Once in a Lifetime (Valdemora...

By anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... More

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 33

97 3 0
By anchoraigee

He stayed at my office and we both ate the lunch together. I informed him that Jhared just arrived earlier. Sabi niya ay hindi man lang daw ito nagpasabi.

Kahit na ganito ang senaryo minsan sa amin ay hindi nakakasawa. We can do this forever. Basta't siya iyong kasama ko, walang bagay na nakakasawa.

"Thank you for this. Wala man lang akong naibigay sa'yo ngayon." Hindi ko mapigilang mapasabi ng ganoon.

Walang espesyal na okasyon naman sa ngayon. We only give each other some gifts every special occasions like our anniversary. Sa kanya yata ay walang exception.

"It doesn't matter. Naging kumpleto na buhay ko noong naging tayo na. So why bother giving me a gift? Mayaman ako, 'di ba?" biro niya sa akin.

Lagi namang ganoon ang kanyang nagiging sagot. Syempre, kahit minsang nakakapagbigay ako ng regalo sa kanya, iisipin niyang gumastos na naman ako.

It's like my way of making him happy. Minsan na nga lang ako gumawa ng ganoon ay nakukuha niya pang punain.

"Alam mo, you're just being yourself again. Bawal ka bang bigyan kita ng regalo?"

He stopped eating for a while. Nakabukas iyong laptop niya at paminsang iginagawi ang tingin doon. Wala naman siyang nagiging meeting pero tingin ko ay masyadong importante ang kanyang ginagawa.

"Hindi naman. Kapag nag-break tayo, doon mo lang ako bigyan ng regalo." Nangunot ang noo ko.

"What? Why?"

"Kasi mawala ka lang sa buhay ko, parang nawala na rin iyong pinakamagandang regalong natanggap ko. So that's the time where you will give me a gift. Obligado ka na kapag nangyari iyon," sagot niya na ikinasimangot ko.

Ewan ko ba rito kung bakit ganito ang kanyang mga naiisip. Gusto yata nitong maghiwalay na kami, eh.

"So you want me to break up with you? Maghihiwalay na ba tayo?"

"It's up to you. Pero suggestion lang, ah? Kung pwede ay huwag kasi ayokong mabigyan ng regalo. Okay?" natawa ako. Goodness. Ang tapang magsuhestyon ng ganoong bagay tapos duwag naman pala kapag ako na ang nagsalita.

"Hindi naman kita hihiwalayan. I'm just testing you. Pero kung gusto—"

"Hindi nga. Stop imagining some things like that. Magpapakasal pa tayo."

I narrowed my eyes. Balak nga niya akong pakasalan pero wala namang singsing na inilalabas.

He has lots of plans but the wedding is too expensive for him to think about. Laging nagsasabing magpapakasal pero apat na taon na, wala pa naman.

Hindi naman sa demanding ako. Handa naman ako kung tatanungin na niya. Nahihiya rin naman ako minsang magtanong sa kanya kasi parang ang dating niyon para sa akin, pini-pressure ko siya kahit hindi naman.

"Kailan ba ang kasal?" Itinuloy ko ang kain. Nakisabay na rin siya saka nagulantang lang ng kaunti sa itinanong ko.

"Hindi ko nga rin alam. Pero baka malay mo, baka paggising mo isang araw, may singsing nang nakalagay dyan sa daliri mo."

"Talaga?"

"Syempre joke lang. Hindi naman ako magpo-propose sa'yo na tulog ka. I want to slid the ring on your finger while you're awake." Hinampas ko siya. Ang seryoso ng usapan tapos hahaluan ng ganoon.

"Gusto kitang murahin, alam mo ba iyon?"

"Uy, huwag. Mahalin mo na lang ako." He smirked and then stood up for a kiss but I avoided my face.

Tsk. Ewan ko sa kanya. He's being childish again. Ganyan siya minsan pero hindi naman nakakasawa kasi sanay naman na ako.

We just continued our eating time. Naging matagal ang pananghalian namin kasi may pagkakataong may tumatawag sa kanya. I also did my thing here. Binibigyan niya ako ng tingin tuwing tatayo ako at sasagutin din ang tawag ng kung sino.

Kapag sa trabaho naming dalawa, pareho naming suportado ang isa't isa. He's even supporting me on my future plans. Kasama na roon ang pag-aral ko para maging piloto.

Wala raw siyang pakialam kung siya ang magbayad ng lahat ng babayarin ko basta't sa huli, maging matagumpay lang daw ako ay ayos na. And me, being the usual didn't allowed that.

Okay na sa akin iyong buong suporta niya. I can pay for all. Biro ko nga sa kanya dati ay papayag lang ako na ganoon ang set-up kapag nag-propose na siya sa akin. And until now, he's still not doing his move.

Minsan ko na ring tinanong ang mga pinsan ko tungkol sa bagay na iyon. And they all denied that Jacob's planning something. Kasi iyon naman ang pumasok sa isip ko na kapag may plano siya, sila ang mga kasabwat.

Just like before when Jacob confessed his feelings. Sila ang unang napagsabihan at parang binigyan pa siya ng motivation.

Sigurado naman akong kayang-kaya ni Jacob na gumawa ng kilos mag-isa. He can do all of it alone. Sa pagpaplano ay gamay niyang gawin ang mga iyon pero may mga taong nasa likuran din ng lahat ng iyon.

Nang mukhang sa tingin ko ay tapos na obligasyon ko ay napunta ako sa harapan niya. Mukhang nasa meeting siya dahil naka earphones ito at patango-tango, iniintindi ng maigi ang pinag-uusapan.

He glanced at me the moment he saw me standing right in front of him. Sumenyas ako sa kanya na lalabas na muna ako para bilhan siya ng merienda.

Hindi niya ako naintindihan kaya't ibinuka niya ang bibig. I grabbed a piece of paper and then wrote it down instead. Pero bago ko pa maipakita iyon sa kanya ay isang inis na tono na ang narinig ko.

"What? Wala akong pakialam. Kinakausap ko girlfriend ko rito tapos sisigawan mo ako?" Napaangat ang tingin ko sa kanya at kitang-kita ko ang tila sarkastiko sa kanyang mukha. He looks calm but his tone is not in the mood.

Hindi ko marinig kung ano bang sinasabi sa kanya dahil naka earphones pa rin ito.

"Ano ngayon? Kita nang may kausap ako, sumasabat sa may usapan. You can cancel this and leave me the fuck alone. Wala akong pakialam kung matanda ka pa sa akin. Suntukin kita dyan, eh." And then he turned off his laptop immediately.  "Tangina nito, ah?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula sa kanya. Hawak ko pa rin iyong papel sa kamay at napapalunok ng matigas.

From being annoyed, his look suddenly changed to the usual one. Iyong kalmado at wala akong nababahirang kahit na anong galit. He looked at me softly and then stood up.

"Ano nga ulit iyon?" malumanay niyang tanong.

Parang umurong bigla ang dila ko dahil gulantang pa ako mula sa pagkakarinig ng mga sinabi niya kanina.

Bibili lang naman ako ng merienda pero bakit umabot sa ganoong punto? Ni hindi niya man lang ako hinintay na ipakita sa kanya iyong sinulat ko.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Isinilid niya sa bag iyong laptop at isinabit na sa balikat.

"Iyong matandang ka-meeting ko kasi. Alam nang kausap kita tapos bigla ba naman akong sigawan? Akala niya ba hindi ko siya papatulan?"

Matanda? Minura niya ng ganoon kalutong?

"Eh ba't mo sinagot? Bopols ka rin, eh."

"Ako pa talaga? Mas importante ka kaya sa akin kaysa sa mga trabaho ko. Kaya uunahin ko iyong importante kaysa hindi. Kaya inuna kita. Bahala sila dyan basta't maging priority lang kita.You won't be a second choice for me."

Napakagat ako sa labi nang marinig iyon. Ang sama ko na ba kapag sinabi kong parang ang ganda pa ng ginawa niya?

"Bibilhan lang naman sana kita ng merienda, eh. Tinapos mo naman kaagad iyon." He held my waist. Nakaayos na rin kasi ako.

"I'm still full. Saan tayo pupunta?" Nakalimutan na niya iyong meeting niya. We went out of the office.

"Hmm. We can go home now. Bukas na lang ako pupunta kina lola. I have no work tomorrow so I'll be at their house." Nakarating na kami sa parking lot saka napapasok sa kotse.

"Alright. Anong oras ka ba bukas? I still need to go to Galleria to check the workers there. Sabay na lang tayo pumunta sa kanila." I shook my head.

Kita mo na. Talagang gagawa ng paraan para lang makasabay sa akin kahit na mayroon siyang trabaho.

Hindi naman ako tutol doon pero kasi, may mga importante din naman siyang ginagawa. Hindi naman pwedeng magmadali naman siya sa pagbisita roon tapos sumabay sa akin.

"No. I'll be driving alone tomorrow. Gagamitin ko iyong isang kotse tapos sumunod ka na lang sa akin doon. My cousins informed me that they will also be there for tomorrow. Sumunod ka na lang, okay?" suhestyon ko sa kanya.

He breathed deeply and gave me a pleading look. Hindi umubra sa akin iyon kasi pareho kaming may kanya-kanyang ginagawa.

"As if I can do anything?" He drove the car. Naroon na naman ang paghawak niya sa kamay ko saka pasipol-sipol habang nagmamaneho.

Tomorrow's my free time and I am going to give it to my grandparents. Matagal na rin kasing hindi kami nakakapunta roon dahil sa busy na schedules.

Sinabihan ko na nga sina lola na sa bahay na lang tumira kasama si mama kaso ayaw naman nilang iwanan ang bahay doon sa probinsya.

They love living there. Halos wala namang nagbago roon. Medyo nadagdagan lang ng ibang mga bahay. And they are wishing the best for us. Approve naman sa kanila si Jacob kasi matagal na naman nila itong kilala.

Pagkarating sa bahay ay ginawa na namin ang routine namin. He cooked for the food again and I cleaned myself.

Mukhang wala na siyang naging balak na buksan ulit iyong laptop. He threw it on its exact place and didn't touched it again. Parang sumpa na sa kanya kapag hinawakan pa iyon. Parang ilang mura na naman ang makakalabas sa kanya kapag nagawa iyon.

Sinusuklay ko pa lang ang buhok ko nang mapunta sa kusina. I caught him cooking while fiddling on his phone. Nakangiti ito habang may tinitignang kung ano roon.

I neared myself to him and I poke him. Napatalon siya ng kaunti dahil doon saka mabilisang itinago ang phone.

"What's that? Anong tinitignan mo?" usisa ko sa kanya.

He swallowed like he did something wrong. Kita ko ang pawis na namuo sa kanyang noo at mukhang hindi inasahan ang biglang pagdating ko sa kusina.

"H-huh? Wala naman. Ginulat mo naman ako," he answered. Tinanggal niya ang eye glasses saka marahang pinunasan ang noo.

My eyes started narrowing at what he did. Nakatingin siya sa akin na parang na-guilty sa kilos na kanyang ginawa.

"Seryoso, ano nga? What are you looking at your phone? Bakit bigla mong tinago?" Nag-umpisa nang tumaas ang kilay ko. I crossed my arms and then looked at him straightly.

"Nothing. Wala namang masyadong importante roon. It's just something that's not worth of your time."

"Oh? Talaga? Bakit pangiti-ngiti ka? Are you watching some porn?" kompronta ko rito. Inilapat niya ang kanyang palad sa labi ko nang sabihin ko iyon.

Of course, he's a man. Minsan ay mga ganoong pangyayari naman talaga. And there's nothing to deny if it is true. Tinatanong ko lang naman siya.

"Of course not!" natatawa niyang sagot. "I'm not watching that. Look, it's not important okay?"

"Then why are you smiling? May tinitignan ka ano?" mas lalo siyang napailing doon.

Kahit dati naman ay hindi ko siya nakitang tumitingin sa iba. And I am sure that it's not a woman because his attention cannot be diverted to someone.

Kahit gaano kaganda ang kanyang kaharap, basta't alam niyang may mahal siya ay hindi mahahati ang kanyang atensyon. He's loyal. Wala naman akong nagiging issue sa kanya tungkol sa mga ganoong ideya.

"Wala nga, eh. Look, it's not what you think. Assure yourself that I am not hiding something—"

"Then why did you hid your phone? Jacob, sinasabi ko sa'yo. Ayokong magalit hangga't nae-explain mo sa akin kung anong nangyari." I said to him. "Why are you smiling? You're being secretive to me."

Mas lalo niya akong inilapit sa kanya. Poker face lang ang mukha ko. Hindi naman galit o naiinis. I just want to know about that thing he's hiding.

Gaano ba kahirap iyon na ipakita sa akin? Do I need to please him? Nagiging curious lang naman ako.

"Baby—"

"Don't call me that. Ano nga?" malumanay kong tanong pa rin. Napakamot siya sa batok at mukhang hindi na alam kung ano bang gagawin.

Naluto na iyong kanyang niluluto kaya isinalin na muna iyon sa lalagyan bago ako hinarap ulit. Gusto ko pa rin siyang komprontahin.

"Okay, I'll tell you now," he added. "Barkada ko kasi, nagpapatulong sa akin para sa kanyang proposal. He showed me the ring earlier so I am smiling. Sadyang nagulat lang ako kasi baka makita mo tapos baka sabihin mo, nagpaplano akong bumili para sa'yo."

That hit me. Nagulat ako saka hindi napigilang mapahinto pati ang pag-iisip.

Hindi naman tunog insulto iyon sa akin. Hindi niya lang gustong mag-assume ako kaya bigla niyang itinago iyong phone. And my mind became lighter at that.

Hindi ako nagtampo sa kanya.

"Ganoon ba? Can you show me the ring, then?" He got no choice. Kinuha niya iyon phone saka ipinakita sa akin.

Maganda. Ewan ko pero bigla kong naramdaman na parang para iyon sa akin kahit na alam kong hindi naman. May kulay pulang dyamanteng nakapatong tapos sobrang simple lang ng itsura. I think it's ruby and it made me in awe for a while.

Hindi ko namalayang masyado na akong nakatitig doon. I know that he's looking at me with his apologetic eyes. Kaagad niyang ibinalik iyon sa kanyang bulsa.

"I can buy something for you more than that. Don't be sad. Enggrandeng kasal naman ang ibibigay ko sa'yo," he hugged me. Hindi naman ako naiinggit. Sadyang nagandahan lang ako sa itsura ng singsing.

"Idiot. Nagandahan lang ako. Akala ko kung ano na ang tinitignan mo tapos wala ka pang balak na ipakita."

Continue Reading

You'll Also Like

591K 27.1K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒐𝒈...
221K 16.3K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
KASHI By stuckinatale

General Fiction

396K 19.8K 42
"So, Mrs. Kashi Abhay Pratap Singh..chalte hai. Goodbye..". Saying this, he left her broken in this world of betrayal. ~~~~~~~~~~ Kashi, a simple gir...
444K 16.2K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...