinulong sa kanyang mga bisig, "Vice, ano ba—," natatawang sambit ng sang'gre dahil bigla nalang siyang pinaulanan ni Vice ng mga halik sa pisngi. "Kailangan na nating bumangon upang makatulong na rin tayo sa labas," malambing na giit ni Alena sa gitna ng mga matatamis na halik sa kanya ng katabi.

"Tulungan saan?" napahinto naman si Vice ngunit hindi niya binitawan si Alena at mas hinigpitan lang ang kanyang yakap habang nakahiga sila.

"Para sa kasal na gaganapin daw mamaya," napasilip naman si Vice sa bintana at nakita niya ang iilang taga-isla na abala sa pagbubuhat ng kawayan, pawid, at mga dahon ng saging patungo sa dalampasigan.

"Kasal ng taga-rito?"

Napatango naman si Alena sa naging tanong ni Vice "Narinig ko kanina na ikakasal na raw ang nag-iisang anak na babae ng kanilang pinuno."

Napatango naman si Vice sa kanyang narinig. Napag-alaman niya rin kasi kahapon na nabibilang pala sa isang tribo ang mga taong nakatira sa isla kung saan sila ngayon naroroon. Masasabi ni Vice na mababait ang mga taga-islang kumopkop sa kanila ngunit palaisipan pa rin para sa kanya kung bakit bigla nalang silang tinanggap ng mga ito, gayong hindi naman sila nabibilang sa kanila.

Muling nahiga si Vice at maingat na pinatong ang ulo ni Alena sa kanyang braso. Hinawi niya rin ang mahabang buhok nito upang matignan niya ng mabuti ang kanyang mukha. "At bakit ganyan ka makatingin?" nakangiting tanong sa kanya ni Alena. Walang ibang makikita sa mukha nito bukod sa umaapaw na kasiyahan at pag-ibig.

Ilang sandaling nagtapat ang kanilang mga mata, "Masaya lang ako dahil ang napakaganda mong ngiti ang una kong nakita ngayong umaga," ngiti ni Vice at hinawakan si Alena sa magkabilang pisngi. "At dahil nakakasiguro ako na magmula ngayon, ang ngiting yan ang makikita ko araw-araw."

Hindi naman siya nagdalawang-isip na bigyan ito ng masuyong halik sa labi na tinugunan rin naman ni Alena. Nagtagal rin ito ng ilang segundo bago sila maghiwalay at nagkatinginang muli.

"Napansin kong mukhang nakakarami ka na ng halik magmula pa kagabi," tawa ni Alena at pinagmasdan lang siya ni Vice dahil tila hindi pa rin ito makapaniwala na madalas niya ng naririnig ang pagtawa ng sang'gre na noon ay bihira lamang.

"Bakit? Nagsasawa ka na ba?" parang batang tanong ni Vice na mas nagpangiti kay Alena dahil mukhang nanunukso rin ang tingin nito.

"Hindi pero—" magrereklamo pa sana si Alena ngunit napatigil siya nang halikan siyang muli ni Vice. Mas malalim ang halik nito na nagdadala ng kakaibang sensasyon sa kanilang dalawa.

Nang matapos ang halik na iyon ay napatingin si Vice diretso sa mga mata ng kaniyang minamahal. Pareho silang napangiti, lalong lalo na si Alena. Napagtanto niyang kakaiba talaga ang sayang naidudulot sa kanya ng pag-ibig nila ni Vice.

"Sa tingin ko, pwede pa naman tayong tumulong mamaya," pilyong suhestiyon ni Vice kay Alena at akmang ipagpapatuloy pa sana ang masuyo nilang tagpo nang bigla silang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan.















Bahagyang mataas ang sikat ng araw habang abala ang mga tao sa pag-aayos ng maliit na silungan kung saan gaganapin ang kasal ng nag-iisang anak ng pinuno ng tribo. Malapit ito sa dalampasigan kaya kitang-kita rin ang asul na dagat at ang maaliwalis na pagsayaw ng mga alon.

"Uy, brad! Cheer up naman diyan! Hindi mo ba nakikita? Look around, my friend! Today is a very beautiful day!" pagtapik ni Vhong sa braso ni Vice na kanina pa nakabusangot magmula ng sunduin niya ito sa maliit na kubo nila ni Alena.

"Ewan ko sayo. Wag mo akong hahawakan," inis na giit ni Vice at nagpatuloy sa pag-aayos ng pawid sa silungan habang si Vhong naman ay pinapakinis ang gilid ng mga kawayan.

"Ito naman. Pinapangiti lang kita eh. Ano bang nangyari sayo? Bakit ang pangit ng gising mo?"

Napahilamos naman ng mukha si Vice, "Para lang malaman mo, sobrang ganda ng gising ko kanina. Ang pangit lang talaga ng timing mo!" bulaslas niya dahilan para matawa si Vhong ng malakas.

"Aba, malay ko bang —" hindi natapos ni Vhong ang kanyang pang-aasar nang may biglang lumapit sa kanilang lalaki. Medyo may katandaan na ito habang hawak ang tungkod na yari sa kahoy. "O, Mang Armando, ano pong ginagawa niyo dito?"

Napalingon naman si Vice sa matandang lalaking kausap ni Vhong. Ngayon palang niya ito nakita magmula nang magising siya kahapon. "May maitutulong po ba kami sa inyo?" tanong muli ni Vhong ngunit nanatiling nakatingin sa isang direksyon ang matanda. Doon na napagtanto ni Vice na isa pala itong bulag at hindi nakakakita.

Ngunit dahil sadyang pilyo si Vice at masyadong mausisa ay nilahad niya ang kanyang kamay sa mukha ng matanda at winagayway ito sa ere.

"Maaring hindi ako nakakakita ngunit ramdam ko ang iyong ginagawa," gulat na napahinto si Vice dahil sa sinabi ng matandang lalaki.

"P-Pasensiya na po. Na-curious lang ho ako. Sorry po," mabilis na pagtago ni Vice ng kanyang mga kamay sa likod habang palihim naman siyang tinawanan ni Vhong na nasa kanyang tabi.

"Iba nga talaga ang nagagawa ng kuryusidad sa isipan ng tao," ngiti ng matanda at nagulat muli si Vice nang diretsong napatingin sa kanya si Mang Armando. "At kuryusidad din ang nagdala sa akin dito ngayon para makadaupang-palad ka...Vice."

Agad na napalingon si Vice kay Vhong nang banggitin ni Mang Armando ang kanyang pangalan. Kibit balikat namang napalingon sa kanya ang kaibigan. "P-Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" nagtataka at kinakabahang tanong ni Vice.

"Hindi ba ikaw ang tagalupang iniibig ni Sang'gre Alena, na siyang tagapangalaga ng isa sa mga brilyante ng kalikasan?" ngiti ni Mang Armando at unti-unting pinagmasdan ang dagat na malapit sa kanila. Sariwa ang simoy ng hangin mula doon.

Gulat namang napatingin si Vice sa matandang lalaki, "K-Kilala niyo po si Alena?"

Sa halip na sagutin ang tanong ni Vice ay napangiti lang si Mang Armando, "Kayong dalawa ng mahal na sang'gre ay nanggaling sa magkaibang daigdig ngunit pinagtagpo ng pag-ibig," seryosong sambit nito habang nakatanaw sa dagat.

Hindi naman malaman ni Vice ang kanyang dapat na maramdaman sa mga salitang binitawan ng matanda. Nanatili lang siyang tahimik habang nagtataka niya itong pinagmamasdan. Napansin ni Vice na kakaiba ang pananalita ni Mang Armando, maging ang kanyang mga kilos ay hindi rin angkop para sa isang ordinaryong tagalupa lamang.

"Hindi ho kayo taga rito," konklusyon ni Vice dahilan para mapangiti muli ang matanda.

"Hindi ibig sabihin na kung magkaiba ang ating pinanggalingan ay magkaiba na rin ang ating kinikilalang tahanan. Maaring hindi ako katulad ninyo ngunit mas matagal na akong namamalagi rito," saad ni Mang Armando at biglang sumilay sa kanyang mukha ang kakaibang lungkot na tila ba pinag-iwanan na siya ng panahon.

"N-Nanggaling ho kayo sa mundo nina Alena?" paglapit ni Vice kay Mang Armando at marahan itong napatango. "P-Pero paano po kayo napunta dito sa mundo namin?"

Sandali namang hindi nakapagsalita ang matanda. Maingat niyang hinaplos ang hawakan ng kanyang tungkod at dinama ang hangin na dumadampi sa kanyang mukha. "Nang dahil din sa pag-ibig."

Kasabay non ay ang paghalik rin ng hangin sa pisngi ni Vice. Napagtanto niyang may iba pa palang mga nilalang na galing sa mundo ni Alena ang naninirahan ngayon sa mundo ng mga tao.

Nalaman ni Vice na 'encantado' ang tawag sa mga nilalang na katulad ni Mang Armando. Sila ang mga kakaibang nilalang na kaagapay ng mga sang'gre sa pananatili ng kaayusan at kapayapaan sa kalikasan. Sa pamamagitan nito ay napapanatili rin ng mga katulad ni Mang Armando ang kaayusan at kapayapaan ng kanilang sariling mundo. Nadiskubre rin ni Vice na minsan nang umibig si Mang Armando sa babaeng anak ng isang magsasaka.

"Kung okay lang po sa inyo, pwede ko po bang malaman kung ano po 'yong nangyari sa kanya? At bakit ho kayo nabulag?" hindi malaman ni Vice ngunit bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba ng bitawan niya ang mga tanong na iyon.

Alam ni Vice na bihira lang mangyari ang pag-iibigan sa pagitan ng dalawang magkaibang nilalang. Bigla rin niyang naalala ang mga sinabi ni Danaya sa kanya noong wala pang malay si Alena.

"Batid mong hindi mo maaring ibigin si Alena! Malaki ang pagkakaiba niyong dalawa. Isa ka lamang hamak na tao habang siya ay isang makapangyarihang sang'gre. Nanggaling kayo sa magkaibang mundo. Hindi lingid sa iyong kaalaman na kahit kailan ay hindi siya magiging katulad mo at hindi ka rin maaring maging katulad niya. Kaya huwag mo nang subukang ipaglaban ang nararamdaman mong iyan dahil ilagagay mo lamang ang iyong sarili at ang aking kapatid sa kapahamakan."

Sandaling natigilan si Vice at napalunok habang kabadong hinihintay ang sagot ng matanda. "Mang Armando?" pagtawag ni Vice dahilan para mapabalik rin si Mang Armando sa kanyang ulirat. Muli siyang napahawak ng mahigpit sa tungkod nito at unti-unting hinarap si Vice.

"Kakaiba ang kaligayahang dulot ng walang kapantay na pag-ibig. Sino man ay walang ibang hihilingin kundi ang maranasan ito. Ngunit sa kahit anong daigdig, lahat ng kahilingan ay may katumbas na kabayaran. Ang mga katulad kong isang pangkaraniwang nilalang lamang sa aming mundo ay maaring sumapit ng hindi kaaya-ayang sakripisyo para sa pagmamahal, ngunit ang mga nilalang na may nakakataas na tungkulin ay maaring sumapit ng mas mabigat na kaparusahan, at iyon ay ka—"

"Armando," agad na natigilan si Mang Armando nang marinig ang pagtawag ng kanyang pangalan mula sa kanilang likuran. Bahagyang mahina lamang ito ngunit bakas ang awtoridad. Maging si Vice ay bahagyang nagulat rin sa pamilyar na boses na nagpatahimik sa matanda.

Sabay silang napalingon at tumambad sa kanila ang seryosong mukha ni Alena. Dahil sa presensiya nito ay agad na napayukod si Mang Armando upang magbigay galang sa kanya, "Mahal na sang'gre."

"Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na ngayon sa iyong tahanan?" walang emosyon ang mukha nito habang nakaharap sa matanda.

"Lumabas lamang ako upang magpahangin saglit, mahal na sang'gre. Ninais ko rin sanang tumulong sa paghahanda para sa gaganaping kasiyahan mamaya ngunit sila ang aking naabutan," pagpapaliwanag ni Mang Armando. Kalmado lang ang boses nito habang nakaharap kay Alena.

"Makakasama sa iyong kalusugan ang mapagod sa mga gawain. Mas mabuti pang magpahinga ka nalang muna ngayon upang masaksikhan mo mamaya ang gaganaping kasalan," mula sa maawtoridad na tono ng pananalita ay bakas na ngayon ang pag-aalala ni Alena para sa matanda.

"Ipahahatid na kita sa iyong tahanan upang ikaw ay makapagpahinga na muna," pagpapatuloy ni Alena at pinakiusapan si Vhong na samahan si Mang Armando pabalik sa bahay nito.

Naiwan naman silang dalawa ni Vice sa gitna ng silungan kung saan gaganapin ang kasal. Bakas sa mukha ni Vice ang pagtataka dahil sa biglang pagsulpot ni Alena sa gitna ng kanilang pag-uusap. Sa pagkakataong iyon, hindi niya man aminin sa kanyang sarili, nararamdaman ni Vice na tila may hindi sinasabi sa kanya ang sang'gre na labis niyang pinagkakatiwalaan at minamahal.



















an: abangan ang mga huling kabanata.












itutuloy.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
18.9K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
82.6K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
367K 442 2
koleksyones ng aking nakakapanghilakbot na mga panaginip at malikot na imahinasyon... expect unexpected twists and endings. these are not your typica...