X5

60.6K 1.8K 168
                                    

ACE POV

DALAWANG araw na, at ito na ang araw na kailangan kong tawagan si Shellane. Pero mamaya na, dahil may underground battle kami ngayong gabi.

“Ano, XBang? Hanggang yabang nalang ba kayo?” sigaw ng isa sa myembro ng kalaban namin ngayon – ang Alas Gang. Wala sa ranking ng top ten. Kung sabagay, kung sino pa ang wala sa ranking, yun pa ang mayayabang. Tch.

Inihanda ko ang kamao ko. Kakababa ko lang sa kotse ko. Nauna na sina XKing dito. Tiningnan ko si XKing na prenteng nakaupo sa hood ng kotse niya. Naghihintay ng aatake. Leader namin ‘yan, kung malakas na kami, what more pa si XKing? Damn it. Siya ang pinakamalakas sa grupo namin.

“Tangna, lakas ng loob mong magsalita ng ganyan, unggoy ah!” sabi ni Shawn.

Magkaharap lamang kami dito sa maluwag na battle ground. May mga nanunuod, pero walang nakikialam. Kung sino ang may laban, ‘yun lang ang pwedeng makisali sa battle.

“Sino ka ba sa akala mo?” singhal nung taga kabila.

Ngumisi si Shawn. Ang warfreak ng XBang. “Sino ako? Fuck men, I’m Shawn David from XBang, gwapong gangster ‘di tulad mo, paa lang kita.”

Ngumisi ako sa sinabi ni Shawn. Tama naman siya, damn! Hindi kami nagyayabang pero mga mukhang paa lang ang myembro ng Alas Gang. Tch. Ayokong malalapatan ng kahit daliri nila ang mukha ko, kundi makakapatay ako. Ayokong mahawaan ng kapangitan.

“Simulan na natin ‘to! Nagkakayabangan na talaga eh!” Sigaw nung leader nilang kamukha ng sahig na tinutuntungan ko ngayon.

Akmang susugod na sila nang magtayuan na sina Zaine, Seth at Kieffer na kanina’y nakaupo lang din sa mga hood ng kotse nila. Hinayaan ko muna sila. Sumandal lang ako sa kotse ko.

“Fuck you!”

“Ang panget mong gunggong ka!”

“Tangna mo nakakasuka ang pagmumukha mo!”

“Ulol!”

Napapailing nalang ako habang nanonood sa kanila. Nagbabatuhan sila ng mga bad words. Well, ganyan talaga sa underground battle. Walong myembro meron ang Alas Gang at tatlo sa kanila ay bulagta na sa semento. Sinasabi na nga ba’t kayang kaya na ng apat ‘yan.

Si Xking tumayo na, ibig sabihin, makikisali na siya sa laban Mukhang gusting mag-work-out kaya sasali. Umayos na ako ng tindig ko. MAkikisali na rin ako. NAkakahiya naman na ako lang ang ‘di sasali sa bugbugan kahit alam kong kayang-kaya naman nila ‘yan.

XBANG Series 2: Ace Xander JungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon