Tadhana
Tadhana ang siyang may gawa
Kung bakit tayo ay nagkakilala
Puso natin ay nagkaisa
Para bang wala ng makakapigil pa
Tadhana rin ang siyang dahilan
Kung bakit ako ngayon mag isa't luhaan
Sapagkat ika'y agad sa akin binawi
Ang pagmamahalan natin sinubok ng malaking buhawi
Mahal kita Mahal kita
Hindi ko alam kung makakaya ko pa
Ang magmahal ulit sa iba
Alaala ng nakaraan ay sariwa pa
Mahal ko hintayin mo ako
Paparating na ako
Ilang dekada akong naghintay sa iyo
At ngayon tayong dalawa ay muli ng magkatagpo
Sa lugar kung saan
Ang pagmamahalan natin
Ay walang makakasira
Ikaw at ako ay muling magkakasama.