Among The Boys

By urfavvadi

11.9K 542 141

Isang babae ang mapupunta sa hindi niya nakasanayang pangkat. Do'n niya rin mararanasan at mararamdaman na ma... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19

CHAPTER 10

438 24 1
By urfavvadi


KHIARA PoV

"Ano 'yung mga tanong, Ez?" tanong ko. Kanina pa kasi ako hindi mapakali dahil iniisip ko kung ano ang tanong sa kulay na napili namin ni Ace.

"Hm? Let's start in color Red.." sambit niya at umayos ng upo.

"Ow. Ayusin mo, ah!" tumatawa at nagbabantang sabi ni Drew.

"Make it fast, Ezekiel." ani Blaze.

"Sandali! Napaka-atat niyo naman eh!" giit nito. "Eto na.. Kung may tyansa kayong balikan  sa nakaraan, sino/ano 'yun at bakit?"

Pansin ko'ng naging seryoso ang itsura ni Blaze, si Drew naman ay hindi pa rin mawala ang ngisi na nakaukit sa labi. Maya maya lang ay nagtaas na ng kamay si Drew. Pero naunahan siyang magsalita ni Blaze.

"I think, wala. Puro sakit ang dulot sa 'kin ng nakaraan ko." mapait niyang tugon at ngumiti ng may halong lungkot, sumagot naman kaagad si Drew para alisin ang namumuong kalungkot sa pagitan naming lahat.

"Ako? Hahahaha! 'Yung panahong nanligaw ako, nung first year pa lang tayo. Dahil, p*tcha! Pinahiya niya 'ko no'n! Dapat pala nakinig na lang ako sa kapatid ko. Hahahha!" tumatawa nitong saad, nagtawanan naman ang Class-10 dahil do'n.

"Oo, si Mary!"

"Ang ganda naman kase no'n, pre! Hahaha!"

"Kawawa ka naman!"

"Better luck next time, Dominguez."

"Hahaha!"

Kantyaw ng Class-10. Siguro ang iba sa kanila ay lasing na. Inuman sila ng inuman kanina pa eh. Hindi naman nagtagal ang tawanan nilang 'yon dahil pinagpatuloy na nila ang pagtatanong.

"Okay, now.. Color black." sambit ni Ez, napatingin ako sa kaniya. Sana madali lang ang tanong na 'yan at kaya ko'ng sagutin. Hihihi.

"Who's your favourite person?" dugtong pa niya. Nilingon ako ni Ace at sinenyasan ako'ng ako na ang maunang sumagot.

"Si Mama, si Mama dahil parati siyang nandya'n t'wing kelangan ko ng tulong, kausap at kelangan ko ng kasama.. " mahaba kong lintaya habang nakangiti.

Napangiti naman sila dahil sa sagot ko. Tumingin ako kay Ace dahil siya naman ang susunod.

"Avery.. my younger sister." tipid nitong sagot.

Ha? Ang ikli niya mamang magsalita.. Hayaan na nga, baka ganyan talaga siya.

"Woah! Okay now, color blue!" masayang wika ni Ezekiel. Napatingin ako kay Ashton dahil 'yon ang kulay na napili niya. Walang reaksyon ang mukha niya at parang bagot na bagot siya.

"Who's your Idol?" seryosong sambit ni Ezekiel na kinalaki ng mata ko. Eh? 'Yun ba talaga ang tanong!? Pft! Hahaha

"Seriously?! Idol?! I don't have!" asik ni Ashton dahilan upang matawa ako. "What's funny, Khiara?" malamig na sabi niya.

Kinagat ko ang pag-ibabang labi para pigilan ang tawa saka umiling. Seryoso ba siya? Wala siyang iniidolo?. Psh. Kalokohan.

"Next, wait mamaya na kayo sumagot. Sabay ko ng sasabihin ang tanong then sumagot na lang kayo. Hehehe." nakangiting sabi ni Ezekiel.

"For color green, Real name of parents. Color pink, Ano ang pinaka-embarrassed moment mo?" dugtong pa niya. Bigla namang naging seryoso si Dashil at nagpipigil ng tawa si Xiannn.

"What the fvck! 'Yan ba talaga ang tanong, Ezekiel!? Ginagago mo ba 'ko!?" pasigaw niyang asik.. na hindi naman pinansin ni Ez. "Dylan and Farrah are the names of my parents." labas sa ilong niyang sagot.

"Ako naman! Hahahaha! Pumunta 'ko sa Mall kasama ko si Ysa, my cousin. Bumibili siya no'n ng heels, bags, make-ups. Then, Hahaha! May kapareho siyang damit that time, hinawakan ko ang braso ng babae at inakbayan! Hindi ko alam na may jowa 'yung babae at hindi ko rin kase napansin na hindi 'yon si Ysa! 'Ayun, nabugbog ang gwapo ko'ng mukha! Hahaha!" mahabang kwento ni Xiann.

Napuno ng tawa ang bahay dahil do'n! Hindi kase tumitingin! Hahaha!

"Hahaha! Color, grey and orange.. Color grey, nagmahal ka na ba o nagmamahal pa lang? For color orange, What if Lia leave you?" tanong nito, sino si Lia? Girlfriend ni Jack?

"Me? Yeah? I think. Hahaha!" tumatawang sagot ni Dark habang nakatingin sa 'kin. 'Bat sa 'kin siya nakatingin?

Nakita kong tumingin sa gawi ko si Ashton. Bakit din siya nakatingin? Ngumuso na lang ako saka nakinig.

"What?! That's too personal, Mr. Lopez! My sister won't leave me!" pagpoprotesta ni Jack. Kapatid niya pala si Lia.

"Oh, come on, Ezekiel! Nagpahuli ka talaga ah!? Baka sinasadya mo 'yang tanong mo!" banat ni Dark, pero hindi tumawa si Ez.

"The question in color maroon is.. Kung may gusto ako'ng kalimutan, ano/sino 'yun at bakit?" mapait siyang ngumiti.

"My answer is, 'yung pain na dulot ng pag-iwan samin ni Mommy, sa 'kin. Dahil grabe suffer ko no'n pre! Ang hirap. She said, she'll come back, 'tas hindi na pala? Paasa ang punyeta! Hahaha!" sagot nito at pilit na tumawa.

Nilingon ko siya t'saka nginitian ng matamis.

"Pwede mo namang maging Mommy si Mama eh." suhestyon ko, ngumiti siya ng matamis saka tumango.

"Kami rin, Khiara!"

"Andaya, si Ezekiel lang!"

"Kami riiiin!"

Class-10. Sakto namang lumabas si Mama galing kusina, gising pa pala siya. Akala ko nauna na siyang umakyat sa 'kin.

"Pwede naman 'yon mga iho. Ayos lang sa 'kin." nakangiti nitong sabi.

"Yown! Thanks, Tita." si Dark.

"Wooo! Salamat, Tita." sina Ezekiel, Blaze, Drew, at Xiann.

"Wala pa ba kayong balak magsi-uwi? Anong oras na? Alas tres na ng madaling araw." nag-aalalang wika ni Mama.

Hindi namin napansin ang oras, kaya rin pala inaantok na 'ko. Hehehe. Nagligpit kami at naglinis, kahit sinabi kong ako na ang bahala ay hindi sila pumayag.  Nang matapos kaming maglinis ay nagpaalam sila kay Mama at inihatid ko sila sa labas.

"Bye, Khiara!" sabay-sabay nilang sabi.

"Bye, ingat kayong lahat!" nakangiti ko'ng sabi.

"Mga anak, naka-inom na kayo ano kaya kung dito na lang kayo matulog?" nasa likod ko pala si Mama.

"Thanks but no thanks, Tita. Kaya pa naman po namin." sagot ni Ezekiel.

"Oh siya sige. Mag-iingat kayo." paalala ni Mama.

"Yes, Tita!" sabay-sabay ulit nilang sabi na may halong saludo pa.  Natawa ako ng bahagya dahil sa inasta nila.

Nang umalis sila ay hindi na rin ako nagsayang ng oras at umakyat na sa itaas. Sandali ako'ng nagpaalam kay Mama. Naligo ako saka natulog.

◐◐◐

Tinanghali ako ng gising, mabuti na lang at walang pasok. Dumeretso ako sa banyo para maligo at mag-toothbrush, matapos no'n ay lumabas ako at tiningan ang katapat ng kwarto ko, ang kwarto ni Mama pero wala na siya do'n. Sigurado ako'ng nagluluto na siya.

"Good morning, Mama." bati ko at humalik sa pisnge niya.

"Good morning, Anak." balik-bati niya habang nagluluto ng pananghalian.

"Khiara, ikuha mo nga ako ng tubig! Ipagtimpla mo rin ako ng kape!" boses ni Papa.

Dali-dali ako'ng kumilos, takot na mapagalitan niya. Iniabot ko iyon sa kaniya ng matapos ko. Nginitian ko siya at binati, ngunit wala ako'ng natanggap na kahit anong tugon.

Nakayuko ako'ng bumalik kay Mama. Nang nasa harap ko na siya ay pinilit kong ngumiti, maya mayay nagsalita siya.

"Anak, pumunta dito sina Ezekiel at Dark." sambit niya, "Lumabas daw kayo mamayang hapon tapos mamayang gabi naman ay may selebrasyon sa mansion daw ni Ashton." dugtong niya pa.

Nagtataka ko naman siyang tinignan, wala ako'ng maintindihan sa sinasabi ni Mama. Saka, anong meron at mag-ce-celebrate sa bahay ni Ashton? Bakit kasama ako?

"Halika na, kumain ka na. Para makapag-handa ka na." sambit ni Mama, kahit naguguluhan ay tumango ako at tinulungan siyang maghanda.

Tahimik lang kaming tatlong kumain. Matapos no'n ay nagpresinta ako'ng ako na ang maghuhugas pero 'wag na daw sabi ni Mama, ang gawin ko na lang daw ay maligo, magbihis ng maganda dahil aalis daw ako.

Ha? Ano bang nangyayare? Kung aalis kami 'bat 'di nila ako tinext? Psh!

"Khiara?" boses ni Mama, nasa labas. "Bilisan mo na dya'n!" dugtong pa niya.

"Opo!"

Ang suot ko ay pink blouse na may tali sa magkabilang gilid sa bandang laylayan, black faded jeans, at white shoes. Hindi ko naman alam kung sa'n ang punta namin kaya ito na lang ang suot ko.

"Kanina pa naghihintay sina Ezekiel, Dark at Drew sayo.." sambit ni Mama ng makababa ako.

"Magandang hapon, Khiara." bati ni Dark. Napakaganda ng ngiti niya, nakakahawa.

"Magandang hapon din." magiliw kong balik-bati.

"Tara? Nando'n sa entrance ng village naghihintay 'yung dalawa. Papunta na din daw kase 'yung kaklase natin." nakangiti niyang sabi.

"Ah, gano'n ba? Sige!" sagot ko saka naglakad papunta kay Mama. "Ma? Aalis na ho kami. Bye!" baling ko sa kaniya at humalik sa pisngi niya.

"Sige na. Dark, iho alagaan mo ang anak ko ha?" bilin nito kay Dark.

"Yes. Of course, Tita!" abot-tenga na ngayon ang ngiti niya with matching saludo pa.

Ansaya niya naman siguro? Wow, ah! Hindi napapagod kakangiti.

"Come on, Khiara." tumango na lang ako upang pagsang-ayon kay Dark.

Naglakad kami papunta sa labas. Kwento siya ng kwento, ako naman ay tawa ng tawa dahil nakakatawa siya t'wing nag-ku-kwento.

"Anong favorite drink mo?" ngayon ay iniba niya na ang topic. Napagod siguro! Hahaha.

"Uhm-Chuckie!" masaya kong sagot. Napalingon ako sa kaniya dahil halos mamatay siya sa kakatawa!

Nakahawak pa siya sa tyan niya habang tumatawa! Ngumuso ako at sinamaan siya ng tingin! Anong nakakatawa sa chuckie? Eh 'yun naman talaga ang paborito ko!

"A-Ano bang n-nakakatawa?" nakanguso kong tanong.

"K-Kasi, hahaha! C-Chuckie!? Hahaha! Ang c-cute! Hahaha!" halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya sa kakatawa eh!

"Cute pero tumatawa ka! Halos mamatay ka na!" pagmamaktol ko.

Tumigil naman siya sa kakatawa saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nagsasalita siya pero wala sa kaniya ang atensyon ko.

Pamilyar na bulto ng lalake at babae ang natanaw ko. Halatang nagtatalo sila, unti-unti ko'ng naaninag at nakilala ang bultong 'yon.

Sina Dashney at Shainna.

Bakit nandito sila sa may park, sa entrance ng village namin? At bakit hindi nakabalik si Dashney kagabi?

Susunod..

Continue Reading

You'll Also Like

56.2K 2.5K 36
α΄…Ιͺᴠᴇʀɒᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅΙͺΙ΄Ι’ ᴛᴏ ʙᴇ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› ᴏʀ α΄…α΄‡α΄ α΄‡ΚŸα΄α΄˜ ΙͺΙ΄ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› α΄…ΙͺʀᴇᴄᴛΙͺᴏɴꜱ.
32.6K 2.6K 30
Denique is an innocent virgin girl who met the young don and fell inlove. Read to find out moreπŸ“š
38K 1.2K 17
To save her sister from a cruel marriage, sacrificed herself to the womanizer king.
572K 2.2K 62
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!