Once in a Lifetime (Valdemora...

By anchoraigee

5.4K 184 11

The meaning of friendship for Phoebe Charis Espeja doesn't involve a romantic feelings. In terms of that, she... More

Once in a Lifetime
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Jacob Ezra
Author's Gratitude

Chapter 32

88 5 0
By anchoraigee

Just like our usual days, we went back to work the next day. Nagising na lang kaming pareho na mataas na ang sikat ng araw at mahimbing na mahimbing ang kanyang tulog sa tabi ko.

I needed to wake him up so that he'll start his work but he didn't moved. Naroon na naman siya sa pagiging clingy at walang balak na pakawalan ako.

Kapag mga ganitong pagkakataon ay ang hirap niyang itulak para sa mga importanteng bagay. He loves cuddling though there are still lots of works to do. Kaya ako na rin ang kumilos para sa aming dalawa.

Mabilis na pagligo lang ang ginawa ko bago nagbihis ng maayos. Good thing because he finally woke up and then he did his thing every morning which is giving me a quick kiss.

"Dito lang ako sa bahay. I'll cook the foods for you later." I'm wearing my formal attire when he said that. Kusang umangat ang tingin ko sa kanya.

Nasa balikat niya iyong tuwalya, nakasabit at ipinaalala sa akin iyon. So far ay mukhang maayos naman ang naging tulog niya.

"You sure? I have meetings later. Hindi ko sure kung makakauwi ba ako ng maaga mamaya," sambit ko.

And yes, there are some important matters I will attend to. Dagdagan pa iyong gusto kong mag-aral para sa pagiging piloto. I have enough savings for that but my current work is still adjusting with me.

Pagkatapos niyon ay magtatrabaho ako sa cruise. Mahirap para sa akin pero kakayanin ko. Iyon ang naging pangako ko kay Papa, eh. Hindi pwedeng hindi ko tuparin.

"Ihahatid ko sa'yo. I'll call you. Ihahatid na rin kita pagkatapos kong maligo." I nodded before he went inside the bathroom.

Ako na rin ang nagluto ng kakainin. Hindi naman siya nagsinungaling sa akin tungkol sa laman ng ref. Medyo puno pa iyon at mukhang kaunti lang ang kanyang naibawas.

For our breakfast, I prepared some coffee and then some eggs. Kung siya ang nagluluto minsan ng agahan ay marami ang nakahain sa mesa. May mga hotdogs saka bacons pero siya lang din naman ang umuubos kasi kaunti lang ako kung kumain.

He's a husband material. Sabay naman kami palagi sa trabaho pero tuwing gugustuhin niyang dito sa loob lang ng bahay, hindi niya nakakaligtaang ihatid ako. He's thoughtful and likes doing that to me.

Ako na nga ang pumipilit sa kanya na ako ang magmaneho ng sasakyan pero ayaw niya. Kahit alam kong napapagod din siya, ginagawa niya ang gusto para sa akin.

I have the best life with him for 4 years. Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito at kung papalarin, sana ay tumagal pa. I am hoping for that.

Sabay kaming kumain ng almusal at madalian lang iyon. He just finished sipping his coffee when I finally finished my food.

Nakasuot lang siya ng pambahay bago kinuha iyong susi ng kotse. He carried my handbag and even opened the door for me. Napangisi ako sa kilos niyang iyon.

"Be sure to not stress your day, okay? Sigurado ka bang busog ka talaga sa kinain mo?" usisa niya sa akin. He started the engine and then drove the car.

"Oo naman. I won't go to work if I am not full."

"Good. Anong gusto mong lutuin ko mamaya? Or do you want some burgers or anything?"

"Hmm. Gulay na lang muna. Iyong healthy naman ang kakainin ko," saad ko rito. Tumango lang siya saka hinablot ng marahan ang kamay kong nakapatong sa hita.

Nagiging routine na niya yata iyon tuwing nagmamaneho. He'll just grab my hand and then hold it while he's driving. Sa ganoong paraan siya nagiging komportable kasi masarap daw sa pakiramdam.

"Kailan ka nga pala pupunta sa Galleria?" Minsan ay pumupunta siya roon pero bumabalik din kaagad. Tinitignan lang daw ang mga taong nagtatrabaho roon tapos agad-agad na umaalis.

"Hindi ko alam. I'll be here for now tapos pinsan ko na lang muna ang papaasikasuhin ko roon. I don't wanna leave you here." He held my hand tightly.

Kailan ba ako nawala sa isip niya? That's his reason for not leaving our house. Baka kinakailangan siya roon tapos hindi man lang siya pumupunta.

"Really, Jake? Hay naku. Okay lang naman ako sa trabaho. You don't need to mind me," kontra ko sa kanya na ikinailing niya.

"Nope. Kung wala ako, sinong magluluto para sa'yo? You'll feed yourself with burgers? Okay naman akong hinahatiran ka ng pagkain araw-araw. Hindi ka naman pasakit sa akin."

Ang OA. Pwede naman akong bumili ng ulam sa carinderia. Talagang idinamay pa ang burger? Anong kinalaman no'n?

I appreciate all his efforts for me. Hindi ko naman siya tinataboy. Hindi rin naman ako nagsasawa sa kanya. I'm just being worried to his work though I know that he's being good at it. Nabo-bother lang ako.

Hindi na ako nagreklamo pa sa kanya saka tinanggap na lang iyon. When we finally arrived, I waved at him for some goodbye. Hindi pa siya nakuntento at niyakap ako.

"I love you. I'll be here by lunch time," and he kissed my forehead. Umalis na ito ng tuluyan  sa harap ng building bago ako makapasok.

Ganoon palagi ang nangyayari sa amin. He'll drop me here, reminding that he will still see me at times when he wanted to come.

Mga pagbati kaagad ng mga empleyado ang bumungad sa akin pagpasok. I replied them with some simple smile before I finally went inside the office.

I don't have any secretary or someone who can help me because I wanted to do all the things on my own. Sinabihan rin ako ni Jacob tungkol sa bagay na ito pero hindi ako pumayag kasi hindi ko naman kailangan.

Naiha-handle ko naman ang sarili. Hindi ko naman na kailangan ng mga iyon.

Medyo may kalakihan ang opisina ko. And maybe someday, I will let Jacob run this because I wanted to pursue the career I've been dreaming to do. Tinutulungan nga niya ako minsan saka mukhang mas may alam pa nga siya sa akin dito.

We're helping each other naman. Hindi naman kami iyong sinasarili ang trabaho kasi pareho naman kaming nakapagtapos. Hangga't kaya ay nagtutulungan kami kasi iyon naman ang dapat.

I sat on my swivel chair and reviewed some papers that I will sign. Tahimik ang paligid ko at walang istorbo. Nakaharap ako sa clear glass at mula sa kinauupuan ay tanaw na tanaw ang mga umaandar na sasakyan.

Minsan nakakapagod saka minsan ay hindi naman. I have my meeting later so I need to at least prepare a bit. Kailangang narito rin ako.

Tumunog ang phone kong nakapatong sa mesa. I picked it up and saw Jhared's name. Kaagad kong sinagot ang kanyang tawag.

"Yes?" Dinig ko ang kanyang tawa sa kabilang linya.

Dahil masyadong successful sa buhay, natupad niya iyong pangarap niyang Marine Engineer. Actually, silang mga pinsan ko ay successful naman sa buhay. We are all successful and that's good.

At least, pare-pareho naming pinaghirapan lahat ng ito.

"Naks. Kumusta?" Hindi ko alam kung saang bansa ba siya ngayon. Usually kasi, kapag tapos na ang kanyang kontrata sa barko, pumupunta kaagad iyon sa bahay namin ni Mama tapos maraming dalang chocolates. Hinahatiran niya kami.

"Okay lang. Bakit? Saan ka ngayon?" agarang tanong ko sa kanya.

"Sa harap ng opisina mo. Pakibuksan ako dahil naglalaway na sa kakatingin ang ibang tao rito," he answered and my eyes widened.

Dali-dali naman akong napatayo mula sa pagkakaupo saka binuksan ang pintuan. And yes, he's right in front of the door.

Dumako ang mata ko sa ibang mga empleyadong nakatingin sa kanya. Most of them are drooling and looks like fantasizing him! Grabe. Parang gusto ko na lang itago ng biglaan itong so Jhared.

He immediately went inside and gave me a hug. Niyakap ko siya pabalik sabay hampas sa kanyang braso ng malakas.

"Gago ka. Ba't ngayon ka lang nagsabing pupunta ka rito? Kailan ka ba dumating?" Iyon na kaagad ang itinanong ko sa kanya. Biglang nasira kaagad ang postura ko sa biglaan niyang pagdating.

"Chill. I brought you some chocolates." Binuksan niya iyong dalang bag saka tumambad sa harapan ko iyong mga tsokolate.

"Tapos na kontrata mo? Sina Sam nasaan?" binalewala ko iyong mga dala niya.

Naupo siya sa single chair na naroon. Sama-sama naman talaga silang lahat minsan pero ngayon ay hindi. Hindi na nga nagpaparamdam iyong apat sa akin. Busy sa kani-kanilang trabaho sa ngayon.

"Yup. Six months lang naman tapos syempre, gusto kong magpahinga muna ngayon."

Napaismid  ako sa tinuran niya. Kaka-break lang nito last time sa girlfriend niya pero mukhang hindi na apektado sa ngayon. He looks happy now.

Naupo na rin ako sa swivel chair saka kinain iyong isa sa mga chocolates. Ilang beses na rin naman silang nakapunta rito tapos kapag kumpleto kami, naca-cancel iyong mga importante kong gagawin.

"Nga pala. Kailan mo balak mag-cruise?" he asked me.

I'm playing the pen on my finger. Nakikain na rin siya sa mga tsokolateng dala niya.

"Lapit na. Kaunting ipon pa."

"Naks. Daming pangarap, ah? Eh kasal niyo ni Jacob kailan?" Natawa ako.

Hindi naman nawawala sa mga tanong niya ang bagay na iyon. Nasa tamang edad naman na kami pero kung makapagtanong, akala mo ay siya ang magpapakasal.

"Darating naman tayo dyan. Imbitado naman kayo, huwag kang mag-alala. Atat ka masyado."

"It's not like that. Handa lang talaga akong maging ninong sa anak niyo sakali," he smirked. Gusto kong matawa tungkol doon sa napag-usapan nila tungkol sa mga ireregalo. Their mind's too over to think that.

"Ikaw ba? Kailan ka magkakaanak? O may girlfriend ka na ba?" awtomatikong iniwas niya ang tingin kaagad sa akin. Ako naman ang napangisi sa kanya dahil mukhang hanggang ngayon, medyo affected pa siya.

Mali ako sa naging hinala. Akala ko ay okay na, iyon pala ay hindi pa.

"Let's not go to that point. Wala pa akong balak sa ngayon. I value my work so much, Phoebe. Tigil na muna tayo sa kakaisip sa ganyan."

"Sinungaling. Baka naman marami kang nakikilalang babae sa ibang bansa? Huwag mo nga akong pinagloloko."

He shook his head.  Syempre, lalaki siya kaya minsan ay hindi inaasahan. But I am not sure though.

"I'm not like that. Saka kung mayroon man, malamang sa malamang, napanagutan ko na iyong babae. Pero wala naman, hindi ba?"

I shrugged my shoulder and then continued eating. Bumisita rin daw siya kay Mama sa bahay tapos dinalhan din ng pasalubong doon.

And he just made his way here surprisingly. Hindi man lang ako natawagan ni Mama patungkol dito.

Naging matagal ang pananatili niya sa opisina ko. Wala naman siyang ginawang iba kundi ang maupo lang doon habang nasa meeting ako. Umalis lang doon nang nakabalik na ako.

I received a call from Jake and he's on his way here. Gusto ko man sanang huwag na munang paalisin si Jhared pero may iba pa raw itong gagawin.

Binisita lang ako saka kinumusta. Gustuhin ko man silang magkita ni Jacob ay malabo nang mangyari. I don't know if he informed Jacob about him, going back home.

May komunikasyon din naman silang dalawa pero wala akong ideya kung nasabihan ba niya si Jacob.

It's lunch time already and I felt tired. Pagod ako saka kung hindi pa dumating si Jacob para sa lunch ko ay baka napabili na ako ng pagkain sa ibaba.

He arrived wearing his formal attire again. May bitbit na paper bag na mukhang lunch ko ang laman tapos may bitbit pa siyang isang paper bag.

Iisa lang naman palagi ang kanyang dala pero ngayon ay dalawa na. Hindi ko alam kung anong laman ng isa.

"Hey," bati ko sa kanya saka sinalubong siya ng yakap.

God. Biglang nawala ang pagod ko nang makita siya. Not a joke but he's giving me some energy sometimes.

Inilapag niya ang dala sa mesang naroon bago ako ginantihan. Dala niya rin yata ang laptop niya dahil sa itim na sling bag na nasa kanyang balikat.

"Sorry na-late ako ng dating. May binili lang kasi ako saglit." Napahiwalay ako sa kanya nang sandaling ipakita niya sa akin ang laman ng isang paper bag.

It's a small box that contains a necklace inside of it. Kinuha niya iyon sa loob saka isinuot sa leeg ko.

It's a pressed flower resin necklace. Pinagsamang petals ng sunflower saka rose and disenyo niyon sa loob na puro ginupit sa maliliit na piraso.  Napupuno ng kulay dilaw at pula ang sa loob. It's actually beautiful because he loves sunflower while I love roses.

Pinasadya niya yata iyon. And I really appreciated this simple gift! Tuluyang nawala kaagad ang naging pagod ko dahil doon.

"You're spoiling me with some gifts, huh? Thank you for this! I love you so much, Jake." I gave him a quick kiss on the cheek.

Kahit simpleng bagay lang iyon ay hindi mangyayaring hindi ko magugustuhan. Even his small gestures are too precious for me! Kahit gaano man kasimple ang bagay para sa akin, mananatiling espesyal iyon.

"You wanna know why I let the rose and sunflower combine together? Because I wanted us to become one. Magkaiba ang gusto nating dalawa pero pipilitin kong ipagsama kasi I am nothing without you."

He cupped my face. His eyes twinkled like a star. Walang kung anong maganda sa mga mata niya pero tuwing natititigan ko iyon ay nag-iiba ang lahat.

His eyes may not be beautiful but for me, whenever that eyes stares at me with full of love, I can see all the memories that we have shared for a long time. All those beautiful memories that his eyes witnessed first.

"I have the light color and you have the dark one. Na kung gaano man kaliwanag ang buhay ko, kung walang kadiliman na nanggaling sa'yo ay balewala. Our colors matched and this color will be brighter if you will let me love you until my last breath. Pwedeng akin ka na lang hanggang sa huli?"

We may have not the perfect relationship but I also want that idea. Wala naman na akong ibang gusto pa. Just his presence for the rest of my life is more than enough.

Matagal ko nang pinangako sa sariling siya lang naman na ang huli kong mamahalin. And that will lead us to the future that we are planning.

Lord. Thank you so much for blessing me this man. I'm so grateful for this gift.

Continue Reading

You'll Also Like

220K 16.2K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
439K 31.7K 43
ပဲပြုတ်သည်ငပြူးနဲ့ ဆိုက်ကားဆရာငလူးတို့ရဲ့ story လေးတစ်ပုဒ်
9.1K 152 9
One shots of bellatrix black. These one shots will mostly be comforting ones, you can use these for shifting or whatever you like:) •smut warning• •s...
1.5M 128K 62
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...