X3

62.8K 1.8K 376
                                    

ACE POV

“UMAMIN KA NA BRAD!” 

Kanina pa ako nagtitimpi. Tangna masusuntok ko na ‘tong si Seth. Pinagpipilitan nilang kakilala ko ‘yung babaeng taga Pink Magazine na nasa bar kagabi. I don’t even know her at kagabi ko lang siya nakita. Damn it.

“Gusto mo bang mabasagan ng mukha, Ocampo?” singhal ko. Kalalaking tao, naturingan pang gangster, napaka-tsismoso. Tch.

“Tahimik na Seth. Baka totohanin ni Jung ang pagbasag sa mukha mo. ‘Wag ka ng mag-usisa sa private life niya. Maging Masaya na lang tayo at mukhang may bagong babae na sa buhay niya.” Nang-aasar na sabi naman ni Zaine.

“Isa ka pa, Villela. Tch.”

Tumawa lang sila. Mga  gago. Nandito kami sa hide-out. Madalas naman kami rito. Once a month nga lang ako umuuwi sa mansion namin. May condo unit naman ako na tinutulugan ko. Kapag araw, nandito ako sa hide-out at kapag gabi, madalas na nasa Spade Bar kami.

“Mga brad! Yow! May underground battle tayo mamayang alas dose ng gabi.” Balita ni Kieffer. Kararating niya lang. Malamang galing na naman sa pakikipag-karerahan ng kotse ang gagong ‘to.

“Anong gang naman ‘yan?” tanong ni Seth na busy sa pagkain ng Pringles. 

“Zeus Gang. Rank number five.” Sagot ni Kieffer.

May ranking ang mga gang namin. At sino pa ba ang number one? Ehem. Fuck, malamang kami.

“Zeus lang pala. Kaya niyo na ‘yan! Sasama pa ba ako? Tch. Manonood pa ako ng One Piece mamaya eh.” Sabi ni Seth. Gagong ‘to. Adik sa anime. 

XBang lang yata ang may mga miyembro ng gangster na may mga weird na personalitites. Tch.

“Kahit kami nalang ni Shawn.” Sabi ni Zaine. Mahangin ang mga puta. 

Pagdating sa pinakamayabang sa gang, silang dalawa ang nangunguna. Kung sabagay, may mga sinabi naman. Mga warfreak ang mga ‘yan. Di tulad ko na hindi masyadong nagwawala. Tangna, mahirap makipagbugbugan na pino-protektahan ang mukha ko. Magasgasan na lahat, ‘wag lang mukha ko, kundi, makakapatay ako.

“Kayo ang bahala. Basta sa Spade Bar lang ako mamayang gabi.” Sabi ko.

“Wooh! Sabihin mo, magkikita ulit kayo ng bago mong babae mamaya sa bar mo. Hanep!” pang-aasar ni Seth.

XBANG Series 2: Ace Xander JungWhere stories live. Discover now