Out of Sight, Out of Mind (Em...

By whatyasey

179K 4.7K 1.3K

EMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get thr... More

Out of Sight, Out of Mind
Story Guide:
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Empire Series Self Publish

Chapter 28

2.9K 91 46
By whatyasey

"JEN, TEKA lang! Mag-usap tayo," tawag ko sa kanya. Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa sala. Hinawakan ko 'yong braso niya para pigilan siya.

"I don't want to talk to you, Ate," sabi niya. Hinatak niya paalis 'yong kamay niya, pero mabilis ko siyang hinawakan uli.

"I love him..." I blurted out.

Napatigil si Jen, pero hindi pa rin niya ako tinitingnan. My eyes were starting to water again.

I just want to love him... 'yon lang naman ang gusto ko. Na mahalin si Arlo nang walang problema. Na walang nasasaktang iba

Pinunasan ko 'yong mga luhang pumatak, "I love him so much, Jen... that I feel like I'm going to lose my mind because I keep hurting him and he doesn't deserve it," sabi ko. "Gusto ko lang naman siyang mahalin pero bakit ang hirap-hirap?"

Tiningnan ako ni Jen. Namumula 'yong gilid ng mga mata niya. "You don't love him!" sagot niya. "Hindi mo siya mahal dahil alam kong mahal mo pa rin si Kuya and I know that you're just using that guy to forget Kuya!" sigaw niya.

Nagulat ako dahil ngayon ko lang nakitang magalit si Jen.

"Mahal ko ang kuya mo at hinding-hindi mawawala 'yon pero—"

"Exactly! You love Kuya Nate, so stop using that guy to fill the emptiness in your heart!"

"I'm not using—"

"Stop denying it! You're just using him! You will never love him the way that you loved Kuya because he's nothing compared to my Kuya Nate!" sigaw niya.

Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. "Arlo's your brother too!" sigaw ko.

Nanginginig ako sa galit. How could she easily judge him when she didn't even know him completely?

Her eyes widened in shock. Hindi ko alam kung dahil ba sa sampal ko o dahil sa sinabi ko.

"I-I'm sorry..." Nagulat ako sa nagawa ko, pero walang katumbas 'yong sakit at galit na nararamdaman ko dahil sa mga sinasabi niya.

"You promised that you would never hurt us because we're your family, but look what you're doing now..." Jen said it in despised.

"Mahal ko kayo and I'm sorry kung nasasaktan ko kayo pero hindi ko ginusto 'to, Jen. Hindi ko ginusto na saktan kayo, dahil alam n'yong sobrang mahal na mahal ko kayo,"

"But you love him more than you're willing to lose us. You love that guy more than you love your family!" matigas na sabi niya.

"I know you're just hurting, kaya mo nasasabi lahat 'yan, pero alam kong mabuti kang tao. Arlo is very important to me and if you could just give your brother a chance to prove that to you..." Lalapitan ko sana siya, pero agad siyang humakbang paatras habang paulit-ulit na umiiling.

"I don't believe you. He's not my brother! You're just lying. Hindi 'yan totoo!" sabi niya bago tumakbo palayo. Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto ng kuwarto niya.

Napaupo na lang ako dahil sa mga nararamdaman ko. Masakit ang ulo ko, pero mas masakit 'yong nararamdaman ko sa dibdib ko.

Alam kong nahihirapan si Jen sa mga nangyayari at alam ko na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang tanggapin na wala na ang kuya niya.

Hindi ko ginustong saktan sina Jen at Tita Mommy. I would never hurt them intentionally. I loved both of them dahil pamilya ko sila. Pero paano naman ako? Hanggang kailan ko hahayaan na masaktan ang sarili ko para lang sa kasiyahan nila?

Hanggang kailan ako magtitiis?

Buong buhay ko ang pangarap ko lang ay magkaroon ng sariling pamilya. 'Yon lang, sobrang sapat na para sa 'kin. Hindi ako naghangad ng mas magandang buhay o mas magandang trabaho o yumaman. Dahil ang tanging gusto ko lang ay magkaroon ng pamilya. Na makakasama kong kumain sa araw-araw. 'Yong mapag-sasabihan ko tungkol sa nangyari sa araw ko. 'Yong alam kong nasa tabi ko lang at handang suportahan ako.

Just thinking about losing my family—again—I felt like my heart was getting stabbed thousand times. Sobrang sakit pero alam kong mas makakabuti 'to para sa lahat.

I knew leaving them was the hardest thing to do, but I neeedd to regain myself. I needed to love myself again. I needed to be whole again... dahil pakiramdam ko, sobrang wasak na wasak na ako. When Nate died, I lost half of myself, and it took me a year before I got to fix it. At ngayon na buo at handa na ako uli, saka namang unti-unti na naman akong nawawasak.

Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos o maligo kahit na amoy-alak pa rin ako. I packed all my stuff in my luggage bags. I looked at my room one last time before heading out. I wrote a good-bye letter for them and put it on the dining table.

Alam kong mali na sinabi ko kay Jen na kapatid niya si Arlo. Kaya hahayaan ko na lang na si Tita Mommy na ang bahalang magsabi lahat kay Jen kapag nakauwi na siya. Alam kong kailangan marinig mismo ni Jen sa nanay niya ang buong kuwento dahil wala akong karapatang pangunahan siya dahil hindi ko naman 'yon kuwento.

Sana lang ay maintindihan ni Jen lahat. Sana rin matanggap niya sa tamang panahon na hinding-hindi ko makakalimutan ang kuya niya kahit na nag mahal ako ng iba.

Sobrang bigat sa pakiramdam that I couldn't stop crying hanggang makasakay ako sa Grab na na-book ko. I looked like a mess. I felt so weak, but I knew that I have to be stronger.

I am all alone now.

I only have myself and I have to do this alone.

###

Six months later...

I groaned when I heard my phone ringing. I reached for my phone while my eyes were still closed.

Sino ba 'tong tumatawag na 'to?! Ang aga-aga pa!

"Hello?" I lazily said

"Are you still sleeping?'

"Yes, duh!" I rolled my eyes kahit na nakapikit ako. Ang aga namang mambulabog ng taong 'to!

"It's nine already! Bangon ka na diyan. We'll be in your apartment in ten minutes. See you!" sabi ni Parsley bago mabilis na ibinaba ang tawag.

Wala akong nagawa dahil alam kong paparating na sila ni Herb kaya bumangon na agad ako at mabilis na naligo. Napuyat ako kagabi dahil nanood ako ng maraming videos sa YT kung paano mape-perfect 'yong strawberry cheesecake.

Baking was a unique activity that had the potential to combine both creative expression and social connections, according to my psychiatrist. Baking could also promote a happier and more energetic lifestyle. It could also aid in the reduction of stress and anxiety.

It had been four months since I began baking, and I was a living proof that it really could help a person lot. Hindi naman mawawala permanently 'yong stress sa buhay, but at least ngayon, alam ko na kung ano ang puwede kong gawin para ma-control 'yon.

Mahigit anim na buwan na simula nang umalis ako at kalimutan lahat para makapagsimulang mag-isa. Hindi naging madali dahil hindi madaling kalimutan at iwan ang lahat. Parte sila ng buhay ko pero kinakailangan kong gawin para na rin sa sarili ko.

Nobody knew where I was and where I moved. Ang tanging nakakausap ko lang ay si Gael pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung nasaan ako. Ayaw kong sabihin dahil alam kong kapag nalaman niya ay makakarating agad 'yon kay Arlo.

At hindi pa ako handa. I needed more time to fix myself.

I resigned from my position as a wedding coordinator at Waldorf's. It was difficult for me to quit my job, but I have no choice. Everything in my life must be restarted. I needed to change my entire lifestyle, including my job and... hair color.

I relocated to Batanes and made new friends. People were extremely nice to me. The view was also breathtaking. Araw-araw, parang lalong gumaganda ang tanawin dito.

Nangungupahan lang ako sa isang apartment, hindi man malaki kagaya ng dati pero komportable ako at sakto lang sa 'kin. May isang kuwarto lang ito pero nandito na halos lahat ng kailangan ko.

Then, I met this woman. She was a psychiatrist. We became friends and helped me a lot to learn and improve myself. Nagkikita kami once a week for a two-hour session. Nag-aral akong mag-bake because she recommended it.

Then I also met the twins—Parsley and Herb. At simula nang makilala ko sila, halos araw-araw nila akong pinupuntahan sa apartment para daw may kasama ako.

Si Parsley ang mahilig mag-bake at si Herb naman magaling sa pagluluto. May negosyo ang pamilya nila na bakery at karinderya at doon ako nagsimulang magtrabaho. Mababait ang magulang nila at para na nila akong anak kung ituring.

Hindi ko inakala na may makikilala akong bagong pamilya na ituturing akong kapamilya. Malaki pa rin ang utang-na-loob ko kina Jen at Tita Mommy pero alam kong mas mabuti na umalis ako sa poder nila, para na rin sa ikabubuti ng lahat.

Bumalik lang ako sa Maynila noong dinalaw ko si Nate noong second death anniversary niya. Kasama ko si Herb dahil gusto raw niyang makapunta sa Maynila kaya pumayag na rin ako. Nagdala lang ako ng bulaklak sa puntod ni Nate, 'tapos ay umalis na rin dahil natatakot ako na may makakita sa 'kin. Limang araw lang kami sa Maynila ni Herb at si Gael lang din ang kinita ko.

Miss na miss ko na rin si Arlo pero hindi ko alam kung handa na ba akong makita siya uli ngayon. Six months simula nang huli ko siyang makita. Alam kong marami akong kasalanan sa kanya pero hinding-hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin noon.

That was one of the best nights of my life.

Minsan tinitingnan ko pa rin 'yong IG account niya pero puro sunsets and sceneries lahat ng post niya. Nawala na rin 'yong mga pictures ko roon. In-unfollow ko na rin kasi siya sa account ko, saka ako nag-private.

Noong unang buwan ay para akong bata dahil hindi ko alam kung saan ako nagsisimula. Ilang beses sumagi sa isip ko na bumalik na lang ng Maynila dahil nahihirapan ako. Na sobrang hirap maging mag-isa sa buhay. May mga gabi na tatawagan ko si Gael, 'tapos pakikinggan lang niya akong umiyak hanggang sa makatulog ako.

Hirap na hirap ako... pero kinaya ko.

Kakayanin ko para sa sarili ko.

"Ano ba naman 'tong kusina mo parang binagyo!" Parsley said nang dalhin niya 'yong mga dalang ingredients sa kusina ko.

"Huwag mo ngang inaaway si Cara, ang aga-aga!" pagtatanggol naman sa 'kin ni Herb.

Tumatawa lang ako dahil kahit kambal 'tong dalawang 'to ay parang never nagkasundo. Naaalala ko tuloy sina Gael at Atlas sa kanila dahil walang araw na hindi sila nagbangayan.

Miss na miss ko na sila.

"Sagutin mo na nga 'tong kapatid ko, Cara, para hindi na kontrabida sa buhay ko!" sabi ni Parsley.

Tinawanan ko na lang siya. Binato naman siya ni Herb ng pamunas sa mukha at nagsimula na naman silang mag-away. Minsan hindi ko alam kung nagkakasakitan na ba sila ng totoo o sadyang ganyan silang magbiruan na magkapatid.

Inayos ko na lang 'yong mga gamit sa kusina dahil sa sobrang pagod ko kagabi at basta na lang ako nakatulog.

"Cara, samahan mo naman 'tong kapatid ko na bumili ng vanilla sa grocery at baka maligaw pa!" sabi ni Parsley, sabay irap sa kapatid niya. Binelatan naman siya ni Herb.

Napailing na lang ako sa dalawang magkapatid. "Okay, magbibihis lang ako sandali," sabi ko.

Si Herb lang ang marunong mag-drive sa amin kaya palagi siyang kasama ni Parsley kahit madalas, eh, nag-aaway lang naman sila.

Bumili lang kami ni Herb sa grocery ng vanilla, 'tapos dumaan na rin kami sa gasolinahan.

Napatingin ako sa bintana sa sasakyan. Sobrang ganda talaga dito sa Batanes. Marami kaming memories ni Arlo dito, pero pinili ko pa rin na dito tumira dahil sobrang minahal ko talaga 'tong lugar na 'to.

"Herb, labas lang ako sandali, ah. Tawagan mo na lang ako pagtapos ka na," paalam ko sa kanya.

Nag-thumbs-up naman siya sa 'kin habang nagkakarga ng gas sa sasakyan.

Tumawid ako sa kalsada at nagpunta sa may malapit na beach. I quickly took a picture of it.

Sobrang ganda. Tirik na tirik ang araw.

Ang dami kong kinuhang pictures pero hindi ako nagpo-post sa IG dahil baka makita nina Gael. Maglalakad na sana ako pabalik nang mapansin ko na may taong nakatayo sa gilid ko. Akala ko pinuntahan ako ni Herb para sunduin, pero agad akong napahinto nang makita kung sino 'yong nakatingin sa 'kin.

Nanlaki 'yong mga mata niya nang humarap ako sa kanya. "Cara?" sabi niya habang gulat na gulat na nakatitig sa 'kin.

W H A T Y A S E Y

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 222K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
109K 4.9K 43
What will happen if a nephilim or a half human and half angel fall in love with a demon? Will she embrace his downfall to win his heart despite thei...
989K 29.5K 48
Thiarah Celestina Dela Vega went to Manila to change her life. Sa tulong ng unang tao na nagparamdam sa kanya kung ano ang pamilya. Her world turn u...
28.9K 1.2K 45
[COMPLETED] LA VISTA SERIES #3 Evorie Tatum R. Luneta lives within papers, books, school, and lectures. For years, her life has been boring like no o...