Jeydon Lopez

By blue_maiden

469K 14.6K 10.9K

This is my life... Jeydon Lopez is the epitome of the word 'bad boy'. He doesn't care about girls and romance... More

Announcement to Wattpad Originals
Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 4

16.8K 691 521
By blue_maiden

WALA SI ISAAC SA MGA KLASE NAMIN.

Nakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko sa kanya. Hindi naman pala siya totoong two-timer. Isang maling akala lang ang lahat.

Hindi ko rin alam kung bakit nag-assume agad ako. Siguro dahil nagtagpi-tagpi ang lahat para maisip kong magkasintahan sila ni Bee.

Malas talaga. Ngayon tuloy, bad shot na bad shot na ako kay Bee. Ayaw na niya akong makausap at maski nga makita ako, ayaw na niya.

Napabuntonghininga na lang ako.

Bakit ko ba kasi siya pinoproblema? Ang dami namang nagkakandarapa sa akin sa school. Sa lahat, bakit ba kasi siya pa 'yong nagustuhan ko?

Love moves in weird ways nga talaga.

Nag-vibrate 'yong phone ko at nag-text na naman si Troy. Ano na naman kayang pangungulit 'yong gagawin niya ngayon?

From: Troy
Pre, kalat na sa Facebook yung video na sinuntok ka ng babae! Search mo sa fb, "Jeydon scandal"

From: Troy
Pag-usapan natin mamaya sa condo ko. Madami kang kailangan ikwento sa amin

Anak ng! Sinong lapastangan ang nag-video n'on? Malilintikan talaga siya sa 'kin! Baka lahat ng galit at inis ko ngayon, sa kanya ko ibuhos!

Isa pa, bakit scandal ang kailangan kong i-search? Hindi naman sex scandal 'yong video na 'yon!

Sinearch ko sa Facebook 'yong Jeydon Scandal at ayon nga 'yong caption ng video. Nasa taas ng building 'yong kumuha. Hindi malinaw ang mukha namin dahil nasa itaas ang kuha pero malinaw ang pagtawag sa 'kin ni Bee na Jeydon Lopez.

Tiningnan ko 'yong nag-post ng video, isang page na may pangalan na Xavier U secret files. Hindi ko tuloy ma-track kung sino 'yong lapastangan na kumuha at nag-post ng video na 'to.

To Troy:
Di ba magaling yung mga nag wo-work sa casino n'yo? Ipa-trace mo nga yung nag-post ng video na yun para mabigyan ko nga leksyon! Mag-cut class na ako by 11AM. Kita tayo sa condo mo.

Ang daming shares at comments ng video. Sigurado akong kalat na sa buong school 'yong nangyari. Tuwang-tuwa siguro 'yong mga inis sa akin at 'yong mga nalagay ko sa Hunt's List.

Malaman ko lang talaga kung sino ang may pakana nito, humanda siya sakin! Papaluhurin ko siya sa harapan ko.

Hindi nila pwede ganituhin ang isang Jeydon Lopez.

Hinintay ko muna matapos 'yong second class bago ako pumunta sa condo unit ni Troy sa tapat lang ng school. Ito ang tambayan ng Phoenix—grupong binuo ko para lang sa aming APAT: Charles, Marky, Troy, at ako. Habang tumatagal ang grupo, may mga sinali na rin kaming iba kagaya nina Ginno pero mas solid pa rin kaming APAT.

Nauna kaming dalawa ni Troy sa tambayan. Iniisip ko pa nga kung magka-cut ng class si Marky. Seryoso siya sa pag-aaral dahil ayaw niyang ma-disappoint ang parents niya.

Kaming tatlo nina tanda, walang pakialam sa grades namin.

Wala naman sa 'kin kung ma-disappoint ko sina Dad dahil kahit naman sila, palagi kaming dini-disappoint na magkakapatid.

"Ano pre, balak mo na bang ikwento 'yang tungkol sa babae na 'yan? Siya rin ba 'yong naghahanap sa 'yo kagabi?"

Ayoko muna talaga magkwento pero wala naman na akong choice. Nakita na rin nila 'yong video. Isa pa, kailangan ko 'yong tulong nila.

Hinintay muna namin 'yong dalawa bago ako magsimula dahil ayoko na mag paulit-ulit ng kwento.

Akala ko, hindi darating si Kie pero sabay sila ni Tanda na dumating.

"Scandal talaga, Jeydon?" bungad ni Charles.

"Ano ba talagang nangyari, JD?"

Huminga ako nang malalim bago nagkwento.

"Si Bee 'yong babaeng naghihintay sa 'kin kahapon at siya rin 'yong sumuntok sa akin kanina."

"Sino si Bee?" sabay-sabay nilang tanong.

"Siya 'yong nakasabay ko sa detention room noong nakaraan tapos akala ko, bagong girlfriend siya ni Isaac."

Sumingit si Tanda. "Siya ba 'yong boyfriend nung Sarah? 'Yong naipit sa gulo namin at iniwan ng lalaking 'yon?"

Tumango ako. Yup, he's that guy.

Gusto ko ikwento sa kanila ang lahat pero gusto kong itago ang totoong may gusto ako kay Bee. Ayokong isipin nila na rejected ako sa babaeng gusto ko. Alam kong hanggang pagtanda namin, ipang-aasar nila sa 'kin 'yon.

"Uhm . . . nagyayabang kasi sa 'kin si Isaac kahapon about sa girlfriend niya, na mahal na mahal daw siya, kaya nairita ako at pinilipit ko 'yong kamay niya. Tama, ayon 'yong dahilan."

Hindi ako tumitingin sa mata ni Marky. Mahuhuli niya agad na nagsisinungaling ako. Ang totoo naman kasi talaga, nagselos ako kaya ako nainis.

"Sa lahat ba naman ng yayabangan niya, isang Jeydon Lopez pa? Kaya ayan, namaga tuloy 'yong kamay niya. Pagkatapos, nalaman ni Bee kaya galit na galit sa 'kin."

"Okay, kaya pala galit na galit siya. Parang mangangain nga siya kahapon, e. Buti sana kung ibang bagay 'yong kakainin niya sa 'yo."

Ngumisi pa talaga siya.

Sabay-sabay naming binatukan si Troy. Minsan talaga, panay kabastusan ang nasa isip niya. Seryoso na nga ako rito, e.

"So, bakit mo sinuntok si Isaac kanina? Dahil nagsumbong siya kay Bee?" tanong ni Marky.

Matalino si Marky, madali niyang nabubuko kapag hindi ako nagsasabi ng totoo. Sa kanilang tatlo, siya ang mas nakakabasa sa akin.

"Uhm . . . hindi, kasi . . . akala ko pinagsasabay niya 'yong dalawang babae, si Sarah at si Bee, kaya ayon. Nainis ako kaya tinuruan ko siya ng leksyon kanina."

Nagkatinginan silang tatlo pagkatapos sabay-sabay silang tumawa.

"May gusto ka kay Sarah?" sabay na sabi ni Troy at Charles.

Mas lumakas ang pagtawa ni Marky. Sabi ko na nga ba, mababasa niya pa rin talaga ako.

"Anong Sarah? Alam n'yo ang hina n'yo talaga. Sabihin n'yo, doon siya kay Bee may gusto."

Nanlaki 'yong mata nung dalawang mokong. Ang tagal ko na silang kaibigan pero si Marky lang talaga ang kasido ang galaw at ugali ko.

Masyado kasi silang busy sa babae o sa rumble.

"I can't blame her, that girl is really something. I think I like her too."

Sinamaan ko ng tingin si Kie. H'wag niyang sabihinng seryoso siyang natitipuhan niya rin si Bee. Ako naunang nagkagusto sa kanya kaya backoff na siya.

Lumapit sa 'kin si Troy at ngising-ngisi siya. Siya talaga ang numero unong malakas mang-asar sa 'kin.

"Umuusok 'yong tainga ni Jeydon nung sinabi mong gusto mo rin si Bee. Paano pa kaya kapag sinabi kong type ko rin siya?"

Tinulak ko palayo si Troy. Wala akong panahon sa mga pang-aasar nila sa 'kin. Problemado na nga ako dito, e. The least they can do is to tease me.

"Ayan 'yong rason kaya ayoko magsabi sa inyo, wala akong makuhang maayos na sagot sa inyo."

"Ito kasing si Troy panay kalokohan," sambit ni Charles. "Seryoso na tayo dito, ano pre, banatan pa natin 'yang Isaac na 'yan para layuan na niya 'yang si Bee."

Napabuntonghininga ako. Sa kamalasang palad, hindi na maghihiwalay 'yong dalawang 'yon. "Pre, ito nga 'yong plot twist ng kwento. Magkapatid pala 'yong dalawa. Kaya galit na galit sa 'kin si Bee kasi sinaktan ko 'yong nakababata niyang kapatid. Ang girlfriend na pinagyayabang talaga sa 'kin ni Isaac ay si Sarah."

Sabay-sabay silang nag "oh shoot" face. Ganyan din 'yong reaksyon ko, mas malala pa nga ata.

Oh, shoot talaga. "Hindi ko nga alam paano ko i-redemption 'yong sarili ko kay Bee ngayon."

Habang seryoso ako at problemado, ito, pinagtawanan na naman nila ako. Ano ba'ng problema ng mga 'to?

"JD, ayusin mo muna 'yang grammar mo bago mo ma-redemption sarili mo kay Bee." Tawang-tawa pa rin si Troy. Ano ba'ng mali sa sinabi ko?

"Ay, redeem nga pala 'yon pre, hindi redemption."

Minsan talaga namamali-mali ako sa grammar, pero nadadala ko naman minsan kaya hindi halata. Isa pa, pogi naman ako kaya kahit mamali man ako, ayos lang. Bawing-bawi naman sa itsura ko.

Pero sa personality ni Bee, mukhang kailangan ko na nga talagang ayusin nag grammar ko. Parang ang strict kasi niya sa mga bagay-bagay. Well, ayos lang naman sa 'kin dahil isa 'yan sa mga nagustuhan ko sa kanya. Gusto ko 'yong palaban at hindi nag papa-under sa akin.

Gusto ko, ako 'yong ina-under.

"Sigurado ka na ba sa kanya? Talagang gusto mo siya?" tanong ni Marky. "Kasi kung oo, gawan natin ng paraan para magkaayos kayo."

Suntok sa buwan na magkagusto ako sa isang babae kaya alam kong totoo 'tong kay Bee. Dine-deny ko lang sa sarili ko noong una dahil akala ko, wala na akong pag-asa sa kanya.

Kaso may pinagkaiba ba ngayon? Kahit wala siyang boyfriend, kinakamuhian naman niya ako.

"Tingin ko naman, seryoso 'tong kaibigan natin. Ngayon lang 'yan nagkaganyan, e. Ito ata 'yong unang beses na nagkagusto talaga siya sa isang babae," singit ni Troy.

Sa totoo lang, hindi ito 'yong unang bes dahil kahit bata pa ako noon, masasabi kong 'yong batang Candice talaga ang unang babaeng nagustuhan ko.

Pero nasa ibang bansa na siya at hindi ko nga alam kung magkikita pa ulit 'yong landas namin.

Ang importante ay 'yong ngayon, 'yong kay Bee.

"Iba talaga 'yong tama sa 'kin nitong si Bee, mga pre, kaya nga nagkwento na ako sa inyo kasi gusto kong humingi ng tulong kung paano ako magiging good shot sa kanya."

Isa-isa silang nagtinginan sa kisame na para bang nag-iisip ng gagawin. Mag-pretend man 'yong dalawang mokong, alam kong si Marky lang talaga ang nag-iisip at siya at siya lang din ang makakaisip ng paraan.

Ang problema lang sa kanya, minsan ayaw niyang kumilos. Kaya ang aasahan ko naman do'n ay sina Charles at Troy. Kumabaga, si Marky ang utak, ako ang mukha dahil ako ang pinakapogi sa amin, si Charles ang katawan, at si Troy . . . siya ang palamuti.

"Ayusin natin kung paano ka naging bad shot sa kanya." Kagaya nga ng hula ko, si Marky nga ang nakaisip ng paraan. "Kung dahil sa pananakit mo kay Isaac ang dahilan, pwes, kailangan mong bawiin 'yon."

May point si Kie. Kailangan kong magpa-good shot kay Isaac dahil siya naman ang rason kung bakit gano'n na 'yong galit sa 'kin ni Bee.

Bukod pa do'n, matutulungan pa niya akong mapalapit sa ate niya. Malambot ang puso ng mga ate sa nakababata nilang kapatid. Alam ko 'yon dahil ganyan si Ate Jaycee sa 'kin.

"Oplan: pasayahin si bayaw!" sigaw ni Troy.

Kaya palamuti siya sa grupo na 'to dahil puro kalokohan 'yong naiisip at ginagawa niya pero siya rin naman 'yong nagpapatawa sa grupo kaya bawi na siya do'n.

"Alam mo, may naisip na ako," singit ni Charles.

First time niyang makaisip ng paraan sa problema ng barkdada. Madalas kahit problema niya, kami pa ang umaayos.

"Paano kung takutin natin si Isaac para ilakad ka sa ate niya? Tatakutin ko 'yon na araw-araw ko siyang bubugbugin kung hindi siya susunod sa atin. Ano sa tingin n'yo?"

Hmm . . . mukhang okay din naman. Lumingon ako may Kie para tingnan kung aprubado ba sa kanya ang naisip ni Tanda pero umiling lang siya.

"Alam n'yo, hindi uubra 'yang naisip mo, Charles. Kailangan maging okay talaga sila at matuwa sa kanya si Isaac."

Paano? Paano ba pasayahin ang isang nerd na katulad niya? Hindi ko nga alam kung ano'ng gusto niya. Sigurado akong hindi kami magkakasundo.

"Kailangan alam natin ang weakness and strength niya, para alam natin kung paano mapapalapit sa kanya."

Tama, 'yon ang dapat namin malaman. Sabi nga nila, get your friends close and your enemies to the fullest.

"So . . . change plan!" sigaw ni Troy.

Nilabas niya ang phone niya at may hinanap siya doon. Kakaiba 'yong ngiti sa mukha niya. Pinakita niya ang phone niya na may picture ni Isaac.

"New plan, Oplan tiktikan si Isaac!"

Troy Mendoza being Troy Mendoza.

Continue Reading

You'll Also Like

54.4K 1.4K 5
Sabi nga nila "kung kayo ay kayo talaga". Kahit gaano pa kayo pag hiwalayin ng mundo, ibabalik at ibabalik pa din kayo ng tadhana sa piling...
923K 30K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
60.1M 1.6M 89
Former title: In the Arms of Five Hot Jerks Ferell Series #1 - Dove She's like a beautiful dove, dressed in white feathers...caught by lies and secr...