Paham-Dayang

By Jerreala

15.1K 1.3K 429

Anong mangyayari kapag ang isang history major ay nagtime-travel pabalik sa pre-colonial era? Kung saan wala... More

SIMULA
Ikaunang Kabanata: Ang Dalaga sa Dalampasigan
Ikaunang Kabanata: Bahagi I
Ikaunang Kabanata: Bahagi II
Ikaunang Kabanata: Bahagi III
Ikaunang Kabanata: Bahagi IV
Ikalawang Kabanata: Ang Babaeng Pinili ng Anitu ng mga Mangga
Ikalawang Kabanata: Bahagi I
Ikalawang Kabanata: Bahagi II
Ikalawang Kabanata: Bahagi IV
Ikatlong Kabanata: Isang Pre-Colonial na Hardcore na Inuman
Ikatlong Kabanata: Bahagi I
Ikatlong Kabanata: Bahagi II
Ikatlong Kabanata: Bahagi III
Ikatlong Kabanata: Bahagi IV
Ikatlong Kabanata: Bahagi V
Ikatlong Kabanata: Bahagi VI
Author's note na may kaunting spoilers.
Ikaapat na Kabanata: Basta Madaming Reveal
Ikaapat na Kabanata: Bahagi I
Ikaapat na Kabanata: Bahagi II
Ikaapat na Kabanata: Bahagi III
Ikaapat na Kabanata: Bahagi IV
Ikaapat na Kabanata: Bahagi V
Ikaapat na Kabanata: Bahagi VI
Ikalimang Kabanata: Ang Simula ng Propesiya
Ikalimang Kabanata: Bahagi I
Ikalimang Kabanata: Bahagi II
Ikalimang Kabanata: Bahagi III
Ikalimang Kabanata: Bahagi IV
Ikaanim na Kabanata: Sa Tawid Dagat
Ikaanim na Kabanata: Bahagi I
Ikaanim na Kabanata: Bahagi II
Ikaanim na Kabanata: Bahagi III
Ikaanim na Kabanata: Bahagi IV
Ikaanim na Kabanata: Bahagi V
Ikapitong Kabanata: It's not fun in Lingayen
Ikapitong Kabanata: Bahagi I
Ikapitong Kabanata: Bahagi II
Ikapitong Kabanata: Bahagi III
Ikapitong Kabanata: Bahagi IV
Ikapitong Kabanata: Bahagi V
Ikapitong Kabanata: Bahagi VI
Ikawalong Kabanata: Ang Tagpuan sa Pangapisan
Ikawalong Kabanata: Bahagi I
Ikawalong Kabanata: Bahagi II
Ikawalong Kabanata: Bahagi III
Ikawalong Kabanata: Bahagi IV
Ikawalong Kabanata: Bahagi V
Ikawalong Kabanata: Bahagi VI
Ikawalong Kabanata: Bahagi VII
Ikawalong Kabanata: Bahagi VIII
Ikasiyam na Kabanata: Dili Nalang Magtalk
Ikasiyam na Kabanata: Bahagi I
Ikasiyam na Kabanata: Bahagi II
Ikasiyam na Kabanata: Bahagi III
Ikasiyam na Kabanata: Bahagi IV
Ikasiyam na Kabanata: Bahagi V
Ikasiyam na Kabanata: Bahagi VI
Ikasampung Kabanata: Iba-iba ang Ating Prinsipyo sa Buhay
Ikasampung Kabanata: Bahagi I
Ikasampung Kabanata: Bahagi II
Ikasampung Kabanata: Bahagi III
Ikasampung Kabanata: Bahagi IV
Ikasampung Kabanata: Bahagi V
Ikasampung Kabanata: Bahagi VI
Ikalabing-isang Kabanata: Kakaibang Meetings at Pagtitipon
Ikalabing-isang Kabanata: Bahagi I
Ikalabing Isang Kabanata: Bahagi II
Ikalabing Isang Kabanata:Bahagi III
Ikalabing Isang Kabanata: Bahagi IV
Ikalabing Isang Kabanata: Bahagi V
Ikalabing Isang Kabanata: Bahagi VI
Ikalabing-Isang Kabanata: Bahagi VII
Ikalabing-Dalawang Kabanata: Nakakapagod Maglakbay sa Lupa
Ikalabing Dalawang Kabanata: Bahagi I
MAPA NG PILIPINAS

Ikalawang Kabanata: Bahagi III

292 28 11
By Jerreala

AGAPE


"---may ibang misyon na ipinaguutos sa akin ang Anitu ng mga Mangga."

Nanlaki ang mata ni Humahon at bumukas ang kanyang bibig, na hindi magandang tanawin dahil may laman pa ang bibig niya. 


Grabe hindi ako makapaniwala na eto ang tatay ni Hiraya at ng kuya niya na si Calag!


Matangkad, matipuno, at oozing with kind gentle intelligent energy yung kuya ni Hiraya. Meanwhile, ang tatay ni Hiraya ay mukhang matabang palaka na tinubuan ng bigote at balbas. Malamang sa malamang nagmana yung dalawa sa nanay nila.


"At kailan ka pa naniwala sa mga anitu Hiraya?" pag-uusisa ni Calag.


"Mula nang magpakita sakin ang anitu ng mga Mangga---" sagot ko with full confidence.


Sa saglit kong pananatili sa silid ay mabilis ko nang nadeduct kung anong klaseng tao ang tatay ni Hiraya na si Humahon. Sa dami ba naman ng anitong pigura na nakalagay sa balangay ay kahit sino ay maiintindihan na isang devoted believer si Humahon sa mga anitu.


Alam ko kailangan kong respetuhin ang religion ng mga sinaunang Pilipino pero sa tingin ko ay mas uunahin ko munang hindi maputol ang paa ko thank you very much.


"---Alam kong mahirap paniwalaan subalit katotohanan lamang ang ibinubuka ng bibig. Sa aking panaginip ay may nagpakitang isang batang lalake na tangan-tangan ang isang mangga, isang gabi bago niyo sabihin sakin na ako ay ikakasal kay Kaluasam."


"At ano ang kanyang sinabi?" tanong ni Panginoong Humahon, para siyang yung kapit-bahay ko na nag-aabang ng chismis tuwing umaga.


"Ang sabi niya sa akin ay may ibibigay siya sa akin ang kapangyarihan  na makita ang hinaharap. Ngunit ang kapalit ay hindi daw ako dapat mag-asawa hanggat hindi ko nagagamit ang aking kapangyarihan upang baguhin ang kasasayan" saad ko sabay tingin sa sahig para maitago ko yung mukha kong tensed na natatawa at the same time.


Hala shet san nangaling yung mga pinagsasabi ko? Ang galing ko talaga sa mga impromptu story making. Believable pero nagcocoincide sa mga kagustuhan ko. 


Huwag mag-asawa, maging reveled as someone with powers para magkaroon ako ng authority, at most importantly huwag maputulan ng paa.


Sana lang talaga maniwala sakin si Humahon.


"Patawarin mo ako anak"


Omaygahd! Gumana?


Inangat ko ang aking ulo at nakita kong umiiyak si Humahon nang tahimik. Putek hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Nag-expect ako ng isang malakas na weh-di-nga at nakaready na ang predictions na sasabihin ko para patunayan yung sinabi ko pero mukhang hindi na kakailanganin ng matinding pagrecall sa mga pinag-aralan ko.


" Hindi ko sukat akalain na hindi mo talaga kalooban ang suwayin ako kundi sadyang napili ka lamang ng Anitu ng mga Mangga. Patawad aking anak kung hindi ako naglaan ng oras upang mapakinggan ang tunay na nangyayari" Tumayo siya para yakapin ako pero tumanggi na agad ako bago pa siya makalapit.


"Ehehehe ayos lang Itay. Huwag mo nang isipin yun chill na tayo" sagot ko sabay thumbs up. Iginawi ko ang tingin ko sa kuya ni Hiraya na si Calag. Hindi siya kumbinsido sa mga pinagsasabi ko.


"Sa tingin ko ay mas maigi na magpatawag tayo ng Katalonan upang kumpirmahin ang sinasabi ni Hiraya"


Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang suhestyon ni Calag. Putek sinasabi ko na nga ba eh, ang lalakeng ito ang utak ng pamilya. Hindi na rin ako magugulat kung siya talaga ang may pakana na ipakasal yung kapatid niya eh.


Shet, shet, pano kung hindi ako sang-ayunan ng Katalonan? Ano nang mangyayari sa akin? Kailangan kong mag-isip ng malupit na palusot ASAP.


"Tama ba na abalahin natin ang mga butihing Katalonan gayong oras ng tanghalian?" saad ko.


Nginitian ako ni Calag at I swear grabe napaka-angelic ng smile niya pero nakaramdam ako ng matinding kilabot.


"Hiraya, huwag mo nang alalahanin ang kapakanan ng nag-iisang katalonan sa balangay sapagkat nasa kabilang silid lamang siya nananghalian" saad niya sa malumanay na boses.


Mula sa gilid ng aking paningin ay nakita ko si Ilay na nagmamadali upang sunduin ang Katalonan. Nanghina ako mula sa aking kinauupuan pero ginawa ko ang best ko na imaintain ang ngiti ko.


PUTANG-INA.


Alam ng Diyos na hindi ako palamurang tao pero putang ina siguro kahit naman sino sa sitwasyon ko mapapamura. Kung nahuli akong nagsisinungaling puputulan ako ng paa ng sarili kong tatay. Paano kung hindi free trial ang pamamalagi ko sa katawan ni Hiraya? Paano kung lifetime subscription na ito?


Parang hindi ko yata kakayanin na maputulan ako ng paa at maging housewife sa loob ng isang kubo at uubusin ko ang buhay ko na parang display. Mas maganda nalang na mamatay ako kung ganoon.


"Calag! Alam mo namang kaya lang ako gumagawi palagi sa inyo tuwing tanghalian ay dahil nais kong matulog sa silid mong kaybuti ng simoy ng hangin, sa anong kadahilanan at ako'y iyong ginising?"


Natigil ako sa aking pag-iisip at tumingin sa bagong dating na tao sa tanghalian. Nagtama ang aming mata at nakaramdam ako ng kakaibang kilabot. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko kasi logically speaking walang nakakatakot sa kanya.


Nakasuot lang siya ng normal na tapis at saya na pang-itaas. Oo ang kanyang kwintas ay tila likha sa mga kakaibang bato pero hindi ako dapat matakot dahil ang babaeng nasa harap ko ang isa na ata sa pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko.

Ang kanyang itim na hanggang likod na buhok ay tuwid na tuwid at ang kanyang kutis ay mamula-mula. 


Oo hindi siya nakakatakot sadyang mayroon lang talagang kakaibang something sa kanya na hindi ko matukoy kung ano.


"Mahal na Katalonan, maari bang suriin mo kung totoo ba ang sinasabi ng aking kapatid." Pakiusap ni Calag.


Hindi umimik ang Katalonan at dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin nang hindi inaalis ang titig niya sa aking mata. Nagwawala ang dibdib ko, hindi ko alam kong dahil sa natatakot ako mabisto o dahil sa pagkamangha ko sa kanyang kagandahan.  


 Nang siya ay sumapit na sa aking harapan ay pinisado niyang iniupo ang kanyang sarili.


Gusto ko nang tumakbo nang walang paalam pero parang may kung anong pwersa ang nagpapanatili sa akin at hindi ako makagalaw. Napakaganda niyang babae, para siyang diwata.


"Hiraya maari ko bang hawakan ang iyong batok?" tanong niya.


Kakaiba ang boses niya, hindi gaanong mataas  at mababa para isang babae. 


"Opo" sagot ko.


Hindi niya pa rin pinapatid ang pagtingin sa aking mga mata subalit ang dalawa niyang kamay ay nagsimula nang hawakan ang aking mukha.


"Bago ko gamitin ang aking kaloob maari bang humingi ako ng pangako mula sa iyo Hiraya?"


"Ano iyon mahal na Katalonan?" Jusko sana naman hindi legit na may powers ang taong ito.


"Anuman ang makikita mo ay wala kang pagsasabihan na kahit sino." saad niya, nagbabaga ang itim na itim niyang mata.


Pshhh, ganitong-ganito yung eme nung manghuhula doon sa Quiapo. Hinulaan niya ako na may apat na lalake daw na mag-aagawan sakin at magiging mataas daw ako sa lipunan. Aba eme niya namatay nga akong single at walang trabaho. Hindi na ako magpapaloko.


"Pangako, cross my heart" sagot ko at pagkatapos na pagkatapos kong magsalita ay hinawakan niya na ang batok ko.


Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo at sakit ng tiyan. Alam niyo yung pakiramdam kapag nagtatae ka tapos hinang hina ka na? Ganun na ganoon, except alam mong hindi ka natatae.


Sa harap ko naman ay biglang tumirik ang mata ng babaylan. Tumirik din ang mata ko dahil sa loob loob ko ay malapit nang maubos ang sanity ko.


SA BATOK AKO NABAGSAKAN NG BUKO! WALANG POWERS TONG BABAE NA NASA HARAP KO. KAYA AKO NANLALAMBOT DAHIL PINIPISIL NIYA YUNG BUKOL KO.


"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ng Katalonan dahil nagpapanggap siyang may nakikitang something weird.


"Ahhhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ko dahil sobrang sakit ng ginagawa niya.


Kailangan kong tiisin tong maderpaker na ito. Sa ngalan ng paa. Sa ngalan ng paa.


"Datuk saya akan mengikut. Saya akan menolong anak ini."


Nagsimula siyang magsalita sa wikang hindi ko na maintindihan pero wala na akong pake dahil sa wakas ay binitawan niya na ang bukol ko. Iminulat niya ang kanyang mata at hinarap ang hapag-kainan. Walang imik niyang kinuha ang inuman ni Calag na may laman at ininom ito.


Walang nagtangka na magsalita sa loob ng silid, lahat kami ay nag-aabang sa kung ano ang sasabihin niya. Sana lang sumang-ayon siya sa mga sinabi ko. Pagkatapos niyang maubos ang tubig ay ibinuka niya ang kanyang bibig.


" Mali ang sinabi sa inyo ni Hiraya." 



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

TALASALITAAN

Katalonan= tawag sa mga babaylan sa tagalog. Sila ang mga priest or priestess ng tagalog regions. Gaya ng mga datu pwedeng maging babae o lalake ang mga Katalonan, although kapag lalake ang katalonan nagbibihis siya pambabae kasi yung female features ay mas holy. 

Mataas ang katungkulan ng mga Katalonan na pwede silang maging pansamantalang leader ng balangay habang wala yung datu. Allowed din silang mag-asawa at mag-kaanak at ang nakakatuwa ay pwede ding mag-asawa ang mga lalakeng katalonan ng lalake. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...