Impression on the Heart

By _Isabelle_

261K 8.6K 1.9K

There would always be people that you will hate the very first time that you meet them and there would also b... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Special Chapter
Chapter 40
Epilogue

Chapter 11

5.8K 172 61
By _Isabelle_

"Hindi pwedeng hindi ka nga umattend ng meeting. Gusto mo bang makareceive ng warning letter kay Sac?"



"Aaron...hindi pa tapos iyon contractor para sa exhibit bukas. Nagpapalit na naman ng concept iyon paborito mong agent. Hay..." Napailing na lang ako. Ex-girlfriend ni Aaron ang agent at mukhang sinasabotahe ata ako dahil hindi si Aaron ang nakikipagliase sa kanya.




"Sabi ko kasi sa'yo iturn down mo na iyan babaeng iyan. Nagpapansin lang iyan sa akin."





"I like her artist's works Aaron. Palagay ko tamang exposure lang ang kelangan para sumikat siya at sana magawa natin tulungan. Inspite of the difficult agent." Ngumiti ako sa kanya. "Hindi talaga ako makakasama sa meeting."




Tiningnan lang akong mabuti ni Aaron. Umiling pa ito sa huli.




"Hindi mo naman purposely na ginagawa ito dahil ayaw mong makita si Sac?" Nakataas pa ang kilay nito. Tumahimik na lang ako. Isang buwan na ang nakakalipas mula ng pagkikita namin noon manager's meeting. Kahit na lumipas pa iyon ayoko pa rin kahit papaanong makasalamuha siya. Alam kong hindi ako nagpapakaprofessional. Sa ngayon muna talaga hindi ko kayang makasama siya sa iisang kwarto kahit marami pang managers din ang nandoon. Kakaibang pagkailang ang nararamdaman ko sa pag-iisip pa lang noon.




"Oh siya sige...dahil mahal na mahal kita hindi na ako mamimilit. Paghusayan mo iyan ginagawa mo at isupalpal mo sa mukha ng babaitang iyan." Ngumiti ako sa sinabi ni Aaron. Sa maikling panahon pagsasama talaga namin ay naging malapit kami sa isa't isa. Si Aaron na ata ang kauna-unahang lalakeng nakasundo ko na hindi ko boyfriend. Although lalake ito ay effeminate ang pagkilos niya pero hindi ibig sabihin noon ay bakla siya. Sa mga nakikita kong iba't ibang kasama niyang babae araw-araw at sa mga kwento niya palagay ko ay playboy ito. Hindi nga lang halata sa personalidad niya.




"Kaya tayo natsitsimis eh. Iyan pamahal-mahal ka pa diyan."




"Well, totoo naman mahal kita. I really think I found a soulmate in you. We just clicked." Inirapan ko na lang ito. Oo, immediately reporting ako kay Aaron pero hindi nito pinaramdam sa akin na boss ko siya at mas mababa ako sa kanya. At hindi lang iyon sa akin. Kahit sa mga kasama namin sa opisina. Napakalight at charming na tao ni Aaron. Madaling pakisamahan at madaling mahalin. Napangiti na lang ako sa naisip ko. Kaya maraming naloloko ang lalakeng ito dahil sa charms nito pati na rin ang mabulaklak niyang dila. "Oh huwag mo naman sabihin nahuhulog ka na sa akin kung makatingin ka diyan." Inirapan ko ulit ito. Inuumpisahan na naman niya akong landiin.



"Sasabihin ko kapag nahulog na ako sa'yo. For the meantime malalate ka na sa meeting mo at isusupervise ko pa ang contractor natin."




"Ilang beses mo ng sinasabi sa akin iyan eh. Hindi pa ba? Hay naku huwag mong sabihin iyan si Dave pa rin ang laman niyang martir mong puso. Pagawan kita diyan ng rebulto sa labas eh lalagyan ko ng title na "ang dakilang sugar mommy". Ngiting-ngiti pa ito sa akin.




"Baliw. Ewan ko sa'yo Aaron. Sige na late ka na at busy pa ako." Kinuha ko ang plano ng hall at nirolyo ito. "Bye, cupcake. Ingat ka sa pagdadrive." Naglakad na ako pero nilingon ko ito at kinindatan. Iyon kasi ang paboritong endearment nito sa akin.



"Thanks, cupcake. Sabihin ko na lang kay Sac na ayaw mo pumunta kasi ayaw mong makita ang pagmumukha niya." Nakatawa pa ito. Pinanlakihan ko lang ito ng mata sa sinabi niya.




"Hindi, sabihin mo hindi ako pumunta para mamiss niya ako ng sobra."



...

"Good enough." Iyon ang sinabi ng agent ng artist na may exhibit. Ngumiti na lang ako at nagustuhan niya. Bago kasi magsimula ang exhibit ay napakaraming reklamo ang narinig ko sa agent na kesyo hindi nila gusto ang pagkakalagay ng painting, na kulang ang lighting at marami pang pagtuturo ng mali ang naganap. Buti na lang talaga na trusted ko na ang contractor ko at ginawa nila iyon right away. Napakademanding ng agent ni Fat Boy.



"Thank you, Rachel. Salamat sa pagpush." Nilapitan ako ni Fat Boy. Mataba pa rin ito pero cute ito sa suot niyang suit.




"No problem. Gusto ko talaga ang theme ng mga paintings mo."




"I want to paint you Rachel pero mukhang mawawala sa theme ko kapag ikaw ang pininta ko. Ang payat mo na." Napatingin naman ako sa braso ko dahil sa pamumuna niya. Totoo iyon. Ang laki nga ng pinayat ko dahil na rin siguro sa sobrang daming ginagawa. But I am not complaining. Mahal ko ang trabaho ko pero gaya nga ng sinasabi sa akin palagi ni Magda kailangan kong magdahan-dahan at kailangan kong alagaan ang sarili ko. Lately kasi lalung-lalo na kapag may exhibits puyatan kami ni Aaron dahil sa preparation. Lalo pa ngayon napakademanding ng kliyente namin.




"Hayaan mo kapag naging maayos na ulit at hindi na hectic ang sched ko magpapataba ako."




"That's more like it--"




"Fat boy I want to introduce you to someone." Napalingon kami pareho ni Fat boy sa kasama ng agent niya. Tumango ako rito at nagpaalam na. Gusto ko rin munang maupo saglit dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod talaga ako ngayon.




Nabigla naman ako ng magring ang celphone ko. Kinuha ko agad ito at nakita ko ang pangalan ni Dave.




"Yes, Babe?"




"Babe...nasaan na iyon bayad? Pwede ko na bang makuha ngayon? Madali lang naman mabenta di ba?" Napailing na lang ako sa paalala ni Dave sa akin. Sa sobrang busy ko ay hindi ko na siya natuluyang ipagbenta ang mga products niya na inendorse at naibusiness talk niya sa akin noong isang buwan. Nasa networking business kasi ito at binebentahan niya ako ng products niya as well na nagpapatulong na rin itong magpabenta.





"Oo babe... nabenta ko na. Kailangan mo na ba ngayon ang pera? Pwede bang bukas na? May event kasi ako ngayon sa gallery medyo busy."




"Babe naman, I need the money na. Daanan ko diyan, please. Thank you. See you." Hindi na ako nakapagsalita at sumang-ayon na lang ako. Twenty thousand ang bayad sa lahat ng product na kinuha ko. Wala pa man sa gitna ng buwan ay ubos na ang sahod ko. "Thanks babe. You are really the best." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Atleast kahit papaano natutulungan ko si Dave na maging better version ng sarili niya. "I'll be there in an hour." Huminga ako ng malalim. Oo, Rachel ginagawa mo iyan para matulungan mo siyang maging better version ng sarili niya dahil mahal mo siya. Tama iyan, Rachel. Tama nga ba?

...

Nauna na si Aaron dahil may flight ito ngayon papuntang art exhibit sa Hongkong. Nakipagtie-up kasi ang kumpanya namin sa kumpanya sa Hongkong para sa international exhibit ng isa sa mga painters namin.



Hinihintay ko na lang matapos ang contractors namin. Pinabantayan ko muna ito sa security guards namin at sinabi ko sa kanila na tawagan ako kapag tapos na. Pakiramdam ko kasi ay pagod na talaga ako at kailangan kong magpahinga kahit saglit lang. Ito na nga siguro ang sinasabi ni ate. Isama mo pa ang pag-iisip ko at pagkukumbinse kong tama ang pagtulong ko kay Dave. Masayang-masaya ito ng makita niya ang pera na binigay ko. Maaring ito ang maging motivation niya para lalong magsumikap.


Kaagad akong tumuloy sa fourth floor at pumasok sa office ko. Napailing na lang ako sa dami ng papel sa may table ko na mga plano at kahit ang upuan ko ay meroon dahil nga dalawang linggong mawawala si Aaron. Wala na akong pwesto para makaupo man lang at mamahinga. Umupo na lang ako sa carpeted na sahig at sumandal sa pader at pumikit. Nasa tabi ang celphone ko para kaagad kong marinig kapag tinawagan ako ng security. Saglit lang na pahinga ang kailangan ko.



"Rachel...Rachel!" Naalipungatan naman  ako ng marinig ko ang pangalan ko. Kaagad kong minulat ang mga mata ko at nabigla ako sa nakita ko.




"Sac! Ay Mr. Villegas pala." Mabilis akong tumayo pero biglang nagdilim ang paningin ko.




"Rachel!" Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. "Ano bang nangyayari sa'yo?" Sinubukan kong tanggalin ang pagkawak niya pero hindi ko nagawa. "Gusto mo bang matumba ka? Dito ka nga." Inalalayan ako nito at mabilis nitong hinawi lahat ng papel sa  upuan ko at pinaupo ako. Bakit pakiramdam ko naman ay hinanghina ako?




"So-sorry po Mr. Villegas nakatulog ako. Bababa na po ako para tingnan ulit ang mga contractors kung tapos na." Tatayo na sana ulit ako pero nanginginig ako.




"Tapos na iyon mga contractors huwag ka ng mag-alala. Ano bang nangyayari sa'yo? Nanginginig ka. May sakit ka ba?" Umiling lang ako. Hindi ko rin alam bakit ako nanginginig.




"Kumain ka na ba?" Napatingin lang ako sa kanya at hindi makasagot. Nalimutan kong kumain. Ang huling kain ko ay noon agahan pa. "Rachel?" 



Kaagad itong umalis sa harap ko at pagbalik ay may dala na itong sports drink at ilang biscuits na palagay ko ay galing sa vendo machine. Binuksan niya ang sports drink at kaagad na binigay sa akin.




"Inumin mo muna iyan. Tsk! Mukhang mababa ang sugar level mo. Bakit naman kasi hindi ka kumakain? Hindi ko naman pinagbabawal ang pagkain sa office." Ininom ko kaagad ang binigay niya sa akin inumin. Ngayon ko na lang din napuna na nagugutom ako. Hindi ko na talaga napuna na hindi ako kumain dahil sa sobrang busy. "Oh... kainin mo." Inabot niya sa akin ang nakabukas na biscuit at kinuha ko iyon at kinain unti-unti. Hindi ako makatingin sa kanya kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain at pag-ubos ng binigay niyang pagkain. Nawala na rin ang panginginig ko.




"Salamat po Mr. Villegas. Pasensya na talaga at nakatulog ako. Babalik na po ako sa baba para mag-inspect." Tumayo na ako at salamat talaga at nakatayo na akong mag-isa. Ayokong makasama ng matagal si Sac.




"Tapos na, Rachel, nagawa ko na. Umuwi ka na at gabi na." Nakatingin lang ako kay Sac. "Hoy, ano pang hinihintay mo pasko?" Natauhan naman ako at kaagad kong kinuha ang bag ko at naglakad palabas.




Dinaanan ko muna ang 2nd storey na hall at maayos na nga ito pero ganoon pa man ay inisa-isa ko pa ri  itong inispect. Nakakahiya talaga kay Sac at mukhang siya pa ang nagsupervise dahil siguro nakita niyang walang nagsusupervise. Ano na naman kayang masasabi niya tungkol sa akin at sa kapabayaan ko? Well, kailangan ko iyon tanggapin dahil halatang-halata na kasalanan ko.



Bumaba na ako at nakita ko si Manong guard na nakangiti sa akin. Bumaling naman ang tingin ko sa nakaupo sa loob ng security at nandoon si Sac at nakatingin sa akin.



"Paano 'tay kayo na munang bahala rito." Tumayo na ito at lumabas ng security counter.




"Sige po, sir, ma'am." Paalam pa ng matanda.



"Di ba sinabi kong umuwi ka na?" Napatingin naman ako kay Sac at mukhang sinasabayan niya akong maglakad palabas.





"Pauwi na nga po ngayon."





"Sinabi ko pa iyon kanina at naabutan pa kitang umuwi. Ang tigas rin talaga ng ulo mo 'no?" Ramdam ko ang pagkainis sa boses niya.




"Marami nga pong nagsasabi." Iyon na lang ang balik ko. Humiwalay na lang ako sa kanya dahil sa papunta siya sa nakapark na kotse niya at ako naman ay mag-aabang ng taxi. Buti na lang talaga na mas maaga natapos ang event.



"Saan mo balak pumunta?" Napatingin naman ako ng magsalita ito.



"Pauwi na."



"Eh saan ka pupunta bakit sa kalsada?"



"Maghihintay po ng taxi." Umiling pa ito sa pagkadismaya.



"Palagay mo ba hihintayin kita kung hindi rin kita ihahatid?" Natigilan naman ako dahil pabalang na naman ang pagsasalita niya.



"Hindi na po, Mr. Villegas, magtataxi na lang po ako. Salamat na lang po."



"Mag-isip ka nga. Anong oras na magtataxi ka pa? Mukhang hindi ka nanunuod ng balita ha. O gusto mo lang marape? Ano bang meroon diyan sa kokote mo?" Ito talaga ang pinakaayoko kapag nag-uusap kami. Lagi na lang talaga siyang magsasalita ng mga ganitong nakakasakit na salita na para bang alam na alam niya kung paano ako inisin. Ayoko siya talagang makasama ng matagal kahit kailan.



"Mr. Villegas, hindi na lang po." Ayoko na lang talagang makipagtalo. Ayoko. Lalong-lalo na alam kong siya ang boss ko.




"You are going to ride to my car and I am going to drive you home. That is an order, Ms. Castillo. And mind you we are still in my carpark and that means I am still your boss."

...

"Eat, Rachel, eat. Huwag mong sayangin ang inorder ko kakatingin lang sa pagkain." Nablackmail na niya talaga ako sa pagiging boss niya. Isinama pa niya ako sa mamahaling kainang ito at umorder siya ng marami. Hindi ko alam kung anong klaseng paniningil ang gagawin ng lalakeng ito.




"Ano kakain ka ba ng sarili mo o gusto mo bang subuan pa kita?" Nagkunot na lang ako ng noo. Bakit ba ako nagpatakot dahil sa boss ko lang siya? Iniiwas-iwasan ko na nga siyang makasama tapos eto ngayon at kasama ko siya at kami lang dalawa.



Kinuha ko ang kutsara at tinidor ko at sinimulan kumain. Tinikman ko ang pagkain at masarap nga ito. Buti na lang talaga gutom ako at ubos na ang enerhiya ko para makipagtalo pa sa kanya. Sumubo na lang ako ng sumubo. Sabi niya ay siya ang magbabayad so I might as well eat.



Tinitingnan ko siya at kumakain lang ito ng cheesecake at kape habang nagbabasa ng kung ano sa celphone niya. Tumingin ako sa paligid ko at may iilang tao pa rin sa restaurant. Kalimitan ay kamukha ni Sac. Mga taong mayayaman.




Nagring bigla ang phone ko at kaagad kong sinagot.




"Ate, pauwi na rin ako. Sige na. Kumakain lang saglit. Uuwi na rin ako." Tinakpan ko nalang ang bibig ko dahil tahimik sa buong restaurant.




"Hay naku Rachel ikaw nga ha kumain ka ng tama sa oras. Magkakasakit ka talaga sa ginagawa mo niyan. Umuwi ka ng pagkatapos."




"Opo, opo ate. Sige na."




"Nagpunta kanina rito si Dave hinahanap ka. Mukhang magbibigay na naman ng produkto niya. Aba'y gumising gising ka nga Rachel! Tatanga-tanga ka na naman."




"Pinaiwan mo nalang sana kay Dave ate. Tulong ko na sa tao iyon."




"Tanga!" Naalis ko naman sa tenga ko ang celphone ko dahil sa pagsigaw ni ate. Napatingin ako kay Sac dahil sa pagtawa nito. Naririnig ba niya ang sinasabi ni ate?




"Ate please. May quota ka na talaga sa isang araw kung ilang beses mo pwedeng gamitin sa akin ang salita na iyan. Sige na ate. Bye. See you."  Ako na ang naunang nagbaba ng telepono. Ang bibig talaga ni ate.




"Hindi ko rin naman talaga maintindihan ang pagkahumaling mo sa Dave na iyon." Napatingin ako sa kanya ng magsalita ito. Mukha pa itong nang-iinsulto.




"Hindi mo naman kasi siya kilala..." Uminom na lang ako ng juice ko para pigilan ang pagsasalita ko.




"Well, wala akong balak na kilalanin ang isang taong manloloko. Asawa mo ba iyon at nanghihingi sa'yo ng sustento?"



"Hindi ko alam ang sinasabi mo."




"Huwag kang magkaila, Rachel. Nakita ko kayo kanina at nag-abot ka ng pera sa kanya. Ano iyon?" At paano niya iyon nakita? Patago kong binigay iyon.




"Hindi iyon sustento at hindi iyon bigay. Bayad ko iyon dahil sa mga products na binili ko sa kanya. Nasa networking business kasi si Dave at marangal ang trabaho niya." Tumawa pang nang-iinsulto si Sac.





"Scam lang iyan Rachel huwag ka ngang magpaloko. Bumili ka naman. Hay naku, Rachel." Tumawa-tawa pa ito.




"Hindi niya kaya ako niloloko. Nagtatrabaho siya ng marangal!" Giit ko.




"I doubt it. Baka naman sa iyo niya pinapabenta ang mga products niya at ikaw itong nagmagandang loob na ibenta dahil sa pagkabulag mo sa kanya." Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ni Sac. "Tapos sa huli kapag hindi mo nabenta sarili mo ng pera ang ipambabayad mo. So iyon ang nangyari ngayon, right?" Umiling-iling pa ito. "Ano ba naman iyan, Rachel? Wake up. Ginagamit ka lang niya. Niloloko. Nagpapagamit at nagpapaloko ka naman. Huwag ka ngang tanga." Napalunok ako sa sinabi niya. Ang sakit niya talagang magsalita.




"Mr. Villegas wala po kayong karapatan na pakialaman at husgahan ako sa personal na buhay ko. Kung sa trabaho po okey lang pero sa personal labas na kayo roon."




"Hindi ka talaga kasi marunong makinig. Sa ate mo nga hindi ka nakikinig. Kaya ka nasasabihang tanga. Huwag ka ngang magpakatanga sa Dave na iyan. Hindi lang siya ang lalake sa mundo." Kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng restaurant. Ayoko na talagang makipagtalo sa kanya. Hindi lang dahil sa boss ko siya kundi pagod na rin talaga ako. Naghalu-halo na ang nararamdaman ko.



"Rachel!" Hindi ko na siya nilingon kahit nakailang sigaw pa siya. Tama na. Pagod na talaga ako sa maraming bagay ngayon araw na ito. Pagod na rin akong masabihang tanga. Parang nagsama-sama ang lahat ng pagod ko sa lahat ng bagay ngayon araw na ito. Ang sama-sama ng loob ko. "Hindi mo ba ako naririnig, Rachel? Bingi ka ba?" Hindi na lang ako kumibo. "Ano saan mo ba balak pumunta? Magpapakamatay ka ba?" Napatingin naman ako sa harapan ko at nasa bungad na ako ng kalsada. Maraming truck na mabibilis ang dumadaan at napaatras naman ako dahil sa mabilis akong hinablot ni Sac. "Ano bang laman ng utak mo Rachel? Sinasabihan ka lang magagalit ka na. Sa totoo naman eh at base sa narinig ko sa lakas ng boses ng ate mo sinasabihan ka rin niya. Tigil-tigilan mo na lang talagang magpaloko at magpakatanga sa ex-boyfriend mo. Huwag mong gawin hobby."



"Tama na please, Sac, pagod na ako."



"Anong pagod? Pagod ka ng magpakatanga?"



"Oo...Sac...pagod na akong magpakatanga at sa mga taong nagpapaalala sa akin kung gaano ako katanga. Alam ko naman kasi na tanga ako."  Hindi ko  alam kung saan nanggaling iyon pero bigla naman napaluha ako.



Pang-ilang business na ba ni Dave na sinuportahan ko pero nawala rin ang pera ko. Pero ginawa ko iyon para tulungan siya at magkaroon ng direksyon ang buhay niya. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Mahal ko pa rin kasi talaga ang tao at kapag mahal mo ang tao gusto mong mapabuti siya. "Tama na please. Quota na kayo ni ate sa pagsabi ng tanga. Ayoko na, please." Mabilis lalong umagos ang luha ko kahit nakailang punas ako.




"Hindi na. Hindi na kita sasabihan n'un." Nakatulala lang ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Mabilis akong hinila nito palapit sa kanya at niyakap niya ako at huli na para lumayo ako.



"So-sorry, Rachel. I...I am sorry."









Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
6.9K 453 31
Maya Raison Sanchez doesn't like writing, she finds it boring kaya napatawa nalang siya nang regaluhan siya ng diary ng kaibigan noong birthday niya...
10.5K 1K 67
Ava is having the best time of her life. Isa kasi siya sa mga invited guests sa Scion Gala. Just think about the Met Gala. Yan ang katumbas ng Scion...
8.9K 111 5
Pano pag di nyo na maalala ang isa't isa?