THE UNEXPECTED Season 1 [COMP...

By Rheevie

13.4K 5.9K 524

Kakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagda... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11: THE WELCOMING PARTY 1
Chapter 12: THE WELCOMING PARTY 2
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 THE COLLEGE'S PARTY Part 1
CHAPTER 31: THE COLLEGE'S PARTY PART 2
CHAPTER 32: THE COLLEGE'S PARTY PART 3
CHAPTER 33: THE COLLEGE'S PARTY PART 4
CHAPTER 34: THE COLLEGE'S PARTY Part 5
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60: DEPARTMENT'S FESTIVAL PART 1
CHAPTER 61 DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 2
CHAPTER 62: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 3
CHAPTER 63: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 4
CHAPTER 64: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 5
CHAPTER 65: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 6
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79: THE UNEXPECTED ENCOUNTER
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102
SEASON 2 RELEASED!
Special Mention!
Rangovine Neostra 💕

CHAPTER 19

118 73 1
By Rheevie

CHAPTER 19

ORANGE'S POV

Sa Cristailli's Café kami kasalukuyang nagwowork ngayon ni Thri. Ewan ko ba, tinotopak ang babaeng ito ngayon at naisipang magtrabaho.Kunsabagay ay hindi na sya nakapagpraktis sa banda nila kanina dahil sa iskandalo ni Jehridale. Bandang alas-siyete na iyon ng gabi at hindi ko maiwasang kabahan sa mga kinikilos nito. Nagseserve kami ngayon ng mga order ng customers. Wala pa si Yashiko dito psh.

"Good eve babes!" salubong ni Mitch sa amin. Kumakaway kaway pa sya sa amin.

"what's good in evening?" masungit na ani ni Thri. Napabuntong hininga na lang si Mitch.

"Where's Yashiko?"

"Nasa puso mo" sabat ni Thri. Napapoker face ako.

"Eh? Hhahahahahaha!"

"Tss kinikilig ang gago" Singhal ng kaibigan ko. Patuloy niyang inaayos ang mga inorder ng customer. Ugali na nyang mang-asar sa mga malalapit sa kanya. Hindi ko na lang pinapatulan kapag alam kong wala sya sa mood.

"Mitch! Anong satin?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ah, tatambay lang ako dito, katatapos ko lang magpraktis sa basketball"

"Hindi ka oorder ganon?" mataray na sabat ni Boss Yashiko. Nakahalukipkip syang nakatingin sa lalaki. Heto na ang power couple namin hahahaha!"kung tatambay ka dito Mr. Callevein, maigi pa umuwi ka na"

"Tch! Babe-"

"Babe?! Sinong babe--mo ako?! Nako Mitch lumayas ka dito sa harap ko baka mabugbog kita!"

"Ayoko nga! Nandito ako para mailabas ang stress ko Yash" ngumuso syang sabi. Iiling iling si Thrianne na papalapit sa dalawa.

"Orange, pakilagay nga itong honey sa café, baka hindi pa sumakto sa timpla" pagpaparinig nya pa sa dalawa. Natatawa akong sinalin ang honey. Ang dalawa naman, hayun tuloy sa pagtatalo.

"Ano ba kaseng ginagawa mo dito?!"

"Nandito nga ako para uminom ng kape!"

"May kape naman sa inyo ah!"

"Eh ayoko nun eh! T-Teka nga? Bat ka pa nagagalit?"

"Kulang sa lambing mo Mitch" sabat ni Thrianne.

"O-oo nga! Kulang sa date at chocolates mo Mitch! Kawawa naman alala-"

"Will you please shut up?! Shut up!" inis nyang sabi saka tumalikod. Sya pa may ganang mag-walkout psh. Walang araw na hindi nagbabalayawan ang dalawang ito kapag sila ang naguusap. Tuloy ay naawa ako kay Mitch. Kita ko sa mukha nito ang pagod dahil bukod sa praktis nito ay binabantayan nya din ang loka-lokang kapatid sa bahay o sino pa kung e di si Sunshine.

"Paorder nga ng Creamy Vanilla Coffee, here's the change"

"Thank you sir" nakangiti kong sabi. Matapos ang magdamagang rotation naming ni Thrianne ay nagpahinga muna kami sa table ni Mitch. Talagang magdamag syang nakaupo doon, hindi naman na sya nakapagsalita after nilang mag-usap ni Boss Yashiko.

" Oh? Di ka pa umuuwi?"

Hindi ito sumagot sa kanya. Tch, magpinsan nga sila ni Hades, kakaiba ang mga ugali.

"Kinakausap ka ni Thriane! Gabi na oh, tsaka marami pa kayong gagawin bukas e" paniniguro ko. Nag-angat sya ng tingin at direktang nakatitig kay Thri. Ano naman kayang iniisip nito?

"I have a bad news to you.." bulong nya pero dinig na dinig ng tenga ko. Paano kase ay hindi sya lumapit sa babaeng kausap nya, parang pinaparinig pa sakin eh! Pero bigla akong natauhan sa sinabi nya.... Ano naman kayang bad news iyon?!

" Tell me.."

" Officer Simson founded a liquid form of formalin... inside the body of the two victims"

Gulat akong napalingon kay Thrianne. May hindi sya kinekwento sa akin ah!

"May tendency na pinainom ng tubig ang mga biktima, sa tantsa ko ay may kakaibang lason din ang nilagay nila sa formalin. Hindi namin matrace kung anong klaseng lason iyon. Pero may nakalap pa kaming impormasyon mula sa NMU, may isang organisasyon doon na gumagamit ng mga fraternities para makapagblack mail and at the same ay magamit ang signature poison nila. Lahat ng maaaring sangkot sa kanila ay minomonitor nila at pinapatay ng hindi nalalaman ng iba. Actually tumigil na sila last two years ago, kaso sa di malamang anggulo nito ay bumalik silang muli at mas matitindi ang ginagawa nila. May mga katulad din na cases doon like sa ginanap na Acquintance Party last Monday, may nareport na dalawang nawawala din kinabukasan."

Nahintakutan ako sa mga natuklasan. Hindi pala basta-basta ang kasong nililihim sa akin ni Thri. Ngayon naiintindihan ko na. "Teka nga, sino ba kase yung mga biktima na sinasabi nito?"

Nagtatakang tumingin sa akin si Mitch, "Hindi nya ba sinabi sayo?"

"Ha! Paano nya sasabihin eh busy lagi sa school ano!" hindi ko na tinukoy ang pambubuyo ng pinsan nito sa kanya. Nililimitahan ko naman ang mga sinasabi ko. Ayaw kase ni Thri ang maraming sinasabi, gusto nya sa kanya manggagaling.

" Ang mga biktima ay sina Chelsea and Dimples-"

"W-WHAT?!" sobra ang pagkakasigaw kong iyon. "t-totoo ba yang sinasabi mo?! Baka nagkakamali ka lang!"

Marahas na bumuntong hininga si Mitch at yamot na napatingin kay Thri. Ngumiwi naman ang babaeng ito sa kanya.

"Tss.. bat kase sinabi mo pa, eh alam mo namang OA yan magulat"

"Hayss, anyway, nasabi na ng mga pulis sa mga pamilya ng mga biktima ang nangyari. Actually gusto nilang paimbestigahan ang nangyari pero nitong nakaraan lang gusto na nilang iurong ang kaso. Isn't it weird right?"

"Yeah, siguro dahil naging pabaya ako kaya nangyari toh.." naisatinig ni Thri. Lahat kami ay natahimik sa kanya. Nag-aalalang tumingin sa kanya si Mitch. Maski rin ako ay hindi makapaniwala, paanong hindi napansin ni Thrianne ang mga nangyayari?

"W-Wait, kelan sila namatay?" sabat ko.

"Monday" sabat ni Mitch."I know it's Monday, kase nitong Sunday ay wala namang trapal na sinasabing nakatakip doon sa lupang pinaglibingan nung dalawa. And nung inexamine ang katawan nila, sariwa pa nga daw eh-" nahinto siya sa pagpapaliwanag ng bahagyang nanlalaki ang mga mata. "K-Kil..posible kayang?!"

"Oo..posibleng ang katawan nila ay nilagyan ng dextrose pagkatapos painumin ng lason para magmukhang sariwa ang mga bangkay. Ang ganitong estilo nila ng pagpatay ay hindi na pangkaraniwan sa akin. Sa palagay ko, pinatay na sila bago pa umabot noong Linggo." Walang kagatol-gatol nyang sabi. Nanlalamig na ang mga kamay ko sa dami ng natuklasan ko. Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong karumal-dumal na krimen.Nangingilid na ang mga luha ko.. naging kaibigan ko din si Chelsea at kaklase ko noon si Dimples. Paano nilang sinapit ang ganito?

"Here" nagbalik ako sa sarili ng abutan ako ni Mitch ng tissue. "T-Thank you" nakangiti akong nagpasalamat.

Napahawak si Mitch sa baba,"Ang nakapagtataka lang..bakit kaya nila pinatay ang dalawang iyon? Siguro may alam sila sa organisasyon na iyon"

"Kung anuman ang dahilan nila...hindi ko sila mapapatawad..pagbabayaran nila ang lahat ng ito, ang hindi nila makatarungang pagpatay ay hindi ko na hahayaan pang may susunod sa SMU.."seryosong aniya ni Kilein.

"Hindi mo makokontrol ang sitwasyon Kil, unless magpatulong ka kay Rin"

"No, sinabi ko na sa kanya na huwag syang makikialam sa kasong ito, ako na ang bahalang lumutas nito-"

"You're not a detective" sarkastiko nitong wika sa kaibigan ko.

"Hindi rin naman detective ang taong iyon eh, professor sya"

"Sus, ayaw mo lang madapuan siya ng sugat"

"Wala kang pakialam" asik pa ni Thri. Hindi ko na maintindihan ang mga pinag-uusapan nila. Ang iniisip ko ngayon ay kung paano ko pa maididigest lahat ng nalaman ko sa gabing ito.

"Hoy"

"H-ha?'

"Alinman sa mga narinig mo ngayong gabi ay ilihim mo, naintindihan mo?" may halong pagbabanta sa tono ni Thri. Tumango ako bilang sagot.

Malamang ililihim ko talaga iyon Thri, dahil alam kong malulutas mo iyan, gusto kong ikaw ang lumutas nyan...

"Uuwi na kami, kung hihintayin mo pa ang babes mo dito ka lang muna, baka bumalik iyon dito dahil sya ang nagsasara dito"

"I know Kil, sige ingat kayo!"

"Geh"

Matapos ang kwentuhang iyon sa Cristailli ay umuwi akong tulala at hindi nakapagsalita sa sobrang tuliro. Naubos yata lahat ng lakas ko dahil sa katotohanang bukod kay Hades ay mas Malaki pa pala kaming problema na pilit naming sinusuong.


THRIANNE'S POV

"Nakatulog ka ba kagabi?" nakangiwi kong tanong sa katabi ko. Halatang puyat sya dahil sa naglalakihan nyang eyebags sa ilalim ng kanyang mga mata. Sigurado hindi nakatulog ang ungas na ito kagabi.

"Nakapagreview ka na ba sa Law?" walang gana kong tanong sa kanya. Kanina pa sya tahimik habang naglalakad. Sumabay na ako sa kanya dahil baka magpakasagasa na sya sa kalsada.

"Tangina.."

Daig ko pa ang hangin sa pananahimik ng isang ito. Bago pa ako pumasok sa klase ay umakyat muna ako sa music room para tingnan kung nandoon na ba sila Crayden. Hindi ako nakapagpaalam dahil sa yamot ko kahapon.

"Oh! Ikaw pala!" salubong sa akin ni Josh. "Hindi ka nakapagpraktis kahapon ah"

"O-Oo nga eh, pasensya na.."

"Ok lang, dumalaw kase kami sa lamay kahapon."

"Lamay?"

"Oo, kamamatay lang kase kahapon yung Chairman nila Shinichi. Hindi nya ba sinabi sayo?"

"Sinabi naman nya, kaso hindi na ako nakadalaw"

"Ah, anyway, kung hinahanap mo si Cray sasamahan na kita, may ipaparevise kase akong kanta e"

"Sige"

Sabay kaming nagpunta sa klase nila Crayden. Mga seniors na pala ang nandito.

"Saglit lang ako tas papasok na" abiso ko sa kasama ko. " teka, di ba nakapunta kayo sa lamay bakit hindi kayo ngaksabay nila Shinichi?"

"Ah yun ba? Wala lang, kasi ayaw naming makisabay sa mga yun, alam mo na, naooffend lang kami sa mga kaibigan nun" aniya Josh. Tutal wala pa namang prof ay dire-diretso na kaming pumasok sa room nila. Ang mga seniors na nakatingin sa akin ay nakataas ang kilay na parang nagtatanong.

"Di ba sya yung freshman na nakatanggap ng Red Ticket?"

"Oo, ang tapang naman nyang pumasok dito"

"For sure hindi na sya makakaligtas ng buhay paglabas nya dito"

Hindi ko na sila pinansin pa. Malakas akong bumuntong hininga, pagabante ko ay nabangga ako sa balikat, dahilan para matapon ang pancit sa damit ko.

Ah...

"Ay sorry..sinasadya" dinig kong asik ng babae. Imbes na patulan ay tinitigan ko muna sya, dahilan para ialis sa akin ang tingin nya saka naglakad palayo. Hayun na naman ang tawanan nila. Sinikap kong hindi mag-init ang ulo ko. Dumiretso na ako sa pwesto nila Crayden.

"Kayo pala-oh? Anong nangyari sa damit mo?" gulilat na tanong nya. Napakamot sa ulo ang kasama ko.

"Pinagtripan lang naman sya, sya nga pala! May ipaparevise sana akong song ni Michael Jackson, may isang professor kase na nagrequest na baka pwede nating iperform."

"Huh? Pero hindi iyon kakayanin ah" alinlangang sagot ni Cray. Napalingon sya sa akin.

"ikaw pala yung nakatanggap ng Red Ticket nung isang araw... buti kinakaya mo pa" sarkastiko nitong pahayag. Nagiwas ako ng tingin. "kaya mo pa bang maging vocalist?'

"C-Crayden? Ano bang sinasabi mo tol?"

"No, hindi ko naman sinasabi toh para mang-inis o ano pa man, nag-aalala ako sa magiging susunod na mangyayari sayo. Alam mo yun, baka bago dumating ang College's Party may hindi pa magandang maganap yun. Yun yung iniiwasan kong mangyari." Naiintindihan ko ang punto nya. Kunsabagay ay hindi biro ang ganitong buhay na mayroon ako, pero dahil sa kagustuhan kong magkaroon ng experience habang sa ganitong pagkakataon pa ay hindi ko hahayaang mawala ito.

"Kaya ko naman..." narelieve sya ng sabihin ko yon.

"Teka anong sadya mo? Baka kase malate ka"

"Ah... gusto ko sanang magsorry kase hindi ako nakapunta sa praktis-"

"It's okay! Hindi mo na kailangang problemahin yan at kung naikwento ni Josh sayo na dumalaw kami sa lamay kahapon."

"Ah, kasama nyo naman si Wilson diba?'

Nagkatinginan ang dalawa sa biglaang tanong ko.

"Ang totoo nyan... hindi sya sumama sa amin kahapon" paliwanag ni Josh. Nag-aalinlangang tumango si Crayden pahiwatig na totoo ang sinasabi ng kaibigan.

Nabuhay na naman ang panibagong kabang naramdaman ko. Hindi na naman maganda ang kutob ko dito.

"Tinawagan nyo na ba sya kahapon?"

"Oo, ilang beses pa nga, kaso hindi na sya sumagot"

Nagtiim ang bagang ko. Sana wala lang tong nararamdaman ko.

"Mamaya na natin pagusapan yan, papasok na ako". Pagkalabas ko ng pinto ay pinagbabato na ako ng papel na may pintura.

Arghhh! Tangina talaga!

"Bwahahahahahahahahaa buti nga!"

Pero sinuman sa kanila ay hindi ko na pinatulan. Nagdire-diretso ako sa Department of History.

"Ya!"

Tch, boses ni Rin.

"What the-"

"Wag ka ng maginarte dyan, pahiramin mo ko ng damit"

Wala nang mga guro dito kaya paniguradong late na ako nito. Pinahiram nya ako ng damit na kulay blue at saka nagmadaling magbihis sa sarili nilang cr.Pagkalabas ko ay hindi ko na Nakita pa si Rin. Mabilis kong tinungo ang room ko at-

"YOU ARE LATEEE!!" salubong sa akin ni Pampino. Napapahiya akong nagbaba ng tingin.

"Where are you come from Ms. Coldblooded?!"

Hindi ko na sya sinagot pa.

"Next time that I saw you outside of this class while I'm your period professor, you will not allowed to enter this class, for entire school year!" gigil nyang sermon sa akin. Mapait akong bumuntong hininga saka iiling iling na pumasok.

Buti at nakisama ang lecheng prof na ito. Mabilis na kaseng uminit ang ulo ko dahil sa kaninang konsomisyon ko. Kahit saang sulok yata ng SMU may magagawa at magagawa sa akin ang mga bata.




Jehridale's POV

Nasa canteen na kaming apat. Absent si Shinichi ngayon dahil lilipad sila papuntang Japan para doon ipalibing ang lolo nya. Nag-order si Nath ng makakain.

"Will you just stop touching my hair Airon?!" inis na sita ni Tim sa clown na ito. Natatawa akong inilingan sila.

"Nakakagoodvibes kase tong si mushroom! Ah! Habang wala pa si Shinichi bakit di na lang nati-" nag-angat sya ng tingin sa likuran ko. Nilingunan ko ang tinitingnan ni Airon. Ah...si Panda..bakit di na naman nya kasama ang abubot na Athenang iyon?

"She's not in the mood" bulong ni Tim sa kanya,"well, ganon din si Allison. Kagabi nga tumawag na sya sa akin at nagsorry tss"

"Mag-isa lang sya ngayon ah, nasaan na si Ali at Prince?"

Nagkibit balikat si Tim. Ibinalik ko ang mata sa harap at nakita si Athena.

Pagkakataon nga naman hehehe..

Sinenyasan ko na ang mga kalapit na estudyante sa paligid ni Athena. Ilang saglit pa ay nagliliparan na ang mga bote sa katawan nya. May tubig pa iyon kaya basang basa sya ng batuhin sya niyon.

Napangisi ako sa kawawang babae. Tch kulang pa yan..

Dahan dahan akong lumapit habang may hawak na pagkain at nilublob ko sa buhok nya. Tingnan natin kung matagalan mo.

"Dale!"

BLAAAAGGGG!

Huli na ng awatin ako ng mga kaibigan ko ng mabilis akong kwelyuhan ng babaeng ito at pwersahang inihiga sa sahig!

"Waaah!"

Ang malamlam nyang titig sa akin ang nagpahupa ng kaninang ngisi ko. Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nasa loob ko. Namumutla sya nae wan. May palagay akong hindi pa sya nakakatulo-

AH! WALA AKONG PAKIALAM!

Hinigit ko ang kamay nya at aastang kakawala sa kanya pero dinaganan ng paa nya ang tiyan ko!

FUCK!

Maya maya pa ay tinukod na nya ang dibdib ko. Muli nya akong kinwelyuhan at inilapit ang mukha ko sa kanya.

"Gustong gusto mo talaga tayong mag-away ah...tsk tsk" iiling iling nyang litanya. Ang kaninang malamlam nyang titig ay napalitan ng pagkainis.

"Alam mo, nauubos na ang lakas ko kakaganti sayo" ang mahigpit nyang pagkakahawak sa kwelyuhan ko ay umabot hanggang sa leeg ko. Nahihirapan man akong huminga ay hindi ko pinakita sa kanya. Masyado syang malakas! Hindi ako makawala sa kanya!

"Mukhang masayang masaya ka sa impyernong pinaparamdam mo sakin ah, wag kang mag-alala, panalo ka na"

o-o

"A-Ano ban-"

"Saktan mo pa ako Hades, sige lang... sinabi ko sa iyo noon na ikinagagalak kong tanggapin ang imbitasyon mong ticket ticket na iyon. Totoo yon, kung ikakasaya mo ang pambubully mo sa akin tatanggapin ko, pero hindi na kita papatulan...hahayaan lang kitang gawin ang gusto mo." Pagkasabi nyang iyon ay marahas nan yang binitiwan ang kwelyuhan ng damit ko. Ang tono ng pananalita nya ay kaswal na, hindi iyon normal. AT HIGIT SA LAHAT HINDI KO RIN GUSTO..

Napatayo ako ng wala sa sarili. Hindi ko na narinig ang mga sinasabi ng kaibigan ko. Kakaiba ang inaasal ni Athena ngayon, at ano bang sinasabi nyang hindi na nya ako gagantihan?! Totoo ba yun!

Nagbabagong buhay?!

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 28.2K 80
The girl who is respected by people, the Woman who wants a justice for her parents death, A lady who fall inlove with the dorky, funny, and sometimes...
107K 3.3K 53
Highest Rank Achieved #137 in Mystery/Thriller This is a place where KILLING is Legal, Don't you dare to enter this school because you will regret it...
1M 3.2K 9
BLOODKINGS. Binubuo ng anim na groupo. Kilala bilang GANGSTERS. Matapang Malakas Kinakatakutan Brutal kong gumanti At higit sa lahat nangunguna sa...
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)