Ang Mahiwagang Puso

By sobercatnip

10.4K 1.1K 491

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Ang Huling Kabanata

Kabanata 22

179 28 11
By sobercatnip

Maaliwas ang panahon at tila marami ang taong nag-aabang sa daungan ng Batangas. Abala ang iilan sa pag-asikaso ng kanilang mga maleta at kagamitan habang ang iba naman ay abala sa pakikipag-usap. Masayang naglalaro ang ilang mga bata sa tabi ng kanilang mga magulang habang hinihintay ang pagdating ng pampasaherong barkong sasakyan nila tungo sa kani-kanilang pupuntahan.

Sa isang malaking bato sa hindi kalayuan ay tahimik lamang na nakatanaw sa kanila si Alena. Madalas niya itong ginagawa sa tuwing nalulungkot siya sa ilalim ng karagatan o sa tuwing hindi siya nakakabisita sa kaharian ng kanilang Inang Minea. Rinig mula sa kanyang pinagtataguan ang tawa at hagikhik ng mga batang naglalaro ng habulan.

"Ano kaya ang pakiramdam na makasalamuha silang muli? Tila nakalimutan ko na yata iyon sa paglipas ng mga taon," pagkausap niya sa sarili at pilit na winaksi ang namumuong ideya sa kanyang isipan. Hindi siya maaaring pumunta sa lupa o makipagsalamuha sa mga tao dahil tiyak malalaman ito ng kanyang mga nakakatandang kapatid, at lalong-lalo na ng kanilang ina.

"Ano sa tingin mo, aking kaibigan? Dapat ko bang gawin ang aking binabalak?" pilyang tanong ni Alena sa pagong na tumabi sa kaniya. Ngunit hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglangoy.

Sa pagkakataong iyon, hindi niya maiwasang makaramdam ng lumbay habang pinagmamasdan ang isang masayang pamilyang naghihintay sa tapat ng daungan. Hindi malinaw ang kanilang mga mukha dahil may kalayuan sila mula kay Alena ngunit ramdam ng sang'gre ang saya ng batang lalaki habang hawak ang mga kamay ng kanyang mga magulang. Hinalikan pa ang batang iyon ng kanyang ama at ina sa magkabilang pisngi na ikinatuwa nito lalo.

Natunghayan rin ni Alena kung paano kulitin ng batang lalaki ang kanyang mga magulang na sila naman ang magbigay ng halik sa isa't-isa. Napahagikhik ang batang iyon ng sundin siya ng kanyang ama at ina.

Nakangiti naman silang pinagmasdan ng sang'gre dahil ramdam niya ang wagas na pagmamahalan ng mag-asawa, "Sana dumating ang panahon na maranasan ko rin ang walang kapantay na pag-ibig tulad ng sa kanila," sambit niya ng puno ng pag-asang makakahanap rin siya ng nilalang na magbibigay sa kanyang puso ng walang hanggang kasiyahan at pagmamahal.

Unti-unting iminulat ni Alena ang kanyang mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag mula sa araw. Nakabukas kasi ang malalaking bintana ng silid na iyon kaya malaya itong nakakapasok.

Dahan-dahan niyang ipinasada ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kwartong hindi pamilyar sa kanya. Hindi makakaila na may kalakihan ito at napupuno ng mga muwebles na yari sa kahoy.

Pilit na pinaupo ni Alena ang kanyang sarili kahit pa bahagyang kumikirot ang natamo niyang sugat. Nagtataka niya itong pinagmasdan dahil tila may kung sino ng naglinis at gumamot nito. Inisip na lamang niya na baka sina Vice ang may gawa non, at sila rin ang dahilan kung bakit nandon siya sa magarang silid na iyon.

Tanaw mula sa kanyang higaan ang berdeng damuhan at ang asul na dagat sa labas. Bahagya siyang napangiti dahil tila gumaganda na ulit ang panahon at maari na silang bumiyaheng apat.

Ilang sandali pa ay napalingon si Alena sa pintuan ng silid nang bigla itong bumukas. Tumambad sa kanya ang babaeng tila may katandaan na at may dalang gamot at telang pamalit sa kanyang sugat. "Naku, hija. Gising ka na pala. Sandali lang at tatawagin ko si Ser," nagmamadali nitong turan at inilapag sa mesa ang kanyang mga dala.

Akmang tatanungin pa sana ni Alena ang matanda nang tuluyan na itong lumabas ng silid. Kusa namang inayos ng sang'gre ang kanyang pagkaupo sa higaan at maging ang kanyang mahabang buhok sa pag-aakalang si Vice ang tinutukoy nito. Inayos niya rin ang suot niyang puting bestida na napagtanto niyang yari sa mamahaling tela.

Mayamaya lang ay nakarinig siya ng pagkatok sa pintuan, sabik siyang napalingon dahil nais niyang makita sina Vice, lalong-lalo na ang huli. Ngunit ang kanyang pagkasabik ay napalitan ng pagkagulat nang tumambad sa kanya ang taong hindi niya inaasahan. "Mabuti naman at nagising ka na. Dalawang araw ka rin kasing walang malay," ang boses nito ay mahinahon lamang halintulad sa maaliwas nitong mukha noong una niya itong nakita. "Ako nga pala si Dominic. Ang mga tauhan namin dito sa hacienda ang nagdala sayo rito."

Hindi naman agad nakapagsalita si Alena. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking pinagmamasdan niya lamang noon mula sa malayo ay kanya ng nakakausap ngayon. Ang lalaking minsan niya ng iniligtas ay narito na sa kanyang harapan. "Sorry ha, baka nabigla ka kay Manang Tasing kanina. Excited lang talaga palagi yon kapag may bisita sa hacienda."

Napangiti ng kaunti si Alena dahil naalala niya ang pagkaligalig ng matandang babaeng tinatawag nitong Manang Tasing. "Nagugutom ka na ba? Saktong-sakto dahil nakahanda na si Manang ng tanghalian. Tara na sa labas? Kaya mo na bang tumayo o maglakad?" paglahad ni Dominic ng kanyang kamay ngunit sandali niya itong binawi ng hindi agad tumugon si Alena. "Sorry. Ang dami ko na palang sinasabi pero hindi ko manlang natanong kong ano ang itatawag ko sa'yo," nahihiyang giit ni Dominic at napakamot sa kanyang batok.

"Alena. Alena ang pangalan ko," napangiti naman ang binata dahil sa wakas ay narinig na rin niyang magsalita ang kanyang kaharap.

"Maganda. Kasing ganda mo," wala sa sariling sambit ni Dominic na tila natutulala pa rin sa tuwing pinagmamasdan ang taglay na kakaibang ganda ng mahiwagang sang'gre.

Sandali namang nailang si Alena dahil hindi siya sanay na may taong pumupuri sa kanya. Tila pang-aasar kasi at pang-iinis ang nakukuha niya palagi kay Vice simula nang dumating siya sa lupa.

Nang maalala ang huli ay agad namang hinarap ni Alena si Dominic, "Nasaan nga pala ang mga kasama ko? Nandito rin ba sila?"

"Nasa garden sila ngayon at nagtatanghalian. Siguradong matutuwa ang mga yon kapag nalaman nilang gising ka na," pagtango ni Dominic at muling inilahad ang kanyang kamay. Tinanggap na lamang ito ni Alena dahil nahihiya siyang tumanggi pa sa ipinapakita nitong kagandahang loob.

Inalalayan siya ni Dominic sa pagbaba ng hagdan patungo sa malawak na hardin ng hacienda. At doon ay natanaw niyang kumakain sina Anne, Vhong, at ang kanina niya pa nais na makitang si Vice.

Gulat na napatayo si Anne sa kanyang kinauupuan nang makita na gising na si Alena, "Mahal na sang'gre!" nasasabik nitong sigaw at mabilis na tumakbo patungo rito. Hindi naman nagdalawang-isip si Anne na yakapin ang sang'gre. Maging si Vhong ay napatakbo rin at napayakap. Tumugon rin naman dito si Alena dahil maging siya ay natutuwa ring ligtas at nasa maayos ang kanilang kalagayan.

"Kamusta ka na? Ayos ka na po ba? Masakit pa ba yang sugat mo? May nararamdaman ka pa bang ibang sakit maliban diyan?" sunod-sunod na tanong ni Anne at siya na mismo ang umalalay kay Alena tungo sa malaking mesa.

Napangiti naman ang sang'gre at pinatong ang kanyang kamay sa braso ni Anne. Nagpapasalamat siya dahil ramdam niya ang pag-aalala nito sa kanya bilang kaibagan at para na ring tunay na kapatid, "Anne, wala ka ng dapat pang ikabahala. Medyo maayos na ang aking pakiramdam at unti-unti na ring bumabalik ang aking lakas," ngiti niya at napaupo na sila sa hapagkainan.

Sa pagkakataong iyon ay nagkaharap na sila ni Vice. Ang ngiti ni Alena ay tila napalitan ng bahagyang pagkadismaya dahil hindi manlang tumayo si Vice upang siya ay salubungin. Nakatingin lamang ito sa kanya at nakangiti lang ng kaunti.

"Kamusta ka?" sinserong tanong ni Alena kay Vice. Ginamit niya ang kanyang isipan upang makapag-usap sila ng hindi naririnig ng kanilang mga kasama.

"Mabuti. Lalo na ngayong gising ka na," sagot ni Vice ngunit ramdam ni Alena ang kakaibang lungkot na bumabalot sa boses nito. Magtatanong pa sana ang sang'gre upang mapalawig ang kanilang pag-uusap nang piniling magsalita ni Vice at humarap kay Dominic sabay tawag ng atensiyon nito.

"Alam kong ilang beses na kaming nag-thank you sayo pero hindi talaga kami magsasawa dahil hindi ka nagdalawang isip na tulungan at tanggapin kami dito sa bahay niyo," giit ni Vice at hindi na muling tinignan pa si Alena. Tila nakaramdam naman ng lungkot ang sang'gre dahil tila iniiwasan na naman siya ng kanyang kaharap.

"Walang anuman. Palagi namang bukas tong bahay para sa mga taong nangangailangan ng tulong. At isa pa, utang ko rin naman ang buhay ko kay Alena," gulat namang napatingin sa kanya ang sang'gre. Batid niyang hindi alam ni Dominic ang ginawa niyang pagligtas dito noong muntik na itong malunod sa dagat. Maaring naaninag nito ang kanyang mukha ngunit tila imposibleng lubusan siya nitong maalala.

"Sabi kasi ni Vice, isa ka daw sa mga visual effects artist na gumawa ng water levitation display noong CBC event. Sayo rin daw mismo nanggaling ang idea na gamitin yon para mataranta at matakot ang mga masasamang loob na nang-hostage sa atin."

Kilala ang Chinese Business Circle bilang isa sa mga tanyag at mayayamang organisasyon sa bansa. Dahil lahat ng miyembro nito ay mga makapangyarihang negosyante, nagagawa nitong gumastos ng malaki para sa mga kakaibang palabas na kakaaliwan ng mga bisita tuwing may pagtitipon ang mga ito. Mabuti nalang at nagkataon na isang water levitation stunt sana ang ipapakita ng naturang event organizer noong gabing iyon kung hindi lamang nangyari ang hostage-taking.

"Kaya kung hindi dahil sayo, baka mas marami pang nasaktan noong gabing yon at baka isa na rin ako sa mga napahamak. Kaya kahit papano, utang ko rin naman sayo ang buhay ko. Sa inyo ni Vice."

Napatango at napangiti ng kaunti si Alena kay Dominic bago muling tignan si Vice. Abala na ito sa pagkain na tila ba walang nakaupo sa kanyang harapan. Alam ng sang'gre na si Vice ang may pakana na palabasin sa telebisyon at radyo na isang kakaibang palabas lamang at hindi kababalaghan ang nangyari noong gabing na-hostage sila. Nakatulong rin ang mga koneksiyon nito sa media upang tuluyang paniwalain ang mga tao.
















Buong araw naging maaliwalas ang panahon, salungat sa nararamdamang lungkot at pagtatakang gumugulo sa isipan ni Alena. Napag-alaman niyang narito na sila ngayon sa Dauin, Dumaguete kung saan matatagpuan ang malawak na Hacienda Gonzales na pagmamay-ari ng pamilya ni Dominic.

Nasa ibang bansa na ang buong pamilya nito kaya madalas mag-isa na lamang siya at madalang na ring nananatili doon. Mas pinipili kasi nito ang manirahan sa Maynila, dahil na rin sa mga negosyong kailangan niyang asikasuhin. Nalaman din ni Alena na malayong kamag-anak ni Dominic ang taong nais nilang puntahan na si Hidalgo Gonzales sa Davao.

Kasalukuyan naglalakad si Alena sa dalampasigan habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Nais niyang mapag-isa muna upang makapag-isip isip sa mga hakbang na gagawin nila sa paghahanap ng brilyante. Nais niya rin sanang makausap si Vice upang tanungin kung ano ba talaga ang nangyari nitong mga nakaraang araw pagkatapos ang engkuwentro nila sa mga masasamang taong nagtangka sa kanilang buhay. Ngunit tila mailap si Vice sa kanya, palagi itong abala sa pagtulong kay Manang Tasing, pakikipag-usap kina Anne at Vhong, o minsan ay hindi ito lumalabas sa kanyang silid.

"Ano naman ba ang problema ng tagalupang yon? Minsan talaga ay napakahirap niyang basahin!" inis niyang giit sa hangin at sisipain pa sana ang batong nasa buhangin nang biglang may magsalita mula sa kanyang likuran.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," napalingon si Alena at tumambad sa kanya ang maaliwalas na mukha ni Dominic. Matipuno ang tindig nito at nakangiti siyang tinititigan.

Sandaling natigilan ang sang'gre, "Bakit mo naman ako hinahanap?" mahinahon niyang tanong dahilan para mapakamot ang binata sa batok nito.

"Nag-alala lang ako kasi baka kung ano na kamo ang nangyari sa'yo. Lalo na at hindi pa talaga magaling yang sugat mo sa tagiliran," giit ni Dominic na tila natotorpe sa tuwing nasisilayan ang ganda ni Alena.

"Salamat sa pag-aalala," maging ang sang'gre ay hindi rin batid kung paano kausapin ang lalaking kanyang kaharap, "At salamat rin dahil buong puso mo kaming tinanggap dito sa inyong tahanan."

"Wala yon. Sabi ko nga kanina diba, utang ko rin naman sa inyo ni Vice ang buhay ko. At kahit sino naman welcome dito sa bahay," nakangiting tugon ni Dominic at pinagmasdan din ang paglubog ng araw.

"Talaga bang mag-isa ka lang dito?"

Napatango naman si Dominic at muling napangiti sa tanong na iyon. Natutuwa ito dahil tila interesado ang sang'gre patungkol sa kanyang buhay. "Nasa Amerika na kasi silang lahat. Pati ang mga pinsan at kapatid ko, nasa ibang bansa na rin nakapag-asawa at nakabuo ng pamilya. Ako nalang ngayon ang nagpaiwan dito sa Pilipinas."

"Bakit hindi ka sumama sa kanila? Hindi ba't mas masaya kapag kasama mo ang buo mong pamilya?"

Bigla namang natawa si Dominic at napatango, "Pero kapag nakilala mo ang pamilya ko, pipiliin mo talaga ang mapag-isa dahil sa sobrang saya. Maingay at sobrang gulo kasi ng mga yon," pagbibiro ng binata kaya napangiti rin ng kaunti ang sang'gre.

Sandali silang natahimik at pinagmasdan lamang ang paglubog ng araw. Nag-iba na rin ang kulay ng kalangitan. Mula sa matingkad na asul hanggang naging pinaghalong kahel at nagbabagang pula.

"Pero syempre, may iba rin namang dahilan kaya ako nagpaiwan. Maliban sa trabaho at pag-aasikaso ng mga negosyo namin dito, may mga kailangan pa akong hanapin. At sa tingin ko, hindi ko yon mahahanap sa ibang bansa," muling pagsasalita ng binata habang nakaharap lamang sa abot-tanaw.

"Katulad ng?" tanong ni Alena at muling napalingon kay Dominic na nasa kanyang tabi. Unti-unting rin naman siya tinignan ng binata bago ngumiti ng kaunti. May kung anong saya at pag-asa namang nakita si Alena sa mga matang nakatingin sa kanya. Hindi niya batid ang dahilan ngunit nakaramdam siya ng kakaiba sa pagkakataong iyon.

Tila natuod naman si Alena nang unti-unti siyang lapitan ni Dominic at dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay. "Katulad ng babaeng papakasalan at mamahalin ko," sinserong sambit nito kasabay ng marahang pagdampi ng hangin sa kanilang mukha.























itutuloy?

Continue Reading

You'll Also Like

367K 442 2
koleksyones ng aking nakakapanghilakbot na mga panaginip at malikot na imahinasyon... expect unexpected twists and endings. these are not your typica...
3.4K 297 38
Si Tide ang klasing mananayaw na walang urungan kung sayawan ang labanan. Siya ang mananayaw na kahit hingal na talaga nang bongga, tuloy pa rin! Tul...
128K 1.5K 61
I just loved to call her BuKo.
222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...