That Cold Nerd is the Sexy Ga...

By COOLDAIME

1.6M 48.6K 4.4K

Cold ako sa mga taong hindi ko kaclose. Hindi naman ako ganito dati eh. Masayahin palangiti. Pero mga hayop s... More

1-The Start
2-Hello Philippines!!
4-Bump at First Encounter
5-The Eight Kings
6- 1st Day of Welcome Party
7-2nd Day of Welcome Party
8-3rd Day of Welcome Party
9-4th Day of Welcome Party
10-Last Day of Welcome Party
11- Nerd with his nerd boyfriend??
12- You? Your A Low Class Bitch
13-The New Dean's POV
14- The Trio
15-She's Back!
16- The Transferees and The Trending News
17- Haring Hilaw's Daughter?
18- Is Is Too Late Now To Say Sorry?
19- The Visitors and The Game
20- Bonding with the Squad
21- I Club You!!
22- They are so Weird
23- Did She Just!!????
24- King Zachy
25- He Loves You!? No He locks Me!!
26- She is so Childish!!
27- Mini Date
28- Pinakuluang Sabaw
29- Gawan Mo Din Ako!!!
30- White Fang
31- The Top 15
32- A night with Her
33- King of the Court
34- Kruk Kruk Inamerch!!!
35- Kiss on the Forehead
36- Not Your Typical Bitch
37- First Night Together
38- Ang Daya!!!
39- Hotness Overload!!!
40- Kinikilig Ako Jusme
41- Anong SKL!??
42- Pahingi Namang Shampoo!!!
43- Who's the Traitor?
44- Say YES!!!
45- Im Already Taken !!!
46- Project Pala Ha!?
47- You're a Selfish Monster
48- Never Mess with Me!
49- My Favorite Consequence!
50- Natikman Mo Naba?
51- Kuya Ko Yun! Aish!
52- Killing Machine
53- You're Leaving Me?
54- Crown Academy
not an update
55- Beach Party?

3-Cute Little Girl

36.6K 1K 18
By COOLDAIME

Kismeth 's POV

Today is Monday and supposed to be my first day in school pero di ako pumasok. Tinatamad pa ko tsaka kauuwi ko lang kahapon papasok na ko agad? Pwede naman magpahinga

Nandito ako ngayon sa living area at nanonood ng spogebob. Favorite kong cartoon character bukod kay detective conan. Wala namang magawa nakakainis. 10 palang kaya ala pang magandang palabas

"Young Lady aalis lang po ako saglit para iabot kay Sister Terie yung donation para sa ampunan. Kung may kailangan po kayo tawagin nyo nalang po ang ibang maid " Butler Yan

I remember that orphanage. Nung nabubuhay pa sila mom madalas kaming pumunta dun. Tuwang tuwa si Mich kapag kalaro ang mga bata dun.

"Can i come ?? '' gusto kong bisitahin sila Sister

"Ayaw nyo po bang magpahinga nalang??" nagaalangan nyang tanong

"Ayos lang ako Butler Yan. I just want to visit them.. I'll just change my clothes " nakapajama pa kasi ako

Pumanik nako sa kwarto ko at namili ng pwede kong isuot. Sa huli, isang v -neck shirt at leggings ang sinuot ko. Pwede na. Bumaba nako at naabutan ko si Butler Yan sa living room na hinihintay ako.

Habang nasa daan, kinuha ko ang phone ko at nakinig nalang ng music.

NP: All About Us (try nyong pakinggan maganda!! )

"Take my hand I'll teach you to dance.. I'll spin you around, won't let you fall down.... " sinasabayan ko lang yung music ng kalabitin ako ni Mr. Yan. Kanina pa pala nya ko tinatawag.

Tinanggal ko ang earphones ko at humarap kay Butler Yan

"Nandito na po tayo Young Lady " napatingin naman ako sa labas ng bintana. Oo nga no o_o? Di ko napansin at busy ako sa pagkanta tss

Bumaba na ko at sumalubong sakin sila Sister Terie at Sister Lucy.. StarLight Orphanage pangalan nitong bahay ampunan nato. Pinangalanan ni dad. Ewan ko kung san nya napulot yun

"KM iha ikaw na ba yan? Ngayon ka nalang ulit nakadalaw ah?? '' nagmano muna ko kay Sister Terie bago sumagot. Magalang ata to. KM tawag sakin nila Sister. Short for Kismeth Monique

"Sa Japan po kasi kami tumira Sister. Kauuwi ko lang po kahapon. Kamusta na po ang mga bata?? " tanong ko at nagmano din kay Sister Lucy

"Kaya naman pala. Dalagang dalaga ka na ah?? May boyfriend ka na no?? Ayos lang ang mga bata lagi nga kayong hinahanap ni Mich. Ay sorry " Sister Lucy

"Ikaw talaga Sister Lucy kung ano -ano tinatanong mo kay KM ! Halina nga kayot pumasok sa loob. Siguradong matutuwa ang mga bata pag nakita ka KM '' Sister Terie

"ayos lang po yun Sister Lucy" Nakangiti kong sabi kay Sister Terie. Malapit ang loob ko sa kanila at sa mga bata kay di ko maitago ang toong ugali ko. Pero syempre, medyo cold pa din

Sumunod na kami kay Sister Terie papasok sa loob. Kasunod naman namin si Butler Yan

"Mga bata may bisita kayo!! " Sister Terie

"Sino po Sister?? Sila ate ganda at ate cute po ba?? " Ate ganda ang tawag nila sakin. Ate cute naman kay Mich. Haha tinuruan ko eh

"Namiss nyo ba ko?? " pumasok nako sa hall. Di nila ko napansin kasi nakatalikod sila sa pinto.

"Ate ganda!! Waaah!! Namiss ka po namin!! '' sigaw nung mga bata. Nakakamiss naman sila haha

"Sorry ah!? Busy kasi si ate ganda eh! Yaan nyo babawi si ate ok?? "

"Opo!! " sabi naman nila

"Ate ganda asan po si ate cute?? '' Winston. Yung batang laging kalaro at kaibigan ni Mich. Mas matanda kasi ng isang taon si Mich sa kanila

"Ah wala na si ate cute nyo eh.. Nagpapahinga na. Kasama na nya si Papa Jesus "

"Sa heaven po?? Diba masaya daw po dun?? '' Si Micah. Kaibigan din ni Mich

"Oo. Kaya dapat maging mabait kayo para mapunta kayo dun ok?? "

"Opo ate ganda!! "

"Oh sya tama na muna ang kwentuhan. Mga bata maglaro muna kayo sa garden at kakausapin ko muna ang ate nyo ok?? " Sister Terie

"Maya nalang tayo maglaro ah?? "

"Opo ate!! "

Nagtakbuhan na ang mga bata sa garden. Si Butler Yan naman pumunta dun sa mga kwarto kung nasan ang mga baby.

"Iha kamusta ka na? Ayos ka na ba?? '' Sister Terie

"Ayos na po ako Sister. Yun po talaga siguro ang nakatadhana na mangyari " sagot ko at ngumiti ng tipid

"Haaay nakakapanghinayang lang. Ang bait pa naman ni Mrs. Lopez at ng kapatid mo '' Sister Lucy

"Basta kung kailangan mo ng makakausap iha nandito lang ako. Si Sister Lucy. Wag kang mahihiya na lumapit ha?? " Sister Terie. Touch naman ako dun

"Opo Sister. Kamusta na nga po pala kayo? Ang orphanage?? " tanong ko

"Ayos lang kami iha. Alam mo ba, may limang binata ang nagdodonate at dumadalaw sa mga bata. Siguro kasing tanda mo lang din sila " Sister Terie

"Mabuti naman po kung ganon " sagot ko

"Ikaw ba KM may boyfriend na? Ilan na naging kasintahan mo iha?? " si Sister Lucy talaga! Ang lalim haha

"Wala pa po Sister. Wala pa po akong balak " NBSB ako. PROUD TO BE!!

"Mabuti yan iha. Yung sinabi namin sayo ha? Pag maykailangan ka wag mahihiyang lumapit" Sister Terie

"Opo Sister. Puntahan ko lang po yung mga bata " paalam ko bago lumabas. Baka magkaiyakan pa kami eh haha

Lumabas nako sa office nila Sister at dumiretso sa garden. Naabutan ko namang nagtatakbuhan ang mga bata

"Ate ganda lalaro na tayo?? "

"Oo at ako ang taya! Kakainin ko kayo pag nahabol ko kayo!! " tumakbo naman ako at hinabol sila. Nakakamiss to. Dati kasama ki si Mich habang nakikipaglaro. Si dad at si mom naman ang kumakausap kila Sister

"Waaaaah!! Wag ate!!!! " sigaw ng mga bata

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa mapagod. Pinagpawisan ako dun.!!

"Ate ganda iinom lang po kami sa loob!! " Paalam ng mga bata at tumakbo papasok

Naglakad lakad ako sa garden hanggang makarating ako sa swing. Dito kami madalas maglaro ni Mich dati.

Napansin ko naman ang isang batang babae na nakayuko habang nagduduyan. Hindi sya kasama dun sa mga batang kalaro ko kanina. Lumapit ako sa katabi nyang swing at umupo

"Hello! Ano pangalan mo? Ako nga pala si Ate KM!! '' pakilala ko. Mukhang mahiyain eh. Hindi nya siguro kami inabutan

"Hello din po. Ako po si Stacey " ang cute naman ng pangalan nya.

"Ilang taon kana?? ''

"6 palang po " sagot nya pero nakayuko pa din. Hmmm ano ba pwede kong gawin para iangat nya ang ulo nya?? Hmmmm....

"Tignan mo oh!! '' sabi ko sabay labas ng dila ko at kinorteng bulaklak. With matching make face pa.

Nakita ko namang napangiti sya kaya lumabas ang dimples nya. Ang gandang bata!! Ang cute cute pa

"Yan! Dapat lagi kang nakasmile para gumanda ka lalo!! " sabi ko sabay pisil sa pisngi nya

"Pwede ko po ba kayo tawaging mommy? May daddy po kasi ako wala naman akong mommy " sabi nya sabay lapit at yakap sakin. Nagulat naman ako dun. Teka mommy daw?? Pwede rin!

"Gusto mo ba talaga kong maging mommy mo?? "

"Opo!! Sige na po!! " sabi nya sabay kiss sa cheeks ko. Ang sweet

"Sige na nga!! Pero kiss mo muna ulit si mommy sa cheeks!! " feel na feel ko na

"Umuaaaaah!! Yan po!! " may tunog pa!

"Tara na nga sa loob mainit na oh!! " aya ko sa "anak" ko papasok sa loob. Alas -dose na at napakainit na sa labas.

Hawak ko sa kamay si Stacey ng pumasok kami sa loob. Naabutan ko namang magkakausap sila Sister at Butler Yan

"Tara na po Young Lady. Kailangan na po nating umuwi. Napakinit po at baka ma allergy kayo '' Butler Yan. May allergy kasi ako pag naiinitan. Namumula buong mukha pati braso at binti ko

"Sige Mr.Yan. Una na po kami Sister Terie at Sister Lucy. Sa susunod nalang po ulit " paalam ko

"Oh sige iha. Magiingat kayo sa byahe! '' Sister Terie

"Sa susunod na punta mo sama mo na boyfriend mo at ng ma Q&A ko muna!! " Sister Lucy

"Sister talaga! Sige po alis na po kami!! Bye mga bata! Bye baby!! "

"Bye ate ganda!!!!! "

"Bye mommy!! "

Ngumiti muna ko sa kanila bago pumasok sa kotse. Ang sarap sa feeling na makasama ulit sila.

FASTFORWARD

"Akyat na ko Mr. Yan" Paalam ko

"Sige po Young Lady "

Umakyat nako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at init. Buti nalang naka on ang air-con.

"Aaaaah kapagod..... " ako sabay dapa sa kama ko. Gusto kong matulog!!

"Haaaaah.. buti nalang ala akong gagawin bukas. Makakapagpahinga ko " sabi ko sabay hikab

Napipikit na ang mga mata ko ng maulit sa isip ko ang sinabi ko kanina.

"Haaaaah.. buti nalang ala akong gagawin bukas. Makakapagpahinga ko "

"Haaaaah.. buti nalang ala akong gagawin bukas. Makakapagpahinga ko "

"Haaaaah.. buti nalang ala akong gagawin bukas. Makakapagpahinga ko "

Dang!!! May pasok nga pala ko bukas!! Shocks!!!

---------------------------------------------

Thanks po!!

AVC

Continue Reading

You'll Also Like

254K 9.9K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...