Ang Mahiwagang Puso

By sobercatnip

10.7K 1.1K 494

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Ang Huling Kabanata

Kabanata 23

170 35 13
By sobercatnip

Tila maingay ang buong kusina ng bahay habang nagkukuwentuhan sina Anne at Vhong, kasama si Manang Tasing. Halos magtatakip-silim na kaya abala sila sa paghahanda ng hapunan para mamaya.

"Mabuti nalang po talaga at napunta kami dito sa inyo, Manang Tasing. I didn't expect na dito ko lang pala matututunan ang tamang pagluto ng paborito kong ulam," sambit ni Anne habang hinihiwa ang mga patatas na kakailanganin nila sa afritada.

"Naku, hija. Mas masaya akong napadpad kayo rito sa Dumaguete. Hindi niyo naitatanong pero ilang taon na ring parang walang katao-tao at tahimik itong hacienda ng mga Gonzales," magiliw na sagot ng matanda habang hinahalo ang pinakuluang karne ng baboy. "Halos sa Maynila na rin kasi nakatira yang alaga kong si Dominic. Palaging trabaho ang inuuna at minsan lang umuuwi rito."

"Medyo halata nga po kay Dominic na workaholic siyang tao," giit naman ni Vhong na tinutulungan si Anne sa paghiwa ng mga sangkap na gagamitin.

"Hay naku, hijo! Sinabi mo pa! Napakasipag talaga yang alaga ko. Basta trabaho, walang sinasayang na oras pero pagdating sa pahinga, ang dami pang rason. Nag-aalala nga ako baka hindi na siya makakita ng babaeng mapapangasawa," tawa ni Manang Tasing at nagpatuloy sa paghahanda.

"Pero mabuti nalang talaga at dumating kayo rito. Dahil sa inyo, nagkaroon ako ng pag-asa na hindi magkakatotoo ang naging akala ko," dugtong niya at mas lalong napangiti habang kunot-noo namang nagkatinginan si Anne at Vhong.

"Ano pong ibig niyong sabihin, Manang Tasing?" magalang na tanong ni Anne sa matanda.

"Ito'y sariling opinyon ko lang din kaya secret lang muna natin ito, ha? Pero kasi sa tingin ko, bagay na bagay ang alaga ko at ang kaibigan ninyo na si Alena," maligalig na turan ni Manang Tasing. "Napakaganda at mukhang napakabait. At kapag nagkataon na maging sila, sigurado akong magugustuhan siya ng pamilya ni Dominic."

Napangiti lang naman dito si Anne habang si Vhong ay biglang naalala ang isa pang kaibigan na wala roon. Mayamaya ay bumukas ang likurang pinto ng kusina at tumambad sa kanila ang tila walang emosyong mukha ni Vice.

"O baks? Nakita mo na ba ang..." hindi agad natuloy ni Anne ang kanyang sasabihin. Pinag-usapan kasi nilang apat na 'Alena' na muna ang itawag sa mahal na sang'gre upang hindi magtaka ang mga kasama nila sa hacienda. "Nakita mo na ba si Alena?"

Hindi naman agad nakapagsalita si Vice at napaiwas ng tingin. Napansin naman ni Vhong na tila wala ito sa wisyo upang makipag-usap. "Nandon sa beach. Kasama si Dominic," payak nitong sagot at pilit na tinatago ang totoo niyang nararamdaman.

Natuwa naman si Manang Tasing nang malaman na tila nagkakamabutihan na ang kanyang alaga at si Alena, habang napangiti lang naman si Vice ng kaunti. "May kukunin lang ho ako sa kwarto, pagkatapos tutulong na po ako dito sa inyo," paalam niya sa kanila at agad na nilisan ang kusina.

Nang makapasok sa kanyang silid ay diretsong nahiga si Vice sa kanyang kama. Nakatingala ito sa kisame at dinamdam ang katahimikan. "Come on, Vice. Tama tong ginagawa mo, okay? You're doing the right thing," pagkumbinse niya sa sarili habang pilit na winawaksi sa kanyang isipan ang tagpong natunghayan niya kanina sa pagitan nina Alena at Dominic. "Siya ang taong mahal niya, at wala kang magagawa kundi ang tanggapin yon," sambit niyang muli at unti-unting ipinikit ang kanyang mga mata.


















Kasalukuyang nasa malaking veranda ng bahay si Alena. Kakatapos lang nilang maghapunan at nagpapahinga na ang iba pa niyang kasama sa kani-kanilang mga silid. Marami silang napag-usapan sa hapagkainan kanina, katulad nalang ng kusang-loob na pag-alok ni Dominic na ihatid sila sa Davao kasabay ng shipment ng mga materyales na may kinalaman sa negosyo ng kanilang pamilya na ipapadala rin doon sa susunod na limang araw.

Napabuntong hininga naman si Alena nang maalala ang pagiging mailap pa rin ni Vice sa kanya kanina. Simula nang magising siya ay tila kakaiba na ang pakikitungo nito sa kanya. Nais niya sanang malaman ang dahilan ngunit hindi siya nakahanap ng pagkakataong itanong iyon. Dahil dito, pilit na lamang niyang inalala ang mga nangyari noong gabing nalagay siya sa matinding panganib.

Taas-baba ang kanyang balikat habang diretsong nakatingin kay Vice. Batid niyang natunghayan ng huli ang pagbigay niya ng ikalawang pagkakataon sa tagalupang nagtangka sa kanilang buhay. Hindi itinuloy ni Alena ang paghulog sa taong yon sa bangin dahil nakaramdam siya ng awa at dahil naalala niya ang mga sinabi ni Vice tungkol sa mga taong gumagawa lamang ng masama at hindi tama dahil sa matinding pangangailangan.

Sa mga oras na iyon, nangibabaw ang kabutihan sa puso ni Alena para sa mga tao. At hindi niya maitatanggi na dahil iyon kay Vice. Nagtapat ang kanilang mga mata at sa pagkakataong iyon, sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan, ninais niyang lapitan si Vice upang yakapin ng mahigpit.

Akmang maglalakad na siya rito nang bigla siyang mapahinto sa kanyang kinatatayuan. Natuod siya malapit sa bangin nang maramdaman ang pagbaon ng isang patalim sa kanyang tagiliran.

Unti-unting nanlabo ang paningin ni Alena hanggang sa napa-ubo siya ng dugo. Ngunit hindi niya inalis ang kanyang mga mata kay Vice. Napahinto rin ito sa kanyang kinaroroonan at hindi makapaniwala sa nangyari.

Pinilit ni Alena na manatiling nakatayo ngunit tuluyan na siyang nanghina at nawalan ng malay hanggang sa unti-unti na siyang nahulog sa bangin diretso sa dagat. Sa isang iglap, ay tila tumigil na ang pagtibok ng kanyang puso.

"Mahal na sang'gre?" agad na natauhan si Alena nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Anne. "Ano pong ginagawa niyo dito? Hindi ba dapat nagpapahinga na kayo ngayon sa loob?"

"Nagpapahangin lang ako saglit," mahinahong sagot ni Alena at napangiti lamang ng kaunti.

"Masakit pa ba yang sugat mo?" unti-unting paglapit ni Anne sa kanyang tabi. Pareho na sila ngayong nakaharap sa dagat na tanaw mula sa veranda.

"Hindi na masyado. Salamat sa pagtatanong," napangiti naman si Anne dahil nagagawa na siyang pasalamatan ni Alena kahit sa maliliit na bagay. "Sa katunayan, medyo mabilis nga ang paghilom nito."

Napatango naman si Anne na tila manghang-mangha sa sarili. "Talaga, mahal na sang'gre? So ibig sabihin, tama nga yung mga hinala at nabasa ko."

"Anong mga hinala at mga nabasa ang iyong tinutukoy?" kunot-noong tanong ni Alena at nilingon ang kanyang katabi.

"Yung mga lumang alamat tungkol sa mga sang'gre na tulad niyo. At kung paano kayo nabibigyan ng lakas o napapagaling ng taong nagpapatibok ng puso niyo sa tuwing nakakasama niyo sila," parang dalubhasang pagpapaliwanag ni Anne dahilan para matigilan sandali si Alena.

"Mukhang hindi kita maintindihan," kunwaring nalilitong turan ng sang'gre upang ipagpatuloy ni Anne ang kanyang paliwanag. Bigla rin siyang nangamba na baka napansin na ni Anne kung sino ang taong nagpapatibok ng kanyang puso.

Sandali namang nagdalawang isip ang huli kung kailangan niya bang sabihin ang iba pa niyang nalalaman, "Mahal na sang'gre, wag ka sanang magagalit pero kasi noong mga araw na wala kayong malay, medyo nabanggit ni Vice ang tungkol sa inyo ni Dominic at kung paano niyo siya unang nakilala."

"Si Dominic?"

"Opo. Hindi ba siya yung lalaking iniligtas niyo three years ago? Nakita niyo rin daw ho siya noon sa Tuguegarao noong pumunta tayo sa Batanes bago pa ang hostage taking event last few months," giit ni Anne at hindi naman agad nakapagsalita si Alena. "We cannot help but assume na pilit talaga kayong pinagtatagpo ng taong matagal niyo ng napupusuan, mahal na sang'gre. At masaya kami na pinagtagpo ulit kayo when you're life was in danger. Dahil po sa kanya, muli pong tumibok ang puso niyo."

Natahimik lamang si Alena sa kanyang mga narinig. Tama nga si Anne, si Dominic nga ang lalaking matagal na niyang nais makilala at makasama. Ngunit bakit sa pagkakataong iyon, tila nag-iba na ang kanyang nararamdaman?

"Anne, maari mo bang ikuwento sa akin ang mga nangyari noong mga araw na wala pa akong malay?" pakiusap ni Alena sa pag-asang malinawan ang kanyang isipan, pati na rin ang bumabagabag sa kanyang damdamin. "Magmula sa kung paano ako nailigtas hanggang sa nakarating tayo dito."

Humahangos na tumakbo sina Anne at Vhong patungo sa dalampasigan. Patuloy ang pagbuhos ng ulan ngunit natanaw ng huli ang pag-ahon ni Vice sa tubig, kasama si Alena. Napahinto lamang sila nang madatnan si Vice na nakasubsob sa buhangin at hindi mapigil sa paghagulgol.

Agad na napaluha si Anne nang makita ang walang malay at tila wala ng buhay na si Alena habang mabilis namang lumapit si Vhong kay Vice upang awatin ito sa pag-iyak, "Brad, tara na! Kailangan natin siyang dalhin sa ospital!" sigaw nito dahilan para matauhan ang huli.

Muling napatingin si Vice kay Alena. Napagtanto niyang hindi siya dapat mawalan ng pag-asa at kailangan niyang maging matatag para dito. Dahil don, mabilis niyang inayos ang kanyang sarili at pinunasan ang kanyang mga luha kahit pa hindi ito mapigil sa pagbuhos.

Buong lakas na ibinuhat ni Vice si Alena sa kanyang mga bisig at agad silang nagtungo sa daan upang humingi ng tulong. Ilang minuto na ang lumipas ngunit patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Tila imposible rin na makahanap sila ng tulong sa gitna ng gubat ngunit hindi tumigil si Vice sa paglalakad habang buhat-buhat si Alena.

"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw nilang tatlo ngunit walang sumasagot kundi ang malakas na pagkulog ng kidlat. Ramdam naman nina Anne at Vhong ang pagod at unti-unting panghihina ni Vice kaya agad silang nag-alala para rito.

"Brad, ako naman," pag-alok ni Vhong na siya muna ang magbubuhat kay Alena ngunit umiling lang ang huli. "Pero brad, nahihirapan ka na."

"Hindi," tila wala sa sariling giit ni Vice. "Hindi ko siya pwedeng bitawan." Parang naubos na rin ang luha nito sa kakaiyak at namumutla na rin ang kanyang bibig dahil sa matinding lamig.

"Vice, please let Vhong carry her," pakiusap ni Anne dahil naaawa na rin siya sa kanyang kaibigan. Nagulat rin siya ng hawakan niya ito, "Vice, inaapoy ka ng lagnat!" ngunit tanging pag-iling lamang ang naging tugon ni Vice at nagpatuloy sa paglalakad. 

Puno na ng putik ang damit nito habang karga si Alena sa kanyang mga bisig. Dahil sa lagnat at pagod ay tila nangangatog na rin ang kanyang mga tuhod at bahagya na rin siyang nakakaramdam ng pagkahilo. Gayunpaman, hindi sumagi sa kanya ang pansamantalang magpahinga. Bawat segundo ng pagkakataong iyon ay mahalaga para sa kaligtasan ni Alena.

"Wag kang mag-alala, kamahalan. Makakahanap din tayo ng tulong. Kaya please, wag kang bibitaw, dahil wala akong balak gawin sa'yo yon. Hinding-hindi kita bibitawan."

Ilang sandali lang ay bigla silang nabuhayan ng loob nang marinig ang ingay mula sa makina ng isang sasakyan. Agad na hinanap nina Vice kung saan iyon nanggaling. "Tulong! Tulungan niyo po kami!" sigaw nilang tatlo at narating ang isa pang kalsada sa kabilang dulo ng gubat.

"Mang Bobet, tignan niyo! May tao!" rinig nilang sigaw ng isa sa mga sakay ng mahabang kuliglig. Napahinto ito sa gitna ng kalsada nang makita sina Anne, Vhong, at Vice. Ngunit mas lalo silang nabahala nang makita ang walang malay at duguang dalaga na buhat ng huli.

"Please po, tulungan niyo po kami," pagmamakaawa ni Anne at mabilis silang inalalayan ng tatlong magsasaka.

"May sugat po yung isa naming kasama. Kailangan ho namin siyang dalhin sa ospital," dagdag naman ni Vhong.

Napatingin naman ang mga magsasaka kay Alena. Puno na ng dugo ang damit nito habang yakap-yakap siya ni Vice na hindi na makapagsalita.

"Naku, hijo. Malayo pa ang ospital mula dito. Mas mabuti kong dadalhin nalang namin kayo sa hacienda. Kompleto rin naman ang mga gamit ng amo namin para gamutin yang kasama ninyo."

Tanging tango lang naman ang naging sagot nina Anne sa mga magsasaka at pinatakbo na ang sasakyan patungo sa tinutukoy nilang hacienda.

Ilang kilometro lamang ang layo nito kaya mabilis silang nakarating doon. Agad na bumaba ang katabi ng nagmamaneho at kumatok sa malaking gate na nakaharang sa daan.

"O, Juggy? Akala ko ba nakauwi na kayo?" gulat na tanong ng matandang babaeng sumalabong sa kanila. Nakahawak pa ito ng payong kasi umuulan.

"Manang Tasing, may emergency po!" mabilis na sambit ni Juggy at nanlaki ang mga mata ng matanda nang makita ang duguang si Alena sa mga bisig ni Vice.

"Parang awa niyo na po, tulungan niyo po kami," tila nanghihinang pagmamakaawa ng huli.

Agad silang pinapasok ni Manang Tasing sa hocienda at kinuha nito ang mga gamit niya sa panggagamot. Nars ang isa sa mga anak ni Manang Tasing kaya maging siya ay marunong ring gumamot ng ganoong klaseng sugat.

Mabilis na dinala si Alena sa isang bakanteng silid at maingat na pinahiga sa isang kama, "Teddy, kumatok ka sa opisina ni Ser. Ipagbigay alam mo ang nangyayari," utos ni Manang Tasing sa isa pa nilang kasama na agad namang sumunod.

Nanatili si Vice at Anne sa tabi ni Alena habang naghintay na lamang si Vhong sa labas ng kwarto kasama ang mga magsasakang nakakita sa kanila.

Sandali namang natigilan si Manang Tasing nang maramdamang tila hindi na humihinga si Alena. Napatingin siya kay Vice at bakas sa mukha nito ang pagmamakaawa na ituloy lang ang kanyang panggagamot sa kabila ng kalagayan ng sang'gre.

Marami-maraming dugo na ang nawala kay Alena ngunit nagpatuloy pa rin si Manang Tasing. Nang matapos ang kanyang paglinis at pagtahi sa sugat ng sang'gre ay agad itong nilapitan ni Vice. "Kamahalan?" bulong niya ngunit hindi pa rin nagbabago ang kalagayan ni Alena. Mas lalo itong namutla at tila tuyo na ang mga labi nito.

"Kamahalan, alam mong hindi to magandang biro," dagdag ni Vice at mahigpit na hinawakan ang kamay nito. Sa pagkakataong iyon, ay muli niyang hinayaan ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Hindi naman makatingin si Anne at Manang Tasing sa kanila dahil sa matinding awa.

Ipinikit ni Vice ang kanyang mga mata at paulit ulit na tinatawag ang pangalan ni Alena gamit ang kanyang isipan. "Parang awa mo na, kamahalan. Please wag ganito. Pakiusap, kailangan mo pang mabuhay. Kailangan mong mabuhay."

Dala ng matinding emosyon ay unti-unting nilapit ni Vice ang kanyang labi kay Alena. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata at binigyan ang sang'gre ng mariing halik sa noo. Halik ng pinaghalong pagmamahal, pag-asa at pighati.

Natauhan lamang si Vice nang biglang bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang isang pamilyar na mukha. Laking gulat din naman ni Dominic nang makita si Vice, si Alena, at ang kalagayan ng mga tao sa silid na iyon.

Sandali silang nagkatinginan hanggang sa naramdaman ni Vice ang bahagyang paggalaw ng mga daliri ng sang'gre. Muli niya itong nilingon at sa isang iglap ay tila bumalik ang pagtibok ng puso ni Alena.

Maging si Anne ay nagulat sa kanyang natunghayan. Pabalik-balik ang kanyang tingin kay Alena at sa lalaking kakarating lamang. At sa mga oras na iyon, hindi niya maiwasang isipin ang koneksyon ni Dominic at sa walang malay na sang'greng nasa kanyang harapan.


























an: salamat sa mga patuloy na nagbabasa. sana subaybayan niyo pa rin ito hanggang sa matapos. avisala eshma!













itutuloy.

Continue Reading

You'll Also Like

676K 26.1K 86
Finding the right one is just like putting up together a complicated set of puzzle pieces... Sometimes, you'll find yourself trying to fit in a wrong...
3.6K 250 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
19.8K 46 1
Le Feuvre Cousins Series 5 Antonietta Rachel Montes is different from other girls or let's say, from everyone. She prefers to keep her distance from...
3.1K 384 24
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...