Every Picture Tells A Story

By justyour_A

63.3K 2.2K 129

(Completed) A GxG story. A wanderer. Red Collins is someone who love to explore. A photographer and painter... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
A Note

Chapter 24

1.5K 61 3
By justyour_A


Red Collins

"Come on anak. This will be a great opportunity to do good once in a while." Sabi ni Nanay sakin.

"I'm doing good deeds. Pero bakit naman kailangan kasama pa sila?" Asar na tanong ko sakanya.

Nagpaalam kase ako sakanya last time na hindi ako papasok. Dahil aalis kami nila Kyle for our tradition, ang pumunta sa mga lugar kung saan nangangailangan nang tulong.

Pero ngayon sinasabi ni Nanay na gusto nyang sumama ang ilang teachers at students. Mag s-share din daw ang school.

Ang nakakainis e nauna pa silang magusap ni Kyle bago sabihin sakin. tsk.

"Bakit ba ayaw mong sumama sila? Dagdag tulong na nga yun, in terms of money and people." Nakakunot ang noong sabi nya.

Hindi naman sa ayaw ko. Pero kase, kasali si Sitara. Todo iwas nga ako sakanya. Nasasaktan lang akong makita yung cold aura nya towards me. Idagdag mo na tuwing nakikita ko sya ay naaalala ko yung nakita ko nung nakaraan.

Papunta na akong parking lot. Ginabi ako ngayon dahil medyo madami akong inayos.

Halos wala na ding tao sa school. Mga naglilinis nalang at iilang estudyante.

Sumakay na ako sa kotse ko. Tiningnan ko muna ang phone ko dahil nag text si Kyle. May meeting daw kami bukas.

I-istart ko na sana ang sasakyan nang makita ko si Sitara na naglalakad papunta sa isang kotse na nagaabang sa parking lot.

Bumaba si Denis mula sa kotse para salubungin si Sitara.

Agad kong iniiwas ang mga tingin ko nang halikan ni Denis si Sitara. Pero ang traydor kong mga mata ay napatingin ulit.

I saw how Sitara kissed back. Ang sakit.

Hindi ko alam na nagsimula na palang mag tubig ang mga mata ko. fuck!

You never realize how much you like someone until you watch them with someone else. Mukhang mahal ko na talaga sya. Masyado na akong nahulog pero sadly, walang sumalo.

"Okay fine! Kayo na bahalang magusap ni Kyle. Sya naman ang boss." Sabi ko sakanya at tumayo na. "I have to go. May pasok pa po ako." Sabi ko at humalik sakanya tsaka umalis.

"Nakakainis!" Maktol ni Cali habang nagaayos ako nang gamit dito sa kwarto ko. Busy din kase si Nica sa pagaayos nang kanya.

"It's just 5days. Ang arte mo." Sabi ko sakanya. Akala mo naman kase hindi na kami magkikita.

"It's not just five days! It's a fucking five long days!" She burst out at pabagsak na nahiga sa kama ko.

"Alam mo ikaw ang dami mong reklamo. Tulungan mo nalang kaya ako dito?"

"Tss.. Ayoko! Bakit kase kailangan kasama ka pa?" Sabi nya at naupo ulit habang nagpapadyak nang paa.

She looks cute like that. Kung makaasta sya sa labas akala mo cold CEO na kinatatakutan nang lahat. Pero sakin para syang bata.

Minsan makulit, may random jokes at walang kamatayang knock knock nya. Madalas nag tatantrums, gaya ngayon.

"Bakit kaya ikaw nalang ang sumama kesa pinipilit mo kong wag sumama ha?" Sabi ko at binato sya nang isang tshirt ko "Tiklupin mo." dagdag ko sakanya

"Hays! Kung wala lang akong importanteng meeting ako pa mismo magaayos nang gamit natin. tsk." Sabi nya at tiniklop yung damit ko kaya binatuhan ko pa sya nang isa pa.

"Mabilis lang ang five days. Magkikita pa tayo. Ang OA mo talaga." Napapailing na sabi ko sakanya.

Wala naman syang sinagot at naka pout lang habang nagtutupi. Natatawa tuloy ako sa itsura nya. Naka suit tapos naka indian sit sa kama habang naka pout na nagtutupi nang damit.

"Ganito nalang, pagbalik ko I promise magbabakasyon tayo. Uhmm.. Pag di ka na busy. hmm?" suyo ko sakanya

"Talaga?" Biglang nag liwanag ang mukha nya sa sinabi ko.

"Oo na." Sabi ko at binato sakanya ang isang pantalon ko.

"Okay! Knock knock!" Masiglang sabi nya habang tinutupi yung pantalon ko.

I rolled my eyes bago ko sabihing "Who's there?"

"Cabbage."

"Cabbage who?"

"You're really weird." Napakunot ang noo ko. Asan ang knock knock dun?

"You expect a Cabbage to have a surname? God Red! you're so—" Hindi ko na sya pinatapos at binato nang maong shorts ko. sapul sya sa mukha.

Pero imbis na magalit ay tumawa sya nang tumawa. Sya lang talaga nasisiyahan sa jokes nya e. tsk.

"Bye babes!" sigaw ni Cali bago sumakay sa kotse nya. Hinatid nya kase ako sa school. Dito kase ang meeting place.

"yiieeehhh!"

"Si Mam lumalablyf oh!"

"Sana oil!"

Sigawan nang mga estudyante kaya napailing nalang ako. Sasakalin ko talaga si Cali pagbalik ko.

"Akin na nga yan lovergirl. Ang aga-aga ang landi." Sabi ni Nica at kinuha ang mga gamit ko para isakay sa van na gagamitin namin.

May mga truck kaming kasama laman nang mga pagkain at ilang school supplies. Meron din kaming dalang med kit sponsor nila Tatay. Ipapamigay namin lahat yun mamaya.

Napairap naman ako sakanya at naglakad na papunta sa van kung saan ako sasakay. Nag sitting arrangement na daw sila kanina.

"Sinong kasama ko dito?" Tanong ko kay Nica nang nasa tapat na kami nang van.

"Uhmm.. Tatlong teachers kayo dyan tsaka pitong eatudyante." Sabi nya habang nakatingin sa listahan nya.

"Okay. Sa harap nalang ako." Sabi ko at akmang papasok na nang makita kong may tao na pala sa loob. Si sir Paul pala, tulog na sya kaya hindi ko na ginising.

Pumwesto nalang ako sa unang row nang upuan sa likod tabi nang bintana.

Busy akong kinukulit ni Cali dahil mamaya daw ay baka walang signal sa pupuntahan namin at di nya ako ma contact.

Text sya nang text kahit walang katuturan.

Me: Wala ka bang trabaho?
Cali: Para sayo babes wala. 😚
Me: Tigiltigilan mo nga ako sa babes mong yan. 😤
Cali: Yieehhh.. Gumamit sya nang emoji oh. Kilig ako. ☺️
Me: 😑

Nababaliw nanaman talaga sya. tsk tsk.

Naramdaman kong may tumabi sakin kaya napatingin ako. Nanlaki ang mata ko nang makita si Sitara. Tinaasan nya naman ako nang isang kilay.

"What?" Mataray na tanong nya sakin kaya napalingon ako sa ibang upuan. Puno na pala. Kaya naman pala dito sya umupo. Wag ka ngang umasa. Nababaliw ka nanaman self. Wag peeler tsk.

Umiling nalang ako sakanya at ibinalik ang tingin sa cellphone ko.

Cali: Babes haa.. Wag mo kong pakiligin masyado.
Cali: I love you too! 🥰
Cali: Uy babes!
Cali: Nahimatay ka na ba sa kilig ha?

Ang kulit talaga nang isang to. Naramdaman kong umandar na ang sasakyan. Mahabahabang byahe to.

Me: Hindi ka ba napapagod mag type ha?

Naramdaman kong gumalaw si Sitara kaya napatingin ako sakanya. She's now crossing her arms at ang dilim nang aura.

I just shrugged. Hindi ko naman sya mababasa. Ayoko nang mag try. Masasaktan lang ako.

Cali: What? OMG! Is that a sign na tawagan kita ha? yiiieehhh!
Cali: Ikaw babes ha.. Pasimple ka manlandi.

Natawa ako sa reply nya. Siraulo talaga to.

"yieehh.. Si Mam oh kinikilig!" Sabi nang isang estudyante sa likod. Lumingon ako sakanila at umiling.

"Oy hindi ah!" Depensa ko sakanila.

"Ano ka ba Mam. Okay lang yan, wag ka na mag deny." Natatawang sagot nang isa pa.

"Kasama lang kanina miss agad. Yieeehhh.." Kinikilig na sabi nung isa kaya napailing nalang ako. Mga version din pala to ni Cali. jusme.

Nag aayos na ulit ako nang upo ay nagtama ang tingin namin ni Sitara dahil nga lumingon ako sa likod kanina.

Masama ang tingin nya sakin. Napakunot ako nang noo. I mouthed "what?" pero inirapan nya lang ako. Ano nanamang problema nang isang to? tsk.

Once a maldita, always a maldita. tsk. tsk.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 50 19
GxG story do you believe in lucid dream? Masarap magmahal at mahalin, yung tipong wala ka nang hahangarin pa dahil punong puno na ang puso mo. Masar...
7.6M 218K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
116K 4.7K 39
I fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison
63.5K 2.8K 54
Goddess Series #1: Athena Celestine Sinclaire What if you cross paths with the person who stole your first kiss? And what if you discover that the pe...