THE UNEXPECTED Season 1 [COMP...

By Rheevie

13.8K 5.9K 524

Kakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagda... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11: THE WELCOMING PARTY 1
Chapter 12: THE WELCOMING PARTY 2
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30 THE COLLEGE'S PARTY Part 1
CHAPTER 31: THE COLLEGE'S PARTY PART 2
CHAPTER 32: THE COLLEGE'S PARTY PART 3
CHAPTER 33: THE COLLEGE'S PARTY PART 4
CHAPTER 34: THE COLLEGE'S PARTY Part 5
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60: DEPARTMENT'S FESTIVAL PART 1
CHAPTER 61 DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 2
CHAPTER 62: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 3
CHAPTER 63: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 4
CHAPTER 64: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 5
CHAPTER 65: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 6
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79: THE UNEXPECTED ENCOUNTER
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102
SEASON 2 RELEASED!
Special Mention!
Rangovine Neostra 💕

CHAPTER 7

173 98 1
By Rheevie

CHAPTER 7

Allison's POV

Huwebes

Inihatid ako ni Dad sa school.Nakakabigla yun kase busy sya lagi, pero naihatid pa nya ako ngayon. Naabutan ko si Pringles na naghihintay sa hallway.

"Good morning!"

"Good morning din! Oh sinong naghatid sayo? Si Kuya Ernie ba?!" kilig na tanong nya. Crush kase nitong baklang ito ang driver namin.

"Ay hindi eh, si Daddy ang naghatid sa akin ngayon. By the way nakuha mo na ba yung cellphone number ni Senior?"

"Oo naman! Naku umagang umaga si Prince Charming na agad ang hinahanap mo ha?! Teka? Wag mong sabihin na kukunin mo din ang number nya?!"

"Ingay mo bakla! Malamang hindi na, kontento na ko na makita ko sya no hahaha!"

"Infairness, blooming ang lolo mo, naabutan ko silang magkausap ni Shana! Abot- langit ang ngiti! Hahaha!"

Nalungkot ako bigla sa sinabi nya.

"A-Ay sorry teh, hindi ko na nasabi sayo, nung pag-akyat natin sa room diba nagpaalam ako na bababa, tapos sinilip ko ang future mo, ayun, nahuli ko sila. Hay nako, wag mo na lang kase ipagpilitan! Wala kang mahihita!"

"Alam ko yun! Pero kase, matagal ko na syang gusto! Alam kong wala akong mapapala sa kanya, ah basta! Bahala na nga! Pasok na tayo!" pilit na ngiti ko ang iginawad sa bakla para hindi na sya mag-unsyami.

Habang naglalakad kami ay nandun ang mga echapwerang nasa daanan.Wala ako sa mood para makipagaway ngayon. Iniiwasan ko na ang gulo.

"Ang daming ganap kahapon teh! Yung eksena ng Thrianne! Mala- Bruce Lee ang sapak! Haha! Akala ko nga rematch nila yung pagkikita nila sa canteen, buti na lang hindi, kinabahan kaya ako!"

"Ewan ko lang, pero, may pakiramdam ako na gagamitan na ng pwersa ni Jehri yun, mukhang hindi uurong si Thri, kahapon nga din diba nasiringan si Prof?"

"Ah oo! Sigurado--"

Natigilan si Pringles dahil makakasalubong naming sila Thrianne. Ang babaeng ito talaga, dedma na kung dedma!

"Goodmorning senyo!"

"Goodmorning din Blacklady este Rangovine!" pangeechapwera pa ng baklang ito. Sabay sabay na kaming pumunta muna sa locker room. First period kase ngayon ng Law Subject, nasa locker room naming nilalagay ang mga libro namin para hindi kami mabigatan.

"Grabe ka naman sa akin bakla, di ba pwedeng ganda na lang?!"

"Pfft" pigil na Singhal ni Thrianne.

Nilingunan ko sya,"Ahm...Thrianne?"

"Hmm?"

"Ang haba ng name mo, may nickname ka ba?"

"Marami"

"Like what?"

"Basta marami"

Ah, naikwento sa akin ni Rangovine kailangan kapag kausap ko ang babaeng ito ay mahaba habang pasensya ang ibabaon ko.

"Hm...what if Lein?"

"Huh?" gulat syang bumaling sa akin. Hindi nya yata inaasahan ang ibinigay kong nn sa kanya.

"Lein! Yeah, girly ang ganong name para sa akin! At isa pa ang ganda pakinggan"

"S-Sige ikaw bahala"

Binuksan na namin ang kanya-kanya naming locker. Sa totoo lang kapag kasama ko ang babaeng ito ay hindi naman nakakailang, para ngang lumalabas ang tunay mong pagkatao kapag kaharap mo sya. Katulad sya ni Mommy.

"Nagreview ka na ba sa exam?" biglaang tanong ni Lein sa kaibgan. Saglit din kaming natigilan.

"Hayss! Oo nga pala! Nakalimutan ko!"

"OMG! Nakalimutan kong may paexam si Prof. Ganio!" OA na sigaw ni bakla.

"Hoy bakla, hindi naman siguro aararuhin ni Prof. ang utak natin sa exam, malay mo recap lang or pretest"

Napakamot si Rangie sa ulo."Pero kase eh! Hay! Nakakainis!"

"Tsh..kung ano-ano kase—" nahinto sa pagsasalita si Lein. Para syang nakakita ng kung ano sa locker nya. Dahil nasa dugo ko ang pagiging chismosa, sinilip ko iyon.

"WAAAH!"

"Oh my gosh! Did you see that girls?!"

"Nasa locker ni Athena ang Red Ticket!"

Napahawak ako sa bibig. Ito na ng aba sinasabi ko e!

"T-Thrianne.." bulong ni Rangie. Sinarado na ni Lein ang pinto ng kanyang locker. Humarap sya sa amin na parang walang nangyari.

"Pasok na tayo"

Kinakabahan man ay sumunod kami sa kanya. Gusto ko syang hawakan at unahan sa paglalakad pero pinalolooban na ako ng takot. Iba talaga kase ang ticket na iyon, bukod kase sa target ng The 5 ang bibiktimahin nito ay pati mga kaibigan ng biktima ay pupuntiryahin.

"B-Bakla... di kaya delikado kung lumapit tayo kay Thrianne?" pag-aalalang tanong ni Pringles. Napatikhim ako. Nagdire-diretso na kami sa room ng may tumulak kay Lein! Nang matumba sya ay binuhusan sya ng chocolate sa ulo!

"Kamusta ang pakiramdam ha?! Ang pagsapak mo sa nag-iisang lider ng The 5, akala mo siguro makakaligtas ka na no?! Dyan ka nagkakamali!"bulalas ng babae.

Pinilit kong makalapit pero hinarangan na kami ng mga kasama ni Vanessa.

"Ito na ang umpisa ng bangungot mo! Freshman!"

"Sige pa!"

Nakakatakot ang sigaw na iyon ni Thrianne. Para bang may kung anong awtoridad sa mga mata nya ngayon!

"siguraduhin nyo lang na masisiyahan ako sa mga gagawin nyo sa akin..."

Ngayon lang ako nakatagpo ng creepy na tao katulad nya...

"O sige pa daw!Nyahahahahaaha!"

Aakma ko sanang itutulak ang isang kasama na humaharang sa amin kaso—

"Wag kayong makisali..gulo ko ito" garalgal na boses ni Thrianne.

Napaiyak ako sa galit. Hindi ito ang unang beses na makakita ng mga nabubully dito sa SMU, pero ang pakiramdam na wala kang magawa para sa taong nabully ay talagang nakakagalit!

Pero sa case naman ni Thrianne, hindi ko sya pakikitaan ng galit. Sa halip na sunggaban nya ang nagbuhos ay pinunas nya ng kamay nya ang chocolate na binuhos at dinilaan nya.

"Eww! So kadiri!"

"My god! Squatters talaga!"

"Hooooyyy!!! Anong nangyayari dito!!" malakas na sigaw ni Rangie. Umalingawngaw iyon dito.

"Rangie! Dito oh! Jusme hindi kami makalapit sa kanya! Ayaw nyang makisali kami!"anas ni Pringles.

Humahalakhak pa si Rangie,"Ganyan ugali nya, naku malas nyo lang dahil chocolate pa ang binuhos Hahahahahah!"

"W-What do you mean?! Kawawa naman si Thrianne oh,tulungan na natin--" aasta na sana akong tulungan sya pero agad akong piniglan ni Rangie.

"Hindi na kailangan, ayaw nya ng tinutulungan sya, at hindi nyo pa kilala ang kaibigan ko..mas lalo syang gaganahan dahil sa chocolate! Hahahahahah!"

"Tch! Weirdo" singhal ni Jehridale sa di kalayuan. Nanonood lang silang tatlo sa second floor. Maririnig ang boses nya dahil tahimik ang paligid, at malakas ang bunganga.

Binalingan namin si Thrianne. Patuloy nya lang pinupunasan ang sarili, saka matalim na tumingin sa mga nagbuhos sa kanya.

"Ano masarap ba? Pasalamat ka may libre ka ng chocolate, umagang- umaga pa lang, well hindi lang yan ang aabutin mo kapag may nangyari pa kay Jehri"

"Thank you" sinserong aniya ni Thrianne. Nanlaki lang ang mga mata nila. Maya-maya'y mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan ng babae at dinukwang ang mukha. Sinubsob nya ito ng malakas sa sahig.

"Oh my god!! What is she doing!"

"She's Athena! Now is really going to war! Lagot sya kay Gary!"

"G-Gary?! Si Gary Disinsyon?Hala teh awatin na natin! Sigurado hindi lang yan ang aabutin ni Thrianne kapag nakita ni Gary ang nangyari sa syota nya!" anang Pringles. Naguguluhan man din ako ay sumunod na lang din ako. Bago pa man ako makalapit ay may sumipa sa likuran ko.

"Wag kayong makisali dito!" sigaw ng kasama nyang lalaki.

" Kayo ang dapat kong sabihan nyan! Bat kayo nakikisali?! Ang gulo nila Thrianne at Jehridale ay gulo lang nila! Hindi nyo kailangang makisali! Masyado kayong pakielamero!" buong lakas loob kong sigaw ng dukwangin nya ang leeg ko.

"Ganoon? E di sige! Isasali na rin kita, tutal pare-pareho kayong losers sa campus!"

"Hoyy! Tama na please!! Tama na!" pagmamakaawa ni Rangie sa lalaking sumakal sa akin. Pahigpit iyon ng pahigpit!

"Hoy ikaw!" marahas na sigaw ni Thrianne sa lalaking ito. "bitawan mo sya..." maawtoridad nyang sabi.

"At bakit ako makikinig sayo?!"

"Dahil hindi mo magugustuhan kapag ako ang sumakal sayo kaya bitiwan mo sya"banta nya pa. Sinubukan kong silipin ang babaeng naiuntog nya sa sahig. Puro dugo ang ilong nya.

"I will sure you're gonna pay for this bitch!" sigaw pa nung babaeng nabugbog ni Thrianne.

Hinarap ni Thrianne ang babae at inapakan ang mukha!

"P-Pringles, tawagin na natin si Senior Adrian! Dali!" aniya Rangie at hinawakan na si Prince dahil nanginginig din sya sa takot.

Matapos gawin ang pang-aapak sa mukha, masama ang titig nito sa lalaking kanina pa sumasakal sa akin. Masakit ang sakal nya at talagang hindi na ako makahinga.

Walang alinlangang sinugod ni Thrianne ang lalaking ito at malakas na sinipa ang mukha dahilan para marahas akong mabitawan. Napahiga ako sa sahig.

Pinilit kong silipin ang ginawa nya. Nilapitan nya ng dahan dahan ang lalaki at ng makalapit ay kinwelyuhan ito.

" Kung sinuman ang nag-utos sa yo na gawin mo to, sabihin mo sa kanya na hindi ako natatakot, kinalulugod kong tanggapin ang imbitasyon nya patungong impyerno..." mahinahon nyang aniya.

Kinakitaan ko ng takot ang lalaking sumakal sa akin kanina at patakbo na syang umalis sa lugar. Nang matapos ang lahat ay lumapit sa akin si thrianne na parang walang nangyari rin sa kanya.

"Okay ka lang ba?"

"O-Oo"

" Sinabi ko na sa inyo, wag kayong sasali sa gulo ko, kaya ko ang sarili ko"

"Pero, hindi ko na kase kayang pumikit na lang, kahit hindi ko kayo gaanong kilala, mas gugustuhin ko na lang na masaktan kaysa manahimik na lang kapag may nabubully dito.."

Hindi sya nakaimik. Inalalayan nya ako na tumayo. Hindi maialis sa mga tao ang inis na tingin nila sa amin.

"A-Anong nangyayari dito?!"rinig kong sigaw ni Senior Adrian.Lumapit siya sa amin. Saglit silang nagkatinginan ni Thrianne saka muking bumaling sa akin.

"Are you okay?"

"Y-Ye--"

"No, she's not" sabat ni Thrianne.

"S-Senior--"nagulat ako ng buhatin ako ni Senior Adrian.

"Kailangan natin siyang ipasuri sa clinic, sigurado nashock sya Senior" pagpapaliwanag ni Thrianne. Nagkatinginan muli sila ni Senior, pareho silang bumuntong hininga.

"Magpalit ka ng damit, pumunta ka sa office ni Prof. kapag nakita ka nyang ganyan ang itsura mo hindi ko na alam kung pano magpapaliwanag"

"Sige" yun lang at tinalikuran na nya kami. Hindi sya sinundan ni Rangie.

Weird?

Tinungo na namin ang clinic sa gitna ng kaguluhan.

Jehridale's POV

"Grabe pati si Allison dinamay men, tsk tsk"

"Oo nga eh, nakakainis.."dinig kong bulong ni Tim. "sana ok lang sya.."

"Yiee nagaalala sya hahahahaha!"

"S-stop it! Tsk, babae din yun, dapat hindi sya sinaktan"

"Bat ka ba nagaalala dun, crush mo sya no?" sabat ko. Natahimik ang dalawa.

"Nakita mo yun no dude? Sobrang gulo kanina! Yung moves ni Athena! Para syang nasa movies!" pag-iiba ng usapan ni Airon

Nakabusangot ang mukha ko sa lungga namin. May sariling dorm ang The 5 kaya kapag wala pa ang prof ay dito na lang kami tumatambay. Tinatawag namin itong Catio Mania.

"Hindi normal ang kilos nya, did you see? Parang sanay na sya sa laban" well dahil observant si Tim ay ganyan sya kapag may napapansin.

"Oo nga eh, masyado syang kampante sa bawat atake niya, kahapon yung pagsapak niya kay iceburg, ngayon yung nangyari kay Vanessa, hindi ko kilala kung sino yung guy na sumakal kay Allison"

Kung tama ang nakikita ko kanina, yung mga ginawa ng babaeng yun ay iba sa pangkaraniwang babae, weird sya as in..

Ano namang pakialam ko sa kanya?! Hindi pa ko nakakaganti sa ginawa nya sakin ah! Yari sya sakin hehe..

"Kilala ko sya, kanang kamay siya ni Gary, yung sikat na basagulero dito bukod kay Jehri, kasama nya lagi si Vanessa" pagpapatuloy ni Tim.

"Sino yun?"

"Si Bricks"

Bumaling sa akin si Airon,"Hey idiot!"

Sinamaan ko sya ng tingin,"What?!"

"May kinalaman ka ba?"

Hmm, ayaw ko munang sabihin kaya.."What?! Tsh no" todo tanggi ko. Sinuri nya ang mukha ko at tumango tango.

"Okay"

Kringggg--

-Aoko Calling--

"H-Hello"

"Hi Jehri? Nasaan na kayo? Wala kayo dito sa canteen"

"Ah, nandito kami sa lugar namin, punta ka na lang dito..miss na kita eh, ah-I mean, namin! Hehehe!" pautal utal pa ko. Wala sa sariling napangiti ako.

"Miss ko na rin kayo eh, sorry nga pala ah absent ako nung nakaraan, teka magoorder lang ako tapos punta na ako dyan"

"Sige sige"

Waaaaaaaa......

Hindi ako kinikilig, sadyang masaya lang dahil narinig na ulit kita mahal kong.. Aoko...

"Uyyy,inspired si Iceburg!" kutya ni Airon.

"Sa wakas pumasok na ang aking Aoko! Teka may alam ba kayo na dahilan kung bakit sya umabsent? Ilang araw ko kase syang hindi matawagan, baka lang kase alam nyo"

"Ewan ko, ang alam ko may importante silang nilalakad sa Amerik--"

"Amerika?! Bakit hindi nya sinabi sa akin?!"

"Hoy Dude! Hindi mo sya girlfriend! Wag kang umasta ng ganyan hahahahah!"

"Hi guys!" masiglang bati ni Aoko. Sinamaan ko ng tingin ang dalawa.

"Bakit hindi kayo pumasok?"

"Absent ang dalawang prof namin, mamaya pa kami papasok"

"Kamusta na kayo, anong pinagkakaabalahan nyo habang wala ako?"

"Ah, masaya naman hahaha" pilit na ngiti ni Airon. Tinabig ko sya.

"Oh talaga? by the way, kamamatay lang ng Grandfather ko, sa Amerika kase sya nailibing kaya hindi na ako nakapagpaalam sa inyo na aalis muna ako ng ilang araw, bawal ang cellphone sa amin"

"Condolence nga pala"

"Nakikiramay kami,pasensya na kung hindi kami nakasama doon"

"Hindi ayos lang, biglaan din kase yun, hindi ko rin inexpect na mangyayari yun.." malungkot na aniya.

"Siya nga pala pupunta ka ba sa party ni Shin sa Sabado?"

"Oo naman, ikaw Jehri?"

Siniringan ko silang dalawa. Wala silang nababanggit tungkol dito.

" Sasabihin sana namin sa kanya kaso andaming nangyari kaya nakalimutan namin hahahaah"

"Ganyanan pala, nagkakalimutan na!" kunwaring tampo ko.

" Hoy iceburg, ngayong alam mo na syempre kailangan todo porma ka, hindi ka pwedeng magpatalo kay Shin, kailangan litaw ang pagiging Hades--" siniko sya ni Tim.

Nginiwian ko sila,"Syempre ako pa! Hindi pwede mawala ang isang Jehridale sa kahit saang okasyon!"

Natawa si Aoko bago nagsalita," Eh si Nath?"

" Alam ni Nath yun, uuwi din sya sa Sabado, sakto kaseng natapos na yung gusot sa kanila" si Tim.

" Yes! Buo na ulet tayo!"

" Masaya ako para sa inyo boys!"

Masaya kaming kumain. Hindi maiiwasan ang kantayawan ng dalawa sa amin ni Aoko. At dahil wala namang malisya sa kanya ay ok lang sa kanya. Saglit kong nakalimutan yung babaeng nakakainis.

"Anyway, may nabalitaan ako dito na freshman na binully mo kahapon" singit ni Aoko. Ano ba yan! Nakalimutan ko na nga eh ipaalala na naman.

"Sinabuyan mo ng noodles at harina? Grabe ka, babae pa man din sya, hindi ka naawa?"

"Aoko, Ang pangalang Jehridale ay hindi naaawa sa mga nabubully nyan, in short, childish na demonyo" tahasang sambit ni Tim. Natawa silang tatlo. Open na open ang usapan nila dahil nalalaman ni Aoko lahat ng pinangagagawa ko rito sa SMU.

"Kunsabagay, hindi na yata magbabago ang isang ito, simula pa nung mga bata pa kaming tatlo ni Shin ay ganyan na ganyan sya. Nayayamot si Ate Nica sa ugali nya! Naalala nyo yung nahulog sya sa putikan kase sinisipa nya yung kahoy doon sa may bangin? Nakakatawa yun eh!" pagbabaliktanaw nya. Naalala ko nga ang araw na yon, kung saan ay nakakayamot na maalala.

"Oo! Diba nung highschool tayo non? At nung sumali ka sa beauty contest, todo cheer up ang loko, binangga nya yung mga hurado kase hindi ka daw nya makita! Hahahahahahaha!"

"At syempre ang hindi makakalimutan ay yung nadulas sya sa bahay nila dahil may nakita syang ipis sabi ng ate nya hahahahahhahahahahahaahahahaha!" napalakas ang hagalpak ng tawa ni Airon kasunod ng iba. Binato ko sya ng unan.

"Manahimik ka na tch--"

Napabalikwas ako ng marinig ang ringtone sa cellphone ko. Nagpaalam muna ako sa kanila bago ko sagutin ang tawag.

"The Badass One!Nakit mo ba yung ginawa namin kanina?!"

"Oo, at gusto ko pahirapan nyo pa yan" yun lang ang sagot ko at bumalik muli sa loob ng makita ang babaeng nakasapak sa kin kahapon.

Nilapitan ko iyon at ng subukan kong hawakan ang balikat ay kinuha ang kamay ko ng mabilis at pabagsak na hinulog sa sahig!

Napasama ang bagsak ko dahil ang mukha ko ang naisubsob!

"A-araaayyy!!"

"Hindi mo ko masasaktan! Akala mo sakin madaling mapapatumba? Ugok ka!"

Pilit akong nagpupumiglas sa kanya. Napahiyaw na lang ako sa sakit!

Continue Reading

You'll Also Like

63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
1.6M 27.4K 52
Just give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA
25.6M 855K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
152K 4.8K 51
[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017