Ang Mahiwagang Puso

By sobercatnip

10.7K 1.1K 494

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Ang Huling Kabanata

Kabanata 26

254 40 21
By sobercatnip

Napuno ng tawanan at kuwentuhan ang buong lamesa nang maghapunan silang lahat sa malaking bahay nina Dominic. Si Lia at Vice ang madalas na bumibida sa hapagkainan dahil sa nakakatuwa nilang mga kuwento at biro. Kahit pa bago pa lang silang magkakilala ay tila komportable na sila sa isa't-isa. Hindi naman mapigilan ni Anne, Vhong, Dominic, at Manang Tasing ang sobrang matawa dahil aliw na aliw rin sila sa dalawa.

Habang pilit at tipid na ngiti lamang ang naipapakita ni Alena dahil tila siya lang ang hindi talaga natutuwa sa kanyang natutunghayan. Magkatabing nakaupo sina Lia at Vice, habang magkatapat naman sila ng huli. Gayunpaman, hindi siya nito magawang tignan at nakatuon lamang ang atensiyon sa kanyang katabi o sa iba nilang mga kasama.

Naiinis rin si Alena dahil pinakiusapan pa ni Lia si Manang Tasing na magluto ng iba't ibang pagkaing-dagat katulad ng inihaw na isda, adobong pusit, at sinabawang sugpo. Maluha-luha pang tinignan ni Alena ang pagluto ng mga ito kanina sa kusina.

"Naku, Manang Tasing! Amoy palang po talaga, ulam na! Maraming salamat at pinagbigyan niyo po ako ni Doms. Matagal-tagal na rin ho kasi akong hindi nakatikim ng seafood na kasing-sariwa ng mga 'to. At ang mahal pa masyado ng mga ganito abroad," masiglang turan ni Lia habang hinahalo ni Manang Tasing ang adobong pusit at hinihintay na maluto ang inihaw na isda.

Hindi naman mawari ni Alena ang kanyang mararamdaman nang makita kung gaano katakam si Lia sa mga pagkaing-dagat na ihahain nila para sa kanilang hapunan. Nais niyang sabunutan ang may pakana nito ngunit alam niyang wala naman na siyang magagawa.

"Nawa'y matahimik pa rin ang inyong mga kaluluwa, at gabayan kayo ni Bathala sa paglangoy niyo patungong Devas," mangiyak-ngiyak niyang bulong sa mga sugpong kakatapos lang hugasan ni Lia. Hindi naman ito napansin ng mga kasama niya sa kusina dahil abala rin ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Alena ay may isang tao palang nakarinig at nakakita ng kanyang ginawa. Natunghayan na niya ito noon nang una pa lang silang nagkakilala ni Alena, kaya palihim siyang napangiti at nagkunwari na lamang na hindi niya napansin ang ginawa ng sang'gre.

Tanging kanin, mga gulay at prutas lang ang piniling kainin ni Alena sa mga hinain nila Manang Tasing para sa hapunan. Hindi katulad ng mga taong kasama niya, hindi siya nakakaramdam ng gutom kaya ayos lang na hindi siya kumain ng marami.

Natapos ang kanilang munting salu-salo nang hindi pa rin siya kinakausap o tinitignan ni Vice. Nainis naman si Alena sa kanyang sarili dahil tila malaking problema para sa kanya ang hindi siya pinapansin ng huli. Dapat nga ay magpasalamat pa siya dahil wala ng asungot na nangungulit o nang-aasar pa sa kanya, ngunit bakit niya ito hinahanap-hanap?

Palihim lamang na pinagmamasdan ni Alena si Vice at Lia na masayang nagkukuwentuhan kasama sina Anne at Vhong, habang katabi niya naman si Dominic na abala sa pagbabasa ng libro. Minungkahi kasi ni Lia na tumambay muna sila at mag-inuman saglit sa sala ng bahay bago tuluyang magpahinga at matulog. Sumang-ayon naman ang iba dahil hindi pa sila dinadalaw ng antok.

Ilang minuto na ang nakalipas simula nang magkuwentuhan sila ngunit hindi pa rin makuhang tignan ni Vice si Alena. Mayamaya ay nagitla silang lahat nang biglang tumayo si Anne, "Oh my gosh! Now I know why you look so familiar!" turo niya kay Lia na napangiti lang. Napansin rin kasi nito na kanina pa siya tinititigan nang huli.

"Kahawig mo si Bea!" kunot-noo namang nakatingin kay Anne ang lahat maliban kay Vice na nanlaki ang mga mata sa sinabi ng kaibigan.

"Sinong Bea?" biglang nagtaka si Lia at napatingin rin sa katabing si Vice.

"Vice's supposed fiancée! Yung babaeng ipapakasal sana sa kanya ng lolo niya a few years ago," maligalig na sagot ni Anne dahilan para pandilatan siya ng matalik niyang kaibigan.

"Naks, brad! Ikaw? Ikakasal? Bakit hindi mo naman sinabi sa'min? At bakit hindi mo tinuloy?" pang-aasar pa ni Vhong kaya mabilis siyang hinampas ni Vice ng mga unan.

"Oo nga, Vice. Why didn't you?" nakangiting tanong ni Dominic na tila interesado ring malaman ang kuwentong iyon tungkol sa kaharap.

"Yeah, baks! Why didn't you?" pangungulit pa ni Anne dahilan para siya naman ang makatanggap ng hampas galing kay Vice.

"Teka nga! Ano ba kayo? Hindi pa ba obvious?" giit ni Vice at kunwaring inis na napaayos ng kanyang pag-upo. "At isa pa, may iba pa akong mga plano sa buhay noong mga panahong yon."

"But what about now?" singit ni Lia at mas lumapit sa kanyang katabi. "May mga plano ka na ba ngayong magpakasal with someone?"

Hindi naman agad nakasagot si Vice sa naging tanong sa kanya ni Lia. Iisang tao lamang ang biglang pumasok sa kanyang isipan ng mga oras na iyon pero pilit niya 'tong binalewala, gayung alam niyang wala namang itong patutunguhan.

"Uy, ano na? Did some things change? Nasa plano mo na ba ngayon ang magpakasal?" pangungulit ni Lia na mukhang may tama na rin ng alak.

Dahil dito ay pilit lang na napangiti si Vice at nakaisip ng kalokohan para maiba na ang kanilang usapan. "Oo, kung papayag ka," pagbibiro nito at kunwaring nagpapogi pa na parang action star kay Lia.

Nangibabaw naman ang tawanan at asaran sa buong sala ng bahay dahil sa ginawa ng huli. Tawang-tawa sina Lia, Anne, Vhong, at Dominic dahil batid naman nilang nagbibiro lang si Vice.

Ngunit, salungat sa kanilang reaksiyon ay unti-unting napayuko si Alena, palihim siyang napahawak sa kanyang puso dahil sa hindi inaasahan at hindi maintindihang pagkirot nito.

Sa pagkakataong iyon ay pasimpleng napatingin si Vice sa kinauupuan ni Alena. Siya lamang kasi ang nakapansin sa biglaang pagkilos ng sang'gre. Akmang kakamustahin niya sana ito nang bigla naman itong tumayo at nagpaalam upang matulog.

"Alena, sandali. Ihahatid na kita sa kwarto mo," pagtayo ni Dominic at inilapag ang hawak niyang libro sa tabi ng kanilang mga inumin.

"Hindi na kailangan. Kaya ko naman na ang sarili ko. Magpatuloy nalang kayo sa inyong kasiyahan," pilit na ngumiti si Alena sa binata at sa iba nilang kasama maliban kay Vice na nakatingin na sana sa kanya.













Kinaumagahan, pinili ni Alena na wag na munang lumabas agad ng kanyang silid. Nanatili siyang nakahiga sa kanyang kama at nakatingala lamang sa kisame na para bang napakalalim ng kanyang iniisip. Agad tuloy siyang napatakip ng unan sa mukha nang maalala ang mga nangyari at mga nalaman niya kagabi. "Eh ano naman ngayon kung yon ang kanyang naging sagot tungkol sa pagpapakasal? At ano naman ngayon kung ang babaeng yon ang balak niyang pakasalan? Hindi mo dapat iniisip pa ang mga ganoong bagay. Isa kang mahiwaga at makapangyarihang sang'gre, Alena, hindi dapat ang mga tagalupang tulad ni Vice ang nagpapagulo sa iyong isipan," naiinis niyang turan sa sarili.

"Mas mabuti pang ilaan mo nalang ang iyong pag-iisip sa mga hakbang na gagawin niyo upang makuha at maibalik na talaga sa'yo ang brilyante," pagpatuloy niya at biglang napaupo sa kanyang higaan. "Tama! Iyon nga, Alena! Ituon mo nalang ang iyong buong atensiyon kung paano mo makukuha ang iyong brilyante. Simula ngayon, huwag na huwag mo ng hahanapin ang pagmumukha ng tagalupang iyon."

Ilang sandali lang ay nakarinig siya ng marahang pagkatok sa kanyang pinto. Nilingon niya ito at agad na napatayo upang buksan sa pag-aakalang si Manang Tasing o si Anne ang nasa likod nito. Kanina pa kasi siya paulit-ulit na kinakatok ng dalawa upang yayaing mag-agahan ngunit panay "mamaya na lang" ang kanyang sagot.

Subalit agad na natigilan si Alena nang tumambad sa kanya ang taong balak niyang iwasang makita, makasalubong, o makausap ngayong araw.

Bahagya siyang natulala rito at unti-unting napatingin sa hawak nitong tray na may nakapatong na isang plato ng kanin, tortang itlog, ilang piraso ng pritong manok, at isang baso ng gatas.

"Hindi mo manlang ba ako papapasukin?" seryosong tanong ni Vice kaya wala sa sariling napaatras si Alena at pinapasok ito sa kanyang silid.

Walang imik na pinagmasdan ng sang'gre si Vice habang pinapatong nito ang mga dala niyang pagkain sa lamesa malapit sa higaan.

"Sabi ni Manang Tasing at Anne, hindi ka pa raw nag-aalmusal. Kumain ka na, bago pa lumamig tong dala kong pagkain," walang emosyon ang mukha ni Vice at komportableng naupo sa kama ni Alena.

"Nakalimutan mo na yatang hindi ako nakakaramdam ng gutom," seryosong sagot ng sang'gre. Bakas sa mukha nito na ayaw niyang makausap ang kaharap.

"Katulad ng hindi ka nakakaramdam ng antok, pero maaga kang natulog kagabi?" sarkastikong turan ni Vice habang mataman na tinititigan si Alena.

Inis namang napa-iwas ng tingin ang huli kasi hindi niya maintindihan ang dahilan kung bakit pinapansin na siya muli ng kanyang kasama.

"Pakisabi kina Manang Tasing at Anne na salamat sa inihanda nilang pagkain. Makakaalis ka na," walang emosyong giit ni Alena at akmang bubuksan ang pinto nang magsalita ulit si Vice.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka kumakain," at komportable namang nahiga sa kama ni Alena sabay pikit at nagkunwaring matutulog.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" masungit na tanong ng sang'gre dahil sa bigla-biglang pagbago ng pakikitungo ni Vice sa kanya.

Ngunit kahit bakas na sa boses ni Alena ang pagka-inis ay tila hindi natinag ang huli. Sa halip na sumagot ay inayos pa nito ang kanyang pagkahiga. "Kusa ka bang aalis o kakaladkarin kita palabas?"

"Ang sabi ko, hindi ako aalis dito hangga't hindi ka kumakain. Kaya kumain ka na diyan," utos ni Vice na siyang nagpainit pa lalo ng ulo ni Alena.

"At sino ka para utusan ako?" ang tingin ni Alena ay tila naninindak ngunit nanatiling nakapikit si Vice at nakatakip ang braso sa kanyang mga mata.

"Kusa ka bang kakain o gusto mong subuan pa kita?" giit ng huli na kunwari inaantok pa.

"Hindi ako nagugutom kaya makakaalis ka na," pagmamatigas ni Alena ngunit laking gulat niya ng biglang bumangon si Vice at seryosong napatitig sa kanyang mga mata.

Hindi naman malaman ng sang'gre ang dapat niyang maramdaman sa mga oras na iyon. "Kung maari ko lamang dukutin ang iyong mga mata, nagawa ko na kanina pa," isip niya habang nagsusukatan sila ng tingin ng kaharap.

Una namang napaiwas si Vice at kinuha ang pagkain kasama ang mga kubyertos na nakapatong sa mesa. Laking gulat lamang ni Alena nang akma nga siyang susubuan ng huli. "A-Ano sa tingin mong ginagawa mo?!"

Nanatili namang seryoso ang mukha ni Vice kahit pa ang mga mata nito ay bahagyang nangungusap, "Hindi ba gusto mong subuan kita?"

"Nabibingi ka na ba? Wala akong sinabing ganyan. Ang sabi ko, umalis ka na," bakas sa mukha ni Alena ang inis at pagkairita ngunit ang mga mata naman nito ay tila nagagalak sa nakukuha niyang atensiyon galing sa kanyang kaharap.

"Ikaw siguro 'tong nabibingi na, kamahalan. Diba ang sabi ko, hindi ako aalis dito hangga't hindi ka kumakain," hindi naman agad nakapagsalita si Alena nang marinig ang tawag sa kanya ni Vice. Ilang araw na rin kasi niya itong hindi naririnig mula sa kausap.

"Wag kang mag-alala, sinigurado kong walang lamang-dagat na nahalo diyan, kaya walang kaluluwa na kailangan mong ipagdasal ngayon," sambit ni Vice at sa unang pagkakataon ay nasilayan muli ni Alena ang pagngiti nito sa kanya.

Nagulat man dahil nasaksihan ni Vice ang kanyang ginawang pagbulong sa mga sugpo at isda kagabi, tila unti-unting lumambot ang nakakasindak na ekspresiyon sa mukha ni Alena.

Nang mapansin ito ni Vice ay bigla ring nawala ang kanyang ngiti. Naalala niya na hindi dapat siya magpadala sa kanyang nararamdaman para sa sang'gre na kanyang kaharap.

"Kumain ka na. Rinig ko may lakad pa raw kayo ni Dominic mamaya. Baka gutumin ka at siya ang kainin mo. Kawawa naman 'yong tao," biglang pagseryoso ni Vice at hinarap ang kutsarang may kanin at ulam kay Alena.

"Ewan ko sa'yo. Akin na nga yan. Kaya kong kumain mag-isa, kaya makakaalis ka na," pagsusungit ng sang'gre at akmang aagawin ang kutsarang hawak ni Vice nang mabilis itong inilayo sa kanya.

"Paano ako nakakasiguro na hindi mo itatapon 'tong pagkain?" pagmamatigas din ni Vice na tila determinado talagang subuan ang kaharap.

Mataman naman siyang tinignan ng huli. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata hanggang sa magsalita na si Alena. Ang boses nito ay tila puno ng lungkot at kakaibang hinanakit. "Dahil hindi tulad mo, hindi madali para sa akin ang magtapon at magbalewala ng mga bagay na may halaga."





















Tulalang pinagmamasdan ni Vice ang abot-tanaw at paglubog ng araw sa dalampasigan habang paulit-ulit na bumabalik sa kaniya ang mga katagang binitawan ni Alena kaninang umaga.

"Paano ako nakakasiguro na hindi mo itatapon 'tong pagkain?" pagmamatigas din ni Vice na tila determinado talagang subuan ang kaharap.

Mataman naman siyang tinignan ni Alena. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata hanggang sa magsalita na ito. "Dahil hindi tulad mo, hindi madali para sa akin ang magtapon at magbalewala ng mga bagay na may halaga."

Ramdam ni Vice ang lungkot at kakaibang hinanakit sa boses ni Alena. Bakas rin sa mga mata nito na nasasaktan siya sa di malamang dahilan.

Sandali nangibabaw ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa mapagtanto ni Alena ang kanyang sinabi, "At mga bagay na pinaghirapan, katulad nitong niluto nila Manang Tasing. Kaya pakiusap, umalis ka na para makapagsimula na akong kumain," seryosong giit ni Alena at mabilis na inagaw kay Vice ang hawak nitong kubyertos.

"Nakakatulong talaga ang dagat, hindi ba?" gulat na napalingon si Vice sa babaeng umupo sa kanyang tabi. Dahil sa malalim niyang pag-iisip, hindi niya namalayang nakaahon na pala ito mula sa tubig.

Napansin naman ni Lia ang pagtataka ni Vice sa kanyang sinabi, "I mean, with your thoughts. The sea somehow helps you think things through. Lalo na yung mga bagay na gumugulo sayo, am I right?" ngiti nito at sinuot ang kanyang pulang roba.

"Kaya ba gustong-gusto mo dito palagi sa dagat?" balik na tanong ni Vice at ngumiti rin ng kaunti.

"Well, sometimes. But mostly the sea helps me forget and escape, even just for awhile," sagot ni Lia at napabuntong hininga habang tanaw na rin ang paglubog ng araw.

Ramdam naman ni Vice ang lungkot sa boses ng katabi kaya hindi na niya napigilan pa ang sarili na magtanong, "Lia, gaano na katagal?"

Kunot-noong napatingin naman sa kanya si Lia at bahagyang natawa. "Gaano na katagal ang alin?"

"Yung sa inyo ni Dominic," matapang na tanong ni Vice at tinignan ang katabi diretso sa mga mata, "How long have you been in love with him?"

Dahil dito ay hindi agad nakasagot si Lia. Unti-unting napalitan ang ngiti nito ng gulat at pagtataka. "I-In love with him? A-At paano mo naman nasabi?"

"Kung may natutunan man ako sa buong buhay ko, yon ay ang katotohanang kahit kailan hindi marunong magsinungaling ang mga mata," pagsasalaysay ni Vice at muling pinagmasdan ang abot-tanaw.

Wala namang nasagot si Lia. Sa halip na kumontra ay pinili nitong manahimik, isang indikasyon na totoo nga ang sinabi ni Vice at may nararamdaman nga siya para sa kanyang matalik na kaibigan na si Dominic.

"Hindi ka ba nakakaramdam ng selos? Sa tuwing magkasama sila?" muling tanong ni Vice na may lungkot rin sa kanyang mga mata.

"It would be a lie if I answer no, but then again, why would I be jealous? Alena seems so nice at mukhang gustong-gusto siya ni Dominic. And besides, I have no right to be jealous of her. She has know idea how I feel towards Dominic, and even Dominic himself doesn't know about my feelings for him," pagpapaliwanag ni Lia na tila sinasalamin rin ang nararamdaman ng kanyang katabi.

Sa pagkakataong iyon, si Lia naman ang hindi napigilan ang sariling magtanong, "How about you, Vice? Hindi ka ba nagseselos kay Dominic? Sa tuwing magkasama sila ni Alena?"

Hindi malaman ni Vice ang dapat niyang maramdaman sa naging tanong ng kanyang katabi, "Sabi mo nga, diba? Hindi marunong magsinungaling ang mga mata. And I can see how much you care for her, sa tuwing tinititigan mo siya kahit mula sa malayo,"pagpapatuloy ni Lia dahilan para mapatingin sa kanya si Vice.

Dahil dito, unti-unti nalang silang natawa nang mapagtanto ang kanilang sitwasyon.

Ilang segundo ring nagtagal ang kanilang tawanan hanggang sa unti-unti na silang natahimik. "You know what, they were right when they said destiny can be cruel sometimes, especially when it makes you stand in front of what can't be yours," naluluhang sambit ni Lia. Bawat salitang binibitawan nito ay tila tumatagos rin kay Vice.

"Tama. Minsan mapanakit nga talaga ang tadhana."

Sa mga oras na iyon, ay walang ibang idinikta ang isipan ni Vice kundi ang yakapin ang kanyang katabi. Ramdam niya ang sakit at pighati ni Lia. Sakit at pighating dala ng mga pagkakataong hindi maaring mahalin ang taong tunay na iniibig.

Ilang sandali ring nagtagal ang yakapan nila hanggang sa maramdaman ni Vice na tila may isang pares ng mga mata na nakatitig sa kanila. Dahan-dahan siyang napatingin dito at laking gulat niya nang makilala kung sino ito, ilang metro lang ang layo mula sa kanila. "A-Alena?"

Dahil dito ay napahiwalay si Vice sa kanilang yakap. Gulat ring napatingin si Lia kay Alena. Ngunit bago pa man magsalita ang dalaga ay mabilis ng naglakad palapit sa kanya si Alena. Hindi naman agad nakagalaw si Vice upang pigilan ang sang'gre dahil sa nanlilisik na mga mata nito.

"A-Alena? Anong nangyayari sa—" hindi na natapos pa ni Lia ang kanyang sasabihin nang mahigpit na hinawakan ni Alena ang kanyang kamay. Napatitig siya ng diretso sa mga mata nito hanggang sa unti-unti na lamang siyang nawalan ng malay.

"Lia!" gulat na sigaw ni Vice nang matumba ang kanyang kasama sa buhangin. "K-Kamahalan, anong ginawa mo —" akmang tatanungin pa sana niya si Alena nang mabilis itong tumalikod sa kanya at nagsimula nang maglakad palayo sa dalampasigan.

"Kamahalan, teka lang!" habol ni Vice kay Alena na ngayon ay mabilis na naglalakad palayo. Napapikit pa si Vice dahil sa iilang buhangin na sumalubong sa kanya habang si Alena ay dire-diretso lamang sa paglalakad at hindi siya nililingon.

"Alena, sandali!" sigaw ni Vice at nagsimula ng tumakbo upang maabutan ang hinahabol. Bigla namang lumakas ang alon sa dagat, kasabay ng kakaibang hangin dahil sa nararamdamang emosyon ng sang'gre. "Alena, teka lang sabi!"

"Alena," pagtawag ni Vice sa kanya nang maabutan niya ito at mahawakan sa braso. Agad rin namang huminto si Alena sa paglalakad at nilingon na si Vice. Sa sandaling iyon ay nagulat si Vice nang makita ang mga namumuong luha mula sa mga mata ng kanyang kaharap. Ito ang unang pagkakataong nakita niya ito sa ganoong kalagayan.

"B-Bakit ka umiiyak?" mula sa pagkagulat ay napalitan ng pag-aalala ang naramdaman ni Vice. Dahil dito ay buong pwersang hinawi ni Alena ang kanyang braso mula sa pagkahawak ng huli.

"Nang dahil sayo! Dahil inis na inis na ako sayo! Galit na galit ako! Naguguluhan na ako! Hindi ko na alam kung anong nangyayari! Litong-lito na ako! Bakit pabago-bago ang pakikitungo mo sa'kin?! May nagawa ba akong mali na ikinasama ng iyong loob? Bakit hindi mo akong magawang pansinin nitong mga nakaraang araw?!" sigaw ni Alena dahilan para mas lalong lumakas ang hangin mula sa dagat.

Hindi naman maintindihan ni Vice kung bakit nasasaktan rin siya sa pagkakatong iyon, "Ikaw na ang nagsabi, diba? Naiinis ka sa kin. Palaging mainit ang ulo mo sa tuwing magkasama tayo. At kitang-kita ko ang kabaliktaran non sa tuwing kasama mo si Dominic. Kung gaano ka kasaya sa tuwing kasama mo siya. Kaya ayaw ko ng manggulo."

"Ngunit bakit kailangan magbago ng pakikitungo mo! Alam mo, minsan hindi ko na maintindihan! Litong-lito na ako! Bakit may mga pagkakataong, hindi mo na ako magawang pansinin?! Hindi mo na ako ginugulo o binibiro! Hindi mo na ako pinapatawa o inaasar. Higit sa lahat, bakit hindi mo na ako magawang ngitian at titigan?!" tila sumabog na ang lahat ng emosyong ni Alena. Sa mga oras na iyon, kumawala na ang lahat ng damdaming matagal ng nakatago sa kanyang puso.

"Dahil yon ang kinakailangan!" naluluhang sigaw ni Vice nang hindi na rin niya mapigilan ang kanyang nararamdaman. Mabuti na lamang at walang katao-tao sa parteng iyon ng dalampasigan.

"Ngunit bakit kinakailangan mong umiwas at lumayo?!"

"Pero bakit ka na gagalit?!"

Napapikit na si Vice dahil ayaw niyang makita ang pagluha ng kanyang kaharap. Hindi niya nais na makitang nasasaktan ito ngayon ng dahil sa kanya. Sabay silang napahinga ng malalim at kapwang lumuluha habang mataman na nagkakatitigan.

"Umiiwas ako dahil nagseselos ako kay Dominic!"

"Nagagalit ako dahil nagseselos ako kay Lia!"

Gulat silang napahinto at natuod sa kanilang kinatatayuan nang sabay nilang binitawan ang mga katagang iyon. Sa isang iglap ay para bang tumigil ang pagwala ng malakas na hangin mula sa dagat at kumawala naman ang mga damdaming matagal na nilang kinukubli at pinipigilan para sa isat-isa.


























an: hindi umabot kahapon sa actual anniversary pero sana magustuhan niyo pa rin itong munti kong regalo. happy 9th sibs! avisala eshma.

ang kabanatang ito ay para sa mga taong ilang beses ng pinaglaruan, pinaasa at pinaiyak ng tadhana pero patuloy pa ring umiibig.

















itutuloy?

Continue Reading

You'll Also Like

676K 26.1K 86
Finding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong...
67.7K 1.8K 47
BINI ships Oneshots Compilation.
242K 6.4K 73
I left her for fame. For money. I didn't imagine I'd be bumping into her again. With someone else (?)
86.7K 1.8K 16
Another ViceRylle story written by yours truly. :) Paalala lang po eto ay kathang-isip lamang. Pure fan fiction. Pero may mga lines po dito na true t...