THE UNEXPECTED Season 1 [COMP...

Por Rheevie

13.4K 5.9K 524

Kakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagda... Más

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11: THE WELCOMING PARTY 1
Chapter 12: THE WELCOMING PARTY 2
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 THE COLLEGE'S PARTY Part 1
CHAPTER 31: THE COLLEGE'S PARTY PART 2
CHAPTER 32: THE COLLEGE'S PARTY PART 3
CHAPTER 33: THE COLLEGE'S PARTY PART 4
CHAPTER 34: THE COLLEGE'S PARTY Part 5
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60: DEPARTMENT'S FESTIVAL PART 1
CHAPTER 61 DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 2
CHAPTER 62: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 3
CHAPTER 63: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 4
CHAPTER 64: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 5
CHAPTER 65: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 6
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79: THE UNEXPECTED ENCOUNTER
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102
SEASON 2 RELEASED!
Special Mention!
Rangovine Neostra 💕

CHAPTER 21

124 68 1
Por Rheevie

CHAPTER 21


Thrianne's POV

"Stand up Ms. Kilein" tinawag ako ni Prof. Ganio. Walang gana akong tumayo.

"ano ang tawag sa kaso tungkol sa isang krimen na sinadyang patayin ang biktima?"

"Murder"

"Very Good, ano naman ang batas na nagbabawal sa pag-angkin ng hindi sariling lupain?"

"Batas Republika Blg. 10368 noong 1987 at huling sinusugan ng Batas Republika Blg. 7279"

"Very good.. ok you may sit down"

Naupo ako sa kawalan ng interes na lingunin ang paligid. Bagaman may mga pagkakataong hindi maganda ang gising ko ay para akong binabangungot ng gsing. Hindi ko makakalimutan ang nagyari kagabi. Iniisip ko pa lang ay parang gusto ko ng hanapin kung sinong may gawa nito kaso baka may hindi pa magandang maganap. Kinakailangan kong ma,ahanap ng magandang tyempo.

CALLEVEIN...

Ano naman kaya ang kinalaman nya rito?

Buong magdamag kong pinagiisipan kung anong kinalaman nya, naaalala ko yung tawag sa akin noong Linggo.

"....ibigay mo sa akin ang Callevein"

Masyado nang komplikado ang nangyayari. Maski ako man ay naiisahan nila, hindi ko Makita kung sino ang malimit na nagmamatyag sa bawat kilos ko..teka—

Si Vianca Costana..

"Vianca Costana was a 4th year college, and also a classmate of Alomira Kollete, according to Adrian, may mga nakalap silang impormasyon na kasapi sya ng dramatic club, marunong syang magmanipula ng kanyang mga kasama sa pamamagitan ng cheerful way niyang pagpapanggap. She's also using a flirtation to grab her own victim. Pero ang nakapagtataka ay wala naman syang records na maaari nating iakusa sa kanya. Wala tayong makitang ebidensya. Maski ako ay hindi nakikita sa kanya ang ganon, maybe ganon lang talaga siguro sya.." kibitz balikat na paliwanag ni Rin sa akin noong nasa mall kami. (CHAPTER 9)

Totoo ang sinabi ni Rin tungkol doon. Wala akong makitang anggulo para mapagdudahan si Vianca. Masyado nilang ginugulo ang sitwasyon at naiinis na ako.

LUNCHBREAK

"Nakakainis yung mga impakta dito! Hoy Thrianne! Buong araw ka na namang tuliro ah!" nag-iingay na naman si Orange. Pababa na kami sa canteen.

"Hindi na yata magbabago ang tingin nila sa atin teh! Naku nakakatakot na naman ang araw na ito"

"Bakit na naman bakla?!"

"Aba! Syempre dahil si Thrianne ang may ticket! Kagaya kahapon, diba? Nagkakarambol ang dalawang oh!"

"Hay nako, sanay na nga yan sa mga ganyan Pringles, wag ka ng mag-aalala dyan."

"Tsaka teka, totoo bang hindi mo papatulan yun? Paano kung may mas malalang mangyari sayo?"

"Bahala na" nagkibit balikat kong sagot. Pinilit kong makisali sa usapan nila.

"tsaka titigil din ang mga yan"

"Kelan pa?! Kapag nakaratay ka na sa kabaong?!" asad ng bakla. Ngumiwi ako sa tinuran nya.

"Syempre dyan na ako lalaban, hindi naman pwedeng mauwi sa wala ang buhay ko eh"

"Nice ang taray! Pablessingan mo Rangovine! Baka magkahimala ang bampira!"

Umiiling iling na lang ako. Inihiga ko ang sarili sa pader. Nasa gilid kase kami nakapwesto. Kulang ang tulog ko kagabi, kailangan kong makapagpahinga.

"Naku hindi ka pa yata nakatulog ano?" pagbubunganga ni Orange. Hindi ko sya pinansin.

"Bakit naman hindi yan nakatulog? May pinuntahan ba yan kagabi?" paguusisa ni Ali.

"May trabaho kase kami" pangangatwiran nito. Ayaw kong ipagkalat niya ang kinwento ko sa kanya kagabi.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng may kumabig sa ulo ko. Napaigtad ako at dahan dahang iniangat ang tingin.

Si Princess at ang mga alipores..

"Kamusta freshman? Mukhang nagpapahinga ka ah?"

BWISIT!

Inis na sumabat si Orange," ano na naman bang kailangan mo aswang?"

Pfft aswang.."A-Anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko ano na naman bang kailangan mo aswang?! Aba eh kumakain na kami't lahat narito ka na naman at nagpapapansin ah!"

"Alam mo ang hilig mong sumabat pandak! Hindi ikaw ang kinakausap ko!"

"Hoy Prinsesang Palaka! Nakakainis ka na ah! Di mob a pwedeng ipagbukas yan ha! Kaloka ka!"

"Eh ngayon ako ginaganahan, at saka teka nga! Bakit nyo ba pinagtatanggol ang bampirang iyan? Ano bang mahihita nyo dyan? Dugo?!"

Tanginang toh ah..

"Hoy"

Bumaling sya sa akin"Ano ha?! Mag—"

Sinakmal ko ang mukha nya habang nasa upuan pa ako. Oo sinabi kong hindi ko na papatulan si Hades pero iba ang kaso ng isang ito sa akin.

"Ilang beses mo ng inistorbo ang pagpapahinga ko, alam mo bang iyon ang pinakaayaw ko sa lahat?"

"B-Bitiwan mo—"

"Hindi! Tangina eh, simula noong nakaraan ka pa e, hindi naman kita sinisimulan dapat, pero binibigyan mo ko ng dahilan para—"

TOOOOGGG—

MAY HUMAMPAS SA AKIN NG UPUAN!!!

Napapikit at napayuko ako sa sakit!

"Thrianne!!"

Dinuro ko lang sila. Ayaw kong madamay sila sa totoo lang. Napahawak ako sa leeg ko. Iyon kase ang pinakanatamaan na parte. Napaupo ako sa upuan sa sobrang panghihina.

"Hahahahahaha! Mabuti nga sayo Athena! Mayabang ka kasi eh, masyado mong ginalaw ang syota ko, kulang pa yan!"

Pinilit kong iangat ang paningin ko sa kinaroroonan ni Gary. Nilapitan ako ng mga kasamahan nya. Kung hindi man pakana ni Hades ito ay pinagpapasalamat ko.

"Lumuhod ka sa reyna ko, para matiwasay na ang buhay mo dito sa campus" asik nya. Sarkastiko akong natawa sa kanya.

"Tsk gago.." mahinang sabi ko."hindi ako marunong humingi ng tawad, unless patay ka na"

"Ano kamo! Nagmamatigas ka?! Gusto mo talagang masaktan?!"

Hindi ko na sya sinagot. Ang masamang itsura ng taong ito ay hindi naging sagabal para tuluyan kong masapak ng pagkalakas-lakas!

"Waaaahhhhhhhhhhhh!"

Ang lecheng pusit ay nakatulog sa sobrang impact ng sapak ko. Nagkagugulong muli sa canteen. Pumaligid sa akin ang mga bata ni Gary.

"Bat mo sinipa si Boss?!"

Hindi ko sila inimikan. Nakahanda ako sa anumang mangyayari sa akin.

"Yaaa!"

Gamit ang upuang dala nung isa ay ihahampas na sana sa akin pero mabilis kong nailagan. Ang isa pa ay aambaan ako ng suntok pero ganoon din ang ginawa ko. Lahat ng kanilang atake ay nasasangga ko at naiiwasan. Tinutulak ko lang sila ng malakas para mawalang ng balanse. Wala akong sinaktan sa kanila. Sa bilang ko ay anim sila, pawing mga sophomore.

"Napakabilis ni Athena!" bulalas ng isang babae.

"Grabe sya!"

Napatayo silang lahat maliban sa lider nila. Naaninagan ko ang isa sa kanila. Nakita ko na sya noong sinakal nya si Allison.

SA SOBRANG PANANABIK KONG MASAPAK SYA AY SYA ANG INUNA KONG PINATUMBA!

Tulog!

"Lintik!"

"Students!!" ang boses na iyon. Sya ang professor na babae na umawat noong nakaraan. Galit nag alit syang sinuyod ang lahat ng kanyang Nakita. Pati na sa akin."anong kaguluhan ito?!"

"Si Prof. Dragona!" napaatras ang mga estudyante ng makita sya.

"Kayong lahat! Magsipasok na kayo sa klase ninyo! At kayong mga nandito," duro nya sa amin," kailangan nyong pumunta sa Service Room! Ngayon din!"

"M-Maam naman—"

"Irresponsible students!" bumaling pa sya sa akin,"and you again? Ano na namang kinalaman mo dito ha?! Noong nakaraang linggo ikaw ang binubuyo ng mga ito, tapos ngayon heto ka na naman at ikaw pa ang lumalaban sa mga yan?!"

"Kung hindi ko papatulan ang mga yan ay lalo nila akong masasaktan" sagot ko. Gulat syang napalingpon sa akin.

"Eh kung ikaw ang baligtarin ng mga yan dahil pinatulan mo? Sinong dehado?!"

Taob ako sa prof na toh ah, "A-Ano bang gusto mong gawin ko? Ang magpabugbog?!"

Napaywang na sya at napakamot sa ulo," Magpahinga ka na, sobrang putla mo na, you have to gain energy, dahil panigurado bukod sa Service Room ay sa Dean's Office ka ipapatawag" pagkatapos niyon ay umalis na sya.

Nagtataka akong tumingin sa prof na iyon. Bukod kase kay Rin ay hindi ko aakalaing may magpapakita ang ganoong concern para sa akin. Napahinga ako ng maluwag. Pagkaalis ko sa canteen na iyon ay kasama ko na sila Orange na hinihintay pala ako.

"Oy te?! Sigurado ka bang ayos ka lang!"

"Hinampas ka ng upuan beh! Siraulong Aso yun, wala syang kaluluwa sa mga biktima nun eh!"

A-Aso? Natawa ako isip,"H-Hayaan nyo na"

"Punta kaya muna tayong clinic, baka hindi ka pa ok oh!"

"Ano ka ba Pringles! Ok na ok yan oh! Buhay pa nga eh! Hindi pa daw sya nagkakabangas, hinihintay pa nya ang kabaong nya baka hindi pa sya—" tinakpan ko na agad ang bibig ni Orange. NapakaOA talaga ng bwiset na toh.

Tinungo ko ang locker ko ng maramdaman ko ang pag-init ng damit ko. May nakabangga pala ako. Dahan-dahan akong lumingon sa white t shirt ko. Grrrr!

"S-sorry! S-Sorry talaga hindi ko sinasadya.." sinserong aniya nito saka nya pinagpag ang tshirt ko. Pinigilan ko ang kamay nya. Nabigla ako ng si Aoko pala ang nasa harap ko.

"O-Okay lang ako na—" pero ang pagtulong nya sa pagpagpag nya sa damit ko ay nakakailang.

"I'm really sorry..Don't worry may extra pa akong tshirt dito, pwede mo namang gamitin"

"Hoy" sabat ni Orange,"girlfriend ka ni Hades diba? Bat ka nandito?"

"H-Huh?"

"Psh" sita ko kay Orange, "ah, wag na.. may t-shirt pa naman akong extra eh"

"S-Sige..ano sorry talaga ah..sorry"

"It's okay" ngiti kong sabi. Nakahinga sya ng maluwag. Napapahiya syang yumuko at umalis.

Ang maarteng si Orange ay napahalukikip,"Pareho kayong may mantsa Thrianne"

"So?"

"Napakabait mo naman yata! Noon kapag namamantsahan na yang tshirt mo nambubugbog ka na—" sinamaan ko na sya ng tingin. Inirapan na nya ako.

"Baka balingan ka nung asungot na manliligaw nun! Ayaw pa naman nun na nababahiran ng katiting na dumi ang future girlfriend nun!" sabat ni Pringles

"OA naman nun!" si Orange.

"Oo Oa talaga, last year natapunan ng spaghetti si Alomira e, kaya naexpell yung estudyanteng iyon dito."kibit balikat na sabi ni Ali.

Napangiwi ako, napakanonsese naman ng mokong na iyon.

Bago kami umakyat ay nagpunta muna akong cr. Nagpalit ako ng tshirt. Tch, kalalaba ko lang nun eh. Next time black na talaga susuotin ko.



JEHRIDALE'S POV

Pagkagaling namin sa praktis ni Airon ay nagtungo na kami sa canteen. Araw-araw na lang ang mga babae ay bumabati sa amin. Hindi ko naman sila pinapansin, pero sila Nath at Airon ay kalimitang nakikihalubilo sa kanila kaya kadalasan ay hindi kami kaagad naupo sa pwesto naming.

"Kamusta na kaya ang mokong na iyon?" pagsisimula ni Airon,"that rolled bread, andami nyang nililihim sa atin ah"

Tch rolled bread "Lahat naman tayo may lihim eh, hindi naman kase lahat alam natin. We have to settle our own for him."

"Ah, so ano malalaman na lang natin yan sa huli? Aiish, ano pa't naging kaibigan pa tayo non? Karapatan din naman nating malaman ang nangyayari sa isa't isa diba?" napakamot sa ulo si Nath. Nagkibit balikat kami ni Airon.

"I agree but," nakahalumbabang sabat ni Tim," I also agree to Dale, ang tanging magagawa lang natin para sa kanya ay magtiwala. Hindi naman siguro masama kung maglihim, lalo na kung para naman sa atin iyon."

Natawa si Bihon sa kanya,"So anong anong pinaglalaban mo mushroom?"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Tim,"whatever, anyway kamusta kayo ni Panda? Hindi ka pa nga yata naliligaw pero busted ka na a"

"Nagtatampo siya sa akin"

"Same as Allison. Nag-usap na kami kagabi, inamin nya na nagtatampo daw sya dahil parang mas kinakampihan ko si Dale kaysa doon sa nasaktan nilang kaibigan."

"Ito kaseng si iceberg e, nakakasagap talaga ng kasamaan sa campus, kaya pati mga supporters ni Athena hindi na natatakot sa kanya hahahaha!" biglang lumakas ang tawa ni Nath. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Supporters? kelan pa sya nagkaroon?"

"Her friend stupid,"seryosong sabi ni Timrelli, tinotopak na naman sya,"hindi sila natatakot sa Ticket ticket mo"

"Hindi ko na problema yun Mushroom, I just—"

-Kriiiinggg

"Hello?" lumayo muna ako para marinig ko kung sinong tumatawag.

"D-Dale?"

Si Aoko my labs!

Inayos ko ang boses "A-Aoko! Aoko! Ahmm.. nasaan ka?"

"Nandito sa canteen.. wala kase akong kasama, ahm ano..pwede mo ba akong samahang kumain?"

"Oo naman..papunta na ako dyan"

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na pupunta muna ako sa canteen para samahan si Aoko. Sa dami ng sinabi nila ay napakamot na lang ako sa ulo.

"Waaaaaaah!!!"

"Oh myy! Hi Professor!!"

Mukhang makakasalubong ko pa ang professor na pinakamasungit sa lahat. Bukod kay Professor Cieli na talagang kinatatakutan ng second year college students ay si Professor Thraundille ang kinikilala namang gwapo at pinakamodelo sa sa SMU. Tsh ako pa rin ang mas gwapo dyan!

Malamlam ang ekspresyon ng mukha, medyo nahahawig sa mga koreano na napapanood ni Ate noon sa tv. Medyo mas matangkad ako sa kanya ng konti. Ang matatalim nyang mga mata ang nagsasabing karapat-dapat syang papurihan ng kung ano-ano, pati na sa—teka! Hindi ako bakla pota! Bakit ba parang mas magaling na akong manuri ng tao kaysa kay Tim! Yuck!

Nag-iwas na ako ng tingin ng magtama ang paningin namin. Minadali ko na ang paglalakad dahil hindi ko kayang manermon na naman sya.

"Dale dito!" kumakaway si Aoko sa kinaroroonan ng upuan nya. Grabe ang ngiti ko ngayon.

"Ang sweet nila!"

"Hindi na ako magtataka kung nililigawan ni Jehri yang si Aoko, campus goddess eh!"

"Hay nakakainggit!"

Hindi ko na sila pinansin pa. Ang tanging atensyon ko ay kay Aoko. Nung naalala ko yung ginawa ko kahapon ay napapahiya na akong tumingin sa kanya ngayon.

"A-Aoko, sorry kung hindi kita pinansin kahapon.." mahina ngunit sinsero kong sabi. Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko.

"It's okay! We're having a hard time so naiintindihan ko" nagangt ako ng tingin.

"You can share your problem?"

"A-Ahm..kain na tayo? Gutom na ako e" pagiiba nya ng usapan. Hindi ko na lang pinansin ang pagiiba ng emosyon nya dahil alam kong may mga problema syang hindi kailangang sabihin sa akin. Tatayo n asana ako pero pinigilan nya ang kamay ko.

"A-Ako na ang m-magoorder" napapansin kon ang pag-uutal nya. Pero sa halip na interogahin pa ay pinili ko nalang na ngitian sya at umupo na lang.

Minasdan ko syang naglalakad papalapit sa counter. Parang may spotlight talaga sa kanya kapag nakikita sya ng mga tao. Kusa silang humahawi sa daanan ni Aoko. Bagay na pareho naman naming nararanasan. Napangiti ako sa magandang pakiramdam na idinudulot niyon.

Napa-ayos ako ng makarinig ng hiyawan at bulungan dito. Nakita kong nasa sahig na si Aoko!

AT SI ATHENA NA MALAMANG AY TINULAK SYA!

Mabilis na nag-init ang ulo ko! Agad kong pinuntahan si Aoko para tuluyang makatayo.

Gulat na napatingin sa akin si Aoko, "D-Dale mali ang iniisip—"

Pag-angat ko pa ng tingin ay nandon na si Viancang nakahalukikip at nanlilisik ang tingin kay Athena!

Pero hindi ko na pinansin pa iyon, galit kong tinitigan si Athena. Pagkalapit ko sa kanya ay hinila ko ang manggas ng polo shirt nya. "Bakit mo tinulak si Aoko?! Ha!"

Malamlam nyang ekspresyon sa mukha ay hindi man lang natakot!"Bitiwan mo ko—"

"Alam mo bang ayaw ko sa lahat ay nasasaktan ang prinsesa ko?! Bakit mo sya tinulak Athena?! Bigyan mo ko ng magandang rason! Ha!"

"Tangina.." hindi nagpupumiglas ang babaeng ito. Kung nakaraan ko ginawa kito ay baka kanina pa nya ako sinapak! Pero wala akong pakialam! Wala syang karapatan na itulak si Aoko!

"Ano hindi ka magsasalita?! Masyado kang mayabang para banggain lahat ng gusto mong banggain sa dinaraanan mo, akala mo siguro kung sino kang siga dito! Anong gusto mo ngayon ha! Ngayon mo ko subukan Athena!"

Sarkastiko syang ngumiti at ang mga matatalim nyang mga mata ay nakakainis titigan, hindi sya nagsalita. Lalong akong nainis!

Niyugyog ko ang balikat nya at pilit ko syang inaaninag sa mata, "Hindi porke babae ka ay hindi kita papatulan, kayang kaya kitang pulbusin sa isang suntok ko"

Nag-angat sya ng tingin. Napakunot ang kanyang noo marahil ay hindi nito inaasahan ang sinabi ko. Pero hind pa rin sya nagsasalita.

"D-Dale tama na! Mali ang Nakita mo kanina—" pilit nyang binibitawan ko si Athena pero hindi ko sya magawang bitiwan sa sobrang panggigil ko!

"Hindi Aoko! Tuturuan ko ng leksyon tong babaeng toh, hindi nagtatanda eh!"

"J-Jehridale!" galit na sigaw ni Senior Adrian. Bakit ba palagi syang sumisingit dito?!

"Tama na yan pakiusap Jehridale, please—"

"Umalis ka dyan" Singhal ni Athena kay Senior Adrian. Bastos amp!

'p-pero-" hindi na sya pinakinggan ni Athena at ibinaling ng babaeng ito ang ulo sa sahig.

"Hades,"mahinang tawag nya, "hindi ko ugaling magpaliwanag sa mga kaaway ko, lalo na sayo, dahil una sa lahat nag-aaksaya ako ng laway, at iyon ang isa sa ayaw kong mangyari.." kalmanteng paliwanag nya. Naamoy ko ang amoy colgate nyang hininga kaya nabitawan ko na sya. Masyado ng malapit ang mukha naming sa isa't isa kanina, medyo napahiya ako don!

"Ah talaga? So wala lang yung pagtulak mo kay Alomira kanina?!" sabat ni Vianca sa amin.

"Hindi ko sya tinulak—"

PAAAAAKKKK!

SINAMPAL SYA NI VIANCA!!

"Oh my god!" napatakip si Aoko sa bibig, "V-Vianca tama na!" sinubukan nyang pigilan si Vianca pero hindi sya nito pinansin.

"Sinungaling ka! Kitang-kita ko naman kung paano mo tinulak si Aoko! Alam ko namang may galit ka kay Dale pero hindi ko matanggap na idadamay mo ang nililigawan nya!"

Hindi ko magawang sumingit sa away ng mga babae! Ni hindi ko kayang gumalaw para awatin ang malanding ito, kataka-takang pinagtatanggol nya si Aoko, kunsabagay ay sya mismo ang nakakita sa nangyari.

Dahan-dahang iniangat ni Athena ang paningin at masama ang pagkatitig kay Vianca. Sasampalin na sana sya nito pero napigilan kaagad at pwersahang binagsak. Umawat na si Senior sa kanya. Ultimong ang pamumutla ni Athena ay napalitan ng nagbabadyang pagsabog nya ng kanyang bulkan!

"Tanginang yan..sa lahat ba ng oras kailangan may sumisingit?" asik ni Athena." Ikaw?" baling nya kay Vianca, saka nya ito sinakal!

"ikaw palang ang ikalawang babae na nakasampal sa akin, at yung unang nakasampal sa akin ay nakaratay noon sa ospital, gusto mong masunod ha?"

"B-Bitiwan mo ako! N-Nasasakal—"

"K-Kilein...tama na!"

Hindi pinansin ni Athena si Senior at lalong hinigpitan ang pagkakasakal nya kay Vianca. Ayaw kong umawat dahil hindi ko naman gulo iyan, at isa pa, pabor sa akin na sakalin ang malanding yan.

"D-Dale, gumawa ka ng paraan para matigil na sila.." pakiusap ni Aoko sa akin. Inilingan ko lang sya. Sinenyasan ko sya na maupo na lang pwesto naming dahil nagutom ako sa ginawa ko kanina. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko na=gayon, totoong galit ang naramdaman ko sa babaeng iyon kanina pero may kalahati na sa akin ang nagsasabing hindi ko naman Nakita ang ginawa nya kay Aoko kaya ganon na lang kabilis humupa ang inis ko. Dagdag pa don ang pagtitimping Nakita ko kay Athena. Alam kong gusto nya akong sapakin pero hindi nya ginawa. Talagang tinotoo nya yung sinabi nya nung nakaraan!

Nasawata lang ang kaguluhan ng dumating si Panda at ang dalawa pa niyang kasama. Marahas na hinagis ni Athena si Vianca sa sahig. Pigil pa ang tawa ko ng Makita ang maarteng awra ni Vianca dahil napahawak sya sa basag na lalagyan ng soup.

"Ito ang unang pagkakataon na nakita ko kung gaano ka kadesperadang mapansin ng iba Vianca, sa susunod na bigla kang susulpot sa harap ko ay hindi na ako magdadalawang-isip na patumbahin ka gamit ang kamao ko." Dinig kong banta nya sa babae. Naiwan silang napanganga sa mga nakita ngayon.

Seguir leyendo

También te gustarán

29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
109K 3.1K 51
Highest rank: #1 in Spiritual Ang BABAENG desperada sa GAYUMA kumakapit samantalang ang LALAKENG sobra na ang inis KULAM ay susubukang gamitin. Ano n...
2.5M 5.3K 5
Sabi 'nga nila hindi naman magbabago ang isang tao kung hindi ito nasaktan, at 'yon ang nangyari sa'kin. Pain changed me into a new person. I will...
1.9M 5.9K 6
Gangsters are common in the place she lives and the life she continues to live out. She is an Empress of her own world and no one could ever take tha...