XBANG Series 2: Ace Xander Ju...

By pinkyjhewelii

1M 26.3K 2.9K

│PUBLISHED│ Ace Xander Jung Shellane Federez More

XBANG Series 2 : Ace Xander Jung
X1
X2
X3
X4
X5
X6
X7
X8
X9
X10
X11

X12 (Last Chapter)

118K 3.1K 634
By pinkyjhewelii

ACE POV

“BRAD, bakit ‘di mo muna pakinggan ang side niya? Fuck. Naaawa na ako sa kanya. Maghapon na siya dito sa Spade Bar pero hindi mo man lang siya pinapansin kahit  nagmamakaawa sa’yong makipag-usap  sa kanya.”

Lumagok ako ng alak. Bakit ko naman siya pakikinggan? Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pakikipaglandian at harutan niya sa lalaking kasama niya sa garden ng bahay nila. Tapos sasabihin niyang may  nangyari? ‘Di niya ako maloloko. Apat lang silang babae na nakatira sa bahay nila. Ang nanay niya, siya at ang dalawang kapatid niyang babae din. So who the fuck that bastard is? Malamang kalandian niya. Damn it.

“I don’t fucking care.”

“Line na line nyo na ‘yan eh, ano? Hindi ako  nagpapaka-cupid sa inyo, Jung dahil pang-bakla lang ‘yon. Naaawa lang ako kay Shellane. Kita mo, andon pa rin siya sa bar counter. Hinihintay na makausap ka.”

“I said, I don’t care.”

“Sabi mo ‘yan.” 

Wala na akong pakialam sa kanya. Akala ko ba siya na ang  para sa’ken? Akala ko ba mahal niya ako? Ano, niloloko niya lang pala ako? Fuck. Kung akala niya makikipag-usap ako sa kanya, nagkakamali siya. Hinding hindi na ako makikiag-usap pa sa isang tulad niya. I bet ginamit niya alng ako. Sinabi niyang mahal niya ako para sumang-ayon ako sa gusto niyang mangyari sa magazine, sa article nila. Tch. Pina-ikot niya lang ako. I fucking hate her. 

-

SHELLANE POV

NAWAWALAN na ako ng pag-asa, sa totoo lang. Mula nang mag-open ‘tong Spade Bar, nandito na ako hanggang ngayong gabi. Kahit nasabihan niya ako ng masasakit na salita kagabi, wala akong pakialam. Ang mahalaga sa’ken, makapag-paliwanag sa kanya. Mga tanghali, dumating si Ace kasama ‘yung ka-gang niya na si Seth. Sinubukan ko siyang kausapin pero nilampasan niya lang ako. Sinubukan ko siyang lapitan sa VIP table nilang XBang pero hinaharangan ako nung security. Bawal daw lumapit kay Ace. Ang sakit lang sa’ken na ganon. Ilang kababaihan ang nagtaas ng kilay saken kasi nagpupumilit akong lumapit kay Ace. Narinig ko oa ang mga sinasabi nila. Na sino ba daw ako, obsessed fan ba daw ako? Shit lang. Gusto kong ipasigawan na ako ang nagmamahal kay Ace. Na girlfriend ako ni Ace pero wala akong magawa kundi bumalik dito sa bar counter. Wala akong pakialam kung magdamag pa ako dito. Magbabaka-sakali ako nab aka kausapin na ako ni Ace pero hanggang ngayon, hindi pa rin.Kumanta na siya kanina at alam nyo ‘yung masakit? Yung kumakanta siya at nakatingin siya sa mga babae sa harap. Ang sakit eh. Kase andito ako. The way he looed at those girls, it’s hurting me. Kasi ako lang ang tinitingnan ni Ace ng gano’n. Ako lang. Kahit bago lang kaming mag-on, alam kong mahal niya ako dahil naiparamdam niya sa akin ‘yun. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganito? Sa isang iglap, napalitan ng kalungkutan ‘yung kasiyahan ko.

“Hard drink. Yung pinakamatapang.” Sabi ko sa bartender. Kanina, hnggang ladies drink lang ako dahil ayokong malasing, kakausapin ko si Ace eh. Pero ngayon? Sa oras na’to? Hindi na ako aasang kakausapin pa niya. Ayun nga oh, tuwang tuwa yata san aka-kalong na babae sa kanya. Masakit. Lalo’t nakahawak si Ace sa waist ng babaeng nakakalong sa kanya. Hinahayaan niyang halik-halikan siya. And now? They are kissing torridly. It breaks my heart. Akala ko bas a lips ko lang siya addicted. Bakit tumutugon siya sa iba? Ang sakit sakit..wala akong magawa. Oo, may karapatan ako dahil girlfriend ako pero ang tanong, girlfriend pa ba ang tingin niya sa’ken? Baka hindi na.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa alak na nakapatong sa bar counter. Tinungga ko agad ‘yun saka humingi pa ng ilan shots. Hindi ko alaam kung gaano karami ng luha ang tumutulo mula sa mga mata ko. Basta gusto kong mawala ‘yung sakit. Ang hirap eh..

Maya maya a ay hindi ko na namalayang nakalampas sampung shots nap ala ako at nahihilo na ako. Saglit akong tumingin sa gawi ni Ace at nakikipaglandian pa din siya. Wow. Enjoy sila ah. Buti pa sila, nagsasaya habang ako? Umiiyak.

Inilabas ko ang phone ko saka tinawagan si Kuya Jeric. Hindi ko kayang umuwi. Nahihilo na ako. Sa bahay naman nag-stay ngayon sina Kuya Jeric at Papa dahil nangungupahan lang sila no’n. Nag-decide sila na sa bahay na sila. Ayokong sumugal. Hindi ako sigurado kung kaya kong mag-drive kaya mas mabuti ng magpasundo ako.

“Hello, Shellane?”

“K-Kuya..”

“Hey, what happened?” tanong ni Kuya Jeric sa kabilang linya. Good thing nasagot niya agad ‘yung tawag ko. 

“P-pwede mo ba akong sunduin?” tanong ko.

“Are you crying? Sure. Where are you?”

“Spade Bar. Near crossing.”  Sabi ko.

“Alright. I know that place. Wait for me. Bye.”

I ended the call. Nilabas ko ang wallet ko saka binayaran ang nainom kong alak. Di ko alam kung kaya ko pang bumalik dito kung ganon ang makikita ko. Yung si Ace na nakikipaglandian sa kung sinu-sinong babae dahil mas nasasaktan aako. Sila, pwedeng lumapit. Naka-kalong pa. Samantalang ako, malayo pa ng konti, may humaharang na. Unfair right? Gusto kong tingnan ulit si Ace pero pinipigilan ko na ang sarili ko. Mas lalo lang akong masasaktan eh.

Ilang saglit pa ay dumating na si Kuya Jeric. Buti nahanap niya agad ako. Nasa bukana lang naman ‘tong bar counter. NAupo siya sa katabi kong stool.

“Anong nangyari? Lasing ka ba Shellane?” nag-aalalang tanong niya.

“H-Hindi ako lasing, Kuya. Nahihilo lang and I think, hindi ko na kayang mag-drive pauwi.”

“Mas mabuti na ‘yan. Nag-iingat. Why are you here? At bakit ka nagpapakalasing? Bakit ka umiiyak?” sunud-sunod na tanong niya habang pinapahid ang luha sa pisngi ko. MAsarap din pala sa feeling ang may Kuya. 

Lalo lang akong naiyak. Nahahabag ako sa sarili ko. Hindi ko kayang sabihin kay Kuya kung bakit ako umiiyak. Hindi. “U-Uwi na tayo..” sabi ko at tumayo.

Muntik pa akong matumba. Mabuti na lamang at naalalayan agad ako ni Kuya. Pero hindi pa man kami nakaka-hakbang, lumagapak na siya sa sahig. Napahawak ako sa stool at napatingin sa gawi niya. 

Si Ace..sinuntok niya si Kuya Jeric? Galit nagalit siyang nakatingin sa’men/ Nakatayo naman agad si Kuya pero pinigilan na siya ng bouncer dito.

“Ang lakas pa ng loob mong dalhin ang lalaki mo dito. You fucking bitch! Gusto mo akong makausap ha? Pero ano? Dahil hindi kita pinapansin, papupuntahin mo dito ang gagong ‘yan ha? Fucking hell! Hindi pa ba sapat na makita ko kayo kahapon sa garden niyong naglalandian ha? Pati ba dito sa mismong bar ko?! Ha?”

Natigilan ako. Now, I get it. Nakita niya kami kahapon ni Kuya Jeric sa garden. We’re having fun pero wala namang malisya dahil magkadugo kami.

“Gago pala ‘tong isang ‘to eh!” sigaw ni Kuya Jeric. Akmang susugurin niya si Ace pero hawak hawak siya ng bouncer.

Nanginginig ang labi ko sa pag-iyak. Wala siyang tiwala sa’ken. Pinag-isipan niya ako ng masama tapos hindi siya nakikinig sa paliwanag ko. Lumapit ako sa harap niya saka siya sinampal.

“Bitch ako? Sige. Nakikipaglandian ako? Sige din. Isipin mo na lahat ng gusto mong isipin sa’ken, Ace Xander. Wala na akong pakialam. Bakit nga ba ang tanga tanga ko ’no? Umaasa ako na hindi mo ako matitiis. Na kakausapin  mo ako pero anong ginawa mo? Hindi mo ako binigyan ng chance na magpaliwanang sayo! Hindi mo hinahayaan na makalapit ako sayo pero yun..” napahagulhol ako habang nakatingin sa mga mata ni Ace. “Yung mga babaeng lumalandi sayo, walang kahirap hirap na nakakalapit sa’yo. Ang unfair mo eh. Tapos alam mo yung masakit? Yung makita kang nakikipaglandian sa iba. Yung makita kang nakikipaghalikan sa iba. Yung makita kang nag-e-enjoy kasama ang ibang babae. Yung...yung..”

“Shellane, tama na yan. Let’s go home.” Narinig kong sabi ni Kuya Jeric. Diko siya nilingon. Nanatili akong nakatingin kay Ace. Halos kapusin na ako ng hininga sa pag-iyak.

“Ang sakit sakit, Ace. Sobra. I know it’s my fault. Nagalit ka kasi hindi ako nakatupad sa usapan natin pero hindi ko alam na pinag-iisipan mo pala ako ng masama. Nag-conclude ka agad. I will tell you this, once. After nito, pipigilan ko ang sarili kong lumapit pa o magpakita sa’yo. Alam mo kung bakit nakalimutan ko ang usapan natin kagabi? Kase masyado akong na-overwhelmed. Masyado akong na-shocked sa pangyayari dahil bumalik na sa’min ang Papa ko. Alam mo namang broken family ako ‘diba? At alam mo bang nagpaliwanag na siya sa akin kung bakit niya kami iniwan nila Mama? At alam mo bang, napatawad ko na rin siya kase masarap sa feeling yung walang kinikimkim na galit eh. At alam mo ba ang isa pang nakakatuwa don?” pinipilit kong ngumiti kahit patuloy sa pagbagsak ang luha ko. “Nagkaroon ako ng Kuya. Si Kuya Jeric nga pala. Half-brother ko. Kasama siya ni Papa na bumalik sa bahay.” Pagkatapos kong magsalita ay pinahid ko ang luha ko.

Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-gulat. “S-Shellane..”

Ngumiti ulit ako. Pekeng ngiti dahil tumutulo pa rin ang luha ko. “Enjoy your night, Ace Xander ‘fucking’ Jung.” Sabi ko saka tinalikuran siya.

Binitawan na rin ng bouncer ang Kuya ko. At sabay na kaming naglakad palaabs ng bar.

“Shellane!” sigaw ni Ace na humahabol samen pero ‘di ko siya nilingon hanggang marinig ko na may bumagsak. Napalingon ako at nakita kong sinuntok ni Kuya Jeric si Ace.

“That’s for making my sister, cry.” Sabi ni Kuya saka hinila na ako pasakay sa sasakyan niya.

“NO! SHELLANE! LET’S TALK! PLEASE! FUCK!”

Hindi ko na pinansin ang sigaw ni Ace hanggang paharurutin ni Kuya Jeric ang takbo ng kotse niya. Bahala na yung kotse ko sa parking lot ng Spade Bar. Baka ipakuha ko nalang. I don’t think, babalik pa ako don. Nasaktan talaga ako ngayon. Wala siyang tiwala sa’ken. NAsaktan ako sa mga akusa niya at nasaktan ako sa pinakita niya. Ano pa nga bang aasahan ko? Eh, gangster siya eh. And he’s Ace Xander ‘fucking’ Jung.

-

SETH POV

“FUCKING SHIT! I NEED HER! I WANT HER! I LOVE HER! FUCK!”

Gusto kong pagtawanan si Jung. Kaso baka masuntok ako. Bagong facial pa man din ako. Tangina naman kasi. Sinabihan ko ng kausapin si Shellane pero nagmatigas. Anong napapala niya? Gago talaga eh. Pinagselosan ba naman, kapatid? Tch. Inuuna galit eh.

Patuloy si Jung sa pagbabasag dito sa bar niya. Ayos lang yan. Kanya naman ‘to. Wahaha. Pinalabas na ang mga customer dito dahil baka madamay pa sila sa galit ni loverboy. Mahal pala, tapos hindi nagtitiwala. Pride pa. Buti pa ako, nakukuntento lang sa pagpapa-gwapo, sa pagpapalaki ng muscles, sa pagpapadami ng ABS, sa panonood ng anime. Naks! Seth Ocampo ‘to eh.

“FUCKING HELL!”

Lakas din sumigaw nitong si Jung. Di ba nya alam na nabibingi ako? Tangna naman ah. Tumayo ako saka lumapit sa kanya. Subukan lang ako suntukin niyan, susunugin ko ‘tong bar niya. Tch.

“Ba’t sa halip na nagbabasag at nagsisisigaw ka dyan, bakit di ka umisip ng paraan para makuha ulit ang loob ni Shellane? Kasi brad, walang magagawa ‘yang  pagbabasag mo eh. Malulugi lang ‘tong bar mo.” Cool na pagkakasabi ko.

Para naman siyang natigilan. Aba, minsan lang akong mag-love advice. Fuck. This is not my thing.

Lumuhod siya. Umiiyak? Putangna, si Ace Xander Jung umiiyak? Napa-sign of the cross ako. Makakuha kaya ng kandila para makapag-padasal na rin? Wag na pala, baka masuntok na talaga ako ni Jung. Masakit pa naman manuntok ‘yan.

“I want her back..”

Tinapik ko siya sa balikat niya. “Para saan pa ang XBang, kung hindi ka namin matutulungan sa problema mo?” sabi ko pero sa totoo lang, wala naman akong alam na pwede naming gawin. Wahaha.

Tumingala siya sa’ken. “A-Ano yon?”

Yan na nga sinasabi ko eh. Bakit ba nagtatanong agad? “Brad, ayusin mo muna sarili mo. Saka mas mabuting buong XBang ang mag-usap sa gagawin natin. ‘Wag excited brad. He-he.” Sana makalusot. Putek.

Tumango lang siya at tumayo na. Mukahng effective naman. Fuck. Pwede na akong love expert. Pero putek pala, walang alam ang buong XBang sa sinabi ko kay Jung na may alam kaming pwedeng makatulong na maibalik si Shellane sa kanya. Patay tayo dyan. Kailangan ko ng mag-ipon ng chakra. Fuck.

-

SHELLANE POV

MISS NA MISS ko na si Ace pero pinipigilan ko ang sarili ko. Dalawang araw na mula nang mangyari ang gulo sa Spade Bar at mula noon di muna ako lumabas ng bahay. Di ako pumasok sa trabaho at humingi muna ng leave of absence.

Hindi na nagtanong si Kuya Jeric about sa nangyari. Basta ang sabi niya lang saken, I need space. Sa tingin ko ay gets na niya ang nangyari. Ayaw niya lang makialam. Mas gusto ko na ‘yung ganon. Pag tinatanong ni Mama at apa kung anong problema ko, sinabi ko lang na masama ang pairamdam ko. Hinayaan naman nila akong mapag-isa dito sa kwarto ko.

Napatingin ako sa bintana. Madilim na. Lilipas na naman ang isang araw na hindi kami nagkikita ni Ace. I love him and I really miss him but I want him to come for me. Ayokong ako pa ang pupunta sa kanya. Kung ayaw niya akng kausapin, hindi ako magbababa ng ego ko para ako ang unang makipag-usap sa kanya. May mali ako pero mas mali siya. May mga kasalanan pa siya saken.

Niyakap ko ang unan ko saka inisip na naman si Ace. Lagi na lang siyang nasa isip ko. Hay.

Napapitlag ako nang tumunog ang phone ko. I look at the screen at my heart beats for a moment nang makita ko ang pangalan ni Ace sa screen ng phone ko. Ace calling..

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sinagot ko ang tawag niya. “Hello..”

“S-Shellane..f-fuck. I’m here o-outside y-your house.”

Nanlaki ang mata ko. Anong nangyari kay Ace? Bakit ganon siya magsalita? Napabalikwas ako sa kama. Nabitawan ko na ang phone ko sa pagmamadaling lumabas. BUmaba ako sa salas at waa ng tao. Malamang tulog na sila Mama at Papa. Gabi na din kasi. Binuksan ko an pinto namin saka lumabas.

Nilibot ko ang tingin ko. No sign of Ace. Niloloko lang ba niya ako?

Pero napatingin ako sa may gate namin. Parang may nakahiga sa semento. Si Ace ba ‘yon? Kinabahan ako kaya napatakbo ako. Shit! Si Ace nga at duguan!

Binuksan ko ang gate at lumabas. “ACE!” sigaw ko saka siya niyugyog. “Anong nangyari sayo? Sinong gumawa nito sayo? Ace..” naiyak ako. Sinong gumawa nito? Duguan siya at mapupula pa ang mukha at braso niya.

Nangmulat siya ng mata, dahan dahan. “S-Shellane..”

“Ace, tell me sinong may gawa nito?!” umiiyak na tanong ko. Nasasaktan ako na makita siyang ganito. Galit ako sa kanya pero ang makita siyang duguan? It’s killing me.

“S-Shellane, I love you..”

“Ace..”

“Mamamatay na yata ako..”

Lalo akong naiyak. “No! No, Ace. Hold on. Tatawag ako ng ambulansya. Tatawag ako!” tatayo na ako nang pigilan niya ang kamay ko.

“It’s okay. W-Wala na rin namang silbi ang buhay ko. Everyday na hindi kita nakikita at nakakasama, I felt like I’m dying. Fuck, Shellane.”

“A-Ace please, hayaan mo akong tumawag ng ambulance. Please. Malala ang lagay mo..”

He smiled at me. Then bigla nalang may dumating na ambulance from nowhere. Ang laaks lakas pa ng tunog niya.

“A-Ace, ayan may ambulance. Aalalayan kitang tumayo. Kailangan mong madala sa hospital.”

“No need.”

“Please. Ace..”

“Kapag ba sumakay ako sa ambulance na ‘yan, makakasama ko na ulit ang babaeng mahal ko? My Shellane?”

Lumakas ang tibok ng puso ko. Nakatitig lang ako kay Ace, nanginginig ang kamay ko sa takot na baka kung anong mangyari sa kanya at umiiyak. “Ace..”

“Answer me. Please.”

Ano pa nga ba? Syempre naan. Na-miss ko siya at ngayong nakita ko ulit siya, parang naglaho nalang yung galit sa dibdib ko. Ganon ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Galit nag alit ka sa kanya pero pag kaharap mo na, nawawala na.

Tumango ako. “I’ll stay with you again.”

“Promise?”

“I promise. So please, let’s go to hospital?”

He smirked then he easily grab my nape and kissed my lips. “I love you. Let’s go?”

Nanlaki ang mata ko nang makita siyang walang kahirap-hirap na tumayo. Pinagpagan pa ang suot niyang pants. At ngayo’y nakangiti siya sa akin nang nakakaloko. “H-How..”

Napatingin ako sa ambulance at nanlaki ang mata ko nang nakatayo na ang mga ka-gang niya sa harap niyon maliban sa leader nila at may hawak na placard.

COME BACK TO ME, SHELLANE.

Natutop ko ang bibig ko. Anong ibig sabihin nito? “Ace..”

“Fake blood, baby.” He said then winks at me. “Plano nila ‘to. Not mine. I just agreed becauseI really want you back.” Sabi ni Ace na itinuro pa ng ka-gang niya na nagpipigil ng mga tawa.

Sumugod ako kay Ace at hinampas siya sa dibdib niya. “Nakakainis ka! Natakot pa naman ako! Akala ko mamamatay ka na! Akala ko..akala ko..”

Naiyak na naman ako hanggang maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Ace sa’ken. “Sorry kung tinakot kita. I fucking miss you, Shellane. Please come back to me?” Sabi niya saka ako inihiwalay sa kanya. Pinahid niya ang luha ko at hinarap ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya.

“I’m sorry. Hindi ako nagtiwala sayo. Pinag-isipan kita ng masamaat worst, napagsabihan pa kita ng masama. Sorry. Nadala ako ng selos. I love you so much and I want you alone. Akin ka lang, Shellane. I don’t like sharing. So please? Patawarin mo na ako and let’s love again?”

Na-touch ako sa sinabi niya kase mahal naman talaga niya ako eh. Nagkasakitan lang. Kaya ko pa ba siyang tiiisin eh kanina ko pa siya miss na miss? “Nakipaghalikan ka. Nakipaglandian ka.” Sabi ko. Papakipot ako ng kaunti.

“Fuck. I swear! Ilang beses akong naligo at nag-totoothbrush nang gabing ‘yun. Believe me please.”

Natawa ako sa sinabi niya. Seriously?

“Oo nga, Shellane! Muntik pa nga nyan uminom ng alcohol, napigilan ko lang. Wahahah!” Si Seth na mahilig mag-side comment.

“Shut up, men. You’re ruining our moment.” Ace shouted the he cupped my face. “I love you.”

Nag-pout ako, “Matitiis pa ba kita? I love you too.”

He looked amaze. “Damn it!  You mean, I’m forgiven?”

“Ano pa nga ba, Ace Xander ‘fucking’ Jung?” 

“Oh, shit. I fucking love you. So much, Shellane.” Niaykap niya ako ulit pagkatapos ay pinaghahalikan akos a mkha ko hanggang sa lips ko. ‘Di talaga marunong mahiya. Hello, andyan ang ka-gang niya.

Hinila niya ako para mas magkalapit ang katawan namin. Then he grabbed my head to deepen our kiss. I responded with full of love. I really love this guy. Kahit sinaktan niya ako, nakabawi naman. He loves me. So much.

“Oh, com’on! Ano, panonoorin na naman nating maghalikan ang dalawang ‘yan? Putcha naman oh. Tara uwi!”

“Tara hanap ng makakahalikan!”

“Gusto mo, ako humalik sayo brad?”

“Tangina mo, walang bakla sa XBang!”

Malaks na tawanna nag narinig ko mula sa ka-gang ni Ace habang kami? Abala sa pagpaparamdam ng  pagka-miss namin sa isa’t isa. 

Saglit siyang tumigil saka ngumiti sa’ken. “I love you, Shellane.”

“I love you too, Ace.”

Then he kissed me again. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa’ken. At ramdam na ramdam ko ang addiction niya sa lips ko. This gangster..I love.

--END-

MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAGMAHAL KAY ACE AT SHELLANE. THANK YOU DIN SA SUPPORT READERS. I LOVE YOU ALL!

xPinkyjhewelii

Continue Reading

You'll Also Like

676K 7.4K 5
Captivated by Tyrone Greene's Full SPG Parts. Read at your own risk.
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
3.4K 102 6
What If you lose interest in the middle of your wedding? Si Veronica Bennet. A happy go lucky girl. A party goer. Para sa kanya ang mundo ay isang ma...
123K 2.8K 60
[Tagalog Story] - FALCON BOYS SERIES #1 Nathalie Perez, the innocent, simple, pretty girl na matagal ng may gusto sa isang lalaking alam niyang kahit...